Biyernes, Enero 27, 2023

Gay Club House

 


Gay Club House

 

Pag-kagat ng dilim ay sumisigla na ang kahabaan ng Quezon Avenue. Nagliliwanag sa iba’t ibang kulay na ilaw na tila nagsasayawan sa harapan ng

mga magkakahilerang bahay-aliwan, gay bar, disco pub, comedy bar, KTV bar at iba pang club at beer house na paboritong puntahan ng mga naglilibang, naghahanap ng entertainment matapos ang mahabang oras ng pagtatrabaho at ang iba ay ang panandaliang aliw sa piling ng mga kabataang mananayaw, babae man o lalake.

Sa karsadang ito na ako lumaki at nagkaisip. Ito na ang naging pangalawa kong tahanan. Noong bata pa kasi ako ay dito ako kumukuha ng konting  barya, pantawid sa sikumurang kumukulo sa pamamagitan ng pagtitinda ng sigarilyo, sampaguita, mane at kung ano ano pa kasabay ng iba pang kabataan na kagaya ko ring isang kahig isang tuka. Sa gabi ay balot, sigarilyo at iba pang pwedeng kutkutin ang aming inaalok, taga tawag ng taksi sa mga lalaking lasing na kapalit ng konting barya.

Kahit papano naman ay nakapagbibigay kami ng konti sa aming mga magulang. Marami sa mga kagaya ko ang hindi na nakapag-aral. Kung nakapag-aral naman ay mabuti nang makagraduate sa grade six, tapos ay hinto na rin.

Ngayon nga ay masasabi kong binata na ako, 17 years old na at narito pa rin sa lansangan, dito pa rin kumukuha ng ikabubuhay. Lahat ng pwedeng pagkakitaan ay ginawa ko na, pero hindi ang magnakaw o mandukot dahil kahit na kami ay lumaking patay-gutom ay hindi naman ako tinuruan maging masama ng aking mga magulang.

Ang mga boteng plastic na napupulot ko kung saan saan ay aking iniipon. Naroong maging barker, parking boy at kargador. Basta mapagkakakitaan ay aking pinapasukan. Sa aking pagiging kargador nahulma ang aking katawan. Marami na ang nakakapansin sa hubog ng katawan ko ngayon. Mahirap at marumi at babad man sa init ang aking trabaho ay hindi naman naging galisin ang aking balat. Masasabi kong makinis pa rin iyon hindi nga lang maputi.

Gwapo raw ako. Sila ang nagsasabi niyon. May mga bakla ngang nag-aalok sa akin ng pera para sumama lang sa kanila, pero ni isa ay wala akong pinatulan.

Kahit na kami ay naghihirap, kahit kami ay salat sa karangyaan ay maligaya naman kami. Pero kung minsan ang kaligayahan ay may kaakibat ding kalungkutan.

“Arjay! Arjay! Ang tatay mo, nawalang ng malay. Naroon sa may pwesto ng isda.” Ang sigaw sa akin ng isang batang palengke rin.

Nagmamadali kong tinungo ang lugar na sinabi ng bata. Nakita ko na may pinagkakaguluhan sa bandang iyon at napag-alaman kong si Tatay na nga. Dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa isang pampublikong hospital.

Na stroke daw si Tatay. Matagal-tagal din siyang nanatili sa hospital, mabuti na lang at konti lang ang babayaran. Ang mga gamot naman ay binibili namin sa labas dahil wala raw gamot doon ang hospital.

Nailabas naman namin si Tatay, hindi na makapagsalita ng tuwid at hindi na maigalaw ang isang kamay. Maging ang isang paa ay hindi rin masyadong naigagalaw.

Problema namin ngayon ay ang mga gamot na dapat niyang inumin sa araw-araw na may kamahalan din. Mabuti at kahit papano ay may libreng gamot na nahihingi sa health center.

Laking dagok para sa akin ang nangyari. Sa akin ngayon nakaatang ang aming kakainin at gastusin sa pang-araw araw, isama pa ang ibang gamot ni Tatay. Paano namin kikitain ni Nanay ang gastusing iyon gayon labandera lang si Nanay. Ang bunsong kapatid ko naman ay hindi pa pwedeng magtrabaho dahil sa bata pa siya at hindi ko talaga hahayaang gumala-gala sa kalye tulad ko noon.

Wala akong sigla habang nakaupo sa isang bangketa sa Qeuzon Av. Iniisip ko pa rin ang kasasapitan ng aming pamumuhay.

“Pare, malalim yata ang iniisip mo ah, may problema ba?”

“Ikaw pala iyan Ace. Oo eh, malaki. Si Tatay kasi, na stroke at heto kailangan namin ng pambili ng gamot niya. Sa pagkain lang ay kulang pa ang kinikita ko sa maghapon eh,” tugon ko.

Si Ace ay isang dancer sa gay club. Naging suki ko siya sa tinitinda kong balot. Gwapo siya, maganda ang pangangatawan kaya siya ay isa sa tinatawag nilang star dancer sa club.

“Ace, hindi ba nangangailangan ng waiter o dish washer man lang diyan sa club ninyo? Baka pwede mo akong ipasok, kahit anong trabaho,” wika ko.

“Wala sa pagka-alam ko. Marami ngang waiting doon ngayon eh, umeextra kung may hindi pumasok. Alam mo Arjay, pwede kang kumita ng malaki. Bakit hindi ka mag-dancer kagaya ko. Sa ganda mong lalaki at ganda ng katawan mo ay sigurado sisikat ka kaagad. Baka nga mahigitan mo pa ako. Pero okay lang iyon kung ikaw ang makakapalit ko hehehe.”

“Hindi ako marunong sumayaw eh. Saka siguradong hindi ako papayagan ni Nanay, lalo na ni Tatay kapag pumasok akong macho dancer.”

“Bakit mo naman sasabihin! Hindi naman masama ang sumayaw, sumasayaw ka lang naman eh, ano ba ang masama sa pagsayaw. Ang masama ay kung papatol ka sa mga mag-aalok sa iyo ng pera kapalit ang iyong katawan. Pero alam mo ba na marami sa mga kasamahan ko ang sumasama sa bading, lalo na sa mapeperang bading. Kumikita sila ng malaki doon at nasusunod ang luho sa katawan. Hindi ko naman sinasabi sa iyong gawin iyon ha. Naikukuwento ko lang,” wika ni Ace.

“Nagawa mo na bang pumatol sa bakla pare?” tanong ko.

“Oo pare eh, minsan lang naman. Nangailangan kasi ako ng malaki-laking halaga eh. Tulad mo rin, kinailangan ng magulang ko na operahan sa matris, kaya hayun, pinakamadaling paraan para lumikom ng malaki ring halaga. Sabihin mo nang puta, pero kung sa pagpuputa ko maililigtas ang buhay ng magulang eh bakit hindi. Sige pare, pasok na ako at maghahanda pa ako sa number ko. Basta pare, pag-isipan mo. Narito lang ako palagi. Hanapin mo lang ako.”

-----o0o-----

Sa aking pag-iisa ay naisip ko ang aming kalagayan. Paano namin mairaraos ang pang araw-araw naming pangangailangan. Eto pa nga si Marilen at humihingi ng pera para daw sa project nila sa school.

“Sabihin mo nang puta, pero kung sa pagpuputa ko maililigtas ang buhay ng magulang eh bakit hindi.” Malinaw na malinaw sa aking isipan ang sinabing iyon ni Ace.

Nagpasya na ako. Kinagabihan ay hindi ako nagtinda at hinanap ko si Ace.

“Ano P’re, napag-isipan mo na ba?” kaagad na tanong ni Ace.

“Pare tama ka, wala na akong ibang maisip na mapagkukunan ng malaki-laking halaga. Pero pupuwede kaya ako? Saka kung sakali, hindi ako marunong sumayaw.”

“Saka mo na problemahin iyan p’re. Halika. Nasabi ko na kay Boss na may irerekomenda ako sa kanya. Halika na, samahan kita.”

Hawak pa ako ni ace sa aking braso na pumasok sa bar at nagtuloy na kami sa opisina. Nadaanan ko pa ang ilang dancer na nagpapractice ng kanilang sayaw. Napahinto tuloy ako sandali dahil sa humanga ako sa kanilang malalambot na katawan na gumigiling-giling. Napaisip tuloy ako kung kakayanin ko iyon.

“Boss, siya po ang sinasabi ko sa inyong irerekomenda ko para maging macho dancer,” wika ni Ace.

“Siya ba ang sinasabi mo? Hindi ba iyan ang nagtitinda ng sigarilyo at kung ano-ano diyan sa tapat natin?” tanong ni Boss.

“Siya nga po, si Arjay.”

“Alam mo, matagal na ako dito at hindi kita malilimutan. Ikaw yung batang nagtitinda rin ng sigarilyo at sampaguita noon. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahaon, binata ka na. Okay sige, tanggap ka na. Hindi na kita tatanungin pa kung bakit mo gustong pasukin ang trabahong ito. Ace ikaw na ang bahala sa kanya, turuan mo siyang sumayaw, ngayon na at sa isang linggo ay isasabak na natin siya. Marami nang naghahanap ng bago kaya bilisan mong matuto Arjay.”

-----o0o-----

Matiyaga akong tinuruan ni Ace sa pagsayaw, nahirapan talaga ako pero desidido akong matuto kaagad. Pansamantala ay kay Ace muna ako umaasa ng panggastos ko sa pamilya, nagtitinda pa rin naman ako, pero sa tuwing may libreng oras lang para isingit ang pagtitinda.

Tumigil na rin ako sa pagkakargador sa palengke. Ang sabi ko kina Tatay ay nakapagtrabaho ako bilang waiter sa isang club. Naniwala naman sila dahil alam nilang hindi ako marunong magsinungaling, ngayon na lang, kailangan kong gawin ang pagsisinungaling.

Heto na, isasabak na ako ni Boss, unan beses akong magsasayaw sa harap ng maraming tao, kabadong kabado talaga ako. Mabuti na lang at full support ang mga kasama ko dito, pati na ang mga waiter, lalong lalo na si Ace na siyang nag-train sa akin.

“Sa lugar na ito Arjay ay ganda ng katawan at mukha ang pangunahing puhunan upang kumita at makilala, idagdag mo pa ang itinatago mo diyan sa loob ng iyong brief. At lahat ng katangiang iyon ay mayroon ka. Nasasa-iyo na lang kung paano mo iyong gagamitin,” wika ni Ace.

Nanginginig pa rin ang aking tuhod habang hinihintay akong tawagin ng host.

“Huwag kang kakabahan. Sa umpisa lang kakabog ang iyong dibdib. Masasanay ka rin at ang mga susunod mong numero ay hindi na kasing hirap ng unang gabi mo sa stage. Kaya mo ‘yan, Arjay,” pampalakas loob na wika pa ni Ace.

“At ang huling magtatanghal para sa unang set ng ating programa ay ang fresh na fresh, bagong bago at dito lang ninyo makikitang sumayaw, walang iba kundi si Arjay Molina!!!! Palakpakan natin siya.”

Tumugtog na ang isang malamyos na musika, paglabas ko ay hiyawan ang mga naroon at nasa likod lang ng entablado si Ace.

Hindi na bago sa akin ang lugar na ito, madalas na akong nakakapasok dito dahil sa marami na ring akong customer dito. Katunayan ay ang balot na tinda ko ang kinukuha ng club kapag may nag-order at mas malaki ang benta ko sa kanila.

Kilala ko na rin ang halos lahat ng mga performers, waiters, pati na ang gwardya dito. Ang bago lang ay ako na ang sumasayaw na tanging isang maiksing bikini brief ang suot at ang aking pwet ay nakabuyangyang na sa mga manonood.

Ginawa ko lahat ng itinuro ni Ace, ang akitin at takawin ang mga nanonood na karamihan ay bakla at matrona. May mangilan-ngilan din akong nakitang mga kabataang babae.

Dito sa trabahong ito ay pakapalan lang talaga ng mukha at iyon ang una kong pinag-aralan. Hindi na kailangan pa ang mataas na pinag-aralan at diploma para makilala ka, basta may magandang katawan at maipagmamalaking pagkalalaki.

Ginalingan ko ang paggiling-giling, ang mga moves na paseksi ang expression sa aking mukha at ang minsang pagpapasilip ng aking balat sa loob. Hiyawan sila kapag kunwa ay ibaba ko ang garter ng aking brief.

Isang may edad na lalaki ang napansin kong titig na titig sa akin kanina pa, tila nga hindi na kumukurap ang mga mata. Nilapitan ko siya ay doon lumiyad-liyad. May inipit siya sa aking brief, alam kong pera iyon kaya lumibot pa ako sa mesang malapit sa stage.

May ipa pang nagipit ng salapi tapos ay hinaplos ang aking harapan na pinatigas ko kanina sa utos din ni Ace. Tila namula ang aking pisngi sa ginawang iyon ng isang bakla, uminit kasi ang pakiramdam ko dahil sa ginawang iyon, muntik ko nang malimutan na parte iyon ng aking trabaho, ang mabastos, kapalit ng salapi.

Sumabog na ang malakas na palakpakan ng matapos na akong magsayaw. Pagpasok ko sa backstage ay kaagad akong niyakap ni Ace at maging ang ibang kasamahan kong dancer ay kinamayan ako at pinuri. Tuwang tuwa sila para sa akin.

“Ang galing ng ginawa mo Arjay, pinahanga mo pati si Boss. Ang galing-galing mo raw. Tingnan mo o, kumita ka na kaagad. Isang libo ang isiniksik ng matandang iyon sa iyo, may 500 pesos po mula sa nanghipo sa iyo. Naka kulang dalawang libo ka kaagad sa isang sayaw pa lang hahaha,” tuwang tuwang wika ni Ace.

“Sa akin na ba ito?”

“Sa iyo na iyan, hahaha.”

“Makakabayad na rin ako ng mga pinaluwal mo sa akin p’re hahaha.”

May lumapit sa aming GRO. “Arjay, magbihis ka na at may gustong mag-table sa iyo. Bilisan mo na.”

“Paano yun, Ace?”

“Basta huwag kang palalamang, umorder ka kaagad ng beer. Bawat bote ng beer ay mayroon kang commission.”

“Sino kaya iyon ano?” tanong ko habang nagbibihis ako. Isang fit na tshirt at skinny jeans ang aking isinuot. Bagong bili iyon na si Ace ang pumili at nag-abono. Hindi ako komportable dahil sa hirap akong itago ang aking bukol. Bumabakat din ang korte ng aking dibdib at abs sa suot kong thisrt.

-----o0o-----

Ang matandang nagsingit sa akin ng isang libong piso ang nag-table sa akin at nagpakilalang Vicente o Vic na lang daw ang itawag sa kanya o Daddy Vic. Pinaorder kaagad niya ako ng dalawang beer at siya na lang daw ang iinom ng isa. Alam naman pala ang kalakaran sa ganitong club.

Pangalawang gabi pa lang daw niya dito at hindi naman daw siya naghahanap ng sex. Gusto lang daw niyang maglibang at nasisiyahan daw siya sa panonood lang.

Kaagad niya akong inaya na lumabas minsan kapag off ko raw. May gusto raw siyang sabihin sa akin.

Syempre hindi ako kaagad nakipag-kompromiso. Sasabihin ko muna kay Ace. Siya kasi ang parang aking naging mentor.

-----o0o-----

Tatlong buwan ang matuling lumipas, marami nang nangyari, kahit papano ay kumikita na ako. Sobra pa sa pangangailangan namin sa araw-araw, pati na ang gamot ni Tatay. May nag-aalok ng malaking halaga para sa isang gabing kasiping ako, pero hindi ako pumapayag. Si Daddy Vic lang ang sinasamahan ko minsan pero hindi para makipag-sex. Gusto lang talaga akong makausap.

Marami siyang kwento. Kaya pala siya nagawi sa club na iyon ay dati raw nagtrabaho doon ang kanyang anak na naglayas at sing-edad ko daw siya. Nakakamukha ko pa raw. May ipinakita pa ngang larawan at hindi nga nagkakalayo ang aming itsura.

Mayaman pala sila at ang anak ay nagtampo lang kaya umalis ng bahay. Hinanap daw niya, pero huli na ng makita dahil sa na hit-and-run ng isang rumaragasang taksi at hanggang ngayon ay hindi na nahuli. Kaya pala siya nanonood ay gusto niyang malaman ang naging buhay ng isang dancer.

Ikinuwento ko rin sa kanya ang naging dahilan kung bakit ako napapasok para magsayaw sa club na iyon. Ewan ko kung ano ang kanyang naging damdamin sa aking kwento. Hindi naman siya nagtanong. Marahil ay nagaalangan siya kung paniniwalaan ako, ewan ko lang.

Minsan ay sumama ako kay Daddy Vic na hindi alam ni Ace. Isang gabi akong hindi nakapasok sa club. Dahil isinama ako ni Daddy sa Tagaytay at doon kami nag-stay ng isang gabi. Sinabi ko naman na masama ang aking pakiramdam at nasa bahay lang ako. Ang kaso ay pinuntahan pala niya ako sa bahay namin at nalaman na wala ako.

Pagbalik ko kinabukasan ay hindi niya ako kinakausap, galit siya sa akin. Madaling araw na, wala na kaming performance na gagawin. Lasing na lasing na si Ace at halos hindi na makagulapay sa kalasingan. Inaya ko na siyang umuwi.

“Doon ka na lang sa Daddy mo sumama, iwan mo na ako,” pagtanggi niya.

“Paano kitang iiwan gayong hindi ka na makalakad. Huwag nang matigas ang ulo. Bakit ka ba naglalasing?” tanong ko.

“Nagtatanong ka pa, dahil sa iyo,”

“Ano bang kasalanan ko. Sige, sorry na kung ano man iyon, halika na at iuuwi na kita. Sige umarte ka pa ng ganyan at talagang hindi na kita kakausapin pa. Kay Daddy Vic na lang ako sasama.”

Tila natauhan bigla itong si Ace. Umakbay siya sa akin para madali ko siyang mailabas sa Club. Isang kotse ang naghihintay sa amin sa may parking at doon ko siya isinakay.

Nakatulog na siya kaya hindi niya alam na sakay kami ng kotse ni Daddy Vic at sa kanyang condo kami tumuloy. Usapan naman namin ito na kakausapin daw niya kaming dalawa dahil aalis na siya patungong ibang bansa. Naroon pala ang kanyang pamilya.

Hindi rin alam ni Ace na nasa condo na kami dahil halos kaladkarin na namin siya para maiakyat ng condo unit ni Daddy Vic. Hinayaan na lang namin siyang matulog, sa isang silid at kami na lang ni Daddy ang nag-usap muna.

-----o0o-----

“Saan tayo naroon Arjay? Saan mo ako dinala?” tanong ni Ace pagkagising, hawak ang ulo dahil sa masakit daw.

“Panong hindi sasakit ay lasing na lasing ka kagabi. Hang-over yan. Narito tayo sa condo ni Daddy Vic,” sabi ko.

“Anong ginagawa natin dito?” sabi niya na biglang tumayo at uuwi na raw siya.

“Gising na pala kayo, tayo na munang mag-almusal,” wika ni Daddy Vic nang makitang lumabas kami ng silid.

“Anong ginawa ninyo ng kaibigan ko? Ang tanda-tanda mo na sa isang bata pa ang inakit mo!” galit na wika ni Ace.

“Ano ka ba Ace, hindi mo na siya iginalang. Kakausapin daw niya tayo dahil magpapaalam na siya, babalik na siya sa states,” halos pasigaw kong wika.

Natigilan siya at tumahimik, Hindi naman siya halos nakakain dahil wala raw siyang gana at baka raw isuka lang niya ang kakainin.

-----o0o-----

Pinapag-shower na muna kami ni Daddy bago raw niya kami kausapin para daw fresh kami at mawala ang hang-over nitong si Ace.

Sa sala kami nag-usap. “Gusto mo pa bang uminom Ace?” tanong ni Daddy Vic.

“Hindi na po. Ano po bang pag-uusapan natin at bakit isinama pa ako?”

“Dahil gusto kong alukin kayo na mabago ang inyong buhay. Pero bago iyon, galit ka ba sa akin Ace?” tanong ni Daddy.

“Hindi po?” sagot naman niya.

“Nagseselos ka ba?” tanong uli ni Daddy.

Nanlaki ang mga mata ni Ace, namilog pa ang bibig. Hindi makasagot. “Mahal mo ba si Arjay?” tanong uli ni Daddy Vic.

“Daddy Vic! Anong tanong naman iyan. Hindi niya ako pwedeng mahalin?” sabi ko na parang napahiya sa diretshang tanong na iyon.

“At bakit hindi?” singit ni Ace.

Napatingin ako sa kanya.

“Mahal naman kita eh. Minahal na kita simula ng maging close tayo. Nagseselos naman talaga ako kay Daddy Vic mo kasi akala ko ay inaagaw ka niya sa akin, may pera siya at kaya kang mapaginhawa ang pamumuhay,” pagtatapat ni Ace.

“Alam ko naman na nagkakagusto ka sa akin, at alam ko rin na nagseselos ka rin kay Daddy, pero wala naman talaga kaming relasyon dahil anak ang turing niya sa akin at alam mo ang dahilan. Hinihintay lang naman kitang umamin sa akin eh, ang tagal-tagal naman. Idinadaan pa sa paglalasing ay obvious naman.” Sabi ko naman.

“Ibig bang sabihin ay mahal mo rin ako?” kulit na tanong ni Ace.

“Oo na, huwag nang makulit at baka magbago pa ang isip ko.”

Tuwang tuwang niyakap ako ni Ace at hinalikan pa sa labi sa harap ni Daddy Vic. Hindi na nahiya. Sandali lang naman.

“Daddy, ano nga pala ang sasabihin mo sa amin.”

Napakaganda ng alok sa amin ni Daddy, Kaming dalawa. Gusto niyang magpatuloy kami sa pag-aaral. Sinabi naman namin na elementary lang ang natapos namin. Sinabi naman niyang pwede kaming mag-aral ng special studies tapos ay pakukuhanin kami ng exam para mag-qualify na makapasok na ng college at kuhanin ang kursong gusto namin. (Hindi ko naman talaga alam kung may ganong studies. Para sa kwentong ito ay hayaan na lang ninyo na may ganon hehehe. Pwede naman dahil fiction lang ito)

Marami pa kaming pinagdiskusyunan. Bibigyan daw ang mga parents namin ng konting negosyo at kami naman ay bibigyan ng disenteng trabaho. Hindi naman pala maninirahan ng tuluyan si Daddy sa States, dadalawin lang daw ang mga anak na naroon at babalik din dito sa Pilipinas.

Nagkasundo naman kami at nagpasalamat sa swerteng aming nakamit. Pinatigil na kami ni Daddy sa pagsasayaw sa club na iyon at itong gabi ngang ito ay ang huli naming performance.

“Natutuwa po kami rito sa club na ito dahil ang dalawa nating magagaling na dancer ay hihinto na sa pagsayaw,” panimulang wika ng DJ para kami ipakilala. “Nanghihinayang nga kami dahil sa ang dalawang star dancer namin ay aalis na at sana ay hindi mabawasan ang kinikita ng club na ito para naman hindi masara at mawalan ng trabaho ang mga tauhan.”

Pause sandali.

“Pero dapat ba naming pigilan ang pag-unlad nila. Magpapatuloy po sila sa pag-aaral dahil sa may nag-sponsor sa kanilang isang mayaman at mapagkawang gawang mamamayan. Ayan po. Kaya pasalubungan nating ng palakpakan ang huling pagtatanghal ng dalawa nating superstar na sina Ace Perez at Arjay Molina.”

Ibinigay na namin lahat ng aming galing sa pagsasayaw at sa pagkakataong ito ay binusog din namin sila dahil sa nag “all the way kami”. Napanood iyon ni Daddy Vic hehehe. Gulat nga siya eh hahaha.

-----o0o----

May magandang umagang naghihintay sa amin ni Ace sa tulong ni Daddy Vic. At nang gabing iyon ay sa condo uli kami niya natulog. At ang gabing iyon din ang pinakamasayang gabi ko. Nagtikiman na kasi kami ni Ace hehehe.

 

 

-----Wakas-----

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...