Miyerkules, Setyembre 6, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 39) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 39)

By: Firemaker JD

 

Napatingin si Jude sa mga bagong dating na nagpapapicture sa medyo kalayuan. Nakatalikod ang mga ito sa kanyang gawi kung kaya hindi niya maaninag kung sino ang mga iyon. Pero ramdam niyang isa sa mga iyon ang may suot ng pabangong katulad ng sa dating nobyo.  Sisilipin niya lang kung sino sa kanila ang may kapareha ng pabango ni Mac. Pasimpleng lumapit si Jude sa magkakaibigan na nagpapakuha ng litrato. Napalunok ng tuyot si Jude. Mas lumalakas ang amoy ng pabango habang papalapit siya sa mga binata. Yung katabi nga ng photographer ang kaamoy ni Mac. Mas lumapit pa siya rito at pinagmasdan ang likuran ng binata.

"Pwede," sabi ni Jude sa sarili. Muli siyang huminga ng malalim. Hindi na niya napigilan ang sarili na hindi tukuyin kung sino ito. "Excuse me," sabi ni Jude sabay tapik sa malapad na balikat ng binata.

-----o0o------

Sa oras na ito ay amoy na amoy ni Jude ang pamilyar na pabango. Ang paborito niyang amoy ng dating kasintahan. Naguguluhan ang kanyang isip. "Si Mac kaya ito? Bakit nandito si Mac sa Bicol?" tanong ni Jude sa kanyang sarili. Nanlalamig ang kanyang palad na nakalapat sa balikat ng estranghero, namamawis, naginginig. Napakagat siya sa kanyang labi habang hinihintay na lumingon ang binata. Lumakas tuloy ang kabog ng kanyang dibdib. Dinig na Dinig niya iyon mula sa kanyang dibdib. Nanuyo na rin ang kanyang lalamunan sa suspense na nararamdaman.

"Shit! Humarap ka na please!" bulong ni Jude nang magsimulang mag-slow motion ang tagpong iyon. Dahan-dahan nang pumihit ang ulo ng binata na kanyang nilapitan. Haharap na sana ang binata sa kanya nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. "Jude!" tinig ni Ace. "Jude. Hey!." ulit ng binata. "Let's go? Or may bibilhin ka dyan?" tanong ni Ace matapos magbayad ng kanilang kinain.

Doon bumalik si Jude sa realidad. Napatulala pala siya habang pinapanuod ang mga binata sa may kalayuan. Agad niyang hinarap si Ace at umiling. "Wa-wa-wala. Nagtitingin lang ako," pagsisinungaling ni Jude. Napahawak siya sa kanyang dibdib, mabilis ang tibok nito. Parang totoo ang mga nangyayari kanina. Napatawa at napailing na lang siya sa kanyang sarili.

"Hi-hi-hindi ka ba bibili ng pasalubong kina Mickey?" pahabol na tanong ni Jude kay Ace.

"Hindi na. Hindi naman mahilig sila Mickey sa mga ganyan," sagot ni Ace.

"Ah okay," sagot lang ni Jude at binalik ang kanyang hawak na ref magnet. Muli siyang napatingin sa grupo ng mga binatang nagpapalitrato sa harapan ng natabunang simbahan.

"Jude, kalma. Hindi iyan si Mac. Imposible," bulong ni Jude sa kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at binaling ang kanyang atensyon kay Ace. "Halika na. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw," yaya ni Jude sa kasama. Sabay na naglakad ang dalawa pabalik sa kanilang kotse.

-----o0o-----

"Mac! Halika na rito," tawag ni Migs sa kaibigan nang biglang mahagip sa kanyang paningin ang dalawang binata. "Si Ace ba yun?" tanong ni Migs sa sarili. Parang si Ace ang bulto ng katawan, maputi ang balat at kalbo pa. Kinusot niya ang kanyang mga mata upang mas malinaw na makita ang mga itsura nito. Ngunit bigo siya dahil nakatalikod na ang lalaki. Binaling naman niya ang tingin sa kasama nitong lalaki. Medyo nanlaki ang kanyang mga mata. Tila ba tumigil ang kanyang puso. Napalunok siya. Agad niyang tinanggal ang suot na shades sa mata. Mas lalo niyang kinusot ang kanyang mga mata upang tignan ang kasama ng kalbong lalaki. Kahawig kasi ni Jude ito. Naglalakad na ang mga ito palayo sa kanilang kinalulugaran. "Si Jude ba yun?" mahinang tanong ni Migs sa kanyang sarili.

"Ha?" tanong ni Nico nang marinig ang tanong ng kabarkada. "Ano yun?" tanong muli ng binata.

"Ha?! Wala!" sagot ni Migs ngunit hinabol niya ng tingin ang dalawang lalaki.

"Bro, halika na dito! Isang photo lang para may remembrance naman tayong magbabarkada," anyaya naman ni Jed.

"O-o-okay lang ba na nandito ako?" naiilang na tanong ni Lucas kay Jed na kanyang katabi.

"Oo naman," nakangiting sagot ni Jed sabay tapik sa braso nito.

Hindi na tumanggi si Mac at lumapit na siya sa mga kaibigan. "Fine, fine. After neto, pwede bang pumunta na tayong ATV? Medyo mainit na eh," sabi ni Mac.

Tumabi si Mac kay Migs. Napansin niyang medyo may iniisip ang kaibigan. "Okay ka lang ba?" tanong ni Mac. "Ha? O-oo naman," sagot ni Migs sa kabarkada. Iniisip pa rin niya kung ang nakita niyang magkasama ay sina Ace at Jude.

"Mga sir! Smile na po! One… Two…" bilang ng lokal. Napatingin si Migs sa katabing kaibigan.

"Mac, bakit tayo nandito? Alam mo bang narito si Jude at Ace? Kaya ba sumunod tayo dito sa Bicol?" bulong ni Migs sa sarili habang nakatitig ito sa mukha ni Mac.

"Three…" sambit ng lokal sabay kuha ng litrato. Kuhang-kuha tuloy sa litrato ang pagtingin ni Migs sa kaibigan.

"Bro, ano nga pala sabi nila Tita na hindi tayo sumama sa kanila sa Baguio?" usisa ni Migs sa kaibigan. Naglalakad na sila pabalik sa kanilang sasakyan. Nauuna ang tatlo nilang kabarkada habang magkasabay naman sina Mac at Migs sa likuran.

"They are okay naman. Plan na talaga namin dito sa Bicol mag-holiday. Pero hindi lang natuloy kaya sa Baguio sila," casual na sagot ni Mac.

Hindi pa rin kumbinsado si Migs kaya nagtuloy pa rin ang kanyang pagtatanong. "May kakilala ba kayo rito?" tanong ni Migs.

Napatigil maglakad si Mac at hinarap si Migs. Napatawa siya. "Ano ka ba? First time ko nga dito. Eh di sana kung may relatives kame dito, dun na tayo nag-stay," sagot ni Mac. "Bakit ang dami mong tanong, bro?" balik-tanong ni Mac sa kabarkada sabay nagpatuloy sa paglalakad.

"Wala naman. Akala ko kasi taga-dito si Jude," biglang sambit ni Migs at hinintay ang reaksyon ni Mac. Napatigil nga si Mac sa paglalakad nang marinig niya ang pangalan ng dating kasintahan. Napapikit si Mac upang pigilan ang sarili. Ayaw niya kasi ipaalam sa tatlo niyang kaibigan ang tunay na rason kung bakit sila nasa probinsya ng Albay. Lumapit si Migs sa likuran ng nakatayong si Mac. "Tama ba ako? Kaya nandito tayo, dahil kay Jude?" ulit na tanong ni Migs.

Napahinga ng malalim si Mac at muling hinarap si Migs. Medyo nakakunot na ang noo ng binata. "Bakit naman napasok si Jude dito?" may inis sa tanong ni Mac. Doon medyo natauhan si Migs.

"S-s-sorry," bawi ni Migs. "I just thought na si…" hihirit pa sana si Migs nang unahan na siyang magsalita ni Mac.

"Bro, walang kinalaman si Jude dito. I just wanted to spend my holiday here. So, please, ayoko na sanang pag-usapan si Jude," pagsisinungaling ni Mac sabay talikod sa kaibigan at nagpatuloy maglakad pabalik ng kanilang van. "I just thought na si Jude ang nakita ko kanina," sabi na lamang ni Migs sa sarili.

"Sir, sorry. Isang unit na lang po ang available. Angkas na lang po ang isa sa inyo kung gusto niyo?" sabi ng lokal kina Ace at Jude.

Tumingin si Ace kay Jude upang hingan ito ng sagot. "Okay lang naman na hintayin na lang kita dito," sabi ni Jude sa binata.

"No. Gusto ko kasama kita." sagot ni Ace.

"Fine, sige. Ikaw na lang magmaneho sa papunta, ako na lang sa pabalik?" suhestiyon ni Jude sa kasama.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Ace. "Okay!" sagot ni Ace sabay harap na sa kausap na lokal. "Sige, kuya. Isang unit po," sabi ni Ace.

"Sige ho. Sumunod ho kayo sa akin para makakuha na kayo ng protective gears." utos ng lokal.

Kumuha si Ace ng isang helmet at siya ang nagsuot nito kay Jude. Muling nagdikit ang kanilang mga katawan, harapan.

"Kaya ko naman na," nahihiyang sabi ni Jude. Pinagtitinginan kasi sila ng mga naroon.

"Shhh… Let me," sagot lang ni Ace at pinagpatuloy ang pag-ayos ng helmet sa ulo ni Jude. Medyo tinaas pa ni Ace ang baba ni Jude na tila ba hahalikan ito.

"Ace, anong ginagawa mo?" natatawa pero kinakabahang tanong ni Jude.

Natawa naman si Ace. "Wait lang kasi. Inaayos ko pa," si Ace habang sinasara ang lock ng helmet sa bandang baba ng binata. "Ayan. Gusto ko kasi safe ka," wika ni Ace sabay kindat sa binata.

Halatang namumula ang pisngi ni Jude. Napatingin siya sa paligid at hindi nga siya nagkamali. Nagbubulungan ang mga babaeng naroon. Nakayukong sumunod si Jude kay Ace at sa lokal nilang guide. "Pare, may lima pang ATV dito oh," turo ni Ace nang madaanan nila ang limang unit na nakapark.

"Ay sir. Nakareserve na po yan. Parating na po yung grupo na gagamit niyan," sagot ng kanilang guide.

"Sorry na. Hindi ko alam na kailangan pala ng reservation," sabi ni Jude.

"Don't be. I think mas okay ang set up natin," pilyong sabi ni Ace sa binata.

"Loko ka talaga," nahihiyang sabi ni Jude.

Narating na nila ang mga unit na gagamitin. Lima silang naroon at napasama sina Jude at Ace sa tatlong magkakaibigan, dalawang babae at isang lalaki.

"Hi. Are you from Manila?" bati ng babaeng turista. Maganda naman ang babae, mestisa at may braces sa ngipin. Halatang Manilena.

"Yes, we're from Manila," sagot ni Ace gamit ang kanyang pinagwapong boses. Halatang kinilig ang babae pati na rin ang kasama nito.

"By the way, I heard na last unit na yung nakuha nimyo. If you want, you can use mine," nakangiting alok ng turistang babae kay Jude. "And I can join him sa ATV niya," habol pang sabi nito.

Kumunot ang noo ni Ace nang marinig niya ang alok ng babae. "No, it's okay. He can always ride on my unit," sabi ni Ace. Pero sumeryoso na ang tono nito.

Nanlaki naman ang mata ni Jude sa pilyong sagot ng kasama. Alam niyang may ibang kahulugan iyon. Pati ang tatlo ay natigilan rin sa sinagot ni Ace.

"What?" magkasabay na sabi ng magkaibigang babae.

"Sorry. I mean, he will ride on my ATV unit," ulit ni Ace sabay akbay kay Jude. Napalapit na naman ang kanilang mga katawan.

"I see. By the way, my name is Bea, and these are my friends, Candice and Bryan," pakilala ng turistang babae.

"Ace, and this is my boyfriend, Jude," walang prenong sagot ng binata sa mga babae. Agad na napatingin si Jude kay Ace. Seryoso talaga ang binata sa binitawang salita. Sumakay si Ace sa ATV unit nila at sinimulang buhayin ang makina.

Binalikan ng tingin ni Jude ang mga bagong kakilala. "Sorry. Nagbibiro lang si Ace. Nice meeting you guys," paalam ni Jude sa tatlo.

Halatang nagulat ang tatlo sa rebelasyon ni Ace lalo na ang dalawang dilag. "Are they gay?" baling ni Bea sa dalawang kaibigan.

"Yes, they are," natatawang sagot ni Bryan sa kaibigan. Natawa na lang rin si Candice sa sitwasyon at inalo ang kaibigan.

"Sakay na," yaya ni Ace kay Jude. Inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan si Jude na sumakay sa kanilang unit.

"Kaya ko, Ace," pagmamalaki ni Jude at sinubukan makasakay. Hirap siya dahil medyo mataas ang kanyang aapakan at kailangan niya pang hakbangan ang upuan upang makasakay ito sa ATV. Nakadalawang subok na siya ngunit bigo pa rin ang binata.

"Jude, just hold my hand na," sabi ni Ace.

"Kaya ko nga!" sagot ni Jude.

"Isa! Hold my hand or bubuhatin na lang kita!" banta ni Ace sa kasama.

"Fine!" sagot ni Jude. Alam niya kasing tototohanin ni Ace ang kanyang banta. Mas nakakahiya iyon sa mga kasama nila. Hinawakan na ni Jude ang kamay ni Ace sabay subok ulit na pumwesto sa likuran ni Ace. Isang subok lang at agad itong nakaupo.

"See. Kung kanina mo pa ako hinawakan, eh di sana nakaupo ka na!" sabi ni Ace bago niya isara ang kanyang helmet. Sa balikat ni Ace humawak si Jude. Ngunit hindi pumayag ito. Nilingon niya ulit ang binata.

"May ganyan bang magboyfriend?" tanong ni Ace sa binata.

"Okay na yan. Tinitingnan tayo nila Bea," palusot ni Jude.

"So? I don't care," sabi ni Ace sabay kuha sa dalawang kamay ni Jude na nakapatong sa kanyang balikat at ginabayan itong mapahawak sa kanyang bewang. "Yakapin mo ako kung natatakot ka," nakangising sabi ni Ace sa angkas.

Naiinis man ay may kaunting kilig siyang nadarama. Langhap niya kasi ang amoy ng batok ni Ace. Ramdam niya ang tigas ng tagiliran ng binata. "Oh my gosh!" singhap ni Jude nang biglang umandar na ang ATV na sinasakyan. Mas napakapit tuloy siya sa bewang ni Ace. Nagsimula na ang kanilang tour kasama ang grupo ng mga bagong kakilala.

"Jude, kumapit ka at pababa yung trail," paalala ni Ace.

"What?" si Jude sabay tingin ng kanilang tatahakin. Palusong nga ang kanilang dadaanan pababa sa mababaw na ilog. Walang sabi-sabi si Ace at muli niyang hinatak ang mga braso ni Jude upang mapayakap na ito sa kanyang katawan. Hindi na pumalag si Jude at niyakap na niya ang matigas na katawan ng binata.

Amoy na amoy ni Jude ang bango ng katawan ni Ace. Kahit nagsisimula na itong pagpawisan ay mabango pa rin ang binata. Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ni Ace.

"Look, Jude! Ang gandaaa!" sigaw ni Ace habang lumalapit na sila sa bulkang Mayon.

Napangiti si Jude habang pinapanuod ang reaksyon ng binata. Napakagwapo talaga nito. Napakakisig. Kahit sino, mapababae man o mapabading, ay siguradong maaakit nito.

"Wooooow!" sigaw ni Ace na tila ba parang bata. Manghang-mangha siya sa ganda ng Mayon. Masaya ang puso ni Ace sa oras na iyon. Masarap sa pakiramdam. Malaya siya. Walang tinatago. Walang kinikimkim. Malaya siyang iparamdam kay Jude ang kanyang pagmamahal.  Oo, sa oras na iyon, inaamin niya sa kanyang sarili na mahal niya ang binata. Ramdam niya ang mga bisig ni Jude na nakapalibot sa kanyang katawan. Ramdam niya ang katawan ni Jude na nakadikit sa kanyang likuran. Masaya siya, masayang-masaya.

"Whoooooa!" sigaw ni Ace sa kagalakan. Natatawa lang naman si Jude sa reaksyon ng binata. Inenjoy na lang rin ni Jude ang bagong karanasan. Lagpas 30 minutes rin silang bumyahe hanggang maabot nila ang isang tumpok ng mga bato.

"Pwede po bang akyatin yan?" tanong ni Ace sa kanilang guide.

"Yes sir. Ayan po ang natuyong magma,." sabi pa ng lokal.

Matapos patigilin ang makina ay agad silang bumaba ng ATV upang akyatin ang mga tumpok ng bato. May isang kubo ang naroon kung saan pwedeng bumili ng makakakain.

"Jude, wash room lang ako," paalam ni Ace sa binata.

"Sige, pero may gusto kang kainin or inumin?" tanong ni Jude.

"Tubig lang," sagot ni Ace sabay tumungo siya sa palikuran.

"Ang saya no?" singit ni Bea habang umiinom ng buko.

"Oo nga e. First time ko dito kahit taga-Albay talaga ako," sagot ni Jude.

"What? Taga dito ka talaga?" gulat na tanong ni Bea. "So paano kayo nagkakilala ni Ace?" singit ni Candice.

"Schoolmates kame sa Manila. Nagbakasyon lang ako dito sa amin," sagot ni Jude.

"So, ibig sabihin, he flew all the way from Manila to here?" tanong ni Bea.

Umiling si Jude. "Nag-drive siya," sagot ni Jude sabay bili ng mga kakainin nila ni Ace. Doon napatulala na naman ang dalawang magandang dalaga.

-----o0o-----

"Buti na lang tumawag ka kanina, Lucas. Alam mo bang fully booked kame ngayon?" kwento ng matandang may-ari ng rentahan ng ATV.

"Salamat, Tito. The best po talaga kayo," sagot ni Lucas sa tiyuhin. Pinakilala ni Lucas ang mga bagong kaibigan sa kanyang tiyuhin. "Tito, may handaan sa bahay kung makakadaan po kayo," yaya ni Lucas sa tiyuhin.

"Susubukan ko kung maaga matapos dito," sagot ng matanda sa binatang pamangkin.

"Sige po!" paalam ni Lucas sa tiyuhin at pinasunod na ang apat na magkakaibigan kung saan nakapark ang mga ATV units nilang gagamitin.

"Shit! Excited na ako!" tuwang-tuwang sabi ni Nico.

"Dun tayo sa natuyong magma. Pwede natin akyatin yun. Kitang-kita dun si Mayon," pagyayabang ni Lucas sa mga bisita.

Mabilis na silang nagsisuotan ng mga helmet. "Okay ka lang?" si Lucas nang lumapit ito kay Jed.

Ngumiti ang binata. "Yes! Okay na okay. Thank you ha!" si Jed na hindi pa rin mawari kung paano ayusin ang helmet.

"Wala yun. Gusto ko lang maranasan mo ang Albay para naman bumalik-balik ka," nakangiting sabi ni Lucas at tinulungan ang binata na ayusin ang suot na helmet.

Nakangiting pinapanuod ni Jed si Lucas. Kahit na moreno ang binata ay may itsura ito. Lalaking-lalaki. "Oo naman. Lahat naman ng pinaranas mo sa akin, gusto kong ulit-ulitin," seryosong sagot ni Jed sa binata.

Tiningnan ni Lucas si Jed sa kanyang mga mata. "Punta ka mamaya sa bahay?" yaya ni Lucas sa bagong kakilala. Tumango lang si Jed at ngumiti ito. Hindi maipaliwanag ni Lucas kung bakit tila lumukso ang kanyang puso sa pagtango ni Jed. Lumawak tuloy ang kanyang pagngiti.

"Ingat ka sa pagmaneho," sabi ni Lucas sabay tapik sa helmet ng binata.

Napakamot na lamang si Jed sa kanyang batok. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Ayaw niyang pigilan ang sarili. Masaya siya na nakilala niya si Lucas sa lugar na ito. Napatingin siya sa gawi ni Mac. Hindi niya napansin na kanina pa pala nakatingin ang kaibigan. Agad niya tuloy binawi ang ngiti sa kanyang labi. Natawa lang si Mac sa reaksyon ni Jed. Nagsimula nilang baybayin ang ruta kung saan papunta sa mga natuyong magma. Dumaan sila sa ilog, pataas, pababa. May matarik, may madulas, may mabato, may madamo at m may maputik.

Masaya ang magbabarkada na maranasan nila ang magmaneho ng ATV. Picture dito, picture doon. Sigawan, harutan, biruan, asaran at syempre, tawanan. Enjoy na enjoy ang magbabarkada. maliban kay Mac. Matatapos na ang araw at hindi pa rin niya nakakasalubong ang dating kasintahan. Nawawalan na siya ng pag-asa. Doon niya naisip na napakalaki ng Albay upang magtagpo ang landas nila ni Jude.

-----o0o-----

Muling napahanga si Ace sa kanyang namasdan. Kitang-kita nila ang perpektong hugis ng Mayon. Maaliwalas ang kalangitan, wala masyadong ulap kung kaya matindi rin ang init ng sikat ng araw. Mahangin naman kung kaya nakakawala pa rin ng pagod, sinamahan pa ng ibang klaseng tanawin. "Jude, thanks for bringing me here," sambit ni Ace sa kanyang katabi.

Nakatayo lamang sila habang pinagmamasdan ang bulkang Mayon. "You're welcome," sagot ni Jude na nakatingin pa rin sa bulkan.

"Mamaya, I'll be driving home na sa Manila and I wish you could come with me," sambit ni Ace. Marahan niyang inabot ang kamay ni Jude na nasa kanyang tabi. Hindi naman tumanggi ang binata at hinawakan niya rin ang malambot na kamay ng binata. "Pero, alam ko naman na you still need to be with your family. Naiintindihan ko iyon," pagpapatuloy ni Ace. Pinisil niya ang kamay ni Jude. Inangat niya ito at inilapit sa kanyang mga labi. Binigyan niya iyon ng isang halik. "I just want to say this again. I like you and I want to be with you," sambit ni Ace.

Tahimik lang si Jude pero kumakabog ang kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung sa kilig ba iyon, sa saya, sa tuwa o di kaya sa kaba, sa takot, sa pangamba.

"I don't want to expect an answer from you right now. But, I want you to know that I will be the happiest person if you will say yes," sabi ni Ace.

Mula sa kanyang tabi ay gumalaw si Ace at tumungo sa likuran ni Jude. Kahit mainit ang sikat ng araw ay wala na silang pakialam. Niyakap ni Ace ang kanyang katawan mula sa likod. Ramdam ni Jude ang tikas at tigas ng katawan ng binata. Kahit di ganoon kakomportable dahil sa init ng araw, ay masarap pa rin ito sa pakiramdam. May luwag sa dibdib. May ginhawa sa paghinga.

"I love you, Jude," sambit ni Ace at humiwalay ito sa pagkakayakap kay Jude. Kinuha niya ang nakasublit sa kanyang leeg na kwintas. "Remember this? Hindi mo kasi sinusuot nung una ko itong binigay, so, ibibigay ko ulit. I hope na pagbalik mo ng Manila ay suot-suot mo na ito. Tanda ito na pumapayag ka na maging akin ka," sabi ni Ace sabay suot ulit kay Jude ng kwintas.

Humarap si Jude matapos na maisuot ni Ace ang kwintas. "Ace, salamat dito," si Jude sabay hawak sa cross na pendant. "Salamat sa oras na binibigay mo. Sa effort. Pero, Ace, kung gusto mo talagang maging okay ang simula natin, kelangan na muna natin," si Jude na nahinto sa sasabihin dahil inunahan na siya ni Ace.

"Si Mac ba?" diretsong tanong ni Ace. Marahang tumango ang binata. "At si Amanda," patuloy ni Jude.

Huminga ng malalim si Ace. Naiintindihan niya si Jude. Kahihiwalay lang nila ni Amanda at kahihiwalay lang rin nina Jude at Mac. Muli niyang niyakap ang binata. Siniksik niya ito sa kanyang dibdib at bisig. "Yes, gagawin natin yan once we go back sa Manila," sambit ni Ace.

"Wow naman! Ang sweet!" sambit ni Candice pagkaakyat ng tatlo sa tuktok ng mga bato.

Medyo sumimangot si Bea at agad niyang kinuha ang telepono. Sa kanilang pwesto ay kumuha ng litrato ang dalaga. Nakatagilid naman ang dalawang lalaki at medyo may kalayuan ang mga ito. Agad naman humiwalay si Jude nang marinig niya ang mga tinig ng dalawang babaeng kasama sa tour.

"Grabe, ang ganda dito!" puri ni Bea habang papalapit sa dalawang binata.

"Yes! Buti na lang at nasolo natin kahit na ang daming tao kanina," sagot ni Candice.

"Sige dalian niyo nang magpose. Ang init oh!" angal naman ni Bryan.

"Enjoy kayo. Ingat pagbaba," paalala ni Jude sabay alis na sa kanilang kinapupwestuhan.

"We'll go ahead. Mainit na rin naman dito. And medyo maingay na rin," sarkastikong sambit ni Ace.

"What?" tanging nasabi ni Bea habang pinapanuod ang pagalis ng dalawang lalaki.

"Unfair talaga. Kung sino pang gwapo, siya pa ang pumapatol sa same sex. Habang ang mga pangit," pang-aasar ni Candice habang nakatingin sa kaibigang si Bryan.

"Hay buti na lang I'm gay," biro ni Bryan na kinatawa naman ng dalawa.

"Ikaw talaga ang sungit-sungit mo," sabi ni Jude kay Ace habang bumababa sa mga batuhan.

"What's new?" mapaklang sagot ni Ace habang inaalalayan niya ang binata.

Natawa lang si Jude. "Oo nga naman, coming from the Mr Masungit," pang-aasar ni Jude kay Ace.

"Ayaw mo ba nun. Sayo lang ako, hindi magsusungit," sagot ni Ace.

"Kaya pala sinungitan mo ako dati," sagot ni Jude.

"E ikaw kasi, ginulo mo mundo ko. Literally and figuratively," salo ni Ace.

"Eh di sorry na. Iiwas na ako," kunwari’y nagtatampong sambit ni Jude.

Natawa naman si Ace. "Actually, para ka ngang lugar na ito e," sabi ni Ace.

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Jude.

"You rock my world," sabi ni Ace sabay tawa dahil sa kakornihan niya.

"Last mo na yan, please!" sambit ni Jude.

Nakababa na ang dalawang binata nang salubungin sila ng kanilang tour guide. "Yung mga kasama niyo po?" tanong ng lokal.

"Nasa taas pa po," sagot ni Jude. Mabilis naman inakyat ng guide ang mga batuhan upang sunduin ang tatlong nasa itaas.

"Ready ka na?" tanong ni Ace habang nakayakap sa katawan ni Jude.

"Kinakabahan ako," sagot ni Jude. First time niyang magmaneho.

"Don't worry, nandito lang ako. Just remember, this is your break," si Ace sabay hawak sa kaliwang kamay.

Tumango lang si Jude sabay huminga ng malalim. Nagsimula lang sa mabagal si Jude pero unti-unti itong bumilis. "Woooooah!" sigaw ng binata. Si Ace naman ang nagmasid sa mukha ng binata. Paminsan-minsan ay dinadapuan niya ng halik ang balikat at likuran ng tenga ni Jude.

"Ace! Kapag tayo…" paalala ni Jude sa binata.

"Sorry na. Mami-miss ko kasi ang amoy mo. Ayaw mo pa bang umuwi ng Manila talaga?" pabirong tanong ni Ace.

"Ikaw talaga," si Jude sabay binilisan ang andar ng ATV. "Woohoooo!" sigaw ni Jude.

Sa kalayuan ay naagaw ng sigaw ni Jude ang atensyon ng grupo nila Mac. "What's that?" nairitang tanong ni Migs.

 

Susundan……

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...