Huwebes, Marso 31, 2022

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 3)

 


Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 3)

 

Nagkaroon ng pagtatalo ang bestman at groom ng dahil sa hindi maipaliwanag na selos.  Muntik pa silang magkasakitan.  Mabuti na lamang at isang tawag ang natanggap ni Bryan buhat sa kapatid at tinatanong kung nasaan si Keno.

Kagabi naman ay nagparamdam ang isang kaibigan ng kanyang bayaw na si Emong at muntik nang may mangyari sa kanila.  Mabuti na lang at natauhan siya bago pa man na pareho silang nakalimot

-----o0o-----

“Bakit ikaw lang.  Nasaan si Kuya?”  Nagtatakang tanong ni Ellaine kay Keno.

“Ewan ko ba dun sa kapatid mo.  May topak yata.  Susunod na lang daw at inaantok pa.  Magta-tricycle na lang daw.”

“Hala, mag-alamusal ka muna.”

“Mamaya na, hindi pa rin naman ako nagugutom.”

“Mamayang 3 o’clock nga pala ay may rehearsal tayo sa simbahan.  Sandali lang naman yun.  Kelangan ay kasama ang mga abay natin.  Sabihan mo yung abay na kaibigan mo na pumunta rito.  Dito na rin sila maghapunan.”

“Okay.  Copied.”

-----o0o-----

Marami sa Angkan ni Ellaine ang naroon at nagkakatuwaan.  Ang iba ay tumutulong sa pagluluto.

Bago magtanghalian ay nagsidatingan na ang ibang mga babaeng abay na tinawagan ni Ellaine.  Dumating din ang mga magulang ni Keno at ang kapatid nito at pinsan.  Halos kasunod na rin naman ang mga kaibigan nito.

Nilapitan nito ang mga kaibigan na sakay ng Van.  Nagbatian sila ng bating usual nilang ginagawa, yung pinagbubungo ang kumpol na kamay. Huling bumaba si Emong at kasunod si Bryan.  Nawala ang ngiti sa mga labi nito.  Matalim ang mga titig sa binata na tila gustong ipahiwatig na galit ito.  Wala namang reaksyon si Bryan.

Inakbayan nito si Emong at agad na naglakad patungo sa loob ng bahay, naiwan siyang mag-isa, tuloy ay napaismid ito.  Nagkibit balikat na lang siya at pumasok na rin sa loob ng bahay.

Pagpasok niya ay agad niyang nabungaran ang magulang at kaptid ni Keno na kausp ang kanyang ina.  Binati niya ito.

“Hello po Auntie.  Mabuti po ay nakarating kayo sa despedida de soltero at soltera party nina Ellaine at Keno.  Hi Renzo, Hi Billy, kapatid at pinsan ni Keno.”

Nakita pala ni Keno ang magiliw na pagbati ni Bryan sa nakababatang kapatid at pinsan nito.  Lalong naningkit ang mga mata nito.

“Ma, Renz, upo na kayo doon, mauna na kayong kumain.  Mama Tes, sabayan na ninyo sina mama.”

“Tabi na tayo Renzo.” Sabi ni Bryan.  Wala nang nagawa pa si Keno dahil sa inaasikaso ng mag-asawa ang mga bisita.  Nagiikot ito sa bawat mesa para siguruhin na naasikaso nila ang kanilang bisita.

Napansin niya ang tila pagkayamot ng kanyang bayaw.  Natatawa siya.  Natutuwa siya sa ikinikilos nito.

Nagkaroon pa ng konting kasiyahan pagkatapos ng kainan.  May nagpalaro pa tulad ng kukunin ang isang maliit na candy sa bibig ng bride na gamit din ang bibig ng groom na may katumbas na pera na kinokolekta sa mga bisita na karamihan ay kamag-anak din.

Hindi nagpatalo ang mga kaibigan ni Keno dahil ang game nila ay kunin din ang isang bagay na nakasiksik sa pagitan ng boobs ni Ellaine.  Game na game naman ang kakasalin.

Nang matapos ang game ay malaki laki ring halaga ang naipon ng husband and wife to be.

Naging mailap naman ang mga mata ni Keno.  Hinahanap ang bayaw nito na nawala kaagad matapos ang kasiyahan.  Nagpaalam sandali sa nobya nito at pupunta lang daw ng CR pero ang totoo ay gusto niyang hanapin ang bayaw.  Iniisip kasi nitong lumalandi siya sa ibang lalaki,  Natatakot ito na baka mahulog ang loob sa ibang lalaki tulad ni Emong na tulad nito ay may angking gandang lalaki at mayaman pa.

Nakaramdam ito ng inis nang makitang magkatabi nga ang dalawa at masayang nakikipagkwentuhan sa mga barkada nito.  Lumapit ito sa kanila.

“Nariyan pala kayo.  Hinahanap ko kasi kayo para sabihan na mamayang 3 ay pupunta tayo ng simbahan para sa rehearsal.  Sandali lang daw naman iyon, Siguro ay parang briefing lang.  Okay!”

Nagtanguan lang ang mga kaibigan.

“Kuya Bryan, samahan mo muna ako.  May pinakukuha si Ellaine sa kwarto niya eh may taong iba.  Nahihiya naman akong pumasok.  Lika na.”

Wala na siyang nagawa pa dahil hatak hatak na siya nito sa kanyang kamay.

“Ano at lagi kang kadikit ni Emong.  May namamagitan na ba sa inyo.”

“Tingnan mo ang asal nito.  Kakwentuhan lang ay kung ano ano na ang naiisip.  Mahiya ka uy.  Hindi ako basta basta pumapatol sa kung sino lang hindi tulad mo, wala nang pinipili pa.”

“Iwasan mo siya.  Huwag kang pabobola sa kanya.  Playboy yan.”

“Sinisiraan mo pa siya ay kaibigan mo nga.  Ibang klase ka rin naman ah.”

Narating nila ang kwarto ng kapatid.  Wala namang tao ng pumasok sila.  Agad nailock ni Keno ang pinto at hinapit ang katawan niya palapit sa sarili.  “Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit mo sa akin, pero hindi ko na maintindihan ang sarili ko.  Ayaw kong malalapit ka sa iba mapababae man o lalaki.  Gusto ko ay ako lang, akin ka lang Bryan.” Mahina, pero malinaw ang pagkabigkas na iyon ni Keno. 

Siya man ay naguguluhan na rin.  Babayawin niya ang lalaking nagpagulo ng kanyang buhay.  Para tuloy siyang nagsisisi kung bakit pumayag siyang maging bestman sa kasal nila ng kanyang kapatid.  Sa isipan niya ay hindi dapat na may mamagitan sa kanila, pero huli na dahil unang gabi pa lang ay kapwa na sila natukso sa isat isa.  At heto na namn ang tukso na mahirap niyang tanggihan.

“Keno, mali ito, kasalanang mortal ang ginagawa natin.”

Pero tila bingi na ito at walang naririnig ano man.  Siniil niya ng halik ang bayaw na hindi man lang umiwas, bagkos ay nakipagsabayan pa ng maiinit na halik, ng mahigpit na yakap.

“Sabihin mong akin ka lang.” – si Keno.

“Iyo lang ako, iyong iyo at wala sino man ang aangkin sa akin kundi ikaw lang.  Huwag mo lang akong pigilan na makipgkaibigan sa kanila.”

“Sige, pero huwag kadikit ha!  Bati na tayo ha.  Nagsorry na naman ako di ba?”

Tumango lang si Bryan sabay ng mariing halik sa labi ni Keno.  “Ano nga pala ang pinakukuha sa iyo ni Ellaine?”

“Wala.  Dahilan ko lang iyon para magkausap tayo.”

Isa uling mariin na halik ang iginawad ni Keno.  Laplapan na naman at sipsipan ng dila.  Hindi na rin sila nagtagal at lumabas na rin ng kwarto.

“Mamaya ha?” – si Keno.  Isang maliit na kurot naman sa tagiliran ng binata ang isinagor niya.  Nagkaunawaan naman sila.

-----o0o-----

Sandaling briefing lang naman pala ang ginawa nila sa simbahan.  Sinabihan lang ang mga participant sa kasal kung saan sila pupuwesto pagkatapos ng wedding march.  Sinabihan din ang cord, candle at veil na abay na hintayin lang ang cue kung kelan sila papapel.  Pagkatapos niyon ay pinauwi na rin sila. 

-----o0o-----

“Pahinga muna ako hon.  Ilang araw na rin akong puyat.  Ayokong magkasakit sa araw ng kasal natin.” Wika ni Ellaine.

“Sige hon, tayo na sa itaas.  Mamasahihin pa kita.”

“Ehem ehem.” – si father ni Ellaine.  Naintindihan naman ni Keno ang ibig sabihin ng ehem na iyon.

“Baka lang makalusot Pa hehehe.”

“Isang gabi na lang iho, sandaling sandali na lang.”

“Meron pa bang activity mamaya Mama?  Kasi gusto ko sanang bukas na lang sa kasal ako pumunta dito.  Gusto kong matulog ng mahaba haba.  Magbaon na lang ako ng kakainin mamayang gabi.” – si Bryan.

“Hon, kung wala ay bukas na lang, sa simbahan na lang tayo magkita.  Pwede ba yun?” – si Keno

“Siguro nga ay mas mainam na iyon.  Tutal ay tapos na tayo sa preparation at wala na namang problema sa reception.  Padala na lang natin ang bihisan nila at bukas ay pasaglitin nating ang magme-make-up.  Sandali lang naman ayusan ang mga lalaki.” Turan ng mama nina Bryan.”

“Sige.  Mainam pa nga siguro iyon para makaiwas kayo sa inom.  Pagbalot ko na lang kayo ng pagkain.  Pahatid ko na rin kayo kay kuya Anton.  Siya din ang susundo at kotse naman niya ang gagamitin ninyo.” – si Ellaine.

-----o0o-----

“Hindi ka ba magsa-shower kuya?  Sabay na tayo.”

“Mauna ka na.  Gusto ko munang magpahinga.”

Nahiga na kaagad siya sa kama, hindi na nakuhang magpalit ng damit.  Hinubad lang ang sapatos at naiwan pa ang medyas.

“Mamaya na rin ako mag-shower.  Gusto ko kasabay ka.”

Nahiga na ito katabi niya, tumagilid at niyakap ang bayaw.

“Keno!  Pwede bang magusap muna tayo ng seryoso?”

“Tungkol saan?”

“Sa atin”

“Ano ang tungkol sa atin?”

“Ano ba talaga ang feelings mo sa akin?  Iba kasi ang nagiging pakahulugan ko sa ginagawa mo eh.  Hindi naman ako talaga nag-aasume, kaya lang…..ah naguguluhan talaga ako.”

“Hindi ko rin alam eh.  Noong una ay libog lang talaga ako, kaya lang ng may mangyari na sa atin ay parang may nagbago sa akin.  Hindi kaya talagang ginayuma mo ako?”

“Ano nga?  Gusto ko madinig muna sa iyo kung totoo ang aking hinala.”

“Ano bang hinala mo?”

“Ah basta.”

“Yun nga.  Parang gusto ko na lagi tayong magkasama.  Totoong nagselos ako.  Kagabi, akala ko talaga ay naghalikan kayo, hindi ko kinaya ang ang inakala kong ginagawa ninyo.  Tapos sobrang lungkot ko nang iwanan mo akong magisa sa resort.  Galit ako talaga.  Tapos kanina, hindi ka sumabay sa akin kahit nag-sorry na ako.  Lalo mo pa akong pinagselsos ng kasabay ka nina Emong papunta sa kabilang bahay.”

“Bakit ka magseselos.  Hindi naman tayo ah, at hindi magiging tayo.”

“Hindi ko nga alam, hindi ako sure sa tunay kong nadarama sa iyo.  Basta gusto kita.  Masarap kang kasama, boyfriend material ika nga.”

“Keno, dapat ay isa-santabi mo kung ano man yang nadarama mo.  Ikakasal ka na sa kapatid ko.  Huwag ka nang magisip pa ng kung ano ano.  Basta, isipin mo na libog ka lang.”

“May sinabi ba sa iyo si Emong?  Kinausap niya ako kanina.  Nagtatanong kung may ka relasyon ka na raw.  Kasi ay tinamaan yata sa iyo.  Gusto ka raw ligawan.  Kilala ko iyan, playboy yan pero tapat kung magmahal.  Yung mga past niya ay hindi seryoso dahil ang babae lang naman ang may gusto.  Minsan pa lang nagmahal yang kaibigan ko ng tunay, kaya lang ay sa sobrang pagmamahal ay tila nasakal ang nobya niya.  Nakipagbreak sa kanya at hindi na sila nagkabalikan pa kahit na gustong gusto ni Emong.  Ang tagal niya bago nakapag move-on.”

“Anong sagot mo.”

“Sabi ko hjndi ko alam at hindi ako nakikialam sa personal mong buhay saka kaki-kilala lang natin, natural na wala akong alam.  Sinabi ko ring sa Japan ka nagwo-work.”

“Nagpahaging siya sa akin kagabi habang may kalampungan ka.  Akala ko ay nagbibiro lang dahil lalaki ako at hindi naman niya alam ang pagkatao ko.  Ako ang nagisip na bakla siya.  Bakla ba siya?”

“Kapag ba nagkagusto sa kapwa lalaki ay bakla na.  Kung ganon ay bakla na rin ako?”

“Aba malay ko.  Ako alam ko na nagkakagusto rin ako sa lalaki noon pa.  Alam mo, hindi mahirap mahalin si Emong, gwapo na, mayaman pa.  Hinalikan niya ako kagabi.  Akala ko kasi ay talagang nagbibiro lang siya.  Hindi ako nakakibo kaagad.  Ang totoo ay muntik na akong makalimot, mabuti na lang at malinaw pa ang aking pag-iisip.”

“Sinasabi ko nga ba eh.”

“Wala namang nangyari, halik lang at sandali lang.”

“Akin ka lang, nangako ka na walang aangkin sa iyo maliban sa akin.”

“Bakit sobra kang possessive.”

“Hindi ako possessive.  Sa iyo lang naman.  Gusto ko talagang akin ka lang.  Siguro, kung una kitang nakilala ay baka hindi naging kami ni Ellaine, baka naging tayo.  Siguro ay mahal na nga din kita.”

“Hindi ko naman maikakaila pa sa iyo na humanga ako sa iyo unang pagkikita pa lang natin.  Hindi naman siguro ako mapapapayag na basta na lang makipagtalik sa kung sino man.  Wala pa nga akong nagiging karelasyon, at lalo na wala pa talaga akong karanasan sa lalaki.  Ikaw ang unang lalaki na nakahalik at natsupa ko.  Promise.  Pero sa iyo, hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na bullyhin eh.  Ang angas mo kasi.”

“Gusto ko na mangako ka sa akin.  Hindi ka makikipagrelasyon sa iba, mapa babae man o mas lalo sa lalaki hanggat hindi malinaw sa atin ang lahat.  Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng ating relasyon.  Basta maghintay lang tayo kung anong itinakda para sa atin.”

“Mangako ka rin na hindi mo pababayaan ang kapatid ko at lalong wala kang ibang lalaking mamahalin maliban sa akin.  Mahal mo ako?  Kasi mahal na kita eh.”

“Mahal kita, pero sa ngayon ay mas mahal ko ang kapatid mo.  Hindi na lang ako sure kung hanggang kelan ko siya mamahalin.’

“Ano ngayon tayo?”

“Kabit.  Kabit kita hahaha.”

“Ulol.”

Hindi na niya naituloy pa ang ibang sasabihin.  Bigla na lang siyang niyakap nito at mariing hinalikan siya sa labi.  Sa tuwing hahalikan siya ay kinikilabutan talaga siya, at sadyang mabilis na nagiinit ang kanyang pakiramdam.  Kinubabawan na siya nito at walang humpay ng kahahalik.

Itinulak naman niya ito at siya naman ang umibabaw.  Nagpagalingan na sila sa pagromansa na humantong sa pagbabaliktaran.  Sa ganung posisyon na sila parehong nilabasan.  Nauna pa silang nag-honeymoon.  Nag-shower na sila pagkatapos ng mainit na tagpo. 

Maginhawa na pareho ang kanilang pakiramdam.  Mabilis silang nakatulog na magkayakap.

-----o0o-----

Maagang nagising ang dalawa kinabukasan. Nagawa pa nilang makapag-almusal kahit noodles lang at tinapay na binili sa malapit na tindahan.  Nakabihis na sila pareho nang dumating ang sundo nilang si kuya Anton kasama ang magme-makeup sa kanila.

“Wow!  Ang guguwapo ninyo ah.  Alam nyo, bagay kayo.”

Nagulat naman siya sa komento ng kuya Anton niya.

“Anong bagay?”

“Bagay kayong artista.  Tatalunin ninyo ang mga sikat na artista sa pagwapuhan.”

Napalagay na siya.  Kinabahan naman kasi siya dahil baka may alam ang kuya Anton niya sa nangyari sa kanila ni Keno.

Tapos na silang make-upan ng huminto sa tapat ang Van nina Emong.  Nakabihis na rin ang tatlong abay nito.  Pina-make-upan din naman sila.  Sabay sabay na silang nagtungo ng simbahan, ibinaba na lang ang beautician sa tapat ng bahay at baka may aayusan pang iba.

Naging maayos naman ang kasal.  Picture picture pagkatapos ng seremonya.  Diretso na sila sa reception.

Tulad sa ibang kasalan ay mayroon ding konting programa.  Pinagsalita ang mga magulang ng ikinasal at ang isang kaibigan.  May ginanap na games na tradisyon dito sa Batangas, ang pagsabit ng pera sa ikinasal.  Maraming nagsabit ng lilibuhin, limandaan at dadaanin.  Matagumpay na nairaos ang kasal.

Pagkatapos ng kasal ay nauna nang umuwi si Bryan.  Mag stay pa ang bagong kasal sa resort para doon idaos ang unang gabi nila.  Marami pa kasing tao kung sa bahay sila agad matutulog.  Sa Hongkong ang kanilang honeymoon.

Umagang umaga ng Lingo ay lumuwas na si Bryan.  Itong araw din kasi ang lipad niya pabalik ng Japan.  Hindi na rin siya nakapag-paalam pa sa bagong kasal.

Dalawang linggo pa ang pinalipas niya bago niya tinawagan ang kapatid.  Alam kasi niyang dumating na sila buhat sa isang linggong honeymoon sa Honkong.

“Kuya!” bungad ni Ellaine sa kabilang linya.  Ramdam niya ang labis na tuwa ng kapatid.

“Kumusta ang Honeymoon ninyo sa Hongkong.  Sana dito na lang kayo sa Japan eh.  Di sana ay nasamahan ko kayo sa pamamasyal eh.”

“Nasaan si Keno.  Wala ba diyan?”

“Nasa banyo kuya, naliligo.  Kuya, gustong gusto nga ni Keno na magpunta ng Japan.  Kapag may pagkakataon kuya ay punta kami diyan ha.  Ipasyal mo kami.”

“Saan kayo tumitira.  Sa Makati ang trabaho ni Keno di ba?  Ikaw, saan ka na umuuwi, doon ba sa kabilang bahay?”

“Hindi kuya, dito pa rin ako kina Mama.  Wala kasi akong kasama doon eh.  Hindi ko naman pwedeng samahan si Keno sa Makati dahil narito sa Batangas ang trabaho ko.”

“Sinong kausap mo hon?” – si Keno na dinig niyang nagtanong sa kabilang linya.  Dinig din niya ang sagot ni Ellaine na “Si Kuya.”

Ramdam niya ang pagmamadali ni Keno na kausapin siya dahil dinig niya ang sinabi nitong “Kausapin ko muna.  Huwag mong ibaba ha.”

“Hello kuya.  Kumusta ka?” si Keno na nasa kabilang linya.

“Okay lang.  Hindi na ako nakapagpaalam sa inyo pagkatapos ng kasal kasi ay kailangan ko nang lumuwas ng Manila.  Paalis na rin kasi ako pabalik ng Japan noon.”

“Oo nga eh, ang daya mo.  Sinong kasama mo diyan sa tinutuluyan mo.”

“Apat kaming mga pinoy na nagse-share ng isang apartment.  Tig-isa naman kami ng kwarto, maliit nga lang.”

“Hindi bale Kuya, basta may privacy.  Mga lalaki ba ang kasama mo diyan?  Walang babae?”

“Puro kami mga lalake,  ang guguwapo kaya ng kasama ko rito at mga bata pa hehehe.” Wika ni Bryan na nagbiro lamang.  Alam kasi niyang maiinis ito.”

“Tumigil ka.”  Mahinang sagot ni Keno pero gigil.  Alam niyang inis ito.

“Joke lang.  Kelan kayo mamasyal dito.”

“Kapag may time Kuya, saka kung kaya ng budget hehehe.”

“Pamasahe lang naman ang gagastusin ninyo ah.  Dito ay ako na ang bahala.”

“Oo nga, bahala na.  Kuya, madali bang maghanap ng trabaho diyan?”

“Depende.  Bakit mo naman naitanong.”

“Maliit lang naman ang sweldo ko dito Kuya.  Gusto kong makaipon para kung sakaling may baby na kami ay hindi kami kapusin.”

“Ano bang tinapos mo?”

“Computer science ako Kuya.”

“Yaan mo, magtatanong tanong ako dito.  Inform kita. Sige na.  Ingatan mo ang kapatid ko ha.  Nariyan pa ba siya?

“Kausapin mo ba?  Kausap ni Mama sa ibaba.”

“Hindi na. Bye. Tsup mwah mwah.”

“Bye, mwah mwah tsup tsup.  Love you.”

Naputol na ang linya.

-----o0o-----

Naging maayos naman ang pagsasama ng mag-asawa.  Linguhan kung umuwi si Keno sa Cuenca mula Makati.

Madalas din ang paguusap nina Keno at Bryan.  Hindi naman ito lingid sa kaalaman ni Ellaine dahil nagpapatulong ito sa pag-aapply ng trabaho sa bansa ng mga hapon.  Minsan na naguusap sila sa phone ay naulinigan nitong may kumausap sa kanya, boses ng isang lalaki at pamilyar ang boses na iyon.  Nagtanong na ito.

“Sinong kausap mo diyan.  Si Emong ba yan.  Bakit siya nariyan.  Kailan pa siya.”

“Ah eh, oo.  Si Emong nga.  Dumating siya kahapon.  Gusto lang daw na mamasyal at nagpapasama sa akin.” Sagot ni Bryan. 

“Wala ka bang balak na sabihin iyan sa akin?”

“Ha!  Eh wala pa naman akong makukuwento sa iyo tungkol sa pagpunta niya dito.”

Pinutol na bigla ni Keno ang paguusap.  Napataas ang kilay niya sa inasal na iyon ni Keno.  Napangiti naman siya dahil batid niyang nagseselos ang bayaw.

-----o0o-----

Lumipas pa ang mga araw ay hindi pa nagkakausap muli ang magbayaw.  Matindi ang tampo ng kanyang bayaw na kahit message sa FB messenger ay hindi ito nagrereply.  Hindi na rin nag pa-follow-up ng mga kompanyang pwede nitong pag-aplayan. 

Minsan na kausap niya muli ang kapatid ay kinumusta niya ito.

“Kumusta naman kayo ng asawa mo, Ellaine.”

“Okay naman kami Kuya.”

“Wala naman bang problema?”

“Kung sa aming dalawa ay wala naman kaming problema.  Pero napapansin ko siya lately na kapag umuuwi dito ay parang walang sigla.  Kapag tinatanong ko naman kung anong problema o dinaramdam ay wala namang sinasabi.  Pagod lang daw sa dami ng trabaho sa opisina nila.  Hindi ba kayo nagkakausap nitong nakaraang mga araw?  hindi ba lagi kayong magkausap tungkol sa kagustuhan niyang makapagtrabaho diyan sa Japan?”

“May dalawang lingo na kaming hindi nagkakausap.  Wala pa naman kasi akong maibabalita tungkol sa inaaplayan niya eh.  Mahirap din namang maghanap ng mapapasukan dito.  Paki sabi na huwag mag-alala at inaasikaso ko naman iyon.  Baka kasi nagtatampo dahil matagal na rin naman ay wala pang nangyayari.”

“Hindi naman siguro.  Baka sadyang pagod lang.”

“Ellaine hindi ka pa ba buntis.  Ayaw pa ba ninyong magka-baby.  Gusto ko nang magkaroon ng pamangkin.”

“Kuya ayaw pa namin.  Mahirap na dahil sa wala pa kaming ipon.  Hindi pa namin kayang mag-anak.  Plano namin ay kapag lumaki laki na ang kita namin pareho.”

“Sige na Ellaine.  Ikumusta mo na lang ako sa kanila ha.  Bye.  Ingat kayo.”

-----o0o-----

“Anak, nitong mga huling araw ay napansin namin na lagi kang matamlay.  May problema ka ba anak?  Bakit hindi mo sabihin sa amin.”

“Ma, wala po.  Pagod lang ako sa trabaho.” Sagot ni Keno.

“May beer pa sa ref.  Inom tayo kahit tig-isa o dalawa lang.  Maaga pa naman.” Offer ng ama nito.

Tango lang ang sagot nito.  Gustong kausapin siya ng kanyang ama dahil malakas ang kutob niyang may problema ang anak.  Iniwan naman sila ng kanyang Mama.

“Alam mo Keno, anak kita at kilala ko na ang ugali mo.  Bakit hindi mo sabihin sa akin ang pinagkakaganyan mo.

Nagtama ang kanilang paningin.  Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha.  Nayakap tuloy siya ng kanyang ama.

“Pa hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.  Alam kong mali at pilit ko namang iwinawaksi.  Pero ano mang gawin ko ay ako lang ang nahihirapan.  Matagal ko nang nararamdaman ito.”

“Ano ba iyon, tungkol ba saan anak.  Hindi kita mauunawaan kung hindi mo sasabihin ang buong kwento.  Sige magkwento ka, makikinig ako.”

“Pa, may mahal akong iba, higit na mahal kaysa aking asawa.  Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko kayang mawala siya sa akin.  Pa tulungan mo ako.” Tuluyan ng humagulgol si Keno.

“Sino ang babaeng tinutukoy mo?”

“Hindi po babae, lalaki po.  Pa, hindi ako bakla, alam ko iyon pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagmahal sa kapwa ko lalaki.”

“Matagal na ba ang nararamdaman mo?”

“Hindi naman Pa. Nakilala ko lang siya bago kami ikasal ni Ellaine.  Na-attract ako sa kanya kaya nagawa ko siyang akitin.  Iba ang tingin niya sa akin, malagkit ang mga titig kaya naisip ko na hindi buo ang kanyang pagkalalaki.  May nangyari sa amin noong gabi ring iyon pa.  Simula noon ay iba na ang pakitungo ko sa kanya.  Naging possessive ako sa kanya.  Inamin din niya sa akin na nagkakagusto na rin siya sa akin pero huli na raw ang lahat.  Pa, mahal ko na siya at ayaw kong mapunta siya sa iba.  Nililigawan siya ni Emong, yung barkada ko.  Ayaw kong maging sila Pa.  Iyon ang problema ko Pa.”

“Malaking problema nga iyan Anak.  Mali na umpisa pa lang dahil may asawa ka na at pareho pa kayong lalaki.  Pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking iyon?”

“Pa, si Bryan, kapatid ni Ellaine.”

Napatampal ang palad ng ama ng marining ang rebelasyon ng anak.  “Ay sus ginoong bata ka.  Keno, mali, maling mali.  Guguluhin mo ang pamilya niya. Hindi ito dapat mangyari.  May alam ba si Ellaine tungkol dito.”

“Wala Papa, lihim lang namin ito ni Bryan.”

“Keno, anak.  Naunawaan kita, ako man ay nagdaan din sa ganyang sitwasyon, ang kaibahan lang ay wala pa akong asawa o nobya noon.  Magkaibigan kami, magkaklase at magka roommate sa isang dorm.  Doon nagsimula ang pagiging malapit namin na nahantong sa pagmamahalan.  Alam naming mali, kaya ng magkaroon siya ng nobya ay lumayo na ako.  Gusto kasi namin na magkaroon ng sariling pamilya.  Nahirapan din kami pareho pero nakaya namin.  Kilala mo siya, ang Ninong Arman mo.  Huwag kang mag-alala anak, magkaibigan na lang kami at wala ng ugnayan kundi ang pagiging magkaibigan na lang.”

“Pero pa.”

“Kalimutan mo siya Keno.  May asawa ka na at ang hindi maganda ay kapatid pa siya ng asawa mo.  Hindi magandang tingnan at malaking eskandalo kung malalantad ito.  Putulin mo na ang ano mang ugnayan ninyo.  Sabi mo ay nililigawan siya ni Emong.  Pabayaan mo sila.  Alam kong tanggap na sa ngayon ang relasyong lalaki sa lalaki, pero ang mali nga ay may asawa ka na.  Ipaubaya mo na sa iba, kay Emong ang lalaking iyon.  Iyan lang ang maipapayo ko sa iyo.”

“Pero Pa.  Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang malayo sa kanya ng tuluyan.  Pa!” Tumulo na namang ang kanyang luha, nanangis.

 

Itutuloy……….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...