Martes, Setyembre 24, 2024

Barkada, Bestfriend, Mahal (Part 2/2)

 


Barkada, Bestfriend, Mahal (Part 2/2)

 

Ni sa guni-guni ay hindi ko inakalang may makamundong mangyayari sa pagitan namin ni Alex, ang aking barkada at bestfriend. Wala akong plano, wala akong balak, pero nangyari. Hindi ko kagustuhan, pero si Alex ang nagpasimula, sino ako para tumanggi, bading ako na hindi naman niya alam, Noon iyon, ngayon ay hayag na, nabisto na niya ang tunay kong pagkatao.

Maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Tulog na tulog pa rin si Alex. Bumaba ako para bumili ng pandesal sa malapit na panaderya. Pandesal lang naman ang palagi naming almusal para tipid. Kung minsan nga, madalas pala, ay wala na kaming almusal, tanghalian na kaagad at sa paaralan na lang kami kumakain.

Pagbalik ko ay wala na si Alex sa kanyang higaan, bumangon na siya. Nadinig kong may umubo sa banyo, nasa banyo pala siya. Nag-init na ako ng tubig sa aming electric kettle at naghanda ng dalawang tasa sa aming mesa. Pandesal at 3in1 na kape ang aking binila. Paglabas ng banyo ni Alex ay inaya ko siyang kumain na. Hindi siya kumibo, basta na lang naupo sa may mesa. Nagsalin ako ng tubig sa aming mug.

Tahimik lang siya at hindi kumikibo, ako na ang bumasag sa katahimikan. Naglakas loob akong magtanong. “Bakit?” yun lang naman ang natanong ko.

“Ewan, hindi ko alam, may gusto lang akong masiguro,” sagot niya.

“Masiguro na bading ako? Ngayon na alam mo na, pandidirihan mo ako? Lalayuan? Itatakwil? Sorry, hindi ko naman gusto ang nangyari, natukso lang ako at ikaw naman ang nagsimula. Nahihiya ako sa aking sarili, nagi-guilty para kay Shierley. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya,” ang nasabi ko na halos tumulo ang aking luha.

“Sasabihin mo ba?”

Umiling ako. “Hindi ko kaya, naiinis lang ako sa aking sarili, naging marupok.”

“Hindi niya dapat malaman, wala kang sasabihin.”

Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at nagbalik sa kanyang higaan, hindi na niya naubos ang iniinom na kape.

-----o0o-----

Wala kaming kibuan ng araw na iyon. Para hindi awkward na hindi kami nagpapansinan kahit na magkaharap kami ay naglaba na lang ako ng aking maruming damit, syempre, isinama ko pa rin ang sa kanya. Hindi rin ako sumabay sa pagkain sa kanila ng tanghalian, dahilan ko ay madumi pa ako. Hindi naman nila na ako pinilit.

Bandang hapon, mga 3PM ay nagbihis si Alex, tila may pupuntahan, hindi ko naman alam kug kasama sina Shierley at Malou, hindi naman siya nagpaalam sa akin at hindi rin ako inaya. Ibig sabihin ay galit siya sa akin. Nagtataka rin ako kung bakit hindi rin ako inaya nina Shierley.

Kung sabagay, mabuti na nga na hindi ako sumama, baka kasi mahalata nila na hindi kami nagkikibuan ngayon ni Alex. Nagtulog na lang ako, nagising ako na madilim na. Hindi pa nakabukas ang ilaw sa silid, ibig sabihin ay wala pa sina Alex.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ako at kaagad kong binuksan ang ilaw, Nag-ayos naman muna ako dahil lalabas ako para kumain, pag-bukas ko ng pintuan ay nabungaran ko si Alex, bago lang sigurong dating.

“Saan ang punta mo,” bungad niyang tanong.

“Ginutom na ako, kakain na sana ako,” tugon ko.

“Huwag na, pinag-take-out ka na namin. Kumain na kasi kami.”

Tuwa naman ako, ibig sabihin ay hindi siya galit. Pagkalapag ng pagkain sa mesa ay kaagad na naghubad ng kanyang damit si Alex, naka-boxer na lang siya at naupo sa may harapan ko habang ako ay kumakain. Hindi ko tuloy siya matignan ng diretso, kasi naman, kung ano-ano na namang kahalayan ang naglalaro sa aking isipan.

“Brod, ‘tol, pare,” sabi ni Alex.

“Bakit? Ano iyon?” tanong ko.

“Tungkol sa nangyari sa atin,” nakayuko niyang winika.

“’Tol sorry, pasensya na talaga. Promise, hindi na mauulit iyon,” sabi ko na tila nahihiya.

“Hindi iyon, nagustuhan ko ang nangyari kagabi, kaya wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin. Ang totoo, ako nga ang dapat na mag-sorry dahil nasaktan kita,” sabi pa niya.

“Hindi mo ako pinandirihan? Hindi mo ako iiwasan dahil sa bading ako?”

“Bakit naman kita pandidirihan, saka bakit kita iiwasan, barkada tayo, bestfriend kita, ano pa at naging bestfriend kita,” sabi pa ni Alex.

Eh kung hindi ka galit, kung hindi ka nandidiri sa akin, bakit iniwan ninyo ako, hindi ninyo ako isinama, hindi mo ako pinansin. Anong dahilan ang sinabi mo kina Shierley.

“Nahiya kasi ako sa iyo eh. Alam ko na dinugo ka, nakita ko yung brief mo sa banyo. Sinabi ko na lang kina Malou na masakit ang katawan mo dahil sa paglalaba mo. Sorry uli dahil nasaktan kita.

“Masakit talaga, kagabi nga ay natakot ako dahil akala ko ay hindi na maampat,” sang-ayon ko. Tinabihan ko siya. “First time ko yung kagabi, lahat iyon first time ko. Siguro dapat ay maulit, hehehe,” hirit ko. “Joke lang hehehe.”

Weh. Joke lang ba talaga? Gusto mo ba?”

“Kung gusto mo rin ba eh,” sagot ko.

“Walang problema, okay lang sa akin, gusto ko rin,” sabi ni Alex.

“No… joke lang. Nagi-guilty kasi ako, nakakahiya kay Shierley. Kung hindi nga lang sana natin barkada ang jowa mo ay baka inagaw kita sa kanya hehehe. Iiwasan ko nang may mangyari pa sa atin, promise.

“Sige, kung ayaw mo. Sabagay… tama ka. Sige tapusin mo na ang pagkain mo,” sabi niya. Tapos ay nagtungo siya sa banyo.

-----o0o-----

Hindi na nga naulit ang nangyari sa amin, pareho naming iniwasan ni Alex na maulit ang hindi magandang pangyayaring iyon. Kung minsan ay parang gusto ko na siyang gapangin lalo na nang minsang masaksihan ko siyang nagjajakol.

Matuling lumipas ang mga araw, nakatapos naman kami sa unang taon namin sa kolehiyo.

Kahit na naman bakasyon ay hindi rin kami halos madalas na nagkikita-kita dahil busy din kami. Ako halimbawa ay katulong ni Tatay sa bukid, ganon din naman si Alex. Sina Shierley at ang iba pa ay ganon din, minsan lang kaming nagkakasama-sama, at kapag nagkakasama-sama naman kami ay wala kaming pagsidlan ng tuwa at saya.

Mabilis na nagdaan ang bakasyon, balik uli kami sa aming pag-aaral, sa kasawiang palad kami na lang dalawa ni Alex ang nakabalik ng Maynila para ipagpatuloy ang aming pag-aaral. Si Shierley, ay nagkaroon ng financial problem ang pamilya dahil nagkasakit ang tatay niya, kinailangan niyang magtrabaho muna para makatulong sa pamilya niya. Ganon din naman si Malou dahil kailangan siya sa kanila kaya sa kalapit na bayan na lang ipinagpatuloy ang pag-aaral para araw-araw ay makauwi sa kanila.

Dahil kami na lang palagi ang magkasama ni Alex ay mas lalo akong na-fall sa kanya, lalo lang siyang napalapit sa puso ko. Tunay ko na siyang minahal.

Sa part naman ni Alex ay wala naman siyang sinasabi sa akin, pero sa mga ikinikilos niya sa mga paglalambing niya, sa sobrang ka-sweetan ay feel ko na may pagtingin na rin siya sa akin. Hindi lang niya maamin dahil sa may kasintahan na siya at alam kong mahal na mahal niya ito, Tatlong taon na rin sila at hindi naman sila nagbe-break.

-----o0o-----

Minsan na nagkainuman kami ni Alex ay napag-usapan namin ang nangyari sa amin dati.

“Hindi mo ba nami-miss kahit minsan o ninais man lang na maulit ang nangyari sa atin dati Obet.

“Kung alam mo lang,” ang tangi kong naisagot.

“Ako rin naman… na miss ko iyon. Katunayan ay ninais ko noon pa na maulit, kaya lang nahihiya kong sabihin sa iyo Obet,” sabi ni Alex.

“Uulitin natin?” tanong ko

“Basta walang pwedeng makaalam na iba, tayo lang dalawa,” sabi ni Alex.

“Oo naman. Promise, ako pa. Ang tagal ko ngang naitago ang aking tunay na gender eh, ikaw pa lang naman ang nakakaalam, unles na ipinagkalat mo na,” may halong biro kong saad.

“Hala, wala ka bang tiwala sa akin?”

“Buo ang tiwala ko sa iyo at buo rin ang pagmamahal ko sa iyo, alam mo iyan.”

“Ayan ka na naman eh, wala nang ganon, alam mo namang taken na ako,”

“Lights on o lights off?” tanong ko.

“Lights on!” sagot ni Alex sabay hatak sa akin at tulak sa kama, muntik pa akong mauntog sa kama sa itaas, sa double deck.

Mas mapusok, mas mainit ang pagtatalik namin, wala na kaming inhibition pa, inalis ko na rin  muna ang guilt, uunahin ko muna ang aking puson hehehe.

Tahimik ang silid, tanging paghinga namin ang madidinig at ang impit na ungol buhat sa amin habang taas-baba ang kanyang balakang sa akin ibabaw. Mariin, masakit, mahapdi pa rin ang pakiramdam ko, ngayon lang naman kasi naulit na mapasok ang makipot kong landas. Naging saksi ang silid na ito sa pagiging isa namin ni Alex. Halos kalahating oras din kaming nagtalik hanggang sa kami ay labasan pareho. Mula noon, gabi-gabi nang may nangyayari sa amin ni Alex.

Sa aming dalawa, syempre ako palagi ang bottom, pero pinapayagan din naman niya akong tirahin siya. Minsan lang naman nangyari iyon dahil sa mas gusto kong ako ang binibiyak kesa sa ako ang bumiyak dahil sa hindi ako napapagod hehehe.

Matapos ang masarap na pag-iisa naming iyon ay kapwa na kami nakaktulog ng hubo at hubad. Halos hindi na nagamit ni Alex ang kanyang kama sa itaas dahil lagi na lang kaming magkatabi at magkayakap. Hindi man sabihin sa akin ni Alex na mahal din niya ako ay ramdam na ramdam ko naman iyon.

Minsan na lang kaming umuwi sa probinsya namin, sayang din naman kasi ang pamasahe kung isa o dalawang araw lang kaming mamamalagi doon. Sabi ni Tatay ay sa bakasyon na lang daw ako umuwi, ganon din ang sinabi ng Nanay ni Alex.

Tungkol kay Shierley at kay Alex ay palagi naman silang nagkakausap sa CP, madalas ay text lang. Hindi ko rin naman nakikitaan ng pananabik si Alex na makita si Shierley, tuloy naghihinala akong nabaling na sa akin ang kanyang pagmamahal. Kasi, gusto niya na palaging nakayakap sa akin basta nasa silid na kami. Saka iba talaga siya, lately, ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa akin.

Malapit na uli ang bakasyon, isang buwan na lang at finals na namin. Galing akong eskwelahan ng pagpasok ko ng silid ay nadatnan kong may kausap si Alex sa phone, hindi ko naman malaman kung sino. Hindi naman ako nakikinig, talaga. Nagtungo ako ng banyo dahil sa jeep pa lang ay nakaramdam na ako ng pagdumi.

Paglabas ko ng banyo ay tapos na siyang makipag-usap. Na sense ko na parang malungkot siya.

“Anog balita? Bakit paramg malungkot ka. Sino ba ang kausap mo?” sunod-sunod kong tanong.

“Ah si Shierley. Halika nga rito, na-miss kita bigla,” lambing niya sa akin.

“Hmm, na-miss mo si Shierley, tapos ay ako ngayong ang pagbabalingan mo ng libog,” kunwari ay selos kong sagot.

“Selos ka naman eh, halika na rito, payakap,” sabi niya.

Ang lambing-lambing talaga niya ngayon, naninibago tuloy ako. Natanong ko tuloy kung hindi siya nakukunsensya sa ginagawa namin.

“Nakukunsensya, ikaw ba hindi?” sagot ni Alex.

“Nakuknsesnya syempre, pero bakit paulit-ulit nating ginagawa ang kasalanan natin?”

“Nakatikim ka na ba ng drugs?” tanong niya

“Hindi no, kahit kelan hindi ako tumikim at hindi ako titikim.”

“Alam mo ba na ang drugs, kapag natikman mo at nagustuhan mo at nalulong ka ay hahanap-hanapin mo na, maadik ka na at uulit-ulitin mo ang pagtikim,” sabi niya.

“Alam ko, basic naman iyon,” sagot ko.

“Alam mo. Alam mo ba na ikaw ang drugs ko?”

“Hala, ano ba iyon. Bakit?”

“Kasi… nang matikman kita, naadik ako kaagad, kaya inulit-ulit ko na hehehe.”

“Gagi… may hugot ka pa.”

“Siguro ay mag-clebrate tayo, bili tayo ng gin sa tindahan,”

“Hah, anong ise-celebrate natin? Malayo pa ang birthday ko, lalo ka na.”

“Basta!”

“Bakit nga?”

“Malaya na ako, malaya na tayo pareho at hindi na tayo parehong makokonsensya pa,” sabi niya.

“Linawin mo nga ang sinasabi mo?”

“Si Shierley, buntis, mag-aasawa na kaya malaya na tayo, pwede ko nang sabihin sa iyo na mahal na mahal kita, Matagal ko nang dapat ipinagtapat sa iyo, kaya lang ay wala akong maidahilan para hiwalayan si Shierley. Matagal na kitang minahal noon pang unang may mangyari sa atin. Sinadya ko talagang may mangyari sa atin para malaman ko kung totoo ang feelings ko na may gusto ka sa akin, ang problema lang ay kami pa ni Shierley. Nakahalata rin siya na nanlalamig ako sa kanya, madalas kong hindi sinasagot ang text niya, madalang ko na ring tawagan siya, kaya siguro ay hayun, nagpaligaw sa iba, nabuntis, kaya magcelebrate tayo.

Napayakap ako kay Alex, tumutulo ang luha ko. Kasi ba naman, sa halip na magdamdam ay heto, gusto pang mag-celebrate, kaya pala ganon na lang kung maglambing. Hindi pala ako nagkamali sa pakiramdam ko na mahal niya rin ako. Ito na ang gabing pinakamasaya sa buhay ko, finally may label na rin kami, magjowa na kami ni Alex.

Ang yakapang iyon ay nauwi sa mainitang pagtatalik. “Pucha, nakakalibog ka talaga Obet, ayan na ang tamod ko aaahhhhh shet!” impit na wika ni Alex habang sumisirit sa loob ko ang napakaraming niyang tamod sa loob ko. Ngayon lang talaga ako nakadama ng napakasayang pagtatalik namin dahil alam kong ginagawa namin ito na hindi kami nagtataksil, na ginagawa namin ito dahil sa mahal namin ang isa’t–isa.

Matapos siyang labasan ay hindi siya pumayag na ako ang magjakol sa sarili kong burat, chinupa niya ako at nang marating ko ang climax ay hindi rin niya iniluwa ang aking burat, sa loob ng kanyang bibig ako nilabasan na ngayon lang nangyari sa amin, sobrang saya ko talaga, napatunayan kong mahal talaga ako ni Alex.

Nang magbakasyon ay nakipagkita rin si Shierley kay Alex, kasama din ako dahil gusto raw ni Alex na madinig ko ang pag-uusapan namin.

Humingi ng paumanhin si Shierley dahil sa nagawa nito. Natukso daw siya dahil sa magkalayo ang dalawa, isa pa nakaramdam din daw si Shierley ng panlalamig kay Alex. Naghinala daw na may iba na itong jowa na hindi lang sinasabi.

“Minahal mo ba talaga ang asawa mo ngayon?” tanong ni Alex.

“Natutuhan ko na siyang mahalin, mabait siya at tanggap niya ako kahit na sinabi kong hindi na ako birhen dahil may nakauna na sa akin,” sagot ni Shierley.

“Ako ba, mahal mo pa rin ba ako?”

“Bahagi ka na ng buhay ko, siguro may pitak ka pa rin sa puso ko kahit konti. Na miss pa rin naman kita. Pero kapag kaharap ko na ang asawa ko ay wala na akong ibang naiisip pa kundi ang mister ko. Siguro ay nawala na rin ang pagmamahal ko. Pero sana manatili pa rin tayong friends.”

“Oo naman, barkada, friends. Me ipagtatapat din ako sa iyo Shierley. Kasi, nung hindi na tayo nagkikita, nung magkalayo na tayo ay medyo unti-unti ay nawawala na rin ang pagmamahal ko sa iyo, may natutuhan na rin akong mahalin.”

Talaga Alex. Ibig sabihin ay quits pala tayo.”

“Hmm… pwede rin, pero sa atin-atin lang muna ha, sana ay wala ka munang pagsabihan, kasi ay gusto ko munang i-ready ang parents ko, alam mo na nag-aaral pa ako. Makapagpa-promise ka ba?”

“Oo naman, ako pa. Ano ba iyon?”

“Yun nga, may natutuhan akong mahalin na lihim din palang nagmamahal sa akin. Hindi ko alam na mahal din pala niya ako. Nalaman ko lang nung gabing kausapin mo ako at sabihin na mag-aasawa ka na dahil buntis ka na nga. Alam mo ba, sa halip na malungkot ako, ay natuwa pa ako, kasi ay hindi ko na kailangan hiwalayan ka, Siguro ay naramdaman mo na masaya pa ako,” sabi ni Alex.

“Medyo. Kilala ko ba ang bago mong mahal?

“Kilalang kilala dahil barkada din natin siya, kaibigan natin.”

“Sino? Si Malou? Si Aimee o si Cora?”

“Wala sa kanila, nasa harapan mo na.”

Nanlaki ang mga mata ni Shierley, hindi makapaniwala sa isiniwalat ni Alex.

“Kayo ni Obet? Yes hahaha.” Tuwang-tuwang wika ni Shierley, halos mapalundag danga’t buntis.

“Bakit parang tuwang-tuwa ka pa.” tanong ko.

“Alam mo Obet, high school pa lang tayo ay may iba na akong nararamdaman sa iyo, hindi lang talaga ako nagseryoso. Alam mo ba na may hinala na ako sa iyo noon na silahis ka. Kasi, yung mga barkada natin, pati na iba nating kaibigan na lalaki ay open na open sa nagugustuhan at gustong ligawan, ikaw lang ang tila tahimik. Sabi ko na baka silahis ka. Sinabi ko iyon kina Malou, pero hindi raw, straight ka raw. Well tila nga, hindi ka naman kumilos na parang bading, pero iba talaga ang feeling ko lalo na at sobrang close ka kay Alex. Gusto ko na ngang magselos eh hahaha,” pag-amin ni Shierley.

“Ngayon na alam mo na, bakit masaya ka pa?” tanong ko.

“Kasi… noon pa, naisip ko na mas bagay kayo, alam na alam na ninyo ang kiliti sa isat isa, kilalang-kilala na ninyo ang bawat isa. Kaya naman tuwa ko pa nang malaman kong kayo na. Matutuwa pa ang tropa kapag nalaman nilang kayo na.”

“Huwag muna, kasi baka kumalat at makarating sa parents namin. Baka hindi na kami papag-aralin pa. Shierley ha, sikreto natin ito, kapag kumalat ito ay ikaw lang ang pagbibintangan ko,” sabi ko.

“Hindi Mare hahaha.?

“Mare ka diyan. Kukunin mo siguro kaming ninong,” sabi ko.

“Kayong lahat, para lalong maging malapit tayo,” sabi ni Shierley. “Kelan pala kayo nagka-aminan?”

“Nung gabing magkausap kayo, narinig ko kasi ang pag-uusap ninyo nang dumating ako. Siya ang naunang umamin, kasi ay tuwang-tuwa na ibinalita sa akin na ikakasal ka na raw hahaha,” sabi ko. Minabuti kong magsinungaling dahil nakakahiya kapag inamin kong matagal nang may nangyayari sa amin.

“May nangyari na ba sa inyo?” pilyong tanong ni Shierley.

“Secret hehehe. Hind mo naman malalaman kung may nangyari na kasi hindi ako mabubuntis hahaha.”

“Hus, alam ko. Sa ngiti mong iyan Obet ay may nangyari na, iba ang aura mo eh, hehehe. Buti pa ay umuwi na ako, baka dumating na ang asawa ko at hanapin ako,” paalam ni Shierley.

“Basta, secret muna ha,”

Masaya kaming naghiwalay, isinakay muna namin ng tricycle si Shierley. Kami naman ay nagpasyal-pasyal pa.

Masayang-masaya kami, iisa na lang ang problema namin, kung paano namin sasabihin sa mga parents namin ang aming relasyon ni Alex. Pareho kaming lalaki at baka mahirapan silang tangapin kami. Pero nagkasundo naman kami ni Alex na kahit anong pagsubok at pagdaanan namin sa aming pagmamahalan ay aming haharapin.

“I love you Alex.”

“I love you more Obet.

Sana talaga ay forever na kami.

-----o0o-----

Ngayon ay binata pa rin kami ni Alex, hindi pa kasi kami legal na mag-asawa. Nagsasama na kami sa iisang bubong at tanggap na kami ng mga magulang namin. Stable na rin naman ang aming trabaho, ako ay bilang isang programer sa isang car dealer at si Alex naman ay isang engineer na at chief engineer na sa kompanya nila.

Balak din naming magpakasal at magkaanak, kaya nag-iipon kami para kapag nakahanap na kami na papayag na maging surrogate mother na anak namin ay may pambayad kami. Sa ngayon  ay maligaya kami at malapit na ang 7th year anniversary nang pagiging magjowa namin.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking istorya.

 

 

>>>>>WAKAS<<<<<

2 komento:

  1. Haaayyyyy! Ang sarap naman. Congratulations sa inyo Alex & Obet! ;-)

    TumugonBurahin
  2. Wow nice happy ending. Congratulations Alex and Obet. Hehehe...

    TumugonBurahin

Gupit

  Gupit   “Mauro… may kilala ka bang barbero? Yung pwedeng mag-home service?” tanong ko sa kasama ko sa bahay na si Mauro. Kuya meron....