Miyerkules, Agosto 16, 2023

Escort Boy (Part 2)

 


Escort Boy (Part 2)

“Sumama ka sa akin, ilalapit kita sa papa ko. Baka maipasok ka niya ng trabaho. Baka mabigyan ka ng trabaho kahit part-time habang nag-aaral ka pa. Kakausapin din natin ang ating kasama. Magtutulong-tulong tayo na mabigyan ng kahit anong pagkakakitaan ang iyong ina. Kahit na tindahan lang sa bahay. Baka makaipon tayo ng pupuhunanin ng nanay mo. Huwag mo na lang gawin ang ganito hanggat maaga pa.” wika ko.

Napatingin siya sa akin, tingin ko ay nagkaroon siya ng pag-asa. Naniniwala siyang matutulungan siya ng kasamahan namin, pati na ang coach.

“Totoo ba? Tutulungan mo ako?”

“Bakit hindi,? Isa kang kaibigan, mahal kong ka-ibigan.”

-----o0o-----

“Mahal na ka-ibigan?” Kunot noon tanong ni Rusty.

“Oo. Ka-ibigan! Hahaha.” Napahalakhak ako sa reaksyon ni Rusty. “Ang tumulong ang pinaka-importanteng bagay na dapat kong gawin sa isang ka-ibigan. Masama ba?”

“Oo naman, kaya lang… parang iba kasi ang tono ng bigkas mo ka kaibigan. Ano ba iyon.” Muling tanong ni Rusty

Hindi ako kaagad  nakasagot. Naisip ko na ngayon na siguro ang tamang oras para ipagtapat ang aking nararamdaman sa aking kaibigan. “Ayaw mo ba akong maging boyfriend?” lakas loob na sinabi ko.

Pinamulahan ng mukha si Rusty. Alam kong may pagtingin din siya sa akin noon pa. Pilit lang niyang itinatago sa akin. Ang hindi niya alam ay may pagtingin din ako sa kanya.

Alam ko ang kanyan iniisip. Alam kong alanganin niyang tugunin ang ipinagtapat ko dahil sa napasukang trabaho, ang pagiging escort boy. Sa pag-iling pa lang ng ulo, sa panginginig ng labi. Alam kong may gusto siyang sabihin, danga’t walang salita na lumabas sa kanyang bibig. Tumulo na lang basta ang luha, suminghot.

Nnaunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ng minamahal kong si Rusty. “Mahal kita at hindi mababago iyon ng kung ano man ang pinagdaanan mo. Wala iyon sa akin, ang mahalaga ay mahal kita at kung handa mo rin akong mahalin. Lahat naman ng tao ay nagkakamali, pero pwedeng magbago. Boyfriend na ba kita?”

Hindi man direktang sinagot ni Rudy ang aking alok, sa kilos naman niya at sa kislap ng mga mata ay hindi maipagkakaaila ang itinagong pagmamahal sa akin. Meron kami na yung tinatawag na “mutual love”.

Niyakap ko na lang si Rusty ng mahigpit. Nakumpirma ko na ang sagot niya sa higpit din ng kanyang yakap sa akin. Ramdam ko na punong-puno iyon ng pagmamahal.

-----o0o-----

Nagpaalam na sila kay Drake. Malaking pasasalamat ni Rusty ang ginawang tulong sa kanya ni Drake.

Nagpsalamat din ako dahil isa siya sa naging intrumento na magkita kami ni Rusty. Hindi niya itinago sa akin ang aking kaibigan, manapa’y siya pa ang nagudyok para kami ay magkaayaos.

“Huwag ka nang babalik pa dito Rudy.. err Rusty dahil hindi na kita tatanggapin pa. Ikaw na lang kaya Lawrence ang pumalit. Siguradpng star ka kaagad dito hahaha. Joke lang. Sige na at baka maiyak pa ako,” wika ni Drake.

-----o0o-----

Sa aking bahay ko muna kami tumuloy. “May iba ka pa raw gamit sa dorm na hindi mo pa nakukuha. Itinago raw iyon ng may-ari at pwede mo nang kunin kahit na anong araw,” wika ko.

“Meron, damit at ilang personal na gamit. Naiwan ko rin ang gamit ko sa eskwelahan. Samahan mo naman akong kuhanin iyon.

“Pag-usapan natin ang problema mo. May naisip ka na bang ibang solusyon diyan sa iyong kinakaharap na problema? Pwera yang… alam mo na.” tanong ko.

“Wala pa nga eh.” Sagot ni Rusty.

“Ano ba ang kayang gawin ng Nanay mo?” tanong ko.

“Sapol kasi ng magkaisip ako ay sa bahay na lang siya at inaalagaan kami.”

“Hmmm. Malalaki na naman siguro ang kapatid mo ano. Makakatulong na ba sila sa nanay mo?”

“Siguro naman. Tatlo lang naman kami. Yung sumunod sa akin ay high school na at ang bunso ay grade 4 na yata,” wika ni Rusty.

“Yung bunso n’yo, sabi mo ay naospital, nakalabas na ba?”

“Oo, nagpapalakas na lang siya at nabayaran ko na rin ang bill sa hospital. Malaki-laki rin kaya kayod marino ako sa pagpuputa.”

“Ssshhhh! Ayoko nang mababanggit mo pa ang naging trabaho mo. Ganito na lang., wala akong ibang naisip na pansamantalang solusyon kundi ang ipagtayo natin siya ng tindahan. Kamo ay sarili ninyo naman ang bahay at malapit sa eskwelahan, Siguro naman ay kikita iyon kahit papano. Puhunan na lang ang ating kailangan. May naitabi ka bang pera kahit konti?”

“Meron naman, siguro ay nasa 20 K na lang.

“Malaki-laki rin ang kailangang puhunan para magtayo ng tinaahan. Wala naman akong pera na ipahihiram sa iyo. Tingin mo, okay ba ang katawan ko, ang itsura ko. Kakagatin kaya ako ng mga customer mo. Magtrabaho muna kaya ako kay Drake para makaipon ng 
pupuhunanin natin,” biro ko.

Isang lumalagapak na batok ang inabot ko kay Rusty. “Gago ka rin ano, ilalayo mo ako sa ganong trabaho tapos ganun din ang magiging solusyon mo. Sira din ang ulo mo ano? Inis na wika ni Rusty.

“Joke lang, ito naman, nambabatok kaagad. Sakit kaya nun,” reklamo ko na himas-himas ang aking batok. “Ganito na lang, mag-solicit tayo sa ating kasamahan sa team. Siguro naman ay magbibigay sila. Alam mo bang nag-aalala rin sila sa iyo. Sabihin natin ang problema mo, at pati na ang ating balak gawin. Payag ka ba. Pati ang ibang kaibigan natin ay hingan natin ng donasyon, kahit magkano, yung kakayanin nila. May 20K ka na, may naitatabi ako konti, siguro ay10K. Hingan ko rin si Papa, si coach, yung professor natin. Kahit barya, kapag naipon, malaki rin.

Nagkasundo kami sa aming gagawin. Madaling araw na ng matapos kaming mag-usap at magplano. Inaya ko na siyang matulog. “Bago ka matulog ay maligo ka muna, amoy ano ka pa. Tapos tatabi ka sa akin.” Wika ko.

Inamoy-amoy pa ang sarili. Nanghingi ng twalya sa akin at saka ako hinatak at sabay daw kaming maligo. Pinagbigyan ko na.

Hubo at hubad kaming sabay na naligo. “Damn, kung ikaw nga siguro ang nagrabaho kay Drake ay ako ang una mong magiging customer. Magnanakaw ako para may ipambayad sa iyo hahaha.”

“Gago!” isang malakas na sampiga ang ibinigay ko sa kanya. Nakaganti na ako.

“Aray ko naman! Hindi ka na mabiro. Pikon ka pa rin,” wika ni Rusty.

Hanga siya sa katawan ko, tila may magnanasa akong nasisilayan sa kanyang mga mata. Dinutdot niya ng dalir ang matambok kong dibdib, hinaplos niya ang mga panesal ko sa tiyan habang nakatitig siya sa akin.

Inikot-ikot niya ang isang daliri sa aking tiyan, sinundot ang pusod hanggang sa humantong sa may puson diretso sa may puno ng aking ari. Nabigla ako ng kanyang dakutin ang aking titi na nagsisimula na noong tumigas. Dahan-dahan niya ako itinutulak hanggang sa mapasandal na ako sa tile na dinding ng banyo.

“Ang tagal ko nang ibig na gawin ito sa iyo, ang tagal kong nagtimpi sa pag-aalalang masira ang pagkakaibigan natin. Kung alam ko lang na may nararamdaman ka rin sa akin, disin sana ay matagal ko nang nagawa, ikaw sana ang nakakuha ng aking virginity.” Sabi ni Rusty. Pagkasabi niyon ay siniil niya ako ng halik sa labi, Mainit ang halik niya, punong puno ng pagnanasa at pagmamahal.

Napayakap na ako ng mhigpit kay Rusty, tinugon ko ang mainit niyang halik. Nakipaglaplapan na ako sa kanya, nakipag-eskrimahan ng dila, nagkipagsipsipan ng laway. Pareho na kaming umuungol sa sarap. Wala ring tigil ang paghaplos namin sa katawan ng bawat isa, Bawat dampi ng palad, bawat pisil, ay ibayong sarap ang aming nararamdaman, parang may kuryente na dumadaloy sa aming kalamnan diretso sa aming puson. Tila hinahalukay, kasunod ay ang aming pag-ungol.

Bumitiw si Rusty sa paghalik sa aking labi, dumako ang labi niya sa aking baba papuntang tenga. Bumulong pa siya sa akin. “Kung alam mo lang na ilang beses akong nagpalabas na ikaw ang nasa aking imahinasyon. Hindi ko akalain na matitikman kita ng totoo. Minahal na kita noon pa. Alam ko sa aking sarili kung ano ako at tanggap ko iyon. Pinilit ko lang na magpakalalaki dahil sa ayaw kong layuan mo ako. I love you Lawrence. Mahal na mahal kita.”

Isang nag-aapoy na halik ang naging tugon ko sa kanya. Ang sinimulan namin sa banyo ay aming ipinagpatuloy sa kama.

“Fuck me Lawrence, fuck me now,” hiling ni Rusty. “Sayang at may nauna na sa iyo, pero hindi pa naman iyan laspag,” wika pa niya.

“Please, huwag mo nang mababanggit pa ang nakaraan, wala akong pakialam, Ang isipin mo na lang ay kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nasasabik sa iyo,” tugon ko.

Dinilaan ko ang aking isang daliri, binasa ko ng laway saka ko dahan-dahang isinalpak sa butas sa likod ni Rusty. Tumitibok-tibok iyon, para bang nag-aanyaya na pasukin, biyakin, sibakin.

“Ahhhhhhhh ang sarappppppppppp!” ungol ni Rusty.

Sandali akong bumaba ng kama para kuhanin ang petroleun jelly. Pinahiran ko ang kanyang butas pati na rin ang aking burat. Walang pag-aalinlangan na bumayo ako. Lumikha iyon ng kakaibang tunog. Pasok ang kabuuan ng aking alaga na tumitibok-tibok pa sa loob ng lungga.

Alam kong nasaktan pa rin si Rusty, pero wala akong narinig ni katiting na daing, nalaman ko lang sa pagsimangot niya at kagat sa kanyang labi. Sandali lang naman dahil kapag-karaka ay humahalinghing na siya. Napapaangat ang ulo niya, sumasabay ang balakang sa bawat kadyut ko, patuloy siya sa pag-ungol.

Pinaluhod ko siya, gusto ko siyang kantutin naman na parang aso. Pumuwesto na ako sa pagitan ng kanyang binti. Kinatok ko ang butas niya na parang sa pwet na manok na kumikibot-kibot, saka ako kumadyut.

“Fuck! Ahhhhhhhhh ang sarappppppppp ahhhhhhhhhhh.” Ungol ni Rusty.

Binilisan ko ang pagbayo, Alam kong malapit nang labasan si Rusty dahil naninigas na ng binti niya. Dinoble ko pa ang bilis ng pagkadyut. Uminit ang aking alaga, nakakapaso, parang nagbabaga dahil sa pagkiskis ng aking alaga sa kanyang pwerta. Malakas ang “plok plok”, sing lakas ng aming mga ungol.

Malapit akong mag-climax.  Ilang urong sulong pa at pinakawalan ko na ang katas ng aking pagmamahal, napuno ng katas ko ang kaloob-looban ni Rusty. Akin naman nilaro ang kanyang alaga. Sa ilang salsal ko lang din ay pumulandit na ang kanyang katas. Nabasa ng katas ng pagmamahalan ang kubre kama.

“I Love you Rusty.”

“I love you more Lawrence”

Nagpalit lang kami ng cover at magkayakap na kaming natulog.

-----o0o-----

Balik eskwelahan si Rusty. Mabuti na lang at napakiusapan namin ang mga professor namin na bigyan na lang siya ng project para punan ang mga absent niya nung nakaraan. Nagpaliwanag kami sa naging sitwasyon ni Rusty at naunawaan naman nila. Nahingan pa namin ng konting donasyon.

Sa madaling salita ay nakaipon naman kami ng sapat na halaga, panimula para sa bubuksang panghanap-buhay ng ina ni Rusty. Sinamahan ko siyang umuwi ng kanilang probinsya para tulungan isaayos ang itatayo naming tindahan. Kami na lang ang gumawa ng istante at isinaayos ang paglalagyang ng paninda. Hindi man kumpleto, masasabi ko ring sapat na siguro kung maraming tatangkilik sa tinadahan na iyon. Sapat na sa pang-araw-araw na pangangailangan.

May tinda silang bigas, school supplies at yung mga usual na paninda ng isang sari-sari store tulad ng candy, detergent bar and powder, shampoo, sabong pangligo at kung ano ano pang gamit pang-luto tulad ng patis at iba ba. Malaki-laki rin ang halagang nalikom namin.

Naisaayos namin ang sari-sari store ng Nanay ni Rusty. Maayos naman ang naging outcome sa mga unang araw ng pagbubukas nito. Malaki-laki rin ang benta.

Maluwag na ang kalooban ni Rusty na iwan ang magulang. Lumuwas na kami dahil sa magsisimula na naman ang bagong semester.

Hindi na pinagtrabaho pa ni Papa si Rusty, mahihirapan lang daw siya sa pag-aaral dahil nga scholar siya bilang varsity player. Sinagot na lang ni Papa ang allowance niya. Laking pasasalamat niya kay papa. Bilang ganti ay nasa bahay siya kapag bakasyon para maglinis at ayusin ang aming garden.

-----o0o-----

Sige na naman ang practice ng team namin. Double time ang aming practice lalo na si Rusty dahil siya ang aming team captain. Minsan ay halos buong hapon ang tinatagal ng aming practice. May tsansa kasi na ang aming team ang lumaban sa championship. Isang panalo na lang at sigurodo na pasok kami.

Dahil sa sunod-sunod na practice at laban sa liga ay palaging pagod kami ni Rusty. Maaga kaming nakakatulog at hindi na namin nagagawa pa ang magtalik.

Minsan ay naiisip ko rin kung hinahanap-hanap pa ni Rusty ang pakikipagtalik sa ibang lalaki. Nahihiya naman akong mag-usisa dahil sa ako ang may sabi na huwag nang ungkatin pa ang nakaraan.

Minsan na wala kaming practice at laban ay nagusap kami bago matulog. Siya naman ang nag-umpisa.

“Lawrence, sana ay hindi mo masamain ha. Ewan ko kung napapansin mo,”

“Ang alin?”

“Kasi, pagkatapos ng ating laro, ng practice, sabay sabay tayong naliligo. Marami sa kasamahan natin ang tingin ng tingin sa aking pwet, ewan ko kung bakit. Ako naman ay lalo kong pinapakita sa kanila kung paano ko linisin ang aking butas na halos pasok na ang aking daliri. Heto pa, ang gaganda ng katawan nila at sa isip ko ay nakaluhod na ako sa harapan nila at isa-isa ko na silang chinuchupa. Nagmamadali tuloy ako sa pagligo dahil baka hindi ko maitago ang pagtirik ng aking burat.” Pagtatapat sa akin ni Rusty.

“Sa madaling salita, nalilibugan ka.” Tanong ko.

“Parang ganon. Hindi naman tayo kulang sa sex, ngayon lang na wala tayong time dahil sa practice natin. Bakit kaya?” wika pa niya.

“Hindi kaya nagsasawa ka na sa akin?” tanong ko.

“Ewan ko. Ikaw ba?” balik niyang tanong.

“Hindi naman ako nagsasawa sa iyo, mahal kita kasi, pero hindi ako magkakaila na minsan ay nalilibugan din ako sa iba, tulad ni Eric. Alam mo bang palagi niya akong inaaya na sumama sa kanya, mag-inom pero hindi ka daw dapat kasama. Alam ko naman ang balak niya. Alam naman natin na may kakaibang nangyayari sa ating team. Minsan ay gusto ko nang sumama eh, natutukso na ako. Sorry ha at ngayon ko lang nasabi sa iyo,” pagtatapat ko kay Rusty.

“Ganun din ako, parang gusto kong makatikim ng iba, pero hindi ibig sabihin ay papalitan kita. Hindi ko kaya na palitan ka, promise. Mahal na mahal kita.” Wika ni Rusty.

“Sino naman ang pinagpapantasyahan mo?” tanong ko.

“Si Coach,” mabilis niyang sagot.

“Ganito na lang, tutal ay pareho naman ang ating nararamdaman, yung gustong makatikim ng iba, kapag gusto ko, magsasabi ako kung papayag ka. Kapag pumayag ka ay go ako, kung hindi ay okay lang. Basta ipapaalam ko sa iyo, pero hindi madalas ha. Siguro isang beses lang sa isang buwan.” Suhestyon ko.

“Ganun din ba ako, ipapaalam ko sa iyo kung papayag ka o hindi.” Paglilinaw ni Rusty.

“Ganun na nga, payag ka ba?” tanong ko.

“Sige ba. Pero ngayong gabi ay tayo muna. Miss ko na ito,” wika ni Rusty na dinakma na ang tumigas kong burat dahil sa aming pinag-usapan. Nang kapain ko rin ang kanya ay tigas titi na rin pala.

Isang masarap na sex ang aming ginawa ng gabing iyon.

-----o0o-----

Isang araw ng practice ay hindi ako nakasama dahil sa minor injury. Hindi na muna ako pinag-practice ni Coach. Pagkatapos ng aming klase ay umuwi na ako, naiwan pa si Rusty. Late na siya umuwi. Pag dating ay kaagad na may ikinuwento siya sa akin. Wala na raw siyang pagkakataon na makatawag sa akin dahil sa wala naman talaga sa plano ang nangyari.

Heto ang kanyang kwento (Rusty)

Katatpos lang naming magpractice. Syempre kailangan naming magshower. Hinayaan ko nang mauna ang ibang miyembro, nag-uunahan sa kanilang locker, para kuhanin ang t’walya. Yung hinubad na uniform ay iniwan na lang nakasampay muna sa isang sampayan doon. Sugod na sila sa shower area.

Ako naman ay ang aking cell phone ang kinuha at tinitingnan ko kung may text ka (Lawrence), Wala. Nagbrowse muna ako sa aking FB. Nagtingin pa ako ng ilang porn video na nasa aking CP pati na ang ating vi deo. Sandali lang naman, kaya naghubad na ako at itinapis na muna ang aking twalya. Iniwan ko na ang aking gamit sa locker at tinungo na ang shower. Inabutan ko pa ang mga kasamahan ko na nagbabanlaw na. Naglaway ako sa magagandang katawan na naroon at ng malalaking pwet.

Since nahuli ako sa pagligo ay nahuli rin akong matapos. Tinungo ko na ang aking locker para kuhanin ang aking bag at makapag-bihis na rin. Pero, sa kasawiang palad, wala nang laman ang aking locker, yung bag at mga laman nito pati na yung aking mga ID at wallet at cell phone. Walang itinira. Na-mroblema akong bigla dahil hindi ako makakauwi na naka bold, wala pang pambayad sa pasahe, haaayyy.

Nagtanong ako sa ating mga kasamahan, baka kasi binibiro ako, pina-prank, pero hindi raw at wala silang nakitang ibang tao na pumasok. Tanging ako lang daw ang nawalan.

“Mga brad, sige na. Ayoko ng ganung biro. Kunin na lang lahat, iwan lang ang bihisan ko, please,”

Nakiusap ako pero wala ni isa na umamin na nagbibiro lang . Nagsi-alisan na ang iba kong kasamahan. Gusto ko na talagang maiyak sa inis. Gusto kong manuntok, mag-amok.

“Ano bang problema at parang papatay ka na ng tao sa itsura ng mukha mo.” tanong ni coach na biglang sumulpot sa locker room.

“Coach, itong si captain Rusty, nawawala ang gamit, wala siyang susuutin man lang,” tugon ng isa kong kasama.

Baka naman hindi nag-iingat at iniwang bukas ang locker.

“Coach, tayo-tayo lang po naman ang narito at dati ko namang ginagawang iwan ng hindi naka lock ang aking locker. Ngayon lang nangyari ito at sa akin pa,” hinanakit ko.

“Baka naman hindi dapat na iwang nakabuyangayang lang ang inyong locker dahil hindi lang naman tayo ang pwedeng pumasok dito. Kayo ba, iniiwan din ba ninyong bukas ang inyong locker kapag aalis kayo?” tanong ni Coach.

“Coach hindi. Palaging naka lock ang locker namin, lalo na kung nasa field.” Sagot ng isa naming kasama. “Coach mauna na kami,” paalam ng mga teammate natin.

Nang makaalis na ang aming kasamahan ay binuksan ni Coach ang sarili niyang locker, may kinuha roon saka ihinagis sa akin ang aking bag at buhat sa kanyang bulsa ay inabot sa akin ang aking cell phone.

“Coach, kayo pala ang nagtago ay hindi n’yo kaagad sinabi sa akin. Nag-alala tuloy ako. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin,” tanong ko na may himig tampo.

“Para dalain ka. Uli-uli huwag basta iiwanang hindi naka lock ang locker. Baka may magbiro at mabisto ang itinatagong lihin. Lalo na at naroon pati na ang CP.

Kinabahan ako sa sinabing iyon ni coach, parang may laman ang kanyang sinabi. “Coach?”

Tila nahulaan ni coach base sa reaction ko ang aking takot. Nakonpirma kong may dapat qkong ikatakot ng magtanong siyang “Gay ka ba Rusty?”

 

Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...