Idol
Ko Si Sir (Part 4)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
“Oh, come on, Carl. Huwag
kang magkunwari ‘tol, in love ka ano? Sino? Sino ang tangnang swerteng babaeng iyan,
ha?”
“’Yan na nga ang
problema tol eh...”
“Putsa, kala ko ba hindi
ka namomroblema sa babae. Sa gandang lalaki mong yan? Matalino, mayaman, campus
idol, kilabot ng mga chicks, ng mga koleheyala, ng mga guro, ng mga madre, ng
mga kung anu-ano pa? Anong pinoprob----“
“Lalaki siya ‘tol.”
ang casual kong pagkasabi pag cut sa kaniya. Parang malaglag si Ricky sa
inuupuan sa reaksyon niya.
-----o0o-----
“Hah! Tama ba ang narinig ko, ‘tol na
na-inlove ka sa lalake, as in capital L-A-L-A-K-E... yung may lawit ng katulad
ng sa akin at sa i--”
“Oo. At oo pa!”
Sinampal-sampal ni
Ricky ang mukha niya. “Lasing na ba ako, o nakatulog na sa kalasingan? ‘Tol
naman... wag mong sabihing sa akin ka na-in love. Kahit ganiyan ka kagandang
lalaki... sige papatulan na kita,” sabay tawa. “’Tol, naman, huwag kang magbiro
ng ganiyan, please lang.”
“Seryoso nga ako, ‘tol.”
“Shiiiiittttt!
Tangina. Seryoso talaga. Ok, fine. Pero bigyan mo naman ako ng panahong
mag-isip plis bago kita sagutin... naman o?”
“Tarantado! Hindi sa
iyo,” sabi kong sabay batok sa kaniya.
“Raykupo! E, kanino?
At bakit? Huhuhuhu! ano ba tong nangyari sa iyo, tangna ka. Sa kadami-dami ng
babae diyan na nagkandarapa sa iyo. Pa’nu ka ba nagkaganiyan, punyeta ka.
Huhuhuhuhu!”
“Bago ko sagutin
yan, promise ka muna. Una, wag kang mabigla. Pangalawa, atin-atin lang ito.
Mai-promise mo ba iyan sa akin?
“E nabigla na nga
ako, e hinayupak ka, ganiyan ka pala wala akong kaalam-alam, uhuhuhuhu! Buti ‘di
mo ako pinagtripan, leche na iyan, pa’nu gamutin yan? Huhuhuhu!”
“Mai-promise mo ba
ang tanong ko! Wag ka ngang mag inarte d’yan? Mas ikaw pa ang mukhang bakla
eh.”
“Ngekkk! At ako pa
ngayon? Disgrasiya na!”
“Ano mai-promise mo
ba? O babatukan kita?”
“Oo na! Sige na,
atin-atin lang, promise. Tangina na yan! Uhuhuhuhuhu!”
“Bakit ka ba umiiyak
d’yan, tarantado ka. Sige ka, pag nawalan ako ng gana, hindi ko na sasabihin ‘to
sa iyo, at iiwanan na kita dito, ikaw pa ang magbayad ng lahat ng inorder
nating yan,” ang pasigaw kong sabi. Parang binuhusan ng malamig na tubig si
Ricky.
“E, sorry tol... ‘di
ko kasi alam kung nagbibiro ka lang ba, o talagang seryoso e. ‘Di ko alam kung
paniwalaan ang mga sinasabi mo o ano. ‘Di ka naman lasing, ‘di ka naman siguro
naka-bato. Seryoso ka ba talaga?” ulit niya.
“Seryoso nga, ano ka
ba! E, kung ikaw nga nalilito sa sinabi ko, ako pa kaya? Nahirapan na ako ‘tol,
sobra!” sabi kong sabay hampas sa dibdib.
“Hindi mo ba kayang
kontrolin iyan? O kaya, ibaling mo na lang sa akin, hehehe, jokes lang pare,
pinapatawa lang kita.”
“Kung pwedi nga lang
e, bakit hindi. E, kaso... Ewan ko ba, mababaliw na yata ako neto!”
“E, di sabihin mo sa
kaniya?”
“Ganiyan lang ba
ka-simple?”
“Alam mo, ‘tol... sa
akin lang ha? Pag may gusto akong isang tao o bagay at dumating ang opportunity
na pweding i-grab yun, I’d grab that opportunity talaga. Kasi, pag nawala na, o
lumampas na ang pagkakataon na yan at hindi ka man lang nag try, buong buhay
mong sisisihin ang sarili kung sana sinunggaban mo ang opportunity at ano ang
nangyari. Kung ngayon na at susunggaban mo ang chance at sasabihin mo sa tao na
mahal mo siya at sasagutin ka niya na ayaw niya o ayaw niya sa iyo, at least,
nag-try ka. There’s no harm in trying sabi nga nila. At sabi ko naman sa iyo
ngayon na kung mag-exert ka ng effort to try, you have already won 50% of your
battle. The other 50% ay yun na yung kung ano man ang maaaring isasagot niya sa
iyo.” Ang buong seryosong tugon ni Ricky sa tanong ko.
“You mean OK lang sa
iyo na heto, lalaki ako at lalaki rin yung liligawan ko?”
“What’s wrong with
that? As long as masaya ka, masaya siya, at wala kayong inaagrabyado o
sinasaktang tao... It doesn’t matter. Pero syempre, there is a price to pay,
sabi nga nila, lalo na sa pag-ibig. Are you willing to give up something?
Halimbawa, can you stand it kung biglang may mga magagalit sa iyo o mag-iba ang
tingin sa iyo ng mga tao o kapwa mo estudyante? Or can you accept it if you get
suspended or kicked out from the very school which you have learned to love?
Can you take it if your mom gets furious with what you have decided to do with
your life?”
“Mukhang may punto
nga si Ricky,” ang sabi ko sa sarili. “Thanks tol, kahit papano, meron akong
insight galing sa yo.” ‘
“All the time, ‘tol.
At kahit ano pa man ang gagawin mo, ‘di mawawala ang respeto ko at saludo pa
rin ako sa iyo. Maninindigan ka lang, d’yan lang ako, susuporta sa iyo,” ang
sabi niya sabay extend ng kamay sa fraternal handshake namin at bigay ng hug.
“Sandali nga pala... Sino naman yang tangnang lalaking yan? Bubugbugin ko na
yan e! Pag nalaman ko kung sino yan ha, heto, dila lang ang walang latay ng
taong yan! Sino ba ang lecheng lalaking yan?”
“Si Sir James!”
Natulala si Ricky
nung masabi ko ang pangalan ni Sir James. “O, ano, bubugbugin mo na ba?” hamon
ko.
“Hah? Hindi ah! Ala
akong sinasabing ganiyan. Ano ka... gusto mong ma-kick out ako sa school? At
pareng Carl, ano ka ba naman... Maghanap ka lang ng lalaki siya pa?
Kadami-daming lalaki d’yan sa campus, iba na lang, plis. Kung gusto mo yung
sekyu sa main gate, may hitsura yun at sa palagay ko, may crush sa iyo ang
tangina dahil kapag pumapasok ka na ng campus, ang lagkit ng tingin sa iyo, e!
Kung yun na lang ang pag-tripan mo kaya, makikisimpatiya pa ako, akin yung
night shift guard, ehehehehe!”
“Gago ka, kahit
kailan puro ka katarantaduhan! At akala ko ba sabi mong susunggaban ko pag may
opportunity? May pa percent-percent ka pa jan. Ngayon, bubuwelta kana! Atsaka,
hindi ako naghahanap ng lalaki, isaksak mo iyan sa kokote mo. Para hindi mo ako
kilala e!”
“Ok, ok, biro lang
po! Pero yung opportunity na sinasabi ko, hindi suicide yun! Magpapakamatay ka
na yata eh! At saka, nanahimik na yung tao, hindi ka na pinag-iinitan nun. Huwag
mo nang buhayin ang nakaraan. Teka...” napahinto sandali si Ricky sabay bitiw
ng pilyong ngiti “Di ba nanggagalaiti ka sa galit sa kaniya? Uyyyyyy, aminin!
Tangna, mukhang kikiligin na ako sa estorya neto ah, ‘the more you hate the
more you love’? Yun ba yun? Syeeeeeeeeeeeet!”
“Yun na nga eh.
Nagsimula lang naman to nung na-realize ko ang pagkakamali ko at nakita kung
paano niya ibinuhos ang oras at attention para lang ako mapatino at kung gaano niya
ako binigyang halaga. Nung makita ko ang tatag, ang paninindigan sa kabila ng
kung anong hirap ang pinagdaanan niya sa buhay, naaapreciate ko na lahat ng
bagay sa kaniya. Tangina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko eh! Naaawa,
humahanga… at gusto kong nandiyan siya palagi sa tabi ko; makita, makausap.
Hinahanap-hanap ko na siya, bro!”
“Grabe ka rin ano?
Kung makapagsalita ka’y parang babae yang object-of-desire mo, tangina na yan.
Hindi kaya ang hinahanap mo lang ay yung sinasabi nilang father-figure? Paslit
ka pa kasi nung mamatay ang dad mo, di ba? O kaya’y naghahanap ka ng kapatid,
dahil nag-iisa ka lang sa family, o di kaya’y sadyang bakla ka na talaga nung iniluwal
ka ng mommy mo, ehehehehehe!”
“Babatukan na kaya
kitang tado ka. Ewan, hindi ko alam.” Nahinto nalang ako bigla, dala ng
tinamaan sa sinabi ni Ricky. “Baka nga siguro... naghahanap lang ako ng
father-figure. Simula nung paslit pa lang ako, hinahanap-hanap ko na ang
pagmamahal ng isang dad, tinatanong sa sarili kung ano ang feeling kapag ang
isang pamilya ay buo at may dad na kalaro, kasama sa pamamasiyal, nag-aalaga,
nagpo-protekta, nagtuturo ng kung anu-anong bagay, nagbibigay ng advice at
guidance sa mga problema...”
At muling sumiksik
sa isipan ko ang mga sandali na napapaiyak na lang dahil tinutukso sa school, o
kaya’y nakikita ang ibang mga batang merong mga daddy na kasama sa pamamasiyal.
At bumalot na naman ang matinding pangungulila, di namalayang tumulo na pala
ang luha ko. Sa hiya, bigla kong tinalikuran si Ricky.
“Hey Bro! Anong
nangyari? May nasabi ba akong hindi maganda? Hey! Sama ako, san ka pupunta?”
“Magpapakamatay!” sagot kong pagmamaktol.
“A, ok... Sige,
solohin mo nalang,” ang biglang pag-urong ni Ricky. Alam niya na pag ganung
umaalis na lang akong bigla, gusto kong mapag-isa. Alam ko rin, naguguluhan si
Ricky at ‘di makapaniwala sa nalaman niya.
Nagbukas ulit ang
school year. Panghuling taon ko na iyun sa college at kagaya ng nakaraang taon,
pinag-igihan ko ang pag-aaral at mga gawain sa school. Ibinoto pa rin akong student
council president at ginalingan ko lalo ang pag-aaral dahil gusto kong makakuha
ng honors sa graduation. Ngunit bumabagabag pa rin sa isipan ang hindi
mamatay-matay na naramdaman ko para kay Sir. Habang tumatagal ito, lalong
tumitindi. At kahit masakit, tiniis ko iyon; walang humpay na pagtitiis.
Second semester nung
mapagdesisyonan kong gumawa na ng hakbang para dito. At nasumpungan ko ang payo
ni Ricky na kapag dumating ang isang pagkakataon, i-grab iyon habang nandiyan
pa. “Malapit na kaming maghiwalay ni Sir James. Bago pa man maging huli ang
lahat, gagawin ko na ang bagay na to. Malay natin?” ang pag-encourage ko sa
sarili.
Sa buong linggo na
iyon, pinag-igihan kong maging mas malapit at maging mas sweet pa kay Sir
James. Nandiyan yung sadyang sasabay talaga ako sa kaniya sa pag-uwi at
pasakayin siya sa kotse, bibigyan ng kung anu-ano, gaya nalang ng polo shirt o
pantalon, mga pocketbooks na paborito niya, souvenir items na binibili ko kung
saan-saan, pagkain. At tinatanggap naman niya ang lahat ng ibinigay ko.
Hanggang sa nung pinadalhan ko na siya ng mga bulaklak, kuniyari para sa office
niya, kinausap na niya ako tungkol dito.
“Carl, first of all
I really, really appreciate your effort and thoughtfulness. I am happy to have
seen how you have changed and how you have become the person that everyone
looks up to and emulate. As your mentor and friend, I am very proud of you; I
mean it. I appreciate all the commendable things that you have done for the
studentry and for the school. And there is no doubt that everyone is happy with
your performance...”
“So...?” Pag
interrupt ko habang nag-iisip siya sa sunod na sasabihin, tila nahirapang
i-open ang issue.
“I have just
observed that our closeness,” pag emphasize niya sa katagang ‘closeness’ “seems
to be sending a wrong signal...”
“I don’t get it
James, can you go direct to your point?” Ang pag cut ko sa sinabi niya, may
halong protesta at pagkainis sa narinig na katagang “wrong signal”.
“Ok... I want to
keep a distance,” ang diretsahan na niyang sabi.
“What!” ang nasambit
ko sa pagkabigla sa binitiwan niyang salita. “Bakit? Anong nagawa ko?”
“Nothing. I just
want it that way, Carl, and I hope you will respect that.”
“Sir naman...? Wala
naman akong masamang intensyon sa pagbibigay sa iyo ng kung anu-ano ah...”
“Are you sure,
Carl?” at tumalikod na patungong pintuan. Para akong sinuntok sa malaman at
matalinghagang sagot na yun ni Sir. “Mukhang natunugan niya ang plano ko...”
ang tanong ng utak kong naturete. “Sir, wag naman ganiyan. Ano ba ang ginawa
kong masama...?” Pahabol kong sigaw habang binubuksan na niya ang pinto palabas
ng office. Ngunit hindi na niya ako pinansin.
Simula noon,
iniiwasan na ako ni Sir James. Hindi na siya sumasakay sa kotse ko kapag niyaya
ko at kapag may ipinabibigay ako sa kaniya, ipinababalik niya. Kung pupunta
naman ako sa office para i-refer ang mga proposals, iba na ang pakikitungo niya.
Kumbaga, purely official business na lang. Hindi na siya nakikipag-usap tungkol
sa mga personal na bagay. Sobrang nasaktan ako sa nakitang pagbabago. Kaya
isang araw, naisipan ko na lang na gumawa ng sulat at inilagay iyon sa ibabaw
ng tray niya.
-----o0o-----
“Dear
Sir James,
I
am so sorry if I may have bothered you with this letter. But I have no other
recourse than to put my thoughts in writing. For the past days, I have observed
that you have changed. You are not anymore the professor whom I used to know,
the friend who was so accommodating, so thoughtful, and so open with everything,
the friend who pays attention even to the senseless things that I say, laughs
at my corny jokes, and takes a little of the food that I am about to put into
my mouth. You have no idea how this abrupt change has affected me and turned me
crazy.
Certainly,
there must be a reason; a reason that I deserve to know and for which you owe
me. Tonight, I will be coming over to your flat. I beg you to please allow me.
I need to know what’s going on.
Carl
Miller.”
-----o0o-----
Alas 8 ng gabi nung
dumating ako sa lugar... Bagong paligo, nilinis at siniguradong mabango ang
lahat ng parte ng katawan, at suot-suot ang bagong t-shirt at maong, nakatayo
ako sa harap ng gate. Syempre, ibayong kaba ang naramdaman, hindi magkamayaw
kung tatanggapin ba niya ang request kong makipag-usap o kusa na lang ba niya
akong pagtaguan. Naalala ko ang una kong pag-punta doon. Halos walang
ipinagbago ang kabuuang anyo ng flat ni Sir. Nandun pa rin ang mga matitingkad
na pulang bougainvilleas na walang humpay sa pamumulaklak at nagsilbing arko at
shade ng gate, ang kulay puting pintura ng mga metal grills, at ang sementong
upuan sa gilid nun. “Deja vu?” ang nasambit ko sa sarili at malalim na buntong
hininga ang binitiwan.
Hawak-hawak ng
kabilang kamay ang isang supot na puno ng setserya at bote ng imported na alak,
kumatok ako. Nakailang beses din. Akala ko hindi na ako ulit makakapasok pa sa
kwarto na yun nung biglang bumukas ang pintuan. Si Sir James, naka shorts at
t-shirt, at halatang bagong paligo. Parang lumundag sa tuwa ang puso ko sa ‘di
akalain na paghintay niya sa akin at sa nakitang anyo. Bakat na bakat sa suot niya
ang matipunong katawan at ganda ng ipinamalas na ngiti. Ang nasambit ko na lang
ay, “Hi James!”
“Hi Carl! Natanggap
ko ang note mo so I expected na darating ka. What’s up?” ang sambit niya habang
tuluyang binuksan ang pinto at pinapapasok ako.
“Heto, ok lang naman
sana but I got some things to clear up...” hindi ko na itinuloy ang sinabi.
“Heto pala may dala akong imported wine at pulutan,” sabay upo sa sofa.
Tiningnan niya ako.
“Sorry but I don’t
drink, Carl. Soda drink na lang ang sa akin. Ayokong mangyari ulit yung
nangyari dati… Nangyari lang naman iyon dahil you trapped me into doing it,
right? Alam mo yun.”
Medyo natigilan ako
sa narining. “Ibig sabihin, naalala pa pala niya ang nangyari sa amin...” sabi
ko sa sarili na may magkahalong kaba at kiliting naramdman sa pagbukas niya sa
issue na yun.
“OK, fine...
Kinorner kita nun para makainum. At, I’m sorry sa ginawa ko na iyon. I was
mean. Pero, alam mo naman na talagang salbahe pa ako nun, diba?” ang pag-amin
ko habang inilagay ang wine at mga pulutan sa mesa. “So, ako na lang ang iinum
netong dala ko? Isn’t it a little impolite on the part of the host if his guest
takes a drink and he’s not joining?” pagparamdam ko.
“Yeah, I think so.”
ang mabilis niyang sagot. “But don’t forget that the host can also be polite by
showing the door to his guest... Ano, you want me to do it the polite way or
the impolite one?”
“Hahahahaha! Ang
tindi mo talaga James. Ok, it seems I have no choice.” Napangiti siya at
tumango, “So impolite it is!”
Kumuha siya ng isang
baso, isang bucket na may ice at inilagay iyon sa mesa. Kumuha din siya ng
isang soda drink sa refrigerator, binuksan at habang hawak-hawak, “OK, so ano
ba ang napaka-importanteng pag-uusapan natin na kailangan mo pang maglasing?”
Binuksan ko ang
bote, nilagyan ng ice ang baso, itinagay ang wine, at pinaikot-ikot ang laman
nun saka tinungga. “Ahhhhh, sarap talagang uminom, James, di ka ba nainggit?”
sabay lagay ulit ng wine sa baso at ulit, tinungga.
“Hey! Don’t beat
around the bush, Carl. I don’t have a day!”
“Wait ka lang,
James... sandali lang ha?” at ulit tumungga ako, at tumungga pa. Kitang-kita ko
sa mukha ni James ang pagka-asar. Medyo naramdaman kong umiikot na ang paligid
nang magsalita na ako. “Pwede ba, James umupu ka sa tabi ko, please?” Gusto
kong matawa sa request ko sa kaniya. Lumakas ang kabog sa dibdib at parang
nakikiliti sa naglalarong hindi maganda sa isipan. Kalmanteng umupo nga si Sir
sa tabi ko, malapit pero may konting gap.
“Ok, para lang
matapos to... Now, go ahead Carl.”
Nag-isip muna ako ng
malalim. “Hindi ko alam kung panu sisimulan ngunit ako ay sobrang nasaktan sa
pagbabago ng pakikitungo mo sa akin, James. Hindi ko alam kung ano ang nagawa
kong mali na kailangan mo akong iwasan. It drives me crazy, James... believe me,”
ang seryoso at malungkot kong sabi.
“Carl, una sa lahat,
hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang mag-set ng distance, a certain code,
kumbaga. I feel that we have become too close for comfort. Para kasing
nasasakal na tayo without even knowing it. ‘Di mo ba napapansin ang tingin ng
ibang mga estudyante sa ginawa mong pagdidikit sa akin? Hindi lang ako teacher
Carl, remember that; I am also an administrator. You should undestand that
point. I have a code of ethics to follow, someting that prevents me from being
inappropriately and dangerously close to any student, not just you.”
“You mean that our
closeness is “inappropriate” or “dangerous”? “Honestly?
“Yes. It has become
inappropriate. Especially when you sent me those flowers? I felt like a – ugh!
– shit.”
“Well then, if it’s
the flowers, let go of the flowers. But please James, huwag mo akong iwasan.
Ibalik natin yung dating closeness natin.”
“Carl, you don’t get
me, do you? It’s not about the damn flowers, ok? It’s about sense of propriety
and respectability. Don’t you still get it? People are talking about us!” ang
pasigaw niyang sabi.
Nagulat ako sa laman
ng sinabi niyang iyon. “So, natakot ka sa kung ano man ang sasabihin ng ibang
tao kaysa kung ano ang naramdaman ko, ganun ba yun? ang sagot kong pasigaw din.
“Oh I see... I
forgot about you. Ok... Bakit! Ano nga pala ang nararamdaman mo, Mr. Carl
Miller? Bakit ba para kang mamamatay na sa maliit na bagay na hiniling ko? Sige
nga, sabihin mo!”
Para akong sinampal
sa tanong ni James na iyon. Sumisigaw ang isip kung sasabihin na hindi maliit
na bagay ang hiniling niya at hindi maliit na bagay ang nararamdaman ko para sa
kaniya. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang matinding takot. At ako’y napayuko na
lang at napahagulgol na parang bata. Marahil ay dala na rin ng matinding awa,
nagulat na lang ako nung yakapin ako ni Sir James na parang may alam siya sa
paghihirap ng kalooban ko. Hinaplos niya ang likod ko, ang buhok... Niyakap ko
na rin siya, mahigpit na mahigpit... hanggang sa gumapang ang mga kamay ko sa
mukha niya. Marahang hinaplos ng mga daliri ko iyon, tinitigan ko siya na ang
mga mata ay animoy nakiusap at nagmamakaawa. Hanggang sa unti-unti kong
inilalapit ang mga labi ko sa mga labi niya...
Mabilis ang mga
pangyayari at namalayan ko na lang na naglapat na ang mga labi namin ni Sir.
Hihilahin ko na sana siya pahiga sa sofa nung bigla na lang siyang kumalas sa
pagkayakap ko at tumayo.
“Carl, I have to ask
you to leave...” ang tugon niya, habol-habol ang paghinga.
“James, I don’t
understand!” sagot kong biglang nanlaki ang mga mata sa pagkalito.
“Just leave Carl,
OK?” diin niyang mejo tumaas ang boses. Parang nag-init ang tenga ko sa narinig
at sa naunsiyaming halikan.
“No, James, unless
you give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa
iyo? Palagi ka nalang ganiyang gumagawa ng hakbang na hindi ko maintindihan?
Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw
kong sabi sabay duro sa kaniya.
“Huwag mong
pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”
“Di saktan mo ako
kung gusto mo! Magaling ka naman sa martial arts e, kayang-kaya mo ako!” ang
paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit
hanggang sa halos maubos na ang laman nito. Wala ng magawa pa si Sir kundi ang
pagmasdan ako. At para mainis siya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko at
sumayaw-sayaw sa harap niya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman
niyang naagapan at nasalo ang katawan. Pinaupo niya ako sa sofa. Hindi ko na
nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka, nagkalat sa carpet at sa
sofa. At pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.
Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento