Linggo, Oktubre 22, 2023

PARI (Part 13)

 


PARI (Part 13)

 

Narito ang pagpapatuloy ng pagkukuwento ni JC:

 “Brod, isang taon na kayong kasal, wala ka bang balak na magka-anak? Sino ba sa inyo ang ayaw pang mag-anak?” tanong na naman ni Ricky. “Saka, totoo bang family matters ang pag-uusapan ng pamilya ni Donna? Pamilya ka na rin naman ah,” dugtong pa ni Ricky.

“Ang totoo ay isinasama ako, pero ako ang tumanggi?” sagot ko sa tanong ni Ricky.

“Bakit?”

“Kasi miss na miss na kita! Mas gugustuhin ko pang makipag-bonding uli sa iyo kesa makisalamuha sa kamag-anak niya. Besides, hindi ko naman sila kilala pa. Bahala na siyang magdahilan kung bakit hindi ako kasama.”

-----o0o-----

Seryoso ang pagkakasabi ko ng ganon. Nagkatitigan kami, tila may luhang ibig pumatak sa mga mata ni Ricky. Alam ko kasing miss na miss na rin niya ako. Alam ko rin na may pagtingin siya sa akin noong ipagtapat niya ang tungkol sa pagiging gay niya.  Hindi na lang ako nagpahalata na alam ko, nararamdaman ko. Pero hindi pwede na maging kami dahil sa pagiging magkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Nakakarami na rin kami ng naiinom. Halos maubos na ang malaking bote ng alak na aming binili. May beer pa naman sakaling maubos talaga namin ang alak hehehe.

Nakakaramdam na ako ng hilo ay wala pang alas dose ng madaling araw. Ibinigay na niya sa akin ang kanyang regalo, baka daw malasing siya ay hindi pa niya naibibigay. Yung kay Misis ay sa pagbalik na lang daw niya ibibigay.Inabot ko na rin sa kanya ang aking regalo.

“Mamaya na nating buksan, inom muna tayo,” sabi ko.

Gusto ko talagang makausap si Ricky, siya lang naman ang alam kong pwede kong pagsabihan ng aking problema at mahingan ng advice. Nagseryoso uli ako.

“Ricky. Kaibigan kitang matalik, ikaw lang ang pinagtitiwalaan ko na sabihan ng aking mga sikreto. May gusto lang akong ihingi sa iyo ng advice.” Wika ko.

“Tinatakot mo na naman ako JC. Kilala kita, ano na naman ang kalokohan mong ginawa? May babae ka ba? Nakabuntis ka ba ng ibang babae? Ano?”

“Tayka naman, isa-isa lang. Nagpapanik ka namang masyado. Hindi, walang ganon. Kasi, hindi ba nakwento ko na sa iyon noon na madalian ang aming pagpapakasal, hindi kami nag-sex habang hindi pa kami kasal, hanggang ngayon ay hindi pa kami nagse-sex. Iyan ang problema ko,”

“What? Kaya ba wala pa kayong anak? Paano ka ngayon?”

“Iyun nga ang ihihingi ko sa iyo ng advice. First night namin, nanginig siya ng tabihan ko siya sa pagtulog at sinimulang lambingin. Humingi siya ng paumanhin dahil sa natatakot daw siya. Kahit anong suyo ko ay hindi talaga siya pumayag. Later on, nalaman ko na mayroon pala siyang phobia, takot sa sex, ang tawag daw ay “Genophobia”. Kumunsulta kami sa doctor, sa psychiattrist, pero wala. Anong gagawin ko. Totoong mahal ko siya, hindi kami tatagal ng mahigit isang taon kung hindi ko siya mahal, pero paano naman ako?” himutok ko.

“Paano mo iniraraos ang pangangailangan mo?’

“Sa maniwala ka man o hindi, nagkasya na lang ako sa pagsasariling sikap. Nanatili akong tapat sa kanya, hindi ako naghanap sa ibang babae. Hindi ako tumigil sa panunuyo, sinasabi kong mag-try, pero nakikiusap siya na hindi pa raw siya handa at bigyan ko pa ng ilang panahon.”

“Malaking problema nga iyan. Ano naman ang maitutulong ko sa iyo?”

“Payuhan mo ako. Tama ba na makipag-hiwalay na lang ako sa kanya? Tell me.”

“Sabi mo ay mahal mo siya, kaya nga nakatiis ka na walang sex ng mahigit isang taon. Ang tanong ko, kaya mo bang mawalay sa kanya?”

“Tama ka, mahal ko siya, pero may iba akong mahal matagal na, kaya lang ay malayo siya sa akin,” sabi ko.

“Ha! Eh bakit si Donna ang pinakasalan mo?”

“Dahil hindi kami pwede ng taong minahal ko noon pa. Isa pa, hindi niya alam na mahal ko siya kahit alam kong mahal na mahal din niya ako. Hindi kami talaga pwede.”

Nahihiwagaan naman ako sa sinasabi mo JC. Wala naman akong alam na sinabi mo na mahal mo. Wala ka namang sineryosong babae, puro ‘one night stand lang’ ang alam ko sa mga relasyon mo.

“Hindi mo alam dahil sa hindi ko ipinaalam sa iyo. Ikaw Ricky, wala ka bang minahal noon na tunay?” ang naitanong ko sa aking kaibigan.

“Meron, mahal na mahal. At magpahanggang sa ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. Kaya nga hindi ko magawang makipag-relasyon dahil sa taong iyon. Hindi ko na ipinaalam pa sa taong iyon ang aking pagmamahal dahil alam kong walang patutunguhan dahil sa iba ang gusto niya.”

“Ako ba ang tinutukoy mo?” tanong ko.

“Wala nang iba. Sinabi ko na dahil sa wala na naman akong pag-asa pa dahil sa may-asawa ka na.” Tugon ni Ricky.

“Ikaw rin naman ang tinutukoy ko, ang taong minahal ko rin ng labis. Naging duwag lang ako dahil sa gusto ko ng normal na relation, magkapamilya, magka-anak na alam kong hindi mangyayari kung tayo, kaya sinabi ko sa iyo na mahal kita bilang isang mabuting kaibigan. Ngayon na nakaharap kita ay handa na ako, hindi na ako natatakot pa sa sasabihin ng iba. Handa na akong makipag-hiwalay sa aking asawa. May asawa nga akong naituring, pero daig ko pa ang isang pari na bawal ang makipagniig.” Ang pagtatapat ko kay Ricky.

Natahimik si Ricky, nawalan siya ng kibo. Nakita ko na lang na tumutulo ang kanyang luha. Nilapitan ko siya at pinahad ng daliri ko ang kanyang luha. “Mahal kita Ricky, noon pa. Alam mo bang natuwa ako ng aminin mo sa akin na isa kang gay? Alam ko rin na mahal mo ako noon pa, nararamdaman ko iyon. Mahal mo pa ako, hindi ba? Aminin mo ngayon sa akin, gusto kong marinig.”

Hindi siya nagsalita, bagkus ay niyakap niya ako ng mahigpit at isinandal ang mukha sa aking dibdib. Halos madinig ko ang tibok ng kanyang puso sa sobrang lakas. Niyakap ko siya, inangat ang ulo at hinalikan ang kanyang labi.

Kaagad niyang tinugon ang aking halik, sabik na sabik sa aking labi, matagal kaming naghalikan. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay sinabing; “Ang tagal kong hinangad na mahalikan kita JC, ang tagal kong kinasabikan na matikman ang iyong mga labi. Kung alam mo lang kung paano akong nagtiis, nagtimpi. Hindi ko nagawang gawin sa iyo ang ganito dahil sa ayaw kong masira ang ating pagkakaibigan, alam mo iyan.”

“Hinihintay lang naman kita. Ayaw kong mauna, pero nagbigay na ako ng motibo sa iyo. Hindi ako handang makipag-rfelasyon sa iyo noon, pero kaya ko naman makipagtalik, at kinasabikan ko rin iyon. Let’s make love Ricky. Huwag na nating aksayahin ang panahon.” Yaya ko kay Ricky.

“Yes, let’s make love JC, Gustong-gusto ko nang makapiling ka pag-dating pa lang ninyo. Gusto kong ipakita at ipadama sa iyo kung ano ang nararamdaman ng tunay na pagmamahal. Let’s make love.” Ang naging tugon ni Ricky.

“Yes. Gusto kong maramdaman. Minahal kita noon pa, higit pa sa pagmamahal ko sa aking asawa ngayon, hindi ko pa lang talaga kaya noon ang same sex relation, pero ngayon, ikaw lang ang nasa isipan ko na makakapag-padama ng pagmamahal na hinahanap ko. Let’s make love Ricky. I love you very much.”

“And I love you very much too JC.”

Niyakap ko siya uli ng mahigpit, naglapat muli ang aming mga labi. Napakasarap pala sa pakiramdam na makahalikan ang taong minahal ng labis. Ang sarap ng mga halik niya, dama ko ang kasabikan niya, dahil sa halos kainin na niya ang aking labi. Mainit, ang mga halik namin, matamis, punong puno ng pagsinta.

Hindi na namin nakuha pang pumasok ng silid, doon na namin sa sala ginawa ang napakasarap na pagtatalik na noon ko lang nalasap sa tanang buhay ko. Ibang-iba kaysa sa mga babaeng naka one night stand ko. Marahil ay ganon din si Ricky.

Napakasarap ng aming noche buena, masaganang masagana. Nakatulog kaming walang saplot sa sala, may ngiti sa labi at punong-puno ng kasiyahan.

Nauna akong nagising kay Ricky. Nagbihis na ako, yung ding hinubad ko kagabi. Nagluto ako ng aming agahan.

Sinamo-samo namin ang araw hangga’t wala pa si Donna, Sabay kaming nag-shower ni Ricky ng umagang iyon, syempre may nangyari, Hindi na namin nabilang kung ilang beses kaming nagtalik hanggang sa umuwi na kami ng Manila. Nag-usap kami na magkikitang muli kapag napawalang bisa na ang aming kasal ng aking asawa.

-----o0o-----

Tapos ng magkwento si JC. Wala siyang kaalam-alam kung paano ako naapektuhan ng kanyang kwento. Kanina pa nagmamaktol ang aking alaga at gustong makawala sa kanyang kulungan.

“Sandali lang JC ha, magbanyo lang ako sandali,” paalam ko kay JC. Iyon lang ang naisip kong paraan para pakawalan ang init na aking naramdaman. Pagkapasok ko ng banyo ay mabilis kong inilabas ang aking ari at nagjakol. Walang limang minuto ay nilabasan ako.

“Father, pawis na pawis ka, mainit ba sa banyo?” tanong ni JC.

“Medyo, nahirapan pa akong magbawas, success naman hehehe,” pabiro kong tugon.

Balik kami sa aming pinag-uusapan. “So, ano ba ang talagang gusto mong ihingi ng payo. Kung pagpapawalang bisa ng inyong kasal, may ground naman talaga. Hindi pwedeng basta na lang nagsasama ang mag-asawa, dapat ay may consummation, dahil sa mag-asawa na kayo, pero, kung ganyan na may diprensya pala ang asawa mo ay siguro nararapat lang na mawalang bisa ang kasal.

“Father, itanong ko lang sa iyo, sa impyerno ba ang punta namin dahil nagmahalan at nakipagtalik ako sa kapwa ko lalaki?” tanong ni JC.

“Ayon sa Bible, ang babae ay ginawa para sa lalake. Malaking kasalanan kung ang pagbabasehan natin ay ang utos ng Diyos. Ako, bilang isang tao ay walang karapatan na magsabi kung saan patungo ang dalawang taong nagmamahalan ng tapat. Maging ako ay naguguluhan din. Natanong ko rin ang aking sarili na kung masama ang magmahal dahil sa sinasabing bawal, bakit pa tayo binigyan ng damamin na magmahal.” Ang aking naisagot lamang.

“Ibig mo bang sabihin Father ay pinapayagan mo akong makisama sa isang lalaki rin na kagaya ko?” tanong ni JC.

“Maraming ipinagbabawal ang mga relihiyon, isa na ang same sex relation. Pero may mga relihiyon na pinapayagang magpakasal ang parehong kasarian, lalo na at nagmamahalan sila. Hindi kita pinapayagan, hindi rin kita pinagbabawalan. Choice mo iyan. Para sa akin, ang naging kasalanan mo ay nakipagtalik ka na sa iba na hindi pa annuled ang kasal mo. Kelan mo nga pala sinabi kay Donna na gusto mong makipag-hiwalay?”

“Pagkagaling namin ng GenSan Father, at pumayag siya. Iyon din daw ang naging topic ng aking asawa ng makipagkita siya sa kamag-anak roon.”

“Father, maraming salamat sa panahong ibinigay mo sa akin. Matitiwasay na ang aking isip,” wika ni JC.

-----o0o-----

Iyon ang huling  araw na nagkita at nagkausap kami ni JC. Pero isang araw ay nakatanggap ako ng sulat buhat sa kanya. Ibinabalita lang na Approved na ang annulment nang kasal nila ni Donna at nasa GenSan na siya at nagtatrabaho na sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Ricky. Ni-refer daw siya ni Ricky sa kompanya nito, at dahil sa respetado naman si Ricky ay walang alinlangan na tinanggap sa kanilang kompanya si JC.

Isang kwento na naman ang nadagdag sa aking journal.

-----o0o-----

Katatapos ko lang magmisa itong Lingo, nang may lumapit sa akin.

“Padre, magandang umaga po,” wika ni Alfred sabay kuha ng aking kamay para magmano. Medyo nailang ako dahil sa mas matanda siya sa akin at isa pa, dati siyang pare. Pero, hindi na nga pala siya pare kaya okay lang naman.

“Alfred! Bakit ngayon ka lang uli nagpakita. Kumusta na!” Bati ko.

“Okay naman Padre, May time po ba kayo ngayon. Okay lang po kung busy kayo, babalik na lang uli ako kung kelan maluwag na ang schedule mo,” wika ni Alfred.

“Ah... may pupuntahan akong isang pagtitipon, matagal na akong inimbitahan, tapos ay may dadalawin akong isang pasyente sa hospital, isang malapit na kaibigan. Kung okay lang sa iyo, Monday, after lunch. Pahinga ko ang Monday, alam mo naman iyan.

“Okay po sa akin Father, sige po at babalik na lang ako bukas. Sige po at maiwan ko na kayo, may naghihintay po yata sa iyo.”

“Okay, ingat Alfred.”

-----o0o-----

“Iba ang aura mo ngayon Alfred, ang aliwalas ng mukha mo at parang ang saya-saya mo. Ano bang magandang balita ang sasabihin mo sa akin,” ang kaagad kong wika nang aking papasukin sa aking tirahan si Alfred

“Father Sam, tama po kayo, masayang-masaya ako dahil sa iyo,” wika niya.

“Hala, ano bang ginawa ko at napasaya kita?”

“Padre, napatunayan ko na po na posible pala talaga na magmahal sa kapwa lalaki at makipagtalik ng walang guilt dahil tapat ang pagmamahalan. At Padre hindi ako nakipag sex, I make love. What a wonderful feeling,” ang masiglang balita ni Alfred.

“Halika, maupo ka at magkwento ka muna. Interesado ako sa iyong ikukwento,” excited kong wika kay Alfred.

Ginabi na ako ng uwi ng manggaling ako dito Padre. Magaan ang aking pakiramdam, waring may bigat na nawala sa aking dibdib. Excited akong kausapin si Crispin kaya kahit na natutulog ay ginising ko.

“Hmmm, bakit mo ako ginising? Dapat ay maganda ang sasabihin mo, ayoko ng pangit,” wika ni Crispin.

“Pwede ba tayong kumain sa labas bukas?”

“Anong meron? Hindi mo pa naman birthday, hindi ko rin birthday,” wika ni Crispin.

“Hindi lang iyan, aayain din kita na magpunta ng Baguio this Friday. Pasyal naman tayo,” sabi ko.

“Ano ngang okasyon?”

“Ayaw mo ba?”

“Gusto syempre.”

“Gusto lang kitang i-date, ‘yun lang iyun,” ang sabi ko pa.

Gustong maiyak ni Crispin, alam ko, pinipigilan niya, pero halata sa boses niya.

“Thank you, mas lalo kitang minahal,” wika ni Crispin.

Nahiga na ako sa tabi niya at inunan ko ang kanyang braso. Yumakap naman siya sa akin.

“Ano ba ang nakain mo at bigla-bigla yatang nagbago ang mood mo. Bakit nga pala ginabi ka ng uwi?”

“’Di ba sabi ko sa iyo ay kakausapin ko si Father Samuel, medyo seryoso kasi ang pinag-usapan namin, humingi ako ng payo, kaya heto ginagawa ko na hehehe.”

Hinalikan ko siya pagkasabi ko nun. Isang halik na ngayon ko lang ginawa, erotic, pero punong-puno ng pagmamahal. Kasi, sa unang pagkakataon ay nakipaghalikan ako ng may sipsipan ng dila, nang may higupan ng laway, torrid, yung parang ginagawa ng mga porno actor.

 

 

Itutuloy.......

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...