Nasibak Ni Insan Dos (Part 41)
By: Firemaker JD
"Okay
ka na ba?" paulit-ulit na tanong ng dalaga. Tango lang naman ng tango si
Jude habang patuloy ang paginom ng tubig. Ngunit nanlaki ang kanyang mata nang
masulyapan niya kung sino ang kasama ng kanyang pinsang si Lucas, sina Jed at
Mac. Nakangiti silang pumapasok sa gate ng bahay ng kanilang kamag-anak. Hindi
makahinga si Jude. Ramdam niyang pumapasok ang iniinom niyang tubig sa kanyang
baga.
"Anak
ng pitong puting tupa!" sa isip ni Jude at muli siyang nasamid. Mas
grabeng ubo ang kanyang nagawa dahil sa dami ng nainom. Para talaga siyang
nalunod. Yumuko si Jude at patuloy na umuubo.
"Kuya,
okay ka lang ba?" si Chuchay na nag-aalala. Narinig naman iyon ni Lucas
kung kaya agad rin siyang tumakbo papunta sa mesa nila Jude at naiwan ang
dalawang bisita sa isang tabi.
"Insan,
okay ka lang?" si Lucas sabay tapik sa likuran ng nakayukong si Jude.
"Yes,
okay lang ako," hinahabol na hininga na sagot ni Jude. Nakayuko pa rin ito
habang inaalo ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"No,
hindi ako okay! Paanong nandito si Mac? Anong ginagawa niya rito? Paano
nakilala ng pinsan ang dalawang kaeskwela? Putangina! Paano? Bakit?"
sunud-sunod na tanong ni Jude sa kanyang isipan.
-----o0o-----
"Hello!"
bati ng transwoman na si Karla sa dalawang binatang kasama ni Lucas. Kasama
niyang sumalubong ang kaibigang si Lyka. Ngumiti ang isang binata habang isa
naman ay tumango lang. Hindi man lang ngumiti ang binata at mabilis na binawi
ang tingin sa kanila upang pagmasdan ang paligid sa oras na iyon.
"Sungit
naman nung isa!" bulong ni Lyka sa kaibigan.
"Shh!
Ganyan talaga ang mga taga-Maynila. Tignan mo parang ngayon lang nakakita ng
ganitong piging," sagot na pabulong ni Karla at pigil na pagtawa habang
pinagmamasdan ang reaksyon ng isang binata.
"Kaibigan
kayo ni Lucas?" muling baling ni Karla sa dalawang bisita.
"Yes.
We're friends of Lucas. By the way, my name is Jed and this is my friend, Mac,"
nakangiting bati ni Jed sa dalawang babae at kanyang inabot ang kanyang palad
upang kamayan ang mga ito.
"Karla
nga pala. Heto naman si Lyka, friend ko rin," sagot ni Karla sa lalaki.
Hindi inabot ni Karla ang kamay ng lalaki kundi bineso-beso nito si Jed.
"Nice
to meet you," napangiting sagot ni Jed. Medyo nagulat siya sa ginawa ng
babae pero hinayaan niya lang iyon.
"Sorry
sa friend ko," nahihiyang sabi ni Lyka sa bisita sabay abot ng kanyang
kamay upang kamayan si Jed. Nakangiting umiling lang ang binata at tila ba
sinasabi na okay lang. Imbes na kamay ang inabot ni Jed ay siya ang bumeso-beso
sa dalaga.
Samantala
walang hiya-hiyang bumaling si Karla sa hindi nakatinging si Mac. Hinawakan ni
Karla ang dalawang matigas na braso ng binata at kanyang inabot ang mga pisngi
nito upang sa kanya namang bumeso. Nagulat si Mac at walang nagawa ito kundi
ilapit ang kanyang mukha sa babae.
"Welcome
sa Legaspi," bati ng babae nang maglapat ang kanilang mga pisngi. "Sa-sa-salamat,"
tanging sagot ni Mac at agad rin namang kumawala sa paghawak sa kanya ni Karla
matapos magbeso sa kanyang dalawang pisngi.
"Friend,
kalma," sabi ni Lyka sabay kurot sa tagiliran ng kaibigan.
"Ouch!"
malanding sambit ng babae.
"Sorry
sa friend ko," nahihiyang sabi ni Lyka sa isang lalaki. Madamot na ngiti
lang ang sinagot ni Mac sa kasama ng transwoman.
Agad
naman sumingit si Jed. "By the way, may dala pala kame. I hope umiinom
kayo nito," si Jed sabay kuha kay Mac ng mga dalang alak.
"Oh
yes! Yes. We can drink this." pa-English na sagot ni Karla.
"Halika,
doon kayo sa table namin," yaya ni Karla sa dalawang bisita.
"No!"
agad na sabi ni Mac. "We will be waiting for Lucas." dagdag pa niya.
"Yes!
We are with… We are with Lucas," sagot ni Karla sabay turo sa kaibigan na
dinadamayan ang nasamid na si Jude. "There, oh!" sabi pa ni Karla.
"Hoy,
Karla! Tinarget mo na naman yang mga kaibigan ni Lucas?" nang-aasar na
sabi ni Isagani sa kaibigan ng kapatid.
"Excuse
me, Kuya Gani! Inaasikaso nga namin at iniwan yan ni Lucas dito," sagot ng
babae kay Isagani.
"Pagpasensyahan
niyo na itong si Karla. Welcome, mga sir. Isagani ho nga pala, kuya ni Lucas,"
bati ni Isagani sabay kamay sa dalawang binata. Inuna niyang kamayan si Mac,
sumunod si Jed. Biglang may dumaloy na kuryente nang magdikit ang mga palad ni
Isagani at ni Jed. Mainit itong dumaloy sa buong katawan ng dalawang lalaki.
Ngumiti si Isagani sa kaibigan ng kapatid, malagkit ang mga tingin, may ibig
sabihin, my landi. Nailang naman si Jed at agad niyang binawi ang kamay mula sa
kapatid ni Lucas.
"Thank
you, po," pilit na ngiting sagot ni Jed.
"Hatid
muna ninyo ang mga ito kay Lucas,"
bilin ni Isagani sa dalawa.
"Teka,
pakuhain na muna natin sila ng pagkain," wika ni Lyka na tumabi kay Mac.
"Sige,
kumuha na muna tayo ng foods,." pagsang-ayon ni Karla. Tumango lang ang
dalawang binata at sinundan ang mga bagong kakilala sa lamesa ng mga handa.
"Wow!
Grabe ang daming pagkain," manghang sabi ni Jed. Nakalatag kasi ang iba't
ibang putahe, mga lutong-ulam, lechon, panghimagas at may basket na puno ng
prutas.
"Yes,
ganito talaga kame dito sa Bicol," sagot ni Karla.
"Taga-saan
pala kayo?" si Lyka kay Mac.
"Manila,"
maikling sagot ni Mac sabay sandok ng ulam.
"Ahhh,"
tanging sagot ni Lyka sabay tingin kay Karla. Medyo nag-make face pa ito sa
kaibigan.
"So,
paano nga kayo nagkakakilala ni Lucas?" tanong ni Karla kay Jed.
"Sa
The Oriental kame nag-stay. Doon namin nakilala si Lucas," sagot naman ni
Jed habang sumasandok rin ng mga ulam.
"Wow!
Big time naman pala kayo," manghang sabi ni Karla.
"Hindi
ako yung big time. Itong kaibigan ko ang big time," pabirong sagot ni Jed
sabay akbay kay Mac. Pero wala itong kibo at patuloy na kumukuha ng ulam.
-----o0o-----
"Ano,
okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Lucas sa pinsan habang tinatapik
ang likuran ni Jude.
"Oo.
Okay na ako," tugon ni Jude habang inuubo-ubo pa ng kaunti. Marahang
sinilip ni Jude kung saan nagpunta ang dalawang kaklase. Pinagpapawisan siya ng
malamig, kinakabahan. Ramdam niya rin ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Shit!" alalang bulong ni Jude sa kanyang sarili nang makita niya na
kasama na ng mga kababata sina Mac.
Mas
bumilis ang kanyang paghinga. Hindi pa siya handang makaharap ang dating kasintahan.
Kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon. Kailangan niyang iwasan ang
presensya ng binata. Kailangan niyang lumayo kay Mac lalo na ngayong tuluyan
nang pumasok si Ace sa eksena.
"Excuse,
magbabanyo lang ako," mabilis na paalam ni Jude sa mga kasama.
"Samahan
na kita," alok ni Lucas sa pinsan.
"Huwag
na. Kaya ko na," mabilis na sagot ni Jude. Agad siyang tumayo sa
kinauupuan at mabilis na naglakad papasok sa bahay ng mga kamag-anak.
"Anong
nangyari sa kuya mo?" tanong ni Lucas sa pinsan na si Chuchay.
"Ewan
ko. Nasamid lang naman siya nung pagdating ninyo e," sagot ni Chuchay.
"Hoy,
Lucas! Bakit mo naman iniwan itong mga bisita mo?" singit ni Karla kasama
ang dalawang bagong mukha.
"Sorry,
si insan kasi nasamid," sagot ni Lucas sabay lapit sa dalawang bagong
kaibigan.
"Buti
na lang napaka-hospitable ko," biro ni Karla.
"Thank
you, ma'am," sagot ni Lucas sabay pisil sa pisngi ng kaibigan. "By
the way, guys, mga bago kong kaibigan, si Jed at si Mac nga pala,"
pakilala ni Lucas sa mga bisita sa mga kasama sa mesa.
"Hello,
guys," nakangiting bati ni Jed habang tipid na ngiti at tango lang ng ulo
ang binigay ni Mac sa grupo.
Pinaupo
na ni Lucas ang dalawa sa kanilang mesa. "Syempre, kilala niyo na sina
Karla at Lyka. Mga kaklase ko yan nung highschool. Ito si Benjie, kaklase ko
rin," pakilala naman ni Lucas sa mga nasa mesa. "Ito si Chuchay,
pinsan ko, syota niyang si Denver. Nasa banyo pa yung isa kong pinsan,"
dagdag pa ni Lucas.
"Oh
speaking of banyo, Lucas, pwede bang makigamit ng washroom?" paalam ni Mac
sa kaibigan.
"Ah
sige, samahan na kita," aya ni Lucas.
"No,
it's okay. Turo mo na lang," sagot ni Mac.
"Nasa
looban pa yun e," sagot ni Lucas.
"Ako
na lang ang sasama. Sunduin ko na rin si kuya," prisinta ni Chuchay.
-----o0o-----
Naghilamos
si Jude sa lababo upang mahimasmasan. Ramdam niya kasi ang init ng kanyang
magkabilang pisngi, namumula ang mga ito. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa
salamin. Huminga ng napakalalim ang binata. "Ano ba kasing ginagawa mo
rito? Bakit ka ba narito?" naguguluhang tanong ni Jude sa sariling
repleksyon. Ngunit bigla siyang napatigil at muling inalala ang itsura ng
dating kasintahan habang papasok ito kasama ang kanyang pinsan. Hindi talaga
maitatanggi ang kagwapuhan ni Mac lalo na sa kanyang porma ngayong gabi.
Long-sleeve na polo at pantalon na fit na fit sa kanya. Sinamahan pa ng maamong
mukha ng dating nobyo. Nakaayos din ang buhok nito at halata na bagong shave.
Mukhang aakyat ng ligaw ang loko.
Hindi
man niya aminin ay na-miss niyang pagmasdan ang kagwapuhan ni Mac. Ilang araw
na rin niyang hindi nakikita ang dating nobyo. Nanlaki ang kanyang mata ng muli
niyang naalala ang pabangong naamoy kanina sa simbahan ng Daraga at sa Cagsawa
Ruins. Ngayon, sigurado na siya na si Mac talaga iyon. Napahawak si Jude sa
kanyang dibdib. Bumilis na naman ang kabog sa kanyang dibdib. Hindi niya
maintindihan kung kaba ba ang kanyang nararamdaman o kilig dahil sa presensya
ni Mac. "Umaayos ka, Jude!" seryosong bilin ni Jude sa kanyang
sarili. "Hindi ba dapat galit ka kay Mac? Nakalimutan mo na ba ang mga
sinabi ng lalaking iyon sa iyo? Nakakadiri ka daw. Nakakasuka!" sambit pa
ni Jude sa kanyang repleksyon. "Hindi pa nga nagso-sorry yan sa iyo!"
dagdag pa niya.
"Pero
‘di ba may kasalanan ka rin kay Mac? ‘Di ba magagalit ka rin naman kapag
nalaman mong may nakatalik siyang iba?" buwelta naman ni Jude sa sarili.
"Malay
mo, kaya nandito si Mac dahil hihingi na siya ng tawad. At sasabihin na mahal
ka pa rin niya kahit na may nagawa kang mali," sagot niya sa sarili.
"Pero,
pa
Doon
napatigil si Jude at muling tinitigan ang repleksyon sa salamin. Tama nga
naman. Paano na si Ace? May nararamdaman na ba siya kay Ace? Napahawak si Jude
sa kanyang dibdib. Kinapa ang suot na kwintas na binigay ng binata. Huminga
siya ng malalim. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa kanyang bulsa. Hindi
nga siya nagkamali at may dalawang message galing kay Ace. Marahan niyang
binuksan ang mga ito. Dalawang selfie ng binata na may caption na, "Miss
na kita agad. Balik na ako dyan?" Biglang kumatok ang kanyang konsensya.
Napakagat ng labi si Jude. Mas lalo siyang nalito sa nararamdaman.
"Kuya,
nandyan ka ba?" sigaw ni Chuchay habang kinakatok ang pinto ng banyo.
Walang
sagot mula sa loob pero nakalock ito. "Kuya! May gagamit ng banyo. Matagal
ka pa ba diyan?" ulit ng dalagita.
"Oo!
Matagal pa ako dito! Doon ka sa labas mag-CR!" naiinis na sagot ni Jude sa
kapatid. Sa totoo lang, ayaw niya na talagang lumabas ng banyo dahil ayaw
niyang harapin ang dalawang kaklase.
"Ano
ka ba? Nakakahiya!!" sagot ni Chuchay habang padabog na kinakatok ang
pinto.
"No,
it's okay. Iihi lang naman ako. Saan ba yung banyo sa labas?" singit ni
Mac sa pinsan ng kaibigan.
"Nako,
kuya, huwag. Nakakahiya," sagot ni Chuchay sa bisita.
"Okay
lang. Nakatayo naman akong umihi e. May flush naman dun?" naiilang na
tanong ni Mac.
"May
drum naman ng tubig doon," naiilang na sagot ni Chuchay.
"Okay
na ako dun. Ihing-ihi na talaga ako e," sabi ni Mac.
"Sige,"
atubiling sagot ng dalagita.
Naunang
pumunta sa likuran ng bahay si Chuchay kasunod si Mac. Naamoy agad ni Mac ang
simoy ng mga alagang hayop ng pamilya ni Lucas. Medyo naduduwal siya dahil
hindi talaga siya sanay.
Binuksan
ni Chuchay ang pintong yero at sinindihan ang light bulb. "Kuya, okay lang
ba?" alalang tanong ng dalagita.
Tumango
lang si Mac at ngumiti. Agad niyang pinigilan ang paghinga. Sinara ang pinto at
agad na binaba ang siper ng pantalon upang makaihi na.
-----o0o-----
Huminga
ng malalim si Jude at napagdesisyunan niyang hindi harapin si Mac sa gabing
ito. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya alam kung paano kakausapin ang dating
nobyo. Inayos ni Jude ang sarili at agad niyang pinunasan ang bagong hilamos na
mukha. Lumabas na ang binata ng banyo upang papasukin ang kapatid ngunit wala
na si Chuchay sa labas ng banyo. Plano niyang umuwi na sa oras na iyon at sa
likod na siya dadaan upang makatakas. Dumiretso si Jude sa kusina at laking
gulat niya na naroon ang kapatid.
"Kuya!
Buti naman at natapos ka na sa banyo. Ano bang ginawa mo?" tanong ni
Chuchay.
"Biglang
sumakit tiyan ko. Uuwi na ako," pagsisinungaling ni Jude sa kapatid.
"Ha?
Ano bang kinain mo? Pahatid na kaya kita kay Denver? Baka maabutan ka pa sa
kalsada," alalang sambit ni Chuchay sa kanyang kuya. "Teka tawagin ko
lang si Denver," sabi pa ng dalagita bago iwan si Jude.
Iniisip
ni Jude na mas mapapabilis ang kanyang pagtakas sa lugar na ito kung ihahatid
siya ng kasintahan ng kapatid gamit ang motor. Pumwesto siya sa likod ng
kurtina upang silipin kung nasaan ang dalawang kaklase ngunit hindi niya
maaninag ang mga ito mula sa kanyang pwesto.
Muling
pumasok si Mac sa kusina matapos niyang gumamit ng banyo. Agad niyang napansin
ang isang nakatalikod na lalaki na tila ba may sinisilip sa labas. Napakunot ng
noo si Mac nang mamasdan niyang parang pamilyar ang bulto ng lalaking nasa
likod ng mga kurtina mula sa buhok nito, batok at likuran. Naka-polo shirt ang
binata, naka-shorts na maong at tsinelas lang ito.. Napalunok pa siya nang
mapadako ang kanyang tingin sa pwetan ng binata. Matambok ito. Pamilyar na
pamilyar ito sa kanya.
"Jude?"
sa isip ni Mac. Bigla siyang kinabahan. Hindi siya makapaniwala na nasa kanyang
harapan na ang dating kasintahan. Marahan siyang lumapit rito at pumwesto sa
likuran ni Jude. Kumpirmado agad ni Mac na ang dating nobyo ang kanyang nasa
harapan dahil naamoy niya ang cologne ni Jude. Napangiti siya. Gusto na niyang
yakapin si Jude sa oras na iyon. Gusto na niyang ikulong sa kanyang mga bisig
ang dating nobyo. Huminga ng malalim si Mac at mas lalo itong lumapit sa
nakatalikod na si Jude.
"Anong
meron?" pabirong tanong ni Mac.
"Wala.
Sinisilip ko lang yung mga bisita ni Lucas," casual na sagot ni Jude.
"Sino
ba yung mga bisita ni Lucas?" pagpatol ni Mac sa sitwasyon. Mas nilapit pa
niya ang kanyang katawan sa katawan ni Jude. Mas nilanghap niya ang amoy ng
dating kasintahan. Ramdam na rin niya ang init ng katawan ng nasa harapan niya.
Medyo
natauhan si Jude sa kanilang pwesto ng usisero. Naramdaman niya ang buga ng
hininga nito sa banda ng kanyang tenga. Pati ang matigas nitong dibdib sa
kanyang likuran. Naramdaman rin niya kasing tumatama ang pundilyo nito sa
kanyang pwetan. Medyo naiilang siya sa kanilang pwesto at baka may makakitang
kakilala. Napakunot ang noo si Jude at agad na hinarap ang taong na nasa
kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata ni Jude nang malaman kung sino ito. Tila
tumigil ang pintig ng kanyang puso.
"A-a-anong
ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Jude nang mahimasmasan siya.
"Ah.
We-we-we were invited by Lucas," nauutal pang sagot ni Mac sa dating
nobyo.
"I
mean, anong ginagawa mo dito sa Bicol?" paglilinaw ni Jude sa kanyang
tanong.
Hindi
makasagot si Mac. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng dating
kasintahan. Napalunok si Mac at napakamot lang sa kanyang noo.
Napailing
naman si Jude nang hindi makasagot si Mac sa kanyang tanong. "Bakit ka ba
nandito? Ha?" mas seryosong tanong ni Jude. Naiinis siya sa binata.
Hindi
pa rin sumasagot si Mac. Dahil nakita na rin naman siya ng kanyang tinataguan
ay nauna na siyang lumabas ng kusina.
"Oh
Kuya Jude, halika na. Ihahatid ko daw po kayo sabi ni Chuchay?" salubong
ni Denver sa kapatid ng nobya.
"Hindi,
okay na," maikling sagot ni Jude.
"Okay
na, dude. Ako na maghahatid sa kanya," singit ni Mac na lumabas rin ng
kusina.
"Ma-ma-magkakilala
kayo?" nagtatakang tanong ni Denver sa dalawa.
Walang
sumagot sa dalawang binata sa tanong ni Denver. Dumiretso si Jude sa kanilang
mesa at umupo sa kanyang pwesto.
"Ju-ju-jude!"
laking gulat ni Jed nang makita ang kaklase at agad na hinanap si Mac.
"Hi,
Jed," simpleng sagot ni Jude.
"Kakilala
mo siya?" nalilitong tanong ni Lucas sa bagong kaibigan.
"Na-na-nagkita
na kayo ni Mac?" nae-excite na tanong ni Jed.
Tumango
lang si Jude at kasabay nito ay ang pagdating rin nina Mac at Denver mula sa
loob ng bahay.
"Magkakakilala
kayo?" ulit na tanong ni Karla. Nakatingin ito kay Jude na tila ba
naghihintay ng sagot sa kakabata.
"Mga
kaklase ko yan sa Maynila," napilitang sagot ni Jude sa mga kasama.
Lahat
sila’y nagulat sa nalaman.
"Kuya,
bakit ang gwagwapo ng mga kaklase mo?" taklesang tanong ni Chuchay sa
kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na naman kakilala ang kuya
na pumunta sa kanilang lugar.
"E
gwapo naman ang kuya mo a," biglang sagot ni Mac sabay upo sa harapan ni
Jude. Mula sa seryosong mukha kanina ay todo ang ngiti na ni Mac sa oras na
iyon. Mas lalo tuloy lumabas ang kagwapuhan ng binata.
"Parang
ang sarap na mag-aral sa Maynila kung ganito ba naman ang mga kaklase mo,"
pabirong sabi ni Karla. Nagsitawanan naman ang mga kasama nila sa mesa maliban
kay Jude.
"Uy,
may pa-disco daw sa plaza," biglang sambit ni Karla sa mga kasama sa mesa
matapos magbasa ng kanyang telepono. "Punta tayooooo," dagdag pa ng
babae sa mga kaibigan. Saktong tapos na rin kumain ang lahat at nagpapababa na
lang ng kinain.
"Game
ako dyan," agad na sagot ni Jed sa mga kasama.
"Yan!
Perfect," sagot ni Karla.
"Ikaw
ba, Mac?" baling ni Jed sa kaibigan.
"Pupunta
ka ba, Jude?" tanong naman ni Mac sa dating nobyo. Hindi sumagot si Jude.
"Sige
na, kuya. Punta na tayo. Malamang sa pyesta na ang susunod na pa-disco ni Mayor."
hiling ni Chuchay sa kapatid.
"Oo
nga! Dati rati, rampa agad tayo sa diskuhan. Kaya tigil-tigilan mo ako sa
pag-iinarte mo," singit ni Karla sa kababata.
"Oo
nga, insan. Punta na tayo para ma-experience nila Jed ang disco sa atin,"
si Lucas.
"Okay,
okay! Sasama na ako," may inis na sagot ni Jude sa mga kasama.
"Yown!"
sabay-sabay na sambit ng mga naroon.
"Magpapaalam
lang ako kina Inay," sambit ni Lucas sa mga kasamahan sabay tayo ang
binata.
"Kuya,
kay Denver na ako aangkas papuntang plaza ah," paalam ni Chuchay sa
kapatid.
"Okay.
Magta-tricycle na lang kame nila Karla," sagot ni Jude.
"Hala!
May owner naman si Lucas. Doon na kame sasabay nila Lyka," sagot ni Karla.
"Ha? Kakasya pa ba ako doon?" sagot ni Jude
sa mga kaibigan.
"May
dalang kotse si Mac," singit ni Jed sa usapan.
"Yeah.
Sa akin ka na sumakay," prisinta ni Mac ngunit natigilan ang lahat dahil
iba ang pagkakasambit nito.
Nanlaki
rin ang mata ni Jude dahil iba rin ang pagkakaintindi niya sa sinabi ng dating
nobyo. Si Karla ang unang tumawa. "Grabe naman! Pwede bang ako nalang ang
sumakay sa iyo, Mac?" malanding sambit ng babae.
"No,
I mean sa kotse ko," namumulang bawi ni Mac sabay tingin sa pwesto ni
Jude.
"Hindi,
kay Lucas na lang ako sasabay," mabilis na sagot ni Jude sa alok ng dating
nobyo.
"Halika
na," yaya ni Lucas sa mga kasama nang bumalik siya sa kanilang mesa.
"Insan,
sa iyo ako sasabay ah," agad na sinabi ni Jude kay Lucas.
"Sige.
Kasya pa naman e," sagot ni Lucas.
"Ah
sige kay Mac na lang ako sasabay," singit ni Jed.
"Hindi,
sa akin ka na," agad ring sabi ni Lucas.
"It's
okay, bro. Wala rin kasabay si Mac sa kotse," sagot rin ni Jed. Hindi na
umimik si Mac at tumuloy na lang ito sa kanyang nirentahang kotse.
-----o0o-----
"Hindi
ba kayo close nila Mac?" biglang tanong ni Lyka kay Jude habang binabaybay
nila ang daan papuntang plaza. Nasa tabi ng nagmamanehong si Lucas ang pinsan
niyang si Jude habang ang tatlong kababata ay nasa likuran ng owner.
"Bakit
mo naman gustong malaman, aber, Lyka?" singit ni Karla.
"Hindi!
Kanina ko pa kasi napapansin si Mac na panay ang tingin kay Jude," kwento
ni Lyka sa mga kasama.
Napangiti
lang ng mapakla si Jude sa kanyang upuan. "Baka nagkakataon lang,"
sagot ni Jude sa kaibigan.
"Nagkataon?
Titig na titig e," sagot ni Lyka.
"Natural.
Nagulat yun. Sa laki ba naman ng Pilipinas ay nagtagpo sila ni Jude dito sa
Bicol," si Lucas ang sumagot.
"Pero
infairness, Jude. Ang gu-gwapo ng mga kaeskwela mo," singit ni Karla.
"Oo,
may dalawa pa ngang kasama yan. Hindi ko lang alam kung bakit hindi nakasama.
Baka napagod kanina sa tour," sambit ni Lucas. Napatingin si Jude sa
pinsan.
"Apat
sila na nandito? Anong mga pangalan ng kasama nila?" usisa ni Jude. Medyo
nainis siya nang malaman na may kasama pa ang dating nobyo maliban kay Jed.
Pumasok agad sa kanyang isip ang kaklaseng si Migs.
"Oo.
Mga kaibigan rin nila Jed e. Sina Migs at Nico, kilala mo rin?" casual na sagot
at tanong ni Lucas.
Biglang
bumagsak ang balikat ni Jude mang marinig ang pangalan ni Migs. "Hanggang
dito ba naman?" sa isip ni Jude.
"Puro
gwapo rin?" singit ni Karla.
"May
mga itsura naman," simpleng sagot ni Lucas.
"Oh
my gooodness!" may kilig na tili ng transwoman.
"Ang
harot mo!" natatawang komento ni Benjie sa dating kaklase.
"Benjie,
hayaan mo na ako. Ngayon lang ako makakatikim ng taga-Manila," malanding
sambit ni Karla.
"Friend,
sa tingin mo ba, maakit sila ng boobsie ko?" baling ni Karla sa kaibigan.
Napalitan ng tawa ang kaninang inis na nararamdaman ni Jude.
"Subukan
mo mamaya," pabirong sabi ni Jude sa kaibigan.
"Akala
mo naman, ang laki-laki niyan," si Lyka. Sumali na rin ang dalaga sa
pang-aasar kay Karla.
"Ayan!
Sige! Pagtulungan ninyo ako! Mga wala kayong suporta!" nagtatampong sabi
ng transwoman.
"Si
Denver na nga lang ang pipikutin ko," biglang sambit ni Karla.
"Hoy,
subukan mo! Boyfriend yun ng kapatid ko!" si Jude na agad na napalingon sa
likuran.
"Syempre,
joke lang! Ang seryoso mo naman," sagot ni Karla na nag-peace sign pa sa
kaibigan.
"Dapat
lang, Karla. Ako ang makakaharap mo kapag nasaktan yang kapatid ko,"
seryosong banta ni Jude sa kababata.
"Oo
na! Kay Jed na lang, mukhang mas bibigay yun kaysa kay Mac," baling ni
Karla.
"Asa,"
mahinang sambit ni Lucas.
"Ano?"
sabay-sabay na sambit ng apat.
Kahit
na mahina ay narinig nila ang sinabi ni Lucas. Napakunot tuloy ang noo ni Jude
mula sa komento ng pinsan.
"Wala!"
sagot ni Lucas na nagpatuloy sa pagmamaneho.
Susundan……
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento