Linggo, Agosto 21, 2022

Ang Yummy Kong Stepbrother (Yummier Than Ever) Finale Chapter 14

 




Ang Yummy Kong Stepbrother  (Yummier Than Ever) Finale

Chapter 14 - Natupad na Pangarap

 

Pagkapasok ng silid ay kaagad nag-charge ng kanyang CP si Andrew saka pumasok ng banyo para mag-shower.  Matapos makapag-shower ay kaagad kinuha ang CP at binuksan.  Sunod sunod ang tunog pagkabukas na pagkabukas pa lamang.  Maraming notification ang naglabasan, mga misscall uli buhat sa kanyang ama, kay Tita Marta at kay Diego.  Bigla ang kanyang kaba sa dibdib.  Minabuti niyang tawagan muna si Diego at alamin kung anong meron.

“Kagabi ka pa namin tinatawagan, magpahanggang ngayon.  Nasaan ka ba at hindi ka sumasagot sa text at tawag namin?”

Hindi na nakuhang magpaliwanag pa ni Andrew.  “Bakit?  May nangyari ba, magsalita ka,  anong nangyari?”

-----o0o-----

Maagang nakalapag ang sinakyang eroplano ni Andrew sa airport ng Cebu  Pagkalabas ng airport ay agad na itong sumakay ng taksi at nagpahatid sa kanilang tahanan.  Wala siyang imik, iniisip niya kung paano haharap sa daratnan.

“Narito na po tayo.” Wika ng driver.  Tila naman nagising sa pagkakahimbing si Andrew at kaagad na nagbayad at bumaba na sa sasakyan.  Tahimik lang sa labas ng bahay, marahil ay dahil sa maaga pa.  hindi siya kaagad makapasok gayong nakabukas ng todo ang malaking gate.  Pagpasok niya ay maraming silya sa may garahe. May mga mesa at medyo makalat at hindi pa nakapagwawalis man lang.  Parang ayaw na niyang tumuloy sa loob ng bahay, sumilip muna siya, tumulo na ang kanyang luha pagkakita sa isang kabaong na nasa kanilang sala.

“Daddy, daddy” salubong ng kanyang anak na si Claude na kaagad na umiyak.  “Patay na po si Tita huhuhu.”  Kaagad na kinalong niya ang anak at pinunasan ang luha sa mata.

“Andrew, nariyan ka na pala.” Wika ni Marta na siyang nakabantay sa patay.

“Opo Tita Marta, kararating ko lang po.  Pasensya na po at hindi ko kaagad na nalaman ang pangyayari.  Kasama ko po ang mga boss ko kagabi at naimbitahan ako sa isang party.  Hindi ko po alam na tumatawag kayo dahil nalimutan ko ang aking CP sa tinutuluyan naming apartment.  Hindi na po ako pinauwi dahil inabot na kami ng madaling araw at kinabukasan naman ay tinungo namin ang isang site na gustong idevelope ng may-ari.  May kalayuan po ang lugar at kailangan naming bumiyahe ng mga dalawang oras paparoon pa lang.  Gabi na rin kami nakabalik at doon ko lang po nalaman ang masamang balita.  Pasensya na po Tita.” Pagsisinungaling ni Andrew.

‘Huwag ka nang magpaliwanag, naunawaan ka naman namin.  Ang mahalaga ay narito ka na.”

“Tita, nasaan po si Melvin.”

“Pinagpahinga ko na muna at walang pang tulog simula ng dalhin sa ospital si Lerma.”

“Kumusta nga po pala ang baby.”

“Nasa ospital pa, binabantayan naman iyon ng nurse.  Ibinilin namin na pansamantala ay doon muna habang nakaburol pa si Lerma.  Mag-almusal ka muna, Claude, dito ka muna sa akin ha.  Andrew, ikaw na muna ang bahala ha, may pagkain naman sa kusina at may nagluluto doon.”

