Ang
Modelo (Part 6) Finale
Aking ininda ang sugat at sakit na dulot ng
ginawang kababuyan sa akin ni Percy. Isang linggo rin akong nanatili sa bahay
at nagpagaling ng aking sugat. Pagre-port ko uli sa opisina ay kaagad akog
pinapunta sa isang lugar para sa isang shoot sa labas ng studio. Pagdating ko
ay naroon na ang photographer, si Percy. Kinabahan ako, ninerboyos bigla.
Hindi ako masyadong nakipag-usap sa kanya. Hindi
ako masyadong naglalalapit dahil sa may takot pa rin akong nararamdaman, para
bang nagka-phobia na ako sa kanya. Lagi kong naalala ang nangyari sa akin, ang
hirap at sakit na pinalasap niya sa akin. Hindi ko tuloy nagawa ng tama ang
ipinagagawa niya sa akin
“Randell, pasensya ka na, hindi maganda ang
kinalabasan ng mga kuha mo. Kailangan nating ulitin iyon,” sabi ni Percy.
“Palagay ko’y kailangan mo nang kumuha ng bagong
model. Hindi ako ang tamang model para sa shoot na iyan. Hindi ako nababagay
diyan,” wika ko sabay kuha ng aking gamit at tumalikod na papalayo.
Hindi na niya nakuha pang pigilan ako dahil sa
mabilis akong nakalayo at nakasakay kaagad ng jeep.
-----o0o-----
Panay ang tawag ni Percy sa akin nang gabing
iyon, sunod-sunod, mayat-maya, pero ni isang tawag ay hindi ko sinagot.
Nagreport ako sa opisina at sinabing huwag na
akong bigyan ng schedule kung si Percy ang photographer. Hindi ko naman sinabi
ang tunay na dahilan. Sabi nila ay ako raw ang nire-request ni Percy.
Nagdahilan na lang ako na hindi ko magawa ang pinagagawa niya sa akin, na
nahihirapan ako. Pumayag din naman sila.
Patuloy pa rin naman ako sa aking pagmomodelo sa
ibang photographer. Wala talagang makapapantay sa galing ni Percy. Naalala ko
ang aking modelling portfolio. Alam kong wala nang saysay pa ang naging photo
shoot namin noon kung tuluyan akong hindi makikipagkita kay Percy. Wala akong
maisip na gawin. Naipagtapat ko sa isang close kong kaibigan ang aking
problema.
“Bakit hindi ka makipag-usap. Sabihin mo na handa
ka nang magre-shoot. Kung gusto mo ay samahan pa kita para mapalagay ang loob
mo,” wika ni Jaydee, ang aking close friend.
Tinawagan ko si Percy at sinabi ko na handa na
ako para sa re-shoot ng kanyang proyekto. Pinapunta muna niya ako sa kanyang
studio.
Masama ang aking nasa-isipan. Nawalan na kasi ako
ng tiwala sa kanya. Nagtataka lang ako kung bakit sa studio pa at hindi sa
location. Kinakabahan man ay nagtungo pa rin ako. Pasalamat na lang ako kay
Jaydee at talagang sinamahan pa ako.
Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako kaagad
ni Percy. Kasunod ko si Jaydee. Maluha-luha pa siya na nakipag-kamay sa akin.
Mahigpit ang kanyang hawak sa aking kamay. Hindi ko alam kung paano tutugunin
ang pakikipagkamay niyang iyon. Kaagad ko na lang kinalas sa pagkakahawak niya
ang aking kamay.
Ipinakilala ko sa kanya ang kasama kong si
Jaydee. Lumamlam ang kanyang mga mata. Marahil ay naunawaan niya kung bakit ako
nagimbita ng kasama.
“Pasensya ka na at hindi ko nasabi na may kasama
ako. Gusto lang ni Jaydee na makilala ang pinaka-magaling na photographer dito
sa bansa,” wika ko. “Gusto rin niyang makita kung paano ka magtrabaho. Okay
lang ba?” dadag ko.
“Hindi,” prangka niyang sagot. “Hindi ako
komportable na may nanonood sa akin habang nagtatrabaho ako,” sagot ni Percy.
“Sinabi ko nga.” Dinampot ko na lang ang aking
bag, at nagpaalam na.
“Sandali lang Randell,” pigil ni Percy.
Napahinto ako at naghintay sa kanyang sasabihin.
“Pwede bang mag-usap muna tayo?” pakiusap ni
Percy.
“Tungkol saan. Hindi ako makakapagtrabaho sa iyo
na walang kasama,” sabi ko.
Sinulyapan niya si Jaydee. “Pwede ka ba sa
kabila, sa aking tirahan? Gusto ko lang makausap ng sarilinan itong si Randell.
Randell, huwag kang mag-alala, wala akong balak na gawin sa iyo na masama. Nasa
kabila lang ang kaibigan mo kung kakailanganin mo. Sandali lang naman.
Sinenyasan ko si Jaydee at itinuro ang daan tungo
sa tirahan ni Percy. Pagkapasok niya ay inanyayahan ako ni Percy na maupo muna.
Nauna siyang naupo sa sofa. Naupo rin naman ako pero malayo sa kanya. Ewan ko,
natatakot talaga ako. Malakas nga ang kabog sa aking dibdib.
Nakita niya ang pangamba ko sa aking mga mata.
Sinubukan niyang hawakan ako sa kamay subalit kaagad ko iyong iwinaksi at
lumayo pa ako ng mas malayo.
Napayuko na lang siya. Pag-angat ng kanyang mukha
ay tumutulo na ang kanyang luha.May mahihinang hikbi akong nadinig buhat sa
kanya.
Patawarin mo ako sa nangyari noon, Na carried
away lang talaga ako. Kasi ay mahal na mahal kita Randell. Alam kong sumobra na
ako. Ang gusto ko lang naman ay ang mapaligaya ka, ang maranasan mo ang walang
kapantay na ligaya dulot ng pakikipagtalik. Hindi ko naman alam na labag iyon
sa iyong kalooban. Please, patawarin mo na ako. Kahit na hindi mo ako mahalin,
sana lang ay hindi mo ako iwasan, naging magkaibigan tayo. Huwag mo naman
ipag-kait pa sa akin iyon. Tanging ang pakikipag-kaibigan na lang ang
hihilingin ko sa iyo,” mahabang litanya ni Percy.
“Humiling ka ng kahit na ano at ipagkakaloob ko
sa iyo, huwag ka lang lumayo sa akin. Magtatrabaho tayo ng maayos, yung may
professionalism,” wika niya pa habang patuloy na umiiyak. “Nagmamakaawa ako sa
iyo, huwag mo akong alisin sa buhay mo. Please.”
Lumakas na ang iyak ni Percy, hysterical na siya
kaya naalerto na si Jaydee sa narinig. Ang akala siguro ay ako ang naiyak.
Bigla na lang itong pumasok ng studio at gulat sa nadatnan. Hindi man niya alam
ang nangyari ay alam kong nakaramdam ito ng awa kay Percy.
“Anong nangyari Randell? Anong ginawa mo kay
Percy?” tanong ni Jaydee.
“Walang anoman ito Jaydee. Bumalik ka lang muna
sa bahay. Sandali na lang ito.” Wika ko.
Nakaramdam din naman ako ng awa kay Percy. Alam
kong sinsero siya sa kanyang sinasabi. Nararamdaman ko rin na tapat ang
pagmamahal niya sa akin, pero may tanong pa rin sa aking isipan. Hindi maalis
sa aking isipan na isa siyang sadista at hindi ko gusto iyon.
“I’m Sorry Percy, ang malapit sa iyo ay ibayong
takot at pangamba ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Sinaktan mo ako,
mentally and physically. Nagtiwala ako sa iyo, may respeto ako sa iyo. Aaminin
ko na sa iyo, hindi lang paghanga ang naramdaman ko na sa iyo, natututuhan na
rin kitang mahalin, pero ano ang ginawa mo, niloko mo lang ako, inakit para sa
pansariling kapakanan. Alam mo ba ang nararamdaman ng niloko?” wika ko sa
madramang paraan.
Huling pananalita ko na iyon. Tinawag ko na si
Jaydee at inaya nang umalis. Naisip ko na sira na lahat ng aking mga plano, ang
aking pangrap, ang aking carreer. Sinong photographer na de kalbre ang pwede
kong pagawain ng aking modelling portfolio. At saan naman ako kukuha ng
pambayad sa liit nang aking kinikita.
Patuloy pa rin akong nagtatrabaho, patuloy na
nagsusumikap. Iniwasan ko pa rin ang magtrabaho kay Percy.
Mabilis ang paglipas ng mga araw. Wala na talaga
akong pag-asa. Binalak ko rin na pababain ang aking pride, ang tawagan si Percy
at itanong ang tungkol sa aking portfolio. Nagawa ko naman ang aking parte sa
usapan, nagpagamit ako sa mga estudyante niya.
Kinakapos din ako at naisipan ko rin na tawagan
ang mga nakasama kong estudyante. Nasa-akin ang kanilang calling card. Kikita
ako sa kanila ng malaki. Pwede ko rin silang gamitin. Pero gagamitin din nila
ako. Gamitan? Hindi na bale. Ayaw ko nang pababain pa ng husto ang aking
pagkatao. Kung hanggang ganito na lang ang aking kayang abutin ay let it be.
Pasalamat pa rin ako at may kumukuha pa rin sa akin. Saka na lang ako magiisip
ng dapat gawin kung nagugutom na ako.
Tatlong buwan ang matuling lumipas simula ng
magka-alitan kami ni Percy. Na miss ko rin naman siya at ang masarap naming
pagtatalik, pero hindi ang malademonyong ginawa niya sa akin.
Isang package ang dumating sa akin buhat sa DHL. Nag-isip
ako kung anong laman at sino ang nagpadala. Mabigat at malaki ang kahon na
pinaglalagyan. Nasabik akong malaman kung anong laman niyon. Kaagad kong
binuksan.
Laking gulat ko nang aking buksan ang package at
ang laman nito. Isang napakagandang portfolio folder na ang cover ay tunay na
gawa sa balat at may naka-embossed na pangalan ko. Tila kakapusin ako ng hininga.
Manghang mangha ako at hindi ko na inasahan ito.
Isa isa kong tiningnan ang aking mga larawan.
Kahit ako ang nasa litrato ay parang hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko
akalain na ganito kaganda ang kalalabasan ng bawat pose kong ginawa.
Napakahusay, world class photograpy.
Marami akong litrato na nakahubad, kaakit akit,
erotic pose pero ni isa ay walang magsasabing bastos iyon. Ang aking tingin ay
kuha ang mga larawang ito ng taong nagmamahal sa kanyang modelo, wala akong
pag-aalinlangan. Wagas ang pagmamahal sa akin ni Percy.
Napaiyak ako, umagos ang aking luha, humikbing
mag-isa habang patuloy kong tinitingnan ang aking mga larawan. Sa dulo ay may
isang note na kalakip. Binasa ko ito. Isang simpleng pagpapahayag ng pagmamahal
ang nakasaad: “ Lagi kitang mamahalin. Aabangan ko at papalakpak sa malayo habang
pinapanood ka sa entablado habang rumarampa suot ang guess, ang versace at kung
ano ano pang sikat na brand para i-model.
Laging nagmamhal Percy.”
Maya-maya ay may isa pang courier ang dumating.
Isang tila frame ang dala-dala niya. Bumilis ang tibok ng aking puso. Alam kong
galing pa rin ito kay Percy. Kaagad kong pinapasok ang nagdeliver at maingat na
ibinaba sa isang tabi ang package. Pagkaalis ng delivery man ay kaagad ko itong
binuksan. Napaiyak na naman ako sa nakita. Isang malaking picture na sexy ang
tumambad sa akin na nakasuot ng pakpak na puti. Mala-anghel ang aking itsura na
may title na “My Fallen Angel”. Wala ito sa portfolio Nagtataka ako kung bakit
hindi ito isinama.
Isang papel ang bumagsak at nakasulat ay ito. “Akin
sana ang picture na iyan para hindi kita malimutan. Pero alam kong wala nang
saysay pa kaya sa iyo na lang. Mahirap man ay gagawin ko nang kalimutan ka.
Nakadkit din sa isang sulok ang isang USB. Naroon lahat ng iyong picture pati
na yung kuha ng mga estudyante. Goo luck sa iyong carreer.”
Hindi maubos-ubos ang aking luha, Namumugto na
ang aking mga mata at mapulang mapula na. Kaagad kong tinawagan si Percy pero
hindi ako makakonekta.
Pinuntahan ko na lang siya sa kanyang tirahan.
Nang pagbuksan ako ay ibang tao na ang nagbukas. Itinanong ko kung naroon si
Percy.
“Si Percy. Naku ay wala na siya rito. Kami na ang
bagong may-ari ng bahay na ito. Yung Percy na dating may-ari ay nasa America na
siguro noon pang isang lingo.”
Nawalan na ako ng pag-asa na makita at makausap
man lang si Percy.
-----o0o-----
Nasa Italy ako para sa isang fashion show ng
isang sikat na designer. Wala akong kamalay-malay na naroon pala si Percy at
nanonood. Nalaman ko na lang nang panoorin ko ang video ng aming show at
nahagip si Percy sa isang silya na masayang masayang pumapalakpak.
Nagtanong ako kung may nakakakilala sa kanya sa
mga organizer. Sinabi kong isa siyang sikat na photographer at napakagaling
niya. Gusto ko lang malaman kung may nakakakilala para kahit telepono lang ay mahingi
ko. Bigo na naman ako.
Kinabukasan ay may schedule ako para sa isang
photo-shoot. Print ad iyon para sa mga damit na aming iminodelo. Nagtungo ako
sa venue. Isa rin itong sikat na hotel doon.
Marami nang modelo ang naroon, babae at lalake.
Walang briefing na ginawa ang photographer, basta pinapagbihis lang daw kami
pagkatapos mag-make-up.
Gaya ng payo niya sa akin, pinag-aralan ko ang
pagme-make-up at naging expert na ako. Kaya ko nang makipaglaban kay Paolo
Ballesteros sa pagalingan sa
pagme-make-up haha. Pagkabigay ng aking isusuot ay nagmake-up na ako na
babagay sa aking damit.
Naghintay ako para sa aking turn. Una-una kasi
kaya iba-iba ang call-time. May isang oras din yata ako na naghintay. After ng
isang oras ay pinatawag na ako. Pumasok na ako sa pinagdarausan ng photo-shoot.
“Good morning Sir,” bati ko sa isang lalaking
nakatalikod na inakala kong siyang photographer dahil may inaayos itong props.
Hindi man lang ito tumugon o tumingin sa akin. Uulitin ko sana ang pagbati para
mapansin na may nagsalita sa isang lugar roon. “Pasok ka muna dito sa cubicle at may briefing pa tayo,” wika ng kung
sino mang lalaki.
“Ay mali, hindi pala siya hehehe,” wika ko sa
aking sarili. Pero may naisip ako, pamilyar sa akin ang nagsalita. Heto na
naman ang puso ko, bigla na namang dumagundong sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi ko alam kung magmamadali ako sa pagpasok o magda-dahan-dahan. Pinili kong
magdahan-dahan.
“Bilisan mo na at wala na tayong oras?” wika ng
nasa cubicle.
Napabilis tuloy ang hakbang ko, pero pagpasok ko
at pagkita ko sa nasa loob ay tila nawalan ng lakas ang akig tuhod at para
akong babagsak. Babagsak nga yata ako dahil para akong nahilo, mabuti na lamang
at maagap akong nasalo ng lalaki, nang lalaking una kong minahal, si Percy.
Pagkita ko sa kanya ay nakita ko kaagad ang
pagpatak ng kanyang luha. Niyakap ko siya ng mahigpit, umagos din ang aking
luha.
“Ang tagal kitang hinanap,” wika ko.
“Ang tagal kitang hinintay,” sagot niya.
“Kailangan kong magre-touch. Nasira yata ang
make-up ko,” biro ko na panay pa rin ang tulo ng aking luha.
“Sikat ka na, Naniwala ka na ba sa akin?”
“Dahil sa iyo, ikaw ang dahilan ng aking
tagumpay. Maraming salamat.”
“Maligaya ka ba?” tanong ni Percy.
“Oo, pero hindi pa sapat ang tagumpay ko, kulang
pa.”
“Anong kulang?”
“Ikaw!”
Wakas…………………………….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento