Idol
Ko Si Sir (Part 5)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
“Carl, I have to ask
you to leave...” ang tugon niya, habol-habol ang paghinga.
“James, I don’t
understand!” sagot kong biglang nanlaki ang mga mata sa pagkalito.
“Just leave Carl,
OK?” diin niyang mejo tumaas ang boses. Parang nag-init ang tenga ko sa narinig
at sa naunsiyaming halikan.
“No, James, unless
you give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa
iyo? Palagi ka nalang ganiyang gumagawa ng hakbang na hindi ko maintindihan?
Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw
kong sabi sabay duro sa kaniya.
“Huwag mong
pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”
“Di saktan mo ako
kung gusto mo! Magaling ka naman sa martial arts e, kayang-kaya mo ako!” ang
paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit
hanggang sa halos maubos na ang laman nito. Wala ng magawa pa si Sir kundi ang
pagmasdan ako. At para mainis siya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko at
sumayaw-sayaw sa harap niya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman
niyang naagapan at nasalo ang katawan. Pinaupo niya ako sa sofa. Hindi ko na
nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka, nagkalat sa carpet at sa
sofa. At pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.
-----o0o-----
Mga 9am kinabukasan
nung mahimasmasan na ako at magising. Masakit ang ulo, mahapdi ang sikmura, at
tila disoriented. “Kaninong kwarto ba to? Bakit ako nandito?” ang tanong ng
utak ko. Kinapa ko ang katawan, wala akong suot na damit pang-itaas. Naka shorts
pero di ko alam kung kanino. Pilit kong ni-recall ang mga pangyayari hanggang
sa naalala ko ang pag-inum, ang pagsasayaw, at ang pagsuka. Bumangon ako at
paika-ikang lumakad patungong kusina. Sumalubong kaagad sa pang amoy ko
inihandang almusal ni Sir James, nakalatag sa mesa ang fried rice, hotdog,
scrambled egg at daing. “Hmmm, ang sarap!” sabi ko sa sarili.
Dumeretso na ako sa
may wash basin para maghilamos at pagkatapos ay umupo na sa may hapag kainan
kaharap ni Sir james na nakaupo na rin at naghintay na lang sa akin.
“Morning Carl!
Coffee or milk?” ang tanong niya na nakahanda ang mga kamay na ipasa sa akin
ang kung ano man ang pipiliin ko.
“Morning James,
coffee please...!” ang maiksi kong tugon at bitiw ng napakagandang ngiti.
“Hmmm, ang sarap ng daing! Na-miss ko tong ganito kina Tatay Nando ah!” sabay
tanggap sa kapeng ipinasa niya.
“Hahaha! Yeah, sa
kanila nga galing yan, dala ni Maritess. Kumusta ka na at kumusta ang tulog
mo?”
“Medyo masakit pa
ang ulo pero inspired...” ‘Di ko na dinugtungan pa ang sinabi. Nag-uumapaw pa
kasi sa isipan ang sarap na nararamdaman bunga ng paghalik ko sa kaniya nung
nakaraang gabi. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magtanong siya kung bakit ako
‘inspired’.
“Ganda ng tulog ko,
grabe! Wala akong matatandaan kahit na ano. For the first time in my life iyon
pa siguro ang tulog kong dire-diretso... Pasensiya ka na pala sa akin kagabi
ha? Ang naalala ko sumasayaw ako tapos yun na, deretso nang bumagsak at
nagkalat.”
“Hahaha! Oo nga,
lasing na lasing ka. Paanu ba naman, inubos mong mag-isa ang buong bote ng
alak.”
Medyo na-disappoint
ako ng hindi siya nag-follow up kung bakit ako inspired. “Ok, fiine” bulong ko
sa sarili. “Sorry talaga James, pasensiya na... Oo nga pala, sa kama mo ako
natulog ah. Ikaw, san ka natulog?” ang tanong ko’ng na-excite sa possibility na
nagtabi kami.
“Sa kama ko,
syempre. Nag laki niyan eh, kahit isang buong pamilya pa ang hihiga dian,
walang problema...”
“Talaga?”
“Talaga!”
“I mean talagang diyan
tayong dalawa natulog?”
“Oo nagtabi tayo.
Bakit may problema ba?”
“Hehehe! Wala naman.
E yung pagpalit ng shorts ko, panu mo ginawa?”
“Kakatuwa naman yung
mga tanong mo. E di syempre, hinubad ko yung jeans mo. Pinunasan ko pa nga ang
buong katawan mo ng hot towel dahil para kahit papanu makakatulong iyon para
mawala ang pagkalasing mo?”
“Talaga? Ginawa mo
yun? Ahhh, kakahiya!” ang sabi kong kuniyari hiyang-hiya, hindi nagpapahalata
na parang malaglag na ang puso sa sobrang galak.
“E... di naka-brief
lang ako nung pinunasan mo?
“Oo, yeah... yeah”
tumango-tango siya, naka-concentrate lang sa pagkain.
“Kakahiya talaga!
Shiiiit! E... yung anu ko, hindi naman nagwala?”
“Anong ‘ano’?”
“Hmmmm, kunyari pa
to!” bulong ng utak ko. “Yung ano, ito... junior ko,” turo ko sa harapan ko, medyo
kinilig.
“Ah, hahaha! E... di
ko na matandaan eh. Wala naman akong malisiya d’yan, pareho naman tayong may ganiyan...”
“Panis! Panis
talaga!” sabi ko sa sarili. “E, bakit mo naman naisipang punasan ang katawan
ko?”
“Wala akong choice
e. nandito ka sa poder ko I have to do what is necessary. Kahit kanino, gagawin
ko iyon. Pero so far, ikaw pa lang naman ang may malakas ang loob na uminom
dito sa flat ko ng walang pakundangan kung kaya pa ba ng katawan o hindi,”
sabay iling at bitiw ng ngiting nang-aasar. “Teka, bakit ganiyan ang linya ng
mga tanong mo?” dugtong niya.
“Wala lang... nahiya
lang ako sa iyo, e. Baka isipin mong bumalik na naman ang pagka-bad boy ko.”
palusot ko.
“Don’t worry, I
understand...”
“Thanks James. Nag bait
mo talaga. Teka... nung magtabi tayo sa pagtulog, wala ba akong ginawa, o
ginalaw?”
“Wala naman, good
boy ka. Kaso, nagsasalita ka habang tulog.”
“Talaga? May
naiintindihan kaba”
“Hindi masiyado pero
yung ‘i love you’ lang. Sino ba yang love interest na yan?”
Feeling ko humigpit
ang balat ng mukha ko sa tanong niya. “A, e...” ‘Di ko itinuloy ang sasabihin.
Tinitigan ko lang si Sir James.
“Ummm, ano? Bat ganiyan
ka kung makatitig?”
“Wala lang...”
Sandaling nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang nilalaman ng kalooban. “A,
e... James, pwedi ba akong magsabi sa yo kahit na ano?” ang kagat-labi kong
tanong.
“Syempre naman, ikaw
pa. Kahit nag-set na ako ng ‘distance rule’ para sa iyo, subalit dahil nandito
ka na sa bahay ko, i-suspend ko muna iyan, wala akong magawa. At lubos-lubusin
mo na dahil sa susunod, baka hindi na kita payagan pang pumunta dito na
nag-iisa, alam mo na ang ibig kong sabihin...”
“Pero promise hindi
ka magagalit sa maaaring itanong ko?”
“Try me.”
Huminga ako ng
malalim. “James... yung nagsasalita ako habang tulog?
“Yes?” sabay subo niya
ng pagkain, pinagmasdang maigi ang mukha ko, tila inip na inip at excited sa
susunod na bitiwan kong salita.
“Para sa iyo yung ‘I
love you’!”
Nabilaukan bigla si
Sir, napaubo at kumuha ng tubig habang ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko
sa sobrang hiya at ‘di maintindihang bilis na pagkabog ng dibdib.
“Carl, huwag kang
magbiro ng ganiyan, ok?”
“Totoo iyon, James.
Since last year ko pa nadama sa iyo ito, nung simulang magbati tayo at na-realize
ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Tiniis ko lang, James. Isang taon akong
nagtiis. Kaso, hindi ko na talaga makayanan e. Kung napapansin mo minsan kapag
nag-usap tayo, malungkot ako. Ikaw palagi ang nasa isip ko, James. Maniwala ka,
hindi ako gumagawa ng gimmik. Hindi ako nagbibiro. Hindi ako lasing o
naka-droga. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito.
Litong-lito talaga ako, James. Kaya sensiya ka na kung nasabi ko ‘to, ‘di ko na
talaga kayang itago pa.”
Napailing si James,
nag-isip. ‘Di malaman kung matawa o seseryosohin ang narinig. Tinitigan niya
ako. “Ok, granting na maniwala ako sa sinabi mo, ano ngayon ang gusto mong
mangyari?”
“Yun lang... ang
malaman mo kung ano ang naramdaman ko para sa iyo, at ang malaman ko din kung
may naramdaman ka sa puso mo para sa akin. Yun lang.”
Natahimik siya ng
saglit tila nag-isip kung ano ang isasagot. “Alam mo Carl, hindi issue dito
kung may naramdaman ako para sa iyo o wala. Ang issue dito ay kung tama ba o
mali, ako, bilang guro at part ng administration ng school at ikaw, bilang
estudyante. And in my prudent judgment, that is wrong Carl.”
Tila binuhusan ako
ng malamig na tubig at biglang nanlumo. “Ok James, nandun na ako, it’s wrong if
you say so, based on some code of something, whatever. But just this
question... may naramdaman ka ba para sa akin? Sugutin mo ako, James... and
look at me, please?”
Yumuko lang si
James, walang binitiwang salita. Dahil dito, nagduda ako na meron din siyang
naramdaman para sa akin at sadyang itinatago lang niya dahil sa position niya
sa school. At ito ang nagpalakas ng loob kong i-convince siya at pakawalan
iyon. “James, I don’t believe in right or wrong sa pag-ibig. Ito’y walang
kinikilalang code of conduct, walang rules. Kaya nga hindi mo pweding husgahan
ang pag-ibig kung tama o mali ito e, di ba? Ito nga, hindi ko alam kung bakit
bigla na lang akong nagkaganito. Can you blame me? Can you say I am stupid? Can
I say God is stupid too because he gives me this feeling? But I feel it James.
I don’t know why, but that’s the truth and it hurts, and it’s killing me. I
can’t deny it, I can’t ignore it, I can’t suppress it. It just came up from
nowhere, and that’s it.
I know James na sa
ginawa kong ito, there is a huge price to pay. But I am willing to give up
everything, James, everything, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para sa
iyo!”
“Hindi ko talaga
alam, Carl kung matatawa o anu. But ok, you are correct in saying that we can’t
judge feelings. Feelings per se are amoral. You can’t say if it’s right or
wrong, or if it is good or bad. It’s part of being human. But what you do about
your feelings makes the difference. If you kill because of love, then that is
wrong. If you shoot down a teacher just because you love him, that is
selfishness... and it’s not right, is it Carl?”
“So... you mean to
say that you have feelings for me too, right, James? And the reason why you
don’t want to open it up is because you are bound by your stupid code of
ethics, your rules, your professional etiquette or morality standard whatever.
Because if I ‘shoot you down’ as you said, I am selfish, and that is wrong, am
I right, James? Tell me... tell me James!” ang sabi kong pasigaw sa kaniya.
Mukhang napikon si
Sir sa sinabi ko. “I think you are missing something here Carl and I don’t
think this discussion is gonna end up somewhere. I suggest we continue our
breakfast and talk things over later, ok?”
“O yeah, now I’m
missing something, ha? Hindi naman ako nakikipag-argumento James e. I just
asked a simple question and all I need is a simple yes or no. Do you love me?
That’s my simple question. Why is it so hard for you to answer that?”
“Babalik na naman ba
tayo? I answered you already. And my answer was… and I will say it again… ‘that
is not the issue’! Why is it so hard for you to understand? OK, ganito na lang,
‘di ba in two-week’s time ay graduation na? The night before the graduation, I
can invite you over. Bale treat ko yan sa iyo because I know that you are a
candidate for the top honors. After all, it’s the end of the school year, and
maybe we can have a nice, clean bonding before you leave the College and the
people you’ve met here. What do you say?”
Kahit bitin na bitin
pa ako sa walang kalatoy-latoy na sagot niya, pumayag na rin ako. At least,
pumayag siya na mauulit muli ang pagtatagpo namin sa flat niya. “Baka sa
pagkakataong iyon, mapilitan na talaga siyang sabihin sa akin ang nararamdaman niya
o kaya’y bibigay na din siyang kusa,” bulong ko sa sarili. “Do I have any
choice?” ang sagot ko nalang sa tanong niya.
Dumating ang takdang
araw, ang araw bago mag graduation at kung kailan kami muling mag-usap ni Sir. ‘Di
ko lubos mailarawan ang tunay na naramdaman. Masaya dahil sa wakas, ga-graduate
na. At hindi lang basta ga-graduate, may honors pang makamit at malamang may
mga leadership awards din. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maitatwa ang
lungkot ding nadarama. Masakit isipin na bilang na lang ang mga araw ko sa
campus. Hindi pa ako handang baguhin ang mga routines na nakasanayan, ang
mawalay sa pananaw ang mga lugar sa school na palaging pinupuntahan, ang iwanan
ang mundong naging bahagi na ng aking buhay.
Sa likod ng utak ko
ay sumiksik din ang takot ng pagharap sa bukas, ang pagtahak sa landas kung
saan ay susuungin ang mga panibagong hamon. Pakiwari koy kulang pa ako sa
kakayahang harapin ang mga ito. O baka nga lang siguro, dahil ayaw pa ng
kaloobang tanggapin ang pagbabago, ang mawalay sa mga taong natutunan kong
mahalin sa tatlong taon kong pag-aaral at pagsisikap sa lugar na iyon, ang mga
masasayang alaala, at lalo na ang taong siyang nagpapabago ng pananaw ko sa
buhay, iniidolo, at sa kalaunan ay minahal, si Sir James.
Sumiksik muli sa
isipan ang mga nagdaang araw kung saan minamaliit ko pa ang eskwelahan at mga
tao doon, ang matinding galit ko kay Sir hanggang sa naituwid niya ang baluktot
kong pananaw at tuluyang hindi na siya maiwaksi-waksi sa isipan. Nagsusumigaw
ang puso na sana maibalik pa ang panahong iyon o kayay mahabaan pa ang mga
araw. Ngunit wala akong magawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohan na
kinabukasan o sa makalawa ay ibang klaseng mundo na ang tatahakin ko...
Maaga akong
nag-report sa school sa araw na iyon. Palibhasa, may final rehearsals sa graduation
at syempre, nakaukit na sa isipan ang pagkikita namin ni Sir James sa gabi ding
iyon. Kahit papano, may excitement din akong nadama. Nasa gate pa lang ako ng
campus nung may tumapik sa balikat ko. Si Ricky. At sadya palang hinintay ako
para tanungin kong may alam na ba ako sa isang video clip na tinagurian nilang
“mother of all scandals” na umiikot sa campus simula pa nung isang araw.
“Asus... pati ba
naman ikaw e, nakikisawsaw sa mga intriga na yan? Kadami-daming may mga video
clips jan e. At napakadami na ring scandal dito sa campus na to. Yung iba diyan
gawa-gawa na lang para may mapag-usapan.”
“Bro, iba to,
maniwala ka, magkakainteres ka dito, sigurado ako.”
“At bakit mo naman
nasabi yan, aber?”
“Dahil ang taong
involved dito ay malapit sa puso mo.”
“Ha? Sino?” Ramdam
ko ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib.
“Si Sir James!"
Matinding kaba nag
naramdaman ko nung marinig sa bibig ni Ricky ang pangalan ni Sir James na siyang
sentro ng tinaguriang “mother of all scandals”.
“Hah! Panu nangyari
yun? At anong ginawa niya? Sinong kasama niya?” ang taranta kong tanung kay
Ricky.
“Hinay-hinay lang,
pareng Carl. Kaw naman masiyado kang excited. Heto, naka-kuha ako ng copy, medyo
mainit-init pa. Dun tayo sa may likod ng campus at panuorin natin.”
Nung pini-play na ni
Ricky ang video, si Sir James nga ang nandun. Sa bibig niya ay naglabas-masok
ang ari ng isang lalaki, ang isang kamay nung lalaki pwersahang dumidiin sa ulo
ni Sir James na kitang-kita ang kalasingan. Pawang ibabang parte lang ng katawan
nung lalaki ang nakikita sa video. Halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan.
Yun din ang video clip na gagamitin ko sanang pang-blackmail kay Sir James.
“Shiiiittttt! Paano nangyaring nakalusot yun? Arrrggggghhh!” ang sigaw ng utak
kong halos sasabog na sa naghalong inis, matinding takot at pagkalito.
“O, di ba si Sir
James yan, klarong-klaro!” Napansin ni Ricky na medyo hindi ako mapakali.
“Sandali, bakit para kang namumutla ha, Carl? May alam ka ba dito?”
“Wala ah! E, ngayon
ko nga lang nakita yan e. Parang hindi naman si Sir yan!” Ang tangka ko sanang
pagdepensa kay Sir, at pag-iwas na rin sa tanong niya.
“Ano ka? Kahit
pagbali-baliktarin mo pa yan, mukha talaga ni Sir James yan, walang duda. Kahit
sino ang tatanungin mo, si Sir James yan. Ano, gusto mong itanong natin sa iba
pang kaklase?”
“Huwag na! Huwag
na!” ang mabilis kong tugon dala ng sobrang pagkatakot.
“E, yang lalaki,
sino naman daw?”
“Eh, maputi e. Ang
iniisip ng lahat ay baka ito daw yung dating tsinitsismis nilang na-link kay
Sir James, yung dating nagturo din dito na mestiso Chinese, Henry ang pangalan?
O, ano, love mo pa rin ba yan?”
Agad-agad akong
tumalikod upang bumalik sa apartment. Nagtaka si Ricky sa bigla kong pag-alis.
Marahil inisip niya din na nasaktan lang ako. “Saan ka pupunta? May rehearsals
pa tayo. Hoy, lalaki lang yan! Tangna… Carl! Magpapakamatay ka na naman ba?”
ang may halong pang iinis na sigaw ni Ricky.
“Hindi. May
papatayin akong tao!” sagot kong hindi malaman kung ano ang gagawin. Biglang
bawi naman si Ricky.
“Ah… hindi ako yun.
Biro lang yung sa akin, hehe. Ga-graduate pa ako bukas no! Sige, good luck!
Patayin mo siya ng maayos ha?”
Bumalik ako sa
apartment at hinanap ang memory card kung saan natandaan kong naka store yung
video clip na nalimutan ko na sa tagal at hindi ko rin pala nabura. Ang alam
ko, nakasaksak iyon sa luma kong CP. Nung tingnan ko ang CP wala na doon ang
memory card. Naalala kong huling pinaayos yung lumang CP na iyon at malamang na
tinanggal yung memory card at nalimutang ibalik. At nung mapansing may lamang
scandal material, kinopya na at ibinenta sa mga intrigerong gutom sa tsismis.
Bigla akong nanlumo, pinagpapawisan at pakiwari koy umiikot ang paligid sa
sobrang inis at galit sa sariling kapalpakan habang awa at pagkahabag naman ang
nadarama para kay Sir James.
Iniisip kong
puntahan ang shop at kumprontahin ang may-ari subalit nangibabaw ang takot na
baka lalong lalaki ang issue at mapagdudahan nilang ako ang lalaking nasa
video. “Malamang di na nila natatandaan kung sino ang may ari nung memory card
na iyon dahil sa tagal na nun,” sa isip isip ko lang. Agad akong bumalik ng
campus at hinanap si Sir James. Ngunit hindi pa raw nakapagreport sa office sa
araw na iyon. Tinanong ko na rin pati ang gwardiya at lahat sila nagsabi na
hindi pa raw pumasok ng school si Sir James. Pinuntahan ko ang flat niya.
Kumatok ako at nabigla nung nandun lang pala siya, naka t-shirt at shorts,
nagligpit ng mga gamit na para bang aalis na at sa tingin koy wala nang balak
magreport pa sa work.
“James... ba’t hindi
ka pumasok?” Binitiwan lang niya ang isang pilit na ngiti,
“Tinanggal na ako sa
work, Carl. Kahapon ko natanggap ang notice at ang effectivity ay ngayon. At
siguro naman ay alam mo na rin ang dahilan.”
Nanginginig ako sa
magkahalong sobrang pagkadismaya at awa sa kaniya sa narinig.
“Oo alam ko yung sa
tape. At bakit ang bilis naman nilang maghusga? Ni hindi man lang nila
pinatapos ang closing ng school period o graduation man lang? It’s unfair!”
sigaw kong pagrerebelde sa naging decision ng school.
“Wala tayong magawa,
Carl, ganiyan sila kahigpit...”
Napahinto si Sir
James na parang pigil ang sariling ilabas ang naramdaman. “Pero, ok lang. I
have accepted it dahil totoo naman eh. Yesterday I was invited by the school
director to her office and she asked me just one question: whether it was me in
the video or not.”
“And you admitted
it?”
“Yes, Carl... yes.”
Ang mapagkumbaba at walang pagdadalawang isip na sagot niya.
“’Di ba walang due
process ang daliang pagtanggal nila sa iyo?”
“Mabuti na rin ang
ganun, Carl. Prolonging the process could be tormenting; investigations will be
made and things could get out of hand.” Tumingin siya sa kain “At pati ikaw,
madamay. I believe that the management did a good job in addressing the case.
They acted swiftly, I was spared from extreme embarrassment and the agony of
facing a series of panel interrogations, and the school was spared too from
being dragged down further into the mud. Kumbaga, they cut, and cut it clean.”
“Hindi ka man lang
at least nag explain sa side mo?”
“What for...? And
besides, there’s nothing to explain, Carl. I accepted responsibility and that’s
it. May ginawa o nagawa akong mali, hindi ko itinatwa yun and I acknowledged my
mistakes. Masakit, pero you reap what you sow, diba? Sabi ng iba, it’s karma.
And I believe it. I deserve the punishment. At harapin ko ang punishment na
iyan ng buong tapang dahil it’s what makes me a man. At dapat kong paninindigan
ang pagharap sa consequence. Importante yun para sa akin. Kapag ang isang tao
ay walang paninidigan, o kayay tinatakbuhan ang responsibility sa mga maling
nagawa, balewala na rin ang pagkatao niya. Gaano man ka hirap o kasakit ang
punishment sa nagawang pagkakamali basta pinanindigan ang pagharap nito, buo pa
rin ang pagkatao ng isang tao at hindi mawawala ang respeto niya sa sarili at
ng ibang tao sa kaniya.
It hurts, of course
and it requires a great amount of courage and fortitude but ganun talaga,
‘truth sometimes hurts’. Magpakalalaki ka lang. And for me, I would rather look
at the bright side. And it’s that the truth will set me free. At least
nabayaran ko na ang pagkakasala ko at maluwag ang kalooban. At...” sabay hawak niya
ng balikat ko “kagaya mo, isasara ko na rin ang kabanata ng buhay ko sa school
na to, babangon muli, at bubuksan ang panibagong yugto ng hamon at pagsubok.”
Malalim ang mga
katagang binitiwan ni Sir James. At nararamdaman ko rin ang iba pa niyang
saloobin lalo na sa sinabi niyang panibagong hamon dahil sa nasa ganung
sitwasyon din ako at ganun ang nadarama. Ang kaibahan lang siguro sa akin ay
ang haharap ako sa panibagong pagsubok na puno ng pag aalinlangan at takot. Lalo
akong humanga sa ipinamalas na tapang ni Sir James at sa paninindigan niya. Ang
pagdepensa at pag protekta niya sa akin at ang positibo niyang pananaw sa
kabila ng matinding daguk na kinakaharap. “Napakabuti niya. Hanggang sa huli,
kapakanan pa rin ng ibang tao ang iniisip. Ako kaya... kaya ko kayang pantayan
ang paninidigan niya; ang tanggapin ang pagkakamali at harapin ang kaakibat na
‘punishment’? Paanu ko kaya maramdaman ang sinasabi niyang ‘the truth will set
you free’?”
Ito ang matinding
mga katanungang nagpaantig sa puso at isipan ko. Hindi ko na magawa pang
magsalita. Nilapitan ko si Sir James, niyakap ng mahigpit at humagulgol na
parang bata. “James, patawarin mo ako, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung
paano ako makaganti sa kabutihan mo. Utang ko sa iyo ang lahat. Sa kabila ng
mga kapalpakan ko, heto, ni hindi ka man lang nagpakita ng galit sa akin at
bagkus, ikaw pa itong nagdurusa sa mga kasalanan ko.”
Hinaplos niya ang
balikat ko. “Alam ko namang di mo sinadyang ikalat yung video clip e. Kaya
walang dahilan para magalit ako sa iyo. Don’t cry over spilled milk; wala na
tayong magagawa sa mga nangyari na. Ang magandang gawin na lang natin is to
learn from this experience. Ang mga kamalian at sakit na dulot nun ay dapat
kalimutan ngunit palaging tandaan ang mga naging leksyon nito sa buhay. Dahil diyan
sa mga pagkakamali natin tayo natututo, naging matatag. Higit sa lahat,
naniwala ako na ang lahat ng mga pangyayari ay may dahilan...”
Tinitigan ko si Sir
James. Binitawan niya ang isang ngiting animoy nang-aamo at bakas sa mukha ang
katatagan, paninindigan at katapangan. “Go Carl, hinihintay ka na sa
rehearsals. Tomorrow is your big day. Enjoy it and make everyone proud of you.
Kahit hindi ako makapunta, isipin mo palagi na ang mga ginagawa ko ay para sa
iyo. And I am so proud of what you have achieved and made of yourself. Wag mo
akong intindihin. Maaring naharap ako ngayong sa matinding pagsubok, ngunit
tatayo ulit ako, mas determinado, mas matatag, at mas handang humarap sa mas
malalaki pang pagsubok.”
Hinalikan ko ang
isang pisngi ni Sir at dali-dali na akong bumalik ng school, mabigat ang
damdamin ngunit baon-baon ang malalalim na aral na natututunan mula sa kaniya.
Hindi na natuloy ang takda sana naming pagkikita ni Sir James sa gabi ng araw
na iyon. Pinayuhan niya ako na mas makakabuti iyon para wag akong madamay at
wag nang lalala pa ang issue lalo na kapag may nakakakitang pumunta ako sa flat
niya. Kahit masakit sa kalooban at ang isip ay nag alinlangan, sinunod ko rin
ang payo niya kahit sa kabila ng katotohanang maaring yun na ang huli naming
pagkikita. Napag alaman ko na sa araw ng graduation ay aalis siya, hindi sinabi
kung saan. Sa gabing iyon, hindi ako makatulog at si Sir James lang ang laman
ng isip. Parang kumakawala ang puso ko at sumisigaw na puntahan siya at
damayan. Ngunit nanaig din ang takot na baka hindi makatulong ang pagsuway ko
sa payo niya, at lalong malagay kaming dalawa sa alanganin.
Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento