Linggo, Mayo 14, 2023

Ang Dati Kong Bayaw (Part 1)

 


Ang Dati Kong Bayaw (Part 1)

 

Ako si Ismael, edad 23, 5’10, maputi, slim fit, gwapo rin naman at higit sa lahat isa akong bading, bakla, binabae sa kilos at sa pananalita. Pero hindi ako isang cross dresser. Hindi ko nakahiligan ang magbihis at mag-ayos ng parang isang babae. Graduating ako this year sa kursong Civil Engineering.

Nakatira ako ngayon sa aking kapatid na si Ate Elsa at asawa nitong si Kuya Nick. Limang taon na silang kasal pero hindi pa binibiyayaan ng anak. Isa ring Engineer si Kuya Nick.

Nakatira sa isang condo sa Makati sina Ate. Bale ang condong iyon ay binili ni Kuya sa kanilang kompanya kaya nakuha niya iyon na espesyal ang price. Medyo malaki naman ang unit nila at dalawa ang silid kaya may sarili akong silid doon.

Maganda ang takbo ng kanilang pagsasama, alam ko dahil kasama nila ako sa bahay at kilala ko na si Kuya Nick simula pa noong nanliligaw pa lamang siya. Matagal din silang naging mag-boyfriend/girlfriend bago nagpakasal. Siguro ay higit pang limang taon

Oo, bakla ako, pero ipinagmamalaki kong virgin pa ako, never been kissed hehehe. Hindi ko kasi gusto ang one night stand at pagkatapos ay wala na. Gusto ko ay espesyal ang taong makakatalik ko, yung mahal ko at mahal din ako. Gusto ko ay yung katulad ng aking bayaw na si Kuya Nick, gwapo na, mabait pa. Kaya nga ang swerte ni Ate sa kanya.

Nitong nakaraan buwan ay na-promote sa kanyang pinagtatrabahuhan si Ate. Manager na yata siya, at bilang manager ay mas malaki na ang responsibilidad niya sa pagpapaunlad ng negosyo ng kanilang kompanya. Dahil sa promotion na iyon ay nagsimula nang umuwi ng gabi si Ate dahil sa marami pa raw pinag-aaralang kung ano, may meeting at kung ano-ano pa. Iyon ngayon ang nirereklamo ni Kuya Nick.

Sa akin nagsusumbong si Kuya. Nakikinig lang naman ako at walang ipinapayo sa kanya kundi konting unawa lang dahil bago pa lang sa posisyon at nagpapakitang gilas pa lamang. Ganon naman siguro sa opisina, pa impress hehehe.

Tatlong buwan na ang lumipas at ganoon pa rin ang sitwasyon nila. Halos araw-araw ay gabi nang umuuwi si Ate at ang rason ay palaging maraming trabaho, ganun parati kaya naman si Kuya ay ako naman palagi ang inaabala para lang may mapagsabihan ng sama ng loob. Wala na raw silang sex life, kapag inaaya ay galit at pagod daw ito.

Isang gabi ay pinasok ako ni Kuya sa aking silid may dalang bote ng alak at dalawang baso.

“Halika Ismael, samahan mo akong uminom. Wala naman kayong pasok bukas hindi ba? Hindi raw uuwi si Ate mo dahil may out of town trip daw sila ng kanyang Boss. Nagpaalam sa akin kaninang umaga. Halika na, doon tayo sa sala,” yaya ni Kuya Nick sa akin. Tumalikod na si Kuya

Bumangon ako at pinuntahan na sa labas si Kuya. Napansin kong parang problemado si Kuya. Ano na naman kaya ang isusumbong niya sa akin. “Kuya, anong okasyon? Bakit ka iinom?” pagkukunwari kong tanong.

“Wala, gusto ko lang uminom,” sagot niya. Nagsalin na siya ng alak sa dalawang baso. Wala naman siyang imik, wala naman akong maitanong. Ayaw kong i-open up yung kay Ate. Ayaw kong panghimasukan muna hanggat wala pa akong alam.

Salin-inom, salin-inom. Ganon lang, tahimik. Nakaka-kalahati na kami at medyo namumula na ang kanyang balat sa mukha, tinatamaan na siya ng espiritu ng alak.

“Hindi ba kayo nag-uusap ng Ate mo?”

“Hindi Kuya. Hindi naman kami nagpapang-abot dito sa bahay nitong mga nakaraang araw. Tungkol saan ba Kuya.”

“Kasi, kahapon, dinaanan ko siya sa kanyang opisina. Pinapasok naman ako ng gwardiya dahil sa kilala na naman ako roon. Tuloy-tuloy lang ako sa kwarto niya roon, wala na kasing tao at past 5 na. Dahan-dahan kong binuksan at nakita ko siya at ang kanyang Boss siguro na naghahalikan.”

“Ha! Anong ginawa mo Kuya?”

“Wala, tumalikod na ako at bumaba na muli. Tinanong nga ako ng gwardya kung nakausap ko dahil sa bumaba ako kaagad. Hindi ko na lang sinagot.”

“Kuya, bakit nindi mo kinompronta.”

“Hindi ko kaya, ayaw ko siyang ipahiya. Dito na lang sana pero nang dumating siya kagabi ay nakatulog na pala ako sa paghihintay. Tapos yun nga, pagkagising ay sinabing out of town daw siya.”

“Saan daw pupunta?”

“Tinanong ko pero walang sinabi. Basta umalis lang at may dalang bag, parang magtatagal dahil sa malaki yung bag eh.”

Lalong napalakas ang pag-inom ni Kuya, sunod sunod ang salin at lagok. Maya-maya ay iba nang magsalita, paputol-putol na, lasing na.

“Kuya, iba na ito, kausapin mo na siya kung anong problema nang maayos kaagad para hindi na lumala. Hindi ko siya kakampihan Kuya kahit kapatid ko siya. Kung pinagtataksilan ka niya ay hiwalayan mo na kuya at maghanap ka na lang ng ibang babae. Mabuti nga at wala pa kayong anak.”

“Bayaw, mahal ko ang kapatid mo, ang asawa ko. Anong gagawin ko. Baka iwan na niya ako.”

“Eh di umalis siya. Bakit kuya, natatakot ka bang hiwalayan ka. Walang kwentang babae ang asawa mo kung totoong nagtataksil siya sa iyo. Palayasin mo dito. Iyo naman ito at wala siyang ginastos dito. Saka nasa pangalan mo ang condong ito noong binata ka pa.”

“Bayaw, kung aalis siya, kung iiwan niya ako, pwede bang dito ka lang? Pwede bang huwag mo akong iiwan din? Huwag kang aalis dahil sa kailangan ko pa ng makakausap, please!”

“Hindi kita iiwan Kuya, promise. Pero bakit kaagad mong nasabi iyan.”

“May pakiramdam akong sasama na siya sa lalaking iyon. Malaki ang dala niyang bag. Marami siyang dalang gamit.”

Putangina! Nakakahiya siya. Kuya, wala ka bang alam na nagawa mong mali sa kanya?”

“Kilala mo ako, kung may hindi kami pagkakaunawaan ay simpleng bagay lang at kaagad naayos. Hindi ako umiinom sa labas, on time ako umuuwi at lalong wala akong babae. Iyon lang naman ang maaring malaking bagay na pwede naming pag-awayan at hindi ko iyon ginawa.”

Umiiyak na si Kuya, masamang-masama ang loob, randam ko iyon. Sunod-sunod na naman ang inom niya ng alak. Maya-maya alang ay hindi na kumikilos, nakatulog na yata.

“Kuya! Kuya! Doon ka na sa kwarto ninyo,” gising ko sa kanya, niyugyog ko pa siya. Hindi siya magisin. “Paano ba ito, ang bigat nito at ang laking lalaki pa,” bulong ko sa sarili.

Sinubukan kong ilagay ang isang braso sa aking balikat at hinawakan sa may bayawang saka itinayo ko siya. “Ummmpppppp, shet! Ang bigat!” sabi ko na pilit na itinatayo si Kuya. Naitayo ko naman siya at unti-unti kong inakay papasok sa kanyang silid.

Ihiniga ko siya sa kama at inayos ang pagkakahiga. Noon ko siya napagmasdang mabuti. Basa ang kanyang sando, natapunan siguro ng alak. Minabuti kong hubarin para mapalitan ng bago. Kumuha muna ako ng face towel para mapunasan ng konti ang dibdib, mukhang malagkit.

Habang pinupunsan ko siya sa dibdib ay may kung anong damdamin ang pumukaw sa aking kamalayan. Napakaganda ng kanyang katawan, proportional ang laki ng mga muscle sa katawan. Kaya pala napakaganda niyang magdala ng damit, bagay na bagay ang hapit sa fit na fit niyang body.

Nakakaakit ka kuya, kung hindi ka lang asawa ng kapatid ko ay matagal na kitang nilandi. Kung ano anong kalaswaan ang nasa isipan ko. Mabuti na lang at hindi ako lasing. Binihisan ko na lang siya ng bagong sando, at kinumutan.

Tumalikod na ako para lumabas na ng hawakan niya ako sa aking wrist. Paglingon ko ay bukas ang kanyang mga mata at tinitigan ako. Nagkatitigan kami, mata sa mata.

“Napakabait mo Ismael. Sana ay manatili ang ating pagkakaibigan ano mang ang mangyari sa amin ni Elsa. Huwag mo rin sana akong iiwan.” Wika niya saka binitiwan ang aking kamay at pumikit na muli ang mga mata. Tuluyan na siyang nakatulog.

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang ganoon, marahil ay dahil sa kalasingan. Hindi na niya matatandaan pa ang mga katagang iyon pagkagising bukas.

-----o0o-----

Medyo tinanghali na ako ng gising. Bumangon na ako para makapagluto ng aming almusal. Sinilip ko muna si Kuya sa kanyang silid para alamin kung gising na, tulog na tulog pa.

Nagprito na lang ako ng itlog at bacon. May loaf bread pa naman na inilagay ko sa toaster. Nag-init na rin ako ng tubig. Saktong nakaluto na ako ng siya ay lumabas.

“Tamang-tama ang gising mo Kuya, nagluto ako ng bacon and egg hehehe. Lika na at sabay na tayong mag-almusal,” yaya ko kay Kuya.

“Sige Ismael, mag CR lang muna ako.”

Sabay na kaming kumain. Naglaba ako ng aking mga maruming damit. Tinanong ko siya kung meron silang marumi para isabay ko nang isalang sa washing machine. Kinuha naman niya at ibinigay sa akin. Nakita ko naman na nagba-vacuum siya. Maya-maya lang ay naglabas naman ako ng lulutuin para sa aming tanghalian.

Hindi pa dumarating si Ate, gusto ko talagang kausapin siya para malaman ko ang kanilang problema.

Sa buong maghapon ay tahimik lang si kuya, gusto ko sanang lumabas at maglibang-libang, hindi ko naman siya maiwan, baka kung anong gawin. Hindi naman namin napag-uusapang si Ate, pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata.

Nanood lang siya ng netflix maghapon. Alas nuwebe na ng gabi ay wala pa rin si Ate. “Kuya, mauna na akong matulog sa iyo, maaga pa ako bukas, may exam kasi kami,” pag-paalam ko. Nagdahilan na rin ako kahit na hindi totoo ang dahilan ko.

“Sige lang, tatapusin ko lang itong isang ito, mabibitin eh hehehe.”

Nakatulog din naman ako kaagad. Nagising ako na wala na si Kuya. Nakaalis na siguro pagpasok sa trabaho.

11 AM ay dumating si Ate, diretso sa kanilang silid. Hindi nga sinagot ang tanong ko. Pagbaba ay may dalang malaking maleta at isang bag na ewan ko kung anong laman.

“Ate, saan ang punta mo, bakit may dala kang maleta?” tanong ko sa kanya.

“Aalis na ako dito Ismael. Dito ka lang muna, kapag may nahanap na akong bagong matitirhan ay saka na lang kita isasama.”

“Ate, saan ang punta mo, ano bang problema. Nag-away ba kayo ni Kuya Nick?”

“Nakikipaghiwalay na ako sa kanya, hindi ko na siya mahal, may iba na akong mahal.”

“Ate, maghunos dili ka muna. Kuna ano mang hindi ninyo pagkakaunawaan ay pag-usapan na muna ninyo. Baka pagsisihan mo lang iyan sa bandang huli.”

“Nagpasya na ako. Magpa-file ako ng annulment para legal ang aming paghihiwalay at para makapag-pakasal na uli ako at maging siya rin.”

“Nakausap mo na ba si Kuya?”

“Kagabi, nag-usap kami at pumayag naman siya.”

“Ano bang dahilan Ate. May ginawa ba siya sa iyong masama?”

“Wala, wala. Ako ang may kasalanan, nagmahal ako ng iba. Saka na lang tayo mag-usap at may naghihintay sa akin sa labas. Babalik pa ako ng opisina.”

“Ate! Ate!” Hindi na niya ako pinansin, tuloy-tuloy lang siya palabas.

-----o0o-----

Pagdating ko ng condo galing eskwelahan ay wala pa si Kuya Nick. Dati rati ay nadadatnan ko na siya kapag dumarating ako. Nagsaing na ako. Palagi namang may ulam na kami sa hapunan dahil hanggang hapunan na ang niluluto ko. Hindi muna ako kumain, hinintay ko muna siya, pero alas nuwebe na ay wala pa siya.

Nag-ring ang aking CP, akala ko ay si Kuya ang tumatawag, si Ate pala.

“Nariyan na ba ang Kuya mo? Tinatawagan ko siya eh hindi sumasagot.”

“Wala pa siya Ate,”

Marami akong tanong kay ate, wala naman siyang isinasagot kundi ang hindi na niya mahal si Kuya Nick at iba na ang kanyang mahal. Nang tinanong ko kung sino ang ipinalit ay sinagot naman ako na ang kanyang Boss sa opisina.

“Ate, sobra mong sinaktan si Kuya. Pinaaalalahanan lang kita, alam mong walang tumatagal sa relasyon ng magka-opisina, lalo na at alam na may asawa ka na. Naniwala ka kaagad na binata ang Boss mo. Baka mabigla ka na lang kapag sinugod ka na ng asawa niya  na may kasama pang anak. Mag-iisa ka na naman.

Naiinis ako sa mga sagot ni Ate. Kung sabagay, matanda na siya at may sariling pag-iisip. Bahala na siya sa buhay niya.

“Pakisabi na lang kay Nick na babalikan ko na lang ang iba kong gamit. Paki-ipon na lang at ilagay sa isang plastic o kahon.” Bilin ni Ate.

Tinawagan ko si kuya pagkatapos naming mag-usap ni Ate. Nagri-ring naman kaya lang ay hindi niya sinasagot. Maya-maya ay may nadinig akong nagbububkas ng pintuan. Tatanungin ko sana kun sino, siya namang pagbukas ay ibinulaga si Kuya.

“Kuya, bakit ngayon ka lang, lasing ka?”

“Nakainom ako pero hindi ako lasing.”

“Kumain ka na ba? Ipaghahain kita.”

“Hindi na, kumain na ako.”

“Okay ka lang ba kuya?”

“Tangina, tinatanong mo kung okay ako. Iniwan ako ng Ate mo, ng asawa ko, tapos tatanungin mo ako kung okay ako!”

“Sorry Kuya, gusto ko lang malaman kung… kung…”

“Masakit lang ang ulo ko, sobrang sakit kaya nag file muna ako ng leave bukas. Paki kuha naman ng natirang alak natin noon, please.”

“Pero kuya, lasing ka na yata.”

“Mamaya na lang pala, maliligo muna ako, pakikuha na lang ng aking twalya at isabit mo na lang sa may pintuan ng banyo,” utos niya sa akin na kaagad ko namang sinunod.

Matapos maligo ay hubo at hubad na lumabas ng banyo si Kuya, pinupunasan ng twalya ang basang buhok. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natulala ko pagkakita ko sa napaganda niyang katawan na tila nililok. Awtomatiko ang pagtigas ng aking titi. Nanuyo ang aking labi, bumilis ang aking paghinga, napa hinga ako ng malalim. Kuna ano ano na ang nasa aking isipan. Inimagine ko na kayakap ko siya at hinahaplos ang buo niyang katawan.

“Oopps sorry Ismael, nalimutan kong isa ka nga palang bading, hindi ako dapat na lumabas ng hubad. Iwan muna kita at magbihis lang ako,” wika ni Kuya Nick.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad, ang gandang pagmasdan ng kanyang katawan. Ewan ko ba kay Ate kung bakit nagawa pa niyang ipagpalit sa iba si Kuya Nick. Kung pwede lang na maging akin siya.

Paglabas niya ng silid ay nakabihis na siya ng sando at short.

“Sorry ulit ha, baka isipin mo na sinadya ko. Nalimutan ko talaga na mas gusto mo ang lalaki, Na offend ba kita?”paghingi uli ng paumanhin ni Kuya.

“Wala iyon kuya, bakit naman ako mao-offend. Swerte ko nga at nakikita ako ng katawang tulad ng sa iyo. Matagal ko na kayang pinagpapantasyahan na makita ang hubad mong katawan hehehe. Joke lang ano. Hindi kita Type.”

“Hindi Type! Eh bakit tigas pa rin iyan hahaha.”

“Kuya! Sorry, tinablan talaga ako hehehe. Pero wala lang iyon. Ganun talaga, bakla lang.”

Nagsimula na naman siyang uminom, naki-inom na rin ako. “Ano bang napag-usapan ninyo ni Ate, dumating pala siya kagabi, hindi ko na alam eh. Tsaka, anong balak mo ngayon.”

“Wala naman, sinabi lang niyang nakikipag-hiwalay na siya, na hindi na niya ako mahal, na ipapa-annul niya ang aming kasal. Masama talaga ang loob ko, kasi naman naging tapat ako sa kanya, siya naman, wala akong kaalam-alam na iniiputan na pala niya ako sa aking tuktok. Anong balak ko? Wala. Ano pa ba ang dapat kong gawin?”

“Kuya, ako na ang humihingi ng tawad sa iyo, marahil ay naguguluhan lang siya. Kaya mo pa ba siyang tanggapin uli sakaling matauhan na siya?”

“Ewan ko. Ewan ko. Hindi ko pa masasagot iyan.”

“Kuya, maghahanap na rin ako ng aking matutuluyan, wala na akong mukhang maihaharap pa sa iyo. Hiyang hiya talaga ako sa iyo at hindi ko kayang araw-araw na makita ka na kapatid ko ang dahilan ng iyong kalungkutan.”

“Huwag na huwag mong gagawin iyan. Iiwan mo ako? Sino pa ang makaka-kampi ko. Best friend tayo hindi ba?”

Nang-maubos ang alak ay natulog na rin kami. Hindi naman ako makatulog. Naaalala ko ang hubad niyang katawan, napakaganda, nakakalibog. Kung pwede lang ay gagawin ko kahit anong gustohin niya matikman ko lang siya. Hindi ko tuloy naiwasan na magjakol.

“Ahhh Kuya Nick! Ang sarap mo, tayo na lang dalawa ang magsama, kahit na alipinin mo ako ahhhhhhh kuya Nick. Kantutin mo ako.” Aking imaninasyon habang nagbabate ako. Mabilis kong narating ang sukdulan.

Nang labasan ako ay narinig kong parang naglock ang aking pintuan. Hala, ano yun? Parang may nagbukas at nagsara ng aking pintuan. Bumangon ako para tingnan kung may tao. Wala naman. Siguro ay guni-guni ko lang. Balik ako sa pagtulog. Mahimbing akong nakatulog.

-----o0o-----

Makaraan ang isang lingo ay may dumating na sulat para kay Kuya Nick. Pagdating naman niya galing office ay kaagad kong ibinigay sa kanya ang sulat. Agad naman niyang binuksan iyon at binasa.

“Anong sabi sa sulat? Saan ba galing?”

“Pinapupunta ako sa fiscal, nag file na pala ng annulment ang Ate mo”

 

 

--Itutuloy--

1 komento:

  1. Nakakaloka naman yung scene ni Ismael hahaha. I’m looking forward to this story, it is really catchy and have a good story line. More updates of this one author. 😅

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...