Miyerkules, Setyembre 13, 2023

Ang Waiter (Part 3)

 


Ang Waiter (Part 3)

 

Pagbalik namin buhat sa palengke, ay napansin kong maayos na ang sala, parang umaliwalas. Paglabas ay naabutan namin na naglalagay ng liquid soap sa washing machine itong si Ryan. “Nakapaglinis ka na ba sa sala?” tanong ko.

“Oo, nilinis ko na rin ang kwarto mo at pati na sa akin. Nilalabhan ko na ngayon ang mga damit mo. Pasensya ka na Rom, hindi ko nasama sa paglilinis ang guest room. Saka hindi ko alam kung ano ang damit mong lalabhan,” wika ni Ryan.

“Ay ako nang bahala don. Sabi ko naman kay Tyrone na ako na ngayon ang gagawa ng mga gawaing bahay. Sana hinintay mo na lang ako,” wika naman ni Rom. “Saan ba pwedeng maglinis nitong isda Tyrone? Saka itong karne. Dapat kasi ay nahugasan na bago i-freezer,” – si Rom.

“Diyan lang din sa isang side, yung malalim ang sink. Marunong ka bang maglinis ng isda?” tanong ko.

“Sipsip!,” mahinang sabi ni Ryan, halos bulong na hindi maririnig ni Rom, pero narinig ko.

May problema talaga itong si Ryan.

-----o0o-----

Naipasok ko rin si Rom bilang waiter sa aming kompanya. Matapos makumpleto ang requirement ay pinagsimula na rin siya kaagad. Simula noon ay halos araw-araw kaming magkasabay na pumapasok at umuuwi. Alas sais ang uwi niya at ako naman ay alas-singko. Minabuti ko nang hintayin siya para may kasabay ako sa pagda-drive. Minsan kasing nasiraan ako ay wala man lang umalalay sa akin.

Sa pagpasok mg opisina ay kasabay ko na rin si Rom kahit pa alas nuwebe ang duty niya at alas otso ako. Sabi niya ay mabuti na rin ang ganon dahil sa tipid sa pasahe at hindi pa siya male-late.

Sa dalas naming pagsasabay ay unti-unti kong nakikilala ang ugali ni Rom, mabait siya kung sa bait. Masipag siya, maalalahanin, masinop. Palangiti rin siya kaya naman madali siyang nakakagaanan ng loob ng kasamahan sa trabaho. Madalas ay nire-request pa raw siya ng mga diner na siya ang mag-asikaso sa kanila.

Marami ring pangarap sa buhay si Rom lalo na sa kanyang pamilya, tulad din ni Ryan. Gusto man niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ay hindi na muna niya itinuloy. Inuna niya ang nakababatang kapatid na siyang magpatuloy ng pag-aaral. Dahilan niya ay mas matalino ang mga ito.

Dahil nga sa mas madalas na kami ang magkasama ni Rom ay parang nagkakaroon na rin ako ng damdamin sa kanya. Hindi ko naman iyon ipinahahalata sa kanya. Ayoko kasing magsamantala. Alam kong tinatanaw niya, na utang na loob ang pagpasok ko sa kanya sa trabaho at ang pagpapatira dito sa aking bahay.

Samantala, si Ryan ay malaki rin ang ipinagbabago. Kung noon ay madalas na gabing-gabi na nakakauwi, ngayon ay nasa tamang oras na ang uwi niya. At kapag linggo naman na wala siyang klase ay talagang madalas na siya ang nauunang gumising at nagluluto ng aming almusal. Palagi niyang inuunahan si Rom. Ewan ko parang nakikipag-paligsahan siya kay Rom.

-----o0o-----

“Sir Tyrone, pinatatawag ka ni Boss,” wika ng sekretarya ng aming boss.

“Ako? Bakit daw?” tanong ko. “Ngayon na ba?” tanong ko uli.

