Lunes, Setyembre 18, 2023

Mini Series From Other Blog # 8 - Sundalo (Part 1) - (From: M2M Colletion)

 


Sundalo (Part 1)

Credits To The Real Author

(From: M2M Colletion)

 

Simula ng matanggap ko sa aking sarili na ganito ako, alam n’yo na ‘yun, lalaki sa labas pero paminsan-minsan ay lalaki din ang hinahanap, basta iyun na ako. Malaking turn-on sa akin yung mga unipormadong lalaki na tagapagtanggol ng kapayapaan ng ating bansa. Lalo na yung mga makikisig ang tindig at lalaking-lalaki talaga tignan kahit sa anong anggulo.

Marami na rin kasi ang tulad ko dito sa Makati, naka-longsleeves at kurbata na may makikinis na kutis, pero tulad din pala nila ang hanap. Ang masakit pa doon ay madalas magpapalit-palit ng kandungan, na para bang paru-paro na matapos masimsim ang katas at bango ng bulaklak ay lilipad na naman sa ibang bulaklak. Hindi nakukuntento sa isa, tila ba isang laro lamang ang salitang pag-ibig at puro libog lang talaga ang nananalaytay sa kanilang dugo.

Isa rin akong yuppy dito sa Makati. Mataas ang aking pinag-aralan. Mataas na rin ang aking katungkulan. Pero mataas pa rin ang nais marating. Kahit gaano ako ka-successful sa aking career ay tila kabaligtaran naman sa lovelife. Girlfriends? Ilan na rin ang dumaan sa aking buhay. Kasal? Muntik na. Nagkaroon lamang kami ng malaking suliranin kaya ipinagpaliban na nauwi sa hindi pagtuloy ng aming kasal.

Boyfriend? Siguro mas okey kung lover na lang ang itawag natin. Meron na ring ilan. Pero ang mga lalaking straight ay tulad din naming na parang paru-paro na palipat-lipat ng bulaklak. Kaya marahil walang tumatagal na relasyon ang magkatulad na kasarian. Pero pinapangarap ko parin na makakita ng isang tunay na lalaki na pwede rin umibig sa isang tulad ko.

-----o0o-----

Isang gabi ay bumuhos ang malakas na ulan. Alam kong kapag-ganito ay siguradong may baha at traffic sa daan kaya naman naisipan ko na lang na mag-overtime. Sira kasi ang aircon ng sasakyan ko kaya mahirap sumuong sa malakas na buhos ng ulan. Hinintay kong tumila ang ulan, kaya sa halip na tumunganga ako sa opisina ay nagtrabaho na lamang ako. Alas otso na ng gabi pero tila ayaw pa rin huminto ang ulan. Kaya naman naisip kong mag-order na lamang ng pagkain sa isang restaurant sa ibaba ng building kung saan naroroon ang aming opisina. Matapos kumain ay malakas pa rin ang ulan. Alas-dyes na ng mapansin ko na tumila na ang ulan. Sinamantala ko ang pagkakataon upang makauwi na.

Tinahak ko ang Chino Roces Avenue sa Makati hanggang makarating ako sa Gate 3 ng Fort Bonifacio. Sa The Fort pala ako nakatira sa isang studio type condominium unit doon. Subalit pagkapasok ng pagkapasok ko sa Gate 3 ay bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali kong sinara ang mga bintana ng aking sasakyan. Syempre, biglang nagkaroon ng mist ang windshield. Syempre, tabi ako agad kasi hindi ko makita ang kasalubong ko. Medyo naaninag ko na malapit na rin ako sa isang waiting shed. Pinilit ko na lang makalapit sa waiting shed na iyon para makalabas ako ng sasakyan dahil nagsimula ng uminit sa loob ng sasakyan ko.

Pagtapat ng sasakyan ko sa waiting shed ay pinatay ko ang makina at lumabas agad sa aking sasakyan. Grabe talaga ang lakas ng ulan. Sinasabayan pa ng malalakas ng kidlat at kulog. Wala na rin gaanong dumadaang sasakyan sa gawing iyon ng Fort Bonifacio. Laking gulat ko ng malaman ko na hindi pala ako nag-iisa sa waiting shed na iyon. Isang unipormadong lalaki ang nakasilong din sa waiting shed na iyon. Sa paminsan-minsang liwanag na dulot ng kidlat ay naaninag ko ang itsura na lalaking ito. Mukhang isang miyembro ng Army ang sundalong ito dahil sa suot niyang camouflage na uniporme. Humihithit din siya ng yosi.

Sa tuwing kumikidlat ay lumiliwanag ng kaunti at ako naman ay todo sa pagmamasid sa mamang kasama ko sa waiting shed. Medyo kabado kasi ako kaya inaabangan ko ang mga susunod niyang gagawin para naman makatakbo ako agad kung kinakailangan. Marahil ay nakahalata ang mamang iyon na lagi akong nakatanaw sa kanya.

“Bro, may sasakyan ka naman bakit ka pa tumigil dito sa waiting shed?” ang tanong sa akin ng sundalong iyon na medyo may pagkabrusko ang boses.

“Ah… eh…” tila hindi ako makasagot dahil sa aking kaba na baka may gawin sa aking masama ang sundalong iyon. Pero sa loob ko ay pinalalakas ko ang aking sarili sa pagsasabing isang sundalo itong kasama ko at wala siguradong masamanag balak ang taong ito sa akin.

“Si… si… sira ang aircon. Mahirap mag-drive kasi lumalabo ang windshield kapag nakasara ang mga bintana.” Medyo lumakas ang loob ko kaya sinagot ko siya at para hindi niya mahalata ang aking takot.

“Pesteng ulan kasi ito. Mag-iisang oras na ako dito tapos wala din taxi na dumadaan. Nakakainis talaga,” ang sabi naman ng sundalong iyon.

“Oo nga po sir. Malapit na nga ang inuuwian ko pero delikado kung pipilitin kong mag-drive,” ang sabi ko naman.

“Pinagreport kasi ako ng non-commissioned officer namin diyan sa headquaters after duty hours ko. Ang tagal kong hinintay yung taong kakausapin ko. Tapos may mga pinagawa pa sa akin na paperworks,” ang inis na kwento ng sundalong iyon.

Medyo nagtaka ako sa kanya. Sino ba naman ako sa kanya at ikini-kwento na niya sa akin iyon. Feeling niya siguro ay close na kami. In the first place, hindi pa namin kilala ang isa’t isa. Ni hindi ko alam ang pangalan niya. Pero pinilit ko pa rin makipag-kwentuhan sa kanya para naman hindi siya mapahiya sa akin kung mananahimik ako. Baka mainis din sa akin ay pagbunutan ako ng baril. Buti sana kung ang sandata niyang buhay ang ilalabas niya. Hehehe.

“Ganoon ba sir? Ako rin pagod na sa overtime pero hindi pa rin ako makauwi para makapagpahinga,” ang naging tugon ko sa kanya.

“Ako nga pala si John,” ang pakilala ng sundalo sa akin habang papalapit sa aking kinatatayuan sabay abot ng kanyang kamay.

“Lester po sir ang pangalan ko,” ang pakilala ko naman at nakipag-kamayan na rin ako sa kanya.

Sa liwanag din na dulot ng mga sunud-sunod na kidlat ay napagmasdan ko ang kanyang mukha. Gwapo naman pala ang mokong na ito at hindi mukhang nanggaling na ng giyera ang itsura. Higit sa lahat ay mukhang maginoo siya.

“May isa pa nga akong problema. Sarado na ang barracks namin nito kasi simula na ang curfew hours,” ang nasabi pa niya. “Grabeng kamalasan naman yata ito. Makikitulog na naman ako nito sa isang kaibigan ko. Kaya lang gabi na rin at nakakahiya na sa pamilya nya,” ang dugtong pa niya.

Parang nakarinig ako ng kalembang ng kampana at nakakita ng green light sa aking narinig. Ako pala ang pwedeng mambiktima sa kanya, hehehe. Naisip ko kasi bigla na yayain siya sa condominium unit ko at syempre didiskartehan ko siya para matikman ko siya.

“Ganoon ba sir. Kung okey lang sa inyo ay doon muna kayo magpalipas ng gabi sa tinitirahan ko,” syempre ‘di ko muna sinabi kung saan at kung nag-iisa lang ako. ‘Di pa kasi ako sigurado na wala siyang masamang balak sa akin. Hindi ko rin naman kasi sigurado kung sundalo nga siyang tunay.

“Huwag na. Kakapalan ko na lang ang mukha ko sa kaibigan ko. Diyan lang naman sa labas ng gate iyon nakatira,” ang tugon naman ni John. “Tsaka, huwag mo na akong tawaging sir. Magkasing-edad lang naman yata tayo,” ang dugtong pa niya.

“Don’t worry John. Nag-iisa rin lang ako sa tirahan ko. Walang maiistorbo sa tirahan ko,” ang pagpilit ko sa kanya, kasi lalo kong napagmasadan ang kabuuan ng katawan niya na napakakisig sa suot niyang uniporme. Kahit naka-tuck-out ito ay halata na maganda ang kanyang katawan dahil may parang pang-ipit ang uniporme nila sa dalawang gilid nito kaya nagmumukhang hapit ang pang-itaas na uniporme. Medyo may kalaparan ang balikat at mukhang maganda ang hubog ng puwet. Habang nag-uusap kami ay pinagnanasaan ko na siya.

Hindi nagtagal at tumila na rin ang ulan.“Sakay na John at baka bumuhos muli ang malakas na ulan,” ang anyaya ko sa kanya.

“Huwag na Lester. Sa kaibigan ko na lang ako tutuloy,” ang tugon naman niya.

“Tara na. Huwag ka ng mahihiya,” ang pagpilit ko sa kanya.

“Sige na nga.” Sa wakas napilit ko rin siya at binaybay na namin ang daan patungo sa aking tirahan.

Namangha si John ng ipasok ko sa isang mataas na gusali ang aking sasakyan.

“Dito ka pala nakatira,” ang nasabi ni John.

“Oo. Mga 2 years na rin. Dito napunta ang pinaghirapan ko ng ilang taon,” ang tugon ko naman.

Nagpark kami sa basement ng building at sumakay sa elevator. Pagpasok namin sa aking unit ay sinabihan ko siyang huwag siyang mahihiya.

“Feel at home, John. Tayo lang ang tao dito. Medyo maliit itong unit ko kasi ito lang nakayanan ng budget ko at nag-iisa lang naman ako. Alam mo na, nag-eenjoy sa pagkabinata,” ang nasabi ko kay John.

“Ang ganda nga ng unit mo. Kaya lang papaano kung magkakaroon ka na ng pamilya?” ang tanong ni John.

“Ah… Eh…” Hindi ko alam ang isasagot. Naibulong ko tuloy sa sarili ko na, “Walang hiya ang damuhong ito, pati ba naman personal na ay tinatanong pa.”

“Bahala na si batman kung kalian niya ako bibigyan ng asawa’t anak. Doon ko na lamang iisipin kung saan ko sila ititira,” ang una kong naisip na isinagot.

“Bakit? Wala ka pa bang balak mag-asawa? Wala ka bang girlfriend sa ngayon?” ang sunud-sunod na tanong ni John.

Grabe talaga itong kolokoy na ito. Ang daming gustong malaman tungkol sa akin. Pakialam ba niya kung meron o wala akong girlfriend. Gusto ko na sana siyang tarayan kung bakit napaka-usisero niya. Subalit baka hindi ako magtagumpay sa nais kung gawin sa kanya. Sa halip ay iniba ko na lamang ang usapan.

Kumuha na rin ako ng tuwalya at iniaabot sa kanya dahil baka nais niyang maligo o maghilamos man lamang. Nanghiram na rin siya ng shorts at t-shirt para may pampalit siya sa medyo basa niyang kasuotan. Sinadya kong ibigay sa kanya ang isang manipis na boxer shorts at sandong parang wala na ring tinatakpan sa katawan. Marahil ay hindi niya ito napansin dahil wala siyang tanong kung bakit ganoon iyon at agad din siyang pumasok sa banyo.

“Bro, ang presko naman ng naipahiram mong damit sa akin. Parang wala din akong suot,” ang biro sa akin ni John pag-labas niya ng banyo makalipas ng 15 minutes.

“Pasensya na John. Ganyan talaga ang mga damit ko. Tama ka presko iyan at tayo lang naman ang nandirito. Hayaan mo ganyan din ang isusuot ko mamaya para pareho na tayo,” ang naging tugon ko sa kanya.

“Okey lang ito. Tayo lang naman ang nandirito at pareho naman tayong lalaki,” ang pag-segunda naman ni John.

Habang nagsusuklay siya sa harap ng salamin ay sinimulan kong pagmasdan ang buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Ang gandang lalaki talaga ni John at talagang lalaki siya. Matipuno ang kanyang katawan, marahil ay bunga ng mga training na kanyang nadaanan. Ang sandong suot niya ay halos hanggang baywang lamang niya dahil mas mataas siya sa akin ng ilang pulgada. Kaya naman hindi nito natatakpan ang harapan ng boxer shorts na suot niya.

Sa parteng iyon mas natagalan ang aking paningin. Bakat na bakat ang kanyang ari at sa tuwing gagalaw siya ay sumasabay ang ari niya dahil hindi na niya naguot ng brief. Takam na takam ako sa aking nakikita, subalit pinigilan ko pa rin ang aking sarili at maghihintay na lamang ako ng tyempo na gawin ang balak ko.

“Maliligo lang ako John. Bahala ka muna diyan, buksan mo ang tv kung gusto mong manood,” ang paalam ko kay John bago ako pumasok ng banyo.

“Sandali lang bro. Nilabahan ko pala ang brief ko para may maisuot pa ako bukas. Pahiram na rin ng hanger para maipatuyo ko ito sa likod ng ref mo,” ang pakiusap ni John.

“Meron naman dryer dyan sa may utility area at pwede mong patuyuin agad yang brief mo,” ang tugon ko sa kanya.

Inabutan ko siya ng hanger at kinuha niya ang basang brief sa loob ng banyo. Pati na rin ang uniporme na nasa banyo rin ay kinuha na rin niya. Agad na rin akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Matagal talaga ako kung maligo kasi pati ang pagbabawas ay isinasabay ko na para hindi ako abutin sa alanganing oras. Marahil ay kulang-kulang na isang oras bago ako lumabas ng banyo. Napansin ko sa aking paglabas na naka-upo siya sa sopa at nakatakip sa harapan niya ang isang throw pillow.

“Pare, bading ka ba?” ang tanong nya agad sa akin.

“Ah. Bakit mo naman naitanong iyan?” tanong din ang sagot ko sa tanong niya.

“Nakita ko kasi sa mga vcd at dvd mo ang mga porno movie na lalaki sa lalaki. Siguro may masama kang balak sa akin kaya mo ako niyaya dito,” ang medyo pagalit niyang nasabi sa akin.

“Eh ano ngayon kung ganoon nga ako.” Hindi ko masabi ang salitang bading sa harap niya. “At kung iniisip mo na hahalayin kita sa loob ng condo unit ko, pwes nagkakamali ka. Hindi ako ganoon. Nagmamagandang loob lang ako sa iyo. Kahit gwapo ka, hindi kita type,” ang pagtataray ko sa kanya habang nagbibihis ako.

“Salamat na lang bro sa pagmamagandang loob mo. Uuwi na lang ako,” ang sabi ni John sabay kuha ng mga damit niya.

“Hating-gabi na at mahihirapan ka na makakuha ng taxi kasi malakas uli ang ulan. Isa pa, wala ka naming matutulugan. Kaya bukas na lang ng madaling araw ka umalis.” Kahit medyo nainsulto ako sa kanya ay ipinakita ko pa rin na concern ako sa kaligtasan niya.

“Para makasigurado na walang mangyayari sa atin, sa kama ka na lamang matulog at ako na lang dito sa sopa,” ang dugtong ko pa.

“Nakakahiya naman yata. Ako na lang sa sopa at ikaw na sa kama mo,” ang tugon naman niya.

Aba, nahiya pa ang damuho. Buti na lang at pinili niyang matulog sa sopa. Hindi kasi ako sanay matulog sa hindi kama. Nagyaya na akong matulog sabay patay ng lahat ng ilaw. Subalit humiling siya na iwan na lamang bukas ang lampshade sa tabi ng sopa. Hindi daw siya sanay ng walang ilaw. Pero biniro ko siya na takot pa rin siya sa akin dahil baka sa dilim ay gapangin ko siya. Kahit hindi ako sanay na matulog na may liwanag ay pumayag na lamang ako upang mapagbigyan ang aking bisita.

Dahil sa pagod ay agad na rin kaming nakatulog. Subalit nagising na lamang ako dahil sa lakas ng hilik ng aking bisita. Pati na rin ang liwanag na galing sa lampshade ay nakadagdag sa hindi ko na naman pagtulog. Maliwanag ang sopang tinutulugan ni John kaya kitang-kita ko siya. Tulog na tulog na siya at nakatihaya. Nang bahagya siyang kumilos ay nahulog sa sahig ang unan na pinantatakip niya sa kanyang harapan, kaya kitang kita ko na ang kanyang kanina pa tinatakpan. Lumapit ako sa tapat niya at noon ko napansin ang kanyang ari na bakat na bakat sa suot niyang shorts. May kanipisan iyon kaya halos wala na siyang maitatago sa akin. Pati ang mga hibla ng mga buhok na nakapaligid doon ay naaaninag ko na rin.

Grabe ang tuksong pumapasok sa kokote ko ng mga oras na iyon. Subalit nagtatalo ang aking isipan na baka bigla niya akong sapakin kung magtatangka ako sa kanya. Nais ko sanang hipuin ang nang-aakit na kapirasong karne sa kanyang harapan subalit baka magkalasag-lasag ang aking katawan kung magising ko siya at mabugbog ako. Nakuntento na lamang ako na pagmasdan siya. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng konting lamig. Kaya naisip ko na bigyan siya ng kumot dahil baka nilalamig na siya. Kinuha ko ang isang kumot at inilatag ko sa buong katawan niya.

“Salamat sa kumot. Kanina pa ako nilalamig,” ang mahinang nasabi ni John.

Hindi na ako nakasagot sa kanya. Gising pala ang mokong. Marahil ay hinihintay niya lang ako na gumawa sa kanya ng binabalak ko bago niya ako tuluyang sapakin o kung ano man ang kanyang binabalak. Bumalik na rin ako sa aking kama at sa aking pagtulog. Maaga pa ay naramdaman ko na ang pagkilos ni John sa loob ng aking unit. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si John na nakagayak na at handa ng magpaalam.

Alam ko na sobrang aga pa ng mga oras na iyon dahil hindi pa tumutunog ang aking alarm clock. Nang magpaalam siya ay hinayaan ko na laman siyang umalis na hindi man lamang inaalok na magkape. Hindi na ako tumayo sa kama at sinabihan ko na lamang siya na i-lock ang pinto at tatawag na lamang ako sa security desk para hindi siya sitahin sa pag-alis niya ng building. Agad din akong nakatulog ng makaalis siya.

-----o0o-----

Nang araw na iyon ay tinanghali ako ng gising. Nanghinayang talaga ako sa pagkakataon. Akala ko makakatikim na ako ng sundalo subalit hindi man lamang ako nag-try. Baka front lang niya ang galit niya ng gabing iyon at baka napapayag ko rin siya. ‘Yan tuloy, hindi ako naka-concentrate sa aking trabaho. Nasayang ang pagkakataon na iyon. Pero inisip ko na lamang na buti na rin iyon, baka kasi kung pinagtangkaan ko siya ay baka kung ano pa ang magawa niya sa akin. Pinilit ko na lang magawa ang dapat kong gawin sa loob ng aking opisina hanggang sa pag-uwi ko kinahapunan.

Pag-uwi ko sa condo unit ko ay panay ang lingon ko sa mga nadadaanan kong sundalo habang banabaybay ko ang daan patungo doon. Nagbabakasakali akong makikita ko muli si John. Ni hindi ko rin kasi nahingi ang contact number nya. Hanggang sa pagdating ko sa tirahan ko ay panghihinayang pa rin ang nasa isip ko. Marahil hanggang sa makatulog ako ay si John pa rin ang nasa isipan ko.

Kinabukasan ay balik normal na naman ang aking pakiramdam. Marahil ay dala lamang ng puyat ang naramdaman kong pagkatamlay kahapon. Anyway, Friday na naman at sigurado ako na may kaibigan ako na magyayaya ng gimik mamaya. Kahit saan pa sila magyaya ay siguradong sasama ako ng tuluyan ko ng makalimutan ang mga pangyayari noong isang gabi.

Lumipas ang maghapon ay wala akong natatanggap na tawag mula sa mga kaibigan ko. Kaya naman ako na mismo ang nagsipagtawag sa kanila upang gumimik. Mukhang minalas ako dahil wala sa kanila ang ibig gumimik dahil hindi pa naman daw sweldo. Naisin ko man lumabas mag-isa ay hindi ako sanay na gumigimik mag-isa. Kaya naman nagpasya na lamang akong umuwi. Dumaan muna ako sa isang grocery store upang bumili na mga kailangan ko sa binabalak kong iluto ng gabing iyon.

Laking gulat ko ng pagbukas ng elevator sa palapag na kung saan naroroon ang aking unit ay nakita ko si John na nakatayo sa tapat ng pintuan ng unit ko.

“Magandang gabi sa iyo Lester,” ang bungad niya.

“Papaano ka nakapanhik dito? At anong kailangan mo? May naiwanan ka bang gamit sa unit ko?” ang mga tanong ko sa kanya.

“Natatandaan mo noong umuwi ako noong isang araw? Nasalubong ko yung OIC ng security dito. Kakilala ko pala sya. Dati siyang sundalo din at nakasama ko sa isang training namin. Siya ang nilapitan ko kaya nakapasok ako sa building na ito,” ang paliwanang ni John.

“Eh, bakit ka nandirito?” ang tanong ko uli.

“Wala lang. Gusto ko lang mag-sorry sa inasal ko noong isang gabi,” ang sagot ni John.

“Ganoon lang ba iyon. Matapos mo akong pag-isipan ng ganoon,” ang medyo pa-taray kong sagot sa kanya.

“Totoo naman ‘yun na may balak ka sa akin eh. Joke lang,” ang sabi ni John sabay tawa.

Ewan ko pero parang may gayuma ang pagtawa ni John at biglang nawala ang init ng ulo ko sa kanya. Nagpatuloy pa siya sa mga biro niya sa akin hanggang sa ako ay nakuha na rin niyang patawanin. Lahat ng usapan at tawanan naming iyon ay naganap sa labas ng unit ko dahil nawala sa isip ko na pumasok muna sa loob ng makita ko si John. Napatigil kami sa aming usapan at tawanan ng biglang bumukas ang elevator. Lumabas dito ang aking gwapong kapitbahay na matapos kumaway sa akin ay pumasok na rin sa kanyang unit.

“Uy, siguro type mo iyun,” ang biro na naman sa akin ni John.

“Pssst. Magtigil ka. Baka marinig tayo nun. Baka maniwala pa sa iyo,” ang aking nasabi. “Kung wala lang siyang asawa ay papatulan ko siya. Ang gwapo niya kasi eh,” ang dugtong ko pa.

“Mas gwapo naman yata ako doon,” ang pagyayabang ni John.

“Gwapo ka dyaan! Sobrang sungit naman,” ang biro ko naman sa kanya. “Tara na nga sa loob ng unit ko. Baka marinig niya pa tayo dito,” ang paanyaya ko sa kanya.

Pagpasok namin sa unit ko ay nagkusa si John na siya na lang ang magluluto dahil magaling daw siyang magluto. Tinignan niya ang mga pinamili ko at ang mga laman ng aking ref. Sinabihan niya ako na umupo lamang at siya ang bahala sa kusina. Siya na rin daw ang bahala kung anong putahe ang lulutuin niya.

Ako naman ay nanood na lamang ng tv habang nagluluto siya. Matapos ang mahigit isang oras ay handa na ang aming hapunan. Hindi ko alam kung anong luto ang ginawa niya sa manok na binili ko. Pero ng tikman ko ito ay napakasarap pero medyo napaanghang yata ang luto niya.

Pinagsaluhan namin ang kanyang niluto kahit na maanghang para sa akin. Kaya medyo naparami ang nainom kong softdrinks habang kumakain. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Siya naman ay nagtungo sa tapat ng tv at naghanap ng vcd o dvd na papanoorin. Natawa na naman siya dahil nakita muli niya ang mga porno movie na lalaki sa lalaki.

Biniro ko tuloy siya na subukan niyang panoorin iyon ng malaman niya ang ginagawa. Marahil ay curious talaga siya kaya isinalang niya ang isang dvd at nagulat siya ng magkaroon na ng eksena na nagtatalik ang dalawang lalaki. Agad niya itong pinatay at nanood na lamang siya ng palabas sa tv.

Matapos akong magligpit ng aming pinagkainan ay tinananong ko siya kung ano ang balak niyang gawin sa buong gabi. Nagyaya siyang manood na lamang ng sine dahil hindi naman siya mahilig uminom ng beer o alak. Agad naman naming tinungo ang pinakamalapit na mall at naabutan pa namin ang last full show ng nais niyang mapanood na movie.

Kakaunti ang nanonood ng gabing iyon. Kaya namili ako ng lugar na malayo sa ibang nanonood. Habang abala siya sa panonood ay idinikit ko ang aking balikat sa kanya. Wala siyang reaction. Sumunod ay hinawakan ko ang kanyang kamao na nakapatong sa armrest. Napatingin siya sa akin na may kaunting ngiti. At nagholding hands na nga kami. Maya-maya ay inakbayan niya ako habang ang tig-isa naming kamay ay magkahawak pa rin.

Sinimulan kong pagapangin ang isa ko pang kamay papunta sa kanyang harapan. Subalit pinigilan niya ako at sinabihang huwag diyan. Hindi ko na muling tinangka na kapain ang kanyang harapan. Nakuntento na lamang ako sa kanyang pag-akbay at sa holding hands namin habang nanonood ng sine. Nang matapos ang movie ay dumaan muna kami sa isang coffee shop at doon kami nagkwentuhan ng tungkol sa aming buhay-buhay. Doon din ako nagtapat ng tunay na pagkatao ko at umamin din ako sa kanya na talagang may binalak ako sa kanya noong gabing una kaming nagkakilala. Siya naman ay nagpaumanhin muli sa kanyang inasal at naikwento niya rin ang buhay sundalo niya.

Hindi na raw siya kayang papag-aralin ng kanyang mga magulang, kaya napilitan siyang pumasok sa pagiging sundalo. Ilang taon na rin siyang sundalo at ilan na rin pakikipagdigma sa mga rebelde ang naranasan niya. Noong una daw ay halos hindi niya makalabit ang sandata niya (tunay na baril ito ha) upang pumatay ng isang tao. Pero inisip na lamang niya na kung hindi niya ito papatayin ay siya naman ang maaaring mapatay nito.

Hanggang nasanay na siyang bumaril, pumatay at makakita ng mga namamatay na tao kalaban man o kakampi. Hindi naman daw lahat ng araw na inilagi niya sa pakikipagdigma ay puro barilan at patayan. Madalas pa rin ang masasayang pagkakataon na pagsasama nilang mga sundalo.

Nang tanungin ko siya tungkol sa sex habang nasa digmaan. Tawang-tawa siyang nasabi sa akin na meron pa rin kahit papaano at syempre madalas ay sariling sikap lang para mailabas ang init ng katawan. Bigla siyang napahinto sa kanyang kwento at napatawa na lamang. Nang tanungin ko siya kung bakit, ay medyo nahihiya niyang inamin na minsan daw ay nasubukan niya yung napanood niya sa dvd kanina. Nagsasariling sikap daw siya noon sa loob ng kanilang tent ng biglang pumasok ang kasamahan niya. Tigas na tigas na daw siya noon kaya hindi niya naitago ito sa bagong pasok na kasamahan. Sa halip daw na lokohin siya nito ay nagkusa pa daw ito na tulungan siya sa pagpapalabas ng hindi mamaltos ang kanyang mga palad.

Hinawakan daw agad ng kanyang kasamahan ang naninigas na ari niya at sinimulang salsalin. First time niyang mahawakan ng ibang tao ang kanyang ari kaya lalo siyang nalibugan sa ginagawa sa kanya ng kanyang kasamahan. Subalit nabigla siya ng biglang isubo ng kasamahan niyang sundalo ang kanyang ari at sinuso itong parang isang lollipop hanggang sa labasan na siya.

Hindi daw siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ng kasamahan niya subalit hindi na siya nag-usisa dito kung bakit nagawa niya iyon dahil nasarapan naman talaga siya. Hindi naman bading ang kasamahan niyang iyon dahil may asawa’t anak ito. Hindi na niya tuluyang nalaman sa taong ito ang dahilan dahil ng sumabak muli sila sa digmaan ay nasawi ang sundalong ito. Iyon lamang daw ang kaisa-isahang karanasan niya sa ganoon.

“Eh di pwede ko na rin palang gawin sa iyo ang ganon?” ang biro ko kay John.

“In your dreams. Hahaha,” ang tugon naman niya.

“Tara na nga at uwi na tayo,” ang hiling ko kay John.

“Sige, hatid mo lang ako sa may Gate 3. Doon ako matutulog sa kaibigan ko. Nagsabi na ako doon kaya hinihintay ako sa kanila,” ang sabi ni John.

“Ang daya naman nito oh. Siguro nag-aalinlangan ka pa sa akin. Kahit sa condo ko ikaw matulog walang mangyayari sa iyo kung ayaw mo talaga,” ang inis kong tugon sa kanya.

“Next time Lester, doon ako matutulog muli. Nakapagsabi na ako sa kaibigan ko eh. Pasensya na,” ang paliwanag naman ni John.

“Ah ok. Bahala ka,” ang sabi ko naman.

Inihatid ko na si John sa may Gate 3 at bago kami naghiwalay ay binigyan ko siya ng calling card ko. Nang hingin ko ang number niya ay sinabi na lamang niya na magmi-miss-call siya para magregister ang number niya sa celphone ko. At tuluyan na nga kaming naghiwalay ni John ng gabing iyon.

 

 

Itutuloy…….

 

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...