Idol
Ko Si Sir (Part 7)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
“Ey! Nandito ka pa ba? Lumilipad yata ang isip
mo ah! Tingnan mo, namumula na naman ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumogi,
naiinsecure na ako sa iyo e!”
Sinasampal-sampal niya
ang mukha ko na parang gigil na gigil at sabik na sabik sa akin.
“Biro lang... ito
naman, di na mabiro e.”
Tawanan kaming
lahat. Nag-inuman nga kami, ako, si Tatay Nando, si James at si Anton. Coconut
wine na ang tawag ay tuba, at tagay system. Kwentuhan, biruan, ini-experience
ang pagtakbo ng oras na walang hinahabol, walang iniisip na deadline, ini-enjoy
ang preskong hangin, ang mga berdeng tanawin, ang ingay ng mga ibon at
nagkikiskisang dahon ng mga kahoy at halaman habang nalalanghap naman ang bango
ng binabarbecueng manok at inihaw na mais nina Anton at Maritess. Nakikisali na
rin sa umpukan sina Nanay Narsing at iba pang mga anak nila. Napakasaya ko sa
mga oras na iyon. Gabi na nung matapos kami, medyo lasing na ang lahat. At
dahil pinigilan ako ni Tatay Nando’ng bumalik sa apartment ko, doon na rin ako
natulog.
-----o0o-----
“O, James, bahala ka
na kay Carl ha? Wala tayong ibang kwarto. Malilit ang kwarto ni Anton at kasama
pa niya doon si Dodong. Kaya sama nalang kayo ni Carl?” tanong ni Tatay Nando
kay Sir James.
“Opo, ‘Tay, walang
problema. Ako nang bahala dito,” ang may pag-aalangang sagot ni Sir sabay
tingin sa akin.
Walang magawa si Sir
James kundi ang maglatag ng banig sa kwarto niya para sa aming dalawa. Naglagay
din siya ng mosquito net dahil marami daw lamok sa gabi at shorts lang ang suot
niya sa pag tulog. Single lang ang mosquito net niya, wala na daw mahagilap na
iba pa. Bago kami nahiga, naligo muna siya at pagkatapos ay ako naman. Dahil
wala akong dalang shorts, pinahiram na rin niya ako. Naalala ko na naman ang
huling pagkakataon na natulog kaming magkatabi sa flat niya. Lasing na lasing
ako nuon, pinunasan niya buong katawan ko at pinasuot ng shorts niya. May kilig
at kiliting sumundot sa akin. “Hmmm, sana nagpakalasing na lang ako para
punasan niya na naman ang buong katawan ko...” sambit ng utak kong malisyoso.
Pareho kaming
naka-shorts lang. Nung mahiga, walang imikan. Nakaka-bagot ang katahimikan.
Pakiramdaman, hindi ko alam kung anong posisyon ako hihiga. Nandiyan yung
tatagilid, titihaya, dadapa... Ngunit wala pa ring kibo si Sir kahit na
paminsan minsan, ang balat namin ay nagdidikit at ang paa ko sa kapipiglas ay
nasasagi sa paa niya. Sa lapit namin sa isa’t-isa, nalalanghap ko ang amoy ng
katawan niya at ang presko niyang hininga. At dahil sa patay ang ilaw, pilit
kong inaaninag ang posisyon niya sa pagtulog. Nakatihaya lang, ang isang braso
ay nakapatong sa ulo. Alam ko, gising pa siya at nagmamanman sa mga kilos ko,
naghihintay kung ano ang susunod na mangyari.
Sumisigaw ang isip
ko na ipatong ang kamay ko sa dibdib niya o kaya’y hablutin ang katawan niya at
yakapin ng mahigpit. Ngunit natakot din akong baka magalit siya o kaya’y
mapahiya ako’t iwaksi ang kamay. Maya-maya tumagilid na lang ako paharap sa kaniya,
nag-isip kung ano ang gagawin para mabiyak ang pakikiramdaman namin sa
isa’t-isa. ”I-patong ko kaya ang hita ko sa hita niya? O... yung binti ko na lang
sa binti niya, kunyari hindi ko sinasadya? Ah... bahala na. Bugbugin man niya
ako, ok lang. Gagawin ko na talaga to” pag-udyok ng utak ko. Palakas ng palakas
ang kabog ng dibdib habang ang utak ko naman ay nagbibilang, “Isa, dalawa,
tatlo... Ummpptt!” Ang pagpigil ko sa sariling wag gagawa ng ingay. Unti-unti
kong inangat ang paa ko at dahan-dahang ipinatong iyon sa mismong umbok ng
harapan niya.
Madilim ang kwarto,
malakas ang kabog ng dibdib sa naghalong kaba at excitement. Dahan-dahang
dumampi ang hita ko sa harapan niya. Nakiramdam ako. Hindi siya kumibo, hindi
kumilos, hindi man lang tinapik iyon. Pinabayaan lang niya ito. Dama ko ang
umbok ng pagkalalaki niya at lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Ilang sandali din ang lumipas at hindi pa rin siya kumilos. Natuyu ang
lalamunan ko na ‘di maipapaliwanag ang naramdaman sa pag-antabay sa maaring
sunod na mangyari. Napalunok ako ng sariling laway, tuliro ang utak, nag-isip
kung galawin ang hitang nakapatong o idiin yun. Kinikilig, nakikiliti at
nag-iinit ang aking katawan.
Lumakas ang loob ko
sa pagbale-wala niya sa ginawa ko. Ipinatong ko na rin ang isang kamay sa
dibdib niya at iniusog ang katawan, ang bibig ko ay halos madikit na sa tenga niya.
Naaamoy ko ang shampoong ginamit niya sa pagligo nung gabing iyon. Nanatili siyang
walang kibo, hindi gumalaw. “James... I love you.” Bulong ko. Tahimik.
“Bakit ka nandito?”
Sumagot siya ng
pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi siya gumalaw at painabayaan pa
rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kaniya.
“Hindi ako mapakali
kung hindi kita nakikita at nakakasama...”
“Bakit?”
“Hindi ko alam. Ang
alam ko lang ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong nandiyan ka palagi sa piling
ko.”
“Bakit?”
“Yan ang sinasabi ng
puso ko, James... at ikaw ang tinitibok nito.”
“Bakit?”
“Ewan...”
“Paanu kung
nagsisinungaling ang puso mo?”
“Hindi ako
magsasayang ng oras at panahon sa pagpunta dito kung alam kung hindi totoo ang
sinasabi ng puso ko...”
“Bakit mo ako
minahal?”
“Dahil iyon ang
nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nagpapatino sa akin. Ikaw lang ang alam
kong taong iniidolo ko. Ikaw lang ang taong alam na alam ang buong pagkatao ko,
ang buhay ko, ang taong nakakaintindi sa akin, ang nagbalik ng tiwala ko sa
sarili, at ang nagturo sa akin kung paano tahakin ang buhay sa mabuting paraan.
Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagtitibok at
nakapaghihinto nito ng sabay. Pag hindi kita nakita, napakalungkot ng mundo ko,
walang kahulugan ang buhay, walang kulay...”
Mejo napangiti ako
nung tinanong niya. “Di ba corny?”
“Corny, yeah. And
love should be, and OA, and…”
“Stupid.”
“Yeah” ang maagap
kong sagot, at sabay naming binitiwan ang pigil na tawa habang nakapatong pa
rin ang kamay at hita ko sa kaniya.
“Salamat sa
pagdepensa mo sa akin sa graduation. I hated you doing it...”
“Bakit”
“Dahil you’ve blown
up the issue”
“Yeah, but it
straightened the record, case closed.”
“And you’re
punished.”
“Yeah. And I don’t
care a bit. I don’t need those medals anyway. I need you...” Tahimik ulit.
“Bakit ako ang
napili mong mahalin?”
“Hindi ako ang
pumili sa iyo, James, puso ko, at ‘di ko alam kung bakit. Yan din ang
tinatanong ko.”
“Paano kung mali ang
iniudyok ng puso mo?”
“Kung ganun, ayoko
nang maging tama pa ito.”
“Nasa alaala ko pa,
Carl ang nangyari sa atin... at ang kapahamakang nagawa nito. Gusto mo bang
maulit uli yun?
Tahimik. Niyapos ko siya.
Idiniin ko ang mukha ko sa ulo niya, ang mga labi ko ay idinampi sa tenga niya.
Hindi pa rin siya kumibo. Hinayaan lang niyang magdikit ang mga katawan namin.
“I’m sorry James sa
mga nagawa ko. Ngunit mahal kita at handa kong paninindigan ang nararamdaman ko
para sa iyo. Iba iyong nangyari sa atin noon James, sinugatan mo ang puso ko at
matindi ang galit ko sa iyo sa panahong iyon. At alam mo ding magulo ang buhay
ko noon. Nagbago na ako, James... dahil sa iyo.”
“Paanu kung
susugatan ko uli ang puso mo?”
“Kung liligaya ka sa
gagawin mo, wala akong magawa. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisi na ako.
Ngunit kung kailangan ko pang i-pakita sa iyo kung gaano kalalim ang pagsisisi
ko, gagawin ko. Tatanggapin ko kung anu man ang parusang ipapataw mo.”
“Hanggang kailan mo
ako pweding mahalin?”
“Walang hangganan.”
“Habang may buhay?”
“Oo”
“Ayaw mo ba
magkaroon ng normal na pamumuhay, na may pamilya, asawa, at anak? Ayaw mo bang
bigyan ng lubusang kaligayahan ang mommy mo na mabigyan siya ng apo? Ayaw mo
bang magkaroon ng anak at ibigay sa kaniya ang hindi mo naranasan simula nung
ika’y bata pa?”
Hindi ako nakakibo.
Sumiksik ulit sa isipan ang huling binitiwang salita ng mommy na gusto niyang
magkaroon ng apo. Naalala ko rin ang mga sandaling nahahabag ako sa sarili
kapag nakita ang ibang mga bata na may daddy na kalaro o kasama sa pamamasiyal.
Nagpatuloy siya.
“Kaya mo bang habang
namamasiyal tayo, titingnan tayo ng mga tao at pagkatapos ay magtitinginan
silang may bahid-malisiya? Kaya mo bang habang nagsasama tayo sa isang bahay,
may mga dadaang tao at titingnan tayong ang turing ay parang mga taga-ibang
planeta o hindi normal na mga tao?”
“Kakayanin ko,
James.”
Tahimik.
“Anong gusto mong
mangyari ngayon?”
“Sana, magsama tayo
palagi, gaya ngayon...”
“Hindi mo ba ako
tatanungin kung gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang
normal na buhay?”
“Bakit... wala ka
bang nararamdaman para sa akin?”
“Magkaiba ang
dalawang bagay na yan, Carl; ang magmahal at ang mangarap”
“Bakit, ano ba ang
pangarap mo?”
“Ang magkaroon ng
pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay, ng mga supling na
nagtatakbuhan at nagkukulitan, na inaalagaan, na binibigyang pansin at
mag-aalaga sa aking pagtanda; ang magkaroon ng isang babaeng maging ina nila,
na dadamay at katuwang sa buhay. Ikaw ba hindi sumiksik sa isipan ang ganun?”
Parang tinusok ang
puso ko sa narinig. Dama ang namumuong luha sa mga mata ko.
“Gusto ko rin,
syempre. Pero, bata pa tayo, James. Twenty lang ako at ikaw, 25. Kailangan na
ba nating magdesisyon sa mga bagay na yan ngayon?” ang sabi kong halatang
nasaktan sa sinabi niya. Hindi pa rin siya kumilos.
“Oo, dahil kung
gusto mong magtagumpay sa buhay, kailangang may direksyon ka, may plano.”
“Hindi mo ba ako
mahal?”
“Bakit mo sisirain
ang buhay ko at ang buhay mo? Bakit mo sisirain ang pangarap ko?”
Tuluyan na akong
naapektuhan sa diretsahang sinabi niya. Tinanggal ko ang kamay at hitang
nakapatong sa kaniya bilang pagpapahalata sa ‘di nagustuhang tono ng kaniyang
pananalita. Tumihaya ako, inilagay ang isang braso sa ibabaw ng aking ulo.
“Bakit? Bawal ba ang
magmahal ng ganitong klase? Lahat ba ng taong nagmahal ng ganito ay nasisira
ang mga buhay nila?” ang sabi kong halata sa tono na nasaktan.
“Hindi.”
“Yun naman pala eh.
Bakit ganiyan ka kung makapagtanong?”
“Dahil naniniwala
ako na ang lahat ng klaseng pagmamahal ay dapat may focus, may target, may
direksyon. Hindi lang basta nagmahal ka ngayon at bahala na kung ano ang
mangyayari bukas. Naniniwala ako sa pagmamahal na hindi lang puso ang umiiral
kung hindi, pati na ang isipan... Ganiyan ba ang pagmamahal mo?”
“Hindi ko
maintindihan.”
“Give yourself
sometime away from me...”
“Bakit?”
“Kung mahal mo pa
rin ako after a year kahit malayo ka sa akin, d’yan ko malalaman na ang
pagmamahal mo ay ‘di lang umiiral sa puso...”
“Ba’t di mo nalang
sagutin ang tanong ko ngayon? Kung mahal mo rin ba ako.”
“Love is patient...
love knows no bounds. Love goes to where it’s meant to be.”
“Mahal mo ba ako?”
ang pangungulit ko.
“Do you believe in
destiny?”
“What’s the
relevance?”
Hindi na siya
sumagot. At sumiksik sa isip na talagang hindi niya ako mahal at imposibleng
mahalin pa. Iniisip ko na naghanap lang siya ng excuse upang lumayo ako,
malimutan siya, at hindi na guguluhin o kukulitin pa. Tuluyan nang dumaloy ang
luhang kanina lang ay namumuo sa mga mata. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito
sa unan, sa papag na hinihigaan. Hindi na ako kumibo, hindi na kumilos upang
hindi mapansin ang paghikbi at hinanakit sa mga sinasabi niya. Pilit kong
isiniksik sa isipan na kaya kong labanan ang sakit na nararamdaman, at ang
pag-reject niya sa nararamdaman ko. Pilit kong inamo ang sarili na ang lahat ng
tagpo namin at mga alala sa kaniya ay pawang panaginip at kathang-isip lang.
Tahimik. Maya-maya,
tumagilid siya paharap sa akin. Nagulat na lang ako nung dahan dahan niyang
ipinatong ang isang hita niya sa harapan ko at ang isang kamay niya sa dibdib
ko. Hindi na ako kumibo. Ini-usog niya ang katawan palapit sa akin, ang bibig
ay nakadikit sa tenga ko. Binulungan niya ako, “Carl, I love you. I do... Pero
sana naintindihan mo ang sinasabi kong panagarap.”
Niyakap niya ako,
mahigpit. Pinunas ng kamay niya ang luha sa pisngi ko. Naghalong saya at
pagkalito ang naramdaman sa narinig at sa una niya nang mga nasabi.
“Akala ko, hindi mo
ako mahal. Akala ko – hmmmpp!” Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin nung
idinampi niya ang mga labi niya sa labi ko. Nagyakapan kami na animoĆ½’y wala
nang bukas pang darating, nag-aalab ang pagnanasa sa isa’t-isa. Sa pagkakataong
iyon, batid ko ang nilalaman at isinisigaw ng puso niya. Puno ng pagmamahal at
pananabik. Para kaming mga batang puslit, walang mga saplot, walang pakialam sa
mundo at uhaw na uhaw. At tuluyan nang nagdikit ang aming mga katawan, ang
sabay na pagpintig ng aming mga puso, ang pag-iisa ng aming isip at damdamin.
Para kaming lumulutang sa ulap. At nang marating na namin ang ruruk ng kaligayahan,
di maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama.
Tinamasa namin ang
sarap na iyon ng ilang ulit pa, sa buong magdamag... Nung humupa na ang
pag-aalab ng aming mga katawan. Bumulong siya. “Kung talagang para tayo sa
isa’t-isa, layuan mo muna ako, isang taon, walang contact. Kung nandito pa ako
sa pagbalik mo… maaring para nga tayo sa isa’t-isa. Ngunit kung sa pagbalik
mo’y nakahanap na ako ng babaeng pakasalan, sana matanggap mo rin iyon, ang
marating ang sariling pangarap. Ngunit kahit pa mangyari iyon, pangakong hindi
kita buburahin sa puso ko.”
Tahimik. Nagpatuloy siya.
“Ikaw, maipangako mo ba sa akin na babalik ka, at kung mahanap ko man ang
sariling pangarap, matatanggap mo ba?”
“Oo. Babalik ako, at
ano man ang madadatnan ko sa pagbabalik, tatanggapin ko ito ng buong puso….”
“Salamat Carl.
Salamat…” sabay dampi ng mga labi niya sa pisngi ko.
Kinabukasan, lumuwas
ako patungo sa malaking syudad, sa bahay ng mom. Yun na ang huli naming
pagkikita ni Sir James. Batay sa pinagkasunduan, isang taon ko siyang layuan.
Walang kasing sakit ang mawalay sa taong mahal. Ngunit tiniis ko ang lahat,
maipamalas lang kung gaano kalalim ang pag-ibig ko sa kaniya. Anim na buwan ang
nakaraan at wala kaming contact sa isa’t-isa, at di ko na rin alam kung ano na
ang nangyari sa kaniya, except sa sinabi ng secretary ng mom ko na siyang
nagmo-monitor sa charity project nila ni Sir James. Successful daw ang
implementasyon nito at maganda ang feedback ng mga tao. Na-feature din sila sa
iba’t ibang news programs at mga magazines maging sa labas ng bansa. At dahil
na rin sa success na natamasa, nakahanap sila ng iba pang mga malalaking
sponsors at donors na siyang dahilan upang mag-expand at mag-open na rin ng
formal school.
Anim na buwan pa ang
hihintayin at babalikan ko na ulit ang lugar na iyon upang tuparin ang isang
pangako. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari; kung ganun pa rin ba siya,
o may iba nang tinitibok ang puso. Ngunit ang mahalaga, ay maipamalas ko sa kaniya
na ang pagmamahal ko ay hindi lang sa puso umiiral. Ano man ang madatnan sa
pagbalik, tatanggapin ko ito ng buong tapang, ng buong pang-unawa kahit ito’y
nangangahulugan ng katuparan ng pangarap niya sa buhay – ang magkaroon ng
sariling pamilya, asawa’t mga supling. Matatanggap ko ang lahat dahil naintindihan
ko na ang ibig sabihin ng sinasabi niyang pangarap. At ito na rin ang
pinapangarap ko para sa sarili...
End
of Book 1
Wait
for Part 8, the start of Book 2
Thank
you sa mga nagbasa.
Mike
Juha
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento