Lunes, Pebrero 21, 2022

Isang Paanyaya

 



Isang Paanyaya

 

 

Buong puso po akong nagpapasalamat sa mangilan ngilan pa lamang nagbabasa at sumusuporta (Bago pa lang kasi itong blog na ito kaya expected ko na kokonti pa lang ang nakakaalam nito) sa blog kong ito.  Sana po ay ipagpatuloy ninyo ang inyong suporta at i-share na rin para madagdagan pa hehehe, ang makabasa ng aking mga kwento.

Sisikapin ko po na makapagsulat na magandang kwento na inyong maiibigan at eksakto sa inyong panlasa.  Baguhan pa lang po ako at gusto kong masanay na makapagsulat ng iba’t ibang tema ng istorya, kaya lang ay baka maubusan ako ng plot dahil napakahirap din palang mag-isip ng isusulat.

Kaya kung may gustong magshare ng kanilang kwento, kahit ano, fiction, true to life, horror, fantasy at iba pa ay ipadala lang po sa akin, bilang admin ng blog na ito via Email, at maka-aasa kayong ilalathala ko dito sa Blog na ito.  Eto po ang Email ad na padadalhan ninyo.

ltilitslito@gmail.com

Umaasa po ako at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako ng marami.

Sa mga nakabasa na po ng mga kwento rito at sa magbabasa pa po, sana lang ay mag comment kayo.  Malaking bagay po ang inyong feedback para mapaganda ko pa at ganahan din sa aking pagsusulat.  I follow na rin po ninyo hehehe.

 

Maraming salamat,

Admin

3 komento:

  1. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pasensya ka na at nabura ko ang comment mo, namali kasi ako ng pindot hehehe.

      Salamat nga pala. Sobrang mahaba yung majayjay, anong part na ba ang nabasamo para doon ko na lang ituloy hehehe

      Maraming salamat talaga ha. MakiiBabes, malaking bagay sa akin ang comment mo. Keep on reading. Padala ka rin ng story mo.

      Burahin
  2. Hello po ok lang haha mga chap 62 na un and salamat lang talaga na nakita ko to hehe

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...