Miyerkules, Marso 20, 2024

Kababata (Part 11) - Larawan

 


Kababata (Part 11)

Larawan

 

Jonas

Ginising ako nina Mama at Papa dahil sa umuungol daw ako at tila binabangungot. Nang magising naman ako at tanungin kung ano ang aking napanaginipan ay hindi ko masabi, kaagad iyong nawala sa aking isipan.

Ang hindi mawala sa aking isipan ay ang pulseras na naka-post sa FB ni JM. Gumawa ako ng paraan para makausap siya. Isang malungkot na kwento ang nalaman ko tungkol sa nagbigay ng pulseras na iyon.

May isang bagay na muling nakagulo sa aking isipan, iyon ay ang sinasabi naman ni JM na kwintas na may nakapalawit na pangil ng buwaya. Hindi ko maintindihan, ginulo na naman ng kwintas na iyon ang aking isipan.

Matapos kaming mag-usap ni JM ay tinungo na namin ang aming paaralan. Hindi na kami nakapasok sa aming first subject.

-----o0o-----

“Sige habol pa hahaha. Ang bagal mo talagang tumakbo.”

“Halika, manghuli tayo ng maliliit na alimasag.”

“Tara, sali tayo sa laro nilang tumbang preso, ikaw na muna ang taya ha, kasi dalawa tayong huling sasali.

“Tulongggggggggggggggg. Tulongggggggggggggggggggggg!”

Nagising akong umiiyak. Inalala ko ang aking panaginip. Noong una ay masaya akong nakikipaglaro sa isang bata. Masayang masaya kami sa paglalaro, tapos ay hindi ko na maalala, parang ang sama ng panaginip na iyon dahil sa umiiyak ako ng magising. Pero bakit? Bakit nawawala kaagad sa aking isipan ang panaginip ko.

At sino ang batang kalaro ko? Sino siya? Pilit kong inalala ang aking napanaginipan, baka nasa isipan ko ang itsura ng bata. Ahhhhhhh! Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nananaginip ng ganito?

-----o0o-----

Tuluyan ng hindi sumasabay sa pagpasok at pag-uwi sa akin si JM. Kahit na hindi siya pwedeng isabay ni Simon ay nagko-commute na lang. Hindi ko naman alam na nag-commute lang siya, disin sana ay isinakay ko na siya sa aking sasakyan, Sadya yatang iniiwasan na ako ng aking kaibigan.

Iniiwasan ko na rin si Myla, hindi ko sinasagot ang tawag at text niya, pero sobrang kulit talaga, pinupuntahan pa ako sa aming bahay at kung minsan at inaabangan ako sa labas ng eskwelahan sa aking pag-uwi.

Minsan ay tinapat ko na siya, hindi ko talaga siya pinasakay sa aking sasakyan minsan na inabangan ako sa eskwelahan, sa akin kasi ay baka mahiya na kapag maraming nakakita na hindi ko siya isinabay.

-----o0o-----

Naging madalas ang panananaginip ko tungkol sa bata na hindi ko naman kilala. Masaya kami nung bata, tila hindi kami nakakaramdam ng pagod sa tuwing maglalaro kami sa dalampasigan habang nanghuhuli nang maliliit na alimasag. Madalas din kaming sumali sa laro ng ibang mga bata. Marami akong panaginip na kasama ang batang iyon na hindi ko matandaan ang pangalan.

At pagkatapos ng masasayang panaginip ay isang malungkot na pangyayari naman na hindi malinaw dahil sa tuwing magigising ako ay pawisan at umiiyak.

“Nanaginip ka na naman ba anak?” tanong ni Mama dahil sa nangangalum-mata na naman ako, hindi ako pinatulog ng panaginip na iyon.

“Ano bang iniisip mo? May problema ka ba?” tanong uli ni Mama na nag-aalala na sa akin, baka daw ako magkasakit na.

“Wala po ito. Okay lang po ako. Sige po, maliligo na ako.”

“Sige, wala ka bang kailangan, hindi na tayo madalas na nagkakausap eh. Hayaan mo at kapag wala nang problema sa opisina ay siguro kailangan na uli nating mag-bonding, mag travel tayo kahit dito lang sa Asia. Sige anak, alis na rin kami ng Papa mo.”

“Ingat po kayo.”

-----o0o-----

John Mark

Nitong mga huling araw ay palaging balisa si Jonas, parang palaging hindi nakakatulog. Maging ang mga kaibigan namin ay napapansin na rin iyon. Madalas na inaantok sa klase. Nag-aalala na ako, baka may malaking problema ay hindi ko madamayan, magkaibigan pa rin naman kami.

Lunch break, nagmamadaling lumabas si Jonas, sa pagmamadali niya ay hindi na niya namalayan na nahulog ang wallet niya, hinabol naman siya ng katabi niya sa upuan, pero hindi na inabot. Dahil kilala naman ako na kaibigan ni Jonas ay sa akin na muna ipinagkatiwla at ako na raw ang magsauli.

Sa Pag-abot ko ay bumukas ang kanyang wallet, isang larawan na nakaipit sa wallet at aking napansin. Napamulagat ako ng mapagmasdan ko ang larawan, larawan ito ng isang batang lalaki at katabi ang kanyang Mama at Papa. Hindi ako maaring magkamali, si Jonas nga ito, ang aking kababata, ang matagal at kinsasabikan kong makitang muli, heto pala, sobrang lapit sa akin. Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

“JM, umiiyak ka, bakit?” puna ni Allysa.

“Ha! Ah, wala ito, hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko. May naalala lang ako, naawa kasi ako kay Jonas. Naalala ko na nasa akin nga pala ang kanyang wallet at baka may bibilhin ay wala siyang pambayad. Tinawagan ko siya, pero ‘cannot be reach’ daw. Maging si Allysa ay idinayal ang number ni Jonas, ganon din ang sinaabi ng CP.

“Ano ba ang pinagkasiraan ninyong dalawa, dati na man ay inseparable kayong dalawa, bakit ngayon ay parang mortal kayong magka-away,” sabi ni Kent.

“Grabe ka naman Kent, mortal na magkaaway. Wala kaming away. Sabihin na lang natin na nagkatampuhan, ang dahilan ay bahala na kayong umalam. Wala kayong makukuhang info sa akin.”

“Dahil ba sa babaeng nakita naming inaabangan si Jonas?”

“Malay ko sa inyo,” pa suplado kong tanong na may pag-irap pa.

“Naging kayo ba?” pangungulit ni Allysa.

“Ang kulit talaga. Paanong magiging kami ay pareho kayong lalaki.”

“Kayo na ba ni Simon?” kulit uli ni Allysa.

“Ewan ko sa inyo. Bilisan na ninyo at baka wala na tayong maabutang pagkain, baka naroon pa si Jonas,” wika ko para makaiwas sa pangungulit nina Allysa.

Pagdating sa canteen ay hinanap ko kaagad si Jonas, pero wala siya roon. Ibig sabihin ay hindi siya kumain.

Habang kumakain ay ang larawan pa rin nina Jonas ang nasa isipan ko. Hindi pala ako nagkamali, siya nga si Jonas na kababata at kaibigan ko, at marahil, ang mga kasama niya sa larawan ay ang mag-asawang umampon sa kanya at ginawang legal na ang adoption dahil bago na ang apelyido niya. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya ako nakilala at wala siyang alam tungkol sa isla.

-----o0o-----

“Jonas, saan ka kumain, nalaglag itong wallet mo, hinabol ka ni Ariel, pero hindi ka na inabot. Eto o, ako na lang daw ang magbaiik sa iyo,” wika ko habang inaabot ang wallet sa kanya.

“Hinanap ko nga eh, buti na lang at may extra akong pera sa bulsa, kumain na ako, may kinausap lang ako sa labas. Salamat ha,” tugon niya.

Lutang ako nitong hapon, malayo ang nararating ng aking isipan, kung ano-ano talaga ang naiisip ko kung bakit hindi ako nakilala ni Jonas at wala man lang siyang alam sa naging buhay niya sa isla.

Hindi kaya nakahawig lang talaga? Hindi niya alam ang tungkol sa pulseras, wala din siyang alam tungkol sa kwintas na bigay ko. Baka naman kaya nagka-amnesia siya

Inip na inip ako sa klase, gusto kong mag-uwian na. Wala akong ganang makinig ng lesson.

Sa bahay ay hinintay ko talagang dumating si Tita. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko lang magtanong sa kaniya tungkol kay Jonas at sa magulang niya.

Pagdating ni Tita ay sinalubong ko siya kaagad. “Magandang hapon Tiya. Maaga yata kayo.”

“Galing akong meeting sa labas, hindi na ako bumalik ng office,” tugon ni Tiya. “Kumain na ba kayo?”

“Hindi pa po Tiya. Gusto mo na bang kumain?”

“Kumain na ako, huwag na ninyo akong isama sa hapunan.”

“Magpapahinga ka na ba Tita?”

“Oo, bakit? May gusto ka bang sabihin sa akin?”

“Eh Tita, may gusto lang po akong itanong. Matagal na po pa dito ang mga magulang ni Jonas?”

“Tanda ko ay nauna siya sa akin dito, siguro mga isang taon lang naman.”

“Kaibigan mo po ang parents niya, anak na ba niya si Jonas noon?”

“Hala, bakit ka nagtatanong ng ganyan? Anong gusto mong malaman sa pamilyang iyon?”

“Tiya, kasi… wala tiya, hayaan nyo na lang.”

Hinatak niya ako paakyat. “Halika, doon tayo mag-usap sa silid ko.”

Kinabahan ako sa reaksyon ni Tiya, parang may alam siya. Pagpasok namin ng silid ay pinasara niya ang pinto.

“Ayaw kong may marinig ang mga kasama natin dito sa sasabihin ko. Ang alam ko kasi ay hindi nagkaanak si Mrs. Vergara. Ang tsismis ng kanilang katulong sa dati naming kasambahay, ay si Jonas daw na sinasabi niyang anak ay pamangkin lang ni Mrs. Vergara na nakatira sa malayong lugar. anak sa pagkadalaga na nang namatay ay sa kanya iniwanan dahil sa wala nang iba pang kamag-anak yung babae. Malaki na ng iuwi niya sa bahay nila yung bata na si Jonas nga.”

“Mga ilang taon kaya tiya yung bata noon?”

“Hindi ako sigurado, parang nasa 5 hanggan anim na taon.”

Lalo akong kinabahahan, parang hinahalo ang aking sikmura.

“Sakitin ang bata, ang tsismis ay palaging dinadala sa psychiatrist, matagal-tagal din bago gumaling.”

“Ahhh…”

“Wala kang pagkukwentuhan ng sinabi ko sa iyo ha. Ang alam dito ay anak ni Mr. Vergara sa ibang babae ang bata, na kinilala lang na tunay na anak ni Mrs.”

“Pero tiya, may isip na ang bata kung gayon, hindi ba niya alam na ampon siya?”

“Posible, pero bakit naman ipagsasabi pa eh nailihim na nga.”

“Kung sabagay nga.”

“Bakit ka ba interesado sa buhay ni Jonas?”

“Eh Tiya, may kababata po ako na Jonas Espiritu ang pangalan, taga isla din po at kahawig ni Jonas Vergara na kaklase at kaibian ko rin. Noong una ay akala ko nga ay yung kababata ko, pero hindi niya ako nakilala at iba ang apelyido, kaya lang, kanginga, nalaglag ang wallet niya at napulot ng kaklase namin, ibinigay sa akin at ako na lang ang magsoli. Tiya Nakita ko po ang larawan niya kasama ang magulang noong bata pa, kamukhang kamukha po ni Jonas at tingin ko po ay yung Jonas na kababata ko at Jonas na kaklase ko ay iisa. Nagtataka lang talaga ako at hindi niya ako kilala. Pwede kayang nagka-amnesia siya?”

“Hindi natin alam, pero halimbawang siya nga iyon, anong balak mo? Sasabihin mo ba sa kanya ang hinala mo at ang nalaman mo sa akin?”

Napaisip ako. Dapat pa nga ba niyang malaman ang totoo? Sigurado na kasi ako na iisa sila. Pero, ano ang magiging consequence? Baka lalong magkagulo.

“Hindi ko po alam tiya, pag-iisipan ko pong mabuti. Kasi po Tiya, may sumpaan kami na hindi namin kalilimutan ang isa’t-isa kahit na matagal kaming nagkalayo at hindi nagkita, mananatili kaming mag-bestfriend.”

“Kaya ganon ka ka-interesado. Sige, ikaw ang magpasya, pero timbangin mong mabuti bago ka gumawa ng hakbang.”

“Opo Tiya, salamat po.”

-----o0o-----

Sa klase namin ay hindi ako mapakali, nagtatalo ang aking isipan kung ano ang dapat kong gawin. Halos hindi nga ako nakatulog magdamag sa kaiisip kung ano ang dapat.

Nagpasya akong kausapin muna si Jonas, baka may malaman akong iba, kasi ay alam kong ang gumugulo sa isipan niya ay ang tungkol sa aking pulseras. Mabuti at dinala ko, baka gusto niyang makita. Kasi ay parang may konti siyang naaalala sa istorya ng pulseras.

Ang problema ay kung paano ko siya makakausap. Nag-aalangan kasi ako na lumapit sa kanya. Balak ko kasing makisabay ulit sa kanya, kaya lang ay baka mapahiya ako, baka kasi may kasabay na siya. Pero wala namang mawawala sa akin kung subukan ko.

Gumawa ako ng isang note at ipinapasa ko sa katabi niya sa upuan. Nag-iba na kasi ang seating arrangement namin, alphabetical na. Sinabi ko na kung pwede akong sumabay sa pag-uwi mamaya.

Bumalik ang note ko kay Jonas, may malaking ‘yes’ at may smiley pa hehehe. “Yes!” Ang bigla kong nabigkas, nagtinginan tuloy ang mga kaklase ko pati na ang aming professor. Nagsorry naman ako kaagad at nagpaliwanag. Pinatawad naman nito ako.

Nag text din ako kay Simon na huwag nang daanan dahil sa may lakad kami ng group namin. Nag-reply din naman kaagad at sinabing “OK”.

Wala na akong problema ngayon.

-----o0o-----

Sa kotse ni Jonas. “Kumusta. Ang tagal kang hindi sumabay sa akin ah, miss na kita,” sabi niya.

“Talaga? Parang hindi naman. Ano ang idinahilan mo sa kanya para hindi siya sumabay?”

“Ano na naman iyon? Si Myla ba? Wala kami nun, peks man. Maniwala ka naman sa akin!”

“Okay! Sinabi mo eh. Ikaw nga eh, hindi namamansin, ayaw mo na akong isakay diyan sa kotse mo.”

“Paano kitang isasakay ay palagi kang sundo at hatid ng jowa mo.”

“Anong jowa? Walang ganon. Ikaw ha, gumagawa ka ng issue para malimutan ko ang mga kapilyuhan mo. Marami akong alam at nasaksihan pa, hindi ko na lang pinaalam sa iyo.”

“Ha! Ano naman iyon?”

“Huwag na, baka isipin mo pa na ini-stalk kita. Magalit ka pa at pababain ako dito sa sasakyan mo.”

“Hindi, promise. Hindi ako magagalit sa iyo. Aaminin ko sa iyo kung talagang ginawa ko. Sige na, iisipin ko kasi iyon at ayaw ko nang mag-isip pa. Marami na akong iniisip eh.”

“Speaking of iniisip, may problema ka ba. Kaya ako naglakas na ng loob na kausapin ka ay dahil sa nag-aalala na ako sa iyo. May problema ka ba?”

“Naglakas ng loob? Bakit ka maglalakas pa ng loob. Tingin mo ba ay matitiis kitang hindi kausapin. Matagal na kitang gustong kausapin, kaya lang ay hindi ako makasingit, sa school, palagi kang napapalibutan nina Kent, sa uwian naman, eh may bantay ka pa rin.”

“Ilang bahay ba ang pagitan ng bahay natin? Bakit hindi mo ako pinuntahan?”

“Nahihiya kasi ako eh.”

“Nahihiya! Pero huwag na iyon, gusto kong malaman kung may problema ka. Nabuntis mo na ba si Myla?

“Aray ko naman! Ang sakit nun!”

“Eh wala kasi akong maisip na poproblemahin mo eh. Sa Cubao tayo, hanap tayo ng tahimik na place, mag-usap tayo,” sabi ko.

“Sa bahay na lang, walang tao sa amin, wala sina Mama, may business trip, yung katulong lang namin ang naroon at hindi makikialam iyon sa atin. Game ka ba? Ayoko sa inyo, may tsismosa roon, si Nora hehehe.”

“Okay sige. Diretso na tayo, hindi na ako dadaan sa bahay.”

-----o0o-----

“Umakyat ka na, alam mo na naman ang silid ko, sasabihan ko lang yung aming kasambahay na may bisita ako at dito kakain,” sabi ni Jonas.

“Sa bahay na ako kakain.”

“Eh di sige, uwi ka na.”

“Oo na, blackmail na yan ha.”

“Hahaha, ikaw ang may kailangan eh. Akyat na.”

Sandali lang naman, kasunod ko din naman siya.

“Magpalit lang ako ng damit ha? Ikaw, baka gusto mo, pahiramin na lang kita ng pamalit.”

“Hindi na, mag-alis lang ako ng sapataos at baka mamatay na ang kuko ko.”

Natawa naman siya. “Hala, bakit ka diyan naghuhubad, doon ka sa banyo. May sarili namang banyo itong silid mo ah.”

“Ano naman kung dito ako maghubad? Pareho naman tayong lalaki ha! Unless na…”

“Huwag mo nang ituloy. Nababastusan lang ako dahil sa hindi ko gawi ang maghubad sa harap ng ibang tao,” wika ko. Pero ang totoo, gusto kong makita ang kabuuan ng kanyang hubad na katawan. Ewan ko ba. Panakaw-nakaw ako ng sulyap sa pagbibihis niya, ewan ko naman kung bakit ang bagal niyang magbihis, nakakainis. “Bilisan mo na, para ka namang babae,” sabi ko na pagalit.

“Wow ha, sino kaya sa atin ang mabagal magbihis. Kung hindi ko pa alam,” wika niya sabay upo sa kama.

“Bakit naka boxer ka lang?”

“Ito naman, ang selan-selan. Eh sa ganito ako kapag nasa bahay lang.”

“kahit kaharap ang Mama at Papa mo?”

“Oo naman. Boxer short ito at hindi boxer brief. Ano bang sasabihin mo?”

“Nag-aalala lang kasi ako sa iyo, palagi kang nangangalum-mata at inaantok, ibig sabihin ay hindi ka nakakatulog ng mahimbing. Nag-aalala na ako sa iyo. May problema ka ba na hindi mo masabi sa Mama at Papa mo?”

Natigilan siya, nag-isip. Tila nag-aalangan. “Mahabang kwento, kaya mong makinig kahit hanggang madaling araw?”

Bigla akong tayo at nagkunawaring uuwi na lang. “ Uuwi na lang ako, pupuyatin mo pala ako eh may pasok pa tayo bukas.”

“Oy oy oy! Saan ang punta mo? Nagbibiro lang eh. Hindi ka na mabiro,” wika na. Habol ako dahil kung hindi niya ako hinabol ay talagang uuwi na ako hehehe. Natakot hahaha.

“Upo ka sa tabi ko, gusto kong ikaw lang ang makakarinig sa aking ikukwento.”

“Ang arte mo ngayon. Sige na, simulan mo na!”

 

 

 

Itutuloy………………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...