Lunes, Setyembre 18, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 42) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 42)

By: Firemaker JD

"May dalawa pa silang kasama. Hindi ko lang alam kung bakit hindi nakasama. Baka napagod kanina sa tour," sambit ni Lucas. Napatingin si Jude sa pinsan.

"Apat sila na nandito? Anong mga pangalan ng kasama nila?" usisa ni Jude. Medyo nainis siya nang malaman na may kasama pa ang dating nobyo maliban kay Jed. Pumasok agad sa kanyang isip ang kaklaseng si Migs.

"Oo. Mga kaibigan rin nila Jed e. Sina Migs at Nico, kilala mo rin?" casual na sagot at tanong ni Lucas.

Biglang bumagsak ang balikat ni Jude mang marinig ang pangalan ni Migs. "Hanggang dito ba naman?" sa isip ni Jude.

-----o0o-----

"Grabe, bro! Iba talaga ang destiny. Akalain mo yun, magpinsan pala sina Jude at Lucas!" sambit ni Jed nang mapansin niyang tahimik na nagmamaneho lang si Mac. "Bro, okay ka lang?" tanong ni Jed sa kaibigan.

"Yeah. Why?" sagot ni Mac.

"Wala ka kasing imik. Hindi ka ba na-excite na nagkita na kayo ni Jude?" si Jed.

"Na-excite syempre. Kaya lang ayaw nga akong kausapin. Kanina pa ako iniiwasan," sagot ni Mac.

"Bro, hayaan mo lang. At least, you have the whole night para kausapin si Jude," payo ni Jed.

Tumango lang si Mac bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Sabay-sabay silang nakarating sa plaza. Namangha ang dalawang taga-Maynila nang mamasdan ang disco sa probinsya. Nakaayos ang plaza na tila ba malaking concert. May naka-set up na pailaw sa paligid ng dance floor habang may disco ball sa gitna. May sound sytem rin kung kaya ang lakas ng tugtog ng mga remix na kanta.

Marami na rin ang tao na puro kabataan kahit alas-diyes pa lang ng gabi. Matapos mag-park ng kanilang mga sasakyan ay agad na dumiretso ang grupo sa loob ng disco. Agaw pansin agad ang dalawang binata. Bagong mukha at halatang taga-siyudad talaga sina Mac at Jed.  Lahat ng kababaihan at kabaklaan ay napapalingon sa kanila habang naglalakad para makahanap ng pwesto.

Agad na dumiretso sina Chuchay at Denver sa gitna ng dance floor upang magsayaw. Sumunod na rin sina Karla, Lyka, Benjie at Jed. "Insan, halika na," yaya ni Lucas kay Jude.

Umupo lang kasi si Jude sa tabi. "Sige lang. Mamaya na ako. Baka kasi may kumuha ng pwesto natin," sagot ni Jude sa pinsan.

"Ikaw, Mac?" tanong ni Lucas.

"Samahan ko na lang si Jude dito," sagot ni Mac na tumabi sa dating nobyo.

Kumunot ang noo ni Jude. "Hindi. Okay lang ako dito," tanggi ni Jude.

"No. Okay lang. Wala pa naman ako sa mood sumayaw," sagot ni Mac.

"Sure ka?" tanong ni Jude sa dating kasintahan.

"Oo. Sasamahan na lang kita dito," sagot ni Mac.

"Hindi, since ikaw na magbabantay dito, pupunta na ako sa dance floor," pang-aasar ni Jude sa binata. "Salamat!" habol pang sabi ni Jude.

Wala nang nagawa si Mac nang tumayo na si Jude at sumunod sa grupo sa gitna. Napailing na lang siya at pinanuod ang mga ito na masayang nagsasayaw. Marami ngang tao at kapag umalis siya ay maagawan sila ng pwesto kaya kailangan talagang may magbabantay.

"Jude, bakit mo naman iniwan si Mac doon?" tanong ni Lyka habang umiindak sa dance floor.

"Hayaan mo siya. Sabi naman niya na wala siya sa mood," mapaklang sagot ni Jude na nagpatuloy sa pag-indayog.

Halos isang oras din naghintay si Mac na bumalik ang grupo sa kanilang pwesto. Pawis na pawis ang mga ito sa kasasayaw. "Guys, Jude, are you thirsty? Bibili ako ng drinks," alok ni Mac pagkarating ng mga ito sa kanilang pwesto.

"Wow! Ang bait mo naman, Kuya Mac,." puri ni Chuchay sa kaibigan ng kapatid.

"Yeah, okay lang," sagot ni Mac. Tumingin si Mac sa dating kasintahan na nakaupo sa bandang likuran. "Jude, may gusto ka?" baling ni Mac sa binata.

"Tubig lang. Salamat," malamig na sagot ni Jude habang pinupunasan ang pawis sa mukha.

"Ah okay. Sige," sagot ni Mac na tumayo na para bumili ng maiinom ng mga kasama.

"Samahan na kita, bro," sambit ni Jed sa kabarkada. Napakamot na lamang ito sa sagot ni Jude sa kaibigan.

"Sama na rin ako," prisinta ni Lucas. Pagkaalis ng tatlo ay napatingin ang lahat kay Jude.

"Bakit?" tanong ni Jude sa kanila na parang inosente.

"Wow! Grabe ka! Hindi mo man lang sinamahan yung kaklase mo." si Karla sa kaibigan.

"Kaya na ni Mac yun. Malaki na siya. Hindi na yan maliligaw," sagot ni Jude.

"Magkaaway ba kayo, kuya?" pansin ni Chuchay.

"May something talaga," singit ni Lyka.

"Guys, kalma. Walang something. Walang away. Napagod lang ako sa kasasayaw," sagot ni Jude. Alam niyang pansin ng mga kaibigan na nagsisinungaling siya. Alam niyang halata ng mga kasama na iniiwasan niya si Mac. Pero kailangan niyang gawin iyon. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya alam ang sasabihin sa dating kasintahan.

Ilang sandali lang ang hinintay ng grupo, bumalik na ang tatlong binata bitbit ang mga biniling inumin. Tumabi si Mac kay Jude. "Ice cold tubig," sambit ni Mac sabay abot ng bote ng mineral water.

"Salamat," sagot ni Jude na inabot ang bote mula sa binata.

"Kamusta?" tanong ni Mac kay Jude.

"Ha?" tanong ni Jude.

"Sabi ko, kamusta?" pasigaw na sagot ni Mac.

"Sorry. Hindi kita marinig, ang lakas kasi ng tugtog," si Jude na sumesenyas na hindi niya marinig ang katabi. Pero sa totoo lang ay ayaw lang sagutin ni Jude ang tanong ni Mac. Alam niya kasing simula na iyon ng kanilang pag-uusap.

Muling tumayo sina Karla at nagyayang sumayaw sa dance floor. Sumama naman sina Chuchay at Denver. Lumingon si Jed at sinenyasan ang kaibigan na yayain na si Jude na sumayaw. Agad naman nakuha iyon ni Mac at tumabi pa lalo kay Jude. "Gusto mo bang sumayaw?" tanong ni Mac.

"Ha?" muling sagot ni Jude. Mas lumapit pa si Mac upang mabulungan si Jude. Muling nagdampi ang kanilang mga balat sa braso. Muling naramdaman ni Jude ang init ng katawan ng dating nobyo. Bumwelo si Mac na mapalapit ang kanyang bibig sa bandang tenga ni Jude. Ramdam tuloy agad ni Jude ang buga ng hininga ng dating kasintahan.

"Sabi ko, gusto mo bang sumayaw?" muling tanong ni Mac.

"Mamaya na ako. Medyo napagod ako kanina," sagot ni Jude sabay usog palayo sa pagkakatabi kay Mac. Doon na medyo natamaan si Mac. Doon niya naramdaman ang sakit ng pag-iwas ni Jude sa kanya. Umayos ng pagkakaupo si Mac at huminga ng malalim. Pinagmasdan niya ang mukha ng dating nobyo. Kahit madilim ay naaninag pa rin ni Mac ang maamong itsura ni Jude. Ang mapupungay nitong mata, ang namumulang labi. Bumagal ang kanyang paghinga. Ramdam niyang may namumuong luha sa kanyang mga mata. "Mac, don't give up. Nandito ka na. If you really love Jude, kaya mo yan," bulong ni Mac sa kanyang sarili.

Walang paalam na tumayo si Mac sa kanyang kinauupuan at lumakad palayo. Agad naman nagtaka si Jude sa ginawa ng dating nobyo.

"Saan pupunta yun?" si Jude sa dalawa. Agad naman tumayo si Jed upang sundan ang kabarkada. Naiwan ang mag-pinsan.

"Insan, anong meron sa inyo ni Mac? Iniiwasan mo ba siya?" usisa ni Lucas sa pinsan.

"Hindi ah. Bakit ko naman iiwasan yun,." mabilis na sagot ni Jude. Labas sa ilong ito. Halatang-halata ang kanyang pagiging defensive.

"Never pa kasi kayong nagusap. Maski nung nasa bahay tayo. Hindi mo kinakausap yang mga kaklase mo," si Lucas.

"Insan, wala naman kasing dapat pag-usapan," sagot ni Jude sabay lunok ng kanyang laway. Ilang sandali pa ay bumalik si Jed sa pwesto ng magpinsan at niyayang sumayaw ang dalawa.

"Si Mac?" pasimpleng tanong ni Jude kay Jed.

"Magpapahangin lang daw siya sa labas," ngiting sagot ni Jed.

"Insan, sayaw na tayo," yaya ni Lucas kay Jude.

"Hindi. Dito na muna ako," sagot ni Jude sabay tingin sa direksyon kung saan tumungo si Mac.

Mag-aalas dose na ng hatinggabi at patuloy pa rin ang sayawan sa plaza. Marami pa rin ang mga taong naroroon. Hindi na mapakali si Jude dahil hindi pa rin bumabalik si Mac sa kanilang pwesto. Ayaw man niyang maramdaman na nag-aalala pa rin siya sa kanyang dating nobyo ay hindi niya iyon maitatago. Dinukot ni Jude ang kanyang cellphone at may dalawang messages sa notifications niya. Agad niyang inexit ito at dinial ang numero ni Mac. Nagriring lang at walang sumasagot. "Mac, nasaan ka na ba?" tanong ni Jude sa sarili. Muli niyang dinial ang number ni Mac ngunit ganoon pa rin. Hindi na napigilan ni Jude ang sarili at tumayo na siya. Nilapitan niya si Jed na kasayaw ang mga kaibigan.

"Jed, nasaan na ba si Mac? Mag-iisang oras na hindi pa siya bumabalik," may halong pag-aalala sa tono ng tanong ni Jude.

"Hala! Akala ko ba malaki na si Mac at kaya na niya ang kanyang sarili?" sarkastikong sambit ni Karla sa kaibigan.

Hindi naman ito pinansin ni Jude. Nagsimula na talaga siyang mag-alala kung nasaan ang dating kasintahan.

"Jude, nasa labas lang yun." sagot ni Jed.

"Kanina ko pa tinatawagan pero walang sumasagot," sagot pa ni Jude nang biglang tumigil ang masayang tugtog. Nawala rin ang mga makukulay na ilaw sa dance floor at ang natirang ilaw ay ang spotlight na nasa stage ng plaza. Lahat  napatigil sa pagsasayaw. Nagsimulang magbulungan, nagtataka kung anong nangyari. Nang biglang maghiyawan ang mga kababaihan at kabaklaan. May lumabas kasi na isang gwapong binata sa taas ng enteblado. May hawak itong gitara.

"Kuya, si Kuya Mac, nasa stage!" si Chuchay. Lahat sila napatingin sa stage kung saan nakatayo si Mac.

Nanlaki ang mata ni Jude nang makumpirma niya na si Mac ang naroon. Bumilis agad ang tibok ng kanyang puso. Sumabay ang mabilis niyang paghinga.

"Anong ginagawa ni Mac?" dinig ni Jude na sambit ng mga kaibigan.

"Oh shit! Kakanta ba siya? Anong meron? Anong ginagawa ni Mac?" halo-halong tanong sa isipan ni Jude.

"Hello everyone. My name is Mac. Magandang gabi sa inyo, I mean it's already twelve so, I guess good morning," simula ni Mac.

Tilian agad ang mga kinikilig na kababaihan pati na rin ang mga kalalakihan. Halatang nakainom ang binata dahil namumula ang mga pisngi nito. Paniguradong pampalakas ng loob ito.

"I'm here to sing a song and I dedicate this to someone who I really want to talk to since pagpunta ko dito sa Legazpi. You are the reason why I am here," dagdag ni Mac. Lalong nagtilian ang mga naroroon. Habang ang mga kasamahan nila ay napatingin kay Jude.

Tumitig si Mac sa direksyon kung nasaan si Jude. Nagsimulang mag-strum ng gitara si Mac. Unang linya pa lang ng kanta ng binata ay agad nang nagsigawan ang mga naroon. Ramdam ang kilig sa pagkanta ng turista.

 

Hindi ko maintindihan

Ano ba'ng gagawin sa nararamdaman?

Minsan kahit ang labo mo

Nahuhulog pa rin ang puso ko sa 'yo

Ano ba'ng sagot sa katanungan?

Ano ba'ng gagawin sa nararamdaman?

Kahit na magtago, hindi tatakbo

'Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko

Kahit na magtampo, hindi lalayo

Wala nang siguro, sigurado ako

Hindi malaman ni Jude ang gagawin sa oras na ito. Hindi siya makawala sa titig ni Mac. Parang nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya rin malaman kung anong mararamdaman habang pinapakinggan ang bawat talata sa kanta ni Mac. Alam niyang para sa kanya ang kanta ng dating kasintahan. Halo-halong emosyon ang kasalukuyang nararamdaman ni Jude, inis, kilig, asar, tuwa, galit at takot.

 

Aaminin kong ako'y kabado

Baka kasi damdamin ko'y masaktan mo

Pero gusto ko nang maniwala sa 'yo

Na hindi mo bibitawan ang pangako mo

Kahit na magtago, hindi tatakbo

'Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko

Kahit na magtampo, hindi lalayo

Wala nang siguro

Siguro'y hindi lahat naniniwala

Pero sigurado tayo sa 'ting dalawa

Siguro sa ngayon, 'di pa tayo handa

Pero sigurado tayong dalawa'y para sa isa't isa

Kahit na magtago, hindi tatakbo

'Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko

Kahit na magtampo, hindi lalayo

Wala nang siguro

Kahit na magtago, hindi tatakbo

'Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko

Kahit na magtampo, hindi lalayo

Wala nang siguro, sigurado ako

Sigurado ako

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!" sabay-sabay na sigaw ng mga nanunuod.

"Thank you, guys. And have a wonderful night," paalam ni Mac sabay baba sa entablado. Nagsimula muli ang malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Nagsibalikan sa pagsasayaw sa gitna ng dance floor ang mga naroroon ngunit ang grupo nila Jude ay nakatayo lang at hinihintay ang paglapit ni Mac.

"Sabi ko sa inyo e, meron something talaga," komento ni Lyka.

"Kuya?" nagtatakang tanong ni Chuchay sa kapatid.

Pagkakita pa lang ni Jude kay Mac na papalapit sa kanila ay agad siyang tumakbo palabas ng plaza. Agad naman itong sinundan ni Mac.

"Jude, wait," pigil ni Mac sa dating nobyo. Umabot sila sa parte ng plaza na medyo madilim at malayo na sa sayawan. Magkakarinigan na sila sa oras na iyon.

"Anong palabas yun, Mac? Gusto mo ba akong ipahiya?" may inis na sabi ni Jude.

"Oh,." gulat na sabi ni Mac. Hindi niya alam na ganoon ang magiging reaksyon ng dating nobyo.

"So-so-sorry. Akala ko it was a nice gesture," simula ni Mac.

"Nice gesture? Sa harapan talaga ng mga kababayan ko?" si Jude.

"I didn't reveal kung sino naman yun e," sagot ni Mac.

"Hindi? E alam na nga ng kapatid ko, ng pinsan, ng mga kababata ko. Anong sinasabi mong hindi mo ni-reveal?" naiinis na sambit ni Jude.

"It's not my intention, okay? I meant no harm, Jude," napayukong sabi ni Mac. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganito na lamang ang reaction ni Jude.

"Fine, you want my attention. Now, you got my attention. So, what now? Ano bang sasabihin mo?" prangkang tanong ni Jude sa dating nobyo.

Tumahimik lang si Mac at umiling ito. "Ano na?" inis na sambit ni Jude.

"Jude, can I talk to you? Kapag hindi na mainit ang ulo mo?" mahinahon na tanong ni Mac. Doon napatigil si Jude. Doon niya pinakiramdaman ang sarili. Masyado yata siyang nag-over-react. Huminga ng malalim ang binata. Umupo siya sa isang swing na naroroon. Ilang minuto rin ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Sorry," sambit ni Jude nang kumalma na ang kanyang pakiramdam.

"It's okay. Alam ko naman na this day is very long day for us. Ang daming ganap," sagot ni Mac na umupo na rin sa katabing swing.

"Jude, can I come tomorrow? I mean later. Flight na kasi namin bukas," dagdag ni Mac. Tumango lang si Jude. Ngumiti si Mac sa sagot ni Jude.

"Thank you, I'll see you tomorrow then," sagot ni Mac sabay tayo sa kanyang kinauupuan. Hinarap niya ang nakaupong si Jude at kinusot ang buhok nito. "I'm happy that I found you here. I miss you, Jude," huling sambit ni Mac bago niya ito iwanan sa playground na iyon.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang kanyang telepono. "Hello, Kuya Jude? Nasaan ka na?" si Chuchay.

"Mauna na kayong umuwi. Okay lang ako," sagot ni Jude sa kapatid.

"Sure ka? Gusto mo bang pabalikin ko si Denver dito para sunduin ka?" tanong ng kapatid ni Jude.

"Hindi na. Kaya ko naman. Ikaw na lang magsabi sa kanila, Chuchay ah,." sagot ni Jude sa nakababatang kapatid.

"Okay, kuya. Magingat ka ha,." tanging sambit ni Chuchay bago ibaba ang telepono. Gusto niyang mapag-isa sa oras na iyon. Gusto niyang kumawala sa reyalidad. Alam niyang hinuhusgahan na siya ng mga kababata at ni Lucas, na pinsan niya. Alam niyang pati ang kapatid niyang si Chuchay ay nalilito ngayon sa kanyang sekswalidad. Alam niyang maraming tanong ang kanyang haharapin mula sa kanila.

Huminga ng malalim si Jude. Kinusot ang kanyang mukha gamit ang kanyang magkabilang palad. Tumayo si Jude sa kinuupuang swing at nagpatuloy siyang maglakad sa paligid ng plaza patungo sa tore ng kampana sa kanilang bayan. Noong bata pa sila ng kanyang mga pinsan ay inaakyat nila ito ng palihim. Maganda kasi ang tanawin sa itaas ng tore. Mapagmamasdan mo ang mga ilaw sa mga kabahayan ng kanilang bayan. Pati ang tuktok ng Mayon ay makikita mo rin mula sa itaas.

Plano niyang akyatin ang tore sa oras na iyon at doon magpalipas ng gabi. Agad niyang hinanap ang lagusan na kanilang nilulusutan noon at hindi nga siya nabigo. Naroon pa rin yun sa likod ng mga halamang baging. Tumingin muna siya sa paligid upang makasiguro na walang makakakita sa kanya. Agad siyang pumasok sa butas nang makumpirma niya na walang tao. Agad niyang inakyat ang tore. Ilang hakbang ng hagdan rin iyon. Mga sampung minuto rin ang kanyang ginugol sa pag-akyat ng tore. Napangiti si Jude nang mapagmasdan ang tanawin. Hindi nga siya nagkamali at nabawasan nga ang tensyon na nararamdaman.

Umupo si Jude sa isa sa mga sulok na naroon. Tanaw niya ang bulkang Mayon na pinapaligiran ng mga ulap. Huming

 

 

Susundan……

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...