Miyerkules, Mayo 29, 2024

Roommates/Dormmates (Part 2)

 


Roommates/Dormmates (Part 2)

 

Nagtulug-tulugan ako habang may ginagawang kahalayan ang roommate kong si Aris at kaibigan niyang si Noel, wala silang kamalay-malay na nasaksikah ko ang ginawa nila.

Naiinis naman ako ng makita ko ang ginamit nilang condom na nasa ibabaw lang ng sink at hindi pa nakuhang itapon sa basurahan, Nagpasya akong kakausapin siya para pagsabihan sa kaburaraan niya.

Habang nasa trabaho ako ay nag-iisip ako kung paano pagsasabihan si Aris, Nagbago bigla kasi ang aking balak na kagalitan siya, gusto ko lang naman na maging maayos sa silid para presentable sa mga darating bisita at hindi kung saan-saan nakakalat ang gamit. Ayusin na rin ang kama pagkagising.

-----o0o-----

Maagang naubos ang stocks namin sa resto kaya maaga rin kaming nag-close. Nagpasalamat naman ang crew dahil sa talagang wala silang pahinga sa dami ng custmers sa araw na ito. Eksaktong 9 ay sarado na kami at pinauwi ko na ang lahat ng crew.

Nagmamadali rin ako sa pag-uwi at nag-wish na gising pa sana si Aris, Gusto ko na talagang pagsabihan siya. Sakto naman at nanood siya sa malit naming TV.

“Aris, pwede ba tayong mag-usap sandali?”

“Oo naman, tungkol saan?” tanong niya

“Sandali lang at magpapalit lang ako ng damit ha!”

“Sabihin mo na habang nagbibihis ka, tayo lang naman ang narito.”

“Tungkol kasi doon sa condom.”

Natigilan siya, Tumitig siya sa akin. Ewan ko kung anong klaseng titig iyon, para kasing blangko, yung walang nakikita, yung walang emosyon.

“Sorry, itatapon ko sana sa basurahan sa ibaba, kaya lang wala akong makitang plastik o supot man lang para maibaba ko na hindi nakikita ng iba ang laman, nalimutan ko na. Sorry talaga.”

“Hindi lang iyon, sana din eh huwag kang masyadong burara, kasi kung saan-saan mo lang inilalagay ang mga pinaghubaran mo, yung bed mo hindi mo maayos, yung mga tasang ginamit sa pagkakape ay naroon lang sa lababo sa CR. Kung pwede lang naman, maging maayos tayo para hindi nakakahiya kapag may bisita tayo,” mahinahon kong wika, nawala ang plano kong magalit at sigawan siya para matauham.

“Pasensya ka na, ganon talaga ako eh, akala ko kasi ay okay lang sa iyo, hindi ka naman nagsasalita dati. Sorry na talaga, simula ngayon ay gagawin ko na ang gusto mo.”

“Gusto ko lang naman maging maayos ang silid natin para hindi tayo pintasan ng papasok dito.”

“Naunawaan naman kita. Hindi na mauulit, promise.”

“May isa pa akong hiling.”

“Ano iyon?’

“Kung may gagawin ka namang ano, sana sabihin mo sa akin para makalabas muna ako, ako kasi ang nahihiya eh. Boyfriend mo ba si Noel?”

“Pasensya ka na uli ha! Huwag ka naman sanang magagalit sa akin, alam ko masama iyon, nakainom lang kasi kaya siguro nagawa ko na nariyan ka, Akala ko kasi ay tulog na tulog ka.”

“Gusto ko nga sanang lumabas muna, kaya lang para naman akong magiging bastos, galit talaga ako, kasi parang bale wala lang sa iyo na narito ako, feeling ko ay binastos mo talaga ako at parang hindi ako nag-e-exist.”

“Hindi… Hindi… Maniwala ka, Tama ka, boyfriend ko siya at matagal kaming hindi nagkita dahil sa busy siya at busy rin ako, pero hindi ko sinadya na may mangyari, hindi kita binastos, ikaw lang ang kaisa-isahang kaibigan ko na hindi ko kayang bastusin dahil sa sobra kang… Alam mo iyon, yung straight, yung sa tama lang. Basta mahirap ipaliwanag. Ganun ka sa akin, promise. Huwag ka namang magalit sa akin, promise magbabago na ako.”

“Hindi naman kita pinagbabago ng ayon sa kagustuhan ko, gusto ko lang maging tama.Hindi ako galit, nahihiya ko ngang I brought-up ito sa iyo kasi  ang laki ng utang na loob ko sa iyo. Noong time na wala talaga ako, hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako at patirahin dito ng walang bayad, ikaw pa ang nagrekomenda sa kaibigan mo na mabigyan ako ng trabaho, hindi ako galit. Sorry din, hindi ko na siguro dapat na sinabi ito,” ang nahihiya kong wika na maluha-luha, Para bang na-guilty ako bigla. Medyo nahimasmsasan naman ako ng yakapin niya ako, mahigpit. Napayakap din ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko lang kung naramdaman niya iyon.

“Hindi ko naman talaga kayang magalit sa iyo eh, oo nagtatampo ako, pero tampo lang iyon, Sorry din ha, Okay lang, kung ikaw talaga iyon pwede naman sa akin, ang mahalaga sa akin ay hindi masira ang pagkakaibigan natin,” Sabi ko, magkayakap pa rin kami.

“Ikaw talaga, Tama lang na i-korek mo ang mali ko, huwag mo akong spoilin.” Sabi naman ni Aris.

Nagkatitigan kami, Pansin ko na inilalapit niya ang labi niya sa labi ko, pero nang malapit nang magdikit ay lumingon ako at inilayo ang katawan ko. Napabitiw din siya sa akin.

“Matutulog na ako, ikaw din, maaga ka pa gigising, ako pwede akong gumising ng tanghali.” Sabi ko.

Walang imik niyang tinungo ang kanyang kama at nahiga na.

Nakatulog na si Aris habang ako ay gising pa. Napaisip ako sa balak niyang paghalik sa akin. Natanong ko tuloy ang sarili ko kung napapamahal na din ako sa kanya. Pero may boyfriend na siya at hindi nahiyang aminin iyon sa akin. Wala, dapat ko na sigurong kalimutan siya.

-----o0o-----

Malaki naman ang ipinagbago ni Aris simula noon. Palaging maayos na ang kama kapag nagising ako at nakaalis na siya. Bumili na rin siya ng lagayan ng maruruming damit at ang mga malinis ay palaging nakatupi at ang iba ay nakahanger sa kanyang drawer. Tulong din kaming naglilinis ng kwarto at sa paglaba ay sabay na kami. Hindi na siya nagpapa-laundry, minsan na lang kapag masyadong maraming naipon na labahin;. Ako kasi, hanggat maari ay lingo-lingo naglalaba.

Nagpapakita rin ng ka-sweetan sa akin si Aris. Basta maalalahanin siya sa akin. Sabagay, nakita ko naman ang pagiging maalalahanin niya noong nawalan ako ng malay dahil sa gutom, sobra siyang nag-alala sa kalagayan ko kaya nga nakatawag pa ng doctor para tingnan ako. Sayang lang, may jowa na.

Habang lumalaon ay nahuhulog lalo ang kalooban ko sa kanya. Wala naman akong lakas ng loob na magtapat sa kanya dahil kapag ginawa ko iyon ay baka lalo lang akong masaktan at baka pagtawanan lang ako, Isa pa hindi ko gustong manira ng isang relasyon.

-----o0o-----

Linggo, wala kaming pasok at sabay na naglalaba sa labahan sa likod ng bahay. Naroon din sina Noland at Bernard. ma maglalaba rin daw, yung dalawa ang nasa third floor na halos katabi ng sampayan.

“Aris, Wilson, mamaya ha, kain tayo at inom ng konti, birthday ko kasi, akyat kayo ng 6 doon sa roof top,” anyaya ni Bernard.

“Ganon ba, happy birthday. Sige, asahan mo kami,” sagot naman ni Aris.

Bago pa man sumapit ang six PM ay nasa roof top na kami, naroon na ang iba na kaklase siguro nila dahil sa hindi pamilyar sa akin, bisita siguro ni Bernard. Ilan lang ang estudyanteng naninirahan dito ang naroon, karamihan kasi ng estudyante ay nauwi kapag Friday at bumabalik lang nang Monday. Naroon din si Rolly at si Arnold at dalawa pang hindi ko matatandaan ang pangalan. Nahihiya naman akong tanungin uli ang pangalan nila, alam naman nila ang pangalan ko. Hihintayin ko na lang may tumawag sa kanila para maalala ko hehehe.

Maraming pagkain, may litson kawali na paborito ko, inihaw na bangus, kaldereta at spaghetti na pinaluto kay Kuya, yung may ari ng karinderya sa ibaba at tatay ni Rolly.

Sa madaling salita, nabusog kami. Simula na ng inuman, hard dahil sa mas mura, nagdala rin kami ni Aris ng isang litrong fundador. Sa umpukang iyon ko lang napagmasdan itong mga kasamahah namin sa dorm. Magagandang lalaki pala sila, yung hindi basta gandang lalaki, ma-appeal. Bakit kasi ganon ang mga kabataan ngayon, puro ma-appeal, yung parang napapanood ko sa tiktok, ang popogi, ang gugwapo. Kung sabagay lahat yata naman kami ay gwapo hehehe.

Bandang 8 ay nagpaalam na yung ibang bisita ni Bernard dahil may klase pa nga naman bukas. Kami naman ni Aris ay nagpapaalam na rin, pero humirit pa si Noland na bandang 10 na lang daw kami bumaba, tutal daw naman ay parepareho lang kami sa dorm na ito nakatira. So, pumayag naman si Aris.

Tagay na naman, pero nag-pass na ako, okay lang naman sa kanila. Pero mukhang hindi na kaya nina Rolly at Arnold. Suko na raw. Dahil sa mauubos na naman ang alak ay hinayaan na lang na bumaba na sila, kaming apat na lang ang naiwan.

Hindi na naman ako umiinom, naka-yuko na nga ako sa mesa dahil sa lasing na talaga ako at antok pa. Nang hindi na ako nakatiis pa ay nagpaalam na ako kay Aris na mauna nang bababa, iiwan ko na lang hindi naka lock ang pinto para hindi na siya kumatok pa pag baba niya.

“Sige Wilson, konti na lang naman ito, uubusin na lang namin at bababa na rin ako.” sabi ni Aris.

“Thank you Bernard ha  at happy birthday uli.”

“Thank you rin Wilson at pinagbigyan mo ako.”

Bumaba na nga ako, Ewan ko kung bakit nakaawang ang pinto ng silid ni Arnold, Naisip ko na baka hinihintay pa ang kasama nito sa kwarto. Hahatakin ko sana ang pintuan para ilapat pero hindi ko ila-lock ng makadinig ako ng pamilyar na tunog. Halos mapamura ako sa nakita ko, si Rolly nakasubsob sa kandungan ni Arnold at sarap na sarap na kinakain ang burat ng huli. Tangina, hindi man lang nagpatay ng ilaw, kitang-kita ko tuloy ang ginagawa nila.

Ano ba namang klaseng mga tao ito, talaga bang uso ngayon ang boys love? Ang sex among men? Haay naku. Hinila ko na lang nang marahan ang pintuan at baka may makakita pang iba ay mapahiya sila.

Pumasok na ako sa aming kwarto, nahiga na ako, Kaya lang ay naisip ko ang nakita ko kina Rolly at Arnold. Naghinala tuloy ako na baka may mangyari din ganon kina Aris, Noland at Bernard. Hindi naman malayong mangyari dahil minsan ko nang nakitang nakipagtalik sa lalaki si Aris, sa jowa nga lang niya, hindi masama. Kinalma ko ang aking sarili, sinabi ko sa sarili na huwag masyadong advance magisip. Naghintay ako ng siguro ay may kalahating oras pa para pumasok si Aris, pero wala. Tiniis kong pigilan ang antok, Napapatuka na ako na parang manok dahil sa antok, pero kalahating oras pa ang lumipas ay hindi pa rin bumababa si Aris. Nag-alala na ako. Kaso bakit?

Ah basta, Muli akong umakyat ng third floor para alamin kung nag-iinom pa rin sila, pero pagsapit ko sa roof top ay wala na sila roon, ang naroon na lang ay ang ma ginamit sa pag-inom.

Kakatukin ko sana ang pintuan nina Bernard nang maalala kong katabi lang ng roof top ang silid nila at may bintana naman doon. Tinungo ko uli ang roof top at sumilip sa salamin na bintana, mabuti na lang at hindi masyadong nakatakip ang kurtina, may siwang pa para makita ko ang loob.

Maliwanag naman sa loob at may bukas pang ilaw, kampante silang wala nang aakyat pa sa roof top dahil nga madaling araw na yata. Gusto ko silang sugurin, gusto kong magmura dahil sa nakita ko silang pareparehong hubo at hubad, nakahiga si Aris habang nakadapa sa paanan niya si Bernard at chinuchupa nito ang roommate ko. Nasa may uluhan naman si Noland at hinahalikan sa labi si Aris.

Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan sa aking nakikita, wala naman akong karapatan dahil sa wala naman kaming relasyon, mag-roommate lang kami at magkaibigan.

Gusto ko na sanang bumaba na, ayaw ko nang makita pa, pero parang may bumubulong sa akin na sumilip uli. Patuloy pa ring ang agresibong pagchupa ni Bernard sa titi ni Aris at si Noland ay patuloy ang pakikipaglaplapan kay Aris. Ang tagal na silang naghahalikan, parang walang kasawaan. Maya-maya ay kumalas si Noland sa pakikipaghalikan, lumuhod siya sa gilid ng ulo ni Aris at hawak ang burat nito ay ipinasubo na kay Aris ang titi nito.

Parang ayaw kong makita ang susunod na mangyayari, si Aris, sumusubo rin ng titi, tangina. Pero gusto ko talagang mapatunayan, laking pagkadismaya ko ng isubo na nga niya ang titi ni Noland. Parang may tumusok sa aking dibdib, hindi ko akalain na magagawa rin ni Aris na kumain ng titi. Wala na akong dapat na mapatunayan, mga manyak.

Sinadya kong ilakas ang pagsara ng pintuan ng roof top saka patakbong bumaba. Gusto ko nang i-lock ang pintuan para hindi na siya makapasok, pero napag-isip-isip kong mali. Anong karapatan kong magalit, Dapat siguro ay kay Noel ko sabihin ang nasaksihan ko dahil ito ang may karapatan. Ang gulo-gulo ng aking isipan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, kung ano ang tama.

Hindi pa ako nakakatulog nang bumukas ang pinto, pumasok na si Aris at nagtuloy kaagad sa banyo. Paglabas niya ay nahiga na rin sa kanyang kama. Nakakatulog na ako ng makarinig ako ng hikbi, Umiiyak ba si Aris? Bakit kaya? May problema ba siya para iyakan?

Gusto kong bumangon para alamin ang iniiyak niya ng magsalita siya, Ewan ko kung sinong kinakausap, Ako kaya ang kinakausap niya? Alam ba niyang gising pa ako”

“Sorry, ang dami ko nang kasalanan, hindi ko naman gusto ang nagyari, natukso lang ako. Madali akong matukso at hirap na hirap akong umiwas. Sorry talaga, hindi na ako mangangako, pero sana… sana lang… paalalahanan mo ako. Ayoko rin kasi ng ganito na para akong isang puta na konting kalabit lang ay papatol, parang isang pokpok na bayaran, buti nga sana kung binabayaran ako, pero shettttttt.”

Nagpatuloy siya sa paghikbi, hindi na lang ako kumibo, muli na naman akong nagtulugtulugan hanggang sa makatulog na talaga ako ng tuluyan.

-----o0o-----

Kinabukasan ay wala si Aris nang magising ako, naalala ko ang mga sinabi niya kagabi habang umiiyak. Anong pagpapaalala kaya ang gusto niya, hindi malinaw para sa akin iyon. Nag-kibit balikat na lang ako.

Gaya ng dati, pasado alas diyes na ako ng gabi nakauwi. Naabutan ko pang tinutulungan ni Rolly ang tatay niya na magsara ng kanilang karinderya. Naalala kong wala na kaming kape. “Sandali lang po, pabili po muna ng 3in1 na kape.” Pagkakuha ko ng kape at sukli ay umakyat na ako.

Naroon na si Aris at abala sa pa-scroll ng kanyang CP. “Kanina ka pa ba Aris?” bating tanong ko na normal.

“Oo, kumusta naman sa trabaho mo?”

“As usual, pagod, wala yatang araw na konti lang ang tao sa aming resto, sadyang mas puntahan yata ng mga customers ang amin kesa sa kalaban hehehe.” Sabi ko.

“Dapat lang siguro na tangkilikin ng mga pinoy kasi pinoy din ang may ari.” Sabi naman niya.

Ganon lang ang usapan namin, kaswal lang, walang binanggit tungkol sa nangyari kagabi.

“Madalang yatang dumalaw ngayon si Noel ah, may LQ ba kayo?”

“Wala, nahihiya siguro sa iyo, kinwento ko kasi yung tungkol sa Condom eh hahaha, “

“Bakit mo naman kinwento pa? Mahihiya tuloy ako sa kanya kapag nagkita uli kami.”

Halos wala namang pinagbago sa samahan namin, hindi ko na talaga inungkat pa yung kina Bernard at Noland..

Dalawang lingo ang matuling lumipas. Tuwa ako dahil sa palagi siyang maaga. Bago kami matulog ay nakakapagkwentuhan muna kami ng konting sandali. Sanay naman siyang matulog ng 11 o 12 sa gabi, natutulog din naman daw siya pag-dating ng hapon, nasanay na raw siya ng ganon lalo na at walang nang-aabalang dormmate o kaibigan.

Sabado na naman, relax ako kinabukasan dahil rest day ko. Ganun pa rin naman ang uwi ko nung araw na iyon, 10 nang gabi. Naabutan ko na naman na nagsasara na ng tindahan sina Kuya katulong si Rolly.

“Marami ka bang lalabhan bukas Wilson?” unang tanong ni Aris pag-dating ko.

“Hindi naman karamihan, tulad din last week,ikaw ba?” balik tanong ko.

“Nagpa-laundry na ako, me kumot at twalya kasi akong pinalabhan, konti na lang, ilang pirasong brief na lang,”

“Ganun ba? Sige, isasabay ko na lang sa lalabhan ko bukas.”

“Tulungan kita para madali kang makatapos, Mag malling naman tayo at manood ng sine bukas.”

Hala ano yun… date? Hahaha, joke lang.” sabi ko na napangiti.

“Sana nga date na matatawag,” mahina niyang wika.

“Ano yun?” tanong ko. Gusto ko lang sabihin niya ng malinaw, kinilig kasi ako.

“Waahhhh. Basta ha.”

Nag-ring ang phone niya, may nag-message. Agad siyang bumangon. “Bababa lang ako sandali ha, may kakausapin lang ako, Huwag mo nang i-lock ang pinto,” paalam ni Aris.

Sinilip ko siya sa may hagdan, lumabas siya ng gate. Pumasok na uli ako ng kwarto. Nanood muna ako ng TV habang hinihintay ko ang pagbalik ni Aris, pero kalahating oras na ang nagdaan ay wala pa siya. Naghintay pa uli ako, tutal naman ay hindi pa tapos ang pinapanood kong Korean drama. Natapos na at lahat ay wala pa rin si Aris. Lumabas uli ako ng silid, bababa sana ako para alamin kung sa labas lang nag-uusap. Nasa unang baytang pa lang ako ng hadan ng bumukas ang gate, hinintay ko kung sino ang papasok, si Aris at si Rolly pala. Pumasok na uli ako sa kwarto at nahiga na. Hinintay ko ang pagpasok ni Aris, pero magtutulug-tulugan ako. Pero limang minuto na ang lumipas ay wala pang Aris na dumating.

Hindi ako mapakali, ewan ko ba! Wala naman akong paki kung ano man ang gawin nila. Pero si Rolly ang kasama niya at may nakita akong ginawa nila ni Arnold. Masama na naman ang nasa isip ko.

Bumangon uli ako, bumaba. Nakita kong tila maliwanag pa ang bodega nina kuya ng softfrinks at ibang paninda. Nagtataka ako dahil palaging patay ang ilaw doon. Nagtingin-tingin pa ako sa paligid, wala namang ibang papasukan doon maliban sa loob ng bahay nina Rolly. Baka naman doon sila pumasok.

Aakyat na sana ako ng makarinig ako ng konting kaluskos sa loob, ng bodega, may tao sa loob. Naisip kong baka magnanakaw, pero sarado ang gate at naka-lock na.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto. Sinubukan kong pihitin ang door knob. Aba umikot, hindi naka lock. Itinulak kong bahagya. “Sandali lang, masakit!” ang narinig kong winika ng nasa loob. Narinig ko nang mabuti dahil sa konting siwang ng pinto, pero hindi pa rin kita ang loob.Itinulak ko pa ng bahagya, “Putang-ina,” mura ko sa aking isipan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

 

 

 

*****Itutuloy*****

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Gupit

  Gupit   “Mauro… may kilala ka bang barbero? Yung pwedeng mag-home service?” tanong ko sa kasama ko sa bahay na si Mauro. Kuya meron....