Sabado, Abril 12, 2025

Bodegero

 


Bodegero (Part 1/2)

 

Ako si Bernie, edad trenta y singko at nagtatrabaho sa isang manufactring company na gumagawa ng iba-ibang pagkain gaya ng noodles, chips, chocolate drinks, snack foods at marami pang iba. Bale sa warehouse ako naka-assign at namamahala sa pagpasok at paglabas ng mga stocks.

Edad bente pa lang ay dito na ako sa warehouse naka-assign, taga karga at diskarga ng mga kahon-kahong producto para isakay sa mga delivery van o track. High school lang kasi ang natapos ko kaya naman sa ganitong klase ng trabaho ako bumagsak.  

Dahil sa experience at years of service ko dito sa kompanya, na-promote naman ako, bale ako na ngayon ang head ng warehouse namin.

Para mas may ideya kayo kung anong itsura ko, i-describe ko lang ang sarili ko. Hindi ako katangkaran, 5’6” lang ang height ko, moreno, maganda rin ang katawan ng konti. Dati kasi, nung nagisimula ako ay patpatin ako, pero dahil sa palagi akong nagbubuhat, ay medyo umayos din ang katawan ko, dinagdagan ko rin ng pagkain, Nakakataba yata ang noodles hehehe.

Hindi naman ako kagandahang lalaki, may itsura naman kahit papano hehehe.

May isa pa akong katangian na hindi nila alam, isa akong pamintang durog hehehe, durog dahil sa may mga naging karanasan na rin ako sa same sex, hindi na rin ako virgin.

Palagi akong tinatanong ng mga kasamahan ko sa bodega kung bakit daw wala pa akong asawa gayong may edad na rin ako, ang idinadahilan ko na lang palagi ay dahil sa may pinag-aaral pa akong kapatid na totoo naman. Pangako ko kasi iyon sa yumao kong ama.

Hindi naman naghihinala ang mga kasamahan ko sa aking kasarian, hindi nila ako nakitang umakto na parang isang bading. At kahit ano pang gandang lalaki ng iba kong katrabaho ay wala talaga akong tinalo. Marami naman kasing makukuhang lalaki sa halagang one fifty hehehe Joke lang, pero totoo iyon, may nahada ako na pumayag sa one fifty, pero ibang istorya na iyon.

Sa araw-araw, routine ko na ang bahay, trabaho, trabaho at bahay. Kapag naman tinamaan ako ng libog ay nagtutungo ako ng sinehan at doon ako naghahanap ng mapagpaparausan.

Sa totoo lang, hindi naman ako palagi ang lumuluhod, minsan ay ako rin ang niluluhuran. Pero ewan ko, mas gusto ko kasi na ako ang lumuluhod, mas enjoy ako nang ganon.

Ngunit isang araw, ang dati kong normal na routine ay biglang nag-iba, nabago, iyon ay nang mapasok sa aming departamento ang bagong hire na empleyado. Umalis na kasi ang isa naming bodegero dahil nag-abroad na. Siya si Ricky, isang 21 anyos na lalaki, matangkad, at higit sa lahat, gwapo. Opo gwapo, pwedeng model, pwedeng artista,

Maraming nag-uudyok kay Ricky na mag-artista na lang, pero ang palaging sagot ay mahiyain daw siya at saka ayaw daw niya ng ganong trabaho. Nalaman namin na hindi pala siya nakatapos ng senior high, hanggang junior high lang dahil bulakbol at nabarkada, nalulong daw siya sa bisyo noong kabataan pa niya. Edad kinse raw siya ng unang makatikim ng shabu, pero nang mauso ang tokhang ay natakot kaya siya nahinto. Hindi pa naman siya talamak kaya madali siyang naka-recover at tuluyang nagbago. Nagpapasalamat daw siya at naipasok pa dito sa kompanya, sa tulong daw ng kanyang ninong na nagkataong kaibigan ng isa sa may mataas na katungkulan dito.

Ang trabaho ko ngayon bilang head ay taga mando na lang at mas tutok ako sa computer kung saan makikita ko ang bawat pasok at labas ng mga stocks at siguruhing tama ang inilalabas sa mga delivery truck. Noon kasi ay madalas na nagkukulang ang inbentaryo na hindi naman kaagad napapansin dahil mabilis ang pasok at labas ng mga producto. Me mga madadaya kasing bodegero na kasabwat ang salesman at checker na pinasosobrahan ang ikinakargang order.

Madalas, simula nang magtrabaho si Ricky ay panakaw na pinagmamasdan ko siya, madadali rin ang pinagagawa ko sa kanya na idinadahilan ay dahil bago at tini-train pa lang. Madalas ay pinagsasalansan ko lang siya ng mga kahong-kahong produkto na ibinabalik ng mga salesman kada babalik sila para mag-remit ng nabenta. Hindi ko na lang idedetalye pa ang proseso.”

Medyo may alam naman sa pagtipa ng computer, kaya minsan ay tinuturuan ko na gumamit ng aming system, pero kelangan na naroon ako para masubaybayan ko. Sa ganon ay palagi ko siyang nakikita.

Minsan ay pinupuna na ako ng iba kong tauhan, bakit daw palagi akong nakatutok kay Ricky, komo daw ba’t rekomendado ng opisyal.

“Kayo talaga, mas mahirap nga itong pinagagawa ko eh, kayo taga-bilang lang, taga-karga eh hindi naman kabigatan ng mga kahon na iyan, pero ang responsibilidad ng pinagagawa ko sa kanila ay matindi, kasi isang pagkakamali lang, halimbaya yung sampu eh naging isangdaan, saan mo hahanapin kaagad ang kulang, kaya dito ingat, doble ingat.”

“Joke lang naman, ito talagang si Bernie, Ricky, joke lang iyon ha, huwag kang magdadamdam,” sabi na isa kong tauhan sa bodega.

Sa pangalan ko lang ako nagpapatawag, ayaw ko kasing sine-“sir” o bino-“boss”, kasi pare-pareho lang kaming utusan dito, nagkataon iba lang ang aking trabaho at matagal akong nagsilbi bago ako naging head dito. Sa sweldo, hindi naman kalakihan ng agwat, kasi pare-pareho lang naman kaming nai-increasan kapag may increase, me estra lang dahil sa promotion.

 

-----o0o-----

Balik tayo kay Ricky. Artistahin talaga itong si Ricky, ang ganda ng mapungay na mata at palaging maayos ang bihis kaya hindi bagay talaga ang maging bodegero. Cebuano nga pala siya kaya may punto pang binisaya, matigas ang dila na gustong gusto daw ng mga babae hehehe.

Okay nanang makisama si Ricky, masipag at madaling matuto. Idol daw niya ako, kasi pareho daw kaming hindi nakarating ng college, pero nagawang umasenso. Sabi ko naman, dahil iyon sa sipag, loyalty at tapat sa trabaho at syempre tiyaga, kasi sa tagal ko ba naman dito, sa experience ko dito sa bodega, hindi pa ba ako pwedeng ma-promote kahit isang step man lang hehehe.

Ang problema sa akin, minsan ay nawawala ako sa sarili, hindi ko mapigilian ang pagsulyap-sulyap sa kanya. Minsan ay nahuhuli niya ako, ngingiti lang siya, marahil ay nagtataka rin kung bakit ko siya pinagmamasdan.

-----o0o-----

Sumapit ang buwan ng December. Bago magsara ang taon, kailangan naming makapag-inbentaryo. Kakailanganin ang year end iventory ng mga auditor, kaya yung katapusan ng December, bale, 31 iyon, kung kelan abala ang karamihan sa tao para ipagdiwang ang bagong taon, kami dito sa bodega ay may pasok at nagbibilang. Ito ang huling araw ng pagbibilang at kailangang matapos ito. May nauna na kaming nabilang bago pa mag katapusan, mga product na hindi na muna ilalabas, at hindi rin naman kami tumatanggap ng galing sa production para mas accurate ang bilang. Hayun, nagkukumahog ang staff ko sa bodega, kasama ang ilang auditor namin na naka-assign para mag-witness ng bilang.

Alas syete na nang gabi kami nakatapos, nakauwi na ang iba pati na ang mga auditor, naiwan pa kami ni Ricky. May inaayos pa ako, mga stub na kaputol nang ikinabit namin sa nabilang naming mga produkto, iyon ang aming igagawa ng list, lalagyang ng unit price at total amount bawat produkto para isubmit naman sa accounting, tulong kami ni Ricky dahil siya ang parang naging assistant ko.

Alas-otso na ay naroon pa kami, kami na lang yata ang tao sa warehouse at ang gwardya.

“Ricky, baka abutin tayo dito ng bagong taon ah, hindi ka ba hihintayin sa inyo?” tanong ko. “Kasi sa amin, hindi na talaga ako inaasahan na makisalo sa kanilang medya noche. Taon-taon kasi ay narito ako sa bodega, inaabot ng alas-dose,” patuloy ko.

“Eh Bernie, wala na naman akong masasakyan pauwi sa probinsya, wala rin naman akong kasama sa boarding house dahil walang tao ngayon. Siguro bukas na lang ako uuwi o di kaya hindi na lang, me pasok kasi kaagad sa 2 eh.”

”Oo nga eh, bakit kasi hindi pa dineclare na walang pasok kahit man lang Jan 2 hehehe.”

“Paano, dito tayo aabutin ng medya noche, wala naman tayong kakainin.” – ako.

“Ang daming noodles hehehe.” – si Ricky

“Bilisan na natin, makapanood man lang ng konting kwitis sa labas.”

Naayos naman namin lahat ng stub, ita-type na lang namin sa pagpasok,

“Gusto mo nang umuwi, alas diyes pa lang naman, ako, dito na lang ako magpapalipas ng gabi, bukas na ang uwi ko, May tulugan naman ako dito,” sabi ko.

“Dito na rin ako magpapalipas ng gabi, para may kausap naman ako.” – si Ricky.

“Tara, puntahan natin ang gwardya, baka may mabilhan pang pagkain, kung wala, noodles hehehe.” – Ako.

Sa kasamaang palad, wala. Yung mga karinderya ay sarado, at wala ring delivery. Mabuit pa ang gwardya, me baon. Nakisalo na lang kami, noodles ang sa amin at tinapay.

Hinintay lang namin ang 12MN, tapos ay nag-aya na akong matulog. Me maliit na kwarto sa warehouse na ginawa nang tulugan, minsan kasi ay talagang hindi ako nakakauwi, tulad ngayon.

Double deck naman ang tulugan kaya tig-isa kami ng higaan, si Ricky na lang sa itaas. Me extra naman akong unan at kumot, malamig naman sa warehouse dahil nga pasko pa.

Hindi naman kami natulog kaagad, nagkwentuhan pa kami. Natanong ko siya kung may girlfriend na.

Dati palang may kinasama na siya, may kaya daw ang babae, kaya lang ay ayaw ng magulang ng babae, binawi at doon dinala sa ibang bansa. Buti na nga lang daw ay hindi nabuntis.

“Ngayon, wala, single.”

“Hindi mo nami-miss ang dati mong syota?” usisa ko.

“Nami-miss, lalo na kapag-ganitong malamig hehehe. Minsan nga, gusto ko nang patulan yung bading na patay na patay sa akin hehehe,” sabi niya.

“Hala Ricky, huwag mong sabihin na pumapatol ka sa mga bading.” – ako.

Medyo alanganing sumagot si Ricky, napaisip. Pero makaraang makapag-isip-isip siguro, ay sinagot niya rin.

“Bernie, sa iyo ko lang aaminin ha, sana sa atin na lang ito, may tiwala ako sa iyo. Noong nalulong ako sa bisyo, nagawa kong pumatol sa bading para may pang-bisyo, Pero nagbago na ako, totally, wala na, naalis ko na at hindi na ako babalik pa,” pag-amin ni Ricky.

Wala akong masabi, wala akong maikomento. Nasabi ko na lang na na, “mabuti ang ginawa mo. Tama lang at huwag na huwag mo nang babalikan.”

“Bernie, ikaw… bakit wala ka pang asawa? Sabi mo 35 ka na pero single pa rin. Saka wala akong alam na may dinate ka o naging jowa.”

Natitigan ko lang si Ricky, hindi ko rin alam kung paano siya sasagutin. Ang tagal kong itinago ang tunay kong pagkatao, magpahanggang sa ngayon ay nailihim ko iyon.

“Okay lang po kung hindi mo sagutin. Baka po kasi may rason kayo na hindi na dapat malaman ng iba,” sabi pa ni Ricky.

“Hindi, sasagutin kita. Gaya ng sinabi mo, sa atin-atin lang, walang ibang makaka-alam. Ang alam kasi nila, ng ibang kawani dito, ay dahil sa may pinag-aaral pa akong nakababatang kapatid. Totoo naman iyon, pero ang talagang dahilan, bading ako. Tama ang nadining mo, bading ko Ricky,” pagtatapat ko.

Parang hindi naman nagulat si Ricky. Walang emosyon, walang expresyon man lang sa mukha. Ako na ang nagtanong. “Wala ka man lang bang reaksyon? Wala kang masasabi?”

“Ano naman ang sasabihin ko, wala namang masama sa pagiging bading. Maraming bading hindi lang ikaw at hindi nila ikinahihiya. Nahihiya ka ba kung malaman na bading ka?”

“Hindi ako nahihiya kung malaman na bading ako. Ang aking ikinatatakot ko ay ang ikahiya ako ng mga magulang ko, ng pamilya ko, mga kamag-anak, maaring pati mga kaibigan. Baka isumpa pa ako at hindi ko kaya iyon.”

“Paano ka nakasisiguro na ikahihiya ka nila, sinubukan mo bang magsabi ng totoo? Mag-out at sabihing bakla ka?”

“Hindi, hindi ko sinubukan. Change topic na lang, huwag na nating pag-usapan iyon. Ngayon alam mo na, ikaw lang ang nakaka-alam nito ha. May tiwala ako sa iyo. Kapag na-tsimis akong bading, sa iyo lang nanggaling.

“Isa na lang Bernie. Aaminin ko sa iyo, marami akong pinatulang bading, may pulis, may mga may asawa na, may akala ko ay tunay na lalaki, kaya medyo nakakahalata na ako kung bading ang isang tao kapag nakausap ko, at nakasama ko. Kaya hindi na ako nagulat nang aminin mong bading ka. Naghinala na ako na bading ka, kasi napapansin ko na iba ang pakisama mo sa akin, iba ang tingin mo sa akin, may lagkit. Nagkakagusto ka ba sa akin Bernie?”

 

 

…..Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...