Sabado, Agosto 12, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 30) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 30)

By: Firemaker JD

 

"It's okay, Jude. Dapat nga mag-sorry kami kasi medyo nagpumilit pa kame kanina. Baka kasi pumayag ka e," natatawang sabi ni Gab. "Tsaka sabi mo naman, next time," dagdag pa niya.

"Yown! May next time pa! Sana ready ka na magpabottom sa amin nun," natuwang sabi ni Marlo na nakabihis pang-nurse na ulit.

"Magaling at masarap naman kayo kaya may next time pa." natatawang biro ni Jude sa dalawa. Napatingin si Jude sa namantsahang tshirt ni Gab.

"Oh, wag ka na mag-sorry. Forgiven ka na. Mas masarap pa ang pinalit mo." biglang sabi ni Gab nang mapansin niya na nakatingin si Jude sa kanyang uniporme.

Napakamot na lamang si Jude. "Sige pre. Bababa na kame sa lab," paalam ni Gab sa kaibigan.

"Nice to meet you, Jude. Next time ha," si Marlo sabay kindat. Napangiti na lamang si Jude.

-----o0o-----

"Pa, good news. Bukas pwede na kayong makalabas. Okay ang mga results," masayang pagbabalita ni Jude sa magulang.

"Talaga anak?" natutuwang pagkumpirma ni Mayang.

"Opo, Ma. Sabi ni Nurse Gab, once na makita ni doc yung results ay pwede na siyang mag-order ng discharge para kay Papa," sagot ni Jude.

"Salamat naman kung ganoon," si Mayang sabay yakap sa asawa.

"Kaya, Pa. Huwag na matigas ang ulo. Inumin mo ang ang mga maintenance mo," si Jude sa ama.

"Anak, mas malakas pa ako sa kalabaw," mahinang pagbibiro ni Tinoy sa anak na lalaki. Natawa naman ang dalawa sa biro ng padre de pamilya.

"Anak, bakit pala ang tagal mong nawala?" nagtatakang tanong ng ina kay Jude. Napalunok si Jude. Medyo kinabahan siya.

"Ah eh. Ma-ma-may dinaanan pa kasi si Nurse Gab sa kabilang ward. Ka-ka-kaya medyo natagalan, Ma!" sagot ni Jude. "Ay, Ma. Wait. I-message ko na muna si Chuchay. Para mapasabi kina Tita na pwede na umuwi si Papa at baka pwedeng masundo tayo ng owner," paalam ni Jude. Okay na ito upang makaiwas pa sa karagdagang tanong ng ina. Alas singko y media na rin ng hapon kung kaya alam ni Jude na oras na ng uwian ng kapatid. Agad siyang tumawag sa bunsong kapatid.

"Kuya?" sagot ni Chuchay sa telepono.

"Chuchay, puntahan mo sina Tiyang. Baka kasi makauwi na si Papa bukas. Magpasundo kame dito sa ospital."

"Talaga, kuya?" naiiyak sa tuwang sambit ni Chuchay.

"Oo. Kaya dito na muna ako sa ospital matutulog para if ever na payagan makauwi sina Mama ay maayos ko na ang discharge papers. Aayusin ko na rin ang ibang dapat ayusin dito sa ospital para makauwi na rin kame bukas."

"Sige, Kuya. Magpahatid ako kay Denver kina Tiyang," sagot ni Chuchay.

"Sige sige," sagot ni Jude bago ibaba ang telepono.

-----o0o-----

"Mac, are you okay?" tanong ni Migs sa katabing si Mac. Kasalukuyang minamaneho ni Migs ang kotse ni Mac pauwi ng kanilang bahay. Tapos na rin kasi ang kanilang exams at simula na ng holiday break.

"Ha?" tanong ni Mac na muling bumalik sa realidad.

"I was asking if you are okay. Kanina ka pa kasi walang imik dyan," wika ni Migs.

"Wala to. Sumakit lang ulo ko sa exams. The fuck. Parang walang lumabas sa inaral natin," mapaklang tumawa si Mac sa hindi kapaniwala-walang alibi.

Sumang-ayon naman si Migs at muling nagkwento sa mga tanong na hindi niya nasagutan. Muling nanahimik si Mac habang pinagmamasdan ang paligid na kanilang nadaraanan. Hindi lang niya masabi kay Migs na naiisip niya si Jude sa oras na iyon. Kanina pa gumugulo sa kanyang pag-iisip ang itsura ni Jude. Ilang araw na rin ang nakalipas at walang paramdam ang dating nobyo. Hindi rin niya nakikita ito sa eskwelahan. Wala siyang balita kung nakapag-exams na ba ito or hindi. Miss na miss na niya ang dating kasintahan, ang mga mata nito, ang mga labi nito, ang boses nito, ang amoy nito. Lahat dito, pati na mga kamay at palad nito, ang lambot ng yakap at init ng katawan nito. "Jude, ano bang meron ka? Bakit hindi ko magawang kalimutan ka," sa isip ni Mac.

Naramdaman niya nag pagbuo ng mga luha sa kanyang mga mata. "Bakit ikaw pa rin ang sinisigaw nito," sa isip muli ni Mac na napahawak sa kanyang dibdib.

"Mac, are you okay? Masakit ba chest mo?" tanong ni Migs at inabot ang kamay ni Mac na sa dibdib nito.

"Ah eh, hindi. I am okay, bro," sagot na lamang ni Mac sa kaibigan.

"Are you sure? Do you want sa bahay ko nalang tayo magpunta? Para we can skip yung party ni Mickey. I can cook for you," alok ni Migs sa katabi.

"No, gusto kong matulog sa kama ko. And isa pa, we need to celebrate," si Mac sa kaibigan.

"Alright, if that’s what you want," sagot na lamang ni Migs.

-----o0o-----

"Babe, may girlfriend na ba kuya mo?" tanong ni Denver kay Chuchay habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay ng kanyang tiyahin. Nakaangkas si Chuchay sa motor ng kasintahan.

"Ahhh. Hindi ko sigurado e. Pero mukhang wala yata. Wala pa naman siyang pinapakilala. Bakit mo natanong, babe?" pabalik na tanong ni Chuchay sa kasintahan.

"Ahh ehh. W-wala naman," wika ni Denver na hindi napaghandaan ang isasagot sa tanong ng kapatid ni Jude. Yumakap muli si Chuchay sa katawan ng kasintahan.

"Gwapo naman si Kuya. Kaya lang masungit. Kaya feeling ko wala pa yun nobya," natatawang kwento ni Chuchay.

"Tama, gwapo nga kuya mo. Kaya nakakapagtakang walang girlfriend yun. Pwera na lang..." si Denver na napigilan ang sarili.

"Pwera na lang ano? Ay!" si Chuchay na napakapit sa bewang ng binata nang mapadaan sila sa lubak na daan.

"Wala!" sagot ni Denver na nanahimik na lamang. Tinatantya niya kasi kung makukumpirma niya sa nobya kung pumapatol si Jude sa lalaki. Hindi na bago si Denver sa mga tipo ni Jude. Ilang taon rin nanirahan si Denver sa ibang bansa kung kaya open-minded na rin siya sa iba't ibang sekswalidad. May nararamdaman siyang kakaiba sa tuwing nakikita ang kapatid ng kasintahan.

"Babe, dyan na lang sa tabi," sabi ni Chuchay na nagpabalik kay Denver mula sa kanyang iniisip.

"Dito ka lang ba?" tanong ni Denver kay Chuchay nang makababa ito sa kanyang motor.

Tumango lang si Chuchay. "Wait lang ha," paalam ni Chuchay sabay pasok sa bahay ng kamag-anak.

So, si Chuchay pala ang pinalit mo sa akin?" panimula ni Karla nang makita ang motor ni Denver na nakaparada.

Napabalikwas si Denver sa pagkakasandal sa kanyang motor. Napalingon siya. "Karla?!" gulat na sabi ni Denver.

"Ako nga!" sagot ni Karla. "Si Chuchay nga ba ang pinalit mo sa akin?" ulit na tanong ni Karla sa binata.

Agad na hinawakan ni Denver si Karla sa braso at kinaladkad palayo sa bahay ng kamag-anak nila Chuchay. "Aray! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Karla. Napadpad sila sa isang waiting shed tatlong bahay mula sa bahay ng tiyahin nila Chuchay.

"Anong pinalit?" mahinang tanong ni Denver. May inis sa tono nito.

"Puta ka! Nagmamaangmaangan ka pa! Anong tawag mo sa relasyon natin noon? Fuck buddy?" bulgar na pagkasabi ni Karla.

"Shhh! Hinaan mo nga yang boses mo!" si Denver. "Wala tayong relasyon! Yung nangyari sa atin noon, dala lang yun ng libog! Kaya pwede ba tigilan mo nga ako sa kaartehan mo!" pabulong pero matigas na pagkakasabi ni Denver.

"Limang beses! Dala lang yun ng libog? Ni katiting wala bang pagmamahal doon?" medyo humina na ang boses ni Karla. Medyo may pagmamakaawa na sa boses nito. "Ang daya mo naman, Denver e. Sana klinaro mo. Hindi yung bigla ka na lang hindi magpaparamdam!" dagdag pa ni Karla na nagsimula nang maiyak.

"Pwede ba? Huwag kang umiyak," si Denver na tsine-ckeck kung lumabas na ba si Chuchay mula sa loob.

"Denver!" si Karla na aakmang yayakap sa katawan ng binata.

"Karla!" si Denver na agad pinigilan ang pagyakap ni Karla.

"Miss na miss na kita," naiiyak na sambit ni Karla sa binata.

"May girlfriend na ako! So please stay away from me. Stay away from us!" huling sabi ni Denver bago iwanan ang napaupong transwoman.

-----o0o-----

"Mac, favor naman oh," si Mickey sa kapatid pagkapasok ng kwarto ni Mac. Naglalaro ng game console sina Mac at Migs.

"Ano yun, kuya?" sagot ni Mac na concentrated sa paglalaro.

"Hindi ko pa kasi napi-pick up yung inorder kong vodka at tequila. Pwede bang ikaw na kumuha sa supermarket?" pakiusap ni Mickey sa kapatid.

"Yes, pwede naman," sagot ni Mac. "What time mo ba kailangan?" dagdag pa na tanong nito sa kapatid.

"Syempre before magsimula yung party." Tugon ni Mickey.

"Sige, kuya. After this game, I can drive na papunta dun," sagot ni Mac sa kanyang kuya.

"Thanks, bro. You're the best," sagot ni Mickey sabay gulo sa buhok ng bunsong kapatid.

"Do you want me to come with you?" tanong ni Migs sa kaibigan nang lumabas na ang kapatid ni Mac.

"’Wag na. Hintayin mo nalang sila Jed dito. For sure, hahanapin ako ng mga yun. Mahihiya yung pumasok kapag hindi mo sila nasalubong," sagot ni Mac.

Napatingin si Migs sa mukha ni Mac. Sa tangos ng ilong nito pababa sa kapal ng labi ng kaibigan. Gusto niya talaga si Mac kahit na ramdam niya na si Jude pa rin ang nasa isip at puso ng kaibigan. Handa siyang maghintay sa panahon kung kailan makaka-move on si Mac kay Jude. "I love you," bulong ni Migs.

"Ha?" si Mac sabay enter sa game console. "Tanga mo, Migs!" sigaw ni Mac na tuwang-tuwa dahil nanalo ito laban sa kaibigan. Tumayo na si Mac upang sundin ang utos ng kapatid.

"Yes, tanga talaga ako. Tangang-tanga ako sa iyo, Mac," bulong ni Migs. May kirot sa kanyang puso. Pero kailangan niyang tiisin. Kailangan niyang hindi sumuko. Malapit na niyang maabot ang kanyang pinapangarap, ang maging nobyo si Mac.

"Bro, text mo sila Jed ha," bilin ni Mac sa kaibigan bago ito lumabas ng kanyang kwarto. Napatingin na lamang si Migs sa screen ng TV ni Mac. KO. Bagay na bagay sa kanyang kumikirot na puso.

-----o0o-----

"Iho?" bati ni Susan nang mamukhaan niya si Mac sa grocery.

"Ti-ti-tita Susan?" nauutal na bati ni Mac sa tiyahin ni Jude. Agad itong nagmano sa nakakatanda.

"Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" tanong ni Susan sa kaklase ng pamangkin.

"Ahh. May pipick-upin lang po ako. May konting salu-salo po sa bahay. Kakatapos lang po kasi ng exams," sagot ni Mac. "Kamusta po? Kayo po? Sino pong kasama niyo?" dagdag ni Mac.

"Si Vince at Chad nga pala. Mga pinsan ni Jude," sagot ni Susan. Nagtanguan lang ang mga binata tanda ng pagbati.

"Ahh, I remember you. Ikaw yung nagsusundo at hatid kay Jude," sambit ni Vince nang maalala ang itsura ni Mac.

"Ako nga," natatawang sagot ni Mac sa pinsan ng dating nobyo.

"Pre, nabalitaan mo na ba nangyari kay Jude?" tanong ni Vince sa binata.

Natigilan si Mac sa sinabi ng pinsan ni Jude. Nanlamig ang kanyang katawan. "Ha? A-a-ano pong nangyari kay Jude?" tanong ni Mac sa tiyahin ni Jude. Halata sa mga mata niya ang pag-aalala sa sinapit ng dating kasintahan.

"Okay naman na. Naospital kasi ang Papa ni Jude. Kaya umuwi muna siya sa kanila," kwento ni Susan sa binata.

Nanikip ang dibdib ni Mac. Nakonsensya siya. Wala siya sa panahon kailangan siya ni Jude. Wala siya dahil galit siya rito. Napagsalitaan pa niya ng masama ang dating nobyo. "S-s-sa Bicol ho?" tanong ni Mac.

"Oo," si Vince na ang sumagot.

"Pero, iho. Huwag ka nang mag-alala. Makakalabas na raw naman bukas ang Papa niya," balita ni Susan sa kaibigan ng pamangkin.

"Mabuti naman ho kung ganon," sagot ni Mac. "Tita Susan, may favor ho sana ako," wika ni Mac sa tiyahin ng dating nobyo.

Hindi pa rin maalis sa isipan ni Mac ang sinapit ni Jude habang wala siya sa tabi ng kasintahan. Nasa loob na siya ng kanyang kotse. Hindi pa rin siya umaalis sa parking lot kahit na nakabukas na ang makina ng kotse nito. "Oh Mac! What have you done.." si Mac sa kanyang sarili. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono. Pinuntahan ang number ni Jude. Nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ang dating kasintahan o hindi. Habang nasa kabilang kamay niya ang isang papel kung saan sinulat ni Tita Susan ang address ni Jude sa Bicol. Hiningi niya sa tiyahin ni Jude kanina.

-----o0o-----

"Tay Tinoy, sumunod ho kayo kina Nay Mayang at Jude ha," bilin ni Gab habang tulak-tulak ang wheelchair kung saan nakasakay ang tatay ni Jude. Palabas na sila ng ospital ngayong umaga.

"Yes, Nurse Gab. Salamat ha!" nakangiting sagot ni Tinoy sa lalaking nurse.

"Sir Gab, thank you po," si Mayang naman ang nagpasalamat.

"Walang anuman ho," sagot muli ni Gab sa magulang ni Jude. Nakangiti lang si Jude habang pinagmamasdan ang masayang magulang.

"Tito Tinoooy!" masayang bati ni Lucas nang makita na masigla na muli ang tiyuhin. "Bakit naka wheelchair ka pa, Tito? Paano tayo magiinuman niyan sa Pasko?" nagbibirong tanong ni Lucas.

"Sir, bawal pa po si Tay Tinoy sa alak," sita ni Gab sa binatang sumundo sa tatlo. Kumunot naman ang noo ni Lucas sa umeepal na nurse. Napatingin si Lucas sa mukha ng pinsan na si Jude. Nakatingin ito sa mukha ng nurse.

"Hoy insan! Nakatulala ka dyan!" panggugulo ni Lucas sa iniisip ni Jude. Napatawa lang si Jude.

"Lucas, ipasok na natin si tito mo sa kotse," yaya ni Mayang sa pamangkin.

Nang maiwan na ang dalawa sa harapan ng ospital, "Gab, thank you ha," simula ni Jude. Siya naman ang nagpasalamat sa pag-aalaga ng nurse sa kanyang tatay.

"Siguro ako dapat ang magpasalamat. Hindi naman sa pag-aano, kung hindi naospital si Papa mo, hindi siguro kita makikilala. Kaya thankful na rin ako," sagot ni Gab.

Napangiti na lamang si Jude sa sinambit ng nurse sabay talikod. "Hey, pwede ko bang bisitahin si Tatay Tinoy?" habol na tanong ni Gab kay Jude.

"Ha?" si Jude sabay lingon sa matikas na nurse.

"Sabi ko, pwede ba kitang, este si Tatay Tinoy bisitahin?" ulit ni Gab.

"Ah! Eh! Pwede naman siguro. Panigurado matutuwa sina Mama at Papa pag dumalaw ka," sagot ni Jude na nakangiti.

"Great! I'll call you na lang ha," paalam ni Gab sa binata bago ito pumasok sa loob ng ospital. Napailing na lamang si Jude. Dahil sa tuwa? Pwede. Dahil sa kilig? Pwede rin.

"Insan, ano pa ba yang nginingiti ngiti mo? Tara na!" tawag ni Lucas.

Nakarating ng bahay ang pamilya bago mananghalian. Agad na sumalubong si Chuchay sa magulang. "Papa! Welcome home!" si Chuchay sabay yakap sa kanyang tatay. Naroon rin ang iba nilang kamag-anak na may dalang pagkain. Masaya ang buong pamilya dahil nakauwi si Tinoy sa kanilang bahay apat na araw bago mag-Pasko. Masayang pinagmamasdan ni Jude ang kanyang pamilya. Yakapan, kamustahan, iyakan lalo na ang kanyang ina habang nagkwekwentuhan.

"Lucas, nakalimutan kong dalhin ang cake sa bahay. Kunin mo nga.." utos ng kanyang nanay.

"Sige po. Insan, samahan mo ako," yaya ni Lucas kay Jude. Dahil sinundo naman sila ni Lucas sa ospital ay pumayag siyang samahan ito sa kanilang bahay. Tahimik ang dalawa habang nasa byahe. "Sino pala yung lalaki sa ospital kanina?" usisa ni Lucas sa pinsan.

"Ha?" maang-maangan ni Jude.

"Yung nurse!" wika ni Lucas. May inis na sa tono ng boses niya.

"Ahh, si Nurse Gab. Anong meron?" nang-aasar na tanong ni Jude.

Huminga ng malalim si Lucas. Halatang naasar na ito. "Anong meron sa inyo?"

Natawa naman si Jude nang mahalatang nagseselos ang pinsan. "Bakit mo tinatanong?" balik na tanong ni Jude sa pinsan.

Malakas na brinake ni Lucas ang kotse at lumabas ito. Nakarating na pala sila sa bahay nila Lucas. Ilang sandali pa ay may bitbit na itong kahon ng cake. Inabot ito ni Lucas kay Jude upang bitbitin habang nasa byahe. Pabalik na sila ng bahay. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," simula ulit ni Lucas.

"Ano bang tanong mo?" pang-aasar ni Jude.

"Insan naman e," halatang napipikon na si Lucas. Hinawakan ni Jude ang pisngi ni Lucas. Hinimas. Sabay kurot sa pisngi.

"Huwag ka ngang magselos dyan! Mabait lang talaga yun. Lalo na’t siya ang nag-alaga kay Papa," natatawang sabi ni Jude.

"Aray!!" si Lucas sabay hawi ng kamay ni Jude. Muling nagharutan ang dalawa hanggang marating nila ang bahay nila Jude. "Siguraduhin mo lang na wala kang iba ha," huling sabi ni Lucas bago ito bumaba ng kotse upang pagbuksan si Jude.

-----o0o-----

"In 15 minutes, you will arrive in your destination," sabi ni Waze. Sampung oras na nagmaneho si Ace mula Manila hanggang sa bayan ni Jude sa Bicol. Wala pa siyang tulog mula kagabi. Pitong beses lang siya huminto upang kumain, magyosi at umihi. Kinakabahan si Ace kung ano ang magiging reaksyon ni Jude kung sakali makita siya nito. Matutuwa kaya ito? Magugulat? Maiiyak sa ligaya? Kikiligin? Magagalit? Maiinis? Huminga ng malalim si Ace habang patuloy sa pagbaybay ng daan papunta sa bahay ni Jude.

Napatingin si Ace sa nalalantang bulaklak. Ito pa rin ang bouquet ng bulaklak na dapat ibibigay niya nung araw na dapat aamin siya ng kanyang nararamdaman kay Jude. Ito ang nagpapalakas ng kanyang loob na umamin kay Jude. Napalunok siya nang makita niya sa kanyang telepono na lumalapit na siya sa bahay ni Jude. "Ace, kaya mo yan!" bulong ni Ace sa sarili. Napahinto si Ace sa hindi kalayuan nang makita niyang may pumaradang kotse sa harapan ng bahay ni Jude.

Bumaba ang isang matangkad at morenong lalaki sa driver's seat at pinagbuksan ng pinto ang katabing pasahero nito. Bumaba rito si Jude. Napalunok si Ace nang muling mapagmasdan ang itsura ni Jude. Nakangiti ito. Masaya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pinagpapawisan ang kanyang noo at palad kahit na naka-aircon ito sa sasakyan. "Ace, you can do it!" si Ace sabay paandar ng kanyang sasakyan palapit sa bahay ni Jude. Nagtaka at napatigil sina Lucas at Jude nang mapansin ang paparating na SUV. Huminto ito sa harapan nila. Tinted ang harapan ng sasakyan kung kaya hindi nila mamukhaan ang driver ng kotse. Pamilyar kay Jude ang kotseng ito. Kinabahan siya. Pero ayaw niyang mag-assume.

Bumukas ang kotse at nalanghap nga ni Jude ang amoy ng isang pamilyar na pabango. Napalunok si Jude sa namasdan, bumaba nga si Ace mula sa kanyang kotse. Gwapong-gwapo sa suot nitong polo at pantalon. Nakangiti na lumapit sa kanilang dalawa. "Surprise!" bungad ni Ace sa nakatulalang si Jude.

 

 

Susundan...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...