Biyernes, Marso 8, 2024

Kababata (Part 7) - Selos

 


Kababata (Part 7)

Selos

John Mark

Umuwi na kami matapos maglaro ng basketbal kasama ang barkada namin sa village. Nauhaw pa yata si Simon kaya pagtapat sa bahay namin ay inanyayahan ko siyang pumasok muna.

 Binuksan ko na ang gate at pinauna ko siyang pinapasok. Napalingon ako sa banda nina Jonas, nakatayo pa siya sa labas ng gate nila at nakatanaw sa akin. Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya, peo parang lumamlam ang tingin. Kakawayan ko sana, bigla naman pumasok na at nagsara ng gate.”

-----o0o-----

Napangiti ako. sinigurado pa talagang nakapasok na ako ng bahay namin bago pumasok sa kanilang bahay si Jonas. Ang sarap isipin na may nag-aalala sa akin hehehe.

“Nora, may juice pa ba tayong malamig?” Tanong ko kay Nora na siyang nagluluto ng aming pananghalian.

“Oo naman, palagi naman eh, iinom ka ba?”

“Oo, pero ako na lang ang bahala, may kasama ako galing sa laro kanina, makikiinom lang.”

“Doon ka na lang at ilalabas ko, si Jonas ba ‘yun?”

“Hindi ah. Sige, ikaw ang bahala, salamat.”

Halos kasunod ko rin lang si Nora na may dalang tray na may baso at pitsel. “Uy John Mark, sino siya, ang pogi rin ah. Pakilala mo naman ako,” ang kinikilig na wika ni Nora na ibinababa sa table ang tray. “Ipagsasalin ko na kayo,” wika pa niya.

Ngiting-ngiti ang loka habang inaabot ang basong may juice kay Simon. “Hi! Ako si Nora, ang dakilang julalay dito hihihi. Anong pangalan mo?” – si Nora na lumalandi naman.

Ganon naman si Nora, mabait naman siya, kaya lang ay may kalandian. Biro lang naman ang paglalandi niyang iyon, patawa baga. Napangiti naman si Simon, pronounced as Saymon.

“Simon po, kaibigan ako ni JM.” Sagot naman ni Simon.

“Ang gwapo-gwapo mo, bakit ngayon ka lang pumunta rito?” – si Nora, ang kulit talaga.

“Ay hehehe, hindi naman, mas gwapo sa akin si JM,”

“Nora, ‘yung niluluto mo, baka masunog na.” sabad ko.

“Hininaan ko ang apoy, dito ka na mananghalian Simon. Kami lang naman ang narito, para may kasabay kaming mga gwapo ahaayyyy.”

“Naku hindi na po, mabaho po ako, hindi pa ako nagsasa-shower, amoy pawis pa ako.” – si Simon.

“Dito ka na lang mag-shower, sabay na kayo ni John Mark, manghiram ka na lang ng damit sa kanya.” – si Nora.

“Dito ka na nga kumain, mag-swimming muna tayo, doon na lang tayo mag-shower, tapos talon na tayo sa pool.” Anyaya ko, para kasing napahiya ako kay Nora, kaya inanyayahan ko na.

“Sinabi mo yan ha, sige.”

“Sandali ha, kukuha lang ako ng twalya at short na pampaligo natin,” paalam ko kay Simon.

-----o0o-----

“Alam mo JM, ang swerte-swerte mo, dito ka nakatira sa malaking bahay na ito,” wika ni simon na habang naka-floating katabi ko.

“Tama ka diyan. Swerte ko talaga dahil narito ako sa Manila at nag-aaral. Swerte ako dahil sa may mayaman akong tiya na sobrang bait pa sa akin. Gusto ko ngang tumulong dito sa gawain dito, pero ayaw akong pagawain ng mga kasambahay dito, baka daw mawalan sila ng trabaho dahil hindi na kakailanganin pa hehehe. Nakakahiya kasi, para akong senyorito dito.”

“Ayaw mo non. Sa amin nga ay palagi akong nauutusan ni Mommy, maglinis at kung ano-ano pa. Wala kasi kaming kasambahay.”

“Mas gusto ko nga na may ginagawa eh, sanay naman ako sa mga mabibigat na trabaho. Sa isla nga ay nangingisda ako, nagkakargador, nagsasaka, basta may pagkakitaan, tuloy, parang nanghihina ako.”

“Kaya pala ang ganda ng katawan mo, akala ko nga noon ay palagi ka sa gym eh.”

“Hindi… may mga gym equipment dito si Tiyo, yung namatay na asawa ni Tiya. May sarili siyang gym dito, doon na lang ako nagbubuhat at iba pang exercise. Punta ka uli dito bukas, sabay tayong mag-buhat. Wala rin naman kayong pasok bukas, ‘di ba?”

Tawagan muna kita, baka maraming ipagawa sa akin si Mommy.”

Marami pa kaming napagkwentuhan hagang naghaharutan. Ngayon ko lang nakasama ng ganito si Simon, masarap din pala siyang maging kaibigan, bukod sa gwapo rin naman.

“John Mark, gusto mo bang dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain? Mamaya pa ba kayo aahon?” tanong ni Nora.

“Naku hindi na Tita, magsa-shower na rin kami, baka kasi hinihintay na rin kami ni Mommy,” tanggi ni Simon.

“Don’t call me tita, just ‘Nora’, tumatanda kasi ako lalo kapag tinatawag na Tita Nora hehehe. Syanga pala John Mark, nagpunta si Jonas, tinatanong ka. Nang sabihin ko na nagsu-swimming kayo ay babalik na lang daw uli.”

“Kailan siya nagpunta?”

“Kani-kanina lang, kaagad din namang umalis.”

“Ganun ba.”

“Halika na JM, mag-shower na tayo. May shower ba dito?”

“Oo, hayun oh, tara na.”

Sabay na kaming nagshower. “Hoy, bakit ka naghubo?”

“Maliligo, bakit… naka brief ka ba kung maligo? Saka, wala din akong dalang brief. Pahiram na lang ha.”

“May dala na ako, bago iyon kaya sa iyo na lang.”

“Mag-hubad ka na rin! Gusto mo ba ay ako pa ang maghubad sa iyo? Nahihiya ka ba eh pareho lang taman tayong lalaki.” wika ni Simon na nilapitan pa ako at akmang huhubaran talaga ako.

“Oo na, oo na! Huhubarin ko na. Nakakasiguro ba ako na lalaki ka?” biro ko.

“Ahay hindi, nababading na kasi ako sa iyo eh, hehehe. Hello baby!” wika ni Simon na nagbading-badingan.”

“Hindi bagay.” Sabi ko. Naghubad na rin ako.

“Wow pare, ganyan ba talaga iyan, patay pa eh ang haba na. Papano pa kaya kung tigas na. Grabe ka pare, nasa iyo nang lahat ang magugustuhan ng babae. Anong size mo JM?”

“Maligo na lang tayo, kung ano-ano ang napapansin mo. O… bakit? Bakit titig na titig ka sa burat ko.?”

“Patigasin mo nga, sukatin ko lang. Kasi ang sa akin ay wala pa yatang sais, ang sa iyo ay baka nasa otso na eh. Sige nga, patigasin ko,” wika ni Simon.

“Ang bastos mo. Hoy! Hoy! Ano ka ba Simon? Bading ka ba? Para kang gago,” gulat kong wika dahil hahawakan na talaga ang titi ko. Napaka-bastos.”

“Susukatin ko lang, para yun lang. Sige na, aaminin ko na, bading akwo hihihi,” si Simon na umarte na naman bading, mukha talagang bading hehehe.”

“Hoy Simon! Nagdududa na ako sa iyo ha!” wika ko sabay batok.

“Aray ko naman. Nagbibiro lang eh.”

Baka kung saan pa talaga mapunta ang biroang iyon, kaya tinapos ko na ang paliligo, maliligo na lang uli ako.

-----o0o-----

Pagkakain namin ay nagpaalam na rin kaagad si Simon. “Thank you sa lunch Nora. Thank you sa inyong lahat, huwag kayong madadala sa akin ha dahil madadalas ang punta ko rito. Bukas JM, tawag ako kapag makakapunta ako para mag-gym tayo.

Naiwan na naman akong mag-isa. Heto, wala na naman akong magagawa nito, walan kausap dahil sa busy palagi ang mga kasambahay. Naisipan kong tawagan si Jonas.

-----o0o-----

 

Jonas

Ano bang nangyayari sa akin ngayon, bakit ba parang nagseselos ako kapag may bagong nakaka-close si JM. Kanina, pagkagaling naming magbasketball, nakita kong pinapasok pa niya si Simon sa loob. Ano bang gagawin niya sa loob.

Hindi ako mapakali, patanaw-tanaw ako sa tapat ng bahay nila, hinihintay ko ang paglabas ni Simon, pero namantot na ako sa paghihintay ay hindi ko nakikita. Inisip ko na baka hindi ko lang napansin kaagad.

Naghintay pa ako ng matagal-tagal, wala pa talagang lumalabas na Simon. Parang nagagalit na naman ako. Para makasiguro akong nakaalis na si Simon ay pumunta ako sa bahay nila. Si Nora ang nagbukas ng gate, nang itanong ko kung nasaan si JM ay sinabing nasa pool at nagsu-swimming sila ni Simon. Parang bumigat ang aking dibdib, parang may kumurot. Nakaramdam ako ng pagkayamot, hindi ko naman pinahalata kay Nora.

“Ganun ba. Sige, pakisabi na lang na nagpunta ako.”

“Hindi ka ba papasok muna? Puntahan mo na lang sa pool.”

“Hindi na, baka masira ko pa ang kasayahan nila. Sige, alis na ako.”

Shet! Naidabog ko tuloy ang gate pagpasok ko sa bahay namin. Naiinis kasi ako. Ang tagal na naming magkaibigan, hindi man lang ako naayang mag-swimming sa kanilang pool. Mabuti pa itong si Simon. Hindi kaya nung nagkatampuhan kami ay palagi na itong napunta sa kanila? Baka sila na ngayon ang mag-bestfrien ah. Hindi ako makapapayag nun, ako lang ang bestfriend ni JM.

Pumasok na ako ng aking silid at doon naghimutok ng husto. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kahit anong tawag ng aming kasambahay ay hindi ako lumabas.

Paikot-ikot ako sa aking kama, nag-iisip ng sasabihin sa kanya ng tumungog ang aking CP, si JM, tumatawag. Masama pa ang loob ko kaya hindi ko sinagot. Pero ng huminto na ang pag-ring ay nanghinayang naman ako, parang nagsisisi na bakit hindi ko sinagot. Mabuti na lang at muli siyang tumawag. Mabilis ko na iyong sinagot.

“Hello JM. Sorry at hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo, nasa banyo kasi ako. Tatawagan na sana kita eh, nauna ka lang. May kailangan ka ba?”

“Wala naman, nagpunta ka raw dito, sabi ni Nora.”

“Ha, ah oo, nasabi pala sa iyo ni Nora.”

“Sinabi niya sa akin. May kailangan ka ba? Hindi ka raw tumuloy, bakit?”

“Ha! Wala naman akong kailangan, gusto ko lang makipagkwentuhan, wala kasi akong kasama sa bahay, walang makausap.”

“Eh bakit hindi ka nga tumuloy, sana ay nag-swimming ka na rin, ang saya kaya namin ni Simon. Mas masaya sana kung tatlo tayong lumangoy.”

“Hindi na talaga ako tumuloy, baka kasi makaabala ako sa inyo.”

“Nagtatampo ka ba? Iba kasi ang tono mo, parang nagtatampo ka. Wala namang ganyanan. Punta ka dito o ako ang pupunta sa inyo.

“Hi-hindi ako nagtatampo, bakit naman ako magtatampo. Talaga ba, pupunta ka rito?”

“Kung gusto mo ba eh.”

“Hindi, ako na lang ang pupunta diyan, baba ka na, ikaw ang gusto kong magbukas sa akin ng gate. Hintayin mo ako ha at pababa na ako, huwag mong ibaba ang phone, gusto kong kausap ka pa habang naglalakad ako patungo sa inyo. Open mo yang cam mo.”

Pababa pa lang siya, mauuna pa akong dumating kesa pagbuksan niya ako ng gate. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng tingin ko sa kanya ngayon, ano ba ako, bakla na ba ako? Shet naman.

“Hoy, baka madapa ka, may humps diyan sa daraanan mo, hala ka. Kapag nadapa ka ay pagtatawanan pa kita,” wika ni JM na kausap ko pa rin sa messenger.

“Ang lupit mo naman. Ay ay ay!” nagkunwa akong madadapa kaya nawala sa frame ang aking sarili.

Natawa ako dahil sa pagbukas ng gate nila at tila tatakbo na, nakita lang niya akong nakatayo na sa harapan nila, ang mga mata niya ay nagsasabi ng pag-aalala.

“Ano, nadapa ka ba? Sinabi nang mag-ingat eh,” wika ni JM.

“Eh kung nadapa ako, anong gagawin mo?”

“Eh di tatawa hehehe. Nadapa ka nga ba.”

“Hindi ‘no! Ano ako, lampa? Hindi mo ba ako papasukin?”

“Sorry, ikaw kasi. Halika, tuloy ka na. Para ka namang iba pa rito,” wika ni JM.

Pumasok na ako, pero hindi ako sa loob ng bahay nila tumuloy.

“Saan ang punta mo?” tanong niya.

“Doon na lang tayo sa may garden, doon sa may Gazebo, mas gusto ko roon, walang makikinig sa pag-uusapan natin hehehe,” tugon ko.

“Sige mauna ka na at susunod na lang ako. Kukuha lang ako ng tsitsirya, yung paborito mo.”

Pumasok na siya ng bahay, ako naman ay doon na sa gazebo nila nagtuloy at naghintay. Saglit lang naman ang paghihintay ko, pagdating niya ay may dala nang sprite in can at isang garapon ng mane.

“Alam mo ba Jonas, naging paborito ka na rin itong mane, napagaya na ako sa iyo. Alam mo bang ako pa ang nagluto niyan. Tikman mo at napaka-lutong at masarap, hindi maalat,” may pagmamalaki niyang wika sa akin.

“Talaga lang ha. Baka naman masobrahan ka, taghiyawatin ang makinis mong mukha.”

“Hindi naman mahahalata eh, maitim kasi ang mukha ko,” tugon ni JM.

“Hindi itim yan, kayumanggi, pero pumuputi ka na nga eh. Ano nga palang ginawa ni Simon dito?”

“Nakikinom lang yung tao, eh itong si Nora, alam mo naman yung babaeng iyon kapag nakakita ng pogi, inofferan na dito na sa aming mananghalian. Medyo napahiya naman ako kaya sinegundahan ko na lang.”

“Nag-swimming daw kayo.”

“Oo, gusto sanang umuwi muna para mag-shower dahil amoy pawis. Babalik na lang daw. Heto na naman si Nora, at sinabihan akong dito na lang papag-shower-rin, pahiramin ko na lang daw ng twalya at short. Eh sabi ko mag-swimming na lang kami. Bakit ba tinatanong mo pa iyon?”

“Wala lang, gusto ko lang malaman. Naiinggit kasi ako, hindi mo pa ako na-imbitahang mag-swimming dito.”

“May pool din naman kasi kayo. Ako nga ay hindi pa nakapapasok sa loob ng bahay ninyo eh.”

“Nahihiya kasi ako, kasi mga tsismosa ang kasambahay namin, baka isumbong ako kay Papa na nagsasama ng iba sa bahay.”

“Masama ba iyon?”

“Ayaw nila ng hindi kilala.”

“Kaibigan siya ni Tiya ah, saka kilala din naman na siguro ako, naipakilala na ako ni tiya.”

“Halika nga dito, tabi tayo, gusto ko nakasandal sa iyo,” lambing ko kay JM.

“Hala, bakit. May sandalan naman.”

“Naglalambing lang naman eh. Sige na,” pamimilit ko.

“Ano ka, baka makita tayo ni Nora, kilala mo naman iyon, baka kung anong isipin.”

“Anong iisipin niya?”

“Hah ah eh, ewan. Basta!” tugon niya na napapakamot na sa ulo. Nasukol na walang maisagot.

“Halika na,” pamimilit ko uli.

“Sige na nga! Ang kulit mo.”

Tinabihan na niya ako, agad ko namang inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.

“Kelan pa kayo naging close ni Simon?”

“Jonas… lahat ng kaibigan ko, ang turing ko ay close kami, Tulad mo, close tayo.

“Close lang? Tulad lang nila ako? Ayoko ng ganon, gusto ko very close tayo. ‘Di ba sabi ko sa iyo, espesyal ako? Bestfriend tayo ‘di ba? Kaya hindi tayo close lang, espesyal ako hindi kagaya nila. Saka kapag kaharap mo ako, huwag kang kadikit sa kanila, lalo na sa Simon na iyon, pati na kina Eduard at Kent.”

“Ha! Bakit?”

“Nagseselos ako eh,” sagot ko.

Tinitigan niya ako, matagal. Tinitigan ko rin siya, tingin ko, gusto niyang mangiti, kinilig hehehe.

“Bakit ka naman magseselos, ano ba kita?” tanong niya.

“Bestfriend. Ganon kasi ako, kahit sa bestfriend ko ay nagseselos ako kapag may ibang ka close.”

“Ewan ko sa iyo,” sabi niya na bahagyang lumayo sa akin, naalis tuloy ang pagkakahilig ko sa kanyang balikat. Diretso ang tingin, ayaw tumingin sa akin. May naisip akong gawin hehehe. Sinundot ko ng daliri ang kanyang pisngi. Nakowwww, palpak. Akala ko kasi ay lilingon siya, pero hindi. Gusto ko kasing maglapat ang aming labi, kaya pag lingon niya ay nakaabang ang aking labi na saktong madidikit sa aking labi. Ewan ko, gusto ko siyang halikan.

Inulit ko uli ang pagsundot sa pisngi niya, this time ay lumingon siya, sakto, dumikit ang labi niya sa aking labi, tagumpay ako.

“Jonas, ano ka ba? Nakakainis ka na!.” Ewan ko kung totoong naiinis, feeling ko kasi ay gusto din niya, parang nakangiti eh, kumwari pa ay panay ang kuskos sa labi ng likod ng kanyang palad, hindi naman dumidikit.

“Ewan ko sa iyo, umuwi ka na nga?”

“Sorry naman, hindi ko naman sinasadya eh!”

“Hindi sinadya, sinong niloloko mo?”

“Hindi nga. Kung ayaw mong maniwala, eh di Huwag. Makauwi na nga.”

“Umuwi ka na nga, nakakainis ka,” tugon niya.

Nang nasa gate na ako at palabas na ay may sinabi siya na ikinatuwa ko at ikinainis at the same time.

“Punta ka dito bukas, mag gym kami ni Simon dito sa mini gym, sa umaga iyon,” wika niya, sabay sarado sa gate, Hindi na ako nakasagot pa.

 

 

Itutuloy………………

 

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...