Sabado, Nobyembre 30, 2024

Anton’s Love ang Sex Stories (Part 15) Si Jaz, Ang Aking Roommate 1

 


Anton’s Love ang Sex Stories (Part 15)

Si Jaz, Ang Aking Roommate 1

 

 

Nang sa tingin ko ay nabili ko na lahat ay umuwi na ako. Diretso na ako sa aming silid. Ibinaba ko lang ang mga binili ko sa ibabaw ng akin kama at dumiretso na sa CR dahil sa ihing-ihi na ako. Pagtulak ko sa pintuan ng banyo ay napanganga ako sa gulat, isang lalaki kasi ang nasa loob, hubo at hubad na nagsasabon ng kanyang katawan.

-----o0o-----

“Sorry ha, hindi na kasi ako nag-lock ng pinto, kasi akala ko ay nagiisa ako,” paliwanag ng lalaki.

“Sorry din, basta na lang ako papasok ng hindi kumakatok. Akala ko rin ay wala pa ang ka-roommate ko. In fairnes hehehe, may ipagmamalaki ka naman hahaha,” wika ko na akala mo ay close na kami.

“Hahaha! Ikaw ha. Hindi pa tayo nagkakakilala, nabosohan mo na ako,” tugong biro din ng lalaki.

“Ako nga pala si Anton, kanina lang ako naglipat. Ikaw siguro si Jaz,” sabi ko

“Ako nga, paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Ah, nasabi ni kuya nung itanong ko kung saan ka naka-pwesto. Mahirap na kasi kung basta na lang inokupa ko ang isang kama, e ikaw papa ang dating umuokupa.”

“Ah… okay. Nice meeting you Anton. Matagal-tagal din tayong magsasama dito, kung may mapuna ka sa akin na hindi maganda at hindi mo gusto, please… ipaalam mo sa akin. Alam mo na, ayaw kong may hindi tayo mapagkakaunAwaan. Ganon din naman ang gagawin ko sa iyo,” sabi ni Jaz.

“Oo naman, gusto ko rin na maging smooth ang pagtira natin dito. Friends?”

“Friends,” sabi niya at nakipag fist bump pa sa akin.

“Magbihis ka na, nag-eenjoy na akong masyado sa view.”

“Hahaha, okay ka rin. Palagay ko talaga ay magkakasundo tayo.”

-----o0o-----

Ako naman ang nagshower. Habang nagsa-shower ay hindi ko maiwasang isipin si Jaz. Maputi siya, sakto ang height para sa akin dahil magkasing tangkad lang kami, parehong 5’9, may magandang pangangatawan, dahil siguro sa pagdyi-gym, magandang mata at matangos na ilong. Sa madaling salita, gwapo, artistahin. At isa pang gustong-gusto kong asset niya ay ang kanyang ano hehehe, nakita ko na kasi kaya wala na siyang maitatago pa sa akin.

Sa aking paliligo ay napansin ko ang isang brief na nasa may lavatory, marahil ay kay Jaz ito. Hmm, aking dinampot, hawak sa magkabilang dulo ng garter, large size. Inamoy ko, amoy lalaki, mabango. May nakita akong hibla ng kulot na buhok, may kahabaan iyon. Kinuha ko at inilagay sa bulsa ng hinubad kong short. Ewan ko kung bakit ko ginawa iyon, basta naisipan ko na lang gawin. Muli kong ibinalik kung saan ko dinampot ang brief niya. Nagpatuloy na ako sa paliligo.

Nagtapis na lang ako sa paglabas ko ng banyo, hindi nga ako nakapagdala ng pamalit kaya heto, medyo may konting bumukol sa harapan ko.

“Wow muscle! Ikaw pala ang kaiinggitan ko pagdating sa katawan ah, di hamak naman na mas maganda ang katawan mo sa akin. Saan ka ba nagdyi-gym?” puri at tanong ni Jaz.

“Ha! Hindi pa ako nakakapasok ng Gym kahit kelan. Kung maganda sa paningin mo, dahil sanay ako sa gawaing mabibigat at paglangoy. Sa pagsasaka at pangingisda kami nabubuhay, kaya natural lang na medyo lumaki rin ang katawan ko,” tugon ko.

“Talaga? Kaya pala namumutok na ang muscle mo sa katawan. Pwedeng pahipo?” sabi niya na bumangon pa sa pagkakahiga at nilapitan ako.

“Bakit?”

“Wala lang, sige na.”

“Okay, sige lang.”

Pinisil niya ang muscle ko sa braso, sa dibdib, sa balikat. Para naman akong nakukuryente sa paglapat ng palad niya, nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan. Kinabahan ako dahil sa baka bigla na lang akong tigasan.

“Sandali lang, magbibihis na muna ako, baka ibang mucle ang mapisil mo eh, mahirap na, madaling magalit iyon hahaha!” wika ko na pabiro.

“Mas okay sa akin iyon hehehe.”

“Ikaw ha, baka naman… joke lang.”

“Alam ko naman, ikaw kasi eh, berde ang biro mo.”

“Hindi ka ba sanay sa ganong biro?” naitanong ko tuloy.

“Hala, mas gusto ko nga eh. Alam mo, gusto ko yung ganong biruan. Ganon naman tayong mga lalaki.”

-----o0o-----

Madali kong nakagaanan ng loob si Jaz, kaagad kamig nagkasundo. Dahil sa wala pa namang pasok ay siya ang gumabay sa akin sa pasikot-sikot dito sa Maynila. Iginala niya ako sa Quiapo. Dapat daw ay alerto ako palagi kapag naglalakad dito, marami daw mandurukot. May isa siyang sinabi na parang nagkaroon ako ng interes.

“Ingat ka sa pagpasok sa mga sinehang iyan, maraming magnanakaw sa loob niyan,” sabi niya.

“Ha, magnanakaw. Paano?’

“Magnanakaw ng lakas hehehe. Maraming naglipanang bading diyan na naghahanap ng konting ligaya. Minsan, ooperan ka ng pera para pumayag. Sa madaling salita, maraming malalaswang nangyayari sa loob ng sinehan na ganyan.”

“Ganun ba? Sa loob mismo ng sinehan? Wow ha, ibang klase.”

-----o0o----

Nang magawi naman kami sa Cubao ay may itinuro din siyang isang sinehan na pugad din daw ng kalaswaan.

“Nakapasok ka na ba sa sinehang sinasabi mo?” tanong ko kay Jaz.

“Oo, napatunayan ko na totoo nga, nakita ng dalawa kong magagandang mata. At heto pa, may lumapit pa sa akin, nakursunadahan ako. Natakot talaga ako at lumabas na lang ng sinehang iyon. Kaya kung manonood ka ay huwag na sa mga sinehang ganyan. Ang dami naman sinehan dito sa mall, malinis na, malamig pa.”

-----o0o-----

Dahil kay Jaz ay marami akong nalamang kalakaran dito sa Maynila. Sa sandaling panahon ng aming pagkikilala ay para talagang matagal na kaming magkaibigan. Lalo kaming naging close sa isa’t-isa.

Sa ugali ay may pagkakapareho din kami. Masinop din siya, malinis at organisado. Halimbawa, paggising niya at pagbangon ay kaagad na inaayos ang kanyang kama, sa mga personal na gamit ay parating sa tamang lalagyan, pati kanyang mga cabinet ay hindi mo makikitang magulo, palaging maayos, kapag may ibang gumalaw ay paniguradong malalaman niya.

Malinis din siya, siya ang madalas na naglilinis ng aming silid, siya ang nagma-mop at nagwawalis. Maging ang banyo ay palaging makintab at mabango.

May isa lang akong napapansin sa kanya, madalas ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin na kung minsan, sa sobrang tutok ng tingin sa akin ay tila nawawala sa sarili, yun bang tila naglalakbay na ang diwa sa kung saan.

“Hoy Jaz! Ano bang nangyayari sa iyo?”

“Ha! Bakit?”

“Kasi, napansin kong nakatingin ka sa akin ng matagal, tinatanong kita kung may kailangan ka, pero hindi mo ako pansin, para bang sa kawalan ka nakatingin. Ano ba, iniimagine mo na ba ako niyan ha.”

“Hindi ko alam Anton, ewan ko ba! Marahil sa sobra mong kagwapuhan hahaha.”

“Naks ha. Ang galing mong mambola. Bukas ay simula na ng klase, anong oras ba ang klase mo?” tanong ko.

“Nine AM ang first subject ko. Tapos na ako ng two PM. Pwede na akong maglakwatsa hehehe,” tugon ni Jaz. “Ikaw ba?”

“Maaga ako eh, 8 to 12 ako dire-diretso, bale half day lang ako Monday to Friday,” sagot ko naman.

-----o0o-----

Umpisa na ng klase, excited ako pero kabado rin. Tahimik lang ako na nakaupo sa isang silya, walang kausap dahil wala pa akong kakilala, konti pa lang kami. Pagdating ng professor ay sandali lang nag-stay, kinuha lang ang aming classcard, tapos ay umalis na.

Yung pangalawang subject ay walang dumating na professor, yung pang-huling subject noon araw na iyon ay may kasipagan yata. Nagbigay na ng konting lecture, pinakopya sa amin ang syllabus for the whole semester para may basehan daw kami ng aming lesson.

Kinabukasan ay isa lang ang dumating na professor. Siyanga pala, iba ang subjects namin kapag MWF, iba rin kapag TTh, tatlong subject sa MWF, tatlo rin kapag TTh.

Kahit papano ay may nakilala na rin ako, nakatabi ko sa upuan, si Ace. Tahimik lang din siya, marahil… gaya ko ay naninibago pa lang, kauumpisa lang naman kasi ng aming klase.

-----o0o-----

Sa dorm, nagkukuwentuhan kami ni Jaz sa nangyari sa unang araw ng aming klase ng may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay si Rolly pala. “Oy rolly, pasok ka. May kailangan ka ba sa amin?” tanong ko.

“Hindi na, sasabihin ko lang sa inyo na mamaya ay doon tayo lahat sa thrid floor doon sa bale rooftop, may konting kainan. Birthday ng isang tenant, eh para magkakila-kilala daw ang mga tenant ay sinabi ni Papa na magsalo-salo daw lahat kasabay na ng birthday ng isang kasamahan natin. Punta kayo ha, 7PM.”

Pagkasabi niyon ay umalis na rin si Rolly para sabihan din ang iba.

-----o0o-----

“Tara na Anton, akyat na tayo,” yaya ni Jaz.

“Sandali lang, jijingle lang ako.”

Pagkaihi ko ay palabas na kami. Pagbukas ng pinto ay si Rolly na kakatukin daw sana kami. Sabay-sabay na kaming umakyat.

Naroon na ang ibang tenant, may mga nag-uusap na, marahil ay dati nang magkakakilala. Kilala na rin ni Jaz ang iba. Ilan kaya kaming baguhan sa boarding house na ito?

“Narito na ba lahat?” tanong ni Rolly na siyang nanguna sa affair. “Roll call muna para maigurong narito na lahat ha!” sabi pa niya.

Isa-isa niyang tinawag ang room, sakto naman na present na ang lahat. Bago nag-umpisa ang kainan ay pinagpakilala kaming mga bagong tenant, yung mga first time dito.

Nauna na akong nagpakilala, “Ako po si Anton sa room 22. Roommate ko si Jaz.

“Ako naman po si Roi sa room 21, roommate ko si Justine.”

“Ako po si Darryl, at ako naman si Carlos. Sa room 23 naman po kami.

“Ako po si Royce, at ako naman si Zac. Pareho kaming sa room 24.

“Wala na bang first timer?” pagsisiguro ni Rolly. Walang sumagot. Ulitin ko lang ha, si Roi sa Room 21, si Anton sa room 22, sina Darryly at Carlos sa room 23 at si Royce at Zac sa room 24. Tandaan n’yo lang sila ha. Baka magkasalubong kayo sa daan ay magbatian naman kayo.”

Narito pa ang ibang tenant, mga datihan na at ang iba ay huling taon na yata dahil ga-graduate na.

Sa Room 21 ay si Justine, pangalwang taon na.

Sa Room 22 ay si Jaz, pangalawang taon din

Sa room 31 ay si Rexy at Louie, huling taon na.

Sa room 32 ay si Jonjon at Reynold, pangatlong taon na.

Sa room 33 ay next week pa raw darating.

Matapos magpakilala ay kumanta muna kami nang happy birthday, si Rolly pala ang may birthday na taon-taon namang pinaghahanda para nga daw makapagpakilala ang mga baguhang tenant.

Naging mailap ang aking mga mata. Hindi ko kasi akalain na naggu-guwapuhan ang mga boarders dito lalo na yung Justine at Jonjon. Me bading din dito, yung Rexy. Lantad na bading siya, hindi tulad ko na isang paminta.

Busy si Jaz sa pakikipagkwentuhan sa ibang dating tenant kaya ako naman ay lumapit kay Justine at sa kanya ako nakipag-kwentuhan. Okay naman siyang kausap. Nilapitan naman kami ni Jonjon at Rexy. Madaldal si Rexy kaya medyo nagkabuhay ang aming kwentuhan.

Dahil may pasok kinabukasan ay kaagad din namang tinapos ang kainan, wala daw munang inuman ayon kay Rolly. Nagsibalikan na kami sa aming silid.

-----o0o-----

“Jaz, siguro ay maayos ang palakad dito ng may-ari ano. Biruin mo, may ganito pang pagpapakilala sa mga tenants. Okay din ano”

“Oo naman Anton. Kita mo naman, sa buong pag-aaral ng iba na dito nagsimula, hanggang sa makatapos ay dito na tumira. Mas mababa kasi ang renta at hindi masyadong nagtataas ng upa.”

“May karinderya pa sa ibaba kay walang problema sa pagkain, may discount pa sa mga tenant,” sabi ko.

“Mga mabaait pa ang natira dito at mga gwapo pa hehehe. Me nakita ka bang swangit? Wala di ba? Kasi, requirement yata dito ay dapat gwapo hehehe. Joke lang iyon. Pero totoo naman ano, puro gwapo.”

Hala, maglaladlad na yata itong si Jaz hehehe. Mukhang kaya dito palagi ay maraming gwapings.

“Jaz, sino ang masasabi mong pinaka bestfriend mo dito?” tanong ko.

“Ako si Rexy. Bakla siya, pero masarap kausap, saka si Jepoy, yung dati kong roommate. Nag graduate na siya.”

“Bakit puro lalake, walang babae?”

“Hindi ko alam. May nangyari daw hindi maganda nung matagal na. Simula noon ay hindi na tumanggap daw ng babae si Kuya,” tugon ni Jaz.

Yung roommate ni Rexy, si Louie… straight ba ito?”

“Kung iniisip mong bading si Louie o di kaya ay mag-jowa sila, nagkakamali ka. Straight si Louie. Walang tinatalo na boarder dito si Rexy, alam ko dahil kaibigan ko rin siya,” sabi ni Jaz.

“Si Rolly, parang bading siya.” – ako.

“Oo, pero ewan ko kung alam ng Papa niya, Sa nasagap kong tsismis ay syota raw niya ang dating boarder dito. Arnold daw ang pangalan. Dito siya sa silid natin dati nag-stay.”

“Ikaw Jaz, may karanasan ka na ba sa sex?” tanong ko.

“Hala… bakit doon naman napunta ang usapan natin?” sagot ni Jaz.

“Ewan ko rin eh. Bigla na lang pumasok sa isipan ko. Ano, maram na ba?”

“Meron na rin naman,” alanganing sagot ni Jaz. “Ikaw ba?”

“Wala pa eh. Natatakot kasi akong makabuntis, matagal-tagal pa akong mag-aaral unang taon ko pa lang,” tugon ko.

“Sa lalaki?”

“Anong sa lalaki Jaz?”

“Experience sa kapwa lalake… sa bading,” sabi ni Jaz.

“Lalo namang wala. Ito talaga. Kung gusto kong magka-experience, gusto ko eh sa babae.”

“Malay mo naman hehehe.”

“Ikaw ba Jaz, meron na?” tanong ko.

“Atin-atin lang ha, meron na,” ang naging tugon ni Jaz.

Nagulat ako sa inamin ni Jaz. “Paano nangyari?”

“Naalala mo nung magpunta tayo ng Cubao? May itinuro ako sa iyong isang sinehaN at sinabi kong may malaswang nagaganap doon?”

“Oo. Pero sabi mo ay napatakbo ka at kaagad na lumabas,” sabi ko naman.

“Hindi totoo iyon, sabi ko lang sa iyo, kasi nahihiya pa akong umamin. Ang totoo ay hinayaan ko lang yung lalaki sa gustong gawin sa akin,” sabi pa ni Jaz.

“Anong ginawa sa iyo?”

“Grabe, marami. Sobrang sarap. Gusto mo gawin ko sa iyo, ako na lang ang magbibigay sa iyo ng first experience mo,” sabi niya.

Habang nag-uusap kami ay nakaramdam na ako ng libog sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko rin na tumatayo na ang aking titi, sana lang ay hindi napansin iyon ni Jaz. Kaagad kong nahatak ang kumot at ipinatong iyon sa may kandungan ko.

Tuliro ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Ang nasabi ko na lang ay, “Hala, ayoko, baka may maka-alam sa gagawin natin.”

“Sino naman ang makakaalam, eh tayo lang ang nasa silid. Kapag may naka-alam ay malamang ikaw ang nagkwento, hindi ako dahil malalagay ako sa alanganin. Iisipin nilang bading ako,” rason ni Jaz.

Napaisip ako. Ewan ko kung anong kademonyohan ang isiniksik sa utak ko ni Jaz. Naisip ko rin na matagal na akoNg walang kasama sa pagpaparaos, palad ko lang ang tangi kong kaagapay.

Hindi ko alam kung anong lumulukob sa isipan ni Jaz at kung bakit nasabi niya ang ganon. Natanong ku tuloy siya ng, “Jaz… huwag mo sanang mamasamain, bading ka ba?”

Hindi man lang siya nagulat sa tanong ko at mabilis na sinagot ako ng, “Hindi, trip ko lang. Gusto ko lang makaranas ka na, sobra kasi ang pagkainosente mo. Wala namang mawawala sa atin, lalaki tayo at walang mabubuntis gaya ng ikinatatakot mo,” paliwanag pa ni Jaz.

“Eh ano naman ang gagawin mo?” muli kong tanong.

“Lahat ng ginawa sa akin. Panigurado, magugustuhan mo. Ano… gusto mo ba?”

“Gusto ko rin na magkaroon ng karanasan, pero…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na ni Jaz.

“Ayun naman pala eh, gusto mo rin pala, go na ba?” – si Jaz.

“Kinakabahan kasi ako talaga.”

“Hahaha, akong bahala.”

Nilapitan niya ako sa aking kama, bigla na lang niyang hinatak ang kumot sa may kandungan ko at hinawakan na ang bukol ko sa harapan. Hinagod niya ag aking ari sa ibabaw ng aking short na suot. Aaminin ko, sobrang sarap ng ginagawa niya. Hindi ko naman talaga first time, baka nga mas marami pa akong experience sa kanya, pero pangangatawanan ko na ang pagpapanggap na virgin pa talaga ako. Pwede na yata akong maging artista, natural na natural ang naging kilos ko.

Itinulak niya ako, napahiga ako sa aking kama.

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

 

6 (na) komento:

  1. Huuuuuy! Crossover sa dorm ni Ambeth noon! HAHAHA saya

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. san po makikita yun story ni Amberh?

      Burahin
    2. Sa blog ding ito Simula June 14 hanggang August. o di kaya igoogle mo. Makikita mo iba ko pang kwento

      Burahin
    3. Kwento ni Ambeth ang title. Click mo lang yung title sa list o mga tatak, Thank you for reading.

      Burahin
  2. Sabi na kaya familiar eh!!!

    TumugonBurahin
  3. Galing mo tagala Author! ;-)

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...