Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 4) Finale
Bagaman
at nahihirapan ay sinunod ni Keno ang payo ng kanyang ama. Pinilit nitong kalimutan ang binata. Noon ay halos araw araw na may message ito sa
binata gamit ang FB messenger. Hindi na rin nito sinasagot ang messages ni
Bryan. Hindi na rin ito nagpa-follow up
tungkol sa trabahong inaaplayan sa Japan.
Alalang
alala naman itong si Bryan. Hinala niya
ay nagalit ito ng malamang naging bisita niya ang kaibigan nitong si
Emong. Bagaman at talagang nagtapat ito
ng pagkakagusto sa kanya ay ni reject naman niya ang binata at sinabing may
mahal na itong iba at hindi lalaki.
Maayos naman tinanggap ni Emong ang pagkabigo.
Sa
kapatid na lang niyang si Ellaine siya nakikibalita patungkol kay Keno.
Matuling
lumipas ang mga araw ay hindi na nga nagparamdam sa kanya si Keno. Patuloy pa rin naman niyang ihinahanap ng
mapapasukan trabaho doon ang kanyang bayaw.
Swerte naman na isang Hapones na kaibigan niya ang tumulong sa kanya at
nakakuha ng oras para siya ay interbyuhin on-line.
Agad
siyang tumawag kay Keno. Matagal na
nagri-ring ang phone sa kabila pero walang sumasagot. Nakailang beses siyang tumawag hanggang sa
saguting na rin ito sa kabila.
“Hello.”
“Hello
Keno, magandang balita. May
mag-iinterview sa iyo on-line sa ganitong oras at araw, kaya abangan mo at
dapat ay lagi kang on-line.”
“Bryan,
parang ayaw ko na, hindi na ako interesado.”
“Ha!
Aba ay bakit. Napakalaking kompanya ito
dito sa Japan, sayang naman ang opportunity.
Saka huwag mo naman akong ipahiya.
Hindi pa naman siguradong matatanggap ka kaya subukan mo muna. May problema ba tayo?”
“Wala,
wala. Medyo parang nagbago lang ang
aking isipan. Sige, hihintayin ko ang
tawag. Susubukan kong magpa-interview”
“Galingan
mo ha. Naiinip na ako. Love you.”
Pinutol
na nito ang linya at hindi na sinagot ang huling sinabi ng bayaw.
-----o0o-----
Pagkababa
nito ng phone ay para itong nahapo.
Hindi nito akalaing na malaki pa rin ang epekto sa kanya ng bayaw. Akala nito ay tuluyan na nitong nakalimutan
ang binata kaya sinagot na nito ang tawag niya sa pag-aakalang hindi na ito
maaapektuhan pa. Sadya kasi nitong
iniiwasan na makausap o maka chat man lang ang bayaw. Nagkamali siya, boses pa lang ay muling
nanumbalik ang pananabik nito na makita, mayakap at mahalikan ang binata.
-----o0o-----
Nagbabasa
ito ng mga messages sa CP nito ng may mag-pop-up na message mula kay Bryan. Binasa niya ang message.
“Tanggap
ka na Keno. Pinaprocess na ang working
Visa mo. Hintayin mo na lang diyan at
ipadadala sa iyong address pati na ang plane ticket. Malapit na tayong magkita uli.” Message ni Bryan.
“Na
imagine ni Keno ang kasiyahan ng binata sa pag message pa lang niya, Dama nito ang excitement ng bayaw.
May
konting pagtataka pa si Keno kung bakit ito tinanggap ng kompnyang iyon. Hindi na nito inaasahan na tatanggapin pa ito
dahil sinadya nitong hindi galingan ang mga sagot sa interview. Hindi nito alam kung matutuwa o malulungkot. Ayaw na sana niyang malapit pa sa bayaw. Ayaw niyang pareho silang magkasala.
Tinawagan
nito ang asawa at ibinalita ang maganda sanang balitang natanggap.
“Bakit
parang hindi ka excited. Hindi ba
matagal mo nang gusto na magtrabaho sa bansang iyon?” – si Ellaine na nasa
kabilang linya.
“Ewan
ko ba. Kapag naiisip ko kasi na maiiwan
ka ritong magisa ay parang ayaw ko nang tumuloy pa. Ano ba sa palagay mo. Tumuloy pa ako?”
“Sayang
namang ang opportunity Keno. Ayaw ko rin
sanang umalis ka pa, kaya lang ay may mga pangarap ka para sa atin, at ayaw
kong ako ang maging dahilan sa hindi mo pagtuloy. Pero nasa sa iyon naman iyan eh.”
“Sige. Siguro ay tutuloy na lang ako. Nahihiya rin ako kay bayaw dahil pursigido
rin siyang maikuha ako ng trabaho. Sige
na hon. Ingat ka ha. Love you.”
“Love
you too.”
-----o0o-----
“Ma!
Pa! Tinanggap daw ako ng kompanyang
pinagaplayan ko. Hintayin ko na lang daw
ang visa at plane ticket na ipapadala dito.” Balita ni Keno sa mga magulang.
Natuwa
naman ang mga magulang nito. Halata
naman ng papa nito ang agam agam sa anak.
Muling nagusap ang dalawa.
“Handa
ka na bang harapin ang bayaw mo?”
“Hindi
ko pa po sigurado kung anong magiging damdamin ko pa. Noong huling magusap kami, akala ko ay wala
na akong nadarama, pero nagkamali ako pa.
Kinabahan pa rin ako. Pero Pa,
kaya ko na, kaya ko nang iwasan kung ano mang damdamin narito sa puso ko. Ayaw ko rin na may mangyaring gulo. Susundin ko ang payo mo.”
“Mabuti
naman anak. Tama naman ang naging
desisyon mo. Pasasaan ba at malilimutan
mo rin ano mang feelings na mayroon ka sa bayaw mo.”
-----o0o-----
Sinalubong
niya ang bayaw sa airport. Hindi maitago
ang sayang nadarama niya pagkakita sa kanyang bayaw. Pilit namang itinatago ni Keno ang
kaligayahang nadama na sa wakas ay nagkita na rin sila pagkaraan ng mahaba haba
ring panahon. Hindi ito nagpahalata na
sabik na sabik nitong mayakap at mahalikan ang minahal na niyang totohanan na bayaw.
Pansamantala
ay sa apartment muna niya tumuloy ang bayaw.
Balak niyang kumuha ng malakilaking unit na kwarto o Condo para sa
kanilang dalawa. Masikip kasi ang
kanyang kwarto para sa dalawa.
Hihintayin na muna niyang makapag-adjust ito sa bagong environment.
Wala
pa namang pasok itong si Keno. Lunes pa
siya magrereport sa trabaho kaya iginala muna niya ito sa kapaligiran. Itinuro kung saan siya sasakay, isinama sa
malapit na mall at kung saan saan pa para maging pamilyar na ito sa lugar. Maging sa mga murang kainan ay itinuro din
niya sa bayaw.
Sa
buong maghapon ay puro gala muna sila.
Walang masyadong ipinakikitang excitement ito. Napansin naman iyon ni Bryan kaya pagdating
nila ng apartment ay hindi na niya natiis na hindi magtanong.
“Keno,
parang naninibago ako sa iyo. Kahapon ko
pa napapansin na tahimik ka, na hindi ka masyadong nagkikikibo. Hindi ikaw yung Keno na makulit, na sa unang
pagkikita pa lang natin ay puro kaangasan na ang ipinakita sa akin. Hindi ka ba masaya?.”
“Naninibago
pa lang ako. Hindi pa kasi ako sanay na mawalay
sa magulang ko at kay Ellaine. Huwag mo
akong pansinin.”
“Hanggang
ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin dahil dito tumuloy si Emong noon pumasyal
siya dito sa Japan.”
“Ano
namang ang ikagagalit ko. Wala naman akong
karapatan.”
“Kasi
simula noon ay nagbago ka eh. Hindi ka
sumasagot sa aking tawag, maging sa chat ay nag si-seen ka lang at hindi
nagrereply. Nagtatampo ka pa ba hanggang
ngayon.”
Nagkatitigan
sila ng bayaw, hinihintay ang sagot nito.
Hindi naman nakatagal sa pakikipagtitigan ito at agad na nagbaba ng
tingin.
“Matagal
na iyon. Wala na sa akin yun. Pahinga na muna tayo, napagod ako sa pag-gala
natin.” Ang nasabi na lang ni Keno para makaiwas sa komprontasyon. Inilatag na nito ang kutson at nahiga
na. Nakakain na naman sila ng hapunan
bago sila umuwi.
-----o0o-----
Nakapagreport
na sa trabaho si Keno. Naging maayos
naman ang pagtanggap sa kanya ng mga katrabaho.
May ilang Filipino rin palang nagtatrabaho doon, sa iba nga lang
departamento. Dahil computer science ang
kanyang kurso ay sa systems development ito napabilang.
Nakahanap
naman si Bryan ng bago nilang lilipatan.
Isang condo unit ito na tamang tama para sa dalawa. Isa lang ang kwarto pero may kalakihan at may
mga kagamitan na rin. Isa lang kama na
double ang size. Kasya naman ang
dalawang kama pero minabuti na lang nilang sa sahig na lang maglagay ng isa
pang kutson, si keno ang sa kama at si Bryan ang sa lapag. Nagkasundo naman silang hati sa lahat ng
gastusin at tulong sa mga gawain sa bahay.
Si Bryan ang magluluto dahil mas marunong siyang magluto habang si keno
naman ang naglilinis ng bahay. Siya rin
ang nagliligpit ng kinainan kung sabay silang kumain.
Kanya
kanya silang laba at plantsa. Sa
paglalaba ay madalas na isinasama na lang ni Bryan ang mga labahin ni Keno. Washing machine lang naman ang gamit
niya. Sa plantsa ay kanya kanya sila.
Magdadalawang
buwan na sila ay wala pa ring nabago sa kanilang samahan. Nagkailangan na sa isat isa, naguusap lang
kapag may itinatanong sa bawat isa.
Bihira na silang magkwentuhan na tulad ng dati. Para silang hindi magkakilala. Sa pagkain ay hindi sila nagsasabay, sa
pamamasyal ay ganun din. Tuluyan ng nagkahiyaan.
Sa
sitwasyon ganoon ay pareho naman silang nahihirapan. Gustong gusto niyang
mabalik ang dati, yung parang magkaibigan lang at magturingan na hindi iba sa
isa’t isa, tutal naman ay magbayaw sila, pero hindi naman niya malaman kung
paano gagawin o sisimulan. Hindi naman
siya ang nagsimulang magbago. Masayang
masaya pa nga siya ng dumating na roon ang bayaw, kaya lang ay napansin niya
kaagad na iba na ang kilos ng bayaw, yung para bang umiiwas na ito sa kanya.
Hirap
na hirap din itong si Keno. Gusto man
nitong kausapin ang kanyang kuya para sabihin kung bakit ito nagkaganoon ay
hindi nito magawa. Ayaw kasi nitong
masaktan ang bayaw ng dahil sa kanya.
Minsang
ginabi siya ng uwi dahil nagkaayaang mag-happy happy ang kanyang mga
kasamahan. Lasing siya ng umuwi pero
hindi lango. Marunong pa rin naman itong
magkontrol sa paginom. Nadatnan pa niya
ang kanyang bayaw na gising pa at nanonood ng video. Hindi na nakatiis na punahin nito ang kuya
Bryan nito.
“Ginabi
ka yata at lasing na lasing ka pa yata.” Wika ni Keno na inalalayan ang susuray
suray na bayaw. Naisipang niyang maglasing
lasingan pata kausapin at sabihin ang sama ng loob niya dito.
“Hindi
naman, nakainom lang. Kaya ko ito, huwag
mo na akong alalahanin, tutal naman ay wala ka namang ng pakialam sa akin. Kaya ko ito at hindi ako lasing.” Garalgal na
sabi niya at itinaboy palayo ito. Para
tuloy napahiya ito at binitiwan na siya.
Nagkunwari namang babagsak siya at maagap namang nasalo siya nito.
“Huwag
ka ngang maarte! Kahit kelan talaga ay
maarte ka. Kapit ka na at ihatid na kita
sa silid.” Maangas na wika ni Keno. Sa ginawi nito ay parang may nanumbalik sa
kanyang isipan. Ito yung ugaling gusto,
nagustuhan niya sa kanyang bayaw, na sa unang pagkikita pa lang nila ay
pinakitaan na siya nito ng kakaibang paguugali.
Nagpatuloy siya sa pag-arte.
“Ano
bang problema mo. Huwag mo nga akong
pakialaman.” Nagpumiglas pa siya,
Magaling ang kanyang pag-arte.
“Umayos
ka! Baka bigwasan kita riyan. Kapit.”
May diin ang pagkakasabi nito.
“Tapang
mo ah. Ano ba kita ha. Asawa ka lang ng kapatid ko kaya huwag mo
akong sisigaw sigawan. Ano bang problema
mo? Tumabi ka na diyan!”
Sa
inis ni Keno ay naitulak siya nito.
Nagulat siya sa ginawang iyon ng bayaw.
Pero mas ikinagulat niya ang daganan siyang bigla at sibasibin ng halik,
maririing halik na para bagang dudurugin ng husto ang kanyang mga labi. Hindi siya nagakalaw sa pagkabigla at hindi
rin nakaganti ng halik bagamat biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatulala
lang siya, dilat ang mata, parang hinapo.
Bumitiw
na sa paghalik si Keno. “Ikaw! Ikaw ang problema ko. Matagal ko nang gustong gawin sa iyo ito, ang
tagal kong tinikis ang sarili ko huwag lang tayong magkasala sa asawa ko na
kapatid mo. Hindi ko na kaya pa. Mahal kita Bryan, siguro mas higit pa kesa sa
kapatid mo. Hirap na hirap an akong
iwasan ka. Sadya akong nanahimik para
lang hindi ako matukso.”
Pumatak
na ang luha sa mga mata ni Bryan. Naawa
ito sa bayaw. Ramdam niya ang paghihirap
nito. Siguro ay nadarama din nito ang
paghihirap niya. Dahil pareho lang sila.
Naawa din siya kay Ellaine na walang kamalay malay sa kataksilang nagawa
nila bago pa man sila ikasal.
Niyakap
niya ang bayaw, mahigpit, pero walang halong kamunduhan. Gusto lang nitong aluuin ang mahal din naman
niyang bayaw dahil umiiyak na rin ito.
“Tama
na Keno. Tama naman ang ginawa mong
pag-iwas. Alam ko naman na iyon ang
dahilan kung bakit ka nagbago. Sana lang
ay kinausap mo ko, nagusap tayo para tulong tayo na makalimot.”
Matagal
silang nagusap nang masinsinan, heart to heart at nagkasundo silang kumilos na
lang ng normal, ng parang walang namagitan sa kanila, na wala silang nadaramang
pagmamahal ng higit pa bilang mag bayaw.
“Magturingan
tayo bilang magkaibigan, magbayaw.
Magusap tayo ng wala lang. Basta
kung may problema ka ay pagusapan natin, magtulungan tayo na malutas ang bawat
problemang makakaharap natin.” Wika ni Bryan.
“Kung
may napupusuan ka naman ay hindi naman na kita hahadlangan. Kung mahal mo na si Emong ay sige lang. Sinabi niya noon pa na tinamaan daw siya sa
iyo at gusto niyang ligawan ka. Noon ay
todo selos ako pero nitong mapagtanto ko na wala akong karapatan ay nagsimula
na akong umiwas sa iyo. Hindi ko na sana
gustong ituloy pa ang pagaaplay at tinanong ko pa nga si Ellaine tungkol
doon. Sabi niya ay sayang daw ang
opportunity at nakakahiya din sa iyo.”
Nagkaunawaan
naman sila at nagkasundo na. Masaya
naman sila dahil malinis ang kanilang konsensya. Magkakatuwaan na sila at madalas ng
magbiruan. Tanggap na nila ang
katotohanan.
Naging
libangan nila ang makipag-video chat kay Ellaine at sa kanilang mga
magulang. Kahit papano ay nawawala ang
pagka home sick nila.
-----o0o-----
Halos
mag-iisang taon na si Keno sa Japan.
Regular naman silang naguusap ng kanyang asawa through Fb
messenger. Malapit na rin itong
magbakasyon at nasabi na nito iyon sa asawa
-----o0o-----
Dumating
ang araw ng uwi ni Keno. Masaya at
excited ito dahil hindi lamang sa dahilang magkikita na uli silang
mag-asawa. Gusto rin naman niyang makipagbonding sa kanyang magulang at
kapatid at sa mga barkada nito. Pinipilit pa nitong umuwi rin si Bryan pero
tumanggi ito dahil hindi raw siya papayagan ng kanyang boss. Hindi pa kasi niya bakasyon nang time na iyon
Sa
Airport ay mga magulang lang ni Keno ang sumalubong dito. Hindi nila kasama ang asawang si Ellaine. Agad naman nitong inusisa kung nasaan ang
asawa at bakit hindi kasama sa pagsaluboong.
Nagdahilan naman sila na masama ang pakiramdam.
Doon
sa bahay nina Ellaine ito ihinatid ng magulang.
Naghihintay naman ang mga magulang ni Ellaine sa pagdating nito. Masaya naman ang pagsalubong nila sa kanilang
manugang.
“Mama,
nasa kwarto pa ba si Ellaine?” Tanong ni Keno.
“Masama raw ang pakiramdam.” Sagot naman ng kanang Mama.”
“Iho,
tayo muna ang magusap, bago mo puntahan si Ellaine, may gusto lang kaming
sabihin sa iyo at ipaliwanag.”
“Mama,
naguguluhan po ako. Ano pong paguusapan
natin? Ano pong ibig nyong sabihin na
pagpapaliwanag. May nangyari po ba kay
Ellaine, May problema po ba?” Nagtatakang sunod sunod na tanong ni
Keno. Nakamasid lang sa kanila ang
kanyang mga magulang.
Hinarap
niya ang mga magulang at nagtanong din sa kanila. :”Ma! Pa!
Alam ba ninyo ang paguusapan namin?
Kasi nagtataka ako at kayo ang sumundo sa akin. May masama po bang nangyari.”
“Huminahon
ka anak. Iyon nga ang dahilan. May konting problema at iyon nga ang gusto
naming pagusapan natin at ng mga magulang mo.
Nauna na kaming nagusap at nagkaunawaan na naman kami.
“Ano
nga po ba iyon. Huwag na kayong
magpaligoy ligoy pa. Pagod po ako sa
byahe at gusto ko ring magpahinga muna.
Ano ba yung problemang tinitukoy ninyo?”
Minabuti
na ng ama ni Ellaine na sabihin ang totoo.
“Buntis si Ellaine at hindi ikaw ang ama.”
“Ano
po! Buntis? Ayaw po muna niyang mabuntis dahil hindi pa
raw kami handa dahil wala pa kaming ipon, kaya nga nagpumilit akong
makapagtrabaho sa ibang bansa.”
Nanlulumong nasapo ng palad nito ang kanyang mukha. Hindi nito sukat akalaing na magagawa siyang
pagtaksilan ng asawa.
Bumuntong
hininga muna ang biyenan bago nagtuloy sa pagkukwento. “Hindi ka niya sinadyang pinagtaksilan. Ipinagtapat niya sa amin ang pangyayari, sa
amin ng mga magulang mo. Hindi naman
niya sinasadya ang nangyari. Minsan daw
ay sumama siya out of town sa mga kaibigan.
Overnight iyon. Nagpaalam naman
siya sa Mama niya at pinayagan dahil kilala naman niya ang mga kasama. Nagkatuwaan syempre at nagkainuman at
nalasing. Nang malasing ay nagpunta na
raw siya ng kwarto para matulog na dahil nahihilo na raw siya habang ang ibang
kasamahan ay patuloy pang nagkakatuwaan. Hindi niya namalayan na pumasok ang isa nilang
kasama na dating manililigaw niya.
Nagising daw siya na nakadagan na sa kanya ang lalaki at pareho na sila
walang saplot. Hindi daw niya nagawang
sumigaw o manglaban dahil nanghihina siya.
Kaya lang ay unti unti raw siyang nadadarang sa ginagawa sa kanya ng
lalaki. Babae lang daw siya at may
kahinaan din.” Kwento ng Byenan nito.
Uminom
muna ng tubig dahil parang natuyuan na ng laway ang matanda bago nagpatuloy.
“Simula
ng umalis ka ay nalungkot daw siya. Tuwing gabi at nagiisa siya ay hinahanap
hanap daw niya ang yakap mo. Kaya nung
gabing iyon ay madali siyang bumigay.
Hindi niya akalaing na sa isang gabing iyon ng kataksilan ay mabuntis
siya. Sana ay maunawaan mo siya
anak. Sana ay mapatawad mo siya.”
“Anak”
Putol ng Papa nito. “Kaharap kami ng
ipagtapat niya ang nangyari at huli na raw ang lahat dahil nangyari na. Hindi ka raw niya kayang harapin dahil
napakabuti mo raw sa kanya. Siya na rin
ang nagpasya na hihiwalayan ka niya at hindi niya kayang ipaako sa iyo ang
dinadala niya sa kanyang sinapupunan.
Kahit na raw hindi ka pumayag na makipaghiwalay ay hindi mo na raw siya
mapipilit na pakisamahan ka. Nagpasya na
siya. Ano ngayon ang iyong pasya.”
“Bakit
hindi niya nasabi sa aking ang kanyang problema? Bakit nagpasya siya ng hindi muna ako
kinausap kung papayag ako. Paano kung
hindi ako pumayag na makipaghiwalay?”
“Ikaw
ang bahalang magpasya. Nasasa iyo na
iyan anak. Kung ayaw mo ay magkunsulta
ka sa abogado dahil nag-file na muna siya ng legal separation at darating din
ng araw na baka pag file na rin siya ng annulment.”
Marami
pa silang pinagusapan. Maraming
paliwanagan, maraming kurokuro. Medyo
huminahon na si Keno. Kalmado na siya
habang nakikipagusap.
“May
alam po ba si Bryan tungkol dito?”
“Wala. Wala kaming sinasabi.”
“Mabuti
naman po kung ganun. Sana ay wala muna
kayong sabihin sa kanya habang wala pa ako doon. Alam kong magagalit siya dahil alam niya kung
gaano ako naging tapat sa aking asawa.
Ako na ho ang bahalang magsabi sa kanya ng buong pangyayari. Pwede po ba?”
“Ikaw
ang bahala”
“Nasaan
po si Ellaine? Gusto ko rin po siyang
makausap at makita.”
“Kaya
mo na ba” Kung pwede ay hinahon lang
ha. Sandali at tatawagin ko.”
Nakayukong
lumapit ang asawa rito. Mugto ang mata
sa pag-iyak. Halata na ng konti ang
tiyan, hindi na nga maitatago pa.
Paglapit sa asawa ay lumuhod pa sa paanan nito at umiiyak na humihingi
ng tawad.
“Alam
mong mahal kita at magpahanggang ngayon ay ikaw pa rin ang aking mahal. Pero hindi ko maaatim na panagutin ka sa
aking kasalanan. Binuhay ko ang bata
dahil hindi ko kayang dagdagan pa ang aking kasalanan.”
Patuloy ang pag-iyak ni Ellaine. Naawa naman si Keno at hinawakan siya sa
balikat at pinatayo. Yumakap naman sa
kanya ang asawa. Yumakap na rin ito.
“Naunawaan
kita. Maging ako man ay malungkot tuwing
gabi. Tiis tiis lang. Siguro kung hindi ko kasama si Bryan, marahil
ay nakagawa na rin ako ng kabulastugan.
Hindi naman kita masisisi. Sino
ang lalaking lumapastangan sa iyo.”
‘Sasabihin
ko sa iyo, pero ipangako mo na wala kang gagawing hakbang na ikapapahamak mo at
pagsisisihan balang araw. Nangako naman
siya na hindi niya ako pababayaan. Hindi
ko siya mahal, totoo iyon. Nanligaw siya
sa akin at binasted ko para sa iyo.
Hindi ko rin naman gustong walang amang makikilala ang anak ko. Nagkaroon din ako ng agam agam na sakaling
kilalanin mo siyang anak ay hindi mo rin maibibigay ang pagmamahal sa tunay na
anak. Kaya pumayag akong pakisamahan siya.
Alam ko na alam mo na pinangalagaan ko ang aking pagkababae at
pinatunayan ko iyan sa iyo.”
“Alam
ko. Alam ko. Sino siya?”
“Si
Jonas, office mate ko dati. Syanga
pala, Pirma mo na lang ang kulang para
sa ating legal separation.” Isang
envelope ang ibinigay niya rito.
Inilabas
nito ang laman ng envelope. Naroon ang
dokumento ng kanilang hiwalayan at pirma na lang nito ang kulang, at isang
passbook at withrawal slip at atm card.
“Ano
ito. Bakit mo ibinibigay sa akin.”
“Sa
iyo naman iyan. Lahat ng remittance mo
ay inipon ko sa account natin. May konti
lang bawas. Sa iyo lahat iyan dahil
hindi na naman ako nakapagdagdag ng galing sa atin dahil nagamit na natin noong
ikasal tayo. Tanggapin mo at ikaw naman
ang nagpakahirap na kitain iyan.”
“Nagsasama
na ba kayo ni Jonas?”
“Hindi
pa, gusto na niya kaya lang ay hindi ako pumayag hanggat hindi pa tayo
naguusap. Ang totoo ay narito siya at
personal na gustong humingi ng tawad sa iyo.
Sana lang ay maging mahinahon ka.”
Naging
mahinahon naman si Keno. Nagkaunawaan
sila at ipinaubaya na niya ang asawa, dating asawa sa bago nitong asawa. Binalaan pa nitong huwag sasaktan o paiiyakin
ang dating asawa dahil mananagot siya rito.
Magaan
ang pakiramdam nilang naghiwahiwalay, si Keno ay sa kanila na umuwi. Iniwan naman nito ang uwing pasalubong sa
kanila.
-----o0o-----
Hindi
na tinapos pa ni Keno ang isang buwang bakasyon. Sabik na sabik na ito kay Bryan kaya nagpasya
na itong bumalik ng Japan.
Nakapag-bonding na naman ito sa kanyang pamilya lalo na sa bunso nitong
kapatid. Ilang beses din itong nakipagbonding
sa dating kaopisina at barkada.
Hindi
nito muna ipinaalam sa bayaw ang maagang pagbabalik nito kaya nasorpresa pa si
Bryan nang makitang nakahiga sa kama ang kanyang bayaw at natutulog. Nagtaka siya kung bakit.
“Ano
kayang nakain nito ay kaagad bumalik.
Baka may problema sa pamilya o sa kanilang mag-asawa.” Ang sabi sa
kanyang isipan. Wala naman siyang maisip
na dahilan para biglaang bumalik ito ng wala sa takdang panahon.
Pinagmasdan
niya ang nakahigang lalaki at inalam kung tulog nga ito. Nahirati siya sa pagtitig, hindi niya kaagad
maalis ang paningin sa maganda nitong mukha.
Matagal tagal din niyang hindi nasilayan ang kagwapuhan ng bayaw. Hindi maikakailang nasabik siya dahil gumaan
ang kanyang pakiramdam at masayang masaya.
Wala
sa sariling hinaplos ng palad ang pisngi ng bayaw at sinuklay suklay pa ang
buhok. Hinalikan pa niya ang pisngi nito at hindi namalayan na naisatinig ang
nasa isipan. “Mahal na mahal kita Keno. Sayang at huli na ng kita ay makilala. Kung sana ay hindi kapatid ko ang napangasawa
mo ay walang pagaatubiling papayag akong maging kabit mo.”
“Talaga
lang ha! Papayag kang maging kabit ko?”
Biglang
tayo ni Bryan sa kabiglaanan. Hindi niya
namalayan na gising na ang bayaw na sa totoo lang ay kanina pa gising pagdating
pa lang niya. Lalo siyang nagulat ng
hatakin siya nito bigla at napadagan rito.
“Gagawin
na kitang kabit. Hindi na ako makatiis
pa. Ang tagal kong nanabik sa iyo kaya
pasensyahan na tayo at gagahasain na kita.”
Banta ni Keno.
Pinaghahalikan
na siya ni Keno sa kung saan saang parte ng kanyang katawan, mahigpit ang yakap
nito kaya kahit anong pagpupumiglas ay hindi siya makawala sa mahigpit na yakap
na iyon.
“Huwag
kuya, huwag po.” Palahaw ni Bryan.
“Gago! Ikaw ang kuya ko no. Gusto mo rin ano hehehe.” Si Keno, lumitaw na
naman ang pagka maangas. Tuloy ang panghahalay nito sa bayaw.
“Ayyyy
kuya, huwag diyan, may kiliti ako diyan ayyyyyy.”
“Tumigil
ka nga ng kangangawngaw! At hindi mo ako
kuya ano!”
“Joke
lang. Sige payag na rin akong maging
kabit mo. Bahala na si kulafu kapag
nagkabistuhan.” Wika ni Bryan. Yumakap
na rin siya sa bayaw at tinugon na ang halik ng bayaw, mas mainit mas may
pananabik. Nagpagulong gulong sila sa
kama hanggang mahulog na sila sa sahig, walang puknatan ang halikan. Ipinadama na nila ang pananabik sa isa at
isa.
Isa
isa na nilang hinubad ang kanilang kasuotan,
Nawala na ang pagtitimpi at ipinakita na ang pagkasabik na matagal
nilang pinagkait sa sarili. Sinuyod na
ng labi ni Bryan ang mga muscle sa katawan ng bayaw, bawat madaanan namang ng
kanyang dila ay ibayong kiliti at sarap ang dulot kay Keno. Hindi tuloy matigil ang pagungol nito, para
kasi siyang kinukuryente, init na init, libog na libog. Halos buong katawan
nito ay nagawang halikan ni Bryan, walang nilagtawan, walang di nabasa ng
laway.
Hindi
naman nagpatalo si Keno. Gusto rin kasi
nitong ipalasap sa bayaw ang kagaya ng sarap na nadama nito buhat sa
kanya. Hindi mang gaano kaeksperto ay
nakaya pa rin naman nitong mapaungol, mapaikot at mapatirik ang mga mata ng
katalik hanggang sa humantong sila sa pagbabaliktaran. Hindi kasi nito gustong siya lang ang
lumigaya gaya noong una silang magtalik.
Kaya pala nitong gawin ang ganong kahalayan dahil mahal niya ang
kaniig. Makaraan ang mahaba haba ring salpukan
ay kapwa na sila nilabasan at pareho rin nilang kainain ang kanilang inilabas
na katas.
Pagod
at hapong hapo ang dalawa na nahiga nang patagilid, magkaharap sa isat isa at
nagtititigan.
“Bakit
napaaga ang balik mo?” ang unang lumabas sa bibig ni Bryan.
Ikinuwento
naman ni Keno ang lahat lahat. Nalungkot
siya sa pangyayari. Gusto niyang magalit
sa kapatid. Bandang huli ay naunawaan
naman niya at humanga pa ito sa kapatid dahil hindi nito nagawang ilihim ang
pangyayari sa magulang nila at sa mga byenan.
Sa isang banda ay natuwa rin siya dahil wala na silang alalahanin, hindi
na makakaramdam ng guilt kung gusto nilang magmahalan.
“Totoo
bang mahal mo ako Keno.”
“Noon
una ay totoong libog lang ako, pero nagiba nang malaman kong may interes sa iyo
si Emong. Hindi ko gusto iyon at hindi
ako makapapayag na mapunta ka sa iba. Mahal na mahal na kita, walang biro.”
Muling
naglapat ang kanilang mga labi, mas mainit, mas nagbabaga.
“Aangkinin
na kita.” – si Keno.
“Ikaw
ang bahala. Iyong iyo na ako.”
Wakas
Napakaganda ng story na to. Sana may sequel to. Yung focus na sa story ni Keno at Bryan. ❤️
TumugonBurahinKailan kaya nxt cquel nito ganda ksi ng story bitin nga lang sana fucos na kina keno at bryan,,,,
TumugonBurahin