“Hindi ko alam Sir! Ngayon na po.” Tugon ng sekretarya.

“Hala, ano na naman bang mali ang nagawa ko? Ingat na ingat na nga ako sa mga ipinagagawa niya,” nag-aalalang tanong ko sa sarili. Sumunod na ako sa sekretarya.

Kumatok muna ako, bago ako pumasok. “Good morning po Sir James, pinatawag mo po daw ako,” bati ko sa aming boss.

“Halika, pasok ka. Maupo ka muna at tatapusin ko lang itong pinipirmahan ko,” wika naman ng aking boss. Medyo kalmado siya, kaya medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

“Kumusta ang trabaho mo. May mga pending ka pa bang trabaho? Baka naman backlog ka na naman. Ikinuha na kita ng assistant mo,” bungad na tanong ni Boss James.

“Sir, hindi naman ako magsisinungaling, sadya hong madami lang transactions at ang dami pang mga report na kailangang gawin, sa government at sa mga regular na hinihingi mo po. Pero hindi ko naman po masabing backlog, kasi ay one week lang naman ang aming delay sa mga report. Updated naman kami sa government requirements,” sabi ko na medyo napayuko pa ang ulo. Alam kong sasabunin na naman ako.

“Paano ba iyan? Kasi ay balak kong ikaw ang ipadala sa special training at seminar sa Buguio next week. Tatagal siguro iyon ng isang buwan. Alam kong bago ka pa lang dito bilang accountant, pero ikaw ang nakita kong nababagay para sa training at seminar na ito,” wika ng aking boss.

“Tungkol po saan ang training?” ang naitanong ko lang.

Tungkol ito sa hotel and restaurant operation and accounting. Gusto kong ma-update tayo at hindi nahuhuli sa standard. Siguro ay tatagak iyon ng one week at maraming nagparigister na mag-papaticipate. Isang expert sa larangan ng hotel ang siyang speaker at from international company pa,” wika ng boss ko.

“One month po! Ang akala ko naman ay one week lang, mawawala pala ako ng matagal. Madami pa naman akong maiiwan na trabaho.” Wika ko.

“Isang topic lang iyon, meron pang iba. Yung tungkol sa computer program natin. Gusto kong i-adopt ang bagong computer system para sa mga hotel Ipapaliwanag niya ang mga kakailanganing i-prepara para pagpunta sa ating office ay ready na tayo,” sabi niya.

Tinawag niya ang kanyang sekretarya at nagpadala ng dalawang tasang kape, saka siya nagpatuloy. “Hindi lang iyon, may mga bagong international corporate laws para sa mga hotel at pati na rin sa ating local laws. Government reporting at taxes at iba-iba pa. Pinagsama-sama na para isang beses na lang daw.”

“Ang dami pala, ako lang po ba?” tanong ko.

“Related kasi lahat sa work mo ang seminar. Ikaw na ang bahalang mag-share sa mga tauhan mo dito.”

“Kelan po ba?”

“Monday ngayon ano, next Monday ang simula at kelangan, Sunday ay naroon ka na. Nakapag-book na ang sekretarya ko ng titirhan mong hotel. Syempre, lahat ng expense ay sagot ng company at may per diem ka pa para sa transpo, meal at iba mong kakailanganin. Pati laundry mo ay kwentado. Computed na iyon sa amount ng daily per diem mo. Kapag kinulang ay ikaw na ang sasagot, kapag sumobra naman ay hindi na kelangang mag-refund. Pero kelangan pa rin ang resibo dahil sa VAT. Okay?”

Para na naman akong mag-aaral sa school, kung pwede lang sanang tanggihan. Kung sabagay, para rin sa advancement ko iyon dito sa kompanya.

“Kelan mo balak na bumiyahe?” tanong ng boss ko.

“Pwede po bang hindi na ako pumasok ng Sabado para makapaghanda ng aking dadalhin. Baka kasi may bilhin pa ako na personal kong kailangan. Sunday na siguro po ako bibiyahe,”

“Okay, sige.”

“Yung per diem ko po, pwede pong i-deposit na lang sa account ko?” wika ko.

“Mas maganda naman iyon. Saka sa iyo naman manggagaling ang tseke. Ikaw naman.”

“Mabuti na pong alam mo hehehe.” Nagpaalam na ako.

Pagbalik ko ng aming opisina ay kaagad akong nagpa-meeting. Marami akong ibinilin tungkol sa mga regular na ginagawa lalo na ang filing ng VAT, SSS, at kung ano-ano pang government requirements at ang payment. Binilin kong huwag na huwag magpapa-late dahil may mga penalty na ang late remittance.

Nagbilin na rin ako sa aking assistant ng mga ginagawa kong regular, sa kanya ko muna inatas iyon.

Sa bahay ay kinausap ko rin sina Ryan at Rom. Wala naman akong masyadong ibinilin sa kanila kundi ang walang kalokohang gagawin habang wala ako.

“Syanga pala, yung mga bill ha. Itawag ninyo sa akin ang amount at ako na ang magbabayad. Sa on-line naman ako nagbabayad,” wika ko. “Ikaw Ryan ha, huwag masyadong magpapagabi. Bakit ba lagi kang ginagabi, may ihinahatid ka na ba?”

Napatingin si Ryan sa akin, napatingin din ako sa kanya. Alam kong nabigla siya sa tanong ko. Hindi naman ako nagpapahalata na may alam ako sa kanya.

“Wala Tyrone. Focus ako sa pag-aaral ko. Wala pa akong balak na manligaw,” tangging-tanggi ni Ryan.

“Ikaw Rom, may nililigawan ka na ba sa kompanya natin?”

“Wala! Palagi kaya tayong sabay, paano ako makapanliligaw,” tugon ni Rom.

“Ah, gusto mong huwag nang sumabay sa akin?” nakangiti kong tanong. Biro lang naman iyon. Ang totoo ay natutuwa ako dahil hindi pa siya talaga nangliligaw. May nadidinig kasi akong maraming nagkaka-crush na babae sa kanya at marami ding bading. Marami kasing bading na waiter.

“Hindi ah, lalaki ang gastos ko sa pamasahe at mahirap kayang sumakay hehehe,” sagot ni Rom.

“Hindi ako papasok ng Sabado, gusto kong mamili ng pang-ulam ninyo at grocery. May gusto ba kayong ipabili sa akin?”

Walang sumagot. Alam ko na naman ang isasagot nila, “kahit ano”.

-----o0o-----

Sabado pa lang ng tanghali ay nakabasta na ang mga gamit kong dadalhin. Madaling araw ng Lingo ako bumiyahe. Nagpahatid na ko kay Ryan dahil sa marunong naman itong mag-drive. Sumama pa rin si Rom sa paghahatid sa akin.

“Yung kotse ha, i-start mo paminsan-minsan. Pwede rin ninyong gamitin, huwag lang sa kalokohan ha. Saka kayo ang magkarga ng gasolina,” bilin ko. Umalis na rin sila pagkasakay ko ng bus.

-----o0o-----

Rom…….

Nakapaninibago, unang araw na hindi kami magkasabay ni Tyrone. Miss ko na siya kaagad. Lalo ko siyang na-miss ng hindi ako kaagad makasakay ng jeep papunta sa trabaho. Haaayyy, mabuti na lang at nasanay ako na maagang pumapasok. Kung hindi ay siguradong late ako at masasabon ako ng aming supervisor.

Pagdating ko ay kaagad akong nagpunta ng locker room para magbihis ng aming uniporme at magreport sa aming supervisor para malaman ko kung saan ako ngayon ipupuwesto. Nagmamadali kong tinungo ang opisina ng aming supervisor.

“Mabuti at maaga ka Rom,” wika ni Ma’am Malou, ang aming supervisor.

“Ma’am naman, palagi naman akong maaga, ngayon lang ako medyo tinanghali, hindi pa rin naman ako late,” katwiran ko.

“Oo alam ko, wala ngayon ang jowa mo,” wika ni Ma’am Malou, ewan ko kung nagbibiro.

“Sinong jowa Ma’am?  Wala po akong jowa,” wika ko naman.

“Joke lang naman. Doon kita i-assign sa main dining. Palitan mo yung isang waiter dahil kagabi pa siya.”

“Ngayon na po?”

“Hindi, sa isang buwan pa,” sarkastikong wika ni Ma’am. “Oo, ngayon na, pagmamadaliin ba kita kung sa isang taon pa. Pagbutihin mo ha at canditate ka sa waiter of the month,” wika ni Ma’am Malou.

“Talaga po?”

“Oo na. Palagi ka namang candidate eh. Pag ikaw na naman ang napili, pangatlo mo na ito, in a row,” sabi ni Ma’am.

Masigla akong lumabas. Kasi naman ay talagang sinisipagan ko at pinagbubuti ang pagseserbisyo, malaki-laki rin naman ang tip na nakukuha ko sa aking pangalan. May code kasi kami at kung minsan ay isinasama na ng customer ang tip namin na naka charge sa credit card nila at nakukuha namin kinabukasan. May ibinibigay na stub sa amin kung magkano. Kung minsan ay nakaka sampung stub ako sa buong maghapon at malaki-laking halaga rin iyon. Malaki rin ang nase-share namin buwan-buwan sa serice charge.

Sa kamamadali ko ay hindi ko sinasadyang makasagi, dahilan para mahulog ang dalang parang diary ng nabungo ko.

“Sorry po! Hindi ko po sinasadya,” paghingi ko ng paumanhin habang pinupulot ko ang nalaglag na notebook. Hindi ko alam kung anong tawag doon, kasi maganda at parang leather ang cover.

Inibot ko iyon sa kanya. Nakasuot siya ng sports clothes at hoodie jacket na tumatakip sa kanyang mukha kaya hindi ko masyadong makita. Inalis niya ang hood at parang nakasimangot pa ng abutin sa akin ang notebook. Shet ang gwapo pala niya.

Matangkad ang lalaki, siguro ay nasa six feet na siya, maganda ang matipunong pangangatawan, parang brown ang unat na buhok na ewan ko kung kinulayan lang at may mapungay na mga mata. Ngumiti siya nang abutin ang notebook sa akin, lumitaw pa ang dimples niya sa magkabilang pisngi na lalong nagpatingkad ng kagandahan niyang lalaki.

“Sorry po talaga, hindi ko po talaga sinasadya,” paghingi ko uli ng pumanhin.

“It’s alright. Sige,” ang tangi niyang sinabi.

“Marami pong salamat,” wika ko.

Isang matamis na ngiti ang tugon niya sa akin at tuluyan ng naglakad palayo. Halos patakbo naman akong tinungo ang main restaurant.

Maaga pa ay marami ng guest ang naroon, nagkakape ang karamihan. Mamaya pa naman kasi ang lunch time.

Nag-iimis pa ako ng mesa ng makita kong naglalakad papasok ng resto ang lalaking nabungo ko. Sinalubong kaagad siya ng head waiter at nadinig ko pa ang pagkausap nito.

“Table for one Sir?” tanong ng head waiter.

“No, actually may hinihintay akong kasama. Dalawa siguro sila,”

Ihinatid ng head waiter ang lalaki sa isang table na malapit sa glass wall at kita ang view ng hotel sa may garden na maraming namumulaklak na halaman.

May waiter nang lumapit sa lalaki, ako naman ay tinungo ang lagayan namin ng pinagkainan saka muling tumayo para maghintay ng iba pang guest na papasok.

Pinagmamasdan ko ang lalaki na may kausap pa sa kanyang cellphone. Ang gwapo talaga niya, ewan ko ba, nakakabakla kasi ang kagwapuhan niya. Napadako ang tingin niya sa banda ko at nagtama ang tingin namin. Ngumiti siya, siguro ay namukhaan ako, ngumit rin ako. Mabuti na lang at walang nakapansin na kasamahan ko sa aking pagngiti sa lalaking iyon.

Kinausap na niya ang waiter na nakatayo sa may mesa niya. Nag-usap sila. Nag-order na siguro dahil kaagad na tumalikod na ang kasamahan kong waiter. Nilapitan ako ng waiter.

“Rom! Ikaw ang gustong mag-serve dun sa gwapong lalaki,” sabi ng kasamahan ko.  “Sabi niya, “Please don’t be offended ha, pero, pwede bang yung lalaking iyon ang mag-serve sa akin”. Shet Rom ang galing mo talaga. Nakakainggit ka na.” sabi ni Mark ang waiter na naging kaibigan kong una dito.

“Anong sagot mo?” tanong ko.

“Ano pa eh di , "No a problem sir. He's an excellent waiter". English yun ha hehehe. Lapitan mo na,” wika ni Mark.

Lumapit na ako at tinanong ko na napakagalang ang gusto niya.

“Brewed coffe lang muna. May hinihintay pa kasi ako,” wika ng lalaki. “By the way, call me Jay. And you are…?” wika niya.

“Rom po. Wait a minute, I’ll get your coffee,” wika ko at saka tumalikod na. Hindi na ako nakipag-kamay sa kanya. Hindi ko kasi alam kung allowed kaming makipagkilala sa mga guest cusumer namin.

Dala ko na ang isang maliit na tray na may kape sa tasa, creamer at sugar, may nasa saschet at mayroon ding nasa cup, depende na lang sa kanya kung anong gusto. Meron kasing ayaw ng nasa cup na sugar at mas gusto yung maliliit na balot.

Tumalikod na ako pagka-serve ko ng coffee at inasikaso ang ibang customer.

Maya-maya ay may nakita kong may kausap na siya, isang lalaki at isang babae. Naupo na ang dalawang bagong dating.  Gaya ng inaasahan ko ay ako ang kinawayan kahit na may ibang lumapit ng waiter.

Pinagsilbihan ko naman sila nang maayos. Magalang ang pakikipag-usap ko kahit na sa kasamahan nila. Matagal-tagal din silang nag-stay. Siguro ay higit isang oras bago sila nag-bill out.

Inabot ko ang bill, tapos ay ibinalik niya sa akin, kasama na ang kanyang credit card at dinala sa kahera.

“Wow Rom, ang laki ng tip mo oh, 500 pesos. Ang swerte mo naman talaga. Quota ka na,” wika ng kahera saka ibinalik ang card at ibinigay din ang aking tip stub.

Pagbalik ko ay wala na ang kasama niya, siya na lang ang naiwan. “Umalis na ang kausap mo?” tanong ko kay Jay.

“Oo, may pupuntahan pa silang iba,” tugon niya.

“Pwede ko nang linisin ang table mo?”

“Okay.” Mahina niyang sagot.

“Naka-check-in ka ba rito?” tanong ko.

“No. Ano nga pala ang tapos ng duty mo dito?” sagot at tanong niya.

“Hanggang six ako,” tugon ko.

Tatalikod na ako dala ang kanilang kinanan ng pigilan niya pa ako.

“Wait,” Huminto ako, inabot niya sa akin ang isang calling card at may sinabi siya sa akin. “Mamaya, hintayin kita diyan sa gilid ng hotel ha. 6:30. Huwag mong kalilimutan. Hintayin kita. Tawagan mo ako diyan sa number na nasa card para maabangan kita. Huwag mo akong iindyanin,” wika niya sabay talikod. Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi na hinintay ang isasagot ko.

 

May karugotong……..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...