Majayjay
Laguna –Story of My Life – Chapter 33 – Pasabog
Ng Nag-balikbayan Kong si Robert
Makalipas
ang tatlong taon ay nag-balikbayan si Robert.
Nagkaayos kami muli pero may inamin siya sa akin na nagdulot na naman sa
aking ng sama ng loob.
Isang sunod sunod na
katok ang gumising sa akin isang Sabado ng Disyembre.
“Sino kaya naman ang
agang aga ay nambubulahaw” pupungas pungas pa ako na naghilamos bago bumaba ng
hagdan.
Katok muli kalaunan ay
tinawag na ang aking pangalan.
“Kuya, kuya si Rommel
po ito” malakas niyang tawag.
“O napasugod ka, may
problema ba?” salubong kong tanong pagkabukas ng pinto.
“Kuya, nag-alala si
nanay dahil hindi ka dumaan kagabi kaya pinapunta ako agad dito, Bakit hindi ka dumaan sa bahay?” paliwanag
niya habang tuloy tuloy nang pumasok sa loob ng bahay.
“Ah, ‘yun ba. Madaling araw na kasi ako nakarating kaya dumiretso
na ako ng uwi. Napuyat nga ako kaya
tinanghali na ako ng gising. Nag almusal
ka na ba, tayo munang magkape.”
“Kuya, may sorpresa ako
sa iyo, sandali lang naiwan ko sa labas.”
Nag-init na ako ng
tubig at ihinanda ang dalawang mug.
“Kuya
tsarannnnnnnnnnnnnnn” kasunod niya si Robert
Tila napako ang paa ko
sa pagkakatayo. Hindi ako
makapagsalita. Hindi alam ang
gagawin. Kusang tumulo ang aking luha. Halos halong emosyon ang aking nadama sa sandaling
iyon. Tuwang tuwa, may lungkot at may
awa dahil ibang iba ang Robert na nakatayo sa harapan ko. Parang tumanda agad ang kanyang mukha.
Mabilis naman siyang
lumapit at agad akong niyakap. Halos
mabuhat niya ako sa higpit ng kanyang yakap saka ako hinalikan. Tumutulo na rin ang kanyang luha.
“Napatawad mo na ba ako
Lito, please patawarin mo na ako, higit akong magiging masaya kung patatawarin
mo na ako” pagsusumamo niya habang tuloy ang pagiyak.
“Matagal na kitang
pinatawad. Pinagsisihan ko na ng matagal
ang hindi natin pagkaayos bago ka umalis” tugon ko naman.
Naupo kami sa may mesa
at naghanda ng almusal, kumain na raw
sila pero pinaghanda ko pa rin. Kape at
loaf bread saka sunny side up na itlog na kanyang paborito.
Marami akong tanong tungkol
sa naging buhay niya doon at marami siyang kwento. Inabot na kami ng halos dalawang oras na iyon
pa rin ang topic.
“Parang ang laki ng
itinanda mo. Hindi ka na yung dating
baby face na binebaby ko dati”
“Syempre naman, tatlong
taon din tayong hindi nagkita, saka 29 na kaya ako. Siguro nga eh nagmukha akong matanda ng konti
at hindi na cute pero pogi pa rin naman, ‘di ba?’ pa cute niyang pagbibiro.
“Saka talagang hindi
naman madali ang naging trabaho ko doon at syempre hindi rin nawawala ang
pag-aalala ko sa aking pamilya at maging sa iyo lalo na at alam kong masama ang
loob mo sa akin” biglang seryoso ang usapan.
Iniba ko na lang ang
usapan at sinabing dito na magtanghalian ang dalawa. Nagsaing na ako at nagpabili na lang kay
Rommel ng litson manok sa may kanto.
Marami pa kaming
napagusapan habang hinihintay na maluto ang sinaing at dumating si Rommel.
“Ah syanga pala may
pasalubong ako sa iyo”
Pumunta siya ng sala at
kinuha ang isang shopping bag.
“Pagpasensyahan mo na
lang ito” sabay abot sa akin ng bag
Agad kong tinignan ang
laman, Chocolate na paborito ko, tshirt, cap at pabango na Jovan.
“Meron pa”
May dinukot siya sa
kanyang bulsa at isang maliit na plastic ang inilabas niya. Isang gold necklace na agad niyang isinuot sa
aking leeg.
“Bakit mo pa ako
ibinili niyan. Napakamahal niyan
ah. Sana inipon mo na lang”
“Mahal din naman kita
eh” sagot niya, may papungay pungay pa ng mata.
Para naman akong
kinilig sa sinabi niyang iyon, nakurot ko tuloy siya sa tagiliran. Hahalikan sana niya akong muli ng may magsalita
sa aming likoran.
“Kain na tayo habang
mainit pa” kumuha ng pinggan at inilagay ang biniling litson manok. Naglagay na rin siya ng pinggan at siya na
ang nagsandok ng kanin. Naglagay ng baso
at sinalinan ng soft drinks at kumuha rin ng pitsel ng tubig. At home na at home hehehe.
Matagal ding hindi kami nagkasalo sa pagkain
ni Robert, kaya sobrang saya ang aking nadarama sa sandaling iyon. Mahirap idescribe. Basta masaya ako.
Makakain ay binuksan ko
ang TV sa sala at nanood ng Eat Bulaga habang nagliligpit si Rommel ng
pinagkainan namin. (Colored na nga pala ang aking TV noon hehehe. Tinapon ko na ang dating black and white na
de tubo pa.)
Nakinuod na rin si
Rommel pagkatapos niyang maglipit.
“Rommel, mamaya ay
mauna ka nang umuwi ha! Walang katulong
si nanay doon, tsaka mag-aral ka na rin, baka may exam kayo bukas. May pag-uusapan pa kaming mahalagang bagay ni
kuya Lito mo”
“Christmas vacation
kaya namin, may gusto ka lang gawin” saka padabog na tumayo. “Makaalis na nga at istorbo na yata ako dito.
Isinama pa kasi ako eh. Kuya Lito, una
na po ako” masama ang loob na nagpaalam.
Natawa na lang kami
pareho sa inasal ni Rommel. Alam naman
namin na biro lang iyon. Para naman akong
naexcite. May mahalagang bagay pang
nalalaman eh alam ko naman kung saan pupunta ang pag-uusapan namin.
“Yesssssss!!!!”
“O, bakit para kang
tumama sa weteng.”
“Wala lang. Diyan ka muna ha at maliligo lang muna
ako. Malagkit na ang aking katawan, hindi
na kasi ako nakapagshower kagabi” sabay talikod para umakyat sa itaas at sa
banyo doon maligo.
“Hintay, sabay na tayo
at amoy pawis na rin ako. Pinawisan kasi
ako pagpunta dito. Mainit huhhhhh”
“Neknek mo. Ang lamig kaya ng panahon. Pasko na kaya”
Nakaakbay siya sa akin
habang sabay kaming umakyat. Naghubad na
siya ng kanyang damit at gayun din ako.
Hubo’t hubad na kaming tumungo ng banyo.
Magkayakap kaming
tumapat sa shower. Malamig ang tubig,
pero mainit naman ang aming katawan.
Naghalikan kami, may pananabik sa bawat paghakab ng aming mga labi.
(Habang sinusulat ko
ito ay talagang kinikilig ako. Hindi ko kasi malimutan ang eksenang iyon na
naganap sa aming pagligo.)
Matagal ang aming
halikan habang patuloy ang pagagos ng tubig sa aming katawan. Kinuha ko ang sabon at sinabon ko ang buo
niyang katawan. Natatawa ako dahil ang
likot likot niya habang sinasabunan.
Nakikiliti daw siya lalo na sa tuhod.
Kinuha niya ang sabon sa akin at ako naman ang kanyang sinabunan.
Talaga palang
nakakakiliti pag iba ang gumagawa sa katawan mo ng ganoon. Ang gaslaw gaslaw ng aking katawan.
Magkayakap pa rin kami habang nagbabanlaw.
Nagsalo na kami sa
isang tuwalya. Malaki naman dahil beach
towel ang ginamit namin. Pumasok na kami
sa aking room. Agad naman nahiga sa kama
si Robert, hubot hubad pa rin. Tinampal
tampal pa ang kama, nag aanyaya na tabihan ko siya.
Sumampa na ako ng kama
at tinabihan siya. Ipinatong ko ang
aking ulo sa kanyang dibdib. Hinagod
naman niya ang buhok ko saka dinampian ng halik, dinig ko kasi ang tunog ng
halik.
“Minahal talaga kita at
mahal kita magpahanggang ngayon Lito. Sorry
talaga sa nagawa ko.”
“’Di naman nawala ang
pagmamahal ko sa iyo. Pinilit ko
talagang kalimutan kita, pero hindi ko kinaya.
Kalimutan na natin ang nangyari.
May pagkakamali rin naman akong nagawa dahil hindi kita inunawa. Mahal na mahal pa rin kita” ang nasabi ko
sabay niyakap siya ng mahigpit. Halik
naman sa labi ko ang sagot niya.
Tumagilid siya sa
pagkakahiga, ipinatong ang isang hita sa akin saka hinapit lalo ang
pagkakayakap at mariin akong hinalikan.
“I love you Lito.”
“I love you too
Robert.”
Muli ay nagdikit ang
aming mga labi, mariin, matagal, halos
kapusin ako sa paghinga sa tagal ng halikan namin. At nangyayari na ang matagal ko nang
kinasabikan.
Matagal na naglapat ang
aming mga labi, habang ang kamay ko naman ay walang tigil sa kahahaplos,
nilalandas ang bawat parte ng katawan na dati kong sinamba, matagal. Ayaw ko nang tumigil.
Lalong gumanda ang
hubog ng kanyang katawan. Lumaki rin ang
kanyang mga braso at hita. Lalo akong
humanga sa kagwapohan niya kahit medyo umitim siya. Nag mature siya ng konti.
Habang patuloy sa
mahabang paghahalikan ay dahan dahan kong inangat ang aking katawan at
inibabawan siya. Sinimulan ko nang paglandasin
ang aking labi at dila sa kanyang katawan.
Inumpisahan ko sa kanyang leeg hanggang makaabot ako sa kanyang
talampakan
Muli ay pumaitaas sa
kanyang katawan ang aking paghalik at hanggang marating ko ang masarap niyang
labi. Laplapan at espadahan ng dila na
naman kami.
Inikot niya ako at siya
naman ang napaibabaw. Sinimulan niya ang
pagromansa sa akin. Nanibago ako sa
kanyang ikinilos dahil lahat ng ginawa ko sa kanya ay ginagawa rin niya sa
akin. Hindi niya ito dati ginagawa. At
nang isusubo na niya ang aking burat ay pinigil ko siya.
“Hindi mo na kailangang
gawin ‘yan mahal. Hindi ka naman bakla
para gawin din ang ganoon sa akin” ang sabi ko sa kanya.
“Dapat matagal ko na
itong ginawa sa iyo para maiparamdam ko na tunay kitang mahal” ang sagot naman
niya.
Pumihit siya. Nasa 69 position na kami at nauna pa niyang
sinubo ang aking burat. Wala na akong
nagawa pa dahil ayaw naman niyang paawat.
Hindi na kami bumago sa posisyong iyon hangang kapwa kami labasan. Sobrang ligaya ang aking naramdaman sa
pangyayaring iyon. Unang subo niya sa
aking titi at una ko ring pagpapalabas sa kanyang bibig.
Ang gaan ng aking
pakiramdam at parang sobrang linamnam ng kanyang tamod na hindi ko agad
nilunok. Hinayaan ko munang manatili ito
ng matagal sa aking bibig, para hindi agad maubos.
Nahiga na kami,
nakatagilid ako at nakayakap sa kanya.
“Bakit mo ginawa iyon?” usisa ko sa kanya.
“Dahil mahal kita at
dapat maramdaman mo rin ang nagpapabaliw sa akin sa tuwing magtatalik tayo.”
“Salamat. Totoong labis akong nasiyahan. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na
ito. Mahal na mahal kita” tugon ko
naman.
Matagal tagal din
kaming magkayakap lang, nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib at panay haplos
sa kanyang katawan. Panay din ang hagod
ng kanyang kamay sa aking ulo at braso
“Pasukin mo ako” hiling
ni Robert.
“Ha!!
Anong sinabi mo?”
“Pasukin mo ako.”
“Ano naman ang pumasok
sa kukote mo at gusto mong gawin ko sa iyo iyon?”
“Para sa ganung paraan
ay maipadama ko sa iyo na tunay kitang mahal.”
“Bakit pa!!
Sapat na ang ginawa mo
kanina. Tama na iyon. Saka hindi ko kaya. Hindi ako titigasan pag ako ang gagawa ng
ganon. Ako na lang ang pasukin mo.”
“Sige na subukan mo”
pagpupumilit niya.
“Hindi mo
kakayanin. Alam mo namang masakit.”
“Alam ko, sa una lang
naman. Nakaya mo nga bakit hindi ko kakayanin gayung mas mahaba ang burat ko sa
‘yo”
“Huwag na” pagtanggi
ko.
“Basta!! Gusto ko rin
na malasap mo ang ligayang dulot mo sa akin sa tuwing papasukin kita kaya dapat
ay maranasan mo rin. Huwag ka nang
tumanggi. Basta sundin mo na lang ang
gusto ko.”
Wala na akong
nagawa. Alam kong nahirapan siya pero
tiniis niya lahat mapatunayan lang na totoo niya akong minahal.
Masayang masaya talaga
ako, hindi lang dahil sa nangyari kundi dahil napatunayan ko na talagang
minahal ako ni Robert.
Nanatili kaming
magkayakap matapos ko siyang pasukin. Pansamantala kaming natahimik. Walang gustong umimik. Binasag niya ang katahimikan sa isang buntong
hininga, tapos ay naupo sa gilid ng kama.
Kinuha ang boxer na suot kanina, isinuot at muling nagbuntong hininga.
“May problema ka ba?
Sabihin mo makikinig ako” Usisa ko sa kanya
“Hindi ko alam kung
paano ko ito sasabihin sa iyo. Hindi ko
alam kung paano ako magsisimula.”
“Ano ba kasi ang gusto
mong sabihin.”
“Please lang ha, mag
promise ka muna na hindi ka magagalit.
Maunawaan mo sana ako.”
“At bakit naman ko
magagalit!! Okay sige, promise, ano man
ang sasabihin mo ay hindi ako magagalit.
Sige, sabihin mo na.”
“May kasintahan na ako,
si Aimee, taga Zambales.”
-------------------------------------------------
Natulala ako sa kanyang
tinuran. Matagal akong hindi
nakapagsalita. Panay tulo lang ang aking
luha.
“Bakit ngayon mo lang
sinabi. Dapat wala nang nangyari sa atin
dahil mali. Gusto mo lang ba akong
gaguhin, na magkunwaring mahal mo pa ako.
Nagpatira ka pa sa akin, para ano.”
“Natatakot ka ba na
wala nang aalalay sa pamilya mo sakaling malaman ko na may mahal ka nang
iba? Ang baba naman ng pagkakilala mo sa
akin.”
“Minahal ko na rin
sila, itinuring na tunay na ina at kapatid, kaya kahit pa wala na tayo, na
hindi na tayo ay handa ko pa rin alalayan kayo kahit pa hindi mo iyon hiniling
sa akin.”
Ewan ko nagawa kong
manumbat. Ang sakit sakit kasi na
sasabihin na mahal ako at makikipagtalik pa gayong may iba na palang mahal.
“Hindi ganoon Lito. Walang kaugnayan ang nangyari sa atin sa pagtulong
mo sa aking pamilya at maging sa akin.
Talagang malaki ang utang na loob namin sa iyo at tinatanaw ko iyon at
ang nangyari sa atin kanina ay kagustuhan ko dahil totoong mahal kita. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko.”
“Sige, ipaliwanag
mo. Makikinig ako.”
Ang haba ng kanyang
paliwanag. Isinalaysay ang buong
pangyayari.
Dahil daw nakikita siya
ng kanyang kasama sa pagtulog na laging malungkot ay may ipinakilala siyang
kababayan daw na babae, si Aimee nga, at pinasulatan sa kanya. Maganda ang description na sinabi ng kanyang
kaibigan kaya sinubukan niyang sulatan at makipag pen pal. Sumagot daw naman ang babae at simula noon ay
nagpalitan na sila ng sulat. Halos kada
linggo ay may sulat na dumarating sa kanya.
Nagpalitan pa raw sila
ng picture at regular na din nila itong ginagawa hanggang parang nahulog na ang
loob sa babae, kay Aimee. Nasasabik sa
pagdating ng sulat.
Niligawan na niya si
Aimee at sinagot naman siya kaya mag dadalawang taon na raw silang
magkasintahan. Nangako siya na dadalawin
sakaling bumalik siya ng Pilipinas.
“Iyan ang nangyari Lito. Hindi ba ikaw ang may sabi na pwede akong
manligaw sa babae huwag lang sa bakla, eh sinunod ko naman ang gusto mo. Tapos
nagagalit ka” pagtatapos niya sa kanyang salaysay
“Oo nga pala, sinabi ko
sa kanya ang gayon. Hindi kasi agad
pinaalaala eh, nagdrama pa ako.
Nakakahiya tuloy” sa isip ko lang.
“Unawain mo naman ako
Lito. Gusto ko rin magkapamilya. Saka hindi pa naman sigurado na magugustuhan
niya ako talaga dahil hindi pa kami nagkikita.
Baka nga hindi niya ako harapin pag pinuntahan ko na siya sa kanila eh.”
“Totoo bang minahal mo
ako o ginagamit mo lang ako sa pansarili mong kapakanan.”
“Totoong minahal kita
at ayaw ko munang isipin na mawawala ka sa akin sakali na mag-asawa na ako” pa
akap akap pa habang sinasabi iyon.
“At ano naman ako
sakaling mag-asawa ka na?”
“Eh, di kabit” sabay
bungisngis.
Napatawa na rin ako,
nawala na ang tampo ko.
“Sobra ka na naman
Robert. Sa palagay mo ba ay papayag
akong maging kabit. Lalayuan na kita at
hindi na ako makipagkikita pa sa iyo.”
“Huwag naman. Pwede naman tayong maging friends, ‘di ba?
Saka ayaw kong mawala ka sa akin. Gusto
ko andyan ka palagi para sa akin” yakap niya ako mula sa likod at naka patong
pa ang baba sa aking balikat habang nagsasalita.
“Kaya Lito, may isa pa
akong ipapakiusap sa iyo.”
“Ano na naman ‘yon?”
“Samahan mo akong
puntahan sa kanila si Aimee. Kinakabahan
kasi ako. Natatakot akong mag-isa. Baka kasi hindi ako pakiharapan. Sige na Lito, Please” panay halik sa akin,
habang nanunuyo.
“Grabe ka naman Robert,
matapos mo akong paiyakin ako pa ang isasama mo. Sumosobra ka na yata. Isama mo nanay mo para mamanhikan ka na.”
Ayaw ko talaga siyang
samaham, pero sobrang kulit, ayaw talaga akong tigilan kahit na anong rason ko,
na kesyo marami pa kaming trabaho, at may deadline pa akong report. Sa kakakulit ay napapayag din ako.
Tuwang tuwa ang kumag
at walang tigil sa kahahalik sa aking batok.
Yakap pa rin niya ako mula sa likod, hinawakan pa ang aking burat na
tumigas dahil sa kakakayog niya. Ayun
tuloy, may nangyari na naman, ako naman ang kanyang pinasok.
------------------------------------------
Bukas, Lunes daw kami
lalakad. Sinabi kong dito na lang siya
matulog para mas malapit na sa terminal.
Uuwi daw muna para
kumuha ng dadalhin at para kunin din ang pasalubong. Sumama na rin ako para dalawin din si nanay.
Itutuloy…………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento