SECURITY GUARD (Part 4)
By kentootero
Nagkwento si Bryan kay Jastin nang naging karanasan niya kay Ron
noong magpunta sila sa isang resort noong 2nd monthsary nila. Hindi na kasi niya nakayanan na sarilinin ang
problemang kanyang kinakaharap. Lahat
lahat ay kanyang isiniwalat, wala siyang inilihim maging ang tila pambababoy na
ginawa sa kanya nang kanyang BF. Nakuha
ni Ron na ipatikim siya sa kanyang limang kaibigan at pagkatapos ay iwanan na
lang basta.
Kahit papano ay gumaan ang loob ni Bryan. Balik siya sa dating masiyahing Bryan. Nagkaunawaan sila at naging mag BF kaya lang
ay inilihim na lang muna nila. Subalit
sadya yatang hindi mawawalan ng problema itong si Bryan. Ginugulo na naman siya ni Ron at pinagbantaan
pa na ipasasara ang bar kapag hindi nilayuan si Jastin. Tinakot din niya si Jastin nang gayon
din. May alam naman si Joey sa
nangyayari sa kanila at kinausap si Jastin na mag-resign na lang para malayo
kay Bryan dahil baka madamay pa ang iba sakaling ipasara nga ni Ron ang
bar. Maraming mawawalan ng trabaho at
baka maging mitsa pa ng buhay nito at maging ni Bryan. Nakumbinsi naman siya ni Joey at pinalilipat
din ng bagong tirahan. Naghiwalay ang
dalawa na nagkasundo sa kanilang gagawin.
JASTIN’s POV
Mag-isang na lang akong umuwi sa apartment namin ni John. Nabungaran ko agad si John at sa itsura nang
kanyang mukha ay nahulaan ko na may gusto siyang itanong. Ikinuwento ko na ang
lahat ng mga pangyayari sa kanya. Sa una
ay hindi siya makapaniwala, kalaunan ay naintindihan naman niya ito.
Kumuha si John ng maliit na papel at isinulat ang kanyang buong
pangalan at numero ng kanyang selpon. "Itago mo sa wallet at kong sakaling
magpalit ka ng numero ay tawagan mo ako, okey!" wika nito.
Halata ang lungkot sa mukha nito dahil sa magkakahiwalay na kami
bukas. Nayakap niya ako ng
mahigpit. "Mami-miss kita, pre!"
wika niya.
Napayakap na rin ako at di ko akalaing sa napakaagang panahon ay
tuluyan na kaming magkakahiwalay. Nakiusap
na lamang ako na huwag niyang ipapaalam kay Bryan ang lahat ng naikwento ko sa
kanya, lalo na ang pagsama ko kay Joey sa bago naming titirahan. Nagsimula na
akong mag-impake.
Third Party POV
Samantala...lingid sa kaalaman ni Jastin ay may tinawagan itong
si Joey sa kanyang phone nang maghiwalay sila
"Hello!", wika ng nasa kabilang linya.
"Okey na boss, at kailan niyo po ibibigay ang napag-usapan
nating halaga." wika ni Joey
"Bukas ay ipapadaan ko sa tauhan ko. Huwag na huwag na
kayong magpapakitang dalawa sa bar, kung ayaw mong magsisimba na pantay ang paa."
wika ng nasa kabilang linya.
"Hindi yan mangyayari boss." panigurado niya.
JASTIN’s POV
Lumipas ang buong araw at gabi ay tulalang-tulala ako sa aking
naging desisyon. Wala si John at iiwan ko na ang apartment. Si John ang una kong naging kaibigan at
hanggang sa sandaling ito ay napatunayan kong tunay siyang kaibigan. Sana ay
magkita pa kami.
May kumatok sa pintuan.
Batid kong si Joey na iyon. Tama
ako dahil si Joey nga ang dumating, usapan kasi na susunduin niya ako ang
ganitong oras.
"Pasensiya ka na at na-late ako bahagya, may konting
problema kasi sa bar.”
“Anong ibig mong sabihin?"
"Huwag mo nang intindihin iyon, konting problema lang iyon."
Hirap akong lisanin ang apartment na iyon, palingon lingon ako
lalo na at hindi na ako nakita ni John na umalis.
Maganda rin naman ang nilipatan naming apartment.
"Paano natin ito mababayaran? Mahal ito, hindi ba?" wika ko.
"Ano ka ba! Huwag mo na munang isipin yung pagbabayad. Habang wala ka pang trabaho ay ako na muna
ang sasagot sa lahat." wika nito.
"Hindi naman siguro tama na iasa ko na lang sa iyo ang
gastusin dito. Bukas na bukas din ay
maghahanap ako ng trabaho.", wika ko.
"Napag-usapan na naman natin di ba na ako muna ang bahala
sa lahat at mula sa araw na ito ay parang mag-asawa na tayo, okey!" wika
niya.
Ewan ko kung paano magre-react sa sinabing iyon ni Joey. Wala sa
usapan namin na parang magiging kami na.
Lalayo lang naman kami dahil nga sa banta ni Ron at iwas damay ang ibang
kasamahan. Hindi ko naman siya ibig na
ipahiya dahil tumutulong lang naman siya sa akin. “Pero Joey…Pe” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin
dahil sa tinakpan ng kanyang hintuturo ang aking labi at nagwikang….”Huwag kang
mag-alala, hindi naman kita pipilitin na may mngyari sa atin eh. Ang mahalaga sa akin ay mailayo ka muna sa
mga taong nagbabanta sa iyo.
Iisa lang naman ang nagbabanta sa akin, si Ron lang iyon. Kinausap pa nga ako. Mahirap kalaban ang taong ito dahil mayaman
at nasa kapangyarihan. Ayoko munang
mag-isip tungkol doon kaya inasikaso ko na muna ang pag-aayos ng aming gamit.
Iisang kwarto lamang meron ang apartment pero may kalakîhan
naman, pwede nga ang dalawang kama na magkatabi. Inaayos ko ang mga damit sa cabinet nang
lapitan niya ako at mula sa akin likuran ay niyakap ako.
“Masaya ako na kasama kita.
Ikaw ba?” wika niya.
Simpleng tanong lang pero, hindi ko kayang sagutin. Hindi ko siya sinagot lumayo ako bahagya at
nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko
alam kung anong naging reaksyon niya sa aking inasal.
Muli niya ako nilapitan at humarap pa sa akin saka sinabing…"Wala
ka nang choice baby at ako lang naman ang makatutulong sa 'yo sa ganitong
sitwasyon kung kaya't huwag ka nang umangal pa sa tulong na ibinigay ko sa 'yo."
wika nito.
Iba ang naging kahulugan sa akin sa sinabing iyon ni Joey. Sa tono ng kanyang pananalita ay parang
hinawakan na niya ako sa leeg, kinokontrol na niya ako. Para lang hindi na humaba pa ay tumango na lang
ako kahit labag sa aking kalooban.
Sa aking isipan ay bumubuo ako ng plano, ng dapat gawin dahil
hindi pwede na maging sunud-sunuran ako sa dikta ng isang tao. Gagawa ako ng paraan
para makaalis dito. Kailangan na
makahanap ako ng trabaho para makalipat ng ibang titirhan. Pansamantala, ay pakikitunguhan ko muna siya
ng maayos. Wala pa naman siyang
ginagawang masama sa akin.
"Bhe, alis muna ako ha at ito pala ang gamitin mong
simcard. D’yan kita tatawagan at nakasave na riyan ang numero ko. Huwag na huwag
mong ibibigay iyan kahit kanino at dapat ay tayong dalawa lang ang magtatawagan
at magte-textan, okey!"
Nawawalan ako ng kibo sa tuwing may sasabihin siya sa akin. Iba na ang aking nararamdaman. Parang inuutusan na niya ako, parang wala na
akong karapatan na magdesisyon sa aking sarili.
Hindi maari ito.
Kukunin ko sana ang sim card pero sa halip ay kinuha niya ang
aking CP at siya na ang nagpalit ng sim.
Ang nakakainis pa ay siya na raw ang magtatago ng luma kong sim at baka
daw tawagan ko pa si Bryan.
Hindi ko gusto talaga ang nangyayari. Unang araw palang at parang nasasakal na ako
sa kanya. Inabala ko na lang muna ang
aking sarili sa paglilinis ng apartment.
Inabot ako ng hanggang magtatanghalian.
Dumating naman na si Joey ng oras na iyon na may dalang gamit sa
bahay at pagkain.
Umaasta na nga si Joey na parang asawa ako. Napakalambing niya habang kami ay
kumakain. Gusto ko na sanang maniwala na
buong puso ang pagtulong nia sa akin, kaya lang ay gusto talaga niya akong
kontrolin, yung para talagang asawa na pambahay lang at siya ang nasusunod
dahil siya ang kumikita.
Pagkatapos naming kumain at makapag-pahinga siya sandali ay
nagpaalam na naman sa akin. "Alis
muna ako bhe at pupuntahan ko yong bar na nirekomenda ng isang customer ko at
kaibigan daw niya ang may-ari nito."
Nahiga muna ako nang siya ay makaalis. Dahil napagod din naman
ako sa paglilinis ay nakatulog ako. Nagising ako ng may tumabi sa aking sa
kaman. Si Joey pala na kababalik lang
daw.
"Kumusta lakad mo?" tanong ko.
"Magsisimula na ako bukas ng gabi at kailangan kong pumunta
mamaya sa bar at magpapaalam na rin ako kay Bryan." wika niya.
Sa tuwinang aalis siya ay pare-pareho lagi ang bilin, nakakasawa
na tuloy. Daig ko pa ang isang kriminal na
may pinagtataguan. "Huwag na huwag kang magpapapasok rito basta-basta. Huwag mo pagbubuksan ng pinto agad-agad. Hayaan mo lang kumatok. Aalis din iyon at iisipin na walang tao.
Isang linggo na rin ang lumipas at wala naman nabago sa araw
araw kong pamumuhay. Aalis sa gabi si Joey at tulog naman sa araw. Nagkakausap lang kami sa tuwing kakain. Wala naman kaming topic kundi yung tungkol sa
bago niyang pinagtatrabahuhan.
Simula ng umalis siya kina Bryan ay wala nang balita o kwento na
nauugnay sa dating bar na aming pinanggalingan.
Isang buwan na rin akong tambay at umaasa lang kay Joell. Naisipan ko siyang kausapin para humingi ng
pahintulot na makapaghanap ng trabaho at para hindi na rin niya ako pasanin.
"Ahm Joey, okay lang ba na maghanap na rin ako ng
trabaho?" wika ko.
Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Nagsasawa ka na ba dito sa bahay at
gusto mo nang umalis?" wika nito.
"Hindi naman sa ganun, ang gusto ko lang ay makatulong man
lang sa gastusin dito. Nahihiya na rin
naman ako sa iyo." Katwiran ko.
"Papayag ako, sa isang kondisyon." wika nito.
"Anong kondisyon?"
Sa halip na sagutin ay nagsubo siya ng isang buong hotdog at
tila titi na pinaglaro sa kanyang bibig.
Nahulaan ko naman agad ang kondisyong sinasabi niya.
"Sige! Kung iyang
lang ang kundisyong ibig mo.” Sa aking
isispan ay mas mabuti nang pumayag ako para naman makakilos na ako. Hindi ko gusto ang nangyayari dito.
"Mainam! Mamayang hapon sa banyo natin gagawin."
At naganap nga ang hindi ko gustong mangyari, ngunit ano pang
aking magagawa. Inisip ko na lang na
tamod lang naman iyon at palagi rin naman akong nag-aaksaya ng aking
tamod. Hindi naman ako tuod na wala ng
libog sa katawan.
-----o0o-----
Naghanda muna ako ng kakainin ni Joey bago ako umalis para
maghanap ng trabaho. Binigyan pa niya
ako ng panggastos. Tinanggap ko naman
dahil sa wala ako kahit na isang kusing.
Marami akong pinuntahan na kompanya, pawnshop, bar at kung ano
ano pang kompanya. Sa bandang huli ay sa
isang supermarket ako natanggap. Kailangan ko raw maibigay ang mga requirements
sa loob ng isang linggo
Papasok ako ng mall para kumuha ng NBI Clearance nang may
tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako na
makilala ko ang tumawag. "John!
Haha! Long time no see pre!" masayang bati ko.
“Kumusta pre! Ba't di mo
ako tinatawagan? Hindi kita makontak at saka ibinilin kita kay Joey. Wala ba
siyang nababanggit sa 'yo?" wika nito.
Kumunot lang ang aking noo, wala akong maisagot. "Wala siyang
nasasabi sa akin pre! Teka, busy ka ba o may iba ka pang sadya?" wika ko.
"Kumuha lang ako ng
NBI clearance para sa inaaplayang kong bagong trabaho."
Napakunot na naman ang aking noo. Sa pagkaalam ko kasi ay kay Bryan pa rin sila
nagtatrabaho. Kasunduan namin kasi ni Ron
iyon na hindi masasara ang bar.
Naguguluhan ako kaya inaya ko muna si John na kumain para makapag-usap
ng mahaba-haba. At dito ko nalaman ang katotohanan.
Kwento ni John
Marami sana akong sasabihin sa iyo pero hindi na kita
makontak. Ganito kasi. Nakita ko si Joey, wala ka na noon hah, dahil
hindi ka na pumasok, na kausap si Ron.
Nakita ko na may inabot na sobre.
Nang tanungin ko kung ano iyon ay basta na lang niya isiniksik iyon sa kanyang
backpack. Hindi niya ako sinagot at
basta na lang umalis.
Nong gabi rin iyon ay pinuntahan si Bryan ni Ron. Nagkaroon sila ng pagtatalo. Narinig ko na pinagbantaan niya si Bryan na
hindi matatapos ang buwang iyon ay ipasasara niya ang bar.
Nagkawatak watak na ang mga empleyado at mga dancer dahil sa
nasara na nga ang bar. Wala na akong
balita sa mga kasamahan natin dati. Wala
na rin akong balita pa kay Bryan.
Bago nasara ang bar ay may nagpunta pa rito at hinahanap ka
Jastin. Abogado raw ito at ang sabi ay
tawagan mo raw sa loong ng madaling panahon.
Narito nga pala ang calling card niya.
Ibinilin ko kay Joey na tawagan mo ako dahil nga doon pero wala
naman akong natatanggap na tawag buhat sa iyo
JASTIN’s POV
Nakadama ako ng matinding lungkot sa aking nalaman. Ang hindi ko maintindiha ay kung bakit hindi man
lang nasabi sa akin ni Joey ang nangyari at pati na ang bilin ni John.
Alam mo John, walang nabanggit man lamang si Joey tungkol sa
nangyari sa bar. Marami pa akong gustong
linawin at ikwento sa iyo pero siguro ay tawagan ko muna ang sinasabi mong naghahanap
sa akin.
Binasa ko ang nasa calling card, Atty. Renato Lopez ang
nakalagay sa card. Agad kong idinayal ang number na nasa card
“Hello po!”
“Hello. Sino ito?”
“Ahm, ako po si Jastin Buencamino. Kayo po ba si Atty Lopez? Kasi po ay pinatatawag daw po ninyo ako sa
iyo.”
“Buti at napatawag ka hijo. Matagal na kitang hinahanap.”
“Bakit po atorney?”
“Matagal ka nanag ipinapahahanap ng iyong ama.”
“Ama? Sinong Ama?”
“Mahabang paliwanag hijo. kung may oras ka ay puntahan mo ako sa
ite-text kong address at para maipaliwanag ko sa'yo ang lahat.”
“Sige po.”
Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nang oras na iyon. Para kasi akong kinakabahan na hindi ko
mawari.
"Pre, pwede bang samahan mo ako kay atorney?" wika ko.
"Ahm, pre okey lang ba kung bukas nalang? Magpapasa pa kasi
ako ng mga requirements sa inaplayan ko eh." wika niya.
"Wala na ako roon pre! Bedspacer na lang ako at kapos sa
budget eh." wika niya.
Hiningi ko ang address ni Joh bago kami nagniwalay at sinabing
magkita kami bukas.
Kailangan ko nang umuwi at may mga dapat akong liwanagin kay
Joey. Saktong alas kwatro na ako nakauwi. Yong madali lang kuning dokumento ang
aking inunang kuhanin.
Tulog pa si Joey nang makarating ako sa apartment. Nagluto muna ako ng hapunan at hinintay na
magising si Joey.
"Kumusta ang job hunting?" wika niya.
"Okay naman at bukas ay kailangan ko nang kompletuhin ang
mga requirements ko." wika ko.
"Wow, saan naman?" tanong niya.
"Sa supermarket." wika ko.
"Ganun! So, ikaw sa umaga at ako sa gabi." wika niya.
"Parang ganun na nga." wika ko.
"Tama yan at para makapag-ipon tayo." wika niya.
Nangiti lamang ako at akala ko ay magagalit ito.
"Ahm, Joey. Nagkita na ba kayo ni John?" wika ko.
"Hindi pa, bakit?" wika nito.
"Kailan ang huling pag-uusap ninyong dalawa?" wika ko.
Noong pinuntahan kita sa apartment ninyo bago tayo lumipat,
bakit?" wika nito.
"Akala ko kasi ay nakausap mo siya at kinakamusta ako. Baka kasi may nahabilin sa iyo." wika
ko.
"Wala naman bhe, bakit? Nagkita ba kayo kanina?" wika
nito.
"Hindi naman, pinuntahan ko kasi sa apartment at matagal na
raw itong umalis doon at iba na ang nangungupahan." wika ko.
Napahinto ito sa pagkain at tumayo saka nag alsa boses. "Hindi
ba sinabi ko sa 'yo na huwag na huwag kang makikipagkita sa mga konektado kay
Bryan! O baka pinuntahan mo siya at gusto mong makibalita kay Bryan?"
Nakakabigla ang kanyang inasal. Napaghahalata kong may alam sa
mga nangyayari sa bar na pilit niyang itinatago sa akin.
"Ano ang ikinagagalit mo? Hindi ko nga siya nadatnan sa
apartment, tapos ganyan ka maka-react!" wika ko. Hindi ko na tinapos ang pagkain
ko at agad na rin akong tumayo at iniwan siya. Tinungo ko na ang labasan para makapagpalipas ng sama ng loob. Nang may
yumakap mula sa likuran ko.
"I'm sorry bhe, nabigla lang ako," wika nito.
"Paano kita mamahalin o pagkakatiwalaan kung ikaw mismo ay
walang tiwala sa akin," wika ko.
"Sorry na please. Natatakot lang ako na baka iwan mo ako,"
wika nito.
"Iwan? Saan naman ako pupunta?" wika ko.
"Eh, bakit ka aalis?" wika niya.
"Gusto ko lang magpahangin at para lumipas ang galit ko,"
wika ko.
"Okey, sorry na please!" wika niyang muli.
"Tapusin mo na ang pagkain at may trabaho ka pa," wika
ko.
"Okey, pero ‘wag ka nang lumabas please!" pakiusap
niya.
Para matigil na lang ay sinamahan ko na lamang itong kumain.
Bago siya umalis ay naglambing muna sa akin.
Nang makaalis na ito ay isinagawa ko na ang mga plano ko. Alam
ko noon pa na sa twing nasa kusina ako ay ginagalaw ni Joey ang aking phone at ibang
gamit ko. Nawawala kasi numero ni John
na ibinigay nito sa akin bago kami magkahiwalay sa apartment, na nakatago lang
sa pitaka ko. Maingat kong itinago ang
calling card ni Attorney sa aking sapatos
Matagal na akong nagdududa kay Joey. Malinaw na sa akin na may ginawa siyang
panloloko sa akin kaya sisiguruhin kong hindi niya malalaman ang mga susunod
kong plano. May tatlong araw pa ako para
maisagawa ang mga plano ko.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Joey na aasikasuhin ang iba
pang requirements ko para sa aking inaaplayang trabaho. Tinungo ko muna ang
isang kainan at pasimple kong itinext si John para mauna na sa address na
binigay ni attorney. Sumakay ako ng
tricycle at doon ko itinuro sa supermarket.
Alam kong susundan ako ni Joey at nakita ko nga siya na pumasok din ng
Supermarket. Naka salisi ako at kaagad
na sumakay uli ng tricycle papunta naman kina Attorney. Naroon na si Joey pagdating ko.
Nalaman ko ang tungkol sa aking pagkatao mula kay Attorney
Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento