Roommate
Romance (Part 3)
By: N.D. List
"Ayusin
mo yung mga gamit mo. Humanap ka na ng ibang matutuluyan. Hindi na maganda yung
magkasama pa tayo dito. Hindi naman tayo mga bobo para maggaguhan pa,"
sabi ko sa kaniya ng mas mahinahon pa kay Jacklyn Jose.
"Bakit
naman, TL?" tanong niya na parang walang nangyari. Nagpanting ang tenga
ko. Gusto kong maghuramentado. Gusto kong kunin ang macbook niya na nakapatong
sa dining table at ihampas sa mukha niyang maamo. Gago din. Tatanong-tanong pa.
"Anong
bakit? Pagkatapos nang pinaggagawa mo, babaket ka pa! Tangina mo!"
"Hindi ko
naman... hindi naman ano yun, TL... hindi ano..."
"Hindi
ano? Tigil-tigilan mo nga akong gago ka! Akala mo ba hindi ko napapansin, pag
nag-tsa-chat kayo, pag dumadaan ako, ay nagtatawanan kayo, dumagdag ka pa sa
mga bobo sa floor na walang ginawa kundi mag-aksaya ng oras!" Lumakas na
ang boses ko, dinig na sa labas.
"Nagtatrabaho
naman ako ng maayos sa office, TL," Garalgal ang boses niya, nanginginig, nangingilid
ang luha. Bobo din. Hindi pa nakuha ang pinupunto ko.
“Hindi yun ang
point ko gago! Ang point ko eh nakisali ka pa sa mga gagong inggitero na yon! May
talino ka naman sa tingin ko, bakit kailangan mo pang makisali sa mga bobo na
yon na pinipintas-pintasan na lang ako sa walang kakwenta-kwentang bagay dahil
wala silang maibato sa akin?"
Tahimik, saglit
lang na katahimikan pero parang napakatagal.
"Mataas
ang respeto ko sa 'yo TL."
"Anong
mataas ang respetong sinasabi mong gago ka! Huwag mo nga akong ginagago! E ano
yung sinasasabi mo sa kanila kanina, gago ka? Tangina mo! Akala mo ba lahat ng
tao patay na patay at libog na libog sa 'yo? Tangina mong gago ka, masiyado
kang bilib sa sarili mo, nagpumilit ka nga lang sumiksik dito sa unit ko. Naawa
lang ako sa 'yo dahil mukha kang bobong tatanga-tanga!"
Nauutal na ako
sa sobrang galit. Lahat ng mga bagay na dapat ay nas isip ko lang ay nasasabi
ko na. Parang sasabog ang dibdib ko, mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Nagsisi
ako sa sinabi ko sa kaniya pero Hindi ko na mabawi.
Lumuluha na siya,
humihikbi-hikbi. Parang paslit na tahimik na umiiyak. Kanina lamang ay mukha siyang
mayabang na estudyante na nagkukwento sa mga kabarkadang bobo. Ngayon ay mukha
na siyang totoy na nakakaawa.
Hindi siya
gumalaw kaya sumigaw ulit ako. "Ayusin mo na ang mga gamit mooooo!
Ganoon sana
ang gusto kong confrontation scene kay Mico noon pero hindi ganoon ang
nangyari. Walang ganoong sigawan na naganap. Nasa isip ko lang lahat yan. Iyon
ang problema ko dahil hindi pa ako. Hindi ko masabi ang gustong kong sabihin
dahil ayaw kong aminin ang pagka baklako, kahit alam na ng iba. Nasanay na ako
sa pakitungo sa akin, ang respeto ng maraming tao. Hindi ng lahat, pero ng karamihan.
Hindi ako handa sa pagbabago, natatakot ako.
Medyo mas
malumanay naman ng konti sa nais kong sabihin ang sinabi ko na pagpapaalis sa
kaniya. Hindi din naman agad-agad, binigyan ko siya ng ilang araw, Kaya nagtagl
pa ng konti, nagkaroon pa ng maraming awkward moments, masakit din sa akin.
Pero saka ko
na ikukwento yon.
Balik muna
tayo sa kasalukuyan.
-----o0o-----
Naging mas
magaan ng konti ang mga sumunod na araw samin ni Mico matapos niyang mag sleep
over ng lasing. Matapos ko siyang paliguan ng hubo't hubad, ang ine-expect ko
ay maiilang siya at mas mahihiya sa akin. Ironic. Narealize ko din na siguro
mas nasa akin talaga ang pagkailang at pag-iwas.
Kung noong mga
nakalipas na araw ay medyo awkward pag nagkakasalubong kami sa office, ngayon
ay mas komportable na kaming nagbabatian. Hindi na yung kakausapin namin ang
isat-isa pag kailangan sa trabaho. Yung hanggat maaari ay idadaan sa iba ang
sasabihin ko sa kaniya. Sabagay, dahil na-promote na ako na CCM ay konti na lang
naman talaga ang interaction namin, although hindi din maiwasan dahil trainee
na siya for team leader role, casual lang kami. Hindi pa din nababalik yung
dati, mahirap.
Dahil sa mga
ginawa ni Jael sa opisina, naging mahirap na para sa'min ni Mico na maging
malapit sa isat-isa. Hindi kumportable para sa akin, siguro kahit din sa kaniya.
Pero kahit papano, ay nakagaan na din siguro sa kaniya na nalaman niya na may
concern pa din naman ako sa kaniya.
Ilang beses ko
ring naramdaman na parang nananantya siya kung papanong approach ang gagawin niya
sa akin, depende sa mga taong nakakakita. Naisip ko na awkward lang sa kaniya pero
minsan sumasagi din sa isip ko na pinoprotektahan niya ako sa iba. Umiiwas na
lang siya para walang pag-usapan.
Nung pauwi ako
sa bahay isang umaga after shift, napansin ko na may lalaking nakaupo sa taas
na hindi ko makilala. Pagka-akyat ko ng hagdanan ay nakilala ko yung sikyu
namin sa office. Mahirap talagang makilala si kuya Jov pag hindi naka-uniform.
"O, kuya!
Jamming? Bat wala kang dalang gitara?" tanong ko sa kaniya.
"Ah,
hindi ser. Lalabas kami nina boss Jepoy at boss Mikoy. Aayain sana kita ser
kaso... kasama din si boss Jael."
"Ah, okay.
Oo, huwag na nga. Sabihin mo na lang nami-miss ko na siya. Hahaha. Hindi ka ba
papasok mamaya?"
"Pinayagan
nako ng agency na mag-leave ng limang araw ser. May substitute ako mamaya.
Bukas uwi ako ng probinsiya."
"Ayus!
Buti pinayagan ka na nila ngayon. ‘Di ba pahirapan sa agency n’yo kamo?".
"Sabi ko
kasi ser, magre-resign na lang ako. Nahihirapan kasi ako ng pati day off
pahirapan. Tapos 12 hours pa ang shift. Yun… binigyan na lang nila ako ng limang
araw na bakasyon."
"Naku, huwag
mo kaming iiwan kuya Jov. Mami-miss ka ng mga tao sa opisina. Hindi ko nga
ma-imagine ang office natin ng wala ka."
Tumingin siya
sa akin na may halong pang-aakusa. "Eh bakit ikaw ser, nagbabalak umalis
at iiwan kami?"
Natahimik ako.
Hindi ko alam ang isasagot. Kung meron kang hindi dapat tinatalo sa office, si
kuya Jov yon. Tahimik lang siya pero alam niya ang lahat ng nangyayari sa
office. Sinabihan ko si Chona nun na balak ko nang umalis. At binigyan ko siya
ng 2-month notice na requirement sa mga nagreresign na may hawak na key
position. Pero hindi na natuloy yon dahil nauna nang nag submit ng resignation
si Jael. Kawawa naman ang mga maiiwan. Saka naisip ko din kung aalis na si
Jael, baka mas gumaan ang buhay ko sa opisina.
"Huwag mo
nang sagutin ser. Alam ko naman kung bakit gusto mong umalis noon. Natanong
lang kasi sa akin ni Boss Chona dati kung kumusta ka. Tapos yun nabanggit na niya.
Buti nga hindi natuloy. Huwag mong sasabihing nasabi ko sa iyo ser ha!"
sabi niya sabay suntok ng mahina sa paa ko.
"Maraming
malulungkot dun ser pag nawala ka."
"Talaga
lang ha," sagot ko na may kasamang mahinang tawa.
"Oo ser.
Maraming mga pumupuri sa iyo na mga agents dun kahit nung TL ka pa lang.
Hanggang ngayon CCM ka na, sa iyo pa rin kinukumpara parati ng mga bata yung
mga bagong leader nila. Kita mo nga TL pa din tawag sa iyo."
Tahimik lang
ako. Ito yung mga bagay na medyo nabalewala ko at hindi nabigyan ng pansin.
Madami ding mga nagse-send ng mga personal na message sa akin sa facebook. Mga
papuri at boladas. Minsan "hehe" at "salamat" nalang ang
nasasagot ko.
"Konti
lang naman ang mga gago dun ser. Mas marami ang mga nagmamahal sa iyo dun.
Nagtatampo na nga sina Nan, Pax saka sina Kulot at yung mga batang hawak mo
dati. Kung kelan daw lumaki ang sweldo mo saka mo na sila hindi
nilalabas."
Hindi pa din
ako kumikibo. Madami akong iniisip.
"Kahit
ako nga sir antagal na nung binigyan mo ako ng panis na spaghetti".
"Hahahaha.
Grabe ka naman kuya Jov. Sabi ko naman sayo tingnan mo muna kung panis na. Saka
tinikman ko din naman ayus pa."
"Hahahaha.
Joke lang ser. Ang sarap nga eh. Kung panis yon ibibigay ko na lang yun kay
Chaomingzu. Tutal malapit naman siya sa CR ng parking." Tawanan kami.
"Ser, e
si boss Mikoy kumusta naman kayo?" seryoso niyang tanong.
"Ha?
Bakit mo natanong? Ayus lang naman," nagtataka kong sagot.
"Hindi
nga ser?" pilit niya. Natahimik ulit ako.
"Alam mo
ser, hindi na masiyadong nakakangiti si Mikoy ngayon na kagaya ng sinasabi mo
dati na parang ngiting kakatapos lang na uminom ng gatas sa commercial. Madalas
nahuhuli ko siyang tahimik at nag-iisip ng malalim."
"Naku,
hindi ko na problema yun kuya Jov. Alam mo yung pagiging malungkot ng tao, nasa
kanila na yon. Tayo lang ang may kontrol ng emosyon natin."
Siya naman ang
natahimik. Mukhang na-check mate ko na.
"Alam mo
ser, ikaw na yung pinakamalapit na tao kay Mikoy dito sa Makati. Ikaw na ang
pamilya niya dito. Nami-miss ka nung bata. Mas madalas ka pa nga nun ikwento sa
akin kesa sa pamilya niya. Kapatid na ang turing sa iyo nun ser."
Wala pa din
akong sagot.
"Mataas
ang respeto sa 'yo nung batang yun ser."
Tumingin ako
kay kuya Jov. "Hindi masiyadong halata kuya," balik ko sa kaniya.
Iniisip niya
ang sasabihin niya. "Alam mo ser, yung mga nadinig mo dati, wala lang yun.
Nakisakay lang yung si Mikoy sa kwentuhan nina boss Ja nun. Madalas nga tahimik
lang yon. Nakiki-tawa-tawa lang minsan. Nakikisama lang yon ser. Nakikisama
lang yon sa mga barkada niya."
Nakikisama at
my expense? Lakas talaga ng karisma nitong si Mico. Nakahanap pa ng abogado niya.
Hindi ko masiyadong
matanggap ang mga sinabi ni kuya Jov. Naisip ko na din naman ang mga sinabi niya
dati pa. Pero yun lang yung obserbasyon niya pag nakikita niya sila. Hindi
namin alam kung ano pa ang mga sinasabi niya sakin pag nasa ibang lugar sila, pag
alam nilang walang ibang nakakadinig. Minsan naiisip ko din na masiyado lang
akong sensitive at nago-overreact. Pero kung totoong kapatid ang turing niya
sakin, dapat pa nga ipagtanggol niya ako. Sobrang na-dissapoint lang siguro
ako. Ewan ko ba.
Hindi na ako
nakasagot sa sinabi ni kuya Jov. Nakita ko kasi na paparating na sina Mico.
Pinisil ko ang tuhod ni kuya Jov at tinapik ng dalawang beses saka nako tumayo.
"Sige kuya Jov pahinga na muna ako. Enjoy kayo! Enjoy mo din ang bakasyon
mo."
Tinaas niya
ang mga kilay niya at tumango.
-----o0o-----
Tuloy muna
natin ang flashback...
Pagbaba namin
ng apartment, ay nadaanan namin yung eatery na madalas kong kainan on our way
papunta kung san nakapark ang kuya niya. Nakita ko si Camille, yung part owner
at nagse-serve din sa mga customer, na nagtatapon sa trash bin nila sa labas ng
kainan nila.
"Oy,
Cams! Kumusta? Late yata kayong nagbukas ngayon?"
"Oo eh.
Tinanghali yung mga namamalengke. Ikaw ha. Napromote ka lang parang nandiri ka
na dito sa kainan namin," umilag ako dahil pabiro niyang hinampas sa akin
yung basang dustpan.
"Syempre
naman. Turo-turo yuck! Kita mo nga artista na yung mga ka-rubbing elbows ko
ngayon," biro ko sabay turo kay Mico na namumula at sinuntok ako ng mahina
sa balikat.
"Gago!"
sabi niya sabay hampas ulit ng dust pan sakin.
"Wag ka
maniwala dyan kay TL. Luko-luko yan eh," sabad naman ni Mico.
"Syempre
biro lang. Nag-expect ka naman talaga na maniniwala siya ano," tukso ko
ulit. Namula lalo siya at sinuntok ulit ako ng mahina sabay punta sa likod ko
at hawak sa balikat ko.
Narinig namin
na may bumusina ng mahina sa kabila ng kalsada. Kumaway si Mico.
"Uy Cams,
maiwan ka muna namin. Magpa-fine dining muna ako kasama ng mga artista kong
kaibigan ha. Hahaha."
"Gago!
Pag bumalik ka dito hindi kita papapasukin!"
"Hahaha.
Biro lang. Madalas kasi ako sa office na nagbe-breakfast dahil parating
overtime. Bukas kain kami dyan"
Tumawid na
kami ng kalsada para puntahan ang kuya niya.
Kamukhang-kamukha
ni Mico ang kuya niya. Mas pormal lang ito at clean cut ang buhok. Hindi kagaya
ni na makapal ang buhok. Corporate na corporate ang bihis. Pareho silang maamo
ang mukha. Sumakay si Mico sa harap at sa likod naman ako.
"Kuya si
TL Gabriel. TL, si kuya Joshua," pakilala ni Mico sa 'kin. Hayup ah.
Buong-buo.
"Sir,
kumusta po," bati ko.
"Josh na lang,
bro. Halos magkaedad lang naman siguro tayo. Mabuti na lang at may bakanteng
mauupahan sa inyo." Sumabad si Mico at sinabing wala talagang bakante,
ikwinento ang usapan namin kanina. Nagpasalamat si Josh sakin.
"Habaan
mo sana ang pasensiya dito sa bunso namin bro, ha. Hindi kasi sanay masiyado
yan sa gawaing bahay. First time niyang mag-sarili at mahiwalay. Ni hindi nga
yan marunong magsaing," pagbubuko ni Josh.
"Tsk,
kuya naman eh. Sisiraan mo pa'ko eh. Malinis sa bahay nga yung press release ko
kay TL kanina eh. Magsisipag naman ako. Wag kang mag-alala TL. Wala kang
magiging problema sa 'kin."
Halatang
malapit na malapit si Mico sa kuya niya. Nakakatuwa din silang pagmasdan dahil
parang magbarkada lang ang turingan nila. Nakwento sa akin ni Josh habang
kumakain kami na 5 years old pa lang si Mico nung tuluyan nang nanirahan sa US
ang parents nila. Lumaki silang tatlong magkakapatid kasama ang kanilang lola
at mga katulong nila sa kanilang bahay sa Meycauayan, Bulacan. Nung mag-asawa
si Josh 6 years ago ay bumukod na siya sa kanila at tumira na sa Malolos.
Napansin ko na
medyo naging wistful ang mukha ni Mico habang kinukwento ni Josh ang pagbukod
niya from his siblings. After about 2 years, umalis naman at ate niya at
nanirahan na din sa US kasama ang parents nila. Dahil ayaw ni Josh na mag-isa
si Mico sa bahay nila ay pinatira na lang din niya si Mico sa Malolos kasama ng
pamilya niya. Iniisip ko kung bakit hindi na lang sila ang bumalik sa bahay sa
Malolos pero nahiya na din akong magtanong. Tinanong din niya ako tungkol sa
background ko at nagkwento naman ako.
Pagkatapos
naming kumain ay tinanong ko si Josh kung gusto niyang tingnan ang unit na
tinitirhan ko. Nahalata ko kasi na medyo nag-aalala din siya para sa kapatid niya.
Kinuha nila ang mga gamit ni Mico sa trunk at umakyat na kami sa unit ko.
"Mabuti
naman Gab at nakilala ka nitong kapatid ko. Alam mo kinukwento ka na niyan
sakin mula nung interview pa lang. Sa lahat daw ng job interview niya sa iyo
lang daw siya hindi kinabahan."
Nakita ko na
tinusok ni Mico ang kuya niya sa tagiliran at sinaway. Na-curious tuloy ako
kung ano pa ang sinabi ni Mico tungkol sa akin. Hindi na din nagtagal ang kuya niya
at nagpaalam na din.
Nung pagkaalis
ng kaniyang kuya ay saka nagkwento si Mico tungkol sa kaniya. Si Josh at ate
daw niya na si Trixie ang pinakamalapit na tao sa kaniya, lalo na si Josh.
Magkasama nga daw silang dalawa sa kwarto kahit meron namang sapat na bed room
sa bahay nila para sa kanilang tatlo. Matatakutin daw kasi siya sa multo kaya
natatakot siyang mag-isa sa kwarto. Si Josh na daw yung tumatayong tatay, kuya
at kaibigan niya kaya sobrang lungkot niya nang mag-decide silang bumukod sa
kagustuhan ng asawa niya.
Pinutol ko ang
pagkukwento ni Mico nung makaramdam ako ng pagod at antok. Pumasok ako sa banyo
para maligo. Napaharap ako sa salamin, napansin ko na nakakahiya pala yung
nadampot kong damit. Nagmukha yata akong driver nung dalawa nung kumakain kami.
Lumabas ulit
ako ng nakapambahay na shorts at walang damit. Binati na naman ni Mico ang
katawan ko. "TL, hanap tayo ng ibang gym ha. Sama n’yo ako nina TL Jael. Para magka-katawan din
akong ganiyang pangmodel," sabi niya na may konting tawa.
"Sige ba.
Tanggalin mo na lang ang mga gamit dyan sa kama saka mo ayusin ang higaan,"
sabi ko. Nagsuot ako ng sando, tinaasan ang temperature ng aircon at saka na ako
nahiga.
"Sige,
TL. Maliligo muna ako saglit. Baka mahirapan pa akong makatulog niyan.
Magpo-porn muna 'ko. Hahaha," Tumayo na si Mico at nagkalkal ng damit sa
bag niya.
"Gago! ‘Wag
kang magdudumi d’yan ha, palalayasin kita kahit unang araw mo pa lang dito,"
pabiro kong sabi sa kaniya na tinawanan lang niya.
Itutuloy-----
Complete story po ba to? Sa isang storyhub po kasi bitin e. Hehe.
TumugonBurahin