Martes, Mayo 7, 2024

Gwapong Estranghero (Part 1)

 


Gwapong Estranghero (Part 1)

 

Pawis na pawis sa paglalakad si ilalim ng mainit na araw si Nomer, sukbit sa likod ang malaking backpack. Naubusan pa siya ng tubig kaya uhaw na uhaw na siya. Kasama siya sa grupo na umakyat ng bundok pero nang pababa na ay napahiwalay sa grupo at nawala na sa direksyon na patutunguhan. May dala siyang cellphone kaya lang ay wala namang signal at hindi rin magamit.

“Nasaan na kaya ako? Ano na kayang lugar ito. Baka abutan ako ng gabi rito ah, Malayo pa ba ako sa sibilisasyon?” wika niya sa sarili, alalang-alala na.

Pagod na pagod na siya, tila bibigay na ang kanyang mga paa at binti at hirap nang humakbang. Magkahalong pagod at uhaw ang kanyang naramdaman.

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad, pero talagang hindi na niya kinaya, nahihilo na siya at tuluyan na siyang bumigay at nawalan na ng malay.

-----o0o-----

“Hala, ano iyon? Parang tao ah. Naku, baka na salvage ito ah at dito itinapon,” wika sa sarili ni Elmo na sakay ng kanyang kalabaw galing sa kanyang bukid at pauwi na sa kanilang tahanan.

Nilapitan niya ang lalaking nakahandusay padapa. Kinakabahan man dahil baka nga isa iyong salvage case ay nilapitan pa rin niya ang taong nakahandusay. Bumaba siya sa kalabaw at nilapitan ito. Tiningnan ang pulso at itinapat pa ang mukha sa parteng ilong para malaman kung humihinga pa.

“Buhay pa ito humihinga pa at may pulso naman. Wala naman akong nakitang dugo o sugat man lang,” bulong sa sarili ni Elmo. Niyugyog niya ang estranghero. “Hoy! Gising? Bakit dito ka natutulog eh ang init-init. Gising!” Pilit na gingigising ni Elmo ang estranghero pero hindi magising. Sinubukan niyang itihaya, pero dahil sa may bakcpack pa sa likod ay hindi ito makatihaya.

May natitira pa siyang tubig sa bote ng softdrinks at sinubukan buhusan ito sa mukha. Dahil sa lamig ay medyo natauhan si Nomer at nagsalita. “Tulungan mo ako, naligaw ako.” Muling nawalan ng malay ito.

“Naku, problema naman ito. Paano ko siya matutulungan eh walang malay,” Reklamo ni Elmo. Inalis niya ang malaking backpack sa likod. Nahirapan pa siya dahil sa naka-lock pa iyon sa harapan at hindi niya kaagad matanggal. Sinubukan din niyang mabuhat ito.

“Putragis, ang bigat nito, ang laking lalaki kasi, Kapag hindi ka gumising eh iiwan kita rito, bahala ka,” wika ni Elmo. Binalak na talagang iwan na niya ito kaya lang ay hindi kinaya ng konsensya niya. Nagawa rin niyang mabuhat at maisakay sa likod ng kalabaw at siya na lang ang naglakad. Malayo-layo rin naman ang pauwi sa kanila, subalit dahil sa sanay na siya sa malayuan lakaran sa kanilang bukid ay halos hindi rin siya napagod.

“Nanay! Tatay! Halinga kayo rine at tulungan ako.” Sigaw ni Elmo na humihingi ng tulong para maibaba ang estranghero.

“Ano ka ba naman Elmo kung makasigaw, parang napakalayo ko ah. Nabingi ako sa sigaw mo ah. Ano ba iyon. Aba, sinong nasa likod ng kalabaw. Sino siya, patay ba yan?” Wika ng kanyang tatay na nataranta sa sigaw ni Elmo.

“’Tay, nakita ko diyan sa linang at walang malay tao. Humingi ng tulong at naligaw lang. Nawalan na naman ng malay. Tulungan mo akong ibaba at ang bigat. Ang laki ring lalake eh.” Sabi ni Elmo.

Nagtulong na ang mag-ama at ihiniga sa papag sa silid ni Elmo. “Ano ba yang isinisigaw mo anak at kahit ang layo ko ay dinig-na dinig ko ah. Hala! Sinong lalaki iyan at bakit narito. Kasama mo ba Elmo?” tanong ng nanay ni Elmo.

“Napulot daw nireng anak mo diyan sa linang na walang malay, humihingi ng tulong,” sagot ng tatay ni Elmo.

“Naku, baka masamang loob iyan at pagnakawan tayo ah, o di kaya ay kidnapin at patayin?” sabi ng nanay ni Elmo.

“Nanay naman, ano bang mananakaw sa atin, itong kalabaw. Bakit naman tayo kikidnapin, wala naman tayong pera.” Sabi naman ni Elmo.

“Yaan mo na, sabi ko lang naman iyon. Pero baka nga masamang tao at madamay pa tayo. Baka kriminal iyan at dito nagtago.” Sabi ng nanay ni Elmo

“Nanay, mukhang hiker ito, baka umakyat ng bundok dahil dito sa bag niyang dala, ang laki. Naligaw nga raw.” Sabi ni Elmo.

“Ühnnnnggggggggggg uhnggggggggggggg,” ungol ng estranghero

“Gising na yata, kausapin mo na at paalisin kaagad,” Wika ng nanay ni Elmo na si aling Maring.

“Si nanay talaga, hindi na naawa. Pare! Pare! Sino ka ba at saan ka ba galing at saan din ang patungo mo?” tanong ni Elmo. Pero puro ungol ang sagot ng lalaki.

“Mukhang inaapoy ng lagnat ah,” Hinipo ni Aling Maring ang noo at leeg. “Naku inaapoy nga ng lagnat. Wala pa naman tayong gamot dito. Mag-init ka ng tubig at punasam mo,” utos ni Aling maring.

“Bakit ako,” reklamo ni Elmo.

“Lalaki iyan, alangan naman na ako ang magpunas. Hala kilos na at aking munang hahaplasan ng suka para bumaba ang lagnat. Baka naman may natatago pa tayong gamot, kahit na biogesic lang,” sabi ni aling Maring.

Palagi naman silang may nakatagong fitst aid, kaya lang ay hindi pa sila nakakapunta ng bayan at hindi pa nakabili. Bumalik na si Elmo at dala ang isang planganita ng maligamgam na tubig.

“May nakita pa akong isang tabetas dito, ipainom ko ba muna ‘Nay?” tanong ni Elmo.

“Ïbangon mo at kukuha lang ako ng tubig,” sabi ni Aling Maring.

Napainom naman nila ng gamot itong estranghero. “Nanay, huhubarin ko ba lahat ng damit niya?”

“Oo naman, basa nga ng pawis eh at maasim na pati amoy. Patakan mo rin ng konting alcohol ang tubig at ihahanap ko siya ng pamalit na damit. Titingnan ko sa kanyang bag kung may extra siyang malinis na damit.

Habang naghahanap ng maisusuot si Aling Maring ay hinuhubaran na ni Elmo ang binata. Inuna niya ang jacket tapos ay ang tshirt at may sando pa.

“O, may dala naman palang t-shirt at btief, bago pa nga eh, nasa plastic pang lalagyan. Mamahalin pa yata. Ano bang tatak nito, Calvin Klein at yung tshirt ay may buwaya. May short din naman siya. Heto ang isuot mo mamaya.” Sabi ni Aling Maring. “Ikaw na ang bahala diyan, Magluluto ako ng noodles para mainitan din ang sikumara niya,” dugtong pa ni Aling Maring.

Hinatak na pababa ni Elmo ang pantalon ng binata, tanging brief na lang ang natira. Nang angatin niya ang pantalon ay may nahulog, ang wallet ng estranghero. Dinampot niya iyon at nakita ang sari-saring card at perang lilibuhin. Tiningnan niya ang ID at nalaman niyang Nomer ang pangalan ng estranghero.

Simula na niyang pinunasan ang binata, sinimulan niya sa buhok sa mukha at sa leege. “Ang gwapo pala ng lalaking ito, ang ganda ng kutis, ang kinis, parang hindi tinubuan kahit isang tagyawat. Saka ang bango niya, nakasama lang talaga ang sukang ihinaplas ni Nanay kanina,” wika sa sarili ni Elmo. “Ang tangos din ng ilong, mas matangos sa akin at ang labi, ang nipis at ang pula. Marahil ay anak mayaman ito. Kasi ang bag niya ay mukhang mamahalin at ang wallet niya ay puro ATM.

Lalong humanga si Elmo sa abs ni Nomer, puro pandesal at ang liit ng bewang. Pinunasan niya ang buong katawan ni Nomer, lahat, balikat, braso, hita, binti at pati na rin likod. Kanya itong itinagilid para mapunasan din ang likod. Tulog na tulog ang binata.

Isa na lang ang hindi niya napupunasan, basa ang brief niya sa pawis. Wala siyang nagawa, hinatak na niya at lumantad sa kanya ang mataba, pero malambot pang burat ni Nomer, tulog din pati ari niya. Ayaw man niya ay napilitan na rin si Elmo, Hinawakan niya ang burat at itinaas para mapunasan pati bayag at singit, maging ang pwet at butas ay pinadaanan niya ng bimpo.

Kumuha siya ng pulbos at pinulbusan ang buong katawan ni Nomer saka binihisan. Lumabas na si Elmo ng silid at dinala sa kusina ang pinagpunasan at pati na rin ang damit na hinubad ay dinala sa labahan.

“Tamang tama, luto na itong noodles. Tulog pa ba yung lalaki?” Tanong ni Alimg Maring.

“Nomer po ang pangalan niya. Nabasa ko sa kanyang ID at maraming pera sa wallet, pwede po ba akong mangupit?” biro ni Elmo.

“Hoy lalaki, hindi kita pinalaki na magnakaw. Tumigil ka at baka balibagin kita nitong kahoy,” galit na wika ni Aling Maring.

“Joke lang naman, si Nanay, hindi na mabiro.”

“Pakainin mo na muna at baka gising na, siguradong gutom na iyon.” Taboy ni Aling Maring.

Pagbalik ni Elmo ay mulat na ang mata ni Nomer, gising na siya, “Nasaan ako? Sino ka?” ang tanong kaagad ni Nomer.

“Nasa dampa ka namin. Nakita kitang nakahandusay doon sa linang. Akala ko nga ay patay ka na. Mamaya ka na magkwento at kainin mo na muna itong mainit na noodels, baka kasi nahimatay ka sa gutom. Kaya mo bang bumangon o susubuan kita?” Tanong ni Elmo.

Pinilit niyang bumangon, pero parang hirap na hirap pa kaya ang ginawa ni Elmo ay naglagay ng ilang patong na unan at tinulungan siyang umangat para mas mataas ang kanyang ulo. “Nomer ang pangalan mo ano. Pasensya ka na at pinakialaman ko ang bag mo, Kumuha kasi kami ng pamalit mo dahil basa ka ng pawis. Mainit ha, hipan ko muna.” Wika ni Elmo.

Naubos naman ni Nomer ang noodles, pero mataas pa rin ang lagnat. “Inumin mo uli itong gamot ha, iisa na iyan kaya dapat ay gumaling ka na. Magpahinga ka muna ha! Magpalakas ka muna bago tayo magkwetuhan. Mahaba-haba ang ating pag-uusapan. Magkumot ka ha, Kailangan ay pagpawisan ka, kapag basa ka na ng pawis ay tawagin mo ako para mapalitan ka uli ng damit, hindi ka dapat matuyuan ng pawis sa katawan,” bilin ni Elmo.

Naging masunurin naman si Nomer. Kaagad din siyang nakatulog.

-----o0o-----

Muli, ay ginising ni Elmo si Nomer para kumain ng ng hapunan. Magana na siyang kumain at humupa na ang lagnat. Hindi na siya pinabangon pa ni Elmo at doon sa higaan na lang niya ito pinakain.

“Madyi-jingle ako Elmo. Pwede bang alalayan mo ako sa banyo,” wika ni Nomer.

Inalalayan naman ni Elmo ang bisita nilang estranghero. “Pasensya ka na sa aming palikuran ha, ganyan lang talaga iyan,” sabi ni Elmo. “Sige, kaya mo na bang mag-isa? Kapit ka na lang sa akin at baka madulas ka pa. Ilabas mo na at nakita ko na rin lang iyan, nahawakan ko pa,” pagprisinta ni Elmo na makitang medyo mabuway pang tumayo si Nomer.

Matapos umihi ay balik sa silid si Nomer. “Salamat pare ha. Napakalaking tulong ang ginawa ninyo sa akin. Baka kung hindi mo ako nakita ay patay na ako.” pasalamat ni Nomer.

“Naku wala iyon, ganito kami dito sa aming baranggay, tulungan talaga kami. Bakit ka nga ba napunta roon. Ang tingin ko kasi sa iyo ay isang mountaineer. Umakyat ka ba ng solo sa bundok?” usisa ni Elmo.

“Oo, grupo kami. Pababa na kami, kumukuha lang ako ng picture, ang ganda kasi sa itaas. Nalibang ako at hindi ko na sila nakita. Sumisigaw na nga ako kung nasaan sila eh walang sumasagot. Bumaba na ako, ang akala ko ay natandaan ko na ang dinaanan namin. Sinundan ko naman yung trail kaya lang ay wala na sila. Nagdire-diresto na akong naglakad,” kwento ni Nomer.

“Naligaw ka na. Sa oppsite direction ka napadpad. Ang layo na inabot mo, ibang bayan na ito, doon ka dapat sa kabilang bayan. Alam mo, may nagsasabi na may espiritong gumagala sa gubat namin at talanga marami nang naliligaw doon, Kahit nga taga-rito na ay naliligaw pa tin minsan kapag umakyat sa bundok na iyan,”sabi naman ni Elmo.

“Tinatawagan ko ang mga kasamahan ko kaya lang walang signal. Pwede mo bang kunin ang aking CP sa bulsa ng pantalon ko. Baka may signal na dito at tatawagan ko ang mga kasamahan ko. Siguradong nag-aalala na ang mga kasama ko,”wika no Nomer.

“Wala ring signal sa lugar namin, subukan mo rin,” wika ni Elmo. Inabot na niya ang CP sa bisita.

Sinubukan ni Nomer na tawagan, wala talagang signal. “Paano kaya iyon. Makakagulo ako sa mga kasama ko, nakakahiya. Malapit lang ba ang kabilang bayan na sinasabi mo?”

“Liblib itong lugar namin, kita mo, ang sunod naming kapit-bahayay ay siguro higit sa isang kilometro ang layo. Wala ring sasakyan na nagdaraan dito. Kalabaw at kabayo lang ang gamit namin kung pupunta ng bayan. Wala pa rin kaming kuryente dito, kaya heto, lampara lang ang gamit namin. Hayaan mo, bukas ay pupunta ako sa aming munisipyo para i-report na napadad ka dito at ligtas naman. Para mareport din sa kabilang bayan. May radyo silang ginagamit kapag ganitong may emergency,”sabi ni Elmo.

“Pwede ba akong sumama?”

“Kung kaya mo nang kumilos. Bibili na rin ako ng gamot para mainom mo nang gumaling ka nang tuluyan,” pangako ni Elmo.

“Matulog na tayo. Okay lang ba na may katabi ka? Maliit lang itong papag, kasya naman tayo, para rin mabantayan kita. Ganito talaga dito sa amin, maagang matulog. Wala naman kasi tayong mapaglilibangan, walang TV, walang radyo, kasi wala naman kuryente hehehe. Maaga naman kaming nagigising at nakakapagtrabaho ng maaga, Ma bo-bore ka rito kaya magpagaling ka na ng makauwi ka na sa inyo.” Sabi ni Elmo.

Hindi naman sila natulog kaagad dahil sa marami silang napagkwentuhan. Isa palang Excutive Officer itong si Nomer sa family owned company nila, graduate ng business management at ngayon ay kumukuha ng masteral degree. Mahilig sa pag-akyat ng bundok. Marami na itong naakyat na matataas na bundok.  26 na taong gulang at single. Kabi-break lang daw sa kanyang nobya kaya naisipan niyang sumama sa kanilang grupo para mawala sa isipan ang lungkot.

Si Elmo naman ay high-school lang ang natapos dahil sa kakapusan ng pang-gastos sa pag-aaral. High school lamang ay nahirapan na raw sila dahil kailangan nitong mangupahan sa bayan dahil sa malayo ang tirahan nila sa paaralan. Para may pandagdag na pang-gastos sa upa ng kwarto at mga gastusin sa paaralan ay nagkakargador siya sa palengke tuwing hapon pagkagaling sa school. 22 pa lang si Elmo at hindi pa nagkaka GF. Gwapo, magandang katawan at mahusay kumanta itong si Elmo. Pangarap niyang maging singer pero dahil sa kalagayan nila sa ngayon ay nawalan na siya ng pag-asa na matupad ang pangarap.

“Elmo, pwede ba kitang maging kaibigan, best friend. Isasama kita sa Maynila minsan kapag hindi ka busy sa ngayon,” sabi ni Nomer.

“Talaga? Syempre naman. Malaking karangalan sa akin ang magkaroon ng bestfriend na taga Maynila at mayaman pa hehehe.” Tugon ni Elmo

“Sabi mo single ka pa, hindi ka pa ba nagka girlfriend?” tanong ni Nomer.

“Hindi kasi ako nanliligaw. Sino ba naman ang magkakagusto sa tulad ko, mahirap at patay gutom,” tugon naman ni Elmo.

“Sobra mo namang minamaliit ang sarili mo. Ang gwapo-gwapo mo kaya. Maraming babae ang magkakagusto sa iyo,” sabi naman ni Nomer.

“Wala rin naman akong maliligawan dito hehehe, Iilan lang kaming pamilyang narito magkakalayo pa. Siguro kung nakapag-aral ako ng college sa bayan hehehe, pero talagang hanggang dito na lang ako, masusunog ang balat sa pagsasaka.

Nakaramdam ng panghihinyang si Nomer. Nakita kasi niya sa silid ni Elmo ang mga medlaya na nakamit noong nag-aaral pa siya, Nakuha din niya ang pangalawa sa pinaka-mataas na honor noong elementarya at high school. May mga trophy rin na naroon dahil naman sa pag-awit at puro first prize pa.

“Elmo, gusto mo bang sumama sa akin sa Maynila, magtrabaho ka sa kompanya namin at sa gabi ay pwede kang mag-aral. Saka malay mo may magpa-contest sa TV sa pagkanta. Baka makapasa ka sa audition.” Alok ni Nomer.

“Hindi ko alam Nomer, wala kasing makakatulong si Tatay sa pagsasaka, saka hindi ako sanay sa Maynila. Siguradong maninibago ako. Hindi ko masabi Nomer. Tulog na muna tayo para maaga akong makapunta sa bayan para mai-radyo sa kabilang bayan na narito ka at ligtas. Bigyan mo ako ng mapagkikilanlan sa iyo, buong pangalan mo, pati na ang parents mo para matawagan sila. Malamang ay balita na iyon hanggang sa Maynila,” sabi ni Elmo.

“Sige, isusulat ko sa papel ang pwedeng itanong, pati na rin ang tel number nina Papa.”

Isinulat ni Nomer ang mga inpormasyon na pwedeng mapagkilanlan sa kanya. Inabutan din niya ng pera si Elmo pambili raw ng gamot. Nagpabili na rin ng mga biscuit at noodle at pati na kanilang pwedeng kainin pang-ulam. “Ubusin mo yan ha. Huwag ka nang mag-uuwi pa ng sukli.”

-----o0o-----

Sakay ng kanyang kabayo ay tinungo na ni Elmo ang bayan. Maaga pa nang marating niya ang kanilang munisipyo. Sarado pa. May isang oras pa siyang ipaghihintay. Minabuti na muna niyang bilhin ang pinabibili ni Nomer. Isang latang biscuit, noodles, kape, asukal. Bumili rin siya ng creamer dahil baka hindi sanay na walang creamer ang binata at kung ano ano pa. Marami pang natira. Nakabili na rin siya ng gamot na kailangan nila sa bahay, alcohol, band aid. Basta pang first aid. Malaki pa rin ang natira. Mamaya na siya babalik para bumili ng pang-ulam. Iniwan na muna niya sa kanyang suki ang mga pinamili at babalikan na lang mamaya pagkagaling sa munisipsyo.

Kabubukas lang ng munisipyo ng dumating doon si Elmo. Kaagad naman siyang inasikaso ng empleyado roon. Nadidinig niya ang pag-uusap sa magkabilang radyo.

Naka report na nga daw sa kanila ang pagkawala ng isang Nomer Castillo na kasama ng isang grupo ng mga mountaineer. Naroon pa raw ang mga kasamahan niya at bindi pa umaalis at naghihintay ng balita. May binuo na raw rescue team ang bayang iyon para hanapin kung saan man naligaw ang binata. Mabuti raw at hindi pa nakaka-alis ang rescue team.

Nagpasalamat ang mayor ng bayang iyon, maging ang kasamahan ni Nomer. Pinasabi ko na ligtas at nagpapagaling lang dahil sa inabot ng pagkakaroon ng trangkaso at nanghihina pa,, pero okay na at nakakain na naman. Pinasabi ko rin sa kasamahan ni Nomer na tawagan lang ang parents ng binata na hindi pa siya kaagad makakauwi.

Bago umalis ng munisipyo si Elmo ay pinasalamatan din siya ng kanilang Mayor. Magpapadala daw ito ng medic para matingnan kung may iba pang karamdaman ang binata. Nagpaalam na siya at sinabing dadaan pa ng palengke.

Baboy at isda ang binili ni Elmo. May mga gulay naman sila sa bahay. Ang baboy ay ipatatapa para ma preserve dahil wala naman silang ref at ang isda ay lulutuin na kaagad ng may sabaw.

-----o0o-----

Samantala ay kumakain na ng almusal sina Nomer at ang magulang ni Elmo. Sinangag at daing na isda ang kanilang ulam. May nilaga ring itlog na kinuha sa pugad ng alaga nilang manok. Mayroon ding nilagang kamoteng baging at pritong saging.

“Pasensya ka na anak ha at eto lang ang aming naihain sa iyo. Mahirap magtago ng pangulam dito kasi ay wala kaming kuryente pa.” wika ni aling Maring.

“Naku Nanay, okay lang po, hindi naman po ako maselan. Nagpapasalamat pa nga po ako at dito ako sa inyo napadpad. Makiki-Nanay na rin po ako sa inyo ho.”

“Ako rin, Tatay ang itawag mo sa akin. Alam mo iho, gusto ko talaga ng maraming anak, kaya lang ay hindi kami sinwerte eh. Nahirapan si Maring sa panganay namin at nagkasakit pa siya sa matres kaya hindi na manganganak pa. Mabuti at dalawa na anak namin. Kung pwede ka nga lang bang dito na tumira at magtiis sa hirap eh. Hehehe.” Sabi ng tatay ni Elmo.

“Maraming salamat po, Ituturing ko po kayong pangalawang magulang ko at kapatid si Elmo. May sasabihin nga po pala ako sa inyo ‘Nay, ‘Tay.”

“Ano ba iyon.”

“Pwede po bang mag-stay pa ako rito ng ilang araw, gusto ko pong makapag-pahinga ng mahaba-haba. Mag-bakasyon muna ako sa trabaho ko.”

“Naku, sabi nga namin ay dito ka na lang tumira hehehe. Kaya mo kayang mag-bukid hahaha.” Wika ni Tatay.

“Kakayanin po hehehe. May isa pa po akong sasabihin. Inaalok ko po si Elmo na sumama sa akin sa Maynila at bibigyan ko siya ng trabaho roon sa kompanya namin. At kung gusto rin niya na magpatuloy sa pag-aaral ay pwede rin po sa hapon. Sayang po ang talino ni Elmo, nakita ko nga po ang mga medalya na nakasabit sa silid niya. Consistent honor pala siya.” Wika ni Nomer

“Pangarap talaga ng aming anak ang makapagtapos ng kolehiyo, kaya lang ay hindi namin kaya ang gastusin kahit na sa bayan lang siya mag-aral. Gusto raw niya kaming iahon sa hirap, bata pa lang ay palagi na niyang sinasabi sa amin iyon. Nakita kasi niya at naranasan ang hirap ng trabaho dito sa bukid.. Kikilalanin naming malaking utang na loob sa iyo kung matutulungan mo siyang abutin ang kanyang pangarap iho. Maraming salamat.” Wika ni Nanay Maring.

“Ang hindi ko po alam ay kung papayag siya. Kagabi po ay sinabi ko iyon sa kanya. Alanganin po eh. Inaalala ay kayo Tatay dahil wala raw kayong makakatulong sa bukid.” Sabi ni Nomer.

“Ayaw na nga niya akong pagawain sa bukid at dito na lang daw mag-alaga ng manok at pato. Dito na lang daw ako magtanim ng gulay at siya na lang ang magpapalay. Kaya lang ay lalo akong manghihina kapag hindi ako nagtrabaho. Bata pa naman ako at malakas pa, 40 pa lang ako at si Maring ay 38 pa lang. Bata kasi kami nag-asawa hehehe,”turan ni Tatay Pedring.

“Papayag po kayo. Syempre, malalayo siya sa inyo, sumama na lang kaya kayo sa Maynila, para sama-sama kayo roon at hindi na magkalayo,” alok ni Nomer.

“Nakow, pareho lang kaming manghihina roon. Saka wala kaming ibang alam na trabaho kundi itong pagbubukid. Mahirap din na hindi namin maasikaso itong aming bukirin na pamana pa sa amin ng aming lolo.” Wika ni Nanay Maring.

“Ganun po ba. Eh kumbinsihin n’yo na lang po si Elmo ho. Kapag ho ako ay baka mahirapan ako.”

-----o0o-----

Katatapos lang nilang kumain at kaaalis lang ni Tatay Pedring ng dumating naman si Elmo. Kaagad niyang ibinalita kay Nomer ang napag-usapan.”

“Hindi pa raw umuuwi ang kasamahan mo Nomer dahil sa nag-aalala sila sa iyo. Kaagad daw na nireport nila sa munisipyo ang pagkawala mo at nagtipon na sila ng rescue team para hanapin ka. Mabuti na lang daw ay maaga akong nag-report. Pinatatawagan ko rin sa kasamahan mo na tawagan ang parents mo.” kwento ni Elmo.

“Maraming salamat ha Elmo.”

“Asus! Para iyon lang. Nay, bumili po ako ng baboy at isda. Itapa na lang natin para ma-preserve at yung isda ay sabawan na lang natin. Nasa kahon po yung ibang pinamili. Syanga pala. Napuri naman tayo ni Mayor, maasahan daw palagi tayo sa pag-tulong hehehe. Nakapuntos na naman kayo kay Mayor. Magpapadala daw siya ng doctor para matingnan mabuti si Nomer.” Kwento pa ni Elmo. “Mag-init lang ako ng tubig para makaligo ka Nomer. Siguro ay init-na init ka na eh,” sabi pa ni Elmo.

“Kaya ko nang maligo mag-isa.” Sabi ni Nomer.

“Walang gripo dito, doon tayo sa poso maliligo. Kaya mo bang magbomba sa poso? Bumili na ako ng sabong pangligo at shampoo. Sabong perla ang gamit naming pangligo dito eh hehehe.”

 

 

Itutuloy…..

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...