“Sisilipin ko muna si Melvin sa silid niya.” Saka siya tumalikod at umakyat na sa itaas.

Awang awa siya pagkakita sa kinakapatid, gusto niyang i-comfort, yakapin.  Batid niya ang sakit na nararamdaman dahil bakas pa sa pisngi ang pagdaloy ng natuyong luha.  Alam niya kung paano mawalan ng minamahal kung gaano kasakit, naramdaman niya iyon noon.

Naupo siya sa gilid ng kama at sinuklay ng kamay ang buhok nito.  Gusto sana niyang punasan ang natuyong luha sa pisngi kaya lang ay nag-aalala siyang magising ito.

“Magpakatatag ka lang Vin.  Kung nakaya ko ay kakayanin mo rin.  Narito lang ako at tutulungan kitang makalimot sa abot ng aking makakaya.” Pabulong niyang wika. Tumayo na siya para bumaba na, ng may kamay na pumigil sa kanya.

“Kuya, wala na siya huhuhu, hindi ko alam, wala akong alam na may dinaramdam pala siya kuya huhuhu.  Wala akong kwentang asawa kuya huhuhu.” Si Melvin na napabangon at humagugol na tangan ang kanyang mga palad.  Maagap naman na nayakap ito ni Andrew at inalo. 

“Kung ano man ang gusto mong sabihin ay saka na lang nating pag-usapan, ang mahalaga ay makapagpahinga ka muna.  Baka kung mapano ka na  niyan at ilang araw ka raw na walang tulog.  Baka ikaw naman ang magkasakit.  Matulog ka na muna, hayaan mong bantayan muna kita.  Sige na Vin, pakiusap.

Muli niyang ihiniga ang kinakapatid at tinabihan na ito sa pagtulog, pinunasan muna ang pisngi nito na basa ng luha.  Humihikbi pa rin ito hanggang sa mapanatag na ng tuluyan.

“Tinawag mo na ba si Andrew Edna.  Baka gutom na iyon.  Bakit ka umiiyak.” – si Marta na napansin ang pagiyak ng kasambahay/yaya.

“Naawa po ako kay Melvin, umiiyak na naman.  Mabuti at naroon si Andrew at napatahan siya.  Hayun po at pinatulog muna si Melvin, at tinabihan na muna sa higaan.” Ang tulo luhang sagot ni Edna.  “Hinayaan ko na po muna sila, hindi ko na po inabala muna si Andrew.” Patuloy pa niya.”

“Ganun ba.  Tingnan tingnan mo yung mga nagluluto ng pagkain ha, baka may kailangan pa.”

-----o0o-----

Tatlong araw at talong gabi pinaglamayan ang bangkay ni Lerma.  Maraming nakiramay, mga kasamahan ng namayapa sa trabaho, mga ka opisina ni Melvin, pamilya at mga kamag-anakan, kapitbahay at mga kaibigan.  Sa buong lamay na iyon ay hindi iniwan ni Andrew si Melvin, palagi itong nakaalalay hanggang sa ihatid na ang asawa nito sa huling hantungan.

Malaki ang pasasalamat ni Marta at naroon si Andrew dahil siya lamang ang kayang mapa kalma o mapahinahon ang anak.

Isang Linggo rin hindi nakapagtrabaho si Andrew.  Mabuti na lamang at napakiusapan niya si Diego na ito muna ang sa project kahit hindi pa tapos ang pag-stay niya ng Manila.

Inasikaso rin niya ang paglalabas ng sanggol sa ospital.  Nang makita ito ni Melvin ay labis labis ang tuwa sa malusog at sobrang cute na kanyang anak.  Agad nitong kinalong at bakas sa mukha ang walang kahulilip na kaligayahan.  Ngayon lang siya nakitang ngumiti mula ng mamatay ang asawa.

Hinayaan muna nilang masarili ni Melvin ang anak at iniwan muna sila.  Nasa sala sina Marta, Gener at Andrew maging si Edna na itinuring na nilang kapamilya.  Nag-usisa na si Andrew sa sanhi ng pagkamatay ni Lerma.

Kwento ni Marta, ang ina ni Melvin na inilihim ni Lerma ang tungkol sa kalusugan nito.  Mahina pala ang kanyang puso at may iba pang karamdaman kaya pinagbawalan siya ng kanyang doctor na magbuntis at magkaanak.  Hindi naman nito akalain na sa isang gabi lang ng pagkalimot ay may mabuo sa kanyang sinapupunan.

Ayon sa tumitingin ritong doctor ay binalaan ito na delikado ang kanyang pagbubuntis at maaring masakripisyo ang buhay nito subalit sa kagustuhan nitong mabigyan ng anak ang minamahal ay itinuloy pa rin nito ang pagbubunitis.  Wala daw naman itong nirereklamo kaya ang akala ni Melvin at maging sila ay maayos naman ang kalagayan nito.

Isang linggo bago ang ine-expect na pagsisilang ni Lerna ay dumaing ito ng pananakit ng dibdib.  Inakala ni Melvin na baka manganganak na kaya kaagad na isinugod sa ospital at doon nalaman na delikado na ang buhay nito.  Agad na isinailalim sa operasyon si Lerma para ilabas muna ang bata bago eksamining mabuti ang kondisyon ng kanyang puso para malaman kung kakayanin ang magkasunod na operasyon.  Sa kasamaang palad ay binawian na ito ng buhay ilang sandali matapos mailuwal ang sanggol.  Nakangiti pa raw ito ng malagutan ng hininga dahil nasilayan pa nito sa huling sandali ang kanyang sanggol.

Tumutulo ang luha ni Marta habang nagkukuwento, maging si Andrew ay hindi napigilan ang mapaiyak.  Damang dama niya kung ano ang nadarama ngayon ni Melvin.  Nahinto lang sila sa paguusap ng madinig ang pagiyak ng sanggol.  Mabilis na umakyat si Edna dala ang dede ng sanggol.  Ibinigay nito ang dede kay Melvin saka tinignan ang diaper at baka basang basa na. Nang masigurong tuyo pa ito at tinanong nito si Melvin kung pwede na nitong kunin ang bata.  Pinaiwan muna ni Melvin ang bata dahil gusto pa nitong maalagaan ang alaalang iniwan ng asawa.

-----o0o-----

“Bukas ay babalik na ako sa trabaho Melvin, iiwan muna kita kina Tita ha.  Nariyan naman sila para alalayan ka.  Tibayan mo ang loob mo, kinaya ko noon kaya kakayanin mo rin ngayon.” – si Andrew.

“Kaya ko na Kuya, huwag ka nang mag-alala sa akin, malaki na ako.” Sagot ni Melvin, pilit na pilit ang ngiti.

“Gabi gabi kitang tatawagan ha, matapos lang ang project kong ito at makabalik ng Manila ay magsasama na tayo.”

“Anong magsasama?”

“Magkikita.  Madalas na tayong magkikita.  Sa ngayon ay sa phone muna tayo maguusap gabi gabi.  Basta, palagi mong pakaisipin ang iyong anak, gawing mong inspirasyon para lumigaya ka ha.  I love you.”

“Tumigil ka nga kuya.  Puro ka kalokohan.”

Lihim na napangiti si Melvin.  Alam naman niyang totoo ng sinabi ng kinakapatid dahil sa buong panahon na narito siya ay hindi niya ito iniwan, laging nakaalalay.  Pero hindi pa panahon para pagtuunan nito ng pansin ang gayong mga bagay, kalilibing lang ng kanyang asawa.

-----o0o-----

Tinupad naman ni Andrew ang pangakong tatawagan niya si Melvin gabi gabi simula ng bumailik siya ng Gensan.  Naging madalas din ang kanyang pagdalaw sa Cebu dalawa hanggang tatlong beses kada buwan.  Malaking tulong naman iyon sa kinakapatid para mabilis na maka move-on at bumalik ang sigla.  Tuwang tuwa rin syempre ang anak na si Claude at palagi na silang nagkikita at nakakapanood ng sine at pamasyal.

Muli na namang bumalik ang sigla ni Melvin at maging ang samahan nila ng kanyang Kuya ay muling nabuhay.  Hindi naman naging mahirap para sa dalawa ang pagbabalikan dahil batid naman nilang mahal nila ang isa at isa

At nang matapos na ang proyekto ni Andrew sa Gensan ay humingi kaagad siya ng mahaba habang bakasyon at sa Cebu siya nag-stay.  Kulang kulang ding dalawang taon bago tuluyang natapos ang bulding na iyon.

Kinakitaan naman ng mga magulang nila ang kakaibang namamagitan sa pagitan ng dalawa lalo na nang hindi sinasadyang masaksihan ni Marta ang patagong paglalambingan ng dalawa.  Dahil hindi na nila maitatanggi pa at mapagkakaila ay napilitan na rin nilang ipagtapat sa mga magulang ang tunay nilang relasyon.

Sa simula ay tutol sila at inaalala ang magiging damdamin ng mga anak kapag nagkaisip na.  Nangako naman sila na unti unti nilang ipapaliwanag ang mga dahilan kung bakit at naniniwala silang mauunawaan at matatanggap din nila ang kakaibang relasyon na iyon.

Napilitan naman lumuwas ng Manila si Melvin dahil kailangan na ang serbisyo niya sa Main office sa Manila.  Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa inuutos ng kompanya at may pangako naman siya na sakaling kailangan na siya sa Manila ay muli siyang babalik. 

Sinundo naman siya ni Andrew at kasama na rin nila ang kani kanilang anak pati na si Edna na siyang yaya ng dalawang bata at si Inday para sa mga ibang gawaing bahay.

At ngayon nga, matapos ang higit dalawang taon ay nagkasama na sila at hindi na patago ang kanilang relasyon.  Ipinaalam nila sa mga katrabaho at kaibigan ang kakaiba nilang relasyon na kulang na lang ay kasal.

-----o0o-----

2 Years After (In Manila)

Isang araw ng Sabado ay masayang masayang nakikipaglaro si Melvin sa kanyang anak na si Paolo.  Sobrang likot na ito lalo na nang matuto ng maglakad kaya laging nakasunod ang taga-alaga sa pag-aalalang masaktan ito.  Maging si Claude ay masayang masaya ring nakikilaro sa kanyang pinsan.

“Oras na ng dede niya Melvin, kunin ko muna para dumede at makatulog na rin.”  Wika ni Edna sa siya ring naging yaya ni Paolo.

May nadinig na humintong tricycle si Claude sa tapat ng kanilang bahay.  Agad itong tumakbo sa labas para buksan ang gate.  “Andyan na si Daddy, Tito yeheyyy.”

“Tulungan na kitang magbuhat Daddy.”

“Mabigat yan anak, ako na lang.”

“Malaki na ako Daddy, malakas na ako.” Binuhat nito ang isang basket para ipasok sa kusina pero hindi naman mai-angat.  Natawa tuloy si Andrew.  Napakamot na lang sa ulo si Claude.  “Ang bigat pala Daddy, ikaw na lang.”

“Ako na nga lang ang magbuhat anak.” – si Melvin.  “Nabili mo ba lahat sa binigay kong listahan?”

“Kumpleto.  Nasaan si Inday para asikasuhin ang pinamili ko sa palengke?”

“Naglalaba, maraming labahin, hayaan mo na at ako na lang ang magaasikaso nito.”

“Ako muna ang asikasuhin mo oh.  Pawis na pawis ako, hindi mo ba pupunasan ang pawis ko at painumin man lang ng juice?”

“Ayaw mo ba ng kiss?”

“Hehehe hehehe.  Huwag mo akong hahamunin ng ganyan.” Abot hanggang tenga ang ngiti ni Andrew at akmang susugurin na ng halik si Melvin pero umiwas ito.

“Hehehe ano ka ba Andrew, makita tayo ni Claude, mahiya ka nga.”

“Ikaw itong nag-umpisa eh.” Si Andrew na nahapit sa bewang si Melvin at siniil ng halik.  Hindi na naman nagpakipot pa si Melvin at nakipaglaplapan kaagad matapos masigurong sila lamang ang nasa kusina.  Matagal tagal ding naglapat ang kanilang mga labi at naputol lamang ng marinig ang tawag sa kanila ni Claude.

“Daddy, pinalalagyan ng tubig ni yaya ang dedeng ito para kay Baby Paolo.”

“Ah okay. Balik ka na sa yaya mo at ako na ang magdadala nito.  Dadalhan ko rin kayo ng miryenda sa kwarto ha.  Sige na.”

“Daddy ha!  May ginagawa kayo diyan eh hihihi.” Panunudyo ni Claude na alam na ang relasyon ng kanyang Tito at Daddy.  Tanggap naman nito iyon.

“Claude ha, napakabata mo pa ha!  Ang dami mo nang alam.” – si Melvin.

Pagkaalis ni Claude ay.  “Tuloy na natin.” – si Andrew.

“Tumigil ka na nga at marami pa tayong gagawin sa pinamili mo.  Tulungan mo akong linisin itong isda at karne bago itago sa ref.  Anong gusto mong ulamin ngayon.”

“Syempre yung paborito kong sinigang na panga ng tuna hehehe at ikaw.”

“Tumigil ka na nga.” Si Melvin na kinurot pa sa tagiliran si Andrew.  “Mamaya na lang, sabay tayong maligo.” Pabulong na wika naman nitong sagot.

-----o0o-----

Nagpapahinga na ang dalawa sa kanilang kwarto  makapananghalian.  Wala silang schedule na lalabas at sa bahay lang daw mag-stay buong maghapon.  Nasa silid din ang dalawang bata kasama ang mga alalay.  Ugali na kasing pinatutulog nila, lalo na si Claude tuwing tanghali.

“Masaya ka na ba Vin?  Hindi ko akalain na magiging maganda ang resulta ng ating pagmamahalan.  Siguro ay itinadhana tayo para sa isa at isa.”

“Masayang masaya ako Andrew.  Kaya lang ay nag-aalala pa rin ako.  Alam ko naman na marami pa ring naghahangad sa iyo, babae man o lalaki dahil nga sa iyong itsura.  Wika nga ng ibang officemate ko ay napaka Yummy mo.  Sana lang ay hindi na ako masaktan.  Matagal din naman akong nagtiis noon, sana lang ay hindi na mangyari muli.”

“Nangako naman na ako sa iyo na iiwasan ko na ang ganoong bagay.  Taon na ang lumipas at nagawa ko naman na iwasan ang tukso.  Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba.”

“Panghahawakan ko ang pangako mong iyan Andrew at ito ang sasabihin ko sa iyo.  Kapag ginawa mo uli ang pumatol kahit na isang beses lang at napatunayan ko ay pasensyahan na lang tayo, iiwan na kita ng tuluyan at hindi na ako makikipagbati pa kahit na anong pakiusap mo.  Tandaan mo yan.”

“Oo naman.  Pangako uli, sumpa man, ikaw na lang ang para sa akin at dapat ay ako rin lang ang para sa iyo, wala nang Angelo o Gilbert o Nilo hehehe.”

“Ulol!  Ikaw nga ang natikman nila eh.”

“Oh siya, tama na iyan.  Tayo naman ang magtikiman, ang tagal na kaya nating hindi nag do ”Do” hehehe.”

“Ano ka ba Andew, tanghaling tanghali eh ahhh Andrew ano ba ahhhhhhhh ohhhhhhh huwag ka nga uhmmmmmmm tsup tsup Andrew.”

Ugaling magpakipot muna ni Melvin kahit na sa totoo naman ay gustong gusto na nilalandi siya ni Andrew.  Si Andrew naman ay lalong sumisidhi ang pagnanasa kapag nagpapapilit pa itong si Melvin.  Bandang huli ay sa mainit na tagpo rin nauuwi ang kanilang harutan.

“I love you Vin hmmmm hmmmp tsup tsup tsup slurpp slurppppp.”

“Ahmmmmm ahhhhhhhhmmmm  Andrew, kaya mahal na mahal kita eh ahhmmmmmm.”

Walang kasawaan ang dalawa sa isat isa, kahit paulit ulit lang ay ganon pa rin ang ligayang nararamdaman sa tuwing magtatalik.  Tila nga lalo pang tumitindi ang pananabik nila.  Bawat haplos, bawat dampi ng labi sa katawan, bawat yakap at halik ay ibayong kaligayahan ang kanilang nadarama.

Pagulong gulong na sila sa ibabaw ng kama, paligsahan sa pagpapaligaya na wala namang magpapatalo kaya palaging “it’s a tie”.  Kapwa sila nakangiti matapos ang mainit na tagpong iyon.

-----o0o-----

Maligayang maligaya ang dalawa.  Sa palagay nila ay nasa kanila na ang lahat ng mithiin ng nagmamahalan.  Pareho na silang may anak at wala nang problema pa.

Naging mas mapagmahal si Andrew sa kanyang kinakapatid at kapartner.  Naging mabuti ring ka relasyon si Melvin.  Lumalaking magalang si Claude, matalino at higit sa lahat ay gwapo.

Si Paolo naman ay matatas ng magsalita, malikot na.  Mahal na mahal nila ang dalawa nilang anak.  Para sa kanila ay isang biyaya ang mga anak, swerte dahil maging sa kanilang trabaho ay asensado na sila pareho. Pareho nang may katungkulan sa kani-kanilang opisina.

Matuling lumipas pa ang isang taon. Malapit na ang birthday ni Paolo, tatlong taon na siya at lumalaki ring gwapo.  Nagiisip na si Andrew kung ano ang ireregalo sa kanyang pamangkin na anak na ang turing.  Naisipan niyang mag window shopping muna dahil sa hinihintay pa niya si Melvin na nasa isang dinner meeting na ipinatawag ng kanilang CEO.  May malapit na mall sa kinainan nila kaya naisipan niyang magtingin tingin ng laruan habang naghihintay sa kanyang partner.

Naglalakad siya patungo sa tindahan ng laruan ng hindi sinasadyang mabungo niya ang isa ring naglalakad.  Nagsorry naman siya ng tawagin ng nakabungguan ang kanyang pangalan.

“Andrew!  Ikaw ba yan.  Natandaan mo pa ba ako? Lance, ako si Lance.  Remember sa Gensan?”  

 

Wakas

 

 

31 komento:

  1. Ganda ng finale kahit na my hugot pa sa dulo pero alam nmn natin na di na papatol pa si andrew sa iba. Thanks author

    TumugonBurahin
  2. Grabe bat apakabilis Ng finale huhuhu Wala na ba kaming aabangan Kay andrew :((

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pinagiisipan ko kung lalagyan ko ng book 3, kaya lang, mahirap mag-isip ng plot. Tulungan ninyo ako, mag suggest sana kayo kung ano ang maganda.

      Thanks sa pagbasa

      Burahin
    2. Mahirap ng lagyan bg book 3 kung pagtataksil ulit ni andrew kase ung buing story nato puro pagtataksil na kaya wala ng dating kung ganun ulit ang plot nakakasawa na din kung puro sex sa ibang tauhan si andrew.. suggestion lamang author at salamat sa magandang story na to! Keep safe always

      Burahin
    3. Pls sana mahaba pa tong istorya.. pls author eto talaga ung inaabangan Kong story ee sana merong book 3 pa Rin

      Okay Naman na Ako sa cheating Kasi nga Diba libog story din ito. Sana may cheating scene sina Andrew at Melvin. Tapos sa huli mabubuko nila isat Isa at sa huli Sila pa Rin.

      Please continuos nyu lang ito for sure do lang Ako Ang masad if mawala na ito.

      Burahin
  3. Meron pa po ba tong Book 3?

    TumugonBurahin
  4. book 3 naman author ganda ng story eh

    TumugonBurahin
  5. I guess wag mo nang dagdagan ng book 3 masisira lang ung magandang ending.. unless sisirain mo ung pagmamahalan ni melvin at andrew. Gawa k n lang ng ibang storya like a story about Diego?

    TumugonBurahin
  6. I suggest na if merong book 3, I think it would be better if si Diego and Lance yung main ng story pero nandon parin yung glimpse about Andrew and Melvin. Kase it would be a struggle umisip kung si Andrew and Melvin parin yung center ng story kase it will be a hoop about Andrew's sex escapes ( I just want to give justice for Diego's unending love and support sa bestfriend/fubu niya) hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Plus one sa comment na to. This is a good plot.

      Burahin
  7. Book 3 author. Cheating scenes pa din ang sarap eh.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama. Mag cheat sina Andrew then mag cheat din si Melvin. Para it's a tie pero sa huli sa finale Sila pa Rin.

      Pero this time sa book 3 sa Isang Bahay na Sila nakatira ung parang mag Asawa un nga lang mag cheat Sila.

      Burahin
  8. Agree mas gusto ko na ung cheating :( sana may book 3

    TumugonBurahin
  9. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  10. Cheating stories mas exciting. Yung bibigay si Andrew pero si Melvin parin sa huli.

    TumugonBurahin
  11. need namin si papa gener author sa book 3

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Oo nga ee pls author papa gener in gawing plot

      Di Pala Sila magkadugo hehe

      Apakabilis matapos sana pahabain nyo pa po, eto lang inaabangan ko ee

      Burahin
  12. Ang bilis finale agad walang aviso sayang naman

    TumugonBurahin
  13. Sana may book 3, with another stepbrother from Andrews father. Anak sa labas and with Diego as the partner

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ay bet ko yan. Tama another step brother this time sana pure top sya at makana nya si Andrew at Melvin hehe

      Burahin
  14. Author nagbigay na po kami Ng possible or another plot mamili na Lang po kayo sa sinabi nila or pede Lahat isama mo na.

    But pls wag mo sana ihinto ung story. Maganda sya at lagi talagang inaabangan bawat episodes.

    Thank you and stay safe always author

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Konting hintay lang, inoorganize ko pa para tuloy tuloy ang pagsusulat ko. Maraming salamat sa suporta. Basahin nyo rin ang iba ko pang kwento rito. Mag comment din sana kayo para mas matuto pa akong gumawa ng kwento

      Burahin
    2. Opo binabasa po Namin hehe salamat sir sa iyong mga obra.

      Burahin
  15. Threesome: Andrew, Melvin at Gener.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Iba talaga pag incest hehehe nakaka L sobra. Sana magawan ni author ng execution

      Burahin
  16. ^ as next plot

    TumugonBurahin
  17. Book 3 plot please:
    Andrew, Melvin, and Gener threesome
    Andrew, Melvin, Engr. Danny, and Sophia orgy

    TumugonBurahin
  18. more of andrew please at this tine may effort na tlga sya magbago pero may mga mag te-take advantage sa kanya kase sobrang mahina sya pagdating sa kalibugan tulad nun scene sa part 5 (kapag may alak, may balak) sobrang hot nun pinagtulungan sya haha.. so more scenes like that, yun tipong helpless sya at walang magawa kahit ayaw nya

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...