Martes, Nobyembre 21, 2023

Short Stories From Other Blog or Author # 94 - BESTFRIEND (Part 2) (Based on a True Story) By: Cris Scott (From: Pinoy Gay Love Story)

 


BESTFRIEND (Part 2)

(Based on a True Story)

By: Cris Scott

(From: Pinoy Gay Love Story)

 

Torete

Magulo ang isip ko. Medyo nagkaroon kami ng tampuhan ng GF ko, wala na daw kasi akong time sa kaniya. Si Tom naman, sweet at consistent pa rin pero walang epekto saken. Si Edward, nagpaparamdam ba siya or gusto lang niya akong pagtripan.

Isang araw, kailangan kong lumuwas ng Manila. Kailangan ko lang kumuha ng NBI clearance for travel abroad. Nakapasa na kasi ako sa interview for International OJT Program ng school namen at kailangan na namen magsimulang magprocess ng mga importantant papeles. Sakto pala, pwede kong i-meet sina Rico at Edward.

Matapos ang pagkuha ng ng NBI sa Carriedo, diretso ako dumaan sa location nina Edward. Swerte naman na wala silang pasok kaya naabutan ko silang pareho sa bahay.

Maliit lang ang bahay nila ngunit may dalawang kwarto. Isa sa nanay at tatay ni Rico, yung isa ay sa kanilang dalawa ni Edward. Parang nagli-live-in na silang dalawa, hehe. Ayun, kamustahan ulet at kwentuhan. Hindi tulad noong dati, mas close na kami ni Edward ngayon at nagbibiruan na kami. Ngunit hindi pa rin nawala sa kaniya yung mga panakaw na tingin at titig sa aken. Buti na lang at hindi yun napansin ni Rico.

Hapon na ng magdecide akong umuwi. Nagpaalam ako sa kanila at nagsabing babalik na lang ako kapag may time ulet at may chance. Bago ako umalis, nagulat na lang ako ng biglang yumakap saken si Edward. Mahigpit, mainit. Nagulat rin ako, lalo na at kasama namen si Rico, nagkataon lang na nag-toilet siya. Itinulak ko si Edward papalayo, mahirap na, baka mabugbog ako or mapatay ng BF niya.

“Ano bang ginagawa mo? Umayos ka nga!” sabi ko kay Edward.

Napansin kong medyo nangingilid na ang luha niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa pero halatang may something. Hindi lang makapagkwento si Edward.

“So alis na ako, Edward, Rico. Sa susunod ulet!”

Makalipas ang 3 araw...

“Hi Neil, nasaan ka ngayon? Sunduin mo naman ako dito,” message ni Edward.

“Huh? Sunduin kita saan? Wala akong sasakyan ha, wag kang mag-expect hehe!”

“Andito ako sa terminal ng bus sa Batangas. Hindi ko alam saan ako pupunta.”

Putangina! Anong nasa Batangas? Sa isip ko lang. “Oist, huwag kang magbiro ng ganiyan. Andito pa ako sa school, may klase pa ako until 5pm. Sige, hintayin mo lang ako dyan kung totoo mang andyan ka, hehehe!”

“Sige po Neil, hintayin kita dito.”

Nagulat at natakot naman ako bigla. Anong meron at bakit napadpad si Edward samen? Nag-alala tuloy ako.

Matapos ang last class ko, nagpaalam muna ako sa GF ko. “Pasensiya na hindi kita maihahatid sa ngayon, meron kasi akong sunduin sa terminal. Naglayas yata tong mokong na to, hindi alam kung saan pupunta.”

“Ah, sige. Puntahan mo na siya. OK lang ako sabay na lang ako sa mga classmates naten.”

“I love you!”

“I love you too. See you tomorrow!”

Nagmamadali akong umalis patungo sa terminal. Ang mokong, andun nga sa terminal! Gwapong gwapo pa rin at nakangiti na saken ngayon.

“Oh, anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo dito?” bati ko agad sa kaniya.

May dala siyang isang malaking bag. Malamang naglayas siya.

“Eh, sa bahay na lang naten pagusapan. SIge na uwi na muna tayo senyo,” sabi niya.

“Ok, walang problema. Pero hindi ako nakatira sa mansion. Simpleng bahay lang yun, nagkataon lang na gwapo at magaganda ang mga nakatira, hahaha!”

“Kahit pa sa kubo ka lang nakatira, basta makalayo lang ako at makasama kita Neil, magiging masaya na ako.”

“Asus, utot mo. Walang epekto sa aken ang mga ganiyang linya... hahaha!”

“Ang KJ mo naman!”

“Talaga! Hahaha!”

Nakauwi na kami ng bahay. Kahit ang mga nanay at kapatid ko ay nagulat na may kasama ako sa bahay, at gwapong lalaki pa!

“Nay, eh dito daw muna si Edward, kaibigan ko. Naglayas yata sa kanila eh, hahaha!”

Napatawa na lang ang mga Nanay at kapatid ko.

Iniwan ko muna sila sa salas habang ako ay naghahanda ng dinner namen. Mukhang ok tong si Mokong, marunong makipagusap at makisama.

“Ok naman tong kaibigan mo Neil, mabait at makwento rin pala,” sabi ng nanay ko.

“Naku, baka puro bola lang mga sinasabi niyan sa inyo, hahaha!”

Matapos ang dinner, nasa isang upuan kami sa lilim ng mga malalaking mangga. Dun kami nagusap ni Edward.

“Bakit ka umalis? Anong nangyari sa inyo ni Rico?”

“Ayoko na sa kaniya. Sakal na sakal na ako. Natatakot na ako sa kaniya. Gusto ko na makipagbreak sa kaniya.”

“Huh? So ibig sabihin literal na naglayas ka pala? At hindi rin alam ni Rico na andito ka?”

“Oo, hindi niya alam. At wala akong balak ipaalam sa kaniya. Baka sundan niya ako, ayoko na. Sawang sawa na ako. Iba na ang gusto ko ngayon.”

Bigla siyang tumitig saken ng matagal, malagkit, may pagnanasa. Hindi naman ako agad nakaimik pero naguluhan ako sa inasal niya.

“Anong gusto mong sabihin? At sino naman ang gusto mo na ngayon?”

“Ikaw! Ikaw Neil.”

Ay putangina! Sandali, anong eksena na naman eto!

“Wait, wait. Gusto ko lang malinawan Edward. Una, ayoko sa ‘yo. Second, may GF ako. 3rd, kaibigan ko si Rico. Walang ganun! Huwag ganun. Kung ano man ang problema n’yo, pag-usapan n’yong dalawa. Hindi yan malulutas ng pag-alis mo. Harapin mo siya.”

“Natatakot ako sa kaniya Neil, baka hindi siya pumayag. At isa pa, ikaw na talaga ang gusto ko, simula ng makita kita noon sa terminal, iba na ang naramdaman ko sa ‘yo.”

“Ano yan, love at first site or love at first sight? Hahahaha! Umayos ka nga Edward.”

Pero seryoso ang mukha niya. Suminghot siya at ngumiti ng banayad.

“Sige bahala ka, basta ang sa aken lang, kung gusto mong makipagbreak sa kaniya, kausapin mo. Huwag mo siyang gawing tanga. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan n;yong dalawa, pero maawa ka kay Rico. He deserves an explanation. Tinangap ka niya bilang tao, sana iwanan mo siya bilang isang tao.”

Natahimik siya, ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Umiyak siya sa tabi ko, madaming luha ang lumabas sa mata niya pero tahimik lang siya.

“Hindi ko alam Neil pero alam ko kaya kong gawin ang lahat, maging tayo lang. Please, bigyan mo ako ng chance.”

Natulala naman ako sa mga binitawan niyang salita. Ano ba naman to, noon sa sms ko lang to nababasa. Ngayon eto na, katabi ko na, hawak pa sa kamay ko!

“Edward, hindi ko alam kung kaya kitang mahalin. May GF ako.”

“Neil, maghihintay ako. Andito lang ako.”

Napabuntong hininga na lang ako. Mali ito.

“Tara na sa bahay, uwi na tayo.”

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa pisngi at siniil ng halik. Nagulat ako pero may kakaibang sensasyon akong naramdaman. Madilim na noon sa pwesto namen kaya hindi ako nag-alala na may makakita samen.

Ibang pakiramdam ang naramdaman ko sa halik niya na yun, maalab, mainit, mapusok, may pananabik. Medyo nadala na rin ako kaya lumaban na rin ako sa kaniya. 2mins, 5mins, 10mins..walang tigil na halikan. Hanggang sa matauhan ako. May GF ako, hindi tama to.

“Shit, sorry Edward, we need to sleep. Pasok na tayo sa loob.”

Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay. Walang imikan.

Ayoko ng mangyari ulet yun.

“Neil, hindi ka na naman nagpaparamdam. May problema ba? Miss na miss na kita bro,” nagtext si Tom.

“Ah, wala naman Tom, busy lang sa school. Pasensiya na ha.”

“Ok lang, magparamdam ka lang at malaman ko lang na OK ka, Masaya na ako. Basta magiingat ka parati Neil. Andito lang ako parati. I love you.”

“I love you too.” bigla akong napa-reply.

“Tama ba yung nabasa ko? Nag I love you ka sa aken Neil?”

Oh shit, mali. Ano bang naisip ko at nag-reply ako sa kaniya ng ganun!

“Ah wait, sorry Tom. Wrong sent, para sa GF ko yun. Sorry!”

“Ah, I see. Akala ko para saken.”

Bigla akong naguilty sa sarili ko.

KInabukasan, maaga akong nagising. Ipinagluto ko ng breakfast ang family ko, kasama na syempre si Edward dun.

“Nice, sarap mo palang magluto ng scrambled eggs, hotdog at fried rice Neil!” tuwang tuwa na banggit ni Edward.

“Huh? Ano namang special sa eggs, hotdog at fried rice ko eh very common naman yan na nagagawa ko.”

“Eh kasi, kapag mahal mo ang nagluto, lahat ng pagkain, sumasarap,” wika niya, kasabay ang isang pilyo niyang ngiti.

“Hahahaha! Ang aga aga, umayos ka d’yan. Mamaya may makadinig sa ‘yo.

Tumabi ako sa kaniya sa mesa at sumubo na ng fried rice. Bigla siyang tumitig sa pagkain at pagsubo ko.

“Oh, ano na naman? Kumain ka na kaya muna dyan.”

Sa halip na kumain, hinawakan niya ang kamay ko, pilit kinuha ang kutsarang ginamit ko.

“Uy anong balak mong gawin?” sigaw ko sa kaniya.

“Akin na tong kutsara mo, eto ang gagamitin ko sa pagkain,” sabi ni Edward.

Tinitigan muna niya ang kutsarang ginamit ko na, tapos saka niya ginamit sa pagkain. Medyo nagulat ako at nadiri sa ginawa niya pero mukhang masaya naman siya sa ginagwa niya.

“Gusto ko lang ulet matikman ang laway na natikman ko kagabi, Neil.” Sabay ang isang pilyo at nakalolokong ngiti.

Napatawa na lang ako sa inasal niya. Buti na lang at kami pa lang dalawa ang nasa mesa noong oras na yun.

“Kape, gusto mo?” tanong ko kay Edward.

“Oo, ok lang. pero sana ikaw ang magtimpla para mas masarap, hehe!”

Andaming alam netong si Edward, pero ipinagtimpla ko pa rin siya. Iniabot ko agad ang kape sa kaniya saka ako uminom ng sa aken. Ngunit napansin ko na naman ang titig niya sa aken at sa tasa ko.

“Oh, inumin mo na yan baka lumamig pa.”

“Neil, akin na yang mug mo. Sige na please!.”

“Ano na namang kalokohan yan?”

Inagaw na lang niya saken ang mug ko at saka hinanap yung area kung saan ako uminom. Tinitigan muna niya ako, saka niya dinilaan ang basang area na yun habang umiinom.

“Ang sarap sarap talaga ng kape na may laway mo, Neil!” siyang siya na sagot ni Edward.

Tawa na lang ako ng tawa sa mga trip niya. Hindi ko alam pero parang naaliw ako sa kaniya nung umagang yun. Sa bawat umaga, at everytime na may chance, aagawin niya ang kutsara ko, or mug ko. Minsan hahawakan niya kamay ko sa ilalim ng lamesa. Sa madaling salita, naging sobrang close kami ni Edward ng panahon na nasa bahay siya.

May nagtext, si Tom.

“Good morning bro! Kamusta naman ang tulog ng bro ko? Prepare na po ako pagpasok. Ingat ka po palagi ha? I love you bro.”

Hindi ako nagreply.

“Bro? Wala man lang reply? Hindi mo na ba ako nami-miss?” pahabol niya.

Sige na nga.

“Hi bro, sorry kagigising ko lang. Eto preparing for work na rin ako. Ingat ka ha?”

“Sure bro, thanks. I love you.”

End of the conversation.

Aliw na aliw ako kay Edward, nakalimutan ko tuloy ang problema nila ng BF niya. Pero kelangan ko ng pumasok.

“Dyan ka na lang muna sa bahay. Kausapin mo sila para may magawa ka, hehe.”

“Ingat ka Neil, maghintay ako dito,” sagot niya saken.

Makalipas ang isang lingo..

7am at papasok na ako, nakita ko na lang sa celfone ko, tumatawag si Rico!

“Oh Rico, bakit ang aga mo naman napatawag?

“Neil, alam kong nasa bahay nyo si Edward. Please, ibalik mo na siya saken. Please, parang awa mo na. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Please!”

Oh my. Paano niya nalaman na andito si Edward sa amen?

Tumawag ako agad sa bahay, kay Edward.

“Edward, ang BF mo hinahanap ka niya sa aken! Anong sasabihin ko?”

Kabado si Edward at hindi rin agad nakapagsalita.

“Basta, huwag mo lang aaminin na andito ako, basta ayoko siyang makita. Please Neil, ayoko ng bumalik sa kaniya!”

Tinawagan ko ulet si Rico para magpaliwanag.

“Rico, bakit mo naman naisipan na pupunta sa aken si Edward? Alam mo naman na hindi kami close eh.”

“Neil, alam ko. May nakakita sa inyo na magkasama, si Aries! Akala nga niya kasama ako pero napansin daw niya na kayo lang dalawa. Please Neil, ibalik mo na siya sa aken. Maghintay ako dito sa terminal ng bus sa Batangas, andito ako.”

Patay, shit. Nasa Batangas na rin pala si Rico!

“Sige, puntahan kita dyan. Wait mo ako.”

Naabutan ko si Rico na umiiyak sa isang sulok, balisang balisa. Pulang pula ang mga mata niya.

“Neil, please, ilabas mo na si Edward. Parang awa mo na. Please!”

Hindi ako nakaimik agad. Tingin ko tama lang na magusap muna silang dalawa at ayusin ang dapat nilang ayusin. Mahirap mainvolved sa ganitong klase ng away ng magkarelasyon.

“Sinabi sa aken ni Edward na hindi pa siya ready pero sige, sabihin ko na pumunta siya dito at magusap kayo.” Tinawagan ko na lang ulet si Edward upang kausapin si Rico. Sumunod naman siya sa aken.

“Rico and Edward, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa pero sana ayusin n’yo ang gulo n’yo. Huwag n’yo akong idamay please.”

Nakatitig lang saken si Edward habang patuloy na umiiyak si Rico.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa oras na yun.

Nagdecide na lang umuwi si Edward at Rico sa bahay nila para dun pagusapan ang lahat.

“Yan, maganda yan kesa magaway kayo dito sa terminal. Uwi muna kayo.”

Nakatitig pa rin sa aken si Edward, mukhang iiyak na rin siya.

Umalis silang dalawa ng umagang yun at inasahan kong maayos nila kung ano man ang problema nila. Sana nga maayos nila.

May nagtext – si Tom.

“Kamusta na kaya ang bro ko? Namimiss ko na siya sobra eh. Hindi man lang nagpaparamdam. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?”

Napangiti naman ako sa message niya.

“Hello bro, pasensiya na. Madami lang akong pinagdadaanan, hahaha! Pero I am perfectly fine! Ikaw bro, balita sa ‘yo?”

“Ok naman ako Neil, busy sa school, madaming requirements na kailangan tapusin pero so far so good. Eto, kahit pano may time pa rin ako para sa mahal kong bro.”

Eto na naman siya sa mga banat niya.

“Siya, pasok na muna ako bro. Magiingat ka parati!”

“I love you Neil, I love you bro.”

End of the conversation..

Mabilis natapos ang araw na yun. Nagmamadali akong umuwi dahil gusto kong makita si Edward at gusto ko siyang makakwentuhan ulet.

Naalala ko bigla, umalis na nga pala siya. Hindi ko alam kung makababalik pa siya, or kung babalik pa siya sa bahay.

Nakaramdam ako ng konting lungkot at pangungulila.

Wala ng umaagaw sa kutsarang ginagamit ko habang kumakain.

Wala ng aagaw sa mug or sa baso ko na ginamit ko na.

Wala ng hahawak sa kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Wala ng maghihintay sa aken sa terrace ng bahay namen kapag umuuwi ako galing school.

Wala ng tititig sa aken ng malagkit habang kumakan ako or umiinom ng kape.

Wala ng yayakap saken sa gabi bago kami matulog.

Wala ng nagnanakaw ng halik saken sa gabi.

Bigla akong natauhan. Tangina ano ba tong pinagiisip ko! May GF ako pero siya ang naalala ko! Pambihira, maling mali ito!

Pero nami-miss ko na si Edward.

A week after umalis si Edward at si Rico, wala na akong balita sa kanila.

Pagod na pagod ako mula sa school at nagmamadali akong umuwi. Gusto kong kumain ng buko pie, naiisip ko. Pero wala namang ganun sa lugar namen. Nangarap lang ako, hahaha!

Pagkababa na pagkababa ng ng jeep, mabagal akong naglakad papasok ng bahay. Nagulat na lang ako sa nakita ko. Merong buko pie sa bahay! Totoo nga, what your mind can  conceive, your body can achieve!

At nasa isang sulok, si Edward!

Napamura naman ako bigla..

“Oh, tangina anong ginagawa mo dito?” Halatang gulat na gulat ako pero deep inside, siyang siya naman ako sa nakita ko.

Nakangiti sa aken si Edward, bakas sa mukha niya na masaya siya.

“Namiss ko kasi dito sa Batanags. Mas masarap ang buhay dito, simple, tahimik, walang gulo.”

Napangiti naman ako sa sagot niya.

“At andito ka kasi. ‘Di ba sabi ko sa ‘yo, babalikan kita. Eto na ako.”

Hindi ko alam kung paano magrereact noong mga oras na yun. Pero talagang natuwa ako sa kaniya at sa presence niya.

May kakwentuhan na naman ako, may kakulitan. May kasamang gumala sa ilog, sa bukid at sa bundok.

Nilapitan ko siya at binulungan, “Namiss kita Edward.”

Isang malaking ngiti naman ang isinukli niya.

Para kaming isang taon na hindi nagkita. Parang hindi matapos tapos ang usapan namen.

At naghiwalay na sila ni Rico. Malungkot ako para sa kaniya, pero tingin ko naman, mas mabuti na yun kesa naman sa lokohin siya ni Edward.

Kaso nagulity ako. Ako yata ang naging reason kaya sila naghiwalay.

Pero hindi ko naman inakit sa Edward, never ko naman siya inagaw. Naging accommodating lang ako, pero hindi ko siya inagaw.

Inamin din pala ni Rico kay Edward na may nangyari sa amen ni Rico.

“Ikaw ah, sabi ko na nga ba may ginawa kayo ni Rico sa kubo kaya kayo nawala nung gabi. Nakakapagselos naman!” reklamo ni Edward saken.

“Ah, hahaha, pasensiya na. Siya naman kasi talaga ang ka-meet ko dapat at nakaplano na yun, haha! Pasensiya na, likas na malibog lang.”

“Ang daya mo, si Rico, pwede. Pero ako, kiss nga lang at holding hands lang, patago pa. madaya!”

“Gago! Anong gusto mo, maghalikan  tayo at magholding hands in public!”

Napatawa na lang kami pareho pero alam ko ang gusto niyang mangyari sa amen. Kaso natatakot ako. Paano kung mahulog siya saken? Or paano kung tuluyan na akong mahulog sa kaniya?

Nagkataon na nagkakalabuan na rin kami ng GF ko.

Hanggang sa magdecide kaming magbreak na muna.

“Bata pa naman tayo. Let us see anong mga pwedeng mangyari sa aten, then if at 25, single pa rin tayo. Then, magbalikan tayo.” Deal namen sa isa’t isa habang nagkakape sa school.

“Deal!” sagot naman niya.

Nakadalawang tasa kami ng kape, hehe. Sobrang sarap niyang kausap. At kahit hindi na kami, close friends pa rin kaming dalawa.

Nagtext si Tom…

“Bro, talagang nakakalimot ka na sa aken. Nakakapagtampo ka naman.”

Hindi ko pinansin.

“Bro, sana ako pa rin ang Bro mo. Neil?”

Dedma lang ako.

“Neil, nasan kana? Paramdam ka naman please?”

“Miss na miss na kita. Wala na akong balita sa ‘yo.”

Nagreply ako para matigil lang siya.

“Pasensiya na Tom, sobrang busy lang.” Busy kay Edward.

“I love you Neil. Mahal kita bro, wag mong kalilimutan yan.”

Nasasakal na ako kay Tom.

Nahuhulog na ako kay Edward.

Nagbreak na kami ng GF ko.

“Tom, pwede ba. Medyo nasasakal na ako sa mga messages mo. Hindi ko naman responsibility na sumagot sa lahat ng sms mo diba?” ang bad ng sagot ko sa kaniya. Talagang tinamaan na yata ako kay Edward.

“Neil, bakit naman ganito ang message mo saken? May nasabi ba akong masama sayo? Nami-miss lang kita bro. Gusto ko lang malaman mo na mahalaga ka sa aken at mahal kita, at eto lang kasi ang paraan na alam ko para maiparamdam to sa ‘yo. Pasensiya na bro, sobrang miss na kita talaga.”

Hindi ako nagreply.

“Neil, pasensiya kana. Eto lang kasi ang kaya kong magawa para maparamdam sa ‘yo ang pagpapahalaga ko. Sa telepono lang yata talaga ang pagkakaibigan naten, at dito lang din nabuo ang pagmamahal ko sayo. Pasensiya kana Neil kung nasasakal ka sa aken. Pasensiya ka na. Sige, hindi na mauulet. Lalayo na lang ako. Salamat sa pagiging karamay ko sa panahong wala akong kaibigan. Salamat bro. Pero sana, dumating ang panahon na magkita tayo. Sana hindi lang sa telepono ang nabuo nating pagkakaibigan. Paalam bro. Hindi na kita guguluhin pa.”

Hindi na naman ako nagreply.

End of the conversation..

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga oras na yun. Nagpaalam na sa aken ang taong itinuring ko na bestfriend. Ang taong madalas kong kausap hanggang abutin ng madaling araw tungkol sa mga bagay-bagay. Ang taong nagmahal sa aken at walang sawang nagpaparamdam ng kaniyang pagmamahal. Sumuko na ba siya sa aken? Nagsawa na rin siya? Siguro. Pero hindi ko na ginawang malaking issue. Sa isip ko, never pa naman kaming nagkita, so walang issue.

Masaya ako ngayon kay Edward. Masaya kaming dalawa.

Alam kong meron akong nararamdaman sa kaniya pero hindi ako sigurado. Natatakot ako, pero mas natatakot akong mawala siya saken ngayon.

Isang araw, inaya ko siya sa Tagaytay.

“Tara Edward, gala tayo sa Tagaytay.”

“Anong gagawin naten? Check in tayo sa motmot? Hahaha!”

“Sira, papalamig lang tayo. Kakain tayo ng halo halo dun, hahahaha!”

“Loko, eh di lalo lang tayong nilamig dun at tumigas ang dapat tumigas!”

“Haha, let us see.”

Una naming date yun ni Edward. Para kaming mga bata, turo dito, turo doon. Amazed sa mga bagay-bagay.

Medyo malamig ang panahon noon, at hindi kaya ng jacket namen ang sobrang lamig.

“Neil, mamili ka, ako or ikaw?”

“Ha? Ano yan? Sige ikaw..”

Ini-akbay niya ang mga braso niya sa balikat ko.

“Ako ang aakbay sa ‘yo para ‘di ka lamigin. Ayokong lamigin ka, ‘di baleng ako na lang.”

Ang daming alam netong si Edward, hahaha.

Siniko ko siya sa tagiliran, pero mahina lang.

Kumain muna kami sa isang bulaluhan sa gilid ng daan. Sobrang lamig talaga ng panahon noon.

“Alam mo, Neil, hindi ko alam kung bakit at paano.”

“Huh? Ano yung bakit at paano?”

“Hindi ko alam kung bakit at pano kita minahal. Basta ang alam ko, noong una kitang nakita noon, may naramdaman agad ako sa ‘yo. Basta alam ko, gusto kita, at gusto kong maging tayo.”

“Sus, libog lang yan. Nadinig ko na yan sa iba, hahaha!” pambabara ko.

“Eto naman, napaka KJ talaga. Oo, kasama na ang libog. Pero mas nangibabaw yung love ko sayo.”

Napangiti na lang ako. ‘Di ko alam kung paano magrereact. Hindi ako magaling sa words.

“I love you Neil, sana tayo na lang forever. Huwag mo akong iiwan ha?” mahina ngunit seryosong sabi ni Edward.

Nakatitig lang ako kay Edward.

“Edward, naguguluhan pa ako. Bigyan mo ako ng time para magisip.”

Napangiti na lang si Edward. “So, tapos ka na magisip?”

“Hahaha! Ganun kabilis? Atat?”

Inubos lang namen ang aming pagkain at naglakad-lakad. Ang saya namen noon, parang kami lang ang tao sa lugar. Walang pakialam sa mga nakapaligid. Basta, masaya kami, parang mga bata.

Napagisipan na namen umuwi ng bahay, medyo gabi na rin kasi.

Pagsakay namen sa bus, sa dulo kami umupo.

“Bakit naman sa dulo pa? ang hirap bumaba mamaya eh,” reklamo ko.

“Eh basta, mamaya malalaman mo kung bakit.”

Nung nakaupo na kami, umupo siya malapit sa bintana at ako sa aisle seat. Bigla niyang kinabig ang kamay ko at hinawakan.

“Kanina ko pa to gustong hawakan. Kaso andaming tao sa Tagaytay. At least dito sa bus, sa aken lang to,” sabi niya.

Napangiti na lang ako. Bigla akong nakaramdam ng kilig, hehe.

Binaybay ng bus ang daan pauwi ng Batangas. Masaya ang araw na to, sana hindi na matapos.

Sa kwarto namen ni Edward, muli kaming nagusap.

“Salamat Neil sa lahat. I love you.”

Hay, sige na nga. Hindi ko na rin kayang magcontrol eh.

“Edward, I love you too..”

Matapos ang huling nakaw na halik niya sa aken, sa gabing ito, ipagkakaloob ko sa kaniya ang lahat ng halik na gusto niya.

 

 

-----WAKAS-----

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...