Sa Probinsya ng Pamilya in Misis
(Part 1.1)
By: Jack Wonder Lust
Malakas naman ang pangangatawan ni
Paul Conde, pero bigat na bigat siya sa dalawang medium sized na maletang dala
niya. Parang ang buong buhay at pagkatao niya ang laman niyon.
Partida, ang dami pa niyang iniwan
sa kung saan man siya nanggaling.
Tatlong buwan din siyang nalayo sa
Pinas. Ganoon pa rin ang problema sa pagkuha ng taxi sa NAIA. Sinalampak niya
ang sarili sa backseat ng nasakyan niya matapos niyang maipasok sa compartment
ang kanyang luggages.
Pumasok na ang driver matapos siyang
tulungan sa pagbuhat. Tapos ay nagtanong, “saan tayo boss?”
Nag-isip muna siya. Tapos ay
sumagot, “sa SEASAU po.”
Tumingin ang driver sa relo, “hala.
Labasan na ng mga estudyante. Matrapik. Baka puwede mo namang dagdagan ng five
hundred ang pasahe.”
Bumuntong-hininga siya, “okay. Sige,
kuya. Ikaw ang bahala.”
Umandar na ang kotse. Tumanaw si
Paul sa bintana. Ngayong nakabalik na siya sa kanyang bansa, nananatili pa rin
siyang lito kung tama nga ba ang kanyang piniling desisyon.
“Saan ka galing, Sir?” usisa ng
driver.
“Canada.”
“Oh wow. OFW ka?”
“Hindi. May binisita lang po.”
“Ay, sana nag-TNT ka na lang doon.
Balita ko maganda ang kita ng trabaho do’n kahit hindi legal na migrante,” sabi
nito.
Umiling siya, “Alam mo Kuya, kahit
maayos ang buhay doon, malamig, walang gulo, maayos gobyerno, walang trapik at
walang nangongontratang taxi, mas gugustuhin ko naman na manatili dito.”
Napaubo ito, “Hala! Talagang
pinatamaan pa ako. Bakit? Maganda ba ang trabaho mo dito?”
“Hindi. Sa totoo niyan, maghahanap
pa ako ng trabaho,” tugon niya. At biglang bumuhos sa kanya ang pag-aalala kung
paano siya muli magjo-job hunting pagkatapos ng maraming taon.
“Ay ganoon ba? Siguro nandito ang
pamilya mo. Mahirap ding iwanan ang pamilya ano?” banggit ng Driver.
Hindi na gusto ni Paul ang mga tanong.
Kaya nagsinungaling na lang siya, “Oo. Para sa kanila.”
Tapos ay naglagay siya ng headset sa
tainga upang maparating sa driver na ayaw na niya na maintriga. Tumigil naman
ang pagtatanong sa kanya ng lalaki.
Isang awit ni Ed Sheeran na unang
sumalang sa kanyang playlist.
I'm gonna
pick up the pieces.
And build
a Lego house.
If things
go wrong we can knock it down.
I'm out of
touch, I'm out of love.
I'll pick
you up when you're getting down.
And out of
all these things I've done.
I think I love you better now.”
Hindi maamo ang damdamin ni Paul.
Parang sabay na malabo at walang laman ang kanyang isip. Parang black and white
ang paligid sa labas ng taxi. Bumalik siya sa Pilipinas dahil nandito ang alam
niyang sagot.
Pero ngayon, parang hindi pa rin
natatapos ang ugong ng mga tanong sa kanyang utak.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila
sa SEASAU. Nagbayad na siya at bumaba. Nagtungo siya sa parking lot ng
eskuwelahan at umupo sa isa sa mga cement benches. Kinuha niya ang kanyang
cellphone at pinalitan iyon ng sim na gamit niya sa Pinas.
Pagbukas niya ng phone ay maraming
bumulaga sa kanyang mga mensahe at notifications. Pero hinanap niya ang account
ng sinadya sa lugar na iyon at nagmessage.
“Nandito ako ngayon, sa SEASAU.
Hintayin kita dito sa parking lot.”
Wala pang isang minuto ay sumagot na
ang pinadalhan niya ng FB message.
“Paul?! Ano’ng ginagawa mo dito?
Nasa Pilipinas ka?”
Agad naman siyang tumugon. “Oo Kuya.
Kararating ko lang.”
“Teka? Bakit hindi ka nagsabi? Hindi
namin alam! Nakakagulat naman.”
“Saka na ako magkuwento. Puwede bang
sunduin mo ako dito, Kuya?”
“Okay. Okay. Tapusin ko na lang ang
emails ko tapos punta na ako diyan. Wait lang.”
Binulsa muli ni Paul ang telepono.
Nang may dumaan na tindero ng kwekkwek ay bumili siya. Matagal na pa lang
walang laman ang tiyan niya. Hindi niya alam kung ano na ang hitsura niya doon.
Isang lalaking mukhang hulas at kumakain ng kwekkwek habang may tig-isang
maleta sa magkabilang gilid niya.
Nakatulala lang siya hanggang sa
lumipas ang tatlumpong minuto. Bumaba na ang araw.
Napatayo siya nang matanaw ang isang
guwapo at matipunong lalaki na nakasuot ng polo barong at slacks na papalapit
sa kanya.
Niyakap siya agad ng lalaki nang
magkalapit sila. “Hhuy Paul. Ano’ng nangyari?”
“Kuya Dave, bumalik na ‘ko.”
Hinigpitan niya ang kanyang yakap sa kanyang bayaw. Na-miss niya ang bato-bato
nitong katawan, ang mabango na pabango nito na humahalo sa amoy lalaki nitong
natural at ang rumaragasang damdamin sa dibdib at pundilyo sa tuwing malapit
siya rito.
Halos isang minuto silang magkayakap
hanggang sa kumalas si Dave. Nakita nito ang kanyang mga maleta. “Ano ‘tong mga
‘to? Hindi ba’t sa Canada ka dapat?”
Umiling ito. “Huh! Teka, si Liza?
Asan si Liza?”
Napalunok siya. “Nasa Canada.”
“Bakit ka bumalik dito?” Strikto ang
mukha ng bayaw niyang college professor.
“Umuwi muna tayo sa inyo, doon na
ako magpapaliwanag,” pakiusap ni Paul. “Nando’n ba si Daddy Roger?”
“Wala. Nasa bigasan,” Tugon ni Dave tapos ay kinuha nito ang kanyang mga
luggage, “Oh sige. Umuwi na muna tayo. Mukhang haggard ka pa sa biyahe.”
Sinundan niya ang bayaw hanggang sa
makarating sila sa kotse nitong naka-park. Ipinasok na nila ang gamit sa hood
tapos ay sumakay na sila.
Habang nagda-drive si Dave ay
mukhang sineryoso nito ang sinabi niya na mag-usap sila sa bahay. Tahimik lang
ito.
At habang si Paul naman ay nakaupo
lang sa front passenger seat ay tinititigan niya ang lalaking nagda-drive.
Anim na buwan din niya itong hindi
nakita ng personal, o kahit man lang nakausap sa online platform. Bago kasi
siya umalis ng Canada upang sa wakas ay makasama na ang asawa niyang si Liza na
doon nagtatrabaho at nai-apply na rin siya, ay nag-usap sila ng bayaw na huwag
na munang mag-usap. Na kailangan nilang maglaho sa buhay ng isa’t-isa upang ibalik
ang tamang direksyon ng kanilang mga buhay na minsan na ring nagkabuhol-buhol
dahil sa mga maling dahilan.
Tama nga ang hinala niya. Nang muli
niyang masilayan ang lalaki ay bumalik ang lahat ng mga damdamin na pinilit
niyang ikubli sa sarili at sa kanyang asawa habang siya ay nasa ibang bansa.
Ang lakas pa rin ng epekto ni Kuya
Dave sa kamalayan niya.
Kumunot ang noo ni Dave at saglit na
humarap sa kanya. “Oh. Bakit?”
Umiling siya. Ngunit hindi pa rin
niya pinuputol ang kanyang tingin. “Wala lang.”
Napakagat-labi ang Bayaw. “Shit
tangina mo Paul. Na-miss kita. Ang guwapo mo na medyo pumusyaw ng kaunti ang
kutis mo.”
“Ikaw din Kuya Dave. Sobrang na-miss
kita,” ang nasagot niya lang.
Nang humimpil sila sa interseksyon
ay bumaling ito sa kanya. “Sige, tingin pa! Halikan kita diyan eh.”
Ngumisi lang siya at tinitigan pa
ito nang mas malapot.
Hinampas ni Dave ang kanyang hita.
Tapos ay umabante sa kanya. Hinuli nito ang labi. “Hmmm!” Malakas nitong ungol
habang mabilis ngunit ragasa niyang nilaplap ang ang kadarating lang bayaw.
Nakasalampak lang si Paul habang ang
lalaki ay umaatras na at bumabalik sa pagmamaneho. Napakabilis ng tibok ng puso
niya. Naramdaman niya ang pagka-soak ng kanyang briefs sa kanyang sariling
precum.
Tapos ay bumalik na ang tingin ni
Dave sa kalsada ngunit sumisilay pa rin ang pilyong ngiti sa mukha nito.
Frustrated lang na naghintay si Paul
kung may gagawin pa ang kanyang bayaw sa kanya. Ngunit nagpatuloy lang ito sa
tahimik na pagmamaneho. Wala siyang nagawa. Mula pa noon ay ito ang may kontrol
kung paano at kailan ang kanilang mga pagtutuos. Nakuntento na lang siya sa
pagtitig sa pag flex ng biceps at triceps nitong sinasakal ng manggas ng polo
nito.
Matapos ang isang oras na pagsabak
sa traffic at sa pagtitiis sa seksuwal na tension sa loob ng kotse ay
nakarating na sila sa bahay. Pinasok na nila ang mga bagahe.
Umupo si Dave sa isang gilid ng sofa.
“Nasa bahay na tayo. Magpaliwanag ka na.”
Biglang na-overwhelm sa kaba si
Paul. Bumagsak ang kanyang puwet sa sofa. Matagal na naipit sa kanya ang mga
salita sa kanyang lalamunan bago tuluyang lumabas ang mga iyon.
“Nakipagkalas na ako kay Lisa. Kaya
ako umuwi dito.”
Tumindig ang lalaki. “What the
fuck?! PAUL?! Bakit mo ginawa ‘yon?!”
Tumingala siya at nakita ang galit
na ekspresyon ng mukha nito.
“Dahil hindi ko na siya mahal, hindi
ko na siya kayang mahalin katulad ng dati.” Mas naging firm ang tono ng kanyang
boses.
“Wow, Paul, baka nakakalimutan mo,
kasal kayo ng kapatid ko!” sarkastikong anas nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “Eh kayo ni
Daddy Roger? Nakalimutan niyo din ba ‘yan nung kinana ninyo ‘ko? Hah?”
Umiling ang lalaki. Mukhang napikon
ito sa sinabi niya. “Tangina. Kaya nga tinapos na natin ‘di ba? Naglaro tayo, nagustuhan
natin. Pero dumating ang pagkakataon mo na masundan ang asawa mo do’n. Tapos
sasayangin mo lang! Tangina nasa Canada ka na!”
“Tangina! Kinorrupt ninyo akong
mag-ama eh!” naiinis na rin si Paul. “Puta! Araw araw, naiisip kita. Naiisip ko
‘yung ginagawa natin. Hindi ko kaya na hindi ako makantot ng titi ninyo nang
matagal. Nauulol ako dahil hindi ko maibsan ang libog ko sa lalaki. Eh kayo
naman may kagagawan nito, eh.”
“Putangina mo Paul, kaya pumunta
do’n ang kapatid ko para makapagpundar kayong dalawa! Para magkapamilya kayo.
Bullshit. Tapos sasaktan mo lang siya? Mahal na mahal ka ng kapatid ko, alam mo
ba ‘yon?” bulyaw nito.
Humikbi siya. “Matagal kaming
nawalay sa isa’t-isa. Tapos pumasok pa kayo sa eksena. Binago niyo ang pagkatao
ko. Natural lang na mawala ang feelings ko sa kanya! Isa pa, nung pagdating ko,
sinubukan ko naman. Sinubukan ko talaga! Pero hindi ko talaga kaya! Kung
papatagalin ko pa, lalo ko lang maloloko ang kapatid mo.”
“Ang tanga mo, Paul. Ang tanga tanga
mo!” madilim na sambit ni Dave.
Sumimangot siya. “Oo tanga ako.
Tanga ako kasi na-in-love ako sa kapatid ng asawa ko. At hanggang ngayon mahal
ko pa rin siya.”
Humakbang ito paurong. “Pinag-usapan
na natin ‘to Paul. Walang mabubuo sa ating dalawa. Lalo na ngayon, na sinaktan
mo ang kapatid ko."
Nagsimulang lumuha si Paul. “Hindi
ko naman sadya ‘yon. Maniwala ka. Ginawa ko ang tingin ko ang tama. Mas lalong
mababaon sa guilt ang konsyensya ko kung mabubuhay kaming magkasama pero iba
naman na talaga ang laman ng puso ko. Dave. Ikaw ang gusto ko. Kaya ako bumalik
dito, para sa’yo.”
Umiling ito. “Hindi ko ibibigay
sa’yo ang gusto mo, Paul. I am no longer capable of loving anyone. Alam mo
‘yan.”
“Hindi naman ako mahuhulog kung
hindi ko naramdaman mula sa’yo na meron, eh,” sumamo niya, “I’m pretty sure,
kung hindi ako umalis, baka dun din naman ang kinahinatnan natin.”
“Hindi rin. Alam mo kung paanong
hindi ayon si Dad na nakikipagrelasyon ako sa lalaki,” paliwanag nito. “Anim na
buwan pa lang kayong nagsama ni Liza para i-rebuild ninyo ang tahanan ninyo. Ni
wala pang isang taon. You weren’t even trying. Babalik ka do’n. At kung
kinakailangan na ako ang magbayad ng ticket mo para bumalik ka, gagawin ko.”
Hinawakan niya ang braso nito. “Kuya
Dave, sa loob ng anim na buwan na ‘yon, hindi mo ba ako naisip? Hindi mo ba ako
naalala? Hindi mo ba ako hinanap?”
Umiling lang si Dave, ngunit
halatang hindi ito sigurado sa pagtanggi.
“Ako naiisip kita lagi. At kahit
hindi kita matawagan dahil blinock mo ‘ko sa lahat ng sites, kahit walang paramdam,
ramdam na ramdam pa rin kita.”
“Ang sitwasyon na ‘to madali ang
sagot,” eksplika nito. “Alam nating pareho na hindi tayo pwedeng magmahalan.
Hindi tayo papayagan ng mundo. Hindi tayo papayagan ni Dad. Hindi ako papayag.
Kung ano man ang naramdaman mo mula sa 'kin, sorry, kung umasa ka sa wala ka
namang dapat asahan. Pero ang i-give-up mo ang matinong buhay, para sa isang
tao na wala ka namang mahihita? Ang tanga, Paul. Ang tanga talaga!”
Tumaas ang inis ni Paul. “Pucha.
Bakit ba ang tigas mo, Dave? Huh? Nandito na nga ako! Tinatalikuran ko na ang
lahat kasi mahal na mahal kita. Hindi ako katulad ni Mack...“
“Putangina! Huwag mong
mabanggit-banggit si Mack dito.” Nanlilisik ang mga mata ni Dave. Nakaduro ito
sa kanya. “Kung anuman ang nangyari sa ’min, walang kinalaman ‘yon sa kung ano
ang disposisyon ko ngayon. Pero hinding-hindi ko na babalikan ang pagkakamaling
ginawa ko noon. Kapatid ako ng asawa mo. Lumugar ka ng tama."
“Ang alam kong tamang lugar ko ay
kasama ka, Dave,” mariing sagot niya.
Napasinghap ito halatang nadala sa
kanyang sinabi. Tapos ay muling sumeryoso ang mukha. “Pasensya ka na, Paul.
Wala kang lugar dito."
Humakbang siya papalapit. “Wala nga
ba, Dave? Wala ka nga bang naramdaman para sa ’kin? Kasi alam ko meron.”
“Wala!” mariing tanggi ni Dave.
Tumaas ang kilay niya. “Talaga Dave?
Wala nga ba?”
May alinlangan sa tingin nito sa
kanya. Tapos ay bumalik sa devilish na ekspresyon. “Wala, Paul. Puta lang
kita.”
Tumungo ang lahat ng enerhiya ni
Paul sa kanyang kamao. Pumukol siya ng isang suntok. Tumama iyon sa mukha ng
bayaw.
Napakulpit si Dave. “GAGO KA
BULLSHIT!”
Mabilis ang ginanti ito ng suntok.
Hindi na siya nakailag. Sandaling nagdilim ang paningin niya.
Kasabay ng mga galit na ungol ay ang
palitan nila ng mga sapak. Tinanggap ng kanilang mga matitigas na laman ang
suntok ng bawat isa.
Matapos makatanggap ng isang malakas
na pukol ay bumagsak nang pahiga sa sofa si Paul.
Pumatong sa kanya si Dave at
sinimulan siyang yugyugin. “FUCK YOUU!”
Itutuloy......
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento