BESTFRIEND (Part 1)
(Based on a True Story)
By: Cris Scott
(From:
Pinoy Gay Love Story)
2004
“Gusto ko ng mamatay!”
Eto ang unang mensahe na natanggap
ko ng makilala ko siya sa isang blogsite na pwedeng ma-access thru mobile
phone. NOKIA pa ang hari ng mobile phone industry at patok na patok pa ang mga
polytones, wallpapers at mga 9-sec video scandals.
“Bakit, ano ba ang nangyari? I-share
mo lang sa aken, makikinig ako. Huwag kang magisip ng kung ano ano, kasalanan
yan. Masarap ang mabuhay. Ano ba ang nangyari?” sabi ko sa kaniya.
“Iniwan ako ng mahal ko. Akala ko OK
kami, akala ko walang iwanan, akala ko hindi niya ako bibitawan. Ang dami na
naming mga plano, mga pangarap sa buhay, pero nawala na lang siyang bigla sa aken,
ang sakit sakit. Sobra, hindi ko na talaga kaya!”
“Iniwanan ka pala niya. May third
party ba na involved dito? May BF na ba siyang bago?”
“Wala bro, hindi ko alam. Hindi ko
na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng mamatay!”
“Bro, umiyak ka lang. Iiyak mo lang
lahat ng sama ng loob mo. Hindi ako expert sa ganitong bagay kasi hindi pa
naman ako nai-inlove ng sobra. Pero sa situation mo ngayon, OK lang na ilabas
mo ang lahat ng sama ng loob mo. Hayaan mo na lang muna siya. Ayos lang na
umiyak ka ngayon pero huwag mong aaraw-arawin, masakit sa mata yan, hahaha!
Pinapatawa lang kita, pero seryoso bro. Hayaan mo na lang muna siya, let HER
go. Marami pang babae sa mundo. Kung ano man ang reason kung bakit ka niya
iniwan, definitely malalaman rin natin iyan in time. Sabi nga nila, what you
don’t know won’t hurt you. Let her go na lang muna bro,” sabi ko sa kaniya.
“Thanks bro. Hay... ang hirap lang
kasi, akala ko siya na talaga. Pasensiya ka na sa ka-dramahan ko, wala lang
talaga akong makausap ngayon. Ang hirap kasi ng situation ko, mag-isa lang ako
dito sa room ko sa dormitory. Wala akong makausap.”
“No problem bro, it’s a pleasure to
help someone in need.”
“Bro, wag ka muna mawawala ha? Usap
pa rin tayo parati dito,” habol niya.
“Sure, walang problem bro. Madalas
naman akong online dito, hehe. Masaya dito kasi madaming free ringtones, games
at video scandals, hahaha!”
“So, friends na tayo? Salamat sa
pakikinig sa drama ko.”
“Sure bro, walang problema. Ah, ako
nga pala si Neil, 18 year old, from Batangas. I am a Marketing student from a
state university. Ikaw ba?”
“Thanks bro. I am Tom, 19, from
Nueva Ecija. I am an Engineering student, sa isang state university rin bro.
Pleased to meet you!”
“Nice, engineer! Galing mo siguro sa
Math! Hahaha!” Nakaukit na kasi sa isip ko na kapag Engineer, madalas na
magagaling sila sa Math, kaya bilib na bilib ako sa kanila, hehe.
“Hindi naman, sakto lang bro.”
“So paano, sa susunod ulet. Medyo
late na rin kasi at maaga pa ang klase ko bukas. Huwag ka muna papakamatay bro,
masiyado ka pang bata. Isipin mo na lang ang madaming babaeng iiyak kapag
nawala kana. Ikaw rin, sayang ang DNA mo. Hahahaha!”
“Haha, loko loko. Oo bro, salamat
ulet. Goodnight! Bukas ulet ah.”
“Sure bro, walang problema.
Goodnight!”
Ini-off ko na ang mobile internet ko
sa aking Nokia phone at nahiga na. Nakakatuwa naman, may natulungan akong tao.
Sana nga hindi siya magpakamatay. Buti na lang hindi pa ako nai-inlove ng sobra-sobra,
hehe. Ano kayang pakiramdam nun?,” sabi ko sa sarili ko.
Madami pang mga tao akong nakakausap
sa site na yun, pero siya ang nag-stand-out sa lahat. Ikaw ba naman ang
imessage ng isang tao na hindi mo man lang kilala na GUSTO NA DAW NIYA MAMATAY,
eh ewan ko na lang kung hindi iyun tumatak sa isip mo!
Dumaan ang mga araw, mas naging
madalas ang kwentuhan namen. Sobrang sarap niyang kausap. Pakiramdam ko, parang
magkakilala na kami matagal na. Andyan yung paguusapan namen ang favorite food
namen, mga places na napupuntahan, mga subject, size ng family namen at kung
ano ano pa. Hindi nawawala ang kaniyang “good morning bro!”, “kamusta ka na
bro” at iba pang mga messages. Aaminin ko, naging daily routine na namen ang
magusap at magbatian. Madalas, magsisimula ang chat session namen ng 8pm at
aabutin kami ng 2AM. Para kaming mga sabik mag-usap parati.
One time, napag-usapan din namen ang
plano niya na sumali sa isang group sa school nila. Meron daw “initiation” na
kailangan, so syempre, alam na naten kung ano yun.
“Bro, alam mo, sa lahat ng ginagawa
ng mga fraternities na yan or ano mang group na yan, hindi ko pa rin maisip ang
logic behind that paddle sa likod sa mga hita. Bakit? Masakit kaya yan. Mapalo
ka nga ng nanay mo sa puwet ang sakit-sakit na eh, paddle pa kaya!”
“Bro, ganun talaga. For me, the
paddle represents the hardships, the challenges and obstacles we need to go
through before we achieve something great. Lahat ng bagay sa mundo, hindi mo
pwedeng makuha at makamit sa madaliang paraan lang. You need effort, at hindi
lang basta effort, kailangan mong paghirapan yan. Isipin mo na lang kung walang
initiation, siguro ang dami-dami ng members ng mga groups na basta-basta na
lang. This is like a process of elimination and selection,” paliwanag niya.
“I believed there is no such thing
as free lunch naman, pero masakit kaya yun! Saka isa pa, alam mo naman ang may mga
incidents na mga namamatay dahil diyan sa initiation rites na yan. Hindi talaga
ako pabor d’yan. Anyway, wala naman frat sa school namen at lagi naman akong
solo flight sa school namen, except sa mga girls na gusto akong makausap, pero I don’t mind being alone in the school
kesa naman sumali sa isang group na may sakitan pa,” ang brat kong paliwanag,
hehe.
“Thanks bro sa pag-aalala, pero
sasali talaga ako. Hindi lang eto basta basta na group.”
“Ok, ikaw ang bahala, hehehe.”
Dumaan ang mga araw at naging
sobrang close na namen ni Tom. Actually, para ko na nga siyang bestfriend kahit
hindi pa kami nagkikita. At ganun din naman ang turing niya sa aken. Sobrang
naging malalim ang samahan namen dalawa kahit sa chat at sms lang kami
nakakapag-usap. Hindi kami nauubusan ng topics na pwedeng pag-usapan; politics,
current affairs, school subjects, mga experiences sa professors at mga high
school teachers, scholastic achievements. Maging personal na buhay namen, mga
future plans, wildest dreams (pati wildest sex experiences) ay kasama na rin!
Pakiramdam ko, kulang ang araw kapag
wala siyang message sa aken.
-----o0o-----
2005
“Bro, wala ka bang balak na magkita
tayo? Ang tagal na naten naguusap pero hanggang ngayon, wala pa rin tayong idea
sa mga itsura naten! Hahaha!” sabi niya sa aken.
“Naku naman, ang layo kaya naten sa
isa’t isa. Tapos wala pa naman din akong enough cash dito para pumunta nang
Manila. Pang allowance lang ang pera ko. Siguro kapag nagkaroon na tayo ng
work, saka tayo magkita. OK lang naman siguro noh?” sagot ko sa kaniya.
“Ayos lang bro, walang problema.
Pero at least, describe mo naman sa aken ang itsura mo.”
“Hmm... sige bro. OK, 5’5” ang
height ko, napapagkamalan akong nagpupunta sa gym kasi maganda naman ang built
ko, smiling face palagi, hindi nagsusuklay ng buhok at palaging mabango,
hahaha! Ano ba pa, mahilig akong magluto bro, magbasa ng books, nagsusulat din
ako at mahilig din ako sa music. RnB and mga oldies ang gusto ko, hehe. May mga
nagkakagusto rin naman sa aken, mapababae at bakla, so I think gwapo naman ako,
hahaha! Ikaw ba?”
“Ako, 5’6” bro. slim built, medyo
moreno kasi may farm kami sa lugar namen, minsan tumutulong ako. Isa pa,
lumalaban ako sa mga swimming competitions kaya medyo napabayaan ang kulay ko,
haha! Kagaya mo, marami rin naman nahuhumaling saken na babae, walang bakla,
kaya tingin ko pwede naman akong lumaban sa kapogian mo! Hehehe!”
“Yun naman pala eh, sige tingnan na
lang naten bro kapag nagkita tayo ng personal, ok ba?” sabi ko sa kaniya.
“SIge bro, kaso kelan kaya yun
mangyayari noh? Mamaya kasi, bigla ka na lang magsawa sa aken at hindi ka na
mag-message sa aken. Nakakalungkot kapag nangyari yun. Malaki ang naging part
mo sa buhay ko bro, kaya sana mag-stay ka lang. Wala sanang iwanan,” paliwanag niya.
Ang drama naman neto, sa isip-isip
ko lang. Pero naappreciate ko, ang sweet nga eh, hehe. “Sure bro, walang
iwanan. Magkikita pa nga tayo ‘di ba? Tingnan naten kung talagang pwede kang
makipag-compete sa kakisigan ko, hahaha!”
“Hindi ko alam bro, pero parang may
nararamdaman na ako para sayo. Tingin ko mahal na yata kita,” biglang sabat niya.
“Hahahahaha! Hindi pa nga tayo nagkikita
tapos mahal mo na ako agad? Siguro kapag nakita mo na ako, baka mas mahalin mo
pa ako lalo, hahaha!”
“Seryoso bro. Ikaw lang ang
tumanggap saken kung ano man ako. Ikaw ang palaging andyan sa tabi ko noong mga
panahon na sobrang down ako at gusto ko ng mawala. Sa dami ng napagusapan naten
tungkol sa buhay, sa mga pangarap ko. Andyan ka lang parati, kahit na sa sms
lang tayo naguusap at sa chat. Hindi ko yata kayang mawala ka pa saken bro. I
love you bro.”
Hala, ano ano na ba tong pinagsasabi
sa aken ni Tom. Hindi ko yata ‘to kayang sakyan pa, hindi ako ready sa ganitong
situation. Wala pang nagsabi saken ng I LOVE YOU na lalaki. Pano ko ba eto
sasagutin?
Hindi muna ako nagreply sa kaniya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako. Alam ko, lalaki ako at alam kong
straight ako (noon yun). Madami akong mga babaeng nakakalandian, nakakahalikan,
nakaka one night stand. May mga babaeng nagpaparamdam ng interest sa aken at
may mga babaeng gustong-gusto akong kasama kapag nasa school ako. Hindi ako
mahilig sa mga lalaki, pero naging comfortable ako kay Tom, kahit na sa chat at
text lang kami nagkakilala. Kahit na hindi pa kami nagkikita, parang may
something sa kaniya na hindi ko maiwasan at ‘di ko kayang iwanan. Brotherly
love? Siguro. May isa akong kapatid na lalaki ngumit hindi naman kami close
kasi lumaki siya sa lola ko. Tama, siguro ganun lang ang tingin ko sa kaniya.
“Bro? Totoo yan, mahal na kita. Sana
huwag kang mawawala sa aken, please...”
Sige na nga, replayan ko na nga siya.
“Bro, thanks. Sobrang na-appreciate
ko ang pagpapahalaga at LOVE na binibigay mo saken. Ang totoo, ikaw lang ang
lalaking naging sobrang ka-close ko. Hindi ako mahilig sa lalaki at wala ako masiyadong
kaibigan na lalaki pero iba ka sa kanila. There is something in you na wala sa
mga kakilala kong lalaki. Hindi ko alam kung ano yun, pero panatag ako kapag
kausap kita. Safe ang pakiramdam ko, masaya at tingin ko kahit anong sabihin ko
at ikwento ko sayo, kababawan man or seryosong bagay, tiyak na makikinig ka sa
aken. Salamat sa pagmamahal bro. You are like an older brother to me,” iyun ang
nasabi ko sa kaniya.
“Kuya? Older brother lang?”
“Oo, kuya. Big bro.”
“Hindi Neil, mas mahal kita higit pa
dun!”
“Ano bang gusto mong mangyari Tom?
Pwede ba naman mangyari yun, magkausap tayo everyday pero hindi pa nga tayo
nagkikita, tapos mahal mo na ako ng more than a brother? Pwede ba yun
mangyari?”
“Eh sa iyun ang nararamdaman ko para
sa ‘yo eh. Hindi ko naman madiktahan ang puso ko, alam kong may mali, pero may
magagawa ba ako? Tuwing naguusap tayo, masaya ako. Nakakalimutan ko lahat ng
problema ko. Naging isang malaking parte ka ng buhay ko alam mo ba yun? Please,
bigyan mo naman ako ng chance. Bigyan mo ako ng chance na maiparamdam ko sa ‘yo
na mahal kita, na importante ka sa aken, higit pa sa kapatid.”
Matigas ang ulo nitong si Tom ah.
“Ok, sige. Granted na pumayag akong
maging tayo, then what? Anong mangyayari sa aten? Magkalayo tayong dalawa,
pareho tayong lalaki, hindi mo pa nga ako nakikita man lang kahit anino ko,
tapos ganiyan agad? Mahal agad? Bro, OK naman na ganito na lang tayo, mag-bestfriend,
magkapatid. Sana hanggang dun na lang, please? Hindi ako ready sa set up na
gusto mong mangyari. Hindi ako bisexual or bading. Babae pa rin ang gusto ko at
gusto ko magpakasal. Naguguluhan ka lang siguro sa ngayon Tom, pero mawawala
rin yan. Trust me.”
“Hindi Neil, iba ‘to. Ganito ang
naramdaman ko sa ex GF ko noon.”
“Hala, wag mo sabihing may plano ka
na naman magpakamatay ah! Hahahaha! Tom, we are good friends. Importante ka sa
aken, ayoko rin mawala ka sa aken. Pero sana maintindihan mo ako. Hindi ako
mawawala, hindi kita iiwan. Pero mag-bestfriend tayo, magkaibigan tayo.”
“Hay... naiintindihan ko Neil, pasensiya
ka na sa aken. Siguro nga, mawawala rin ito. Pero salamat, at least nasabi ko
sa ‘yo ang nararamdaman ko. I love you bro.”
“Adik ka Tom, huwag ka ngang I love
you ng I love you diyan, baka kiligin ako dito, hahaha!”
“I love you Neil, I love you Neil, I
love you Neil... I love you bro.”
Hala, mukhang patay na patay na nga
si mokong sa aken. Ang hirap naman neto, pero sige lang. Wala na akong
magagawa, kung yun ang gusto niyang sabihin palagi. Isa pa, wala namang damage
masiyado kasi hindi pa naman kami nagkikita sa personal. Hayaan ko na lang siya.
Basta para sa aken, bestfriend ko siya.
“Hi Tom, pasok na ako. Ingat ka
palagi bro! Usap tayo later pagkalabas ko ng school.”
“Hello Neil, nasa school na rin po
ako. Magiingat ka parati ha? Huwag kang papatuyo ng pawis sa likod mo, huwag
kang mag-skip ng breakfast at lunch. Saka ingat ka sa pagtawid-tawid sa
kalsada.”
“Opo Kuya Tom, hehehe!”
“Mahal kita Neil, lagi mong
tatandaan yan..”
“Maghihintay ako sa ‘yo Neil,
subukan mo lang. Kahit hindi pa tayo nagkikita, hindi ka magsisisi sa aken.
Aalagaan kita at mamahalin. Basta subukan mo lang, magtiwala ka lang sa aken,
please.”
Hindi na ako nagreply. Ang hirap
replayan eh, at ayokong umasa siya. Manhid yata ako kahit noon pa.
Consistent si Tom sa pagme-message
at pagsasabi ng I love you sa aken. Walang palya, araw-araw. Kinikilig na nga
ako minsan hehe. Minsan naiisip ko, what if subukan ko? What if maging kami?
Wala namang masama, ramdam ko naman na mabuti siyang tao. Pinagkakatiwalaan ko
naman siya, at higit sa lahat, mas mahal niya ako. Since palagi rin naman
kaming magkausap at nag-a-update sa mga ginagawa namen araw araw, try ko kaya?
Bahala na nga.
-----o0o-----
Mid 2005
- When I Met You
“Neil, pupunta kami sa Batangas, may
aattendan kami na binyag. Kasama ko ang
BF ko at isang kaibigan. Sana magkita tayo, excited akong makita ka.”
Eto naman si Rico. Isa rin siyang
kaibigan na nakilala ko sa parehong blogsite kung saan ko nakilala si Tom.
Sobrang bait din ng taong eto at sobrang sweet (pero hindi pa rin tatalo sa
level ni Tom, hehe). Sa chat lang din
kami nag-uusap at magkasundo kami kasi mahilig at magaling siyang mag-hack ng
iba’t ibang contents sa internet. Sarap nga eh, kasi ang daming free stuff like
applications, songs, games. Ah, isa siyang bisexual at inamin niya sa aken na
gusto niya akong matikman, hahaha! Kahit na may BF na siya, may landi pa rin siyang
gusto niyang iparanas sa aken. Ako naman, curious. Wala pa akong experience sa
lalaki noon, as in zero. If ever, siya ang makakauna sa aken. Gwapo daw ang BF niya
at lagi niyang binibida sa aken. Ako naman, wala naman akong pake-alam sa BF niya,
kasi siya, si Rico naman talaga ang kaibigan ko.
Dumating ang araw na magkikita kami
sa Batangas. Maaga akong umalis ng bahay para tagpuin sila sa bus terminal.
Pagkababa na pagkababa pa lang ng bus, nakita ko na agad ang tatlong lalaking
magkakasamang bumaba ng bus. Napansin ko agad ang isang lalaki na kilala ko,
schoolmate ko siya! Aries ang name niya at isa siyang HRM student. Kami ang
unang nagkabatian, hehe.
“Oh pre, ikaw pala ang binanggit sa
aken na kakilala ni Rico. What a small world nga naman noh?” sabi ni Aries.
“Oo nga eh, akalain mo nga namang
magkaibigan din pala kayo ni Rico.”
Nakita ko si Rico, 5’7” ang height niya,
maputi, may balbas at bigote at may itsura rin (syempre mas gwapo ako).
Lalaking-lalaki ang itsura, kilos at salita. Hindi mo mapapagkamalan na may BF.
Agad kaming nag-hand shake at kamustahan.
“Ang gwapo naman pala talaga ni
Neil, sabi ko na nga ba eh!” banggit ni Rico.
“Hahaha! Oh well, ganiyan talaga,”
pagyayabang ko.
Nasa tabi lang niya ang isang lalaking
tahimik lang. Mas gwapo siya sa aken, 5’6” ang height niya, maputi, at medyo
maangas ang style. Iba siyang makatingin sa aken, pakiramdam ko parang balak niya
maghamon ng suntukan.
“Ah, Neil, eto pala si Edward,
BESTFRIEND KO. (may diin talaga ang BESTFRIEND ng banggitin niya sa aken.)
“Uy, kamusta ka?” ang magisi kong
bati. Hindi ko siya gusto actually kasi ang suplado niya, lamang lang sa aken
ng 3 paligo pero feeling niya ang gwapo-gwapo na niya.
“Mabuti naman Neil,” matipid na
sagot ni Edward.
Hindi ko na pinansin si Edward,
nagaspanggan ako sa ugali. Yun na ang una at huli naming paguusap ni Edward ng
araw na yun.
Magkatabi kami ni Rico habang si
Aries at Edward naman ang nasa loob ng tricycle. Kwentuhan, bigayan ng tips at
sites na madaming links ng freebies at songs. Madami kaming nagpagusapan ni
Rico. Sobrang bait niya at sarap din kausap.
Noong dinner, mabilis kaming kumain
ni Rico. Plano kasi namen na lumabas at maglakad lakad sa labas. Bilog kasi ang
buwan noon at ang lamig, sobrang peaceful ng ambiance. Iniwan lang namen sa
loob ng bahay sina Aries at Edward.
Napansin ko bigla ang celfone ko,
sobrang dami na ng mga messages at missed calls from Tom! Hindi na ako
nakareply man lang sa kaniya kasi naging sobrang busy ako kay Rico.
“Hi Tom, andito ako actually sa
isang lugar sa Batangas, medyo mahina ang signal kaya hindi ako makareply. Wala
rin akong dalang battery at charger kaya tinitipid ko ang battery ko. Usap na
lang tayo bukas kapag nakauwi na ako. Magiingat ka palagi Tom.”
“Kaya naman pala hindi na ako
pinapansin kasi may kasama naman palang iba, hehe. Ok lang Neil, basta
magiingat ka parati ha? Saka huwag mong kakalimutan, mahal na mahal kita.”
“Salamat Tom, sige bukas na lang
ha?”
Yun ang huli kong message sa kaniya.
“Sino yun?” banggit sa aken ni Rico.
“Ah, kaibigan ko lang. Nagtatampo
lang kasi hindi daw ako nagre-reply or paparamdam man lang.”
“Ah ganun ba, baka naman BF mo rin
yun?
“Hahaha! Gago! Wala akong balak. May
GF ako ngayon.”
“Whew hindi nga Neil? Bakit hindi mo
nabanggit sa aken yan?”
“Ah, hindi ka naman kasi nagtanong
eh. Isa pa, huwag naman naten isali sa usapan yung wala dito. Akala ko ba gusto
mo ko matikman Rico?”
“Excited! Hahaha, hanap lang tayo ng
place. Mukha ngang malaki yan eh.”
“Wala pa akong experience sa lalaki
Rico, at curious ako. Ikaw na ang bahala sa aken.”
Pumuwesto kami sa isang kubo di
kalayuan sa bahay nina Aries. Doon kami nagtago, at doon ko naranasan ang
pagpapasarap ng isang lalaki sa katawan ko. Kakaibang experience, hehe.
Noong matapos kami ni Rico, agad
kaming nagsuot ng damit namen.
“Laki ng sayo Neil, nabulunan ako.”
“Hahaha, notorious yan Rico.”
“Parang katulad ng kay Edward lang,
malaki din.”
“Sabi ko ‘di ba? Huwag magbanggit ng
taong hindi naman kasama sa usapan. Pero since nabanggit mo siya, kanina habang
kumakain, napansin ko nakatitig siya sa aken saka sa ‘yo. Ang sama niya
makatingin p’re, sabihan mo siya. Mamaya baka maupakan ko siya.”
Saktong pagkasabi ko noon ng biglang
dumating sina Aries at Edward sa kubo mula sa bahay.
“Oh Edward, bakit anong nangyari
sayo?” Hawak hawak kasi ni Edward ang ulo niya at mukhang balisa. Kahit na
ganun ang itsura niya, mas gwapo pa rin siya kesa sa aken. Pero pakelam ko sa
kaniya, suplado kaya niya.
“Masakit ulo ko Rico, may dala ka
bang gamot dyan?” sagot ni Edward.
“Oo Edward, nasa bag naten. Tara dun
sa bahay.”
Sabay-sabay na kaming umuwi ng bahay
at natulog. Magkatabi kami ni Rico at magkatabi naman sila Edward at Aries.
Second night namen sa bahay nila
Aries, naisipan namen na magpunta sa isang malapit ng beach. Buti na lang may
kakilala silang tricycle driver kaya meron na kaming service. Kaming apat lang
ang magkakasama.
Hatinggabi na yun, mataas at
maliwanag ang buwan. Nasa dagat na kami at nageenjoy maglangoy. Masarap sa
pakiramdam ang tubig at nakakarelax ang paligid kasi kokonti lang ang mga tao
ng gabing yun. Hindi pa developed ang lugar kaya natural na natural talaga ang
ambiance niya.
Naglalaro kami ng tayaan nila
Edward, Rico at Aries. Si Aries ang taya ng sandaling iyun, nagulat na lang ako
ng biglang may sumakay at yumakap sa likod ko. Si Edward pala!
“Tangina ang bigat mo pre! Baba
kana!” natatawa kong sigaw kay Edward.
“Eto naman, naglalambing lang naman
ako Neil, ang sungit mo,” sagot niya.
“Ano kamo?”
“Naglalambing lang naman ako sa ‘yo Neil,
sorry kung masungit ako kahapon sayo sa terminal. Ang sakit lang talaga ng ulo
ko.”
“Ah yun ba, walang problema Edward,
not an issue,” sarcastic kong sagot sa kaniya.
“So friends na ba tayo?”
“Ah, eh, baka magselos si Rico,
gwapo pa naman ako. Mamaya ma-inlove ka sa aken, may GF ako. Hahahaha!”
“Basta friends na tayo Neil!”
nakangiti niyang sabi sabay baba sa likod ko. Medyo nasa malayong parte ng
dagat si Rico at Aries kaya hindi nila narinig ang usapan naming dalawa.
“Sige na nga, friends!” sagot ko kay
Edward.
Hindi ko alam pero bakit kakaiba ang
ngiti at titig saken ni Edward. Pero hindi ko na lang pinansin yun.
Madaling araw na ng umuwi kami sa
bahay nina Aries. Pauwi na rin kasi sila sa Manila.
“Sandali, picture picture muna
tayo!” sabi ni Aries.
Handa na ang camera, kami na lang
apat ang kulang. Todo ngiti naman kaming lahat, lalo na si Edward. Nagtakaka
lang ako bakit dikit ng dikit sa aken si Edward ng oras na yun. Medyo iba na
ang pakiramdam ko sa kaniya kaya umiwas na ako, mahirap na. Mamaya mag-away pa
ang dalawa.
Inihatid ko ang tatlo sa bus
terminal. Nagpaalaman muna kaming lahat at nag-picturan ulet sa terminal, hehe.
Unang pumasok si Aries at si Rico, nagpahuli pa si Edward. Medyo malungkot ang
mukha niya, parang iiyak or something pero hindi ko na tinanong kung ano ba ang
problema niya o kung may problema ba.
Umakyat na siya ng bus, ngunit
makaraan ang ilang segundo ay bumaba siya ulet. Akala ko may nakalimutan lang siya,
ngunit lumapit siya saken.
“Oh, anong nagyari? Malapit na
umalis ang bus, sumakay ka na kaya!”
“Neil, I promise babalikan kita.”
“Ha? Bakit? Nagtataka kong sagot.”
Hindi na siya umimik, pero tinitigan
niya ako sa mga mata ko at parang may gustong sabihin. Iba ang mga titig na yun,
matalas, makahululugan.
Umandar na ang bus. Kumaway ako sa
kanila, hanggang sa makita ko si Edward sa bintana. Sobrang lungkot ng mukha niya
at may sinabi. Parang nabasa ko sa bibig niya..
“Babalikan kita.”
Noong nakalayo na ang bus, kinapa ko
ulet ang celfone ko. Andami messages ni Tom.
“Bro, miss na miss na kita. Bakit
parang wala ka ng gana makipagusap sa aken?”
“Bro, uwi kana senyo. Usap naman
tayo. Nami-miss na kita..”
“Bro?”
“Neil?”
Hala, nawala na sa isip ko si Tom.
Masiyado akong nalibang kina Rico at Edward.
“Hi Tom, eto pauwi na ako ng bahay.
Kamusta kana? Pasensiya na, mahirap talaga ang signal sa location nila Aries,
100 years bago makapagsend ng message, hehehe! Na-miss din kita mokong!” reply
ko kay Tom.
“Ok lang yun Neil, sabi ko naman
sayo, willing akong maghintay sa ‘yo, kahit gaano pa katagal.”
Hayan na naman siya, sa isip ko
lang.
“Yun, masaya naman ang biniyagan,
tapos nakilala ko pa mga bagong tropa. At mas malapit lang sila kasi taga
Manila lang naman sila, hehe. Mas madaling puntahan if ever. That is, kung meron
na akong funds haha!”
“Eh tayo, kelan mo tayo balak
magkita Neil?”
“Basta, darating din tayo dyan Tom.
Ano kaba, nagseselos ka ba? Ikaw kaya ang itinuturing ko ng bestfriend at big
brother.”
“Asus, bolero ka. Kung hindi lang
talaga kita mahal, hehehe.”
Natawa na lang ako sa usapan namen
ni Tom. Hindi pa rin ako makapaniwala, kasi hanggang ngayon sa LOVE na sinasabi
niya. Parang imposible kasing mangyari. Pero pinapabayaan ko na lang.
“Basta Neil, tandaan mo. Mahal
kita.”
“Thanks Tom, naappreciate ko sobra.”
“Ano ba naman yun. Ganun lang?”
“Hehe, eh alam mo naman kasi ang
stand ko sa bagay na yan. Tsaka isa pa, may GF ako ngayon.
“Maghihintay pa rin ako. Pwede naman
kaming sabay ah, hehehe! Biro lang!”
“Alam mo, yan ang napapala mo sa
kakausap sa aken eh, naaadik kana! Hahaha!
“Oo naman, adik na adik ako sa ‘yo.
Hindi ko nga alam, sa dinami dami ng tao, bakit sa ‘yo pa ako nakaradam ulet ng
ganito!”
No comment na naman ako. Hay... ayoko
na ng takbo ng usapan. Hindi na lang ako magre-reply.
“Nawala ka na naman. Bakit kapag
sinasabi ko sa ‘yo na mahal kita, hindi ka na lang magre-reply. Basta ka na
lang mawawala,” sabi ni Tom.
May nagmessage. Unfamiliar number.
Sino naman kaya eto?
“Hi Neil, kinuha ko ang phone number
mo kay Rico. Nalulungkot ako alam mo ba?”
“Huh? Sino ka?”
“Si Edward po to. Nalulungkot ako
kasi hindi man lang tayo nakapagbonding, na tayong dalawa lang. Mukha ka pa
naman mabait at cool kasama. Sana may time pa tayo ulet sa susunod. Sana
makabonding din kita.”
“Oh, ikaw pala yan Edward. Sure!
Walang problema. Wala pa naman akong pasok ngayon, so siguro one time dalawin
ko kayo sa Manila. Or pwede ka rin bumalik dito if you want? Hahaha!”
“Neil, sabi ko sayo babalikan kita.
Gagawin ko yun.”
“Hahaha! Loko, ang layo kaya netong
Batangas. Saka may work ka. Wala ka ulet time para dumalaw dito. Swerte lang na
long weekends kayo ngayon kaya ka nakagala dito. Pero sige tingnan na lang
naten.”
“Miss na miss na kita Neil. Seryoso,”
sabi ni Edward.
Oh, ano namang drama ‘to? Kanina si
Tom, ngayon si Edward! Andaming nahuhumaling sa aken! Hahahaha
“Hahaha, ikaw ah. Baka mabasa ni
Rico yang message mo, lagot ako sa kaniya. Be faithful!”
“Ayoko na sa kaniya Neil. Gusto ko
na makatakas.”
“Oist umayos ka, ang bait bait nung
tao. At sino naman pupuntahan mo aber? Ako? Sorry may GF ako at wala akong
balak sa relasyong katulad ng sa inyo ni Rico. Umayos ka.”
Pero matigas rin si Edward.
“Babalikan kita Neil.”
Magulong kausap ‘tong si Edward, sa
isip ko lang.
Itutuloy........
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento