Sabado, Abril 12, 2025

Sa Boarding House ni Kuya (Part 1) Ang Simula

 


Sa Boarding House ni Kuya (Part 1)

Ang Simula

 

Isang Seaman si Anselmo. Isa siyang chef sa Cargo Ship na may biyahe sa kung saan-saan parte sa mundo. Bukod sa malaking sweldo, libre pa siyang nakakaikot at nakakapasyal, halos naikot na niya ng buong mundo dahil sa kanyang trabahong iyon.

May asawa na si Anselmo at isang anak na lalaki. Masinop si Marta, ang asawa ni Anselmo, lahat ng pinadadalang pera sa kanya ay ginagastos niya sa tamang pangangailangan lamang kaya nakaipon siya ng malaki. Isinangguni nito sa asawang si Anselmo na ipagagawa niya ang kanilang bahay ng isang boarding house nang sa gayon ay kumita kahit papano ang perang naipon. Syempre pumayag si Anselmo.

Isang tatlong palapag na gusali ang pinagawa ni Marta, ang ground floor ang siyang kanilang inokupa at ang pangalawa at pangatlong palapag ang siyang hinati-hati para parentahan.

Apat na kwarto ang sa second floor. Minabuti ni Marta na palagyan na ng kanya-kanyang banyo ang bawat kwarto para daw hindi magkagulo kung common ang gagawing banyo.

Tatlo lang naman ang silid sa third floor, bale naglagay kasi siya ng espasyo para sa tambayan nang mangungupahan, pwede rin gawing sampayan iyon ng mga nilabhang damit ng mga mangungupahan.

Bawal magluto sa silid, nag-provide naman si Marta ng space para paglutuan sa ibaba, bale sa ilalim ng hagdanan, kung gusto nilang magluto, meron ding labahan sa bandang likuran.

Nag-takda na ng mga panuntunan si Marta sa mga posible nilang tenant. Bawal mag-luto sa silid, may kusina naman sa ibaba, bawal ding maglaba dahil sa may labahan naman.

Hanggang dalawa lang ang pwede sa bawat kwarto. Hindi niya gusto ang maramihan dahil magulo at baka madaling ma-depreciarte ang gusali.

Bawal din ang magpatulog ng bisita lalo na kung jowa nila ito. Mga lalake lang ang tatanggapin dahil sa mas maarte raw ang mga babae.

Hanggang 12 ng gabi bukas ang gate ng boarding house, kaya dapat, lahat ng tenant ay nasa kani-kanilang silid na bago pa man sumapit ang alas dose sa gabi, kapag wala pa ay sorry na lang, matutulog sila kung saan.

Hindi pa man natatapos ang gusali ay nagkasakit naman si Marta, Nadala ito sa ospital at na-diagnosed na may stage 4 cancer ito sa colon. Nagtataka nga ang anak nito dahil sa wala itong idinadaing na kahit ano.

Dahil sa pagkakasakit ni Marta ay napilitang umuwi ni Anselmo. Ikinuha niya ng nurse na mag-aalaga. Kailangan niyang sumakay uli ng barko dahil wala naman siyang tutustusin para sa pag-papagamot na asawa lalo na at bata pa ang kaisa-isang anak at nag-aaral pa sa high school at ang naipong pera ay nagamit na sa pagpapagawa ng boarding house.

Wala ring nangyari sa pagpapagamot ni Marta, tumagal lang ng isang taon at binawi rin ang buhay. Napilitan nang bumaba ng barko ni Anselmo at hindi na muling bumalik pa. Ang dahilan ay wala nang magbabantay sa anak.

Pagkalibing ni Marta ay ipinagpatuloy na ni Anselmo ang pagpapatuloy sa nahintong pagpatayo ng gusali, nakaipon naman siya kahit papano para ipagpatuloy ang nahintong consturction, bukod doon may nakalaan din para sa naisip niyang negosyo.

Nagkaroon ng pagbabago sa disenyo ng gusali, yung ground floor ay ipinaayos para gawing karinderya para daw may mapagkitaan si Anselmo sa kadahilanang hindi na nga siya sasakay uli ng barko. Magagamit niya ang kaalaman niya sa pagluluto.

Yung dating salas ay nilagyan ng mga mesa para gawing dining place, yung isang bahagi ay ginawang kitchen, bale dalawang kwarto na lang ang natira para sa mag-ama. Naglagay din ng mga shelves dahil balak na lagyan din ng mga konting paninda at yung bandang gate ay nilagyan ng parang bodega, para paglagyan ng kung ano mang stocks dahil balak niyang magtinda rin ng beer at softdrins.

Makaraan ang tatlong buwan ay natapos na rin ang gusali, nag-advertise na sila, naglagay ng paskel na “wanted boarders”, bukas na rin ang karinderya.

Marami ang nag-apply, nataon na opening ang klase, kaya karamihan ay mga estudyante. Medyo may kamahalan ang bawat silid, kaya ang iba ay hindi ma-afford.

Isa sa naunang tinanggap ni Anselmo ay si Noel at si Aris, parehong mga employee, isang estudyante na galing pang Bicol na si Rene, ang taga Pampanga na si Ryan, si James na galing Marinduque, Elmer at Joel na taga Lucena, at ang magbabarkada  na sina Mike, Dennis, Ram at Uly na taga Laguna.

Eleven na tao pa lang may available pang tatlo. Maraming applicant pero tila hindi pasado sa standard ni Anselmo.

Ating kilalanin muna ang mga naunang tenant.

Si Noel ay may katamtamang pangangatawan, maganda sa pangkaraniwan, may tangkad na 5’8” moreno, at nakakahawig ni Romnick Sarmenta noong bata pa ito. Isa siyang empleyado sa gobyerno, sa MMDA.

Si Aris ay isang empleyado sa isang leading softdinks manufacturer, magandang lalaki, may tangkad ding 5’8”, moreno at hawig kay John Lloyd Cruz.

Si Rene na isang Bicolano ay galing sa mayamang pamilya, may kaya at enrolled sa isang pinaka-magandang kolehiyo sa Maynila, may itsura, may angas, sabihin nating gwapo pero hindi naman artistahin, medyo maliit dahil 5’5” lang ang height

Si Ryan na taga Pampanga, ay matangkad, over 6 feet na siya. Sa pangangatawan at itsura ay nakakahawig niya ang basketbolisatang si Ricci Rivero, magaling din sa sports na basketball.

Si James ay taga Marinduque, artistahin ang kagandahang lalaki, may lahi kasing Koreano, matangos ang ilong, maputi at makinis ang kutis at may height na 5’11”, maganda rin ang pangangatawan.

Sina Mike, Dennis, Ram at Uly ay tinaguriang F4 ng eskwelahan nila sa Laguna, gwapings kasi at may kaya ang mga pamilya nila, iisa ang hilig, kumanta at sumayaw, may mga content sila sa Tiktok at FB. Sa isang eskwelahan sila naka enroll at iisa ang kursong kinukuha, IT course. Bale magkatabi ang silid nilang kinuha, room 23 si Mike at Dennis, room 24 si Ram at Uly.

Sina Elmer at Joel ay galing namang Lucena, Quezon at mag bestfriend, typical na teenager, medyo patpatin pa, pero may face value, ang ibig kong sabihin ng face value at may magandang mukha.

Magkasama sina Aris at Noel sa room 21, ang magkaibigan si Elmer at Joel sa room 22, si Rene at Ryan sa Rom 31, bale sa thrid floor at wala pang ka roommate si James sa room 32.

-----o0o-----

Naging successful naman ang karinderya ni Anselmo, maraming kumakain at nagte-take-out. Masarap kasi at mura lalo na sa mga tenant niya dahil binibigyan niya ng discount kaya lahat yata ng tenant niya ay doon sa karinderya na ni Anselmo kumakain, hindi na nagluluto. Pinangalanan ni Anselmo ang kanyang karinderya na “Karinderya ni Kuya” kaya naging tawag na sa kanya ng mga suki at tenant ay “Kuya”.

Naka-katulong ni Kuya ang anak niyang si Rolly na kaga-graduate lang din ng senior high kaya bale college na rin siya, kapag walang pasok sa eskwela, May kinuha naman si kuya na serbidora at kahera.

-----o0o-----

Yan ang simula, ang boarding house ni Kuya kung saan iikot ang iba’t-ibang kwento ng mga tenant at ibang character.

Subaybayan lang po at sana magustuhan n’yo rin.

 

Salamat.

 

1 komento:

  1. Mukhang promising ang kwento, sana may mag rent din na barakong pulis o may barakong may asaway anak sa probonsya, and may barako to barako scene like top to bottom

    TumugonBurahin

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...