Martes, Mayo 7, 2024

My Best Friend (Part 1)

 



My Best Friend (Part 1)

 

Isa sa itinuturing kong pinaka best friend ay si Jason. Nakaklase ko siya sumula nung first year college kami hanggang sa  mag-graduate. Sabay na kumuha ng CPA Board Exam at sabay ding nakapasa. Sabay na nag-apply ng trabaho sa isang auditing firm at swerteng pareho kaming natanggap.

Hindi kami mapag-hiwalay, kung nasaan siya ay naroon din ako. Maging sa aming trabaho ay magkasama kami sa grupo at palagi kaming  magkatuwang sa mga kliyenteng aming pinupuntahan para i-audit, kami ang magpartner sa trabaho

Hindi naman kami pinaghihinalaan na magka-relasyon kahit na aminado ako sa pagiging silahista ko. Alam sa aming opisina na bakla ako, pero wala akong tinalo kahit na sino sa aming mga lalaking officemate. Maging sa mga kliyente ay hindi ako nagpakita ng kalaswaan o yung bang sinasabing kalandian.

Hindi kailanman nailang si Jason kapag magkasama kami, sabi niya ay komportable na raw siya kapag ako ang kasama.

Sa tagal naming pagkakaibigan ay aaminin ko na nagkaroon ako ng pagtatangi sa kanya, parang nadevelop na kung baga. Sa totoo lang, hindi naman siya sobrang gwapo, may itsura kumpara sa pangkaraniwang nakikita o nakakasalubong natin sa daan. May mga katangian naman siyang mapapaibig ang mga kababaihan at maging ang ibang bakla.

Nasabi kong nadevelop ako sa kanya dahil nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakita, kapag absent, yung bang nami-miss ko kaagad. Halata nga ng iba naming kasamahan kapag wala siya dahil hindi ako masyadong masigla.

Hindi ko naman sinasabi sa kanya ang pagkakagusto ko sa kanya, mahirap na, baka kasi masira ang aming samahan kapag nagtapat ako sa kanya, sinarili ko na lang ang aking nadarama sa kanya. Yung pagiging mabait at maalalahanin ko sa kanya, at iba’t-ibang bagay na pumapabor sa kanya ay normal lang sa isang tunay na magkaibigan at hindi dahil sa kung ano pa man at hindi niya iyon binibigyan ng ibang kahulugan maliban na lang sa pagiging magkaibigan namin.

Noong mag-asawa na siya ay medyo nabawasan na ang paglabas-labas namin maliban na lang kung may kaugnayan sa aming trabaho, hindi tulad noon na lahat ng gimikan ay magkasama kami. Lalo nang hindi kami nagkakasama sa lakaran nang magkaroon na siya ng anak.

Hindi naman kami nawalan ng komyunikasyon dahil sa iisa ang pinapasukan namin. Syempre hindi naman kami palaging junior auditor lang, na-promote din naman kami dahil sa naging loyal kami sa kompanya kaya may kanya kanya na kaming trabaho na hiwalay sa kanya, iba ang inahawakan kong client kesa sa kanya at hindi na kami nagkakasama sa paglabas para mag-audit.

After fifteen long years ay pareho na kaming manager, at papunta na kami sa pagiging partner sa kompanya. pareho pa rin ang grupo. (May grouping kami na under sa tatlong Partners.)

Sa edad na fourty, biniyayaan siya ng tatlong anak na lalaki, inaanak ko pa ang panganay niya na ngayon, sa pagkaalam ko ay trese anyos na, binatilyo na.

Ako naman ay nanatiling binata. Hndi na ako nag-asawa at wala ring kinakasama na alam nyo na. Kapag may pangangailangan akong sekswal ay minsan ay may nakakatagpong game din sa chat, kung minsan ay sa sinehan, pero never akong nakipag-relasyon sa kapwa ko lalaki.

Sa pagdaan ng panahon ay nanatili ang pagkakagusto ko kay Jason. Magkadikit lang ang aming cubicle sa opisina, Ang mga manager ay may sariling cubicle para daw medyo private kapag may kausap na kliyente.

Dahil nga sa magkasama pa rin kami ay hindi maiwasan na may mapansin ako sa kanya, mumuntig pagbabago, hindi naman yung pagiging mayabang. Basta, mahirap idetalye. Palagi siyang may kausap sa phone, madalas pa na kapag natyempong magkaharap kami at may tumawag na kung sino ay lumalayo pa para lang kausapin ang nasa telepono na dati namang hindi ginagawa. Para bang mayroon siyang inililihim.

Matagal na kaming magkasama at magkaibigan kaya kilala ko na ang pag-uugali niya, sa kilos pa lang ay alam ko na kung may problema siya o di kaya ay masaya o malungkot.

Ang akala ko nga ay kilalang-kilala ko na si Jason, hindi pa pala dahil sa mayroon akong natuklasan sa kanya na sa hinagap ay hindi ko man lang inisip.

Isang araw ng Byernes iyon, nag CR ako. Walang tao sa loob kaya sarili ko ang kobeta. Pumasok ako sa isang cubicle doon, isinara ko ang pinto, pero hindi ko ni-lock, naka-awang pa ng konti. Tapos na akong umihi ng may pumasok na nagsasalita na tila may kausap sa phone. Nabosesan kong si Jason iyon. Hindi naman kalakasan ang pagsasalita niya pero, nadidinig ko ang sinasabi niya, at malinaw iyon. Narito ang huli niyang sinabi sa kausap niya sa phone.

“Sige, magkita na lang tayo mamaya, dadaanan na lang kita ha, 5:30 sharp. (Pause) “Okay… bye, love you.”

IYun ang huling sinabi niya na may tunog pa ng halik bago siya lumabas. Hindi naman siya gumamit ng CR.

Nag-isip ako kung sino ang kausap niya. Nakasisiguro akong hindi iyon ang asawa niya dahil hindi ugali ng kanyang asawa na tawagan siya sa phone habang nasa office. Naghinala akong makikipagkita siya sa isang babae. “May babae siya?” ang tanong na nabuo sa aking isipan.

Wala naman akong pakialam kung ano man ang gawin niya sa kanyang buhay, ang inaalala ko ay ang kanyang asawa at mga anak, mga bata pa sila at nagbibinata pa lang ang panganay na inaanak ko, may pagmamalasakit lang ako sa kanyang pamilya.

Hindi ako mapakali kahit nasa bahay na ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako apektado sa aking narinig. Namalayan ko na lang na kausap ko ang asawa ni Jason.

“Mare, nariyan pa si Jason?” tanong ko habang kausap sa CP ang asawa ni Jason.

“Pare, mayroon daw siyang importanteng meeting at baka gagabihin siya sa pag-uwi. Kung masyadong gabi na raw at baka mapainom ay baka magpabukas na lang daw ng uwi. Hindi mo ba alam iyon?”

“Walang nasabi eh. May itatanong lang sana ako. Hindi bale tatawagan ko na lang uli, hindi kasi niya sinagot ang call ko kanina, dahil baka nasa meeting pa. Sige Mare, huwag mo na lang mabanggit na tinawagan kita ha.” Pinutol ko na ang aking tawag.

Lalo akong naghinala na may ginagawang kalokohan itong kaibigan ko. Concerned lang ako dahil sa may pamilya na siya at mahirap ang broken family.

Inobserbahan ko siya, Madalas ay pinapasok ko siya sa kanyag cubicle para kunwari ay may itatanong na bagong ruling sa BIR o sa SEC at makikipagkwentuhan ng kahit ano. Inaaya ko minsan na lumabas, pero tumatanggi siya, na bihira niyang gawin noon. Bukod doon ay wala naman akong napapansing kakaiba.

Isang beses na nag-uusap kami sa kanyang cubicle ay may kumatok at pumasok ang isang lalaking may katangakaran din, gwapo, may katawan, magandang magdala ng damit dahil sa naka-long sleeves siya noon at bagay na bagay sa kanya. May edad na rin, siguro ay early 40’s din tulad namin.

“Dennis, napasyal ka. Bakit hindi ka tumawag muna para nasundo kita sa ibaba,” bati ni Jason sa bagong dating. Alam kong nagulat siya sa biglaang pagdating ng bisita.

“Jason, nasa ibaba na rin ako at sabi ng gwardya ay narito ka raw naman. Kaya pinaakyat na niya ako. Pwede ba tayong mag-usap, kahit sandali lang?” sabi ng bisita ni Jason.

Naunawaan ko naman ang gustong sabihin ng lalaki at pati na rin ng titig ni Jason kaya nagpaalam na ako. Pero bago ako umalis ay ipinakilala naman niya ako sa kanyang bisita.

“Nice meeting you Dennis.” Kinamayan ko naman siya bago ako tuluyang umalis.

Ang akala ko ay isa sa aming kliyente, hindi pala, kaibigan pala ito ni Jason

Hndi muna ako nagtuloy sa aking cubicle, doon ako sa CR nagtungo dahil sa maiihi ako. Nagpapagpag na ako ng aking ari ng madinig ko ang pagsara ng pinto ng CR at parang nag-lock pa iyon. Hindi naman ako kaagad na lumabas ng cubicle, nakiramdam pa ako ng konti. Tila wala namang pumasok dahil tahimik kaya lumabas na ako. Laking gulat ko at halos lumuwa ang mata ko sa aking nasaksihan, si Jason at Dennis, magkayakap at naghahalikan. Hindi pa nila ako kaagad nakita kaya kutang kita ko kung paano magsipsipan sila ng dila. Naitulak na lang bahagya ni Jason si Dennis ng makita niya na ako.

Tulala ako, tulala rin sila. walang lumabas na salita sa amin, walang umimik. Pakiramdam ko ay ako ang nahiya kaya kaagad na akong lumabas ng toilet. Alam kong kasunod ko na rin sila, kaya lang ay mabilis akong naglakad at hindi ko na alam kung saan sila nagtuloy.

Para akong nawalan ng lakas pagpasok ko sa aking cubicle, napaupo ako kaagad, parang pagod na pagod. Kung ano ano ang aking naiisip. “Si Jason, isa rin palang bading, Kelan pa? Paano? Anong nangyari sa kanya, kung kelan pa tumada. Alam kaya ng asawa niya ito. Paano na kung malaman iyon ng asawa at anak niya?”

Nanlumo talaga ako, hindi ako makapaniwala, ang Jason na minahal ko magpahanggang ngayon ay isa rin palang bading. Ang masaklap pa nito ay nagsisisi ako sa aking sarili. Nasaktan kasi ako, Ang tagal kong itinago ang pagmamahal ko sa kanya, pero heto at kaya palang pumatol sa kapwa lalaki. Bakit ako natakot na magtapat sa kanya, bakit hindi ako nagkalakas ng loob na sabihin ang tunay kong nararamdaman sa kanya noon pa. Nakaramdam ako ng panghihinayang, ng pagsisisi. Disin sana ay nalaman ko kung mahal din niya ako, kung kaya din niya akong mahalin.

Dahil sa nawalan na ako ng sigla sa aking ginagawa ay naisipan kong umuwi na lang kahit maaga pa. natanaw ko pa si Jason na nakayuko at busy sa ginagawa.

Dala ko pa rin sa aking bahay ang lungkot, ang panghihinayang. Naisip ko rin si Dennis. Baka kasi ginagatasan lang niya si Jason. Natanong ko rin sa aking sarili kung sino sa kanila ang bakla. Walang ipinakitang kabaklaan sa akin si Jason, lalaking-lalaki siya. Kung ganon sino sa kanila. Dapat ko ba siyang kausapin at payuhan na mali ang ginagawa niya? Baka naman trip lang at wala naman talagang namamagitan. Pero sa init ng halikan nila na may paglabas-labas pa ng dila ay alam kong may malalim nang nangyayari sa kanila. Dapat ako yun, dapat ako ang nauna dahil matagal kaming nagkasama.

Hindi ko na nagawang maghapunan pa, nakatulog na lang ako na tumutulo ang luha, pag-gising ko ay may bakas pa ng natuyong luha sa aking pisngi.

-----o0o-----

Naghanda na ako sa pagpasok ko sa opisina. Ayaw ko sanang pa-apekto sa nasaksihan ko, pero hindi ko magawa. Si Jason at Dennis pa rin ang nasa isispan ko. Aaminin ko, naghihinanakait ako, nagdaramdam. Pero ano ang aking dapat na ipagdamdam, wala kaming relasyon maliban sa magkaibigan at magka-opisina. Ano mang bagay na gawin niya ay labas na ako lalo na at hindi ako involved.

As usual ay binati ako ng “Good Morning” nang aming gwardya. “Sir, tinanong ako ni Sir Jason kung umuwi ka ng maaga kahapon. May kailangan yata sa inyo, parang problemado eh. Nagmamadali kasing umalis nang sabihin kong umuwi na ikaw. Akala ko ay pupuntahan ka sa inyo eh.”

“Ah ganon ba? Eh pumasok na ba siya?”

“Wala pa ho sir.”

“Okay. Thank you.”

Sumilip ako sa cubicle ni Jason, wala pa nga siya toon.

Nagpaka-busy ako buong maghapon. Nang tumigil ako sa pagrereview ng ginawang audit ng aking supervisor ay halos mag-aalas-singko na. Saka ko napansin na hindi pala pumasok si Jason ngayong araw na ito.

Kinabukasan ay nakita kong naka-park na ang kotse niya, pumasok na siya. Nakita ko siyang nakatungo at nagtatrabaho na. Ine-expect ko na kakausapin niya ako para magpaliwanag, pero hindi.

Maaga akong nag lunch, gusto kong umiwas sa kanya, hindi ko gustong magkasalubong ang aming landas, parang naiilang ako. Bagaman at gustong-gusto ko talagang kausapin ako at ipagtapat kung ano ang namamagitan sa kanila ng Dennis na iyon ay nanatili akong tikom ang bibig,

Lumipas ang mga araw, dahil sa iisa lang ang pinagtatrabahuhan namin ay hindi maiiwasang mag-cross ang aming landas. Magkakasalubong kami sa hallway, gusto ko sanang umiwas, pero wala na akong ibang daraanan. Hinihintay kong batiin niya ako, mag “Hi” man lang o ngitian ako, pero hindi niya ginawa. Ewan ko, parang ako pa yata ang may kasalanan sa pagkabisto ko sa kanila.

-----o0o-----

Ang pagkakataon nga naman ay parang nanadya dahil hindi ko akalaing na makakatagpo ko sa isang department store si Dennis. Tumitingin-tingin ako ng pantalon, medyo tumataba yata ako at masisikip na ang aking pantalon nang may bumati sa akin. Tinapik ako sa balikat. “Joselito… Right?” wika nito.

“Uy Dennis. Magsa-shopping ka rin ba?” tanong ko.

“Actually… nakabili na ako. Nasa cashier na ako at nagbabayad ng mamataan kita. Mabuti na lang at walang pila sa cashier kaya mabilis akong nakapagbayat at nalapitan kita kaagad. Nagkausap na ba kayo ni Jason?”

Tinitigan ko siya, yung titig na parang nagtatanong kung bakit. “Tungkol saan? Palagi naman kaming nag-uusap. Pero palaging tungkol sa trabaho ang aming pinaguusapan. May alam ka bang dapat naming pag-usapan?”

“Hahaha, alam mo naman kung saan ako interesado na pag-usapan ninyo. Tara munang mag-snacks o mag-lunch na kaya. Eleven thirty na naman eh,” yaya ni Dennis.

Nagisip muna ako kung papayag ako. Gusto ko ring malaman mula sa kanya ang score sa kanilang dalawa, nag decide akong sumama. Sa isang mamahaling resto niya ako dinala, mukhang yayamanin yata itong si Dennis.

Nag-order muna kami ng pagkain, at dahil matatagalan pa ang order namin ay nag-usap muna kami. Siya ang nag-open ng topic tungkol sa aking nasaksihan.

“Unang-una Joselito…”

“Lito na lang, sobrang mahaba ang Joselito hehehe,” putol ko sa sasabihin niya sana.

“Sorry nga pala, hindi tama na doon pa namin ginawa ang hindi namin dapat na ginawa. Matagal kasi kaming hindi nagkita dahil nagpunta ako ng Hongkong para sa aking business, na miss ko siya kaya pinuntahan ko siya sa inyong opisina na hindi niya alam,” sabi ni Dennis.

“Maputol lang kita Dennis sa sasabihin mo pa ha, kasi may gumugulo lang sa isipan ko. Siguro naman ay nakwento na sa iyo ni Jason na matagal na kaming magkaibigan, since college days pa namin, sino sa inyo ang bading, kasi hindi ko siya kinakitaan ng pagkabinabae, katunayan ay nagbilang muna siya ng nobya bago nag-asawa. Alam mo bang may asawa na siya.”

 

 

 Itutuloy…..

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kwento ni Ambeth (Part 6) - Adventure sa Bayan ni Lola 3

  Kwento ni Ambeth (Part 6) Adventure sa Bayan ni Lola 3   Sa bukid ko nakamit ang kaligayahan minithi ko simula pa noong grade six ak...