Matalik Na Magkaibigan
By: Big Boy
(From: Kwentong Kalibugan, M2M Classic)
Ang
kasaysayan inyong mababasa ay hango sa tunay na buhay. Sadya kong iniba ang mga
pangalan ng characters sa istoryang ito pati na rin ang mga lugar na
pinangyarihan upang maprotektahan ang mga taong tunay na kabilang sa
kasaysayang ito.
Si Capt.
Roger Salas ay isa sa mga magigiting nating sundalo na nakikipagdigma sa parteng
south ng Pilipinas upang lupigin ang mga bandido doon. Marami na rin siyang
natanggap na medalya at citation sa kanyang pagiging kawal. Subalit bago niya
narating ang kinaroroonan niya ngayon ay nagdaan din siya sa pangungutya ng mga
taong nakapaligid sa kanya at ang masama pa dito, ay nagmula pa sa kanyang
sariling ama.
Lumaki si
Roger sa isang military camp sa Gitnang Luzon. Anak siya ng isang militar. Ang
kanyang mga nakagisnan na kalaro ay mga anak din ng militar. Sa murang edad
niya ay mas kinagaanan niya ng loob ang makipaglaro sa mga kababaihan. Madalas
siya noong tuksuhin na bakla ng mga kababata nitong kalalakihan. Pinilit niyang
makipagkaibigan sa kapwa niya lalaki dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang
ama na nakikipaglaro sa mga babae ay tiyak makakatikim siya ng sinturon pag-uwi
niya sa bahay.
Labag man sa
kalooban niya ay natuto siyang maglakwatsa kasama ang mga kalaro niyang lalaki.
Natuto siyang magtirador ng ibon, manghuli ng gagamba at umakyat sa mga puno
upang mamitas ng bunga ng mangga, santol, bayabas at kung anu-ano pa sa paanan
ng bundok na malapit sa kampo. Kahit papaano ay naranasan niya ang mga gawain
ng mga kalalakihan sa kanilang lugar.
Nang
mag-teenager si Roger ay nahilig siya sa pagsasayaw. Lingid sa kaalaman ng
tatay niya ay sumali siya sa isang group dance contest sa kanilang lugar.
Kasama niya sa grupo ang tatlong babae at dalawang bading na classmates niya.
Bago dumating ang gabi ng contest ay nalaman ng tatay ni Roger na kasama siya
sa dance contest na ang kasama niya ay mga bading at babae kaya naman hindi
niya ito pinalabas ng bahay sa araw ng paligsahan. Bugbog sarado si Roger sa
kanyang tatay kaya naman ilang araw din siyang hindi lumabas ng bahay para
walang makakita sa kanyang mga pasa.
Mahal na
mahal si Roger ng kanyang ina subalit wala itong magawa sa tuwing sasaktan siya
ng kanyang tatay. Tanging mga payo na lamang ng kanyang ina, na sundin na
lamang ang gusto ng kanyang tatay para hindi na siya masaktan. Ipinaliwanag din
sa kanya ng kanyang ina na mataas kasi ang pangarap ng kanyang ama sa sarili
kaya lamang ay hindi na niya ito matutupad. Si Roger ang nag-iisang anak nila
ang inaasahan niyang magiging heneral balang araw.
Pilit itinago
ni Roger sa kanilang school ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit pinagdududahan
pa rin siya dahil hindi pa rin siya nagkakasyota o hindi man lang nanliligaw ng
babae. Sa halip na bigyang pansin ni Roger ang mga bagay na iyon ay ibinuhos na
lamang niya sa pag-aaral ang kanyang panahon. Naging consistent topnotcher si
Roger sa kanilang klase. Dahil dito ay dumami pa ang naging kaibigan ni Roger
mapa-babae man o lalaki. Marami ring nagkaka-crush na babae sa kanya dahil may
itsura naman si Roger. Subalit talagang hindi niya type ang magkasyota.
Fourth year
high school si Roger noon nang makilala niya ang transferee sa kanilang school
na si Mark. Galing sa private school si Mark at anak din ng opisyal na militar.
Na-kick-out daw si Mark sa dating school nito at wala ng private school na
gustong tumanggap sa kanya. Palibhasa opisyal sa kampo ang ama ni Mark kaya
natanggap siya sa school ni Roger. Gwapo at napakalinis tignan ni Mark lalo sa
sa kasuotan niyang puting polo at itim na pantalon. Halos lahat ng kababaihan
sa school ay nagkaka-crush kay Mark. Kay Roger siya unang nakipagkaibigan ng
malaman niyang top notcher ng klase nila si Roger.
Noong nasa
private school pa si Mark ay style na niya ang magdididikit sa mga matatalinong
classmate niya upang sa oras na mangailangan siya ng tulong sa mga assignment
niya ay may malalapitan siya. Ganoon din ang ginawa ni Mark kay Roger. Mabait
naman si Roger kaya sa tuwing kailangan ni Mark ng tulong niya ay hindi niya
ito binibigo. Sa pagsama-sama ni Mark kay Roger ay hindi niya inalintana ang
mga panunukso sa kanila na magsyota silang dalawa. Kahit aminado si Roger kay
Mark na totoo ang panunukso ng kanilang mga classmates sa kanya na siya’y may
pagkasilahis ay binalewala lamang ito ni Mark basta huwag lang daw siyang
papatusin nito.
Sa
kalagitnaan ng school year ay lalong naging malapit sina Mark at Roger. Minsan
pa nga ay ikinatuwa ng ama ni Roger nang sa bahay nila Roger sila gumawa ng
assignment. Noon nakilala ng ama ni Roger si Mark na isang tunay na lalaki.
Akala ni Roger ay pagiging kaibigan lang ang nararamdaman niya kay Mark pero
mas higit pa pala doon. Ayaw niya sa kanyang nararamdaman kaya naman pilit
niyang iniwasan si Mark upang hindi siya tuluyang ma-in love sa kanyang
kaibigan. Napansin ito ni Mark at nang makahanap ito ng pagkakataon ay kinausap
niya ng sarilinan si Roger.
Walang ibang
dahilan masabi si Roger kay Mark sa kanyang pag-iwas sa kaibigan. Kaya naman
ipinagtapat na lamang niya ang katotohanang umiibig na siya sa kanyang
kaibigan.
“Yes Mark,
aaminin ko na nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Sa tingin ko ay mahal na kita,”
ang pagtatapat ni Roger kay Mark.
“Oh, anong
problema doon,” ang tanging naisagot ni Mark kay Roger.
“Hindi ba,
sabi mo noon, pwede tayong maging magkaibigan basta huwag lang kitang papatusin,”
ang dugtong pa ni Roger.
“Sabi ko lang
yun noon, eh kung may gusto ka sa akin ay pwede naman nating pag-usapan iyon,
huwag ka lang biglang iiwas sa akin,” ang paliwanag ni Mark.
“Ang ibig
mong sabihin ay pwede na tayong dalawa,” ang nasabi ni Roger.
“Hep, hep,
hep, hindi sa ganoon, basta friends pa rin tayo, basta,” ang tugon ni Mark
sabay akbay sa kaibigan.
Sa araw na
iyon ay sinamahan ni Mark si Roger papauwi sa bahay. Pwede namang maglakad
papauwi kina Roger dahil malapit lamang ito sa school kaya nagpasya ang dalawa
ng maglakad na lamang. Masaya ang magkaibigan sa kanilang paglalakad at panay
kantyawan pa at hagikgikan. Madalas ay nakaakbay si Mark kay Roger na lalong
ikinasaya ng huli. Tanging ang ina ni Roger ang kanilang nadatnan sa bahay. On
duty pala ang ama ni Roger. Ipinaghanda sila ng meryenda ng ina ni Roger. Nang
matapos silang kumain ay pumasok sila sa silid ni Roger samantalang ang ina
naman ni Roger ay nagpatuloy sa paglalaba sa likod bahay.
“May pag-asa
ba na mahalin mo rin ako?” ang tanong ni Roger kay Mark.
“Syempre
naman, mahal kita bilang kaibigan,” ang tugon ni Mark.
“Eh kung
higit pa doon?” ang muling naitanong ni Roger.
“Ah, ewan, hindi
ko pa rin nasusubukan iyun eh, chicks pa lang ang mga naging syota ko eh,” ang
naisagot ni Mark kay Roger. “Pero mapag-uusapan naman natin iyan,” dugtong pa
ni Mark.
Biglang
niyakap ni Roger si Mark at hinalikan sa mga labi. Sa simula ay medyo
pumipiglas si Mark subalit nagparaya na lamang siya sa ginagawa ng kaibigan.
Nang hubaran ni Roger si Mark ng damit ay hindi na niya ito pinigilan. Naghubad
din ng kanyang damit si Roger at sinimulan na niyang romansahin ang kaibigan sa
pamamagitan ng paghalik nito sa buong katawan. Kahit noon pa lamang nagawa ni
Roger ang bagay na iyon ay nasarapan din si Mark. Noon pa rin naman natikman ni
Mark na romansahin ng katulad niyang lalaki. Naudlot ang kanilang romansahan
nang kumatok ang ina ni Roger.
Nagmadali
silang nagbihis at lumabas ng silid. Niyaya ng ina ni Roger si Mark na doon na
maghapunan tutal gabi na rin. Tumanggi si Mark dahil baka hanapin na siya sa
kanila. Kinuha ni Mark ang bag niya na naiwan sa silid ni Roger at nagpaalam na
ito sa mag-ina.
Dahil sa
nangyari sa silid ni Roger ay lalong naging malapit ang magkaibigan sa isa’t
isa. Naging madalas din ang punta ni Mark kina Roger kahit wala silang pasok.
Madalas na din ang paggawa nila ng patagong romansahan. Hanggang sa mahuli sila
ng ama ni Roger. Nagmakaawa si Mark na huwag ng paratingin sa kanyang ama ang
pangyayari sa pangakong iiwas na siya kay Roger. Si Roger naman ay nakatikim
muli ng bugbog ng ama na naging dahilan ng hindi nito pagpasok ng mahigit
dalawang linggo.
Sa pag-absent
ni Roger sa klase ay marami siyang lessons at quizzes na na-miss. Ito ang
dahilan kung bakit bumaba ang grades niya sa finals. Ito rin ang naging sanhi
ng pagiging salutatorian na lamang ng siya ay magtapos sa high school. Sa araw
ng kanilang graduation ay muling nagkatabi sa upuan si Roger at si Mark.
Magkasunod kasi sila sa alphabetical listing. Walang magawa ang ama ni Roger
kundi ang bantayan ang dalawa. Alam ng dalawa na magkakatabi sila sa upuan kaya
pala naghanda sila ng liham sa isa’t isa at nag-abutan ng makakita sila ng
pagkakataon.
Umakyat si
Roger sa entablado upang magtalumpati. Kahit meron siyang naprepare na
talumpati ay naisingit pa rin niya ang pagpapasalamat sa isang kaibigan na
naging bahangi ng kanyang buhay at sa kanya niya inialay ang mahigit tatlong
taon na pagiging top notcher sa klase. Ang medalya niyang pilak ay inialay niya
sa kanyang ama. Maraming nagtaka sa talumpati ni Roger. Buti na lamang at abala
sa pakikipagkwentuhan ang ama ni Roger sa mga katabi nito kaya hibdi niya
gaanong naintidihan ang talumpati ni Roger. Nang matapos ang graduation ay
nagkaroon na kaunting salu-salo sa bahay nila Roger.
Kinagabihan
ay binasa ni Roger ang liham na iniabot sa kanya ni Mark. Ito ang nilalaman ng
liham ni Mark:
Dear Roger,
Bago ang lahat nais kong batiin ka sa pagiging
salutatorian mo. Ang galing-galing mo talaga. Sana ay valedictorian ka kung
hindi dahil sa akin.
Sorry nga pala kung mas minabuti ko pang iwasan
ka kaysa malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa atin. Iyon lamang na naisip
kong paraan para hindi na lumaki ang gulo. Alam mo, natatawa ako sa sarili ko.
Mahuhulog din pala ang loob ko sa isang katulad mo, eh sana noon pang nasa
private school pa ako unang nakaranas ng ganito. Aaminin ka na sa iyo Roger,
isang katulad mo ang naging dahilan kung bakit ako na-kick-out sa school ko
dati.
May isa akong classmate na anak ng heneral na
nagkagusto sa akin. Syempre diring-diri ako dahil pareho kaming lalaki kasi.
Exclusive school kasi iyon for the boys. Akala ko noong una ay lalaki siyang
tunay kaya pumayag ako makipagkaibigan. Pero nang magtapat na siya sa akin ay
laking gulat ko dahil hindi naman halata sa kanya ng ganoon nga siya. Simula
noon ay iniwasan ko na siya. Sumama ang loob niya sa akin kaya gumawa siya ng
paraan para makaganti sa akin. Planted ang marijuana na natagpuan ng gwardya sa
aking bag. Naging positibo din ang test sa akin dahil sa impluwensya ng amang
heneral ng classmate niya sa laboratoryong sumuri sa akin. Ni minsan ay hindi
pa ako nakatikim ng droga.
Sa iyo ay hindi ako nagdalawang isip na tanggapin
ang pagmamahal mo. Napakabuti mong kaibigan. Swerte ang pag-aalayan mo ng iyong
pagmamahal. Sana ako na lang iyon pero maraming balakid sa ating dalawa. Lalo
na parehong militar ang ating mga magulang. Hindi bale, kapag tayong dalawa
talaga, ay magtatagpo muli ang ating mga landas.
Sana magtagumpay ka sa mga pangarap mo at kung
matagumpay ka na, huwag mo sana akong kalimutan.
I love you, Roger, maniwala ka man o hindi.
Mark
Ito ang
huling communication nila ni Mark. Si Roger ay pumasok sa isang military school
upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama. Sa military school niya muling
naranasan ang pagsuso ng ari ng iba. Hindi sa paraang pagpapaligaya kundi bilang
parusa sa kanya. May bulong-bulungan kasi sa mga kasamahan niya sa platoon na
silahista si Roger.
Laking hirap
at sakripisyo ni Roger sa loob ng military school. Minsan ay naisip niyang
mag-quit dahil sa pang-iinsulto ng mga kasamahan niya lalo na nga mga upper
classmen niya. Pero mas higit na takot sa ama ang pumigil sa kanya sa balak
nito. Pinilit niyang maka-graduate. Nang magtapos si Roger ay nasa top ten siya
sa batch na iyon. Laking tuwa ang ama ni Roger at halos ipagsigawan sa buong
mundo na opisyal na rin ang kanyang anak na si Roger.
Nagpadestino
si Roger sa Mindanao bilang unang assignment niya. Nais niyang lumayo muna sa
kanyang mga magulang at sa mga taong nakakakilala sa kanya. Dalawang taon din
ang ipinalagi ni Roger sa Mindanao bago niya naisipang dalawin ang mga magulang
sa Luzon. Nasa serbisyo militar pa rin ang kanyang ama kaya doon pa rin sila
nakatira sa kampo. Tyempo din na naka-schedule ang grand reunion sa kanilang
school noong high school pa siya kaya nag-attend siya dito.
Laking gulat
ng mga classmates niya ng dumating si Roger. Matikas ang pangangatawan at hindi
kakikitaan ng pagiging malamya. Ang iba sa classmates niya ay pumasok din sa
militar pero hindi sila mga opisyal. Ngayon ay sinasaluduhan na nila si Roger.
Sir pa ang tawag nila sa kanya. Pero siya na rin ang nagpakumbaba na Roger na
lang ang itawag sa kanya. Hindi naman daw sila nakauniporme.
Sa isang mesa
sa loob ng hall ay napansin niya ang isang lalaki na pamilyar sa kanya ang
pagmumukha na may kasamang isang babae. Nilapitan niya ito at laking gulat niya
ng yakapin siya ng lalaking ito.
“Kumusta ka
na Roger? Ang tagal nating ‘di nagkita,” ang panimulang bati ni Mark.
“Mark, ikaw
ba yan?” lalo kang gumagwapo ha.
“By the way
Roger, si Belinda pala ang girlfriend ko,” ang pagpapakilala ni Mark kay Roger
sa kasama nitong babae.
“Hi, Roger.
So ikaw pala yung best friend ni Mark noong high school na madalas niyang
ikwento sa akin,” ang bungad ni Belinda.
“Lahat ba ng
sekreto namin ay naikwento na ni Mark?” ang pabirong tanong ni Roger kay
Belinda.
“Ewan ko,
kung nagsasabi ng totoo sa akin si Mark. Balita ko kasi ang dami nyo daw
pinaluhang chicks,” ang dugtong pa ni Belinda.
“Hahaha! Si
Mark siguro marami ng pinaluhang…” ang pabirong tugon ni Roger na naudlot ng
sikuhin siya ni Mark sa tagiliran.
Nagpatuloy
ang masayahang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa simulan ang pinaka=programa
ng reunion. Isa-isang binanggit ng nagsasalita sa entablado ang mga
prominenteng tao na alumni ng school na iyon. Nagulat si Roger ng mabanggit din
ang pangalan niya. Di niya akalaing tinuturing na rin pala siyang isang
karangalan ng kanyang school. Nang matapos ang programa ay nagpaalam na si
Roger kay Mark at sa nobya nito. Masayang umuwi si Roger dahil nakita niyang
muli si Mark. Subalit may kalungkutan din dahil nakilala niya ang bagong
minamahal ni Mark.
Hindi
makatulog si Roger ng gabing iyon kaya naman kinuha niya sa wallet niya ang
calling card na iniabot ni Mark sa kanya. Naroroon ang cellphone number ni Mark
pero nagdalawang isip siya kung tatawagan o ite-text niya si Mark. Sa tagal
niyang magdesisyon kung tatawagan niya si Mark ay biglang may pumasok na text
message sa kanyang cellphone.
“Hi, Roger si
Mark ito. Di mo naibigay ang number mo kanina kaya gumawa ako ng paraan at
nagbakasaling naisulat mo sa registration book ang number mo. Buti na lang
naisulat mo. Baka kasi di mo ako tawagan o i-text kahit na may calling card ko
ikaw,” ang nilalaman ng text message na iyon.
Hindi malaman
ni Roger ang gagawin kaya muli siyang nag-isip kung sasagutin ang text message
ng kaibigan. Medyo nainip siguro si Mark sa sagot ni Roger kaya siya na naman
ang nagpadala ng text message.
“Bakit hindi
ka sumasagot? Galit ka ba sa akin dahil hindi man lang ako nagpakita sa iyo
after ng graduation natin?” ang naging text message muli ni Mark kay Roger.
Sa sandaling
iyon ay napilitan ng sagutin ni Roger ang text message ni Mark.
“Ako nga ang
dapat mag-sorry sa iyo. Kasi hindi ko man lamang naipaglaban kay itay ang
tungkol sa atin noon,” ang text naman ni Roger kay Mark.
“Huwag mo ng
isipin iyon. Tapos na iyon at matured na tayo ngayon. Kumusta na love life mo?”
ang tanong ni Mark sa text message nito kay Roger.
“Ako, wala pa
ring pagbabago. Zero pa rin,” ang sagot naman ni Roger kay Mark sa text.
“Anong wala,
eh ang daming gwapong sundalo ang hawak mo ngayon,” ang pabirong text ni Mark.
“Ikaw talaga
Mark, hindi maganda iyon. Nakikipagdigma kami sa mga kalaban ng pamahalaan na
handang pumatay para sa bayan tapos malalaman nilang ganoon pala ako,” ang
sagot ni Roger sa text.
“Biro lang
ha, baka magalit ka pa nyan,” ang muling text ni Mark kay Roger. “Hanggang
kailan ang bakasyon mo?” ang dugtong na text ni Mark kay Roger.
“Sa isang
araw pa. Pero balak ko na sanang bumalik bukas kasi naiinip na rin ako dito sa
bahay,” ang sagot na text ni Roger kay Mark.
“Huwag ka
munang umuwi bukas. Magkita muna tayo sa kabayanan,” ang paanyaya ni Mark sa
text nito kay Roger.
“Eh papaano
si Belinda ang girlfriend mo?” ang text ni Roger kay Mark.
“Inihatid ko
na siya sa bus station kanina. Pinauna ko na pabalik ng Maynila,” ang text
naman ni Mark kay Roger.
“Walang hiya
ka, bakit mo naman pinagsolong umuwi sa Maynila ang girlfriend mo?” ang muling
text ni Roger kay Mark.
“Syempre
nagsinungaling ako sa kanya. Alangan namang aminin ko sa kanya na nandirito
kasi ang tunay na mahal ko kaya mauna na siya,” ang pabirong text ni Mark kay
Roger.
“Grabe ka
talaga Mark. Sige magkita na lang tayo bukas ng 10:00 AM doon sa tapat ng post
office,” ang naging tugon ni Roger sa text.
“Ok, basta
bukas kita tayo doon. Goodnight na lang pare,” ang huling text ni Mark kay
Roger.
“Godnight din
sa iyo.” ang huli text naman ni Roger kay Mark.
Alas nwebe y
medya pa lang ay naroroon na si Roger sa hintayan nila ni Mark. Hindi rin
nagtagal at dumating na si Mark dala nito ang kanyang kotse. Sumakay si Roger
sa kotse at humanap sila ng magandagandang restaurant sa kabayanan. Habang
nagla-lunch ang dalawa ay panay kwentuhan pa rin nila ng tungkol sa mga buhay
buhay nila buhat ng sila ay maghiwalay. Inabot di sila ng alas-dos ng hapon sa
restaurant na kinainan nila. Nagyayang umuwi si Roger subalit ibang daan ang
tinahak nila ni Mark. Palibhasa ay hawak ni Mark ang manibela kaya hindi na
umangal si Roger.
Sa isang
motel ipinasok ni Mark ang kotse at biglang nahiya si Roger ng salubungin sila
ng isang empleyado at pinapasok ang kotse nila sa isang garahe.
“Bakit dito
tayo nagpunta?” ang tanong ni Roger kay Mark.
“Nais ko lang
ma-experience muli yung ginagawa nating noon high school pa tayo,” ang sagot
naman ni Mark.
Hindi na
muling nakapagtanong si Roger dahil inilapat na ni Mark ang mga labi sa mga
labi ni Roger. Makalipas ang mahigit anim na taon ay muli nilang nadama ang
walang kahalintulad na kaligayahan. Dahil sa pananabik sa isa’t isa ay
nakailang ulit ang mga romanhasang nag-aalab. Madilim na ng lumabas sila sa
motel. Inihatid ni Mark si Roger sa kanilang bahay bago ito tumulak pabalik ng
Maynila. Kinabukasan naman ay bumalik na rin si Roger sa Mindanao.
Dahil sa
cellphone ay naging madalas ang communication ng dalawang magkaibigan. Nang
maging aktibo na naman ang rebelde sa lugar kung saan nakadestino si Roger ay
naging abala ito sa pakikipagbaka. Madalas ay nasa dead spot ng cellphone
signal si Roger kaya hindi siya makapagtext o makatawag man lang kay Mark. Inabot
din ng ilang buwan ang pagkaputol ng kanilang communication. Isang araw ay
sinundo ng helecopter si Roger sa kanilang pansamantalang kampo. Meron daw
naghihintay siyang bisita doon sa base camp nila. Wala ng ibinigay na detalye
ang piloto kaya naging malaking katanungan kay Roger kung sino ang naghahanap
sa kanya.
Dali daling
nagligpit ng kagamitan si Roger at nang marating niya ang base camp nila ay
nagulat siya na si Mark pala ang kanyang bisita. Ginamit pala ni Mark ang
impluwensya ng kanyang ama upang matunton ang kinaroroonan ni Roger. Mataas na
rin kasi ang katungkulan ng kanyang ama sa militar. Wala man sa tamang panahon
ay nagfile ng leave si Roger at agad naman itong pinayagan ng kanyang mga
superior sa pakiusap na rin marahil ng ama ni Mark.
“Papaano mo
napakiusapan ang iyong ama ng mga ganoong bagay?” ang tanong ni Roger kay Mark.
“Simple lang.
Sabi ko kasi sa kanya ng magandang lugar dito sa south na pwede naming puntahan
ni Belinda sa aming honeymoon,” ang tugon naman ni Mark.
“Eh, bakit
ako ang pinuntahan mo. Bakit hindi ka na lamang nagtanong sa mga travel
agencies?” ang tanong muli ni Roger kay Mark.
“Sinabi ko
rin na ilang taon ka dito kaya kabisado ang lugar dito. Gusto ko kasi na safe
ang lugar na pupuntahan namin ni Belinda at yung hindi masyadong commercialized,”
ang tugon ni Mark. “Yung simple lang pero maganda at tahimik” dugtong pa ni
Mark.
Maraming
magagandang lugar dito kaya lang hindi gaanong tahimik. Sa loob ng kampo, doon
tahimik,” ang pabirong sinabi ni Roger kay Mark.
“Hehehe…
Nagpapatawa siya,” ang biglang nasabi ni Mark.
“Kailan ba
ang kasal nyo?” muling nagtanong si Roger.
“Sa isang
buwan pa,” ang sagot naman ni Mark. “Ikaw pala ang aking best man kaya huwag
kang mawawala sa araw na iyon,” dugtong pa ni Mark.
“Sige, ngayon
palang ay magpa-file na ako ng leave para makauwi ako,” ang sabi naman ni
Roger.
“Heto pala ang
imbitasyon, nandiyan ang pangalan ng simbahan at hotel kung saan ang reception,”
sabay abot ni Mark ng isang puting sobre kay Roger.
Hindi na
nagkaroon ng pagkakataong buksan ni Roger ang sobreng naglalaman ng invitation
sa kasal ni Mark. Nagyaya na kasing kumain sa labas ang kaibigan. Matapos
kumain ay nagsimula na silang humanap ng lugar na nais ni Mark. Sa araw na iyon
ay hindi sila nakahanap ng gustong lugar ni Mark. Kinagabihan ay sa isang hotel
sila tumuloy. Katulad ng inaasahan ay naulit muli ang romansahan nila Roger at
Mark.
Kinabukasan
ay nagpatuloy sila sa paghahanap ng lugar kung saan magha-honeymoon si Mark.
Bago magtanghali ay nakapili na ng lugar si Mark. Simple lang ang lugar at
malayo sa kabayanan. Maganda at malinis ang beach. Dahil sa kalayuan nito sa
kabayanan ay hindi ito puntahin ng mga tao maliban lamang sa mga dayuhan na
regular na pinupuntahan ang lugar na ito. Nagpa-reserve si Mark ng isang villa
ng gagamitin nila sa loob ng isang linggo at nagbayad na rin ng downpayment.
Nang
makabalik sila ng kampo at nakisakay na rin si Mark sa military plane papuntang
Maynila. Hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Roger dahil bumalik din agad si
Roger sa temporary camp nila. Doon na niya nabuksan ang sobre ng invitation.
Laking pagtataka ni Roger dahil tanging petsa at oras ng misa, pangalan at
address ng simbahan at hotel ang tanging laman ng invitation. Hindi na niya
nakuhang tanungin ang kaibigan kung bakit ganoon ang invitation sa kanya dahil
wala namang signal ng cellphone sa kanilang lugar.
Sa kaabalahan
ni Roger sa pakikipagbaka sa mga rebelde ay hindi na niya muling natawagan o
nai-text si Mark. Isang araw bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Mark ay
nagleave na si Roger. Pumunta siya ng Maynila at tumuloy sa isang hotel na di
kalayuan sa lugar kung saan ikakasal si Mark. Namili din siya ng damit na
kakailanganin niya tulad ng barong tagalog, pantalon at sapatos. Nagpunta rin
siya sa parlor upang magpagupit at para naman magmukhang gwapo muli siya sa
simbahan kahit medyo sunog na ang kanyang balat sa araw. Hini na rin niya nagawang
tawagan ang kaibigan dahil gusto niyang medyo kabahan ang kaibigan kung
darating siya o hindi.
Maaga pa lang
ay excited na si Roger na makapunta sa simbahan. Subalit plano talaga niya na
sa eksaktong oras ng kasal siya magpapakita sa simbahan. Nang magpunta siya sa
simbahan ay laking pagtataka niya. Mukhang wala namang kasalang magaganap doon.
Nagtanong pa siya sa nangangalaga ng simbahan kung may kasalan doon at kung
iyon nga ang simbahang nakasulat sa invitation ni Mark. Iyon nga ang simbahan
pero walang naka-schedule na kasalan sa araw na iyon. Isang espesyal na misa
daw ang gaganapin doon.
Sumama ang
loob ni Roger dahil naisip niya na niloko siya ni Mark. Kaya minabuti na lamang
niyang lumabas ng simbahan. Sa kanyang paglabas ay sinalubong siya ng isang
lalaking nakabarong tagalog din. Si Mark pala iyon. Kasunod ni Mark ang mga
magulang niya, mga kapatid at ang iba pang miyembro ng pamilya. Sa isang van
naman ay nakilala ni Roger ang mga bumabang tao, ang kanyang mga magulang at
ilang classmates niya noong high school pa siya. Lahat ay naka-formal na
kasuotan.
“Oh, ano pang
hinhintay natin, baka magsisimula na ang misa, pasok na tayo,” ang paanyaya ni
Mark sa lahat ng kasama.
Hindi na
nakapagsalita si Roger. Magkatabi sa upuan sina Roger at Mark habang nagmimisa.
Nabanggit ng pari na ang misang iyon ay para sa magkaibigang Roger at Mark na
pareho ng matagumpay sa kani-kanilang profession. Sa homily ay pinayuhan ng
pari sina Mark at Roger na huwag lumaki ang mga ulo sa natatamong tagumpay at
sana manatili silang matalik na magkaibigan habang buhay at sana maging
mapagbigay sila sa isa’t isa para maging matatag pa lalo ang kanilang
pagkakaibigan.
Matapos ang
misa ay tumuloy sila sa isang hotel kung saan nagpareserve si Mark na munting
salu-salo. Doon lubusang nakausap ni Roger ang mga magulang. Nalaman niya sa
mga magulang na si Mark ang kumausap sa kanila at nagkumbinse sa kanilang
pagdalo sa araw na iyon. Sa pakiusap ni Mark sa kanila ay napag-isip-isip ng
ama ni Roger na panahon na rin siguro na maging maligaya ang kanyang nag-iisang
anak. Naging pagkakataon din iyon ng ama ni Roger na humingi ng tawad sa
pagmamalupit nito sa kanya. Ibinilin pa nito kay Mark na huwag nyang sasaktan
ang kanyang anak.
Nagtaka din
si Roger sa pamilya ni Mark na naging mabait sa pagharap sa kanya. Tulad ng ama
ni Roger, ipinagbilin din si Mark na laging gabayan ni Roger sa lahat ng
desisyon nito. Alam kasi nila na si Roger ang naging dahilan ng pagbabago sa
buhay ni Mark mula ng magkakilala sila. Ang ilang dating classmates ni Roger
naman ay bumati kay Roger sa mga natamo nitong tagumpay. Nagpaumanhin din sila
dahil minsan naging tampulan ng pangungutya si Roger ng nasa high school pa lang
sila. Hindi pala sukatan ang sexual preference ng isang tao para maabot ang
tagumpay. Lahat ay pantay-pantay ano mang larangan ang harapin.
Bago natapos
ang salu-salo ay naitanong ni Roger kay Mark kung ano ang nangyari sa kanila ni
Belinda. Umamin ang kaibigan na noong hinatid niya sa bus station ang
kasintahan ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan hanggang matuloy sa
hiwalayan.
Kinabukasan
ay nagtungo na ang dalawang magkaibigan sa lugar na pinareserve ni Mark. Silang
dalawa pala ang gagamit ng villa doon. Kaya pala yun ang pinili ni Mark ay
malaya nilang magagawa ang pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isa’t isa
kahit sa harap ng publiko tulad ng pagyakap at paghalik. Ganoon din kasi ang
mga banyagang bisita sa resort na iyon. Lalaki man sa lalaki o babae man sa
babae. Walang nakikialam sa mga bisita doon at tanggap na rin ng mga Pilipinong
empleyado ang ganoong pangitain. Sa unang gabi nila doon ay muling binasa ni
Mark ang sulat ni Roger sa araw ng kanilang graduation. Ito ang nilalaman ng
sulat:
Mark,
Salamat sa maikling panahon na napaligaya mo ako.
Mas higit ka pa sa medalyang matatanggap ko sa araw na ito. Tulad ng nasabi ko
na sa iyo, ikaw pa lamang ang tanging minahal ko ng ganito. Naging mapaghusga
man ang kapalaran sa akin, masaya pa rin ako dahil may isang tulad mo na aking
minahal at sa tingin ko ay mamahalin ko habang buhay. Tandaan mo Mark, kahit
tuluyan man tayong magkalayo at di na muling magkita, mananatili ka dito sa
puso ko.
Roger
Sa ngayon ay
nagmamay-ari na ng isang condominium unit ang magkaibigan dito sa Maynila. Isa
ng manager sa bangko si Mark at si Roger naman ay isang captain na malapit na
mapromote bilang major. Makakasabay sa promotion ni Roger ang pagdedestino sa
kanya dito sa Maynila. Sa panahong iyon ay tiyak na lagi ng magkakasama ang
matalik na magkaibigan.
– WAKAS –
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento