Sabado, Nobyembre 23, 2024

Flores De Mayo (Part 2/2)

 


Flores De Mayo (Part 2/2)

 

Nakita ko si Owen na nakadungaw sa kanyang bintana nang dumungaw ako. Bigla kong isinara ang bintana ko at hindi na muli pang dumungaw. May sinabi siyang ikingagulat ko at ikinatakot. Malakas niyang sinabi ang ganito, “Alam ko may ginawa ka kagabi. Alam ko na pinagpapantasyahan mo ako, nadinig kong isinigaw mo ang pangalan ko hehehe. Masarap ba?”

Tapos ay nadinig ko ang tunog na pagsara niya ng bintana.

“Putek! Totoo ba ang sinasabi niya? Nagsalita ba ako habang nagjajakol. Tangina naman eh, nakakahiya!” ang nasabi ko sa aking sarili.

-----o0o-----

Hindi ko malaman kung paano ako haharap kay Owen. Totoo kaya na may sinabi ako habang nagjajakol at nadinig niya? Ano ang gagawin ko? Ang libog-libog kasi.

Wala na akong magagawa, nariyan na. Madali namang tumanggi, hindi ako aamin.

-----o0o-----

Hindi ako lumalabas ng bahay, nag-mukmok muna ako sa loob ng bahay, nag-bisibisihan,  inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Tuwang-tuwa naman si Nanay.

Nakakapagod din pala. Dalawang oras yata akong naglampso, nagpunas ng mga bangko at mesa, nagwalis. Pagkatapos ay naligo na ako. Paglabas ko ng banyo ay gulat ako dahil nasa sala si Owen at nakaupo sa aming sofa.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nakalimutan kong nakatapis lang ako ng twalya.

“Hinihintay ka. Sabi kasi nang nanay mo ay naliligo ka pa, kaya pinapasok na niya ako para dito na lang maghintay,” tugon niya.

“At bakit mo naman ako hinihintay?”

“Wala lang, magbihis ka na muna, sama ka sa amin ng barkada.”

“Saan ang lakad?’

“Bilisan mo na, huwag nang matanong at naghihintay na sila sa atin.”

“Hala… bakit naman biglaan yata ang lakad na iyan, wala namang plano.”

“Eh mas mabuti nga ang biglaan, natutuloy. Hindi tulad ng pinagplanuhan, tapos hindi matutuloy. Bilis na.”

Wala na akong nagawa, nagbasta ako ng bihisan at pang-ligo dahil swimiing sigurado ang pupuntahan namin. Nagpaalam naman ako kay nanay at pinayagan naman ako.

Lumakad na kami. “Nasaan sila?” tanong ko.

“Nauna na, ang bagal mo kasi, hayan wala tayong sasakyan.”

“Eh saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko habang nag-aabang kami ng masasakyang tricycle.

Nakasakay naman kami kaagad. Pero habang tumatakbo ang tricycle ay parang hindi papunta sa dagat ang tinatahak. “Bakit dito tayo dumaan? Akala ko ba ay mag-swimming tayo?”

“Hindi tayo sa dagat mag-swimming,” sagot ni Owen.

Tumahimik na muna ako. Makaraan ang ilan pang sandali ay pinara na ni Owen ang tricycle sa isang kanto. Naglakad na lang kami at pumasok sa isang gate. Natandaan ko na ito, private resort ito ng aming mayor na tiyuhin naman ni Owen. Naroon na nga ang ibang barkada at nagsipaglalanguyan na sa pool ang iba, ang iba ay nagka-karaoke naman.

Nanibago ako sa barkada, tuwang-tuwa sa aming pagdating, nagpalakpakan at naghiyawan.

“Anong meron? Bakit parang me ganap. Sinong may birthday ha. Wala akong alam na magbe-birthday ngayon,” wika ko.

“Mamaya mo na malalaman, Halika, mag-miryenda muna tayo. May dinala silang spaghetti, pansit at mga kakanin,” sabi naman ni Owen.

“Ano nga bang meron?”

“Me sosorpresahin kasi kami, kaya huwag ka nang masyadong magtatanong pa,” pabulong na winika ni Owen.

Marami nang pagkain, para talagang pinaghandaan. “Halika sa taas, magbihis na tayo ng pangligo,” aya ni Owen.

Sa isang silid kami nagtungo at doon nagbihis. Naunang naghubad ng kanyang damit si Owen. Heto na naman ako, natigilan ako dahil sa mismong harap ko pa siya naghubad. Nakapaglalaway talaga ang katawan ng mokong na ito.

“O… bakit nakatunganga ka pa, bihis na!” sabi niya.

Nagulat ako. Nahuli niyang pinagmamasdan ko siya.

“Maganda ba ang katawan ko. Ito siguro ang pinagpapantasyahan  mo kagabi ano hehehe,” sabi niya.

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya, bistado niya ako.

“Asa ka, tse!” pairap kong wika. Siya naman ang pinakitaan ko ng seksi kong katawan. Dahan-dahan akong naghubad, nakita niya ang kurba ng katawan ko, Tapos ay isang pekpek short ang aking isinuot at isang hanging shirt na nagsilbing parang bra ko hehehe. Kita ko ang pagkagat niya sa labi, natakam hehehe.

“Mauna na akong bumaba,” paalam ko, bitbit ang aking sun block. Alam kong nasa likuran ko lang siya. Sineksihan ko talaga ang paglalakad, kumekendeng na ako. Pagdating sa pool area ay tinawag ko ang isa naming barkada na nagpapasaring sa akin. “pare, paki punasan mo nga nang sunblock ang likoran ko,” pakiusap ko sabay abot ng bote ng sunblock.

“Ako na, ako na,” si Owen na inagaw ang bote ng sunblock sa kamay ko. Napangiti na lang ako ng lihim. Si Owen na nga ang nag-pahid ng sunblock sa katawan ko, hindi lang likod, buong katawan na hehehe.

“Ang ganda mo talaga Miko, para ka talagang beauty queen,” sabi ng mga barkada.

Napasimangot si Owen, halatang inis sa nadinig na papuri sa akin. Ano ba ito, selos? Hehehe.

Magaling akong lumangoy, laki yata ako sa malapit sa dagat. Nakakapagod din ang maglalangoy, umahon muna ako at naki-umpok sa ibang nag-iiuman. Kumuha ako ng sariling baso at naki-inom na sa kanila.

“Dahan-dahan lang ang inom Miko ha, me sosorpresahin pa tayo,” paalala ni Owen.

Kainan, kantahan, inuman ang kasunod. Enjoy na enjoy ako sa atensyon na ibinibigay ni Owen sa akin. Nakapaninibago talaga.

Bandang three ng hapon ay nagsalita ang isa naming barkada na si Francis. “Konting katahimikan lang mga pare, may isa tayong kasama na may gustong aminin sa atin. Bilang barkada, ay tayo raw ang una niyang pagsasabihan. May ikukumpisal daw siya kaya pakinggan natin kung ano ang sasabihin niya. Siya ay walang iba kundi ang ating star basketball player na si Owen.”

Sa halip na magpalakpakan ang grupo, ay natahimik ang paligid, nagtataka at nag-iisip kung ano ang iko-confess ng kanilang kaibigan. Maging ako ay nagtataka. Sabi kasi sa akin ng sunduin ako ay may isosorpresa daw kami. Kung sabagay, nasorpresa naman talaga kami kaya natahimik ang kanina ay maingay na kwentuhan ng barkada.

“O… bakit tila natahimik kayo, palakpakan naman natin si Owen. Halika dito sa unahan Owen.” Anyaya ni Francis.

Nagpunta na si Owen sa unahan.

“Bago natin siya pagsalitain at mag-confess, may gusto lang akong itanong sa kaibigan natin. Tungkol ba saan ang ia-announce mo ngayon sa amin?”

“Mamaya na, malalaman nyo rin naman eh,” sagot ni Owen.

“Huhulaan ko, tungkol ba iyan sa love?”

“Oo,” maiksing sagot ni Owen.

“Ikaw ba Owen ay may Girlfriend na?”

“Wala,”

“Pero may mahal ka na?”

“Meron na, matagal na. Gusto ko lang maging official kami.”

Natahimik ako, nanlumo sa narinig. Bakit isinama pa ako? Gusto ba talaga niya akong saktan? Gusto kong mag-walk out. Pero obvious kung gagawin ko na hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.

“Sige, magsalita ka na Owen. Ipahayag mo na ang saloobin ng iyong puso,” wika ni Francis.

“Siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong girlfriend gayong sabi nga ninyo ay maraming nagkakagusto sa akin. Ang totoo, may napupusuan na ako noon pa man, kaya lang ay nalilito pa ako sa nararamdaman ko tungkol sa taong ito,” panimula ni Owen.

Pause…

“Masaya ako kapag kausap ko siya, Natutuwa ako kapag niloloko ko siya. Gusto ko na palagi siyang nakikita. Hindi ako alam na unti-unti ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.”

Pause…

“Pero hindi ko kayang magtapat ng saloobing ko. Alam ko maraming magsasabi na isa akong baliw, na isang tanga na sa dinami-dami ng babae ay siya pa ang nagustuhan ko.”

Pause…

“Ang totoo, pilit kong iwinawaksi siya sa aking puso at isipan dahil alam kong maraming tututol, maraming manunuya, maraming mangba-bash. Pero habang pilit kong inaalis siya sa aking puso ay para namang lalo ko siyang minahal. Hindi ko na kaya, nagseselos na ako kahit hindi pa kami sa tuwing may ibang lalapit sa kanya at tila nanliligaw, nai-insecure ako.”

Pause…

“Sabi ko, hindi pwede ito, bago pa man mahuli ang lahat ay kailangan ko nang kumilos, gusto ko nang ipagtapat sa kanya ang aking saloobin lalo na at napatunayan kong mahal rin niya ako. Sigurado ako na mahal talaga niya ako. Very open naman ang taong ito sa pagsabing mahal niya ako.”

“Noon kasi ay naguguluhan ako sa aking sarili. Tinatanong ko na nga ang sarili ko kung ano ba talaga ako. Pero, napag-isip-isip ko, ano bang pakialam ko sa iisipin ng iba, ninyo, kayo mismo, kasi buhay ko ito at ako ang magde-decide para sa sarili ko dahil buhay ko ito. Kaya siguro ay marapat na lang malaman ninyo kung sino ang sa palagay ko ay magpapaligaya sa akin. Bahala na kayong husgahan ako, basta ako nagmahal.”

“Teka nga muna, nagdadrama ka naman kaagad eh. Syempre, barkada ka namin, kaibigan ka namin, kasangga, handang sumuporta sa iyo kahit na ano pa mang ang gawin mo, basta ba nasa tamang landas,” wika ni Francis.

“Ang tao bang lihim mong minahal noon pa, ayon sa iyo ay kilala namin, kasama natin ngayo dito?” tanong ng isa pa naming barkada.

“Secret! Hehehe.”

Kumakabog ang dibdib ko, Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na lang ang aking kaba, ayaw kong umasa, pero naghihinala na ako na ako ang tinutukoy niya. May basehan ako, una, bakit ba isinama pa niya ako? Anong importansya meron ako para kinailangan pa ang presensya ko.

Pangalawa, sa mga sinabi niya, na hindi tama, na maraming kukutya sakaling makipagrelasyon siya sa taong ito. Isa pa, wala kaming kasamang babae dito, puro kami lalaki. Bakit naman iba-bash siya kung magkagusto siya sa babae?

Nagpatuloy na sa pagsasalita si Owen.

“Sa taong minahal ko noon pa, I am sorry kung naging duwag ako na aminin ang tunay kong nararamdaman, pero ngayon, buo na ang loob ko na aminin sa inyong lahat ang saloobin ko, ang taong mahal ko.”

Ewan ko ba, feeling ko ay sa akin lahat nakatitig ang mga kasamahan ko, para tuloy akong nanliliit. Paano kung hindi pala ako. Malay ko ba kung may kasama kaming discreet lang, na isang paminta.

“Sana lang ay huwag nang mag-inarte dahil sa head over heels ang pagmamahal niya sa akin. Siya ay si ….”

Puta naman eh. May pa hanging sentence pa eh. Nakakainis.

May kinuha siya sa bulsa, isang maliit na kahon, isa iyong singsing. Tapos ay lumapit sa harapan ko at lumuhod. “Miko, will you be may boyfriend?”

Para bang biglang may sumabog sa paligid ko, para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, pero dinig na dinig ko ang sinabi niya, dinig ko ang pagbanggit niya sa aking pangalan.

“Say Yes, say yes, say yes!” ang pulit-ulit na sinasabi ng aming barkada. Tumutulo na ang aking luha. Hindi ako makapaniwala, na susuklian din niya ng katumbas na pagmamahal ang pag-ibig ko sa kanya. Bago ako sumagot ay nagsalita pa muna ako ng kaunti.

“Magkapit-bahay lang kami, magkababata, magkalaro kahit alam niyang bading ako. Pinrotektahan niya ako sa mga nangangantiyaw sa akin, ipinagtanggol sa gustong umaway sa akin. Hindi ko namamalayan na unti-unting umuusbong ang pagmamahal ko sa kanya. Tama kayo, bata pa man kami ay alam ko nang mahal ko si Owen.?”

Pause…

Pero, tulad niya, bagamat hayagan kong sinasabi na crush ko siya, na mahal ko siya, naroon pa rin ang kaba at takot sa aking nararamdaman, kaya idinadaan ko lang sa biro. Napapansin siguro ninyo na madalas ay nag-aasaran kami, kasi nga gusto kong maging malayo sa kanya ang aking damdamin. Mahirap pala, sa tuwing umiiwas siya sa akin, sa tuwing iiwasan ko siya, lalo lang akong nasasbik. At ngayon na inamin niyang mahal din niya ako.”

Isang buntong hininga muna.

“Yes Owen, I want to be your boyfriend. I love you.”

Palakpakan na may sigawan pa ang barkada. Niyakap ako ni Owen at isinuot sa daliri ko ang isang singsing. May kapareho din iyong singsing na ibinigay muna sa akin para isuot ko sa kanyang daliri.

“Alam kong marami pa tayong pagdadaanan na pagsubok, pero umasa ka, kahit anong mangyari, ikaw lang ang aking mamahalin Miko,” wika ni Owen. “I love your very much!” sabi niya sabay halik sa aking pisngi.

“Pagtutulungan nating labanan ano mang pagsubok Owen. Habang buhay ako, ikaw lang ang aking mamahalin.”

Tuwang-tuwa maging ang barkada namin, suportado nila kami. “Francis, ikaw ang bestfriend ni Owen, matagl mo na bang alam na may pagtingin siya sa akin?” tanong ko kay Francis.

“Oo, ako ang palagi niyang hinihingan ng payo. Natatakot talaga siya, pero noong parada, nakita niya na maraming mga matang nakatutok sa iyo, bukod pa sa nadididnig kong maraming interesado sa iyo, natakot ang loko. Agad-agad ay pinakilos ako,. Itong mga kinain natin, ay siya lahat ang may pakana. Itong resort na ito ay kaagad na hiniram sa kanyang Tito na mayor natin, natakot na mapasa-iba ang pinakamamahal niyang si Miko. Kaya hayan na, natauhan bigla. Sa ganda ba naman talaga ni Miko.”

“Pwede bang magusap muna kami ng sarilinan? Iiwan muna namin kayo dito, magsaya lang kayo, magpaka-lasing hanggat gusto ninyo, basta gusto ko muna kaming mag-usap ng sarilinan. Doon lang naman kami sa silid sa itaas. Okay ba?”

Wala namang tumutol, kaya umakyat na kami.

Wala akong masabi nang kami na lang ang magkasama sa silid, basta… para akong nasa cloud 9, sobrang saya ko. Hindi ko akalain na magiging kami finally. Straight si Owen, alam na alam ko, walang duda, pero ako ang inibig niya. At naniniwala ako dahil sa inamin niya sa harap ng lahat nang aming mga kaibigan. Sino ba naman ang magdududa pa kung ganito ang pagpapahayag niya ng pagmamahal.

“Owen, kelan mo pa narealize na mahal mo rin ako?” ang naitanong ko.

“Matagal na. Alam kong mahal na kita, pero takot lang talaga akong umamin. Alam mo na, sinabi ko kanina.”

“Eh bakit ganon ka na lang kung biruin ako. Alam mo bang nasasaktan ako?. Mabuti na lang at hindi kita sinukuan.”

“Kasi alam ko na wala kang kayang mahalin kundi ako.”

“Yung sinabi mo na nadinig mo ako kagabi na binanggit ko ang pangalan mo?”

“Oo naman, sa mga ungol mo pa lang alam ko na ang ginagawa mo hehehe.”

“Owen, paano kung tumutol ang parents mo sa relasyon natin, anong gagawin mo?”

“Ipaglalaban kita syempre, walang hahadlang sa pagmamahal ko sa iyo kahit na pa parent ko. Ikaw, paano kung ayaw ng magulang mo sa akin?”

“Bading ako, alam nilang lalaki ang gugustuhin ko, kaya hindi sila tututol, sigurado. Ang gusto lang nila ay makatagpo ako ng lalaking tunay na magmamahal sa akin.”

“Miko, gusto mo bang maging katotohanan ang pinagpantasyahan mo sa akin?”

“Ha!”

“Hwag ka nang mahiya, gagawin din naman natin eh.”

“Oo nga pala, paano tayo magkakaanak? Gusto ko ring magkaanak para naman may masabi tayong pamilya,” tanong ko.

“Hindi na imposible ang ganon, gagamitin nating ang siyensya.”

“Mahal iyon, saka sa ibang bansa lang pwede ang ganon.”

“Mag-iipon tayo, ako gusto ko dalawang anak, isang lalaki at isang babae.

“Ako rin Owen, gusto ko rin ng ganon. Panganay sa iyo, sunod sa akin, tapos sa iyo uli at bunso ang sa akin.”

“Nice. Simulan na natin hehehe.”

“Sira ka talaga Owen, pero sige, para totoo na, hindi imagination ko lang.”

Mainitang pagtatalik ang kasunod. Sa ngayon ay totoo na. Kinuwento ko sa kanya ang ginagawa niya sa aking imahinsayon kapag nagjajakol ako na ginawa naman niya.

Sobrang sarap pala kapag totohanan. First kiss ko naman talaga si Owen, napakatamis ng kanyang laway, at ang lambot ng kanyang labi gaya ng naiisip ko. Natikman ko ang kanyang labi, ang sarap niyang humalik, nakipaglaplapan talaga siya sa akin. Nagawa rin niyang isubo ang aking titi, ako naman ay nagawa kong lunukin ang kanyang tamod.

Nung gabing iyon ay nilagyan na niya ng selyo ang pagmamahalan namin. Pumayag na akong makuha niya ang aking pagkabirhen sa aking likod.

“Malapit na ako Owen,” sabi ko

Lalo namang binilisan ni Owen ang pagbayo, sinagad niya ang pagpasok sa aking kaloob-looban.

“Putcha Owen… ayan na ako ahhhhhhh ahhhhh ahhhhh shet ang sarapppppp,” ungol ko habang sumisirit ang madami kong tamod sa aking tiyan.

“Malapit na rin ako Miko, ang sarap mo palang iyutin, parang sinasakal ng butas mo ang aking burat, ayan na ako uhhhhhh shet ang sarapphhhhh,” ungol ni Owen nang sumabog na sa aking kaloob-looban ang marami din niyang katas.

Magkayakap kami nang makaraos. Maya-maya ay inaya ko siyang bumaba na. Nakakahiya kasi, baka kung ano na ang isipin ng barkada namin. Pagbangon ko ay napansin kong may dugong humawa sa cover ng kama. Dinugo ako. Minabuti kong maghugas muna at kaagad na nilinis ang parte ng kumot na namantsahan ng dugo, konti lang naman kaya madaling natanggal.

 

-----o0o-----

Opisyal na kami na ni Owen. Wala namang tutol ang parents niya ng magtapat siya na magkarelasyon kami, kung sino raw ang taong mamahalin ng anak nila ay suportado nila.

Ang parents ko nga ay masaya para sa akin. Alam pala nila ang balak na gawin ni Owen, sinabi na pala niya sa mga magulang ko ng sunduin ako.

Masayang-masaya ako. Nang dahil sa Flores de Mayo ay naging kami ni Owen.

Hindi na rin niya ako pinasasali sa mga beauty contest, maging ang pagsusuot ko ng pambabae ay pinagbabawal niya sa akin. May gusto raw niya na lalaki akong tingnan. Kaya lang, talagang seloso, may mga babae kasing humahanga din sa akin, ang gagawin naman niya ay aakbayan ako kapag naglalakad at halik ng halik sa aking pisgi. Hindi nahihiya, kahit pinagtitiiginan kami ng tao. Wala daw siyang pakialam.

 

 

>>>>>WAKAS<<<<<

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...