Lunes, Oktubre 30, 2023

Mga Kwentong Sikyu # 6 - SI BERT ANG MALAMBING NA GUARD (Part1) BY: DONALD L. (From: M2M Collection)

 


SI BERT ANG MALAMBING NA GUARD (Part1)

BY: DONALD L.

(From: M2M Collection)

Araw-araw, sumasakay ako ng jeep mula sa aming barangay papunta sa trabaho. Gusto ko ang lokasyon namin ngayon dahil accessible ang lugar at ang mga jeep na bumabyahe ay dumadaan sa mga mall, palengke at higit sa lahat malapit sa opisina namin.

Kapag wala akong field work, ay ganito ang aking routine sa; bahay, jeep, opisina, jeep at bahay uli.

Minsan, may nakasabay ako sa jeep, unang tinngin ko pa lang sa kanya ay nahulaan ko na agad ang kanyang trabaho dahil sa kanyang suot na uniform – isa siyang security guard. Pero inisip ko rin na hindi siya basta security guard lang dahil nakasuot siya ng boots, naka tuck in sa kanyang boots ang kanyang cargo pants. Puting t-shirl lang ang suot niya at may bitbit na back pack kung saan siguro nakalagay ang kanyang upper uniform. Magkakaharap kami sa jeep kaya hindi mahirap para sa akin na makilatis talaga siya.

Halos magkapareho ang aming physical features, skinhead ang gupit, matangos na ilong, nasa 5’4” hanggang 5’5” ang tindig. Mas maputi nga lang siya at mas matipuno ang katawan dahil siguro sa kanyang training. Halatang napuyat siya dahil nakatulog siya sa gitna ng traffic. Ang inisip ko sa sarili ko, baka nakipag-inuman ito kagabi o di kaya’y nag bantay ng bata hehe.  Hindi naman talaga siya ganun ka attractive, pero isa siya sa mga ipagmamalaki ng mga gwardiya, may dating.

Sabay kaming bumaba sa isang kanto, isang block mula sa opisina namin. Tumigil ako ng ilang sandali upang alamin sana kung saan ang kanyang punta at malaman kung saan siya nagtatrabaho. Kaya lang magkaiba ang direksiyon na aming pupuntahan kaya naglakad na lang ako sa direksiyon papunta sa opisina namin habang pinangarap na sana, maging maayos ang buhay niya at sana rin ay mag krus muli ang landas namin.

Nagbyahe ako ng isang linggo at tuluyan nang nawala sa aking isipan si matipunong security guard. Maayos naman ang aking biyahe. Maraming trabaho sa field, pero Masaya rin naman dahil marami na rin akong kakilala at kaibigan sa field.

Pagka lunes, maaga ulit akong nag-abang ng jeep upang makaiwas sa agawan at trapik. Nang makakuha na ako ng masasakyan, naalala ko si matipunong sikyu. “Nasan na kaya siya?” ang sabi ko sa sarili ko. Hindi naman ako gaanong naghanap, subalit sa tingin ko magiging mas masaya sana ako kung nakasabay ko siyang muli sa jeep na iyon.   Inalis ko na lang siya sa aking isipan at nag-concentrate sa pakikinig ng music mula sa aking mp3 player.

Sa araw-araw na paglalakad ko mula sa babaan ng jeep patungo sa opisina, memoryado ko na ang mga establishments na madadaanan, isang aplliance center, ang suki kong tindera sa bangketa ng mga kendi at nilagang saging, isang maliit na massage parlor, shirt printing shop, maliit na karinderya at sa pinaka kanto, ang malaking branch ng BDO. Pagdating sa BDO, liko lang pakanan at pangatlong building sa tapat ang opisina namin.

Kinabukasan, lakad ulit ako. Madalas kong naaabutan ang mga armoured cars na nakaparada sa labas ng BDO habang ang mga security persons na sumasama sa mga sasakyan ay naghahanda naman at nag-uusap sa may pintuan mismo ng bangko.  Habang dumadaan ako sa tapat ng bangko, hindi ko sinadyang mapatingin sa tumpok ng mga guwardya at nagulat talaga ako na makita ko ang matipunong gwardya, nagkasalubong pa ang aming tingin.

Iba ang naging reaksyon niya ng magsalubong ang aming tingin. Sa palagay ko ay naging pamilyar ako sa kanya, Naalala siguro na minsan ay nagkasabay kami sa jeep.  Hindi talaga ako nagkamali, sigurado akong siya iyun.  Mas maaliwalas ang kanyang mukha nang umagang iyon at mas pogi siyang tingnan kung nakangiti.

“What a nice day to start the day,” ang sabi ko sa sarili ko.  Sa buong araw na iyon ay madalas ko siyang maisip. Madalas rin akong sumisilip sa may bintana mula sa CR ng opisina namin kung saan abot-tingin ang isang bahagi ng Bangko, nagbabakasakali na makita ko siya mula sa aking kinaroroonan.

Araw-araw, ay ganito na ang aking gawi, sasadyain kong dumaan sa gilid ng bangko at bahagyang susulyap sa tumpok ng mga guwardiya.  Hindi ko alam kung nagkakataon lang, o talagang inaabangan niya rin ang pagdaan ko. Madalas ko kasi siyang nakikita. Bago magpang-abot ang aming paningin ay parang sina-survey niya ang buong paligid at pag nakita niya na ako’y bigla siyang titigil at titingin sa baba. Inisip ko na baka nahahalata niya na attracted ako sa kanya o di kaya’y pareho ang aming nararamdaman. Ang saya naman kung ganon!

Nagbiyahe ako ng dalawang linggo, syempre wala ako sa opisina at hindi rin kami nagkita. Pagkatapos ng aking biyahe, excited ako na mag opisina uli dahil makikita ko na naman siya. Malayo pa lang ako, ay nasulyapan ko na siya. Nakatayo siya at nakasandal sa malaking poste ng bangko, mga ilang hakbang lang mula sa daanan.  Bumili muna ako ng nilagang saging tapos pinasok ko sa backpack ko. 

Muli akong naglakad, nang papalapit na ako sa kanyang kinaroroonan, tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin na siya sa akin. Nginitian ko siya nang bahagya sabay tango ng ulo bilang senyas ng pagbati. Ngumit rin siya, ‘yun lang. Nilagpasan ko na siya at nakarating ako sa opisina namin na nakangiti.

Nang sumunod na mga araw, hindi ko siya naabutan dahil madalas nakaalis na ang mga armored cars. Hindi naman ako nalungkot subalit kulang ang mga araw ko. Hehehe.

Biyernes ng hapon, nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan na nagtatrabaho sa ibang kumpanya. Nagkasundo kami na magkita sa dating hang-out area namin. May isang arcade na madadaanan pauwi sa amin kung saan mura lang ang beer at hindi gaanong maraming tao, may tumutugtog pa ng pop music tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado.

Medyo makulimlim ang kalangitan noon, kaya pag-patak ng alas singko, takbo na agad ako sa tagpuan namin. Halos maubos ko na ang dalawang bote ng beer ay hindi pa rin dumadating ang aking kausap kaya naisip kong tawagan na lang siya. Napaka-lakas daw ng ulan sa kanilang area, kaya hindi sila makalabas. “Mukhang magsosolo na naman ako nito,” ang sabi ko sa sarili ko. 

Di rin naman ako makauwi, kasi maulan pa rin sa labas. Mabuti na lang at nakakasabay din ako sa tugtog ng banda.  Nakaramdam ako ng pangangawit ng likod dahil walang sandalan ang high bench na nakuha ko. Nakakita ako ng nabakanteng mesa sa may gilid at kinuha ko na agad iyon.  Ilang sandali pa, lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan, kaya dumami ang mga taong naki silong sa arcade. Ang mesang nakuha ko ay madadaanan pala papunta sa CR ng mga lalaki kaya kitang kita ko ang lahat ng mga papalabas mula sa CR. Pero hindi ko iyon pinapansin.

Nag-concetrate ako sa pakikinig sa banda, at minsan pasulyap sulyap sa mga kolehiyala na kumakain ng pizza sa kabilang mesa. may dating din naman ang mga chicks na yun, isang naka square pants, isang naka jeans, dalawang naka dress na hanggang sa ibabaw lang ng tuhod.   Na kukyutan talaga ako sa kanila kaya naisip kong mag request ng kanta para sa kanila.

Halos umalingawngaw ang kanilang tili nang magsimula nang kumanta ang singer, “You’re Beautiful” ni James Blunt ang nirequest ko.  Nagpasalamat sila sa akin at binigyan pa ako ng isang slice ng pizza, hehehe.  Pagkatapos nilang magpakilala ay nagpaalam na rin sila, ang sabi ay may pupuntahan daw silang kaibigan na may sakit.  

“Haay sayang!”  Hindi rin naman ako mahirap makahanap ng chick dahil me dating rin naman ako. Sa katunayan, marami rin akong naging girl friend na talaga namang maaring ipagyabang.  Ang misis ko nga ay dating candidate para sa mutya ng Unibersidad namin at naging muse din siya ng isang basketball team ng aming bayan.

So balik ako sa pagiging solo. Nag text ako sa misis ko para ipaalam sa kanya na matatagalan ako dahil na trap ako sa ulan. Sinabi ko na rin na umiinom ako habang hinihintay ang pagtila nang ulan. Nagpasalamt ako at may nag-request ulit ng kanta nang inihatid ng waiter ang pang limang bote ng beer ko.   Pagsandal ko sa upuan, napagawi ang aking tingin ko sa may pintuan ng CR. Tamang tama na siya ring paglabas ni matipunong sikyu.  Sa lahat nang tao na inaasahan kong makita sa lugar na ito ay siya na yata ang nasa pinaka huli kaya nagulat talaga ako.  Ngumiti siya sa akin at tinungo ang aking kinaroroonan.

“Hindi ba dun ka nagtatrabaho sa malaking building malapit sa BDO?” bungad niya.

“Bakit mo alam?” curious talaga ako kung paano niya nalaman.

“Madalas kasi kitang makitang dumadaan sa BDO, at minsang napadaan ang armored car namin sa tapat ng building ninyo, nakita kita papalabas, may mga kasamang foreigner,” paliwanag niya.

“International organization kasi ang pinapasukan ko at mga mga kasama kaming foreigner sa trabaho”

“Ako nga pala si Bert,” pakilala niya sabay abot ng kanyang palad.

“Nice meeting you Bert. Ako naman si Donald”

“Matagal na tayong nagkikita pero ngayon lang tayo nagkakilala.” sabi niya.

Natawa ako nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Siguro dahil sa tuwa na naaalala niya ako. Or dahil sa sitwasyon namin.

“Nag-iisa ka lang yata,” wika ni Bert.

“Oo, Hindi nakarating ang kausap ko dahil sa lakas ng ulan sa area nila eh. Ikaw, asan mga kasama mo?” tinapangan ko ang sarili ko para ma-sustain ang aming pag-uusap.

“Ahhh, may hinatid lang ako diyan sa kabila, kaya lang naabutan din ako ng ulan.”

“Ah ganun ba? Pa’no, pauwi ka na niyan?”

“Ganitong panahon, talagang swertehan lang kung makakakuha ka ng jeep. Kahit taxi pahirapan din eh.” Sagot niya.

“Totoo yan. Kaya nga ine-enjoy ko na lang muna ang sarili ko habang naghihintay sa pagtila. Mag-shot ka kaya muna, mukhang matatagalan pa bago tumila ang ulan. Tsaka tiyak, pagkatapos niyan, mas lalo pang dadami ang mga pasahero”

Inalok ko siya ng upuan sabay tawag sa isang waiter.

“Red horse or pilsen?” baling ko kay Bert.

“Mukhang nakarami ka na yata. Red horse na lang para makahabol ako,” sagot niya.

Dalawang Red horse stallion at isang pilsen ang dumating. At kumuha na rin ako ng isang order ng sisig.

“Mukhang nakarami ka na talaga ah hehehe,” si Bert

“Napasarap lang, wala din akong magawa eh. Medyo may amats na nga ako eh,”   paliwanag ko naman.

Mahaba ang naging kwentuhan namin ni Bert.  Agad din kaming naging close. Na kwento niya ang tungkol sa pamilya niya, mga karanasan niya sa buhay at kung paano siya naging sikyu sa BDO.

Natanong niya minsan kung kaylan kami unang nagkita. Kaya kinuwento ko nung una ko siyang nakita sa jeep na inaantok.  Natawa siya nang marinig ang kwento ko. Sabi niya naalala niya rin daw ako nung time na ‘yun. 

“Kaya pala parang kakaiba ang reaksiyon mo nung nakita kita uli sa BDO,” sabi ko,

“Siguro nga,” sabi ni Bert.  Tapos tuwing umaga nakikita na kita, minsan inaabangan ko rin kung ano ang isusuot mo hehe. Uniform ba yang suot ninyo?”

“Hindi ito uniform.  Requirement lang sa pinapasukan ko na magsuot ng polo at balat na sapatos,” wika ko.

“Napaka pormal naman ng opisina ninyo,” sabi niya.

“Kung titingnan mo, mas pormal ang opisina ng insurance na nasa baba ng building namin,” paliwanag ko.  “Tingnan mo ang mga tao nila, kung hindi nakabarong, naka long sleeves at naka kurbata,” dugtong ko pa.

Masarap at masaya ang kwentuhan namin. Hindi namin namalayan na mag-aala una na pala ng madaling-araw.  Nararamdaman ko rin na wala nang mapaglagyan ng beer sa aking tiyan na kung pilitin ko pang uminom ay talagang masusuka na ako.  Nahalata ko rin na medyo nakakahabol na si Bert sa tama ko dahil sa lakas ng kanyang boses at tawa. Pumupungay na rin ang kanyang mga mata at mapula na ang kanyang pisngi.

Unti-unting tumitila ang ulan at naisip ka marahil maluwag na ang mga sasakyan.  Niyaya ko so Bert na umuwi na at baka hindi pa nakakatulog sa kahihintay ang mga misis namin.

“Ako lang mag-isa ngayon sa bahay,” mabilis na sagot ni Bert. “May sakit kasi ang lola niya sa probinsiya nila at mukhang hindi na raw magtatagal kaya pinadalaw ko  na muna sa kanila.”

Nalaman ko rin na pareho kaming tig-isa pa lang ang anak at halos magka-eded rin. Parang may kakaiba akong tuwang naramdaman nang malaman ko na nag-iisa lang si Bert sa bahay nila. Pero hindi ko iyon pinansin.

Pagkabayad ko ng aming bill ay sabay na naming tinungo ang labasan ng arcade.  Hindi pa tuluyang tumila ang ulan kaya hinubad ko ang aking polo at ginamit itong pananggalang sa ulan.  Si Bert naman ay dumukot ng malaking panyo sa kanyang bulsa at siyang pinantabon sa kanyang ulo. Medyo malakas ang hangin kaya nakatuon ang aking atensiyon sa paghawak ng aking polo para hindi ito tangayin ng hangin. 

Mga ilang metro mula sa kalsada, nakakita ako ng taxi na nag-aabang kaya sinenyasan ko ito para hindi na siya kukuha ng ibang pasahero.  Sabay ng pagsenyas ko ay umuhip ang medyo malakas na hangin na siyang sanhi ng pagbigay ng isang tent ng isang bangketa sa tapat ko. Tamang-tama talaga na sa akin ang bagsak ng lahat ng tubig na naipon sa ibabaw ng tent.  Basang-basa ang aking polo, ang aking puting t-shirt pang-ilalim, pati pantalon at brief.

Napasigaw ako at nakabitaw ng hindi magandang salita dahil sa nangyari sa akin. Mabuti na lang nandun si Bert at pinakalma niya ako sabay sabi na walang may kasalanan sa nangyari at pauwi na rin naman kami.

Sa loob ng taxi, nagsimula akong manginig dahil sa lamig. Nagmungkahi ang driver ng taxi na hubarin ko na ang aking basang t-shirt dahil mas lalo nitong pinalalamig ang aking katawan.  Tinulungan ako ni Bert na hubarin ang aking t-shirt at hinimas-himas niya ang aking likod at balikat para daw uminit ang katawan ko.  Walang epekto ang ginawa ni Bert kaya namaluktot na lang ako sa pag upo – nanginginig.

“Yakapin mo na lang kaya yang kapatid n’yo sir,” mungkahi ng driver kay Bert.

“Ha! Ah, eh,” narinig kong sagot ni Bert, pero pagakatapos ng ilang segundo, naramdamot ko ang pagbalot ng mga bisig ni Bert sa aking katawan.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na makapagbitaw ng mahinang tawa sabay sabi ng “awkward”.

“Bihira na lang ako nakakakita ng magkapatid na sabay gumigimik, lalo na sa ganyang eded,” sabi ng driver.

Wala akong narinig na sagot mula kay Bert.  Hinayaan ko na lang din ang katahimikan.  Sa loob ko, nag-iisip ako kung ano ang naging basehan ng driver para isiping magkapatid kami ni Bert.  Inisip ko na rin na siguro mas makakabuti ng isipin ng driver na ganun para mas liglas kami sa pagdududa.

Ilang sandali pa, narinig ko si Bert na pinakiusapan ang driver na itabi ang taxi sa tapat ng isang pulang gate. Hindi ako maka imik dahil naisip ko na magkapatid ang assumption ng driver sa amin ni Bert.

At maaring magbago iyon kapag pakikiusapan ko siyang ihatid ako sa amin.  Sinakyan ko na lang muna ang gusto ni Bert, at inisip ko na kukuha na lang ako ng ibang taxi pagkababa ko.

“Magkape muna tayo,” alok ni Bert pagka baba namin sa taxi. “Kawawa naman ang misis mo kung siya pa ang pagtitimplahin mo ng kape.”

“Nakakahiya naman din sa ‘yo kung ikaw ang magtimpla ng kape ko,” pabiro kong sagot sa kanya.

“Ito na ang bayad ko sa ‘yo. Nilibre mo ako ng beer eh,” wika niBert.

Nahiya na rin akong tumanggi at tila may kung anong masamang ispiritu na bumubulong sa akin na gusto ko rin ang mga nagyayari.

Pinaupo ako sandali ni Bert sa kanilang sala habang nagtungo siya sa kwarto para makakuha ng tuwalya.  Sa mga gamit na nasa loob ng bahay nila, nagkaroon ako ng impression na maayos ang kanilang pamumuhay.  Ang pinaka una kong basehan, meron silang lamp shade at merong nakabitin na maliit na chandelier sa kisame. Para sa akin, kaluwagan na sa budget kung makakabili ka ng ganong mga gamit.

“Mag shower ka muna, hindi tayo sigurado sa pinggalingan ng tubig na nakabasa sa iyo.” Narinig ko ang tinig ni Bert mula sa aking likuran.   “Gamitin mo lang ang heater para hindi ka kabagin”

Para akong bata na hindi maka tanggi at sunod lang ng sunod sa mga sinasabi ni Bert. Inituro niya sa akin ang banyo sabay sabi na paglabas ko ay nakahanda na ang kape.

Lalo akong na impress nang pumasok ako sa kanilang banyo.  Bagama’t hindi malaki ang lugar, maayos naman ang pagkalagay ng kanilang sink, inidoro at shower cube.  Dalawang wall lamp ang nakabitin na pumapagitan sa isang malaking salamin.  At may painting ng isang babaeng nakahubad habang naliligo sa tapat ng salamin.

Habang ine-enjoy ko ang mainit na shower, inaalala ko ang mga pangyayari nung gabing iyon. Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang pagyakap ni Bert sa akin habang nasa taxi. Sinong mag-aakala na ang dating sinusulyapan ko lang habang naglalakad ako papuntang opisina ay niyakap ako kanina lang.  At ngayon, heto ako, naliligo nang nakahubad sa kanilang banyo.  Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin ngayong solong-solo namin ang buong bahay nila Bert.  Pero hindi naman ako nagnais na may mangyayaring mas intimate pa kaysa kanina. Dahil ngayon ay kontento akong naging kaibigan ko si Bert.

“Meron pala kaming Camomile tea, naisip ko lang baka gusto mong subukan.” Nagulat ako at biglang napatalikod nang marinig ko si Bert at nakitang nakatingin sa akin mula sa pintuan ng banyo.

“Ok lang, kape lang ako. Hindi ako mahilig sa tea eh,” sagot ko.

“Huwag ka masyadong magsasabon, at baka maamoy ng asawa mo, dalawa lang ang patutunguhan, tatanugnin ka niya kung saan ka naligo o kayay papaliguan ka niya ulit, ng halik,” Narinig ko ang kanyang tawa habang naglalakad pabalik sa kusina.

Ilang sandal pa, magkaharap kami sa sala habang hinihigop ang mainit na kape.  Suot ko ang isang cotton na shorts na inabot niya kanina inabutan niya ulit ako ng isa pang tuyong tuwalya na ipinatong ko naman sa balikat ko.   Pagkaubos ng aming kape, nagpunta si Bert sa likod ng kanilang bahay at pagbalik ay bitbit niya ang pantalon, brief at polo na manit-init pa.  Pinatuyo pala niya ang mga ito sa kanilang drier.

“Naku nag-abala ka pa, malapit lang naman sana mula dito ang amin eh,” nahihiya kong usal.

“Kahit na, pag-uwi mo ikaw na lang mag-isa. Wala na ako sa taxi para yakapin ka.”

Hindi ko alam kung merong pabaong mensahe ang mga sinabi niyang iyon, basta sinabayan ko nalang ng tawa sabay suot ng pantaloon ko.

Nang maiayos ko na ang lahat ng butones ng aking polo ay nagpaalam na ako kay Bert.

Sinamahan niya ako sa gate. May ilang minuto rin kaming nag-abang ng taxi at nag-usap. Minsan may dumaang taxi na bakante pero nilagpasan lang kami.  Inisip ko sa sarili ko na kung wala lang sanang naghihintay sa akin sa bahay, maari akong tumigil muna sa kanila at mag-uusap kami buong magdamag.

May isang bakanteng taxi na tumigil sa aming tapat subalit sinenyasan ito ni Bert na hindi kami sasakay.  Nagtaka ako at tinanong ko si bert kung bakit niya ito inayawan.

“Bukas ka na lang kaya umiwi?” sabi ni Bert.

Natuwa ako nang marinig ang imbitasyon ni Bert subalit naisip ko na talagang magmamadaling-araw na at talagang kailangan kong makauwi para makaiwas sa interogasyon ni misis.  Kaya tinganggihan ko siya at napaliwanag nang maayos. Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking pantog at parang lumala ang pag-asim ng aking sikmura. Pumasok ako ulit sa gate nina Bert at nagparaos ns na nakaharap sa kanilang pader.  Habang umiihi, hindi ko rin napigilan ang pag-akyat ng laman ng aking sikmura a tuluyan akong napasuka. Nakakatawa ang kalagayan kong iyon dahil nga sabay ang aking pag-ihi at pagsuka.  Mabuti na lang at naroon si Bert para umalalay sa akin.

“Steady ka lang,” sabi niya sabay himas sa aking likod. Naramdaman ko rin ang pagsuporta nang kanang kamay niya sa aking tiyan upang hindi ako matumba.

“Baka nalamigan ka lang dahil nga naligo ka,” siya ulit.

“Oo nga,” sabi  habang inayos ang pagkasara ng zipper ng aking pantalon.

Pagkaharap ko sa kanya, hinawakan ko siya sa dalawang balikat at nagpasalamat sa kabaitan niya.

“Ngayon lang tayo nagkakilala pero parang kilala na kita,” sabi ni Bert. “Nararamdaman kong mabait kang tao.”

Nakangiti lang ako nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon.  Tapos inabot ko ang kanyang kanang palad upang kamayan.  Tapos niyakap ko siya. Maluwag sa puso ko at walang halong malisya ang pagyakap na iyon.  Basta parang masaya lang ako na kasama ko siya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kung paano ko nagawa, basta naalala ko lang na tinanong ko siya kung pwede ko siyang halikan.

“Ikaw!” Iyun lang ang sagot niya.

Tiningnan ko siya sa mukha at hinayaang sabihin ng aking mga mata ang aking nararamdaman.  Hinalikan ko siya sa kanyang mga labi at pagkatapos ay niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Tapos binulungan ko siya sa kanyang tenga, “Parang mahal na kita bilang kaibigan Bert at gusto ko sanang mananatili tayong ganito. At gusto ko ring makita kang palaging masaya. Ingatan mo palagi ang sarili mo at alagaan mo ang iyong pamilya,”

Wala akong narinig na sagot mula kay Bert maliban sa mainit at mahigpit na yakap at haplos sa aking likod. Naka ilang minuto rin kami sa ganung posisyon hanggang sa naalala ko ulit na kailangan ko nang makauwi. Bumitaw ako sa pagyakap kay Bert at humakbang na patungo sa kanilang gate. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay hnawakan niya ako sa balikat kaya napalingon ako.N akangiti si Bert habang sinasabi na gusto niyang yakapin ako ulit. Na kyutan ako sa ginawang iyon ni Bert kaya ilang mahihinang halakhak ang lumabas sa bibig ko habang inangat ko ang aking mga bisig at inalok ito sa kanya.

“Kita tayo next week,” sabi ko sa kanya.

“Dapat lang,” sagot niya.

Natapos rin ang napaka cheesy naming eksena at nakalabas na rin ako sa gate nila.

 

 

Itutuloy…

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...