Nasibak Ni Insan Dos (Part 40)
By: Firemaker JD
"Ready
ka na?" tanong ni Ace habang nakayakap sa katawan ni Jude.
"Kinakabahan
ako," sagot ni Jude. First time niyang magmaneho.
"Don't
worry, nandito lang ako. Just remember, this is your break," si Ace sabay
hawak sa kaliwang kamay.
Tumango
lang si Jude sabay huminga ng malalim. Nagsimula lang sa mabagal si Jude pero
unti-unti itong bumilis. "Woooooah!" sigaw ng binata. Si Ace naman
ang nagmasid sa mukha ng binata. Paminsan-minsan ay dinadapuan niya ng halik
ang balikat at likuran ng tenga ni Jude.
"Ace!
Kapag tayo…" paalala ni Jude sa binata.
"Sorry
na. Mami-miss ko kasi ang amoy mo. Ayaw mo pa bang umuwi ng Manila
talaga?" pabirong tanong ni Ace.
"Ikaw
talaga," si Jude sabay binilisan ang andar ng ATV. "Woohoooo!"
sigaw ni Jude.
Sa
kalayuan ay naagaw ng sigaw ni Jude ang atensyon ng grupo nila Mac.
"What's that?" nairitang tanong ni Migs.
-----o0o-----
"Turista!"
natatawang sagot ni Lucas habang pinipicturan ang grupo nila Jed.
Napatingin
naman si Mac sa grupo na pabalik na sa rentahan ng ATV. Napansin niya agad ang
dalawang lalaki na sakay ng isang ATV. Nakayakap ang mas matangkad na lalaki sa
katawan ng nagmamaneho ng sasakyan. Kahit na malaki ang katawang ng angkas ay
hindi ito nahihiyang ipakita ang affection nito sa lalaking mas maliit. "I
wish you were here," sambit ni Mac habang iniisip ang dating nobyo. Kaya
rin naman niyang maging clingy at maging sweet sa publiko kung nanaisin lang ng
dating kasintahan. Muli niyang pinanuod kung gaano ka-sweet ang dalawa habang
sakay-sakay ng ATV. Palayo na ito ng palayo hanggang mawala na sa kanilang
paningin ang naunang grupo.
Makalipas
ang halos bente minutos ay nakabalik na sina Ace at Jude sa rentahan.
"Jude? Iho?" tawag ng isang matandang lalaki matapos mai-park ni ang
ATV unit.
"Tito
Nestor!" bati ni Jude sa matanda habang tinatanggal ang helmet. Agad itong
lumapit at nagmano.
"Kamusta
ang Papa mo? Buti nakauwi ka!" bati ni Nestor sa pamangkin.
"Okay
na po si Papa. Bawal na lang magpagod masyado. Pinaparehab pa po namin,"
sagot ni Jude sa matanda. "Tito, si Ace po pala. Kaeskwela ko po,"
pakilala ni Jude sa kasama.
"Mano
po," bati ni Ace.
"Isang
ATV lang ba ang ginamit niyo?" tanong ni Nestor sa mga binata. Tumango
lang si Jude.
"Okay
lang ho yun," sagot ni Ace.
"Ay
oo nga pala. Nagkita ba kayo ni Lucas?" tanong ng matanda sa pamangkin.
"Si
Lucas ho?" nagtatakang tanong ni Jude.
"Oo.
May mga kasamang tiga-Maynila," sagot ni Nestor.
"Hindi
ko ho nakasalubong. Baka ibang ruta ang dinaanan nila," sagot ni Jude.
"Tito Nestor, mauna na ho kame. Pauwi na rin ho kasi ng Maynila si Ace
mamaya," pahabol na paalam ni Jude sa tiyuhin.
Bumyahe
na pabalik ng kanilang bayan sina Jude at Ace. Tahimik lang si Jude at iniisip
kung sino ang mga kasama ng pinsang si Lucas.
"Pagod
ka?" tanong ni Ace sa katabi. Napansin kasi ng binata na nakatulala si
Jude.
"Medyo,
pero nag-enjoy naman ako," nakangiting sagot ni Jude.
"Ako
rin. Thank you," sambit ni Ace sabay abot sa kamay ni Jude.
"Kaya
mo ba talaga umuwi ng Manila mamaya?" alalang tanong ni Jude. Tumango lang
siya.
"Kaya
naman. I'll rest kapag ‘di na talaga kaya," sagot ni Ace sabay lapit muli
ng kamay ni Jude sa kanyang mga labi. Isang mainit na halik ang binigay niya
rito.
"Please
update me from time to time, okay?" sabi ni Jude.
"Yes,
love," pabirong sabi ni Ace sabay halik na naman sa kamay ng binata.
Hindi
makapaniwala si Jude na ganito kalambing ang masungit at matikas na si Ace.
Hinawakan ni Jude ang mukha ni Ace, ang patubo nitong balbas. "Thank you,"
nakangiting sambit ni Jude sa binata.
Mag-aalas
tres na ng hapon nang makarating sina Jude at Ace sa kanilang bahay. Mabilis
lang naligo si Ace at nagpalit ng damit. Tumulong na rin si Jude sa pag-aayos
ng bag ng binata upang makabyahe na ito ng may araw pa.
"Ace,
update mo ako kung nasaan ka na ah," hiling ni Jude sa binata habang
pinapanuod itong magbihis.
"I
will," ngiting sambit ni Ace sabay suot na sa kanyang puting tshirt.
Palabas na sana ang dalawa sa kwarto ni Jude nang pigilan ni Ace ang pagbukas
ng pinto.
"Bakit?"
nagtatakang tanong ni Jude sabay lingon sa matangkad na lalaki na nasa kanyang
likuran.
"I
will miss you and this lips," sabi ni Ace sabay halik sa malalambot na
labi ni Jude. Hindi na tumanggi pa si Jude at lumaban na rin siya sa halikan, labi
sa labi, dila sa dila, may palitan pa ng laway. Mahigit isang minuto rin
tumagal ang dalawa. Humihingal man ay si Ace na ang naunang lumabas ng kwarto
upang maayos pa ni Jude ang namumulang labi.
"Tita,
Tito. Chuchay. Maraming salamat po sa pagtanggap," paggalang na paalam ni
Ace sa pamilya ng binatang iniibig.
"Wala
yun, iho. Welcome ka dito palagi," sabi ni Tinoy.
"Ace,
iho, mag-ingat ka magmaneho," bilin pa ni Mayang sa kaibigan ng anak.
Nagmano
na ito sa dalawang nakakatanda at nagpaalam. "Chuchay, bata ka pa ah.
Huwag padalos-dalos ang mga desisyon," paalala ni Ace sa kapatid ni Jude
habang inaayos ang mga gamit sa likod ng sasakyan.
"Yes,
kuya. Balik po kayo dito ah," sabi ni Chuchay sabay abot ng isang plastic.
"Huwag
na. Nakakahiya…" tanggi ni Ace.
"Ayos
lang yan. Ipasalubong mo sa parents mo," sabi ni Jude na lumabas na rin
upang maihatid ang bisita sa kotse nito. Yumakap si Ace kay Chuchay, kasunod
naman ay si Jude. "Jude, yung necklace ah. Please take care of it,"
bilin ni Ace bago sumakay ng kotse.
-----o0o-----
Alas
kwatro na ng hapon nang makauwi ang grupo nila Mac sa lobby ng hotel.
"Bro, it was fun! Thank you for joining us," sambit ni Nico kay Lucas
nang makababa ito sa van.
"Wala
yun. Bro," pa-konyong sagot ni Lucas.
"Thank
you, Lucas. Guys, I'll go ahead na. Gusto ko nang magpahinga," paalam ni
Migs nang siya naman ang bumaba ng van.
"Lucas,
anong oras pala yung get together sa inyo?" tanong ni Jed.
"Sunduin
na lang kita. Hiramin ko na lang yung jeep ni Papa," suhestiyon ni Lucas
sa bagong kaibigan.
Napangiti
si Jed. "Sige. Ready na ako ng mga 7PM?" tanong ni Jed.
"Sige,
maliligo lang din ako tapos balik na lang ako ulit dito," sagot ng binata.
"Mac, ikaw ba? Gusto mo bang sumama sa amin? May konting salo-salo lang.
Ihahatid ko naman kayo pauwi dito," anyaya ni Lucas sa binata.
"Bigay
mo na lang yung address mo, susunod na lang ako. May gusto kasi akong daanan
dito e," sagot ni Mac sabay abot ng kanyang telepono.
"Mamaya
na lang ulit, Jed," paalam ni Lucas sabay lakad palayo sa dalawang
magkaibigan.
"So,
what's going on with you, two?" tanong ni Mac sabay akbay sa kaibigan.
Natawa
si Jed. "Wala yun. Magkaibigan lang kame," sagot ni Jed. "At
ikaw, saan ka naman pupunta?" balik-tanong ni Jed sabay akbay sa balikat
ng kaibigan.
Natawa
rin si Mac. "Bro, wala ka na run!" pabirong sagot ni Mac.
"Ayan
tayo pre e. Pupuntahan mo si Jude, ano?" tanong ni Jed. Nagulat si Mac
nang marinig kay Jed ang pangalan ng dating nobyo.
"Pa-pa-paano
mo nalaman?" sumeryoso si Mac.
"E
siya lang naman ang kakilala mo dito sa Bicol. Unless, meron pang iba,"
sagot ni Jed.
"H-ha?"
nagtatakang tanong ni Mac.
"Bro,
kilala kita. I know na taga-Albay si Jude. And I don't mind. Alam kong mahal mo
pa yung gunggong na yun. Pero basta, please, if anything happens, if you need
me, tawagan mo ako agad. Pupuntahan kita. I got you, bro," sambit ni Jed.
Iniwan na niya na nakatayo si Mac.
Halatang
apektado pa rin si Mac sa hiwalayan nilang dalawa ni Jude. Huminga siya ng
malalim at hinugot ang kanyang telepono. Agad niyang binuksan kung saan niya
sinave ang address ni Jude. Muling siyang huminga ng malalim, nilalakasan ang
loob. Muling pumasok sa kanyang isip ang dalawang lalaki na nakasakay sa ATV.
Pinapangarap niyang magawa nila iyon ni Jude. At matutupad lamang iyon kung
pupuntahan niya ang dating kasintahan at aamuhin ulit. "Let's go, Mac!
Kaya mo yan!" pagpapalakas loob ng binata sa kanyang sarili.
Gamit
ang nirentahang sasakyan ay sinundan ni Mac ang Waze patungo sa address nila
Jude. Pasado alas-sais na iyon ng gabi. Medyo may kadiliman na dahil Disyembre
iyon at nasa probinsya sila. 6:08 PM sabi ng orasan sa sasakyan. Kahit malamig
ang buga ng aircon ay nagsimula siyang pagpawisan. Hindi niya alam kung
sinu-sino ang makikilala niya sa bahay ng dating nobyo. Iniisip niya kung ano
ang mararamdaman ni Jude kung sakali na makita siya nito. Sasampalin ba siya?
Pagtutulakan? Papaalisin? Ipapahiya rin? Yayakapin kaya? Hahalikan? Ipapakilala
sa magulang?
Ang
daming scenario ang pumapasok sa kanyang isip. Isang hingang malalim muli ang
kanyang ginawa. "You arrived in your destination," sabi ng app.
Bukas
ang mga Christmas lights na nakapaligid sa bahay nila Jude. Bukas rin ang mga
bintana pati ang ilaw sa loob ng bahay. Paniguradong may tao roon. Pinatay ni
Mac ang makina ng kotse at lakas loob na bumaba mula rito. Napapalunok siya ng
tuyo.
"Tao
po! Tao po!" malakas na bigkas ni Mac sa labas ng kawayang tarangkahan
nila Jude. May sumilip na matandang babae mula sa pinto.
"Sino
yan?" tanong ng matanda. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kabog ng kabog
na tila ba may karerang sinalihan.
"Ma-ma-magandang
gabi ho. Si J-j-jude ho?" bati ni Mac.
Lumabas
ng tuluyan ang matandang babae ngunit hindi ito lumalapit sa gate. "Nako,
umalis. Kasama ng kapatid niya. Sino ba ikaw?" tanong ng matanda.
"Kaklase
ho ni Jude," sagot ni Mac.
"Si
Ace yan?" biglang sambit ng matandang babae at agad na lumapit sa gate.
"Hindi
ho," sagot ni Mac. Medyo nagtaka si Mac kung bakit nasambit ang pangalan
ni Ace.
Binuksan
ng matandang babae ang kawayang gate. "Sino ka ba?" tanong ng
matanda.
"Mac
po. Kaklase ho ni Jude sa Manila," sagot ng binata. Napalunok si Mac nang
mapansin niya na sinuri siya ng matandang babae mula ulo hanggang paa.
"Nako,
iho. Umalis ang magkapatid. Bumalik ka na lang bukas," sagot ng matanda.
"Ahh
ganun ho ba. Sige ho," mabilis na sagot ni Mac sabay balik sa kanyang
kotse. Agad siyang huminga ng malalalim upang mapakalma ang sarili.
"Relax, Mac!" sabi ng binata sa kanyang sarili. Nang biglang tumunog
ang kanyang telepono, "Hello?"
"Bro,
nasaan ka na? On the way na kame ni Lucas sa kanila," si Jed ang
tumatawag.
"Nandito
na ako kina Jude, kaya lang umalis daw e. Gusto ko sanang hintayin," sagot
ni Mac.
"E
anong oras daw uuwi?" tanong ni Jed.
"Hindi
ko natanong. Kinakabahan kasi ako," si Mac na medyo nahihiya sa kaibigan.
Natawa
si Jed nang marinig iyon mula sa kabarkada.
"What?
Si Mac? Kabado?" pang-aasar ni Jed.
"Mukhang
mommy ni Jude yung nakausap ko e," sagot ni Mac.
"Yung
tita niya nga napalambot mo, mommy niya pa kaya," sabi ni Jed.
"Halika na. Samahan ka na lang namin ni Lucas bukas. Tutal sa makalawa pa
naman flight natin," sabi ni Jed.
"Okay
fine. Mukhang wala rin akong mukhang maihaharap sa mommy ni Jude. I'll drive na
papunta kina Lucas," sagot ni Mac bago niya ibaba ang tawag ng kaibigan.
Muling winaze ni Mac ang address ng bahay nila Lucas. Mabuti na lamang at
malapit lang ito sa lugar ni Jude. Kumabog ang kanyang dibdib.
"Magkababayan lang sina Lucas at Jude," sa isip ni Mac. Marahan
nagmaneho si Mac dahil sa kakaunting poste na may ilaw at bako-bakong daan.
Ilaw ng sasakyan lamang ang inaasahan niya.
Sa
kabilang banda, nakaangkas sina Chuchay at Jude sa motor ni Denver, ang nobyo
ni Chuchay. "Kuya, buti nakasama ka," sabi ni Denver.
"Syempre,
kamag-anak ko yun," sarkastikong sagot ni Jude. Hindi niya pa rin
nakakalimutan ang tagpo ni Denver at Karla sa banyo ng plaza. Hindi niya pa rin
maalis sa kanyang isipan na niloloko ni Denver ang kapatid.
"Kuya
naman," sita ni Chuchay sa kapatid.
"Teka
nga. Maglalakad na lang ako. Ang bagal ng takbo ng motor e," suhestiyon ni
Jude sa dalawa.
"No,
okay lang. Malapit naman na tayo," sagot ni Denver na medyo binilisan ang
takbo ng motor.
"Babe,
ibaba mo na muna ako kina Kuya Lucas tapos salubungin mo na lang si Kuya Jude,"
si Chuchay.
"Tabi
mo muna," si Jude na may pagka-taray.
Tumabi
si Denver sa gilid ng daan. "Please ingatan mo yang kapatid ko.."
babala ni Jude sa nobyo ng kapatid pagbaba niya ng motor. Nagsimulang maglakad
si Jude. Hindi naman siya takot dahil kilala naman nila ang mga tagaroon. Nang
bigla siyang kinabahan. May parang dalawang aninong sumusunod sa kanya.
Binuksan niya ang flashlight ng kanyang telepono upang makita ang nilalakaran.
Mahirap na madapa at maabutan ng mga sumusunod sa kanya.
"Pssst!"
sitsit ng taong nasa kanyang likuran. Hindi lumilingon si Jude at diretso pa
rin ang paglalakad.
"Psssssst!"
mas mahabang sitsit. Narinig niyang naghahagikgikan ang mga ito.
"Putangina!"
sambit ni Jude at mas binilisan niyang maglakad.
"Ay
pota! Jude! Friend!" pasigaw na tawag nina Karla at Lyka habang hinahabol
ang naglalakad na kaibigan. Binuksan rin nila ang mga hawak-hawak na cellphone.
Lumingon
agad si Jude nang mabosesan ang mga kaibigan. "Hayop kayo! Tinakot ninyo
ako!" natatawang bati ni Jude sa mga dating kaklase.
"Grabe
ka naman, friend. Hindi ka na ma-reach. Ang haba na ng sitsit ko ah," si
Karla.
"Loko
ka! Bakit ako lilingon? Malay ko ba kung sino yun," sagot ni Jude at
sumabay na sa dalawa.
"Saan
ang punta ninyo?" tanong ni Jude.
"May
handaan daw kina Lucas, sabi ni Benjie," sagot ni Lyka.
"E
bakit parang rarampa kayo sa plaza sa mga suot ninyo?" tanong ni Jude nang
mapansin ang nagsisiiklian na damit ng dalawa. Luwa pa ang mga hinaharap ni
Lyka sa suot nitong spaghetti strap at labas ang hita nito sa suot na short
shorts. Hindi rin nagpakabog si Karla na tanging suot ay itim na fitted na
dress.
"Pota
ka! Anong plaza? Diretso palayan na to," natatawang sagot ni Karla sabay
pakita sa pink na tback na underwear. Natawa naman si Jude sa inasal ng baklang
kaibigan.
"Grabe,
ang liberated mo na Karl," pang-aasar ni Jude.
"Excuse
me, Jude! It's Karla, with a K," malanding sagot ni Karla.
"Excited
na nga ako. May inimbita daw si Lucas na taga Maynila," sabi ni Lyka.
Muling
naalala ni Jude na may sinamahan pala si Lucas na mamasyal kanina.
"Oh
‘di ba? Buti nag-improve-improve na yang pinsan mo," si Karla.
"Korek!
Buti nakikihalobilo na. At mga taga-Maynila pa," dagdag ni Lyka.
"E
varsity natin si Lucas nung highschool ah," singit ni Jude.
"E
kasi nandun ka kasama namin. E nung nagpunta ka na ng Maynila. Either nasa
palayan ninyo si Lucas tinutulungan si Mang Tinoy or nasa babuyan ninyo
tinutulungan Mama mo," kwento ni Lyka.
"Kaya
nga ang laki ng utang na loob ko kay Lucas. Kasi nung nag-aral ako sa Maynila,
siya na ang pumalit sa mga tungkulin ko sa bahay," sagot ni Jude.
"Aba
dapat lang! Tanda mo ba si Kitty yung mestisa nating kaklase? Aba, binasted ni
Lucas," si Karla.
"E
‘di ba heartthrob yun nung highschool?" si Jude.
"Yun
na nga! Kung hindi lang kayo magpinsan, iisipin ko talagang may something kayo,"
si Karla.
"Bakla
ka! Idadamay mo pa si Jude at Lucas sa federasyon mo," singit ni Lyka.
Ngumiti lang si Jude.
"Kuya
Jude, naihatid ko na si Chuchay kina Kuya Lucas. Angkas na po kayo.." yaya
ni Denver nang maabutan niya ang tatlo na naglalakad pa rin sa gilid ng
kalsada.
"Hindi
okay lang, Denver. Balikan mo na si Chuchay dun. Kasama ko naman sina Karla,"
sagot ni Jude.
"Aray!
Ouch!" sagot ni Karla at nagsimulang magpiki-pikian.
"Hala,
friend?! Anong nangyari sayo?" sakay ni Lyka sa kababata.
"Natapilok
ako e. Denver, pwede bang ako nalang umangkas sa iyo?" malanding tono ni
Karla sa binata.
"Tumigil
ka, Karla. Ngayon na lang tayo ulit nagkakwentuhan. At saka, boyfriend yan ng
kapatid ko!" sabi ni Jude na may diin sa huling pangungusap. Napakamot na
lamang si Denver at nagpaalam sa tatlo.
"Sige,
kita kits na lang dun," sabi ni Denver sabay andar ng sinasakyang motor.
"Friend
naman e. Masakit naman ang paa ko e," si Karla na nagpapatuloy pa rin sa
pag-arte. Huminto si Jude at hinarap ang baklang kaibigan.
"Karla,
tigilan mo ako. Off limits na si Denver. Boyfriend na siya ng kapatid ko,"
si Jude.
Umirap
lang si Karla. "Fine! Fine! Off limit na kung off limits. Tikim lang e,"
sagot ni Karla sa dating kaklase.
"Tikim
lang daw pero may, I love you," sarkastikong sambit ni Jude. Nanlaki ang
mata ni Lyka at Karla.
"M-m-may
alam ka ba?" nanginginig na tanong ni Karla.
"Oo.
Kaya tigilan mo yan kung ayaw mo masira pagkakaibigan natin," sagot ni
Jude sa kaibigan.
"E
ako naman ang first love ni Denver e," sagot ni Karla.
"Pero
may new love na siya. At ayun ang kapatid ko!" si Jude. "Kaya kung
ano mang merong natitirang pagtingin dyan sa puso mo para kay Denver, wasakin
mo na. Pigain mo na! Iluwa mo na!" dagdag pa ni Jude. "Dahil kung hindi,
ako ang pipiga sa ‘yo, ang wawasak sa ‘yo!" huling banta ni Jude sa
kaibigan.
"Ayy
paanong wasak, friend?" tanong ni Karla na may excitement.
Natawa
si Jude. "Hayop ka talaga. Kaya miss na miss ko kayo eee!" si Jude
sabay akbay sa dalawang malalapit niyang kaibigan sa Albay. Hindi na nga
nagtagal at narating na nilang tatlo ang bahay ng kamag-anak. Mas malawak ang
bahay ng mga pinsan. Doon naka-set up ang mga lamesa at upuan. May mahabang
mesa para sa mga pagkain. Agad na kumaway sina Chuchay sa kapatid. Naroon si
Denver at Benjie.
"Hay,
salamat. Nakarating din kayo," sabi ni Chuchay na kumakain na. Naroon ang
mga kamag-anak nila kung kaya nagsimulang mag-mano si Jude sa mga tiyuhin,
tiyahin, lolo at lola niya. Hinanap agad niya si Lucas ngunit wala ang kanyang
pinsan roon.
"Kuya
Gani, si Lucas ho?" tanong ni Jude sa nakakatandang pinsan.
Katulad
ng kanyang Kuya Jon sa Maynila ay napaka-matipuno ni Isagani. Sa edad na
bente-nueve anyos ay hindi pa rin nawawala ang kakisigan ng nakakatandang pinsan.
Nasa 5'8 ang height, may muscles ang balikat at braso dahil na rin sa pag-aararo
ng kanilang bukirin. Ang balat nitong kayumanggi’y pinoy na pinoy. Medyo kulot
ang manipis na buhok nito sa ulo. Siguro iyun lang kapintasan ng pinsan. Pero
makapal ang kilay nito, balbon, ang mga braso, dibdib at kilikili.
Alalang-alala
rin ni Jude ang makapal nitong karugs sa tiyan na kumakapal pababa sa
tinatagong alaga nito. Matagal na rin niyang hindi nasisilip ang tinatago ng
pinsan. Wala pa naman nangyayari sa kanila pero minsan nauunsayami lang tulad
na lang nung huli nilang pagsasama bago siya lumuwas ng Maynila. Mayroon kasing
kubong tinayo ang ama nila Kuya Isagani sa tabi ng ilog malapit sa kanilang
bahay. Hindi naman ganun kalapit dahil kailangan mo paring maglakad sa
kagubatan ng mga kinse minutos. Doon nagdiwang si Jude bilang pamamaalam sa mga
kaibigan at pinsan. May pagkain, inumin. Masaya ang lahat.
Habang
naliligo si Jude sa ilog kasama ang iba niyang mga kaibigan ay bigla na lamang
lumapit si Isagani at umangkla sa likuran ni Jude. Dahil suot niya lamang ay
manipis na shorts ay agad niyang naramdaman ang katigasan ng pinsan na
kumikiskis sa hiwa ng kanyang likuran. Hindi naman makaangal si Jude dahil
akala niya ay wala lang iyon. Dahil magpinsan sila. Pero sa oras na iyon ay may
kung anong init at libog siyang nararamdaman. Ramdam niya talagang sinasadya ng
kanyang Kuya Isagani ang pagdunggol ng mataba nitong ari sa kanyang butas.
Mabuti na lamang at may mga suot pa silang shorts. Natigil lamang iyon nang
lumapit si Lucas sa dalawa.
Agad
na umalis si Isagani sa likuran ni Jude at lumangoy palayo sa grupo. Napangiti
si Jude sa kanyang alaala kasama si Isagani. Napalunok si Jude nang mapansin
niyang naka-basketball jersey shorts lang ang pinsan na sinuotan ng polo shirt
na stripes.
"Nako,
insan. Sinundo yung mga kaibigan niya mula Manila," sagot ni Isagani
habang patuloy na kumukuha ng handa.
"Ah
ganun po ba. Antayin na lang po namin," sagot ni Jude at akmang babalik na
sa kanilang mesa.
"Teka,
bakit hindi mo sinama yung kaklase mo?" tanong ni Isagani sa pinsan.
"Umuwi
na siya ng Maynila kanina," sagot ni Jude.
"Ganun
ba? Sayang naman. Hindi niya matitikman etong lumpia ko," may kaunting
libog sa tono ng pinsan.
"Ano?"
nagulat na tanong ni Jude. Natawa si Isagani.
"Itong
lumpiang niluto ko," sagot ni Isagani sabay lagay sa plato ni Jude.
"Masarap yan. Ako ang nagluto niyan," dagdag pa ng pinsan sabay iwan
sa natulalang si Jude.
"Uy,
insan!" bati ni Philip sa nakakabatang pinsan. Agad itong umakbay kay
Jude. Dahil sa suot nitong sando lamang ay agad niyang nalanghap ang barakong
amoy ng pinsan. Lalaking-lalaki.
"Kuya
Philip," bati ni Jude.
"Mamaya,
samahan mo ako sa kwarto. Ibibigay ko na sayo yung mga pinaglumaan ko. Parang
nung dati lang," si Philip. Bente-singko anyos si Philip. Kasunod ni
Isagani. May mas itsura si Philip kaysa sa Kuya Isagani niya. Moreno parin
dahil sa trabahong bukid. Firm ang muscles sa katawan, sa braso, sa balikat, sa
dibdib at sa abs. Hindi tulad ni Isagani, medyo makinis si Philip kung kaya
hulmang-hulma ang mga muscles nito sa katawan. Kusang tutulo ang laway mo kapag
naghubad ito sa palayan. Si Philip ang unang nagturo kay Jude kung paano
humalik. Kung paano makipagespadahan ng dila. Kung paano sumupsop ng dila at
labi. Kung paano kumagat ng hindi nanggigigil.
"Kuya,
huwag na. Marami na rin nabigay si Tita sa Manila. Tsaka naka-uniform naman
kame sa school kaya baka hindi ko rin magamit yan. Salamat nalang kuya,"
sagot ni Jude sa alok ng pinsan.
Agad
na siyang bumalik sa kanilang mesa matapos sunduin ng nobya nito ang kanyang
Kuya Philip palayo sa kanya. "Alam mo friendship, napakaswerte mo sa mga
pinsan mo, Kuya Isagani, Kuya Philip at Lucas," inggit na sabi ni Karla.
Ngumiti
lang si Jude. "’Di ba meron pa yung mga bumibisita rito dati. Kuya
J.." singit pa ni Lyka.
"Si
Kuya Jon?" sabi ni Chuchay. "Oo gwapo rin yun. Nasa lahi na kaya
namin," dagdag pa ni Chuchay. "Meron pa, si Kuya Mike, Kuya Vince at
si Chad," pagpapatuloy ni Chuchay.
"Hay,
ewan ko na lang kung magkanda-ugaga sa mga yun," malanding sabi ni Karla.
"Tigilan
mo na nga yan, Karla. Tigang ka na no?" pang-aasar ni Jude sa kaibigan.
"Oo,
bakit ikaw? Bahang-baha sa dilig?" balik-asar ni Karla sa kaibigan. Doon
nasamid si Jude sa kinakaing lumpia. Napaubo si Jude nang wala sa oras. Agad
naman nagpanic ang mga naroon sa mesa. Saktong-sakto rin ang pagdating ng owner
type jeep na sasakyan nila. Agad na nakita ni Jude si Lucas na bumaba sa driver
seat. Pero dahil madilim ang nasa kabilang gilid ay hindi niya maaninag kung
sino ang kasama ng pinsan.
"Nasaan
ka na?" tanong ni Jed sa kabarkada nang sumagot ito sa kanyang tawag.
"Nandito
na ako sa labas. Nakapark. Hinihintay ko lang kayo dumating.." sagot ni
Mac sa kaibigan.
"Halika
na, bumaba ka na. Kararating lang din namin," sagot ni Jed.
"Oo,
teka. Okay na kaya tong tatlong bote ng alak?" nahihiyang tanong ni Mac.
"Oo
naman. Halika na," sagot ni Jed.
"Oo
na, pababa na," si Mac sabay labas sa kanyang nirentahang kotse. Medyo
nailang si Mac dahil medyo naoverdressed siya.
"Jed,
bakit ganyan lang ang suot mo?" bati ni Mac sa kaibigan nang mapansin
niyang naka-puting shirt at khaki shorts lang ito samantalang siya ay naka-jeans
na itim, brown shoes at blue long sleeves na nakatiklop lang ang manggas.
"Okay
lang yan. Si Jude naman talaga dapat ang kadate mo. Failed lang,"
pang-aasar ni Jed sa kabarkada. Habang sa mesa ni Jude ay todo nakaabang kung
sino ang bitbit ni Lucas.
"Wait,
wait! Ayan na sila Lucas. May kasama siyang dalawang boylets," excited na
sabi ni Karla.
"Oh
shet! Ang gugwapo!" mahinang tili ni Karla sa kanyang tabi. Hindi na muna
iniintindi ni Jude ang mga sinasabi ng mga kasamahan at gusto niya na muna mahimasmasan
mula sa pagkakasamid.
"Hayop
na Karla to," bulong ni Jude sa sarili habang iniinom ang tubig na dala ni
Lyka. Patuloy pa rin ang paghimas ng kaibigan sa kanyang likod.
"Okay
ka na ba?" paulit-ulit na tanong ng dalaga. Tango lang naman ng tango si
Jude habang patuloy ang paginom ng tubig. Ngunit nanlaki ang kanyang mata nang
masulyapan niya kung sino ang kasama ng kanyang pinsang si Lucas, sina Jed at
Mac. Nakangiti silang pumapasok sa gate ng bahay ng kanilang kamag-anak. Hindi
makahinga si Jude. Ramdam niyang pumapasok ang iniinom niyang tubig sa kanyang
baga.
"Anak
ng pitong puting tupa!" sa isip ni Jude at muli siyang nasamid. Mas
grabeng ubo ang kanyang nagawa dahil sa dami ng nainom. Para talaga siyang
nalunod. Yumuko si Jude at patuloy na umuubo.
"Kuya,
okay ka lang ba?" si Chuchay na nag-aalala. Narinig naman iyon ni Lucas
kung kaya agad rin siyang tumakbo papunta sa mesa nila Jude at naiwan ang
dalawang bisita sa isang tabi.
"Insan,
okay ka lang?" si Lucas sabay tapik sa likuran ng nakayukong si Jude.
"Yes,
okay lang ako," hinahabol na hininga na sagot ni Jude. Nakayuko pa rin ito
habang inaalo ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"No,
hindi ako okay! Paanong nandito si Mac? Anong ginagawa niya rito? Paano
nakilala ng pinsan ang dalawang kaeskwela? Putangina! Paano? Bakit?"
sunud-sunod na tanong ni Jude sa kanyang isipan.
Susundan..
may karugtong po ba ito? sa pagka-alala ko hindi ito natapos ng OG author sa Wattpad eh.
TumugonBurahin