PARI (Part 12)
“Bago ako umuwi, pwede bang
magtanong pa ng isa. Nung sabihin mo na nag-sex kayo ng roommate mo bago kayo
ordinahan, iba ang kislap ng iyong mga mata, Dahil ba sa mahal mo siya? Dahil
ba sa nagmamahalan kayo?” tanong ni Alfred.
“Yes. Mahal namin ang isa’t isa. Noon gusto na niyang huwag na naming
ituloy ang ordination, magsama na raw kami at magpakalayo-layo. Pero hindi ako
pumayag, ang nasa isip ko ay calling ko ito, ang maglingkod sa Diyos.”
“Magkaiba tayo, umalis ako sa pagpapari dahil sa natakot talaga akong
suwayin ang ating panata.”
“Na siya namang tama. Hindi mo siya inakay na magkasala, umiwas ka rin na
makagawa ng kasalanan, patungo kayo sa tama at walang hanggang pagmamahalan.
“Subukan ko ang payo mo.”
“Balik ka rito sa susunod mong pagkumpisal.”
-----o0o-----
Isang lingo na ang lumipas ay hindi pa muling bumabalik si Alfred para
magkumpisal o magkwento tungkol sa aming napag-usapan. Sadya ko siyang hinintay
sa araw ng kumpisalan, pero hindi siya dumating. Nag-aalala rin ako, dahil may
tendency siya ng pagpapakamatay.
Kahit naman wala siya ay tuloy pa rin ang pagdinig ko ng kumpisal, at may
hindi na naman akong inaasahan na makakarinig ng kumpisal buhat sa isang
lalaki.
"Bless
me Father for I have sinned,” Ang palaging panimula ng mga taong ibig
magkumpisal.
“Go on,”
wika ko.
“Ako po si
Jose Carlo o si JC. Ako po ito Father, kayo po ang nagkasal sa akin kung
natatandaan pa po ninyo,” wika ng lalaki na nagpakilala pa sa akin. Sa dami na
ng aking ikinasal ay hindi ko na rin siya natandaan pa, nagkunwari na lang
akong nakikilala ko pa siya.
“Of course,
Jose o JC, natutuwa ako at muli kang natuntong dito sa aking kumpisalan. Ano
naman ang nagawa mong kasalanan at kailangan mong magkumpisal?”
“Nakipagtalik
ako sa dati kong kaklase at kaibigan Father. Siya ang aking bestman sa aking
kasal, Ricky po ang kanyang pangalan,” ang kumpisal ni JC.
“Isang
malaking pagkakamali at kasalanan ang ginawa mo, ngunit sigurado ako na
mapapatawad ka ng Maykapal kung magsisisi ka na at hindi na uulitin pa ang
iyong nagawa. Iwaksi mo na sa iyong isipan ang maling nagawa at huwag na huwag
nang mauulit pa,” ang wika ko.
“Pero
Father, nanalangin na ako sa Mahal na Birher, at sa Poong Maykapal, subalit
hindi mabura sa aking isipan ang pagnanais na makasama si Ricky. Napatunayan ko
sa aking sarili na mahal na mahal ko na pala ang aking kaibigan kaysa sa aking
asawa,” wika naman in JC.
“Sa aking
palagay ay hindi ka lumapit dito para magkumpisal at humingi ng kapatawaran JC.
Bakit ka narito, ano ang kailangan mo sa akin?” ang tanong ko sa kanya. Ang
aking pakiwari ay may suliranin siya, gaya rin in Alfred, ang dating pari.
“Father,
gusto ko pong malaman kung paano ko ipawawalang bisa ang aming kasal. Para lang
po sa inyong kaalaman, wala pa pong nangyayari sa amin ng aking asawa, hindi pa
po kami nagkakasiping.”
“Mahabaging
langit!” Gulat na gulat ako sa pinagtapat in JC. Hindi ako makapaniwala.
“Alam ba ng
asawa mo ang balak mo? Pumayag ba siya?”
“Payag po
siya. Sa kadahilanan na hindi niya maibigay ang kanyang obligasyon sa akin, at
siya pa po ang humiling sa akin.”
“Are you Gay?”
tanong ko.
“Hindi po
Father. Lalaki po ako. Ang problem ko po ay takot siyang makipag-sex, para pong
may phobia. Wala po kaming sex noong mag kasinatahan pa lang kami, ang akala ko
ay dahil lang sa hindi pa kami kasal kaya ayaw niya. Pero nang makasal kami at
nilalambing ko siya ay parang nandidiri. Kahit anong sabihin ko na hindi siya
masasaktan ay talagang ayaw. Bigyan ko pa raw siya ng konting panahon. Father,
mahigit na kaming isang taong kasal, pero nananatili pa rin siyang isang
virgin.
“Kung pareho
ninyong gusto, matutulungan ko kayo. I will arrange sa pagpapawalang bisa ng
inyong kasal. Sabihin mo nga sa akin kung paano ito nangyari?” Hindi ko alam
kung anong nangyari sa akin. Bigla akong tinigasan, kaya ko natanong kung anong
nangyari, parang nag e-expect ako ng isang mainit na pangyayari.
“Po?
Kailangan pa po ba Father?” tanong ni JC. Alam kong nagtataka siya kung bakit
ko pa gustong malaman ang mga pangyayari.
“Yes JC,
baka magtanong ang counsel. Ganito na lang, pag-usapan natin ang bagay na iyan,
hindi dito sa kumpisalan since hindi ka naman talaga nahingi na kapatawaran.
See me sa aking tahanan by 6PM. Wala na akong gagawin sa oras na iyon sa
simbahan. Alam mo na naman ang tirahan ko, hindi ba Ricky?”
“Yes Father.
Sige po, puntahan ko kayo.”
-----o0o-----
Ang akala ko
ay hindi na darating si JC dahil 15 minutes na ang nakaraan sa takdang oras ng
aming usapan ay wala pa siya. Dumating naman siya late nga lang ng 30 minutos.
Konting usap
lang at pinagsimula ko na siyang magkwento. Narito ang kanyang salaysay.
Nagkakilala
kami ni Ricky noong enrollment sa college. Nakapila ako sa cashier para
magbayad, kasunod ko siya.Mahaba ang pila, para hindi mainip ay nakipag-usap
ako sa kanya.
Gwapo si
Ricky.matangkad, payat pa siya noon, pero ngayon ay hunk nang matatawag dahil
sa ganda ng katawan.
Wala pa
akong matutuluyan noon, kaya inaya ako na maghanap daw kami ng room for rent.
Para makatipid ay dalawa kami at hati sa upa. Pumayag naman ako.
Naging
magkaibigan kaming matalik, best buddy ko siya. Sa apat na taong pagsasama
namin, ni minsan ay hindi kami nagkasamaan ng loob. Napakabait niya, masasabi
ko ngang spoiled ako sa kanya bilang kaibigan, kasi lahat ng gusto ko, sa
lakaran, sa kainan, sa inuman, sa panliligaw ay ako palagi ang nasusunod.
Pinagbibigyan niya lahat ng kapritso ko.
Wala akong
kamalay-malay na may pinoproblema pala siya. Last sem na namin ng malaman ko,
Nagtapat siya sa akin. Uminom muna kami bago siya nagka lakas ng loob ng magtapat.
“JC, may
gusto sana akong aminin sa iyo. Ang tagal kong kinimkim ito sa aking sarili,
kasi ay natatakot akong hindi mo ako maunawaan. Ayokong mawalan ng isang
kaibigan na tulad mo. Ikaw lang naman ang naging mabuti at tapat kong kaibigan
sabuong college life natin,” pauna niyang kwento.
“Ano ba
iyon? Ano man iyon ay nangangako akong hindi magbabago ang pagiging magkaibigan
natin,” pag-assure ko sa kanya.
“JC, bakla
ako. I’m gay,” pag-tatapat niya sa akin, tumutulo ang luha at hindi makatingin
ng diretso sa akin.
Napatingin
ako sa kanya. Parang sinusuri ko kung may katotohanan ang kanyang sinasabi.
Wala akong nakitang kabaklaan sa kilos niya at ni minsan ay hindi ko nakita na
nag-take advantage siya sa akin. Palagi pa naman akon halos walang saplot sa tuwing
matutulog. At kapag nagbibihis ako ay hindi ako nahihiyang maghubad sa harapan
niya. Kung minsan nga ay sabay kaming naliligo ng hubo at hubad kapag pareho
kaming tinanghali at male-late na sa pagpasok.
“Bakit
ganyan ang tingin mo sa akin? Nandidiri ka ba sa akin dahil sa bakla ako?”
tanong ni Ricky, lalong lumakas ang pag-iyak.
“Ano ka ba?
Wala sa akin kung bakla ka o ano. Pero totoo ba ang sinasabi mo sa akin? Baka
naman ginu-good-time mo lang ako. Wala naman akong nakitang kabaklaan sa iyo.
Mas madami ka pa ngang naging GF sa akin,” wika ko na hindi makapaniwala sa
ipinagtapat sa akin.
“Totoo lahat
ang sinabi ko. Kung nakipag-GF man ako ay ikaw naman ang nagdadala sa akin,
dinadamay mo lang ako sa pambababae mo.”
Hinawakan
niya ako sa braso ko sabay yakap, tapos ay inakbayan ako. “Kung totoo totoo man
ang sinasabi mo ay wala lang iyon sa akin. Eh ano ba kung bakla ka, may
mababago ba sa ating pagsasama. Tumahan ka nga diyan, para kang bata. Walang
mababago sa ating pagiging magkaibigan.”
“Maraming salamat
JC. Malaking bagay sa akin ang pagtanggap mo sa aking pagkatao. Isa ka talagang
kaibigan,” wika niya.
“Kailan ka
pa naging bading?” tanong ko ulit. Duda talaga ako.
“Since birth
siguro. Bata pa lang ko ay iba na ang aking pakiramdam sa sarili. Alam kong may
kakaiba sa akin. Humahanga ako sa lalaki, nagkakagusto at hindi ko lang
sinasabi. Tinago ko ang aking tunay na pagkatao dahil ayaw kong mahusgahan ako
ng tao.”
“Ang tagal
na nating magkasama sa isang silid, nakita mo na lahat sa akin, pati pagsasalsal
ko ay alam mo, magkasabay pa tayo minsan. Hindi ka ba man lang nagkaroon ng
pagnanasa sa akin?”
“Kung alam
mo lang, para bang tinotorture mo ako sa tuwing maghuhubad ka sa harapan ko, sa
tuwinang matutulog ka na naka-brief lang at kung minsan ay wala pang brief.
Pinagnasahan kita, alam mo ba iyon, gusto kong gapangin na kita. Sa aking
imagination ko na lang kita inaangkin habang nagjajakol ako kapag wala ka pa.
Ang hirap kaya ng kalagayan ko. Hindi ko magawa dahil sa ayaw kong sirain ang
matagal na nating pagkakaibigan.”
“Bakit
ngayon mo lang ipinagapat sa akin. Baka naman may pagtingin ka sa akin, sabihin
mo na rin.”
“Kung love
ang tinutukoy mo ay masasbi kong wala. Mahal kita bilang isang tunay na kapatid
lang at hindi hihigit doon.”
“Pero sabi
mo ay pinagnasahan mo ako.”
“Totoo.
Marami naman kayong pinagnasahan ko, pero walang pagmamahal akong naramdaman,
purely lust.
“Bakit hindi
mo isinakatuparan ang hangarin mo?”
“Kung ginawa
ko ba ay pagbibigyan mo ako?”
“Malay mo?”
“Kaya nga
nakipag GF din ako eh, para hindi masayang ang aking ano. Hindi naman pwedeng
pulos si Mary Palmer na lang ang gamit ko at sa toilet na lang mapunta ang aking...
alam mo na. Gusto mo bang subukan sa akin?”
“Hahaha, in
your dreams. Pero pwera biro, okay lang sa akin kung bading ka. Swerte ko nga
sa iyo eh, kasi na-spoil mo ako. Ni minsan ay hindi mo ako kinontra sa gusto
ko. Maraming salamat.
-----o0o-----
Walang
nabago sa aming pagkakaibigan hanggang sa maka-graduate kami. Kaagad kaming
nagkatrabaho, siya ay sa Genersl Santos City na-destino samantalang ako ay sa
aming bayan sa Laguna nakahanap ng trabaho. Hindi naman nawala ang komunikasyon
namin, nagkaka-chat kami, nagkakatawagan sa phone Ang huling pag-uusap namin ay
noong sabihin kong ikakasal na ako at siya ang aking bestman.
“Bakit ang
bilis yata, kababalita mo lang na may bago kang GF at balak mong pakasalan na,”
wika niya sa phone ng ibalita ko sa kanya ang nalalapit kong kasal. Iba ang
tono ng kanyang boses, parang malungkot.
“Napabilis
nga, wala pang isang buwan, Ito yata ang tinatawag na whirlwind romance,” sabi
ko. “Ikaw ba, wala ka pa bang nakikitang makakasama mo sa buhay?”
“Nagpapatawa
ka ba? Sino naman kayang lalaki ang magmamahal ng tapat sa kagaya ko. Meron
ako, fuck buddy hehehe.”
“Puro ka
kalokohan. Basta, hindi ka pwedeng mawala, ikalendaryo mo na.’
“JC,
sigurado ka na ba diyan. Masaya ka ba?” tanon ni Ricky.
“Oo naman.
Magpapakasal ba ako ng hindi ako masaya?”
“Nagsisiguro
lang ako, kasi, masaya ako na malaman na masaya ka, totoo yan,” wika ni Ricky.
Masaya daw siya sa para sa akin, pero bakit tila may lumbay ang pagkakasabi
niya. Hindi ko na lang binigyang kahulugan iyon.
-----o0o-----
Ikinasal
kami, noon ko nalaman na takot siya sa pakikipagtalik, walang nangyari sa aming
unang gabi. Maging sa aming honeymoon ay hindi ko rin siya nagalaw. Kinausap ko
siya kung anong problema, pero wala siyang masabi, basta natatakot daw siya,
ayaw niyang masaktan, ayaw niyang mabuntis. Inaya ko siyang kumunsulta sa isang
psychiatrist, ayaw niya. Dahil sa mahal ko ay tumagal pa rin ang aming
pagsasama,
Pinapayagan
ako ng asawa ko na mambabae, huwag lang daw akong magkakaanak. Hindi niya
tanggap na magkaanak ako sa iba. Inunawa ko naman siya.
Magpapasko,
naisipan kong dalawin si Ricky sa Gensan. Tinawagan ko siya kung pwedeng mag-stay
kami sa inuupahan niyang apartment. Tuwang-tuwa naman siya sa aking balak.
Sinalubong
pa kami ni Ricky sa airport. Napakasaya ko sa muli naming pagkikita, Mahigit
tatlong taon na kaming hindi nagkita kaya ganon na lang ang kasabikan namin sa
isa’t isa. Hindi namin namalayan na matagal na pala kaming magkayakap doon
mismo sa airport, sa harap ng kanyang asawang si Donna.
Sa Apartment
na niya kami nagtuloy, may inihanda raw siyang pang-hapunan namin.
“Isa lang
ang silid ng apartment JC, diyan na kayo sa silid at ako ay dito na muna sa
couch matutulog. Huwag nang kokontra dahil ilang araw lang naman kayo rito.
Magpahinga muna kayo at saka na lang tayo magbalitaan,” wika ni Ricky.
-----o0o-----
Pagkakain ng
hapunan ay nagkwentuhan naman kami, balitaan habang umiinom ng serbesa. Pati si
Donna ay nakisali sa aming inuman.
Natanong ni
Ricky kung kelan namin balak mag-anak. Nawalan ng kibo si Donna. Nagkatinginan
kami ni Donna, hindi alam kung ano ang isasagot.
“Gusto ko
munang stable na ang aming trabaho bago mag-anak. Sa hirap ng buhay ngayon,
dapat ay planado pati pagkakaroon ng anak. Malaking responsabilidad ang
pagkakaroon ng anak Ricky.”
“Tama ka
naman diyan, bata pa naman kayo.”
“Ikaw, kelan
ka ba mag-aasawa. Marrying age ka na naman. Wala ka bang nobya ngayon. Kwento
kasi ni JC ay sobrang babaero ka daw noong nasa college kayo?” tanong ni Donna.
Si Ricky
naman ang nawalan ng kibo, tila nag-iisip ng isasagot. “Madaling maghanap ng
mapapangasawa Donna, ang mahirap eh ang kakaharapin kapag hindi handa. Gusto ko
kapag nag-asawa ako ay makakaya ko nang buhayin ang mapapangasawa ko at ang
magiging supling namin,” tugon ni Ricky.
“May
girlfriend ka ba ngayon?” follow-up na tanong ni Donna.
“Wala sa
ngayon. Simula ng mabigo ako sa taong minahal ko ng lubos ay hindi na muna ako
nanligaw. Pasideline-sideline na lang muna hahaha.”
Napatingin
ako kay Ricky, nagtatanong ang aking titig. Wala akong alam na nakwento niya sa
akin na nagmahal siya ng tapat. Hindi naman ako makapagtanong dahil sa kaharap
pa namin ang aking asawa.
“Ano nga
pala ang balak ninyong gawin sa ilang araw na pananatili ninyo sa Gensan, Pwede
ko kayong samahan sa pamamayal dahil wala kaming pasok hanggang sa new year.
“Konting
pasyal lang siguro bukas, itong si Donna kasi ay may kamag-anak dito sa Gensan,
medyo may kalayuan dito sa centro, inimbitahan daw siya na doon na mag-pasko.
Kaya siguro, sa bisperas ng pasko ay puntahan niya iyon.” Wika ko.
“Bakit
‘niya’. Hindi ka ba kasama?” tanong ni Ricky.
“Ha ah eh
sabi ko kay JC na ako na lang. May pag-uusapan kasi kaming pang-pamilya at ayaw
kong ma-involve si JC. Sandali lang naman ako, babalik din naman ako kaagad
dahil sa Manila kami magnu-new year.” Si Donna na ang sumagot.
-----o0o-----
Inihatid
namin ni Ricky si Donna sa sakayan ng Bus noong a-bente-kwatro ng Disyembre.
Hindi naman kami kaagad umuwi ng apartment, pasyal-pasyal muna, kumain ng
tanghalian at dumaan sa department store para bumili ng pangregalo sa
mag-asawa. At bumili na rin na maluluto para sa noche buen. Bumili na rin kami
ng alak at beer.
Pag-dating
sa bahay ay nagluto na lang kami fried chicken, sopas at may binili naman
kaming puto kanina, Siya na lang kakainin namin sa noche buena. Hindi na kami
naghapunan.
Habang
hinihintay namin ang pagsapit ng midnight ay nag-inuman muna kami. Marami
kaming napag-usapan.
“Wala ka
bang nakukursunadahan dito. Kung nasa Manila ka lang ay marami akong irereto sa
iyo, mga gwapo at macho.” Wika ko.
“Ayan ka na
naman. Kung sino-sino na namang irereto sa akin. Totoo naman ang sinabi ko sa
iyo na may Fuck buddy ako rito, Gian ang pangalan niya. Pinipilit nga niya
akong magsama na kami, totohanin na ang aming relasyon. Pinag-iisipan ko ngang
mabuti ang alok niya, totoo daw na mahal niya ako. Alam mo, may sarili siyang
negosyo, buy and sell ng mga pre-loved cars. Sa kanya ko nga binili yung
ginagamit kong kotse eh, gusto niyang ibigay na lang sa akin, pero hindi ako
pumayag.” Wika ni Ricky.
Parang may
biglang sumundot sa aking dibdib, parang sumakit pagkarinig ko na may nag-aalok
sa kanya na magsama. Hindi ko na lang ako masyadong nagtanong pa. Baka masaktan
lang ako.
“Brod, isang
taon na kayong kasal, wala ka bang balak na magka-anak? Sino ba sa inyo ang
ayaw pang mag-anak?” tanong na naman ni Ricky. “Saka, totoo bang family matters
ang pag-uusapan ng pamilya ni Donna? Pamilya ka na rin naman ah,” dugtong pa ni
Ricky.
“Ang totoo
ay isinasama ako, pero ako ang tumanggi?” sagot ko sa tanong ni Ricky.
“Bakit?”
“Kasi miss
na miss na kita! Mas gugustuhin ko pang makipag-bonding uli sa iyo kesa
makisalamuha sa kamag-anak niya. Besides, hindi ko naman sila kilala pa. Bahala
na siyang magdahilan kung bakit hindi ako kasama.”
Itutuloy.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento