Huwebes, Hunyo 12, 2025

Roommate Romance (Part 3) By: N.D. List

 




Roommate Romance (Part 3)

By: N.D. List

 

"Ayusin mo yung mga gamit mo. Humanap ka na ng ibang matutuluyan. Hindi na maganda yung magkasama pa tayo dito. Hindi naman tayo mga bobo para maggaguhan pa," sabi ko sa kaniya ng mas mahinahon pa kay Jacklyn Jose.

"Bakit naman, TL?" tanong niya na parang walang nangyari. Nagpanting ang tenga ko. Gusto kong maghuramentado. Gusto kong kunin ang macbook niya na nakapatong sa dining table at ihampas sa mukha niyang maamo. Gago din. Tatanong-tanong pa.

"Anong bakit? Pagkatapos nang pinaggagawa mo, babaket ka pa! Tangina mo!"

"Hindi ko naman... hindi naman ano yun, TL... hindi ano..."

"Hindi ano? Tigil-tigilan mo nga akong gago ka! Akala mo ba hindi ko napapansin, pag nag-tsa-chat kayo, pag dumadaan ako, ay nagtatawanan kayo, dumagdag ka pa sa mga bobo sa floor na walang ginawa kundi mag-aksaya ng oras!" Lumakas na ang boses ko, dinig na sa labas.

"Nagtatrabaho naman ako ng maayos sa office, TL," Garalgal ang boses niya, nanginginig, nangingilid ang luha. Bobo din. Hindi pa nakuha ang pinupunto ko.

“Hindi yun ang point ko gago! Ang point ko eh nakisali ka pa sa mga gagong inggitero na yon! May talino ka naman sa tingin ko, bakit kailangan mo pang makisali sa mga bobo na yon na pinipintas-pintasan na lang ako sa walang kakwenta-kwentang bagay dahil wala silang maibato sa akin?"

Tahimik, saglit lang na katahimikan pero parang napakatagal.

"Mataas ang respeto ko sa 'yo TL."

"Anong mataas ang respetong sinasabi mong gago ka! Huwag mo nga akong ginagago! E ano yung sinasasabi mo sa kanila kanina, gago ka? Tangina mo! Akala mo ba lahat ng tao patay na patay at libog na libog sa 'yo? Tangina mong gago ka, masiyado kang bilib sa sarili mo, nagpumilit ka nga lang sumiksik dito sa unit ko. Naawa lang ako sa 'yo dahil mukha kang bobong tatanga-tanga!"

Nauutal na ako sa sobrang galit. Lahat ng mga bagay na dapat ay nas isip ko lang ay nasasabi ko na. Parang sasabog ang dibdib ko, mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Nagsisi ako sa sinabi ko sa kaniya pero Hindi ko na mabawi.

Lumuluha na siya, humihikbi-hikbi. Parang paslit na tahimik na umiiyak. Kanina lamang ay mukha siyang mayabang na estudyante na nagkukwento sa mga kabarkadang bobo. Ngayon ay mukha na siyang totoy na nakakaawa.

Hindi siya gumalaw kaya sumigaw ulit ako. "Ayusin mo na ang mga gamit mooooo!

Ganoon sana ang gusto kong confrontation scene kay Mico noon pero hindi ganoon ang nangyari. Walang ganoong sigawan na naganap. Nasa isip ko lang lahat yan. Iyon ang problema ko dahil hindi pa ako. Hindi ko masabi ang gustong kong sabihin dahil ayaw kong aminin ang pagka baklako, kahit alam na ng iba. Nasanay na ako sa pakitungo sa akin, ang respeto ng maraming tao. Hindi ng lahat, pero ng karamihan. Hindi ako handa sa pagbabago, natatakot ako.

Medyo mas malumanay naman ng konti sa nais kong sabihin ang sinabi ko na pagpapaalis sa kaniya. Hindi din naman agad-agad, binigyan ko siya ng ilang araw, Kaya nagtagl pa ng konti, nagkaroon pa ng maraming awkward moments, masakit din sa akin.

Pero saka ko na ikukwento yon.

Balik muna tayo sa kasalukuyan.

-----o0o-----

Naging mas magaan ng konti ang mga sumunod na araw samin ni Mico matapos niyang mag sleep over ng lasing. Matapos ko siyang paliguan ng hubo't hubad, ang ine-expect ko ay maiilang siya at mas mahihiya sa akin. Ironic. Narealize ko din na siguro mas nasa akin talaga ang pagkailang at pag-iwas.

Kung noong mga nakalipas na araw ay medyo awkward pag nagkakasalubong kami sa office, ngayon ay mas komportable na kaming nagbabatian. Hindi na yung kakausapin namin ang isat-isa pag kailangan sa trabaho. Yung hanggat maaari ay idadaan sa iba ang sasabihin ko sa kaniya. Sabagay, dahil na-promote na ako na CCM ay konti na lang naman talaga ang interaction namin, although hindi din maiwasan dahil trainee na siya for team leader role, casual lang kami. Hindi pa din nababalik yung dati, mahirap.

Dahil sa mga ginawa ni Jael sa opisina, naging mahirap na para sa'min ni Mico na maging malapit sa isat-isa. Hindi kumportable para sa akin, siguro kahit din sa kaniya. Pero kahit papano, ay nakagaan na din siguro sa kaniya na nalaman niya na may concern pa din naman ako sa kaniya.

Ilang beses ko ring naramdaman na parang nananantya siya kung papanong approach ang gagawin niya sa akin, depende sa mga taong nakakakita. Naisip ko na awkward lang sa kaniya pero minsan sumasagi din sa isip ko na pinoprotektahan niya ako sa iba. Umiiwas na lang siya para walang pag-usapan.

Nung pauwi ako sa bahay isang umaga after shift, napansin ko na may lalaking nakaupo sa taas na hindi ko makilala. Pagka-akyat ko ng hagdanan ay nakilala ko yung sikyu namin sa office. Mahirap talagang makilala si kuya Jov pag hindi naka-uniform.

"O, kuya! Jamming? Bat wala kang dalang gitara?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, hindi ser. Lalabas kami nina boss Jepoy at boss Mikoy. Aayain sana kita ser kaso... kasama din si boss Jael."

"Ah, okay. Oo, huwag na nga. Sabihin mo na lang nami-miss ko na siya. Hahaha. Hindi ka ba papasok mamaya?"

"Pinayagan nako ng agency na mag-leave ng limang araw ser. May substitute ako mamaya. Bukas uwi ako ng probinsiya."

"Ayus! Buti pinayagan ka na nila ngayon. ‘Di ba pahirapan sa agency n’yo kamo?".

"Sabi ko kasi ser, magre-resign na lang ako. Nahihirapan kasi ako ng pati day off pahirapan. Tapos 12 hours pa ang shift. Yun… binigyan na lang nila ako ng limang araw na bakasyon."

"Naku, huwag mo kaming iiwan kuya Jov. Mami-miss ka ng mga tao sa opisina. Hindi ko nga ma-imagine ang office natin ng wala ka."

Tumingin siya sa akin na may halong pang-aakusa. "Eh bakit ikaw ser, nagbabalak umalis at iiwan kami?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot. Kung meron kang hindi dapat tinatalo sa office, si kuya Jov yon. Tahimik lang siya pero alam niya ang lahat ng nangyayari sa office. Sinabihan ko si Chona nun na balak ko nang umalis. At binigyan ko siya ng 2-month notice na requirement sa mga nagreresign na may hawak na key position. Pero hindi na natuloy yon dahil nauna nang nag submit ng resignation si Jael. Kawawa naman ang mga maiiwan. Saka naisip ko din kung aalis na si Jael, baka mas gumaan ang buhay ko sa opisina.

"Huwag mo nang sagutin ser. Alam ko naman kung bakit gusto mong umalis noon. Natanong lang kasi sa akin ni Boss Chona dati kung kumusta ka. Tapos yun nabanggit na niya. Buti nga hindi natuloy. Huwag mong sasabihing nasabi ko sa iyo ser ha!" sabi niya sabay suntok ng mahina sa paa ko.

"Maraming malulungkot dun ser pag nawala ka."

"Talaga lang ha," sagot ko na may kasamang mahinang tawa.

"Oo ser. Maraming mga pumupuri sa iyo na mga agents dun kahit nung TL ka pa lang. Hanggang ngayon CCM ka na, sa iyo pa rin kinukumpara parati ng mga bata yung mga bagong leader nila. Kita mo nga TL pa din tawag sa iyo."

Tahimik lang ako. Ito yung mga bagay na medyo nabalewala ko at hindi nabigyan ng pansin. Madami ding mga nagse-send ng mga personal na message sa akin sa facebook. Mga papuri at boladas. Minsan "hehe" at "salamat" nalang ang nasasagot ko.

"Konti lang naman ang mga gago dun ser. Mas marami ang mga nagmamahal sa iyo dun. Nagtatampo na nga sina Nan, Pax saka sina Kulot at yung mga batang hawak mo dati. Kung kelan daw lumaki ang sweldo mo saka mo na sila hindi nilalabas."

Hindi pa din ako kumikibo. Madami akong iniisip.

"Kahit ako nga sir antagal na nung binigyan mo ako ng panis na spaghetti".

"Hahahaha. Grabe ka naman kuya Jov. Sabi ko naman sayo tingnan mo muna kung panis na. Saka tinikman ko din naman ayus pa."

"Hahahaha. Joke lang ser. Ang sarap nga eh. Kung panis yon ibibigay ko na lang yun kay Chaomingzu. Tutal malapit naman siya sa CR ng parking." Tawanan kami.

"Ser, e si boss Mikoy kumusta naman kayo?" seryoso niyang tanong.

"Ha? Bakit mo natanong? Ayus lang naman," nagtataka kong sagot.

"Hindi nga ser?" pilit niya. Natahimik ulit ako.

"Alam mo ser, hindi na masiyadong nakakangiti si Mikoy ngayon na kagaya ng sinasabi mo dati na parang ngiting kakatapos lang na uminom ng gatas sa commercial. Madalas nahuhuli ko siyang tahimik at nag-iisip ng malalim."

"Naku, hindi ko na problema yun kuya Jov. Alam mo yung pagiging malungkot ng tao, nasa kanila na yon. Tayo lang ang may kontrol ng emosyon natin."

Siya naman ang natahimik. Mukhang na-check mate ko na.

"Alam mo ser, ikaw na yung pinakamalapit na tao kay Mikoy dito sa Makati. Ikaw na ang pamilya niya dito. Nami-miss ka nung bata. Mas madalas ka pa nga nun ikwento sa akin kesa sa pamilya niya. Kapatid na ang turing sa iyo nun ser."

Wala pa din akong sagot.

"Mataas ang respeto sa 'yo nung batang yun ser."

Tumingin ako kay kuya Jov. "Hindi masiyadong halata kuya," balik ko sa kaniya.

Iniisip niya ang sasabihin niya. "Alam mo ser, yung mga nadinig mo dati, wala lang yun. Nakisakay lang yung si Mikoy sa kwentuhan nina boss Ja nun. Madalas nga tahimik lang yon. Nakiki-tawa-tawa lang minsan. Nakikisama lang yon ser. Nakikisama lang yon sa mga barkada niya."

Nakikisama at my expense? Lakas talaga ng karisma nitong si Mico. Nakahanap pa ng abogado niya.

Hindi ko masiyadong matanggap ang mga sinabi ni kuya Jov. Naisip ko na din naman ang mga sinabi niya dati pa. Pero yun lang yung obserbasyon niya pag nakikita niya sila. Hindi namin alam kung ano pa ang mga sinasabi niya sakin pag nasa ibang lugar sila, pag alam nilang walang ibang nakakadinig. Minsan naiisip ko din na masiyado lang akong sensitive at nago-overreact. Pero kung totoong kapatid ang turing niya sakin, dapat pa nga ipagtanggol niya ako. Sobrang na-dissapoint lang siguro ako. Ewan ko ba.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni kuya Jov. Nakita ko kasi na paparating na sina Mico. Pinisil ko ang tuhod ni kuya Jov at tinapik ng dalawang beses saka nako tumayo. "Sige kuya Jov pahinga na muna ako. Enjoy kayo! Enjoy mo din ang bakasyon mo."

Tinaas niya ang mga kilay niya at tumango.

-----o0o-----

Tuloy muna natin ang flashback...

 

Pagbaba namin ng apartment, ay nadaanan namin yung eatery na madalas kong kainan on our way papunta kung san nakapark ang kuya niya. Nakita ko si Camille, yung part owner at nagse-serve din sa mga customer, na nagtatapon sa trash bin nila sa labas ng kainan nila.

"Oy, Cams! Kumusta? Late yata kayong nagbukas ngayon?"

"Oo eh. Tinanghali yung mga namamalengke. Ikaw ha. Napromote ka lang parang nandiri ka na dito sa kainan namin," umilag ako dahil pabiro niyang hinampas sa akin yung basang dustpan.

"Syempre naman. Turo-turo yuck! Kita mo nga artista na yung mga ka-rubbing elbows ko ngayon," biro ko sabay turo kay Mico na namumula at sinuntok ako ng mahina sa balikat.

"Gago!" sabi niya sabay hampas ulit ng dust pan sakin.

"Wag ka maniwala dyan kay TL. Luko-luko yan eh," sabad naman ni Mico.

"Syempre biro lang. Nag-expect ka naman talaga na maniniwala siya ano," tukso ko ulit. Namula lalo siya at sinuntok ulit ako ng mahina sabay punta sa likod ko at hawak sa balikat ko.

Narinig namin na may bumusina ng mahina sa kabila ng kalsada. Kumaway si Mico.

"Uy Cams, maiwan ka muna namin. Magpa-fine dining muna ako kasama ng mga artista kong kaibigan ha. Hahaha."

"Gago! Pag bumalik ka dito hindi kita papapasukin!"

"Hahaha. Biro lang. Madalas kasi ako sa office na nagbe-breakfast dahil parating overtime. Bukas kain kami dyan"

Tumawid na kami ng kalsada para puntahan ang kuya niya.

Kamukhang-kamukha ni Mico ang kuya niya. Mas pormal lang ito at clean cut ang buhok. Hindi kagaya ni na makapal ang buhok. Corporate na corporate ang bihis. Pareho silang maamo ang mukha. Sumakay si Mico sa harap at sa likod naman ako.

"Kuya si TL Gabriel. TL, si kuya Joshua," pakilala ni Mico sa 'kin. Hayup ah. Buong-buo.

"Sir, kumusta po," bati ko.

"Josh na lang, bro. Halos magkaedad lang naman siguro tayo. Mabuti na lang at may bakanteng mauupahan sa inyo." Sumabad si Mico at sinabing wala talagang bakante, ikwinento ang usapan namin kanina. Nagpasalamat si Josh sakin.

"Habaan mo sana ang pasensiya dito sa bunso namin bro, ha. Hindi kasi sanay masiyado yan sa gawaing bahay. First time niyang mag-sarili at mahiwalay. Ni hindi nga yan marunong magsaing," pagbubuko ni Josh.

"Tsk, kuya naman eh. Sisiraan mo pa'ko eh. Malinis sa bahay nga yung press release ko kay TL kanina eh. Magsisipag naman ako. Wag kang mag-alala TL. Wala kang magiging problema sa 'kin."

Halatang malapit na malapit si Mico sa kuya niya. Nakakatuwa din silang pagmasdan dahil parang magbarkada lang ang turingan nila. Nakwento sa akin ni Josh habang kumakain kami na 5 years old pa lang si Mico nung tuluyan nang nanirahan sa US ang parents nila. Lumaki silang tatlong magkakapatid kasama ang kanilang lola at mga katulong nila sa kanilang bahay sa Meycauayan, Bulacan. Nung mag-asawa si Josh 6 years ago ay bumukod na siya sa kanila at tumira na sa Malolos.

Napansin ko na medyo naging wistful ang mukha ni Mico habang kinukwento ni Josh ang pagbukod niya from his siblings. After about 2 years, umalis naman at ate niya at nanirahan na din sa US kasama ang parents nila. Dahil ayaw ni Josh na mag-isa si Mico sa bahay nila ay pinatira na lang din niya si Mico sa Malolos kasama ng pamilya niya. Iniisip ko kung bakit hindi na lang sila ang bumalik sa bahay sa Malolos pero nahiya na din akong magtanong. Tinanong din niya ako tungkol sa background ko at nagkwento naman ako.

Pagkatapos naming kumain ay tinanong ko si Josh kung gusto niyang tingnan ang unit na tinitirhan ko. Nahalata ko kasi na medyo nag-aalala din siya para sa kapatid niya. Kinuha nila ang mga gamit ni Mico sa trunk at umakyat na kami sa unit ko.

"Mabuti naman Gab at nakilala ka nitong kapatid ko. Alam mo kinukwento ka na niyan sakin mula nung interview pa lang. Sa lahat daw ng job interview niya sa iyo lang daw siya hindi kinabahan."

Nakita ko na tinusok ni Mico ang kuya niya sa tagiliran at sinaway. Na-curious tuloy ako kung ano pa ang sinabi ni Mico tungkol sa akin. Hindi na din nagtagal ang kuya niya at nagpaalam na din.

Nung pagkaalis ng kaniyang kuya ay saka nagkwento si Mico tungkol sa kaniya. Si Josh at ate daw niya na si Trixie ang pinakamalapit na tao sa kaniya, lalo na si Josh. Magkasama nga daw silang dalawa sa kwarto kahit meron namang sapat na bed room sa bahay nila para sa kanilang tatlo. Matatakutin daw kasi siya sa multo kaya natatakot siyang mag-isa sa kwarto. Si Josh na daw yung tumatayong tatay, kuya at kaibigan niya kaya sobrang lungkot niya nang mag-decide silang bumukod sa kagustuhan ng asawa niya.

Pinutol ko ang pagkukwento ni Mico nung makaramdam ako ng pagod at antok. Pumasok ako sa banyo para maligo. Napaharap ako sa salamin, napansin ko na nakakahiya pala yung nadampot kong damit. Nagmukha yata akong driver nung dalawa nung kumakain kami.

Lumabas ulit ako ng nakapambahay na shorts at walang damit. Binati na naman ni Mico ang katawan ko. "TL, hanap tayo ng ibang gym ha. Sama n’yo  ako nina TL Jael. Para magka-katawan din akong ganiyang pangmodel," sabi niya na may konting tawa.

"Sige ba. Tanggalin mo na lang ang mga gamit dyan sa kama saka mo ayusin ang higaan," sabi ko. Nagsuot ako ng sando, tinaasan ang temperature ng aircon at saka na ako nahiga.

"Sige, TL. Maliligo muna ako saglit. Baka mahirapan pa akong makatulog niyan. Magpo-porn muna 'ko. Hahaha," Tumayo na si Mico at nagkalkal ng damit sa bag niya.

"Gago! ‘Wag kang magdudumi d’yan ha, palalayasin kita kahit unang araw mo pa lang dito," pabiro kong sabi sa kaniya na tinawanan lang niya.

 

 

Itutuloy-----

1 komento:

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...