Hilot – Part 1
Cedric’s
POV
Nakaalalay
sa magkabila kong braso ang dalawa kong kaibigan at kalaro sa basketball kanina
lamang. Napasama ang bagsak ko nang
hindi sinasadyang magkabunguan kami nang kalaban sa pagrebound ng bola. Napilayan yata ako kaya ihinatid na ako sa
bahay dahil hindi ko na kayang maglakad pagkat masakit na masakit ito kapag
ilalakad ko.
“Anong
nangyari diyan. Napilayan ka ba.” Tanong
ni Nanay pagkakita sa akin na inaalalayan sa aking paglalakad na isang paa lang
ang gamit.
“Napasama
ang bagsak ko ‘Nay sa laro. Masakit ang
isang paa ko at hindi ko mailakad.” Dahilan ko.
Tiningnan niya ang paa ko.
“Namamaga
na ah, baka may bale. Naku mga iho,
kilala ba ninyo si Mang Enteng, yung nakatira sa nagiisang kubo diyan sa
bukid. Pakitawag naman at pakisabing
baka pwedeng tingnan ireng anak ko.
Magaling na hilot iyon at baka kaya pang mapagaling.” Pakiusap ni Nanay
sa dalawa kong kaibigan. Sumunod naman
ang dalawa. Kilala naman pala.
Kilala
kasi itong si Mang Enteng bilang magaling na albularyo at hilot dito sa aming baryo. Siya ang takbuhan kapag simpleng bale o pilay
lang. Kaya rin niyang magpagaling ng “na
bati”, “na balis”, “na nunu”, at kung ano ano pang hindi pinaniniwalaan ng
marami sa panahon ngayon lalo na ang mga doktor. Maging ang kulam ay kaya rin niya daw
pagalingin.
Ako
nga pala si Cedric, at isang senior highschool student dito sa bayan namin sa
Magdalena dito sa Laguna. Nag-init ng
tubig si Nanay para ipang banyos sa namamaga ko nang paa. Nakaupo lang ako at nakataas ang napilayan
kong paa sa ibabaw ng footstool.
Inilagay
ni Nanay ang mainit na tubig sa isang plastik saka ito ibinuhol at sinapinan ng
twalya. Idinadaiti niya ito sa parte ng paa ko na sumasakit. Medyo nawawala
naman kahit papano ang sakit.
Dumating
na ang aking mga kaibigan pagkalipas ng siguro ay 20 minutes. Wala daw si Mang Enteng at may nilalakad daw
sa kapitolyo. Ang naroon ay ang kanyang
apo at marunong din daw siyang manghilot.
Tinuturuan daw siya ng kanyang Lolo Enteng.
“Kasama
na ba ninyo?” tanong ni Nanay.
“Opo. Andyan sa labas.”
“Eh
bakit hindi pa ninyo pinapasok, dyaskeng mga bata ire. Nasaan ga.”
Lumabas si Nanay para papasukin ang hilot. Dinala niya ang nasabing hilot sa akin para
matingnan ang aking paa.
Nang
makita ko ang sinasabing apo ni Mang Enteng na hilot ay medyo nag-alangan ako
sa kanyang kakayahan. Paano ba naman ay
napakabata pa, parang sing edad ko lang o baka mas matanda pa ako. Isa lang ang ihinanga ko sa kanya,
nakakabakla ang kanyang kagwapohan.
Grabe, hindi ko akalain na may ganito kagwapong nilalalang dito sa aming
baryo. Bakit hindi ko siya nakikita eh
madalas naman akong nagagawi sa bukid.
Napakakinis
ng kanyang kutis, hindi siya kaputian pero pino naman ang kanyang balat. Yung kanyang mukha ay tila hindi man lang
natubuan kahit na isang tigyawat. Sa
unang tingin ay maihahalintulad siya kay Ian Veneracion noong kabataan pa nito.
Hindi
na ako nakatiis kaya nag tanong na ako sa sinasabing hilot. “Bro, sa spa ka ba nagmamasahe? Hilot kasi ang kelangan ko eh. May pilay ako, baka may bali ang buto ko.”
“Nakakasakit
naman kayo ng damdamin Bro. Kung wala
kayong tiwala sa akin ay kayo naman ang masusunod eh. Sige, maghanap na lang kayo ng ibang titingin
niyan. Nakita ko na naman ang paa mo at
sa tingin ko ay naglinsad lang ang buto.
Walang bale, kelangan lang na mabalik sa dati ang joint. Sa lalong madaling panahon ay dapat na
mabalik na iyan sa dati, kung hindi ay mamamaga iyan lalo at baka sa orthopedic
na iyan madala.” Ang Sabi ng batang hilot.
Sumama siguro ang loob niya sa sinabi ko na pagkawalang tiwala sa
kanyang kakayahan. Natakot ako sa huli
niyang tinuran. Ayoko sa ospital bukod
sa wala kaming perang panggastos.
“Sandali. Sandali lang Bro. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo, kaya
lang ay napakabata mo pa para matutunan ang ginagawa ng iyong lolo.”
“Simpleng
pilay lang iyan, kung bale ang buto niyan ay siguro may umusli na diyan sa
balat mo. Anong desisyon mo, marami pa
akong ginagawa sa bahay at baka makagalitan ako ni Lolo at sabihin na wala
akong ginawa maghapon.” Wika ng hilot.
Kung
hindi lang gwapo ang mokong na ito ay kanina ko pa pinalayas. May pagka arogante rin kasi kung
sumagot. Sabagay ay mali naman talaga
ako. Ako ang may kailangan sa kanya kaya
dapat ay hindi ako nagsalita ng ikasasama ng kanyang loob. Pumayag na rin akong matingnan niya.
Sinundot
sundot muli ng kanyang daliri ang paligid ng namamaga kong paa. Masakit ang bawat sundot na iyon kaya
napapa-aray din ako. “Masakit diyan,
dahan dahan naman, ahh sakit.”
“Masakit
talaga. Kakayanin mo ba ang sakit? Kasi ay kelangang itong maisaayos na.” Wika ng hilot. May kinuha muna sa kanyang dalang kahon. Isang maliit na patpat o kawayan pero makinis
iyon.
“Kagatin
mo ito.” Wika ng hilot. “Huwag mong
iluluwa, dapat ay kagat kagat mo at hindi malalaglag. Naintindihan mo ba?”
Tumango
na lang ako. Akala ko ay iyon na ang
gamot. Pinadapa ako sa aming mesang
kainan, mahaba kasi iyon at kasya ang aking katawan, at saka muling ginalaw
galaw ang aking paa.
“Kayong
dalawa, hawakan ninyong mabuti ang mga baraso para hindi makagalaw. Nay, kaya ba ninyong pigilan iyang isang
binti niyan, kelangan kasi ay hindi maibaluktot at maigalaw, kung pwede lang na
igapos talaga eh.
“Kaya
ko na. Malakas pa naman ako. Mas may lakas pa yata ako sa dalawang mokong
na ito eh.”
“Sige
po sisimulan ko na. Pigil na mabuti nga
tol, ‘nay. Kagatin mo na ang kawayan at huwag mong ilalaglag.” Ramdam ko na tangan na niya ang aking
paa. Parang iniikot ikot ang aking binti. Napasigaw ako ng ubud nang lakas, na maaring
ikinagulat nang aming kapitbahay. Tuloy
ay nalaglag sa aking bibig ang kawayan na pinakagat sa akin. Nakadinig ako ng
paglagutok ng aking buto. Parang
guminhawa naman ang aking pakiramdam.
Naigagalaw galaw ko na ang aking paa.
Pinabangon
na niya ako at patingkayad na naglakad patungong sala kung saan ako nakaupo
kanina. Itinaas uli sa footstool ang
aking paa at nanghingi ng basahan o lumang tshirt na cotton. Hinaplasan muna ng efficascent oil saka binalutan
ng pinagputol putol na tela ng tshirt.
“Anong
nararamdaman mo ngayon. Masakit na
masakit pa ba?” tanong ng hilot.
“Hindi
na masyado, naikikilos