Meet Up (Part 11)
Gusto pa ni Edmond
na sa Condo niya ako matulog, subalit tumanggi na ako, hindi na naman niya ako
pinilit. Alam ko naman na gusto pa niyang makipag sex, ang tindi talaga ng
libido ng Edmond na ito.
Nagpahatid na lang
ako sa kanya sa bahay, pasado ala-una na iyong ng umaga.
-----o0o-----
Dahil sa ginawa ni
Edmond sa pagsali sa shooting na torohan ang eksena ay nawalan na ako ng gana
lalo na at nagpatira pa siya sa likod niya. Na turn-off talaga ako. Hindi ko na
gustong makipagkita pa rin sa kanya.
Lumipas ang ilang
araw, ay hindi man lang siya nagparamdam sa akin, hindi ko naman gustong
tawagan siya at kausapin para sabihin lang na tigilan na namin ang pag-uusap,
lalo na ang magkita pa. Marahil ay napahiya rin sa akin dahil hindi na rin siya
nagme-message o tumatawag sa akin. Natuwa naman ako dahil sa hindi ko na
kailangan pang kausapin dahil sa baka may masabi pa akong pwede niyang
ipagdamdam.
May naging problema
din naman ako sa hindi pakikipag-usap o makikipagkita kay Edmond, kung problema
ngang masasabi, balik kasi ako sa pagsasariling sikap.
Naalala ko si Ted
at si Buboy, pwede ko silang tawagan, pero nagdadalawang isip ako. Kasi naman,
minsan ay nakakaramdam ako na parang nagiging malaswa na akong tunay. Siguro
dahil sabi na ni Ruth ay late bloomer ako, kung kelan kasi ako nagka-edad ay
saka pa ako lumantad. Sabi ko naman eh, “Bakit si BB Gandanghari?”
Ngayon pa lang kasi
ako nakakaramdam ng pagiging malaya sa aking damdamin, pero dapat ba talaga na
may kahalong sex? Hindi naman ako ang tipo ng bading na sasali sa mga gay
pageant at magbibihis na parang babae.
Ang gusto ko talaga
ay makahanap ng taong tapat na magmamahal sa akin at makapagdudulot ng aliw sa
pangangailangan ko sa sex. Gusto ko lang talagang maging masaya, yung may
makakatuwang sa aking pagtanda. Pero mahirap palang humanap. Sa dami ng mga
bading na naglitawan ngayon, palagay ko ay bihira ang makatatagpo ng isang
lalaking tapat na magmamahal sa kagaya namin.
-----o0o-----
Maraming trabaho sa
office, subsob kami pareho ni Ruth at ng iba ko pang staff sa pagtatrabaho.
Hindi makalapit sa akin si Ruth para makipag- tsismisan dahil may deadline siya
sa akin ngayon at sinabihan kong tapusin ngayong araw. Sinabi ko pang kung
kinakailangan na i-overtime ay gawin niya kaya mas lalo pa siyang nangarag.
Hindi niya kasi gustong mag-OT.
Lunch time nang
makaresib ako ng text sa phone ko. “Hi… kain ka muna, baga malipasan ka ng
gutom. Pwede ba tayong mag-chat mamayang gabi? Lunes ngayon at wala akong
trabaho.” Ang text ay mula kay Edmond, yung isang Edmond na sabi ko ay
tatawagin ko na lang Ed.
Sinabi ko namang,
“Okay lang, pero baka medyo late sa gabi dahil busy kami itong araw na ito.”
Okay lang daw basta
maka-chat lang ako.
Pagdating ng 5 sa hapon
ay saka pa lang ibinigay sa akin ni Ruth at report na hinihingi ko kaya naman
nag-stay pa ako sa office para ma-review man lang ng konti ang ginawa niya. Si
Ruth naman ay nagmamadaling tumalikod pagka-abot sa akin ng report ay inimail
din daw sa akin ang parehong report. Ganun talaga siguro pag may pamilyang
naghihintay sa kanilang bahay, palaging nagmamadali sa paguwi.
Inabot din ako ng
6:30 sa pagre-review, may mga nilagyan ako ng tickmark para ma clarify iyon
bukas kay Ruth. Pagbaba ko ay syempre, makikita ko na naman si Jess, pero wala
siya sa post at iba ang gwardiyan naroon.
“Wala yata si
Bautista,” sabi ko sa gwardiyang naroon.
“Narito po, nag CR
lang po,” sagot ng gwardya. “Bakit po?”
“Ah wala. Kasi ay
siya palagi ang nakikita ko pag-sapit ng uwian ko.”
“Opo, medyo late
nga po siya kaya narito pa ako. Hayan na pala siya,” sabi ng gwardya.
“May kailangan po
ikaw sa akin Sir?”
“Wala, nahanap lang
kita kasi ay wala ka sa post mo pagbaba ko. Sige, maiwan ko na kayo.”
“Ingat po sir,”
sabi ni Jess.
Hindi ko alam kung
ano talaga ang nararamdaman ko sa gwardyang si Jess. Kasi sa tuwing uuwi ako ay
gusto kong nakikita siya, ang mga ngiti niya sa akin, ang pagbati at ang
pagsasabi ng ‘ingat ka’ sa tuwing lalabas na ako ng building para umuwi. Totoo,
may pagnanasa akong nararamdaman sa kanya, pero hindi iyon eh, baka napo-fall
na ako talaga sa kanya.
Habang tumatakbo
ang sinasakyan kong taxi ay si Jess at si Ben ang nasa isipan ko. Iba si Ben
kung ang titignan ay ang kalagayan nila sa buhay. Sabihin na natin pareho sila
pagdating sa gandang lalaki, pero sa klase ng trabaho at sa kinikita ay
magkaibang-magkaiba sila. Ano ba naman ang inaasahang kita ng isang gwardya.
Oo, marangal na trabaho, pero pagdating sa income, dehado talaga.
Si Ben ay nagpakita
sa aking ng intetes kahit papano, si Jess ay hindi, pero kung ako ang
pamimiliin, mas gusto ko si Jess. Paano naman iyon, ako ba ang manliligaw kay
Jess, parang nakakahiya lalo na kapag nalaman sa buong kompanya namin, ako,
nanligaw at nakipagrelasyon kay Jess. Pareho kaming lalaki, kaya siguradong
pag-uusapan, pero bading ako, pusong babae, masama bang magmahal? Hay buhay.
Ang hirap pala talaga ng maging bading.
-----o0o-----
Pagdating sa bahay
ay kaagad akong nagpalit ng damit. Ilang saglit lang ay tumawag na si Mama
dahil kakain na kami. Pagkakain ay balik ako kaagad sa silid. Sabi ko kay Mama
na pagod ako at hindi nakapahinga sa office. Pagpasok ko ng silid ay kaagad
kong binuksan ang aking laptop, naalala ko nga palang gustong makipag-chat sa
akin ni Ed. Online na siya, kaagad akong nag hi.
Ako: Hi Ed. Kumusta ka na, naghintay ka ba sa
akin?
Ed2: Hello
Marius. Okay lang. Oo, hinintay kita, sabi mo naman kasi ay meyo late ka. Pero
hindi pa naman matagal.
Ako: Kumusta
ang trabaho mo at ang pag-aaral mo?
Ed2: Okay
lang ang studies ko, pero sa trabaho ako nahihirapan talaga. Alam mo na, hindi
naman talaga biro ang magmasahe. ‘Di ba… sabi mo dati ay ikaw naman ang
magkukuwento tungkol sa iyo?”
Ako: Sinabi
ko ba iyon? Oo nga pala. Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin? Alam mo
na naman na gay ako at medyo may edad na rin.
Ed2: Gusto
ko lang na malaman kung may BF ka na at iba pa tungkol sa iyo, likes, dislikes,
favorite hehehe. Parang slum book ba noong araw hehehe.
Ako: Wala
akong BF. Nasabi ko ba sa iyo na ka-a-out ko lang sa family ko at sa mga
kaibigan?
Ed2: Oo,
nasabi mo na sa akin. Kaya nga natanong kita kung may BF ka ngayon.
Ako: Bakit
ka interesado ha? Hehehe. Baka napo-fall ka na sa akin ha? Joke lang iyon.
Ed2: Kung
sakali ba, may pag-asa ako hehehe. Hindi joke iyon. Ano me BF ka na ba?
Ako: Wala
pa, pero me crush ako ngayon dito sa office, dalawa, isang salesman at isang
guard. Sa tingin mo, saan ako mas bagay hahaha.
Ed2: Ako,
hindi mo ba ako crush?
Ako: Hindi
eh. Unang-una, ang bata mo, pangalawa, sobrang gwapo ka para sa akin. Baka
kapag nakasabay mo ako ay magmukha akong alalay mo.
Ed2: Grabe
ka naman. Alam mo ba na wala pa rin akong nagiging GF o BF. Kasi nga hindi ako
yung inaakala mo na gwapo. Basta malalaman mo kapag nakipagkita ka sa akin.
Ako: Alam
mo Edmond, may ipagtatapat ako sa iyo. Sana lang ay huwag mo akong ijudge
kaagad ha. Hindi ba sabi ko sa iyo na may naka-chat din ako na Edmond din ang
pangalan, Soriao nga lang ang apelyido, baka nga kamag-anak mo eh nawalan lang
ng ‘N’ ang apelyido niya.
Ed2: Oo,
natatandaan ko. Ano ang tungkol doon.
Ako: Kasi
nakipag meet-up ako sa kanya. Hindi ko naman alam na may iba pa siyang agenda.
Alam mo ba ang ibig kong sabihin? Tama ka, bumigay ako kaagad. Kasi nga curious
ako, para bang nakawala ako sa pagkaka-kulong at dahil sa malaya ay hayun,
madaling natukso. Hindi na ako Virgin. Pero isang beses pa lang na nagnyari,
hindi na naulit dahil sa hindi na ako nakipagkita pa. Para kasi akong natauhan,
masama hindi ba. Baka kasi ganon din talaga ang gusto mo kapag nag meet tayo.
Ed2: Hala,
wala akong balak na ganon. Kaibigan ang hanap ko at possible na partner. Wala
kasing babaeng magkagusto sa akin kaya nagbabakasakali naman ako sa lalaki, sa
isang gay. Baka sila talaga ang para sa akin.
Ako: Eh
di out na ako sa prospect mo, kasi may karanasan na ako?
Ed2: Hala,
bakit? Malinis ba ako? Alam mo naman na pumatol na rin ako at nagpabayad pa.
Pero lalaki naman tayo at walang mawawala. Hindi naman tayo mabubuntis. Mabuti
pa ay magkita na tayo para makilala mo ako ng lubusan.
Ako: Sige
ba. Kelan mo gusto?
Ed2: Sa
darating ng Sabado. May pasok ako sa school at ang labas ko ay 4PM. Okay ba sa
iyo na after ng class ko tayo magkita?
Ako: Okay
lang sa akin. Pero may trabaho ka ‘di ba?
Ed2: Tawag
na lang ako na hindi ako makakapasok. Magkit tayo… saan ka ba malapit? Pwede ka
ba sa Cubao? Sa gateway mall tayo magkita. Doon kita hihintayin sa foodcourt.
Ako: Okay
sige. 4:30 siguradong naroon na ako. Sige, huwag mong kalimutan ha, baka
indyanin mo ako. Mag out na ako at mag-shower muna ako bago matulog.
Ed2: Sige
Marius. Salamat sa oras mo. Bye.
Ako: Bye.
-----o0o-----
SA buong linggong
ito ay hindi ko man lang nakita si Ben, busy siguro o di kaya ay hindi naman
talaga seryoso sa akin. Ako lang at si Ruth ang nag-assume na interesado siya
sa akin. Pero si Jess, talaga yatang napo-fall na ako sa gwardyang ito. Minsan
kasi na late uli ako nakauwi tapos ay ang lakas pa ng ulan kaya hindi ako
makalabas ng building para makapag-abang ng sasakyan, kaya doon muna ako sa
lobby ng building nag stay at kausap si Jess.
Ako: Jess,
hindi ka ba nahihirapan diyan sa schedulo mo? Gising ka sa gabi at tulog ka sa
araw, para kang paniki hehehe.
Jess: Kasanayan
din Sir. Pero hindi naman palagaing ganitong oras ang duty ko eh. Baka sa
susunod ay sa araw naman ako, nagpapalit din naman kami ng oras. Pero para sa
akin ay mas okay lang ang gabi, kasi, konti lang ang tao na tatanungin ko kung
saan ang punta. Mga ganong bagay. Sa gabi kasi ay wala namang bisita, narito
lang ako sa loob, sinisiguradong wala nang tao.
Ako: Nagsosolo
ka ba?
Jess: Hindi
Sir, dalawa kami, yung isa ay nasa kabilang exit. Hindi naman kalakihan nitong
building kaya dalawa lang kami sa gabi. Sa araw ay alam ko mas marami.
Ako: Anong
ginagawa mo para hindi mainip.
Jess: Basa-basa
lang ng dyaryo. Makipag-chat sa CP, nood ng video hehehe. Ganon lang.
Ako: Mga
porn video, mga scandal ano, huwag tatanggi. May GF ka ba?
Jess: Ganon
talaga eh. Lalaki lang hehehe. GF? Wala po.
Ako: Talaga
lang ha. Sa gwapo mong iyan mawawalan ka ng GF.
Jess: Opo,
wala talaga. Wala kasing magkagusto sa akin.
Ako: BF?
Baka naman kagaya din kita na BF ang hinahanap.
Jess: Pwede
po bang mag-apply?
Ako: Ikaw
ha… papatulan kita. Pwera biro, baka naman nagka BF ka na talaga. Wala namang
masama, ‘di ba?
Jess: Opo,
kaya lang hindi kami nagtagal.
Ako: Totoo?
Bakit naman hindi nagtagal?
Jess: Huwag
na lang sir. Sa akin na lang.
Ako: Totoo
yan ha. Hindi biro. Minahal mo ba talaga?
Jess: Totoo
po, pero ikaw lang ang pinagkwentuhan ko. Alam din nung isang gwardya sa exit
dahil kilala niya. Gwardya din po ang nakarelasyon ko.
Ako: Nasaan
na siya ngayon?
Jess: Nag-abroad.
Balita ko ay may bago na.
Ako: May
experience ka na ba? Maraming bading dito, may pinatulan ka na ba?
Jess: Sir…
nakakahiya eh.
Ako: Bakit
ka mahihiya. Alam mo, ako din naman, nagka-experience na rin. Minsan lang
naman, hindi pa nga nauulit eh.
Jess: Gusto
mo pong maulit hehehe. Joke lang. Meron na rin po akong experience sa babae at
sa lalaki, sa isang lalaki pa lang naman yun nga po, dun sa nakarelasyon ko.
Dito sa office, meron nagpapahaging, tsinatsansingan pa po ako eh, kaya lang
ayaw ko po, kabago-bago ko lang dito, baka ma scandal pa ako at mawalan ng
trabaho.
Ako: Nalibang
ako sa pakikipagkwentuhan sa iyo. Wala na palang ulan. Alis na ako, bye!
(kunwaring hahawakan ko ang harapan niya. Nagulat at napaatras.) Hahahaha
Jess: Si
Sir talaga, nangugulat, pwede naman totohanin eh hahahaha. Sige po Sir, ingat
ka sa daan.
Habang naglalakad
ako sa abangan ng sasakyan ay napapaisip ako, may chance ko palang matikman
itong si Jess. Tikim lang, kasi ayaw ko pa talagang may karelasyon.
-----o0o-----
Nang mga sumunod na
araw ay ganon pa rin naman kami ni Jess, babatiin ng ngiti at sasabihan ng
‘ingat ka po sir’. Pero iba ang ngiti niya, ewan ko ba, para talagang iba,
pakiramdam ko lang naman, yung para bang nagpapa-cute hehehe. Baka naman ako
rin. Ah, magpakita lang siya sa akin ng motibo ay papatulan ko siya hehehe.
-----o0o-----
Dumating ang araw
ng Sabado. Maaga akong naligo muna. Nagpaalam ako kay Mama na may bibilhin lang
sa mall, mabuti at wala si Papa. Ang hirap kasing magpaalam kay Papa, ang
daming tanong. Ewan ko ba kung bakit nagkaganon sa akin si Papa. Minsan nga ay
kakausapin ko siya kung bakit bigla siyang naghigpit sa akin.
Wala pang 4:30 ay
naroon na ako sa lugar kung saan kami magtatagpo ni Ed. Nakaupo na ako sa may
isang bakanteng mesa. Hindi ko alam na naroon na rin pala siya at halos sa
tapat ako napaupo kaya tumayo na ako at pinuntahan ko na siya.
“Kanina ka pa ba?”
kaagad kong tanong pagkaupo ko pa lang.
“Hindi naman, mga
10 minutes pa lang. Talagang nagpaaga ako. Gusto mong magmiryenda muna tayo?”
sabi naman ni Edmond.
“Mamaya na lang.
Ano, kumusta ka na. Grabe, ang gwapo mo talaga, kaya pala panay ang tingin ng
mga babae sa iyo dito eh,” biro ko na may katotohanan naman.
“Hindi naman, ikaw
yata ang tinitingnan eh, saka sabi mo e may edad ka na, kung totoo man ay hindi
halata.
Totoong gwapo si
Ed, iisipin na may lahi, pero 100% daw na pure pinoy siya. Fair ang complexion
niya, matangos ang ilong at masasabi ko na ang best asset niya ay ang kanyang
mga mata, nangungusap. 5”7’ daw siya at maganda ang build ng katawan.
“Finally, nagkita
na tayo. Anong masasabi mo ngayon nagkaharap na tayo? Disappoined ka ba dahil
tanders na ako hehehe,” sabi ko.
“Ang totoo, masaya
ako. Nag-aalala nga ako kanina na baka hindi ka dumating eh, ngayon dumating ka
na ay sobra talaga ang tuwa ko. At bakit naman ako madi-disappoint. Sabi mo 30
ka na, hindi naman pala eh. Mukhang mas may edad pa ako sa iyo. Kung totoo mang
30 ka na, hindi halata dahil bata ang itsura mo, para ka pa ngang totoy eh
hahaha.”
“Ano yun,
compliment o insult? Hindi, joke lang. Maraming salamat, nakaka boost ng
confidence ko ang sinabi mo hehehe. May tanong lang ako sa iyo Ed, nagbabasa ka
ng gay stories, ibig bang sabihin nito ay gay ka rin? Natatandaan kong sinabi
mong straight ka sa chat natin, pero gusto ko pa ring marinig ng harapan mula
sa iyo,” sabi ko.
“Yes, straight
ako,” tugon ni Ed.
“Marami ka bang
naging chatmate at meron din bang nakipagkita sa iyo in person?” tanong ko uli.
“Oo, mahilig talaga
akong makipag-kaibigan on line. Iba-iba ang nakaka-chat ko, iba-iba rin ang
pakay nila sa pakikipag-usap sa akin. May mga gusto lang ang sex, yung iba
naman ay may ibebenta pala, iba-iba. Ang pakay ko lang naman talaga sa
pakikipag-chat ay makakilala ng totoong tao, mabuting tao, lalaki man o babae
na mamahalin ko. At yung taong iyon ay tutumbasan din ng tapat na pagmamahal
ang iaalay kong pag-ibig, yung maiintindihan ako, hindi ikahihiya, iyon lang,”
mahabang winika ni Ed.
“Sa tanong mo kung
may nakipag-meet up sa akin, ay meron din naman. Pagkatapos akong makita ay
para ding bula na maglalaho, wala nang paramdam. Me iba na naman na matapos
silang makipag set ng meet-up ay hindi ako sisiputin. Ang hinala ko nga ay
nauuna sila sa tagpuan namin, at kapag nakita na ako ay disappointed siguro at
hindi na nagpakita. Marami, kaya nga ng dumating ka ay tuwang-tuwa ako.” wika
pa ni Ed.
Marami pa kaming
napagkwentuhan, mga bagay-bagay tungkol sa amin. Komportable naman akong kausap
si Ed kahit na malaki ang agwat ng aming edad
“Gutom ka na ba?
Anong gusto mong kainin natin, my treat,” sabi ni Ed.
“Ay hindi ako
papayag, share tayo. Gusto ko ay pizza lang at ang drinks ay beer. Okay ba sa
iyo?” sabi ko.
“Alam mo Marius,
pareho tayo ng nasa isip. Iyan din sana ang isa-suggest ko sa iyo. Okay. Ako na
ang bibili,” sabi ni Ed. “Hawaiian flavor.”
Nag thumbs up ako.
“Sandali, Nakita ko ang bilihan ng beer, ako na muna ang bibili at maiwan ka
muna dito, baka wala tayong maupuan kapag walang maiwan. Pagbalik ko ay saka ka
naman bumili ng pizza,” sabi ko.
Tumayo na ako at
tinungo ang bilihan ng beer. Isang pitsel lang ang binili ko. Pag-kaupo kong
muli ay si Ed naman ang tumayo para bilhin ang pizza. Pagtalikod niya at
paglakad ay may napansin ako kay Ed. Hindi siya pantay maglakad, tila maiksi
ang isa niyang paa, pilantod siya. Iyon siguro ang sinasabi niya na baka raw ma-disappoint
ako kapag nagkita na kami at marahil iy iyon din ang dahilan kung kaya magtapos
makipagkita sa kanya ang mga ka-chat ay hindi na muli pang nagpaparamdam.
Nakaramdan ako ng lungkol.
>>>>>ITUTULOY<<<<<
Ang haba ng buhok mo Marius! Dalawa pa yan sabay Jess at Ed! Ha ha ha! ;-)
TumugonBurahin