Biyernes, Enero 27, 2023

Sinampay (Part 1)

 


Sinampay (Part 1)

 

Ako si Sonny, 17 at isang lantarang bading. Sabi nila ay gwapo raw ako at maraming nanghihinyang sa akin kung bakit ako nagpaka-bakla. Sa aking sarili naman ay bakit sila manghihiyang, porke ba bakla ay wala nang halaga ang aking pagkatao. Ang paliwanag naman nila ay nanghihinyang dahil sa hindi raw ako makapag-paparami ng lahi. Ay ewan, bahala sila. Maganda ako hehehe.

Bading man ako ay hindi ko nakahiligan na magdamit ng pambabe at maglagay ng kung ano-anong make-up at pampaganda, likas kasi akong maganda, pino at makinis ang balat, maputi, basta maganda. Sumasali nga ako sa gay beauty pageant at nananalo naman ako. Iyon lang ang pagkakataon na nagbibihis ako ng pam-babae at nagme-make-up.

Siguro ay gandang-ganda sila sa akin dahil minsan nila lang akong makitang naka make-up at suot babae. Iyon ang lamang ko sa ibang nakakalaban ko sa pageant.

Tanggap naman ako ng aking mga magulang, lalo na nang aking tatay, natural kasi akong komedyante kaya napapatawa ko sila, yun ay kung hindi mainit ang ulo hehehe.

May kapit-bahay akong gwapo at talagang crush na crush ko, kaya lang ay homophobic yata, galit sa bakla kaya hindi nakikipag-usap sa akin. Nung mga bata naman kami ay siya palagi ang aking kalaro, sumasali pa nga kung minsan iyan sa aming bahay-bahayan eh, siya ang tatay at ako ang nanay. Pero nang simulang pumasok ng kinder ay lumayo na siya at hindi na nakipaglaro sa amin.

Ang pinaka natatandaan ko sa kanya noong mga bata pa kami ay ang kanyang pototoy, naliligo pa kasi kami noon sa ulan na hubo at hubad at kakaiba ang kanyang pototoy, mahaba kasi ‘di tulad ng iba naming kalaro na parang sing laki lang ng dulo ng daliri ng sanggol. Kung tawagin nga siya ng iba ay mola hehehe. Ngayon kaya, ganun pa rin ang sa kanya? Malaking di hamak na siguro hehehe. Na-imagine ko tuloy na siguro ay higit isang dangkal ko iyon, mahaba ang dangkal ko ha.

Kaya ko nabanggit ang kapit-bahay kong iyon ay dahil nadinig ko na naman na sumisigaw, ang ingay-ingay na naman na animo ay may kaaway. Hindi ko na lang pinapansin. Kaya lang ay nadinig ko na ang aking pangalan kaya nilabas ko na siya.

“Ano na naman ang ipinuputok ng butse mo at pati pangalan ko ay nadamay sa kung anong ikinagagalit mo, lintek na!” Banat ko agad ng labasin ko sa likod ng aming bahay. Nakita ko siya na hawak-hawak ang isang medyas na gula-gulanit.

“Paanong hindi ako magagalit, tingnan mo naman ang ginawa ng aso mo, nanahimik ang aking medyas sa sampayan ay anong ginawa, nginatngat na naman.”

“Paano mangangatngat kung nakasampay? Saka bakit ang aso ko kaagad ang pinagdiskitahan mo, nakita mo ba na siya ang ngumatngat diyan?” galit kong wika.

“Eh ikaw lang naman ang may aso sa lugar natin na pagala-gala. Malay ko kung tinangay ng hangin sa sampayan at bumagsak. Palitan mo yan, bagong bago ang medyas na iyan at gagamitin ko sana sa pagbabasketball.”

Sino ba naman ang hindi maiimbyerna sa lalaking ito, kung hindi lang kita crush eh baka pinakagat na kita sa aking aso. “Sandali at kukuha ako ng kapalit, matigil ka na lang.”

Pumasok ako sa bahay namin at kinuha ang isang pares ng medyas na kabibili ko pa lang, Pang gomang sapatos ko iyon at pwede namang pangbasketball. Pabritong tatak pa niya ang binili ko. “Oh hayan, isaksak mo sa baga mo,” wika ko sabay hagis ng medyas.

“Wow ha, bago at paborito ko pa ang brand. Thank you ha. Sige, palagi mo na lang pangatngat ang mga gamit ko sa aso mo pero papalitan mo ng bago ha hehehe.”

“Gago! Ulol! Umalis ka na nga.”

-----o0o-----

Bukid ang likoran ng aming bahay, palayan kaya sa likod na kami nagsasampay ng mga nilabhan. Wala namang bakod ang likoran naman kaya malayang nakapaglalakad o nakakaraan doon kaming magkakapit-bahay.

Ewan ko ba kung bakit nang magkaisip kami ay tila naging aso at pusa na kami. Wala naman akong alam na pwede niyang rason para layuan ako kundi ang pagiging binabae ko. Alam ko hindi naman talaga siya galit o nilalayuan ako, baka kako asiwa lang talaga dahil baka nagiingat na ma tsismis sa akin. Yung ibang barkada nga niya ay hindi ilang sa akin. Biniro pa nga ako ng captain ball nila na ako ang gagawing muse noong isang taon na magpaliga ang aming bayan.

Saka noong minsan na sumali ako sa pageant ng aming baranggay, nakita ko siya na nanonood at kapag ako ang nasa stage ay pinapalakpakan ako. Lihim niya pa rin akong sinusuportahan, pero kapag magkakasalubong kami sa daan o sa bahay man, ay umiiwas siya sa akin.

-----o0o-----

Nagsasampay ako ng aking nilabhang damit sa bakuran ng makita ko si Marco na yukong-yuko, tila lulugo-lugong manok habang naglalakad patungong bakuran nila kasama ang dalawang barkada nilang si Allan at Olan. Si Allan ang captain ball ng kanilang team, gwapo at matangkad din. Mabait pa sa akin, hindi tulad ng Marco na iyon na sobrang sungit. Kung naging babae lang talaga iyon ay sasabihin kong hindi na nawalan ng regla hehehe.

“Malas! Sobrang malas ko talaga ngayon,” nadinig kong wika ni Marco sa mga kaibigan niya. “Sorry mga pare, sumablay ang huling tira ko na magpapapanalo sana sa atin. Natalo tuloy ang isang libo natin.”

“Okay lang yun p’re, talagang ganun, minsan nananalo, minsan natatalo rin at hindi mo kasalanan kung bakit tayo natalo ngayon,” sabi ni Allan. “Hi Sonny, ang ganda-ganda mo talaga kahit kelan.” Sabi ni Allan ng makita ako. Ngumiti lang ako. Totoo naman ang sinabi niya.

“Siya! Siya ang malas sa buhay ko. Kahit kelan talaga ay malas ‘yan sa akin!” ang tila nagpupuyos sa galit na wika ni Marco na nakatingin pa sa akin. Gusto ko na sanang batuhin ng sipit dahil ako na naman ang napagdikitahan.

“Pare naman, ano naman kinalaman ni Sonny sa pagkatalo natin?” – si Allan.

“Kasi, umagang-umaga ay pinainit ang ulo ko. Yung medyas ko kasing isinampay na isusuot ko sana ngayon, nang aking kukunin ay wala na sa sampayan. Hinanap ko at baka natangay ng hangin. Natangay nga at nakita kong nasa lupa na, kaso gula-gulanit na at ang aso niya ang ngumatngat.”

Hindi na ako nakatiis at sumabad na ako. “Tumigil-tigil ka nga diyan Marco at baka mabalibag ko sa iyo itong timba. Nakita mo bang ang aso ko ang ngumatngat ng medyas mong mabaho! Kaya nga pinalitan ko na ng bago ng matigil ka na eh. Bano ka lang talaga kaya kayo natalo. Alisin na ninyo sa team mo yan Allan at talagang mamalasin kayo.”

Tila susugurin pa ako, inunahan ko na. Ibinato ko sa kanya ang dala kong timba, sapol siya sa ulo hehehe. Hahabulin pa sana ako, mabuti na lang at napigilan nina Allan.

Sampol lang yan ng mga enkwentro namin ng lalaking iyon.

-----o0o-----

Mayo, uso ang santa cruzan. Uso ang paliga, dahil bakasyon at uso rin ang mga beauty contest. Nabalitaan ko na may pa contest si Mayor, miss gay ng aming bayan at ang coronation ay sa kapistahan na aming patrong San Isidro. Malaki sigurado ang premyo kaya nagpalista ako hehehe. Matagal-tagal pa naman ang contest kaya may panahon pa para maghanda sa Q & A at sa susuuting kong gown at swim-suit. Alam kong susuportahan ako ng aming barangay chairman, kaya sugod agad ako sa barangay Hall.

Pagpasok ko pa lang ay sinalubong kaagad ako ni kapitan. Naroon din sina Marco, Allan at iba nilang ka team.

“Tamang-tama ang dating mo Sonny. Heto ang ating kukuning muse Allan, si Sonny, ‘di ba bongga?”

“Muse po saan Kap?” tanong ko.

“May paliga si Mayor at ang gusto niya ay mga beki ang aming kukuning muse. Sino pa ba naman ang magandang beki dito sa barangay ang kukunin ko kundi ikaw.” Sabi ni Kap.

“Pero Kap, kasali po ako sa miss gay at irerepresent ko rin ang ating barangay, kaya nga ako nagpunta rito par humingi ng suporta sa iyo,” sabi ko naman.

“Lalong mabuti, susuportahan ka namin, pero syempre suportahan mo rin ang basketball team natin. Deal ba?”

“Baka po magka-conflict.” Sabi ko.

“Walang conflict iyon, ako ang bahala,” paniniguro ni Kap.

“Kap, baka nga po magka-conflict. Kumuha na lang po tayo ng iba, mas maganda pa sa Sonny na iyan,” singit ni Marco.

“Eh sino?” tanong ni Kap.

Hindi siya makasagot ngayon, walang maisip. “Kayo… wala ba kayong alam? Allan…” pagpilit ni Marco. Iling ang sagot ng mga kasamahan.

“Wala. So, final na. May muse na tayo at si Sonny na yun. Pangako Sonny, susuportahan ka ng barangay,” pagsiguro ni Kap.

-----o0o-----

Simula na nang liga at mamayang 3PM ay paparada lahat ng baranggay team na sumali. Pagkakain namin ng tanghalian ay naligo na ako kaagad. Dumating na ang mga amiga ko na siyang tutulong sa akin na mag-ayos. 2pm na at 2:30 ang assembly sa plaza. Naalala ko ang aking isusuot na ibinigay ni Kap. Nilabhan ko kagabi at isinampay sa likoran para matuyo kaagad. Paplantsahin ko pa kasi.

“Kukunin ko lang ang isusuot ko mga besi, isinampay ko sa likod, paplantsahin ko pa kasi,” paalam ko sa kanila. Paglabas ko ay kaagad kong napansin na wala roon. “Hala, nasaan na iyon. Mga besiiiii!!” sigaw ko.

“Besi namannnn, kung makatili ka eh para kang nire-rape. Bakit ba?” tanong ng aking mga kaibigan na biglang napasugod.

“Yung kasing isusuot ko, isinampay ko lang dito kagabi, wala na. Kanina ko pa hinahanap at baka nalaglag lang dahil sa hangin, pero wala na eh. Anong gagawin ko?” taranta kong wika.

“Pano nga ba?” wika nila. Nag-isip kami ng aking pwedeng ipalit. Habang nag-iisip kami ay nakita ko si Marco na nakasilip sa bintana nila, nakangisi, ngising demonyo. “Walanghiya ka talaga Marco, tangina ka talaga. Bwisit ka kahit kelan,” galit na wika ko sa aking isipan.

“Tayo na sa loob at may bwisit dito!” Yaya ko sa kanila. Isip pa rin kami, maraming suggestion. Isa lang ang aking napili, ang paldang pang majorette ng isa kong besi. Pinatakbo ko kaagad siya sa kanilang bahay para kunin iyon, teternohan ko na lang ng ibang tshirt na kakulay ng uniform ng team.

-----o0o-----

“Besiiii, nandyan na ang sundo mo!” wika ng isa kong besi na panay ang tili at parang kilig na kilig. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung sinong kanakikiligan nitong aking besi. Kaagad kong nakita si Marco. Gwapo na pero hindi ako para kiligin sa demonyong iyon. Pangit siya sa paningin ko.

“Hayaan ninyong maghintay!”

“Heto na siya, umakyat na.”

“Bakit mo pinaak…” hehehe, ikaw pala yan Allan, akala ko kasi eh…”

“Akala mo si Marco, bakit ba kung si Marco?”

“Hah eh wala… wala. Tayo na. Salamat mga besi ha.”

“Sali na kayo sa parada, sabay na kayo sa amin. May sasakyan naman tayong jeep papunta sa Plaza,” wika ni Allan.

Paglabas ko ng pinto ay nakaabang pala si Marco, siguro ay titingnan kung ano ang isinuot ko. Luwa ang mata niya pagkakita sa akin. Siguro ay naglaway pa. Alam kong nakatitig siya, titig na titig sa makinis, maputi, mahaba at mabibilog kong hita at sa aking magandang mukha. Napakaiksi kasi ng paldang puti na pang majorette ni besi at ang buhok ko ay mahaba dahil nilagyan ako nila ng wig kaya nagmistula talaga akong tunay na babae.

Inalalayan pa akong sumakay sa unahan ng jeep ni Allan at doon din siya naupo katabi ko. Hindi ko maintindihan ang titig niya, iba eh. Sa pakiwari ko ay naiinggit siya kay Allan. Napansin ko na panay ang tingin niya sa akin sa salamin ng jeep sa unahan, hindi talaga niya inaalis kahit alam niyang nakikita ko siyang nakatingin sa akin. “Manigas ka sa inggit hehehe,” wika ng aking isipan. Lalo ko pang idinikit ang aking katawan kay Allan.

Pagbaba namin sa jeep ay hindi siya lumalayo sa amin ni Allan, ewan ko kung talagang bumubuntot sa amin. Iniirapan ko siya kapag nagsasalubong ang aming paningin.

Sa parada ay palagi siyang nasa may likoran ko, ewan ko naman kung talagang doon ang pwesto niya, kasi kami ni Allan ang may hawak ng banner.

Habang lumalakad kami ay natutuwa ako dahil maraming pumapalakpak sa team namin, kasi naman doon na yata itinambak ang magagandang lalaki sa team na iyon. Natutuwa rin ako dahil maraming kumukuha ng aking picture. May isang teenager na lalaki pa nga ang nagpakuha na katabi ako hehehe.

Nakaraos ang parada at mamayang 5PM ay simula ng ng laro. Second game ang team nina Marco. Syempre present ako para manood at talagang pinalakpakan ko si Allan. Pa cute naman palagi sa akin itong si Marco dahil kapag nakaka-shoot ay titingin pa sa akin saka mag bi-beautiful eyes. Sa totoo lang ay kinikilig na ako talaga.

Nanalo naman ang team nina Marco. Binati ko naman silang lahat dahil talaga namang ginalingan nila. Binati ko rin naman si Marco, baka kasi isipin ng ka team mate niya ay inisnab ko siya.

Basta may game sina Allan ay present ako. Gusto kong mapanood talaga si Marco, kahit na palagi kaming nag-aaway ay kapitbahay ko pa rin siya at syempre susuportahan ko rin. Noong unang mga game nila ay si Allan ang aking palaging pinapalakpakan, ngayon ay pati na rin si Marco at syempre silang lahat. Nakakatuwa naman dahil sa huling laro nila ay nakasali na sila sa quarter final.

-----o0o-----

Nagkita na naman kami sa likod bahay. Sinasampay niya ang kanyang jersey. “Sipitan mo ng marami ha at baka malaglag na naman at mangatngat ng aking aso ay mag-away na naman tayo.,” paalala ko sa kanya pero nakatalikod ako na hinahango naman ang aking sinampay. Ayaw ko kasi siyang makita kasi baka hindi ako makapagpigil at mahalata na ako na kinikilig ako sa kanya.

“Hindi lang ipit ang ikinabit ko, nilagyn ko na rin ng perdible, hehehe. Salamat nga pala sa pag cheer sa amin kagabi. Malaking bagay yun.”

“Hindi naman ikaw ang tsini-cheer ko eh, yung mga kasama mo.”

“Weh, may talon ka pang nga kapag nakaka-shoot ako. Nung isang gabi nga tila may inaaway ka pa eh hehehe. Dahil ba sa akin yun? Kasi sinadya akong bunguin eh kaya natumba ako.”

“Eh ayoko lang ng maruming laro na may masasaktan pa. Sige na, pasok na ako.”

“Tulungan na kita, baka hindi mo kaya,” sabi ni Marco.

“Ano bang nakain mo at ang bait mo ngayon. Sige, ikaw ang bahala,” sabi ko naman at ibinigay ko sa kanya ang basket ng damit.

“Kung ganyan ba kayo palagi eh, di hindi kayo nakakabulahaw. Salamat Marco ha!” wika ni nanay.

Nagpasalamat din naman ako bago siya umalis.

-----o0o-----

Pista na sa bayan namin at mamayang gabi na ang pageant. Kinakabahan din naman ako. Mabuti at pumayag si Allan na maging excort ko sa pagpapakilala sa amin sa stage.

Gaya ng dati ay tinulungan na naman ako ng aking mga besi sa pag-aayos ko. Naging alalay ko pa tuloy sila na taga dala ng aking susuutin.

Gabi, pagkatapos ng prusisyon ay nagmamadali na kaming nagpunta ng plaza, hinihintay ko sanang lumabas si Marco para magpatulong lang sa pagbibitbit ng mga dala namin kaya lang ay wala yata sa kanila. Laking tuwa ko ng dumating si Allan at Olan.

“Naku Allan, Olan… salamat at dumating kayo, magpapatulong lang sana kaming magbitbit ng ibang dadalhin namin sa plaza,” wika ko.

“Susunduin talaga namin ikaw, ito kasing si Allan, nahihiya pa ng walang kasama. Tayo na,” sabi ni Olan.

Lumakad na kami, napalingon pa ako at nakita ko si Marco na tila sambakol ang mukha.

Pagdating namin sa plaza ay kaagad na kaming pumasok sa dressing room. Pinag-hahanda na kami at magsisimula na raw. Pinagbihis ko na rin si Allan.

Simula na. Isa-isa nang tinawag ang mga kalahok. Nadinig ko nang tinawag ang aking pangalan at number. Para akong kinabahan nang makita ko si Allan na naghihintay na sa entrance. Ang gwapo niya sa suot niyang amerkana, para tuloy nanghina ang aking tuhod.

“Huwag kang kakabahan, nakita ko na ang ibang kalaban mo. Wala silang panama sa iyo, galingan mo na lang sa Q & A,” pampalakas loob na wika ni Allan.

Long gown muna ang una naming suot at naka-abrasyete pa akong naglakad papuntang stage. Sandali pa kaming tumayo sa pinaka-gitna para makita ng judges, saka ako iniwan ni Allan at naglakad na ng ilang ikot sa stage. Matapos ang paglakad ko ay sinundo uli ako ni Allan. Nakita ko si Marco na nanood pala at pumapalakpak kasabay ng ibang nanonood. Ang tuwa ko naman.

Sunod ay swim suit naman. Ayaw ko sana ng parteng iyon dahil sa hirap itago ng aking harapan, parang mas bagay pa akong sumali sa bikini open ng mga lalaki kapag bikini ang suot ko hehehe. Nasolusyunan naman ng mga besi ko ang aking problema, binalabalan nila ng manipis na telang puti para matakpan ang aking harapan at hindi masyadong halata ang aking bukol hehehe.

“Alam mo besi, kung hindi lang namin alam na pareho lang tayo ay baka kung ano nang nagawa ko sa iyo, iba rin kasi ang size mo eh hehehe.” Wika ng isa kong besi.

“Tumigil ka nga!”

Tinawag na ako. Pagsampa ko pa lang sa stage at nagsimula ng lumakad ay marami na ang nagpalakpakan. Yun lang ang maipagmamalaki ko, parang lumiliwanag kasi kapag  naka bikini ako, litaw na litaw ang aking kaputian.

Peke ang aking boobs, hindi tulad ng iba na nagpaturok na yata ng silicon. Ayoko kaya ng ganon, hindi ko gusto.

Nakita ko na naman si Marco at katabi na niya si Allan sa audience. Yung titig niya sa akin, iba na naman. Para kasing may malisya na eh. Tuloy ay nako-concious ako. Titig na titig kasi, tapos may pagbasa pa ng labi gamit ang dila. Inalis ko tuloy ang aking tingin sa kanya. Mabuti na lang at nakaraos na.

Change costume na naman, gown uli. Ibang gown na naman ang susuutin ko. Mabuti at nakahiram ako. Isang black gown na ang slit sa isang side ay mahaba at kitang kita ang mahaba ko ring hita.

“Bagay na bagay sa iyo ang gown besiiii. Mahaba kasi ang pata mo kaya bumagay sa iyo. At ang legs mo talaga ay pamatay hehehe,” wika ni Besi.

Isa-isa na naman kaming naglakad sa stage saka lahatang na kaming pinaakyat sa dahil sa pipiliin na ang makakasama sa final 8.

Tinawag na ang mga finalist. Doon ako kinakabahan, kapag ang pilian na ng makakasali sa final kahit semi final pa lang. Wala pa talaga akong self confidence pagdating doon. At heto si Marco, nag flying kiss pa sa akin, kung ako nga iyon, ang dami kaya namin sa stage.

Lima na ang natatawag ay hindi pa tinatawag ang aking pangalan. Hindi pa rin sa pang anim at pito. Lalo akong kinabahan.

“And the last but not the least….. at ang huling finalist ay walang iba kundi si Sonny  Belmundo,” pag–announce ng host. Sobrang tuwa ko, kasi naman ay huli na akong tinawag. Akala ko tuloy ay panalo na talaga ako. Hinanap ko pa ang dalawa, naka like sign pa sila saka pumalakpak.

-----o0o-----

Sa backstage ay nagiisip kami nina besi kung ano ang itatanong ng mga judges. Mga judge na kasi ang magtatanong. Sana lang ay madali ang itanong sa akin. Nakikinig naman kami sa mga tanong sa naunang tinawag na semi finalist. Ang dadali ng tanong. Ika nga nina besi ay sobrang basic naman ang tanong.

Heto na, ako na ang susunod. Habang naakyat ako ay ang nasa isip ko ay paseksihan at pagandahan lang naman ang labanan, hindi patalinuhan. Confident akong humarap sa mga huwes.

Isang bading na judge din ang nagtanong sa akin at ito ang tanong. “Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon muling ipanganak, anong gugustohin mong maging. Maging isang tunay na babae o isang tunay na lalake?”

Ano ba namang tanog yan. Syempre bakla ako at ang maging tunay na babae ang pipiiin ko. Kung ako naman ay tomboy, siguro ang pipiliin ko ay maging tunay na lalake. Asus naman. Kelangan ko pa bang sagutin iyon?

“Obvious naman po na isa akong bading kaya siguro ang alam ninyo ay pipiliin ko ay maging tunay na babae. Hindi po. Ipagpaumanhin po ninyo at hindi ko kayang pumili. Kasi po ay wala naman akong kasiguruhan na kung sakaling maging tunay akong babae o lalake ay magiging maligaya ako. Wala naman pong makapagsasabi ng ating kapalaran kundi ang Panginoon kaya maluwag ko pong tatanggpin kung ano man pong kasarian ang ipagkaloob sa akin.”

Pause ng konti.

“Kung sakaling gawin po akong babae ay salamat, kung lalake ay salamat din at kung bakla o tomboy ay salamat din dahil alam kong ano mang ibigay na kasarian sa akin ay alam kong para sa aking ikaliligaya at kinabukasan. Ang Panginoon lang po ang nakakaalam kung ano tayo paglabas sa mundo. Salamat po.”

Tahimik ang audience, parang hindi nagustuhan ang aking sagot, Tumalikod na ako at bumaba. Pagpasok ko sa backstage ay saka ko nadinig ang palakpakan, pero para kanino ang palakpak.

-----o0o-----

Eto na ang hinihintay, ang pagpili ng final 3. Tinawag na naman kami sa stage para i-announce ang final three. Sa pagkakataong ito ay ako ang unang tinawag.

 

 

May Karugtong……

2 komento:

  1. Maganda ang story. Aabangan ko po ito..

    TumugonBurahin
  2. Very exciting naman. Gusto ko nang magkatikiman sila ni Marco at matikman nya rin si Allan. Hehehe

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...