Martes, Oktubre 27, 2026

Bangkero (Part 1/2)

 


Bangkero (Part 1/2)

 

Gala ako, hilig ko kasi ang mamasyal, mag-travel sa kung saan-saan lugar, at least dito sa Pilipinas, kaya… kapag may nabasa ako sa internet o sa magazine, na isang magandang pasyalan, lalo na at medyo malapit dito sa Manila, nagkakaroon ako ng interes na marating ang nasabing lugar. Kaya kahit nagsosolo ako, at nagco-commute lang, dahil wala akong sariling sasakyan, at kapag nagka-budget, pinupuntahan ko.

Nito lang summer, buwan ng Mayo, nagpunta ako ng Laguna, particulary sa Majayjay at pinuntahan ang isang resort doon. Sulit ang pagpunta ko roon pati na ang gastos dahil napakaganda talaga ng lugar, nature at its best.

Malamig ang klima, masarap ang hangin, napakalinaw nang tubig. Gusto ko sanang lumangoy, pero wala akong dalang pangligo, isa pa napaka-lamig ng tubig at tila hindi kakayanin ng manipis kong katawan hehehe.

Gusto ko lang talagang makarating, makakuha ng magagandang picture. Nalilibang naman ako sa mga bisita roon na kahit nanginginig na sa lamig ay sige pa rin ng kalalangoy.

Doon na ako nananghalian. Boy scout ini, may dala akong baon na ulam at kanin kaya walang problema. Palagi namang akong may dalang tubig sa tuwing bumibiyahe. Isa pa, may nag-alok sa akin na doon na lang kumain, mga parang doon nag-picnic. Mababait ang nakasabayan kong bisita.

Pagkakain, bandang 2PM ay umalis na rin ako. May isa pa akong misyon, bibili kasi ako ng barong sa isang bayan din sa Laguna, sa Lumban na binansagang barong capital of the Philippines. May kausap na naman ako, kaya lang hahanapin ko pa ang tirahan nila.  Nag-message ako na papunta na ako sa kanila.

Pagdating ko nang bayan ng Lumban, nagtanong-tanong ako kung saan ang address na ibinigay sa akin. Pinasakay na lang ako ng tricycle dahil malayo pa raw iyon mula sa babaan ng jeep, nagkataong kilala naman ng driver yung taong hinahanap ko kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap.

Sa madaling salita, nakabili naman ako, maganda na, mura pa. Para kasi iyon sa kaibigan kong ikakasal, at sa akin na rin dahil abay ako.

Ang bahay ng binilhan ko ng barong ay nasa tabing ilog, tanaw buhat sa second floor ng bahay nila ang ilog. Napansin ko na bangkang may motor ang gamit para makatawid ang mga tao sa kabilang ibayo. Tinanong ko si Chona, yung binilhan ko ng barong, kung magkano ang ibinabayad sa pagtawid. Sabi ay limang piso lang, pero sa estudyante ay tatlong piso.

“Chona… gusto kong sumakay, pwede kayang ipag-bangka lang ako kahit sandali lang hanggang doon sa banda roon,” sabi ko. “Magkano kaya ang singil?”

“Mura lang iyon, gusto mo ba? Kakausapin ko yung bangkero. Ma-experience mo lang ang mag-bangka. May mapupuntahan ka naman doon, baka nga makabili ka pa ng gulay tulad ng kalabasa, mais at kung ano-ano pa. Maaga pa naman. Kung gagabihin ka, pwede ka namang makitulog dito,” alok ni Chona.

Nakausap naman niya ang bangkero at pumayag naman. Tinanong ko kung magkano ang sisingilin sa akin, ang sagot ba naman ay ako na raw ang bahala. Ayaw mag-presyo. Binulungan naman ako ni Chona na pwede na ang dalawang daan kung malapit lang, mahal daw kasi ang gasolina.

Lumarga na kami. Dahil hindi naman talaga ako sanay na sumakay ng bangka, muntik pa akong madulas, mabuti na lang at naagapan ako ni Toby, yung bangkero. Inalalayan niya ako na maka-upo.

“Chona, balikan ko na lang yung barong ha, pasyal muna hehehe,” paalam ko kay Chona.

Tumakbo na ang bangka, may motor iyon, Sabi ko ay bagalan lang ng konti, gusto kong kumuha ng picuture sa mga tanawin sa lugar.

Wow, ibang experience, kakaiba ang feeling ko kapag inilalawit ko ang aking kamay sa tubig, medyo sumasaboy pa sa mukha ko ang tubig.

Malayo-layo na ang tinakbo namin. “Toby, hanggang saan mo ako ipapasyal?”

“Ikaw… gusto mo hanggat may Ilog?”

“Huwag naman hehehe. Sabi, may mga farm daw dito.”

“Gusto mo ba doon. Baka makabili ka ng pakwan, melon, mais. Kaya lang mabigat iyon, paano mo madadala hehehe.”

“Oo nga ano, eh basta, gusto ko lang mag-picture para sa instagram ko.”

“Okay. May isa pang pwede nating punthan, meron isang parang resort dito na pwede kang mag camping. Me bayad nga lang, mura lang naman.”

“Talaga? Kaya lang, wala tayong tent.”

“Nakaka-renta naman doon, gusto mo ba? Pagka-galing natin sa farm diretso na tayo roon.”

“Pero pauwi rin ako ngayon eh.”

“Eh di magpa-bukas ka na lang.”

“At sino naman ang makakasama ko sa camping?”

“Ako, sasamahan kita,” sagot ni Toby, ngiting-ngiti.

Sa totoo lang, kinikilig ako. Kanina nang muntik na akong madulas, at halos mayakap niya ako nang saluhin ako, noon ko napagmasdan ang kagandahan niyang lalaki. Iba siya, meron siyang kakaibang charm na nakaakit sa akin.

Magalas ang kanyang palad, sanay sa mabibigat na trabaho, maitim ang balat, babad siguro sa araw dahil sa pagiging bangkero, pero sa mga mata pa lang niya, mababanaag na ang kagandahang asal.

Oo nga pala, isa akong bading, at hindi ko naman itinatago iyon. Pero hindi naman ako kumikilos na ikapapahiya ko. Ayaw ko ring isipin na dahil bakla ako, ay may binabalak siya sa akin, kaya maganda ang pakitungon niya sa akin. Basta, feeling ko, mabuti siyang tao, gwapo pa.

-----o0o-----

Sa farm, tuwang-tuwa ako dahil ngayon lang talaga ako nakakita ng taniman ng pakwan, at melon. Ang lalaki ng bunga ng pakwan, ganon din ang melon. Sa lupa lang pala iyon gumagapang. Pinatikim kami ng may-ari, ang tamis, tamang-tama ngayong summer na pamatid uhaw.  Nagpasalamat ako sa may-ari bago kami umalis ni Toby, bumili pa kami ng isang malaking pakwan na mura lang ipinagbili sa akin.

Papadilim na, sayang dahil bandang hapon na ako nakapunta ng Lumban. Dapat pala ay mas maaga dahil pwede pa rin daw kaming makapa-mingwit.

“Toby, papadilim na, baka wala na akong masakyan pabalik ng Manila,” sabi ko.

“Bukas ka na kasi umuwi, mag-overnight na lang tayo sa camp site. Hindi pa nga tayo nagkakakilala ng lubos eh,” sabi ni Toby habang patungo kami sa sinasabi niyang camping site.

“Eh saan naman tayo kakain niyan. Gusto ko pa naman ng ice cream o di kaya ay halo-halo sa chowking.”

“Walang problema, me makakainan tayo roon at mas masarap ang halo-halo rito, mura pa. Dapat mong matikman at siguradong babalik-balikan mo,” sagot ni Toby.

Hindi na ako nagpapilit pa, nagpakumbinsi na ako. “Pero alam ba sa inyo? Baka hanapin itong bangka mo Toby.”

“Tatawag na lang ako sa amin, sasabihin kong naarkila ang bangka ko.”

“Oo nga pala, tawagan ko rin si Chona, at sabihin ko na bukas ko na lang babalikan ang barong.”

-----o0o-----

Simple lang naman ang camp site. Maraming puno ng indian mangoe, papaya. May mauupuan naman dahil maraming bench doon na gawa sa semento. Meron din naman palang kapehan at mini restaurant. Kaagad kaming nag-order ng halo-halo. Tama si Toby, masarap nga ang halohalo.

Papalubog pa lang ang araw, napakaganda ng sunset, napaka-romantic hehehe. Syempre, picture-pucture para sa instagram ko.

Malamok, buti na lang at may dala akong off lotion, nagpahid ako sa aking braso, naka jogger naman ako kaya ligtas ang aking binti at hita sa lamok.

Habang nagpi-picture ako, si Toby naman ay itinatayo ang inarkila naming tent

Marami nang nagka camping roon. Bandang 8 na nagsidatingan. Naghapunan na kami, ni Toby, sagot ko na, nakakahiya naman na hindi ko siya pakainin.

Alas nwebe, inaya kami na maglaro ng basketball, opo, marunong akong maglaro ng basketball. Baka akala kasi ng marami, kapag bakla, hindi na marunong magbasket. Masaya nga eh, libre, tsansing hahaha.

Masaya, nagpa-picture pa kami sa mga nakalaro namin, tapos ay nag bonfire pa kami, medyo malamig pala kapag gabi sa bukid, pang-alis din ng lamok.

Pinag-pawisan ako. Lagi naman akong may extrang tshirt, brief at kumpleto ako sa sipilyo, alcohol at kung ano-ano pang pang hygiene. Mabuti naman ay may paliguan doon,

Maging si Toby ay mayroon din palang extrang tshirt, wala nga lang brief, kaya hindi na lang daw siya mag-brief, gabi na naman daw kaya hindi na bistado.

Naupo muna kami sa isang bench doon, medyo malayo kami sa ibang campers, malapit kasi kami sa ilog. Malamig, at wala akong jacket na dala. Nahalata ni Toby na medyo nangislig ako, naka cross na nga ang aking baraso sa may dibdib ko.

“Nilalamig ka ano?’ sabi niya.

Tumango lang ako. Tapos ay inakbayan niya ako at idinikit ang katawan niya sa katawan ko, halos yakap na nga niya ako. Napahilig naman ang mukha ko sa may dibdib niya at ikinawit ang isa kong kamay sa maw bewang niya. Naging para kaming mag-jowa sa tagpong iyon.

Ewan ko, hindi naman ako nalilibugan noon, pero bumilis ang tibok sa aking dibdib.

Tumingala ako dahil may sasabihin ako. Nakatingin pala siya sa akin, at nang magtama ang aming paningin, ngumiti siya ng ubod tamis. Puta, bibigay ako nito.

“Toby, okay lang ba sa iyo na nakaganito ako sa iyo, baka isipin ng mga kakilala mo rito ay pumapatol ka sa bading.”

“Ano namang masama roon,” ang naging tugon niya.

“Ibig bang sabihin, pumapatol ka sa kagaya ko. Nagka-relasyon ka na ba sa bakla?” prangkahan kong tanong.

“Wala pa naman. Pero kung sakaling may magkagusto sa aking bading, at nagustuhan ko rin, bakit naman hindi. Wala namang masama roon di ba. Nagmahal eh.”

“Wow! Sana all.”

“Pero nagka GF ka na?”

“Dati. May kaya nga sa lugar namin eh. Pero ayaw sa akin na parents niya dahil nga isa lang akong bangkero, nakipag-break sa akin. Hindi ko naman masisi, totoo namang wala akong mataas na pinag-aralan, mahirap lang ang pamilya namin, isa nga lang akong bangkero, hindi ko kayang ibigay ang ibinibigay sa kanya ng parents niya. Tanggap ko na iyon, kaya hindi na muna ako nanligaw.”

Patuloy kaming nag-uusap, hindi ko namamalayan na hinihimas ko na pala ang kanang hita niya. Hindi naman niya iyon pansin, hinayaan lang ako.

“Toby, may karanasan ka na ba sa bading?”

“Oo, sinungaling ako kapag itinanggi ko. Kasi minsan, G na G talaga ako. Pumayag ako na pagamit para sa konting… alam mo na. Pambili kasi ng gamot ni Nanay, wala akong kapera-pera, yung kinita ko sa pagtatawid sakto lang na pambili ng bigas at ulam. Eh alam mo naman ang singil ng doctor kada konsulta. At least gumaling naman ang Nanay ko. Nandiri ka na ba sa akin.”

“Sira, Bakit ako mandidiri eh ginagawa ko rin ang alam mo na. Baka ikaw ang mandiri sa akin.”

“Ikaw Tim, nagka-jowa ka na ba? Baka naman may jowa ka ngayon.’

“Hindi ako nagdyo-jowa, Wala namang lalaking magse-seryoso sa kagaya namin. Kami parausan lang, kung minsan parang ATM lang nila. Kaya kaming mga bading, kapag gusto namin, babayad na lang kami, Meron din namang pumapatol na libre, kasi libog din hehehe.”

Natahimik kami sandali. “Anong oras na pala,” tanong ni Toby.

“Hala, napasarap tayo sa kwentuhan, alas dose na pala. Tulog na tayo,” aya ko.

Pumasok na kami ng tent. Wala kaming unan at kumot. Ginawa ko na lang unan ang aking backpack. Si Toby ay ang braso ang inunan.

Malamig pa rin, giniginaw ako. “Toby, pwede bang yumakap sa iyo? Giniginaw kasi ako eh,” paki-usap ko sa kanya.

Yumakap naman siya sa akin, mahigpit, dikit na dikit ang aming katawan. Nag-iba ang timpla nang aking katawan, uminit, para akong lalagnatin. Pero kahit init na init ako at pagpawisan, ayaw kong kumalas.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Toby sa akin, puta bibigay na talaga ako.

 

 

Itutuloy-----

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Boytoy ng Pamilya Chavez (Part 15)

  Boytoy ng Pamilya Chavez (Part 15)   Edwardo Natukso akong makipagtalik kay Mama Mam. Nagpahilot kasi sa akin at nakita at nahaplos ...