Biyernes, Oktubre 13, 2023

PARI (Part 11)

 


PARI (Part 11)

 

 “Ang galing mo palang makipagtalik Samuel. Matagal mo na bang ginawa ang ganito?” tanong in Alfonso.

“Oo, marami na ring beses, sa seminaryo pa, sa aking ka roommate at sa ibang kaibigan ko. Dalawa lang naman silang nakatalik ko,” pag-amin ko. “Dito, nang pari na ako ay oo rin, sa isang estudyante, pero isang beses lang. Doon din sa kumpisalan at hindi na naulit dahil na konsensya ako.”

“Wow! Sa kumpisalan? Bakit hindi mo ginawa sa akin?”

Hindi na ako sumagot pa, nagbihis na si Alfonso. “Hindi ka ba mag-stay muna dito. Mamaya ka na lang umalis,” wika ko.

“Hahaha. Alam mo ba na hindi ko naman ginawa ang pinagagawa mo sa akin, na magrosaryo at magdasal,” wika ni Alfonso.

Natigilan ako, nagtatanong ako gamit ang akimg mga mata.

“Tama ang narinig mo. Hindi na ako magtatagal. May naghihintay sa akin, ang pang 89 kong lalaki, ikaw ang aking pang 88. Ang aking goal ay maka 100 lalaki bago ako mag-graduate hehehe.”

Isang malakas na dagok ang aking naramdaman. Niloko ako ng isang bata. “Bakit mo ginawa ito sa akin?”

“Sorry Father Samuel, hindi ko akalain na makakaya kitang akitin. Katulad ka rin pala ng iba, madaling akitin. Bye Father,” paalam ni  Alfonso.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ay may sinabi pa siya. “Father, maghanap ka ng sakristan, bata at hot ang kuhanin mo.”

Nanlumo ako. Nagkasala ako at napaloko sa isang bata. Hindi ko napag-aralang mabuti ang kanyang saloobin. Totoong napamahal na siya sa akin, pero hindi naman ang tulad niya ang magpapa-iyak sa akin.

Nangako ako na hindi na ako muling makikipagtalik sa lalaki. Humingi na rin ako ng tawad sa maykapal.

-----o0o-----

Matagal-tagal din ako bago naka-recover. Nagawa ko nang patawarin si Alfonso na hindi ko na nakita matapos akong matukso sa kanya. Minsan ay nasasabik pa rin ako sa kanya, na makita man lamang, yung walang sex na involve. Siguro ay minahal ko talaga siya.

Naisip kong igawa rin iyon ng kwento. Siguro kapag nabasa ito ng ibang pare ay magsilbing babala sakaling iibig sila sa isang lalaki lalo na at bata.

-----o0o-----

Nagpaka-busy ako sa eskwelahan, naging aktibo sa mga gathering ng comuunity at kung ano- ano pa para lang maiwaksi sa aking isipan ang mga nagawa kong kasalanan. Lahat naman iyon ay dahil sa sex.

Araw ng kumpisal, seryoso akong nakinig sa mga kasalanang sinasabi ng mga nagkukumpisal. Masasabi kong boring ang oras na ganito, kasi wala naman akong naririnig na talagang grabe ang ginawang kasalanan, tsismis, mura, at kung ano-ano na normal na lang yatang nangyayari sa araw-araw na pamumuhay ng tao.

Wala naman masyadong nagkumpisal. Hinintay ko lang ang oras na matapos ang schedule ng kumpisal. Medyo antok pa ako sa loob ng may maaninag akong pumasok sa kabilang partisyon, isang lalaking hindi gaanong katandaan, marahil ay ilang taon lang ang agwat ng aming edad. Ang lalaki ay medyo matangkad, payat, gwapo.

"Bless me Father, sapagkat ako po ay nagkasala,” ang paunang inuusal ng mga nagkukumpisal na sa aking palagay ay wala naman nang katuturan, paulit-ulit lang.

“Ano naman ang nagawa mong kasalanan anak at bakit?” tanong ko. Nakagawian ko nang tawaging ‘anak’ ang kahit na sinong parokyano na nakakausap ko kahit na doble o higit pa ang agwat ng aming edad. Nararapat lang naman siguro dahil ‘Father’ naman ang tawag nila sa akin. Lahat sila ay aking anak dahil sa simbahan.

“Para lang po sa iyong kaalaman Father, isa rin akong pari, na-ordenan ako bilang paring katoliko kaya lang….” hindi na naituloy pa ng lalaki ang sasabihin dahil naputol ko.

“Wala ka bang confessor sa iyong simbahan, Father?” pag interrupt ko.

“Wala na po akong simbahan, Padre. Nagbitiw na ako sa pagka-pare ilang buwan na ang nakalipas, at simula noon ay hindi na muli akong nakinig ng misa,” tugon ng lalaki na dating pare.

“Kung iyan ang iyong ikukumpisal ay hindi ko naman masasabing kasalanan ang pagtalikod sa pagiging pari. Kung naramdaman mong hindi para sa iyo ang maging pari at maglingkod sa simbahan, masasabi kong tama ang iyong ginawa. Marahil naman ay kaya mong paglingkuran ang Diyos at sangkatauhan sa ibang kapasidad," wika ko.

“Tama ka Padre, sumapi ako sa isang  organisasyon bilang isang social Worker. Pakiusap lang Padre, pakinggan mo muna ako, umalis ako sa pagpapari dahil sa isa akong bakla,” pagtatapat ng dating pari.

“Magkagayon man, bakla ka man, kung hindi mo sinasaway ang iyong sinumpaang panata, kung wala ka namang ginagawang imoral kanino man, anong kasalanan doon?” ang wika ko.

Hindi pinansin ng lalaki ang aking sinabi at nagpatuloy lang sa pagku-kwento.

“May isang volunteer sa aking simbahan dati, head siya ng prison ministry, at madalas na ako ang kasama niya sa isang lokal na bilangguan para magdaos ng misa sa loob para sa mga bilanggo. Naging malapit kaming magkaibigan, naging very close kami, ang hindi ko naiwasan na magkaroon ng pagtatangi sa kanya, pinagnanasahan ko siya, at sobra ang pagnanais kong makasiping siya. Bukod sa napakabait, maalalahanin ay napaka-gwapo pa niya, matangkad at maganda ang pangangatawan, Bagay na bagay nga sa kanya ang suot niya palaging barong at slacks. Siya palagi ang aking napagmamasdan sa tuwing magkikita kami.

Dahil sa kwentong iyon, nakuha na ng dating pare ang aking atensyon, pakinig na pakinig na ako. “Magpatuloy ka,” ang nasabi ko na lang.

“Minsan na akong nagkagusto sa isang sakristan, natukso at nakagawa ng hindi maganda, pero matagal na iyon. Matagal ko nang naihingi ng tawad. At ayaw ko nang maulit pa dito naman sa lalaking ito. Nadarama ko na baka hindi ko makayang kontrolin ang aking sarili at makagawa na naman ako ng maaring maglagay sa eskandalo sa aking simbahan dahil sa akin, kaya nagpasya na lang akong iwan ang simbahan at ang pagiging pari.”

“Kung wala ka namang ginawa, at pinili mo na lang magbitiw sa pagiging pari para lang makaiwas na magkasala, hindi ba tama naman ang ginawa mo, anong masasabing kasalanan mo?” muli kong pag-interrupt.

“Wait lang Padre, patapusin mo muna ang kwento ko,” wika ng lalaki. Ramdam ko na medyo inis na siya. Kaya hinayaan ko na siyang magkwento muli. Kahit na gusto kong mag-interrupt uli kaya nagpasya na lang akong makinig muli.

“Nang magbitiw ako sa pagiging pari, ay ibinuhos ko na ang aking sarili sa gawain ko sa aming organisasyon. Pinagpatuloy ko ang pagsikil sa aking damdamin, nilabanan ko ang pagiging isang bakla. Ang problema ay naging close naman ako sa isa ring manggagawa, at nagapi ako ng tukso, naakit akong makipagtalik ng manggagawang iyon. Ang dali kong natukso. Naulit iyon ng naulit hanggang sa aminin niyang mahal daw niya ako at gusto na niyang magsama kami.”

Gustuhin ko mang magtanong para maliwanagan ang ibang pangyayari ay nanahimik na lang muna ako.

“Pakiramdam ko’y may pagtingin na rin ako sa lalaking ito o maaring isa lang itong matinding pagnanasa, libog lang. Pero, parang hindi ko lubos maisip na ang dalawang lalaki ay magmahalan. Heto pa Padre, Sa isip ko ay parang napaka makasalanan ko na dahil sa nakipagtalik ako sa kapwa ko lalaki na kontra sa lahat ng pinaniwalaan ko, tuloy ay naisip ko na rin ang pag su-suicide. Natatakot ako Padre dahil sa alam kong mas malaking kasalanan ang pagpapatiwakal kaysa sa pagiging bakla.

Medyo nag-alala din ako. Baka hindi nga niya makayanan ang guilt feeling sa kanyang isipan ay magawa nga nitong magpatiwakal. “Huwag anak, hindi mo dapat isipin ang ganon, lalo na ang gawin. Hindi mo ba sinubukang kumunsulta sa isang Psychiatrist?” ang aking payo at suhestyon.

“Pumasok iyan sa isipan ko, pero mas gusto kong makipag-usap sa isang pari,” sagot ng lalaki.

“Kung gayon, magpi-prisinta akong tagapakinig at tagapayo mo, hindi iba sa akin ang nararamdaman mong emosyon.

“Hindi kita maunawaan Padre, anong alam mo sa nadarama ko?” ang tila nalilitong tanong ng lalaki.

“Malalaman mo rin kung papayag kang maging counselor mo at hindi lang confessor mo.”

“Anong gusto mong i-suggest?”

“Payag ka bang makipagkita sa akin dito sa aking tirahan ng isa o dalawang gabi sa bawat lingo? Pag-uusapan natin ang gumugulo sa iyong isipan. Magpapatuloy tayo hanggat hindi mo naiwawaksi ang ano mang pinoproblema mo na maarring maging dahilan ng pagkitil mo sa sariling buhay.” Wika ko.

Tumitig siya sa akin, tila nagtatanong.

“Maaring tumagal lang ang paguusap natin ng isang beses lang o mahigit pa, pero sinasabi ko sa iyo, pagtutulungan nating labanan ang guilt feelings na nararamdaman mo sa pagiging bakla at pakikipagtalik sa lalaki. Maari ring magtagal, hindi kita titigilan hanggang sa tuluyan nang mabura sa isipan mo ang ano mang bagay na nagpapagulo sa iyong isipan.

“Hindi ba abala sa iyo?”

“Walang problema, ano pa at naging pari ako kung hindi ko tutulungan ang nangangailangan.”

“Kailan tayo magsisimula?” tanong niya.

“Mamayang gabi kung pwede ka. Libre ako sa gabi ng ganitong araw at malalaman mo kung kelan ka pwedeng bumalik. Akin munang aalamin ang aking schedule. Kung okay sa iyo, balik ka ng 8PM.”

“Okay Padre, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa iyo.”

“Ano nga pala ang pangalan mo?”

“Alfred, Alfred Mercado.”

“See you then, d’yan lang ang bahay ko, halos katabi ng simbahan.”

“See you.”

-----o0o-----

Dumating on time si Alfred, isang simpleng jeans at t-shirt lang ang suot. Ako naman, dahil nasa bahay ko naman ako ay short at sando lang ang suot, pero wala akong underwear. Ewan ko lang kung mapapansin iyon ni Alfred.

“Ganyan ka ba magdamit kapag nasa bahay ka Padre?” tanong ni Alfred.

“Samuel na lang o Sam. Kapag tayo lang ang magkausap ay pwede mo na lang akong tawagin sa aking pangalan, isipin mong hindi pare ang kausap mo, mas komportable ako ng ganun. And yes, matutulog na lang naman ako, hindi ko na kailangan pang maging formal,” wika ko.

“Ah Okay, Sam. Alam mo, ako noong pari pa ako, kahit matutulog na, ay formal pa rin, kundi jogger ang pantulog ko, eh pajama. Saka palagi akong may underwear, ikaw... halatang wala hahaha.”

“Pansin mo pala, nasanay na kasi ako. Anyways, naghanda ako ng konting miryenda lang, sandwich lang naman. Anong gusto mo, coffee, tea or juice?” offer ko kay Alfred. “Pwede na tayong mag-usap habang kumakain.”

“Coffee na lang, mukhang masarap kasi ang tinimpla mong kape, mabango eh.”

“Kapeng barako, masarap siya. Okay, simulan na natin. Kwento mo muna yung sinasabi mong co-worker sa inyong organisasyon.” Sinimulan ko na ang pag-uusap habang kumakain kami.

“Crispin ang pangalan niya, tubong Bicol, gwapo siya, parang artista, maganda ang katawan, mabango, matangkad, kaakit-akit.”

Natawa ako. “Sandali, sandali hahaha. Huwag mo nang i-describe kung anong itsura, sabihin mo na lang kung anong ugali at kung bakit nagustuhan mo siya.”

“Mabait siya, masipag, magalang. Lahat na yata ng magagandang ugali ay nasa kanya, isama pa ang looks, Sam, bading din siya.

“Ow, interesting. So, dahil ba sa magagandang katangian iyon kaya mo siya nagustuhan, o dahil sa kanyang itsura, artistahin, sabi mo.”

“Aaminin ko, tama ka, una akong na-attract sa kanyang kagwapuhan, pangalawa na lang ang kanyang ugali. Ikaw ba ay hindi na-attract sa magagandang babae at lalaki?” tanong in Alfred.

“Natural lang naman na humanga ka sa physical na ganda ng isang tao, babae man o lalaki, pero mas humahanga ako sa ganda ng kalooban,” tugon ko.

“Bakla ka rin ba Sam? May inakit ka na bang lalaki, halimbawang iyong mga sakristan, o ikaw ang inakit ng isa sa kanila?” diretsahang tanong in Alfred.

Hindi na naman ako nagulat pa sa tanong na iyon, alam kong magtatanong at magtatanng siya ng ganon. Nasabi ko kasing nakaka-relate ako sa nararanasan niya.

“Yeah, I am gay Alfred. Pero, simula nang ma-ordain ako, nanumpa, ay pinraktis ko na ang ating vow of Celibacy. And yes, aaminin ko sa iyo na ako ay natukoso rin ng isang binata, hindi siya sakristan, at nasa legal age na rin dahil 18 na siya noon. Gusto raw niya ko at naniwala naman ako. May nangyari sa amin, pero pagkatapos non ay pinagtawanan lang ako dahil may nadagdag na naman daw na naloko sa kanya dahil sa kanyang kakisigan. Pang 89 na ako at gusto niyang maka 100 bago siya mag-graduate sa senior high. Hindi ko na ikukwento ang detalye pa.” pag-amin ko.

Bumuntung hininga muna ako bago nagpatuloy. “Nagpasalamat pa rin ako dahil sa hindi ako nalulong at nahulog ng husto sa lalaking iyon, nagbigay aral ang karanasan kong iyon. Simula noon ay sumumpa akong hindi na mauulit. Hanggang ngayon ay hindi na muli pa akong  napatukso, nanatili ako na tumupad sa aking panata,” wika ko pa.

“May hinala na talaga ako na kagaya din kita, kasi nauunawaan mo ang mga kinumpisal ko sa iyo. Pero nung nasa seminaryo ka pa, may naging karanasan ka rin ba?” tanong na naman in Alfred.

“Yes, una ay sa isang seminarista na una kong naging kaibigan doon. Nangyari iyon ng unang taon ko sa seminaryo at huling taon naman niya dahil matatapos na niya nang training. Ang pangalawa ay sa roommate ko, isang gabi bago kami ma-ordain. Una at huli iyon sa roommate ko at hindi na kami muli pang nagkita o nagkausap man lang.”

Natapos na kaming kumain, doon na sa sala namin ipinagpatuloy ang pag-uusap.

“No more questions ha. Napapansin ko na parang tungkol sa akin ang ating napag-uusapan. Hindi ba’t ikaw ang dapat kong tanungin hahaha.” Nagkatawanan lang kami ni Alfred. “Pero bago iyon, gusto ko lang sabihin sa iyo na napakatapang mo dahil pinili mong iwan ang pagiging pare sa halip na suwayin ang sinumpaan nating panata, hindi tulad ko na naging marupok. Ngayong isa ka na ring ordinaryong tao at pwede mo nang gawin ang makipag-sex sa taong gusto mo, dahil nakalaya ka na sa sinumpaan natin bilang pari, Pero bakit nagi-guilty ka pa rin. Dahil ba sa labag iyon sa paniniwala mo sa iyong relihiyon?”

“Tama ka, isa iyon sa dahilan. Hindi ba bawal ang makipagtalik ang isang lalaki sa kapwa lalaki, totoo iyan sa batas ng Diyos. At maging ang society ay hindi pa rin tanggap ang pagsasama ng may parehong kasarian. Maraming kukutya. Maraming magsasalita laban sa iyo pagtalikod mo,” sagot ni Alfred.

“Para sa iyo, ano ba ang kaibahan ng lust at sa love?” tanong ko kay Alfred.

“Lust... Pagnanasa, sa madaling salita, libog. Ang love ay pagmamahal, pag-ibig,” tugon ni Alfred.

“Nang magsiping kayo ni Crispin, anong iyong naramdaman, was it lust or love?” makahulugan kong tanong.

Hindi kaagad makasagot si Alfred, nag-isip siyang mabuti. Marahil ay inaarok niya ang sarili kung ano nga ba ang kanyang naramdaman noon. “Nasiyahan ako, satisfied, kasi nairaos ko ang makamundo kong pangangailangan, pero hindi ko sigurado kung ano ang talagang naramdaman ko, ewan ko. Mahal daw niya ako, pero may pagdududa pa rin ako sa aking sarili kung may pagmamahal din ako. Ang sigurado ako ay nalibugan ako.”

“Isa pang tanong Alfred, mali ba o tama ang magmahal?”

“Iba-iba naman ang kahulugan ng pagmamahal. Kung ang sinasabi mo ay pagmamahal sa isang tao na gusto mong makasama sa habang buhay, yung karamay mo sa lahat, sa ligaya, sa ginhawa, sa hirap, yung kung babae ay pakakasalan... ay walang mali doon, pero mali kung ang nagmamahalan ay kapwa lalaki o babae. Iyon ang paniniwala ko. Ang lalaki ay ginawa para sa babae at hindi para sa kapwa lalaki.”

“Kung mali ang magmahal sa parehong kasarian, bakit ba tayo binigyan nang damdamin na mag-mahal? Bakit may bakla o tomboy na ginawa?” tanong ko.

“Hindi ko alam. Sam, maganda kang lalake, marahil ay maraming humahanga sa iyo, nagkakagusto, babae man o lalake. Ako man ay masasabi kong gwapo rin, kaakit-akit at hindi sa pagmamayabang, maraming nagkagusto sa aking babae, pero hindi ko sila nagustuhan dahil sa lalaki ako nagkakagusto. Halimbawa lang, kung ayain kitang makipag-sex sa akin, papayag ka ba?”

“Hindi, dahil may sinumpaan pa ako, I’m still under oath at ikaw ay hindi na, malaya ka na kaya pwede ka na, tulad ng nasabi ko na.”

“Ipagpalagay natin na pumayag ka at nakipag-sex ka sa akin, hindi ka ba magi-guilty?”

“Magi-guilty ako dahil sa lumabag ako sa sinumpaang panata, pero hindi, kung minahal kita.Ang ibig kong sabihin kung sa English ay “I make love to you and not do sex with you. Have you ever make love with Crispin?”

“Nalilito ako Sam. Kung nagawa kong makipagtalik kay Crisin ay dahil sa mahal ko siya.”

“Yun pala eh, bakit ka nagi-guilty?”

“Kinukunsinti mo ba ang pakikipagtalik ko kay Crispin?”

“Parang ganun na nga. Minsan naman, bakit hindi mo ayain na mag-date si Crispin, manood kayo ng sine, kumain sa labas. Hindi ba romantik iyon? Tapos sa gabi, magsiping kayo, sabihin mong mahal mo siya. Make love to him, nat just sex. Feel the warmth of love, ibahin mo ang pakikipagtalik, lagyan mo ng pagmamahal, hindi pagnanasa, hindi libog lang. Try mo tapos ay bumalik ka rito at magkwento ka.”

“Bago ako umuwi, pwede bang magtanong pa ng isa. Nung sabihin mo na nagsex kayo ng roommate mo bago kayo ordinahan, iba ang kislap ng iyong mga mata, Dahil ba sa mahal mo siya? Dahil ba sa nagmamahalan kayo?”

“Yes. Mahal namin ang isa’t isa. Noon gusto na niyang huwag na naming ituloy ang ordination, magsama na raw kami at magpakalayo-layo. Pero hindi ako pumayag, ang nasa isip ko ay calling ko ito, ang maglingkod sa Diyos.”

“Magkaiba tayo, umalis ako sa pagpapari dahil sa natakot talaga akong suwayin ang ating panata.”

“Na siya namang tama. Hindi mo siya inakay na magkasala, umiwas ka rin na makagawa ng kasalanan, patungo kayo sa tama at walang hanggang pagmamahalan.

“Subukan ko ang payo mo.”

“Balik ka rito sa susunod mong pagkumpisal.”

 

 

Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...