Sabado, Nobyembre 30, 2024

Anton’s Love ang Sex Stories (Part 17) Si Jay, Ang Kapatid ni Jaz

 


Anton’s Love ang Sex Stories (Part 17)

Si Jay, Ang Kapatid ni Jaz

 

 

Tanghali na ay hindi pa rin gumigising si Jaz. Gusto ko sanang gisingin na dahil ang sabi niya kahapon ay umagang-umaga siya uuwi ng bahay nila. Naisip ko na baka nagbago ng isip, baka napagod sa ginawa namin kagabi.

Naisipan kong ipa-laundry ang aking kumot, mukhang natapunan kasi ng tamod ni Jaz. Isinabay ko na rin ang iba kong damit dahil may minimum na timbang. May malapit namang laundry shop sa boarding house kaya sumaglit na ako roon. Pagbalik ko ay may tao sa tapat ng aming silid.

Ang gwapo niya, matangkad, maputi, matipuno ang katawan, para siyang fashion model, ang ganda kasing magdala ng damit. Simple lang ang suot niyang white shirt at maong pants, pero grabe, fit na fit, bakat ang maganda niyang katawan. Para akong na-starstruck.

Nilapitan ko siya. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa napaka-gwapong lalaki. Nang magsalita siya ay lalo akong humanga, ang ganda ng boses niya, buong-buo na parang isang announcer sa radyo.

“Ah yung kapatid ko, Dito ang room niya. Katok ako ng katok ay walang nagbubukas ng pinto,” sabi ng lalaki.

“Ah si Jaz. Naku, tulog pa yata. Sandali lang ha at bubuksan ko ang pinto para makapasok ka na. Nagtungo kasi ako saglit sa lundty shop. Ako nga pala si Anton, roommate ni Jaz,” pakilala ko. Kailangan ko kasi siyang makilala hehehe.

“Ako si Jay, panganay na kapatid ni Jaz,” pakilala naman ni Jay.

Natitigan ko siyang mabuti. “Ah… ngayon ko lang napansin, malaki nga ang hawig mo kay Jaz. Mas gwapo ka lang at matangkad. Tuloy ka na, pasok na. Hayun nakanganga pa nga at tulog na tulog hehehe.”

Nilapitan niya ang kapatid, tinapik-tapik, niyugyug pa. “Hoy Jaz! Jaz! Gising na. Tanghali na.”

“Kuya! Anong ginagawa mo dito,” sabi ni Jaz na bumangon na at pupungas-pungas pa.

“Dinadalaw ka, ano ba. Buti at inabot kita dito, akala ko ay nakauwi ka na sa bahay,” sabi ni Jay.

Ewan ko ba kung bakit nakatanga ako habang nag-uusap sila. Gusto ko kasing mapagmasdan pa ng matagal si Jay.

“Sa atin ka na ba umuuwi Kuya?”

“Nah! Bakit pa. Galit sila sa akin di ba? Hindi nila ako kailangan doon,” sabi naman ni Jay.

“Kuya, sandali lang ha, magbabawas lang ako. Anton, kuya Jay ko. Kayo muna ang mag-usap, mag banyo lang ako.” – si Jaz.

“Jay, gusto mo nang kape? Tubig? Wala naman akong ma-offer sa iyo, kasi sa baba kami nakain palagi, may karinderya kasi ang may-ari ng boarding house na ito.”- ako.

“No… no. Okay lang. Mamaya lang ay lunch na. Kumusta si Jaz, nagkakasundo naman ba kayo dito?”

“Ay oo naman. Mabait siya, kita mo malinis ang silid. Pagbangon pa lang niya, ayos na ang kama.”

“Ganon talaga siya, organized, hindi tulad ko, burara hehehe.”

“Huwag mo namang mamasamain ha, nadinig ko kasi kanina, hindi ka pala sa bahay ninyo nauwi. Nangungupahan ka rin ba? Working ka na ba at afford mo nang magsarili? Ay sorry, hindi mo na kailangan sagutin.”

“Okay lang. Nagtatrabaho na ako, Doctor ako. Sa condo sa Makati ako nakatira. May konting hindi pagkakaunawaan kami ng parents ko. Iyon ang hindi ko masasabi sa iyo, personal nang masyado ang dahilan hehehe.”

“Doctor ka na nga? Totoo?”

“Bakit parang hindi ka makapaniwala.”

“Kasi, napakabata mo pa. Akala ko ay konti lang ang agwat ng edad mo kay Jaz. Mukha ka pa nang bata kesa sa kanya eh.”

“Hahaha, hindi naman. Ang tagal naman  ni Jaz, lubid na yata ang dinumi niya.”

“Mukhang nagtuloy nang maligo, may lakad ba kayo?”

“Wala naman, gusto ko lang talagang makausap ang kapatid kong iyan.”

Natahimik kami pareho. Wala na kasi akong masabi. Wala naman akong maitanong. Nagkatitigan kami, matagal-tagal din. Ewan ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakaakit kasi ang titig niya, para akong hihimatayain. Baka bigla na lang akong bumigay dito.

“Jay, ano nga pala ang… anong tawag dun… specialization mo?”

“Ako? Internist.”

“Saan ba ang clinic mo, parang gusto kog magpa-check-up sa iyo. I mean, sakaling magkasakit ako na huwag naman sana ay may kakilala na akong doctor. Alam mo, gusto ko ring maging doctor.”

“Sa ospital. Bigyan kita ng calling card ko ha, sandali lang. Tama iyan kinukulang na tayo sa doctor.”

Dinukot niya ang kanyang wallet at kinuha ang isang calling card at ibinigay sa akin. “Social pala ang mga ospital na pinagki-clinican mo,” sabi ko.

“Kuya, naligo na ako. Alam kong mag-aaya kang lumabas. Magbihis lang ako,” wika ni Jaz na kalalabas lang sa banyo.

Tumahimik na ako at hinayaan muna silang mag-usap. Para hindi ko madinig ang usapan nila ay nagtungo ako ng banyo at nagkunwaring magbabawas din.

-----o0o-----

“Anton, iwan ka na muna namin ha. Pasyal kayo sa clinic ko Monday to Friday, sa umaga lang ako naroon, sa hapon… nariyan naman sa calling card ko ang schedule,” sabi ni Doc Jay.

“Jaz, diretso ka na ng uwi sa bahay ninyo?”

“Oo Anton. Sa Lunes na lang muli. Bye.”

Inihatid ko pa sila hanggang sa may hagdanan, hindi ako umaalis hanggat hindi sila nakakababa. Pagbalik ko sa silid ay napasalampak ako ng upo sa kama. “Haayyyyyy Anton! This must be love again!” malakas kong wika. “Shet Anton! Tumigil-tigil ka sa love na iyan. Gusto mo bang masaktan ulit?” ang tila sinasabi ng another self ko, ng ego ko.

Ano namang magagawa ko? Tao lang ako na marunong magmahal. Mas mabuti na raw ang mabigo sa pag-ibig kesa ang hindi makaranas na magmahal.

“Tok tok to!” May kumakatok. Pinagbuksan ko, si Justine. “Nakupo! Heto pa ang isa, ang isang crush ko. Ang isa pang napakagwapo kong boardmate. Paano ba naman ako makakaiwas ay napapaligiran ako ng nagguguwapuhang bagets. Kung alam lang nila ang tunay na ako,” sabi nang akng konsiyensya.

“Justine, hindi ka na naman umuwi?”

“Alam mo na naman ang dahilan. Mamaya sabay tayong mag-lunch, tapos pasyal uli tayo sa Cubao,” aya niya.

Dahil wala naman akong gagawin ay umoo ako kay Justine. “Sige Justine, katukin mo lang ako. !1:30 na tayo kumain para walang masyadong tao,” sabi ko.

-----o0o-----

Masarap ding kasama at kausap itong si Justine. Likas na yata sa kanya ang pagiging makulit at mapagbiro, hindi mo aakalain na walang dinadalang problema. Seryoso din naman kung minsan, lalo na kapag ang love ang pinag-usapan.

Pagdating namin mula sa galaan kanina ay sa silid ko muna siya tumambay. Wala na naman akong topic na maisip para pag-usapan, ang pumasok sa aking isipan ay tungkol sa kanyang girlfriend.

“Justine bakit kayo nag-break ng sinasabi mong girlfriend, ikaw ba o siya ang nakipag-break?” tanong ko.

“Marites ka rin ano, bakit ka interesado?”

“Hala, naitanong ko lang naman. Eh huwag mong sagutin kung ayaw mo,” ang medyo may tampo kong sagot, pahiya kasi ako eh.

Halatado niya na nagtatampo ako kaya aamuin naman niya ako. “Ito naman… biro lang naman. Sasabihin  ko naman sa iyo kung bakit eh, inunahan mo lang ng tampo,” sabi niya na may paakap-akap pa na akala mo ay may relasyon kami.

Iyon ang isa sa katangian na nagustuhan ko sa kanya. Yun bang kaagad na aaminin kung may pagkakamali siya, manghihngi ng sorry at talagang aamuin ka niya. Ewan ko lang kung ganoon din siya sa iba, ganon kasi siya sa akin.

“Eh bakit nga. Siguro babaero ka kaya ganon,” sabi ko.

“Hindi ah, ang totoo, hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon. Hindi ko na lang siya papanglanan ha, para kasing masyado na akong masama kapag sinabi ko pa kung sino siya. May minahal akong iba, bago siya,pero rejected ako,” sabi niya.

“Ikaw! Rejected? Napakaganda sigurong babae ang nag-reject sa iyo at pakakawalan ang napaka-gwapong lalaki sa balat ng lupa.”

“Para makalimot ako kaagad ay niligawan ko ang babaeng iyon na alam ko namang may gusto sa akin. Nang maging kami na nung babae, saka ko nakilala ng husto ang ugali niya, napaka-demanding. Gusto ay palagi kong dadalawin. Kapag may lakad sila ng barakada niya, gusto ba naman ay nakabuntot ako. Naasiwa talaga ako. Ayoko ba na ibabandera pa sa iba na karelasyon ko siya, Feeling ko ay gusto lang magyabang, hindi naman ako kayabang-yabang. Kaya ang ginawa ko ay hindi ako nagsasama, hindi ko siya pinupuntahan kapag nagpapasama sa akin. Hindi ko lang talaga ma break dahil sa wala akong valid na dahilan. Siya na ang kusang nakipag-kasira sa akin na maluwag ko namang tinanggap. Kaya sinabi ko na hindi muna ako makikipag-relasyon, bata pa naman ako,” mahaba niyang paliwanag.

“Eh yung nag-reject sa iyo, nagkikita pa ba kayo?”

“Hindi na. Masasabi kong first love ko siya, dati kong roommate, Ambeth ang pangalan niya.”

“What! Lalaki ang nag-reject sa iyo? At lalaki rin ang minahal mo?” Tiningnan ko siya ng pailalim.

“Bakit ganyan ka kung makatingin? Hmm alam ko ang iniisip mo Anton. Hindi ako bading, straight ako na nagmahal sa isang bading. At totoong minahal ko. Ang problema lang, may mahal na siyang iba.”

“May pag-asa pala ako sa iyo hahaha!” biro ko.

“Gunggong! Baba na tayo, mag-dinner na tayo,” yaya ni Justine.

-----o0o-----

Nakahiga na ako para matulog. Wala naman akong iniisip, pero hindi ako makatulog. Nag-ring ang aking phone. Nang aking tingnan ang akin CP ay wala sa list ng aking kontact, sinagot ko pa rin.

Ako:       Hello, who is this?

Jay:        Anton, si Jay ito.

Ako:       Sinong Jay?

Jay:        Hala, nakalimutan na ako kaagad, ako si Jay, kapatid ni Jaz.

Ako:       Ahh Jay! Sorry naman. Napatawag ka.

Jay:        Oo. Walang magawa dito sa condo eh. May lakad ka ba bukas?

Ako:       Bukas? Wala naman. Bakit?

Jay:        Aayain sana kita.

Ako:       Saan?

Jay:        Walang tiyak… road trip lang, pang-alis ng stress.

Ako:       Ayaw mo bang kasama si Jaz?

Jay:        Ikaw yata ang ayaw eh. Okay lang kung hindi ka pwede.

Ako:       Hala. Hindi naman sa ayaw, kasi… kasi. Sige na nga. Anong oras ba at saan tayo magkikita?”

Jay:        Sunduin kita ng 7AM. Mas maaga, mas mainan. Thank you ha.

Ako:       May kailangan ba akong dalhin?

Jay:        Mas mabuti kung magdadala ng pamalit na damit. Malay mo, mapadaan tayo sa beach. Basta, ready ka lang ha. Sige na, baka magbago pa ang isip mo, bye!

Hala, ano ba ang pakay ng lalaking iyon at kakikilala lang namin ay ako pa ang naisipang isama. Me kapatid naman.

Shet! Hindi kaya nagkwento na itong si Jaz tungkol sa ginawa namin? Grabe siya kung ganon. Ipapahamak niya ang sarili niya at idadamay pa ako.

Sa isang banda, okay lang. Hindi ko naman siya tatanggihan. Mas gwapo kaya siya kesa kay Jaz.

-----o0o-----

Eksaktong 7AM nang sunduin ako ni Jay. Maganda ang kotse niya, bago at mukhang mamahalin. Wala naman akong masyadong alam sa kotse, basta maganda siya.

Hindi na muna ako nagtanong kung saan talaga niya balak na magpunta. Nasa Manila pa naman kami. Pero nang maiba na ang mga tanawin, nang tila may mga puno at maberde na ang dinadaanan namin ay nagtanong na ako.

“Saan papunta itong tinatahak natin Jay?”

Daan ito papuntang Rizal, “Antipolo pa lang tayo, madadaanan natin ang mga bayan ng Rizal Province, tapos Laguna na. Kapag may nadaanan tayong gusto mong mapuntahan, sabihin mo lang sa akin.”

“Jay, bakit ako ang isinama mo, bakit hindi si Jaz o kung sino mang malapit mong kaibigan,” tanong ko.

“Masama ba?”

“Hindi naman, nagtataka lang ako.”

“Magaan ang loob ko sa iyo eh, sa aking pakiramdam ay magkakasundo tayo. Madali ka kasing makagaanan ng loob. Isa pa, gwapo ka.

“Ako gwapo? Malabo na yata ang mata mo eh. Ikaw ang gwapo, sobrang gwapo, papasa kang artista at model,” sabi ko.

Hindi ko na pinasin pa ang sinabi ni Jay, pero medyo kinilig naman ako.

May nadaanan kaming maraming kainan, inaya akong kumain, pero masyadong maaga pa. Naaliw ako sa mga dinadaanan namin, Dumaan at bumaba pa kami doon sa wind-mills sa may Piililia.

Hindi nakakainip ang bumiyahe sa rotang ito, marami akong natatanaw na bago sa aking paningin, medyo nakakahilo lang dahil maraming parang zigzag.

May nadaanan kaming nagtitinda ng prutas, Uso ang mangga kaya bumili kami. Matamis at masarap. Marami pang iba, pero mangga lang ang binili namn.

Mahaba-haba na ang natatakbo namin, nasa Laguna na pala kami. Gutom na daw si Jay, may nakita siyang naglalako ng kung ano, tinawag niya at bumli. Espasol at kalamay. Aba masarap, madami akong nakain, nabusog ako.

Sa madaling salita ay nag-enjoy ako. Marami kaming napuntahan. Bumaba kami sa bandang Pagsanjan, tapos ay umakyat kami ng Caliraya, bumaba ng Cavinti, Nagcarlan, Majayjay, at kung ano-ano pang bayan na hindi ko na natandaan.

Nag-stay kami ng matagal-tagal sa Caliraya, doon na rin kami nagtanghalian.

Sa kotse na lang kami nagpahinga, mahangin sa Caliraya, kaya hindi kami nakaramdam ng init. Habang nagpapahinga ay natanong ko ang relasyon niya kay Jaz.

“Close kami ni Jaz. Malaki ang agwat ng edad namin, pero nasubaybayan ko kasi ang paglaki niya. Sa aming dalawa, ramdam ko na mas mahal nila si Jaz, pero sa aming dalawa ni Jaz ay wala kaming inggitan. Kahit pa ibigay lahat kay Jaz ang gusto niya, wala akong pakialam, basta kami ni Jaz nagmamahalan.”

“Me lovelife ka na ba?” tanong ko uli.

“Ikaw ba meron.”

“Hindi ko masabi, may minahal ako, umasa, pero sa huli, hindi pala magiging kami. Dalawang beses na akong babigo at nasaktan sa love love na iyan.  Bata pa naman ako, kaya hindi na muna ako nagmamadali. Sagutin mo naman ang tanong ko, kasi may edad ka na rin. Nasa marrying age ka na naman siguro. Sabi ni Jaz malapait ka nang mag 30.”

“Syempre, nagmahal din ako, pero hindi nagustuhan nina Mama at Papa ang taong minahal ko. Ayaw nila. Ipinaglaban ko, pero sadyang matigas sila, hanggang yung tao na ang siyang nagkusang lumayo, nagpakalayo-layo talaga at hindi ko na alam kung nasaan. Dahil doon ay nag-away kami nina Mama, nagkaroon kami ng samaan ng loob. Umalis na ako sa poder nila, kaya ko na naman eh, kumikita na rin ako dahil doctor na nga ako. Bumili ako ng condo na hulugan, at ngayon nga ay doon na ako nakatira.”

“Masaya ka ba na iwan ang family mo? Anong sinabi sa iyo ni Jaz gayong kayo kamo ang magkakampi.”

“Wala naman siyang sinabi, pero hindi niya ako pinigilan. Malaya na daw ako at pwede ko nang gawin ang gusto kong gawin.”

“Ano bang inayaw ng parents mo sa taong minahal mo?” tanong ko uli. Curious talaga ako, para kasing may something.

“Hay naku Anton, sa ibang araw na lang nating pag-usapan. Huwag mong makukuwento kay Jaz na isinama kita ha. Ayokong magselos siya.”

“Bakit naman magseselos?”

“Seloso iyon, natural na seloso pagdating sa akin. Kahit nga sa kaibigan ko, kapag palagi kong kasama at hindi siya kasama, nagagalit, bakit daw siya hindi isinama. Kayat kapag nakwento mo na kasama kita, magagalit iyon sa akin.”

“Ganon ba. Sige, wala akong sasabihin. Ipo-post ko sana sa FB ko yung picture natin, buti nasabi mo, makikita niya na magkasama tayo.”

“Oo nga mabuti na lang. Balik na tayo, baka gabihin na tayo.”

-----o0o-----

Gabi na rin ng ihatid niya ako sa boarding house. Ginabi na kami dahil marami pa rin kaming tinigilang magagandang tanawin, Ewan ko kung saan kami nagdaan dahil nakarating pa kami ng Lipa City sa Batangas at nagsimba sa simbahan ni Father Pio. Masayang masaya ako dahil nakagala na ako nakasama ko pa ng matagal si Jay. Kahit papano ay may alam na ako tungkol sa kanya

Hindi iyon ang huli na naisama niya ako sa kanyang road trip. Naisama na niya ako papuntang Quezon at Batangas. Masasabi kong isa na siya sa maituturing kong bestfriend, ewan ko lang ako para sa kanya.

Madalas ay magka-chat kami. Ayaw niya ng call, lalo na kapag alam niyang nasa silid na namin si Jaz. Sobra niyang maalalahanin hanggang isang araw ay umiiyak siya ng tawagan ako, Kung pwede raw ay samahan ko siya sa kanyang condo. Hindi pa naman ako nakakapunta sa kanyang condo sa Makati, pero ibinigay na lang sa akin ang address at mag-grab na lang ako.

Nakarating naman ako. Pagpasok ko ng condo ay tinanong ako ng gwardya kung saan ang tungo ko. Sinabi ko na si Jay ang sadya ko. Nagbilin na pala si Jay sa guard na paakyatin na lang ako kapag dumating na ako.

Pagkita ko pa lang kay Jay ay kita kong namumugto na nga ang kanyang mga mata.

“Anong problema? Bakit namumugto ang mga mata mo. Kagabi ka pa ba umiiyak?” sunod-sunod kong tanong.

Yumakap lang siya sa akin, humihikbi. “Yung kasing mahal ko, yung dati kong karelasyon, may nagsabing ikakasal na daw. Nagtanong-tanong ako sa aming common friend, totoo nga, at ngayon na iyon. Ang sakit-sakit Anton, baka hindi ko na makaya, tulungan mo ako.”

Ngayon ko lang nakita na umarte ng ganon si Jay, iba eh, hindi siya yung Jay na una kong nakilala, para kasi siyang. Ah ewan.

“Hoy Jay ha. Umayos ka. Akala ko ba ay matagal na kayong wala, na naka-move-on ka na,”

“Akala ko nga Anton, pero iba pala kapag alam mong wala nang pag-asa na makapagbalikan pa kami.”

“Jay… maraming babae, mas higit pa siguro sa ex mo. Sa gandang lalaki mong iyan? Doctor ka pa. Siguradong makakakita ka ng mas higit pa sa babaeng iyon.”

“Hindi siya babae Anton, lalaki siya, isa akong bisexual. Ang pagiging ganito ko kaya halos itakwil ako ng aking mga magulang.

Hindi ako makapaniwala, pero siya mismo ang umamin sa akin. Alam kaya niyang pareho lang sila ni Jaz? Paano kung malaman din ng parents nila na pati si Jaz ay bading din.

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

1 komento:

  1. WoW! Exciting naman magkapatid pa ata matutuhog ni Anton. Hi hi hi!!! ;-)

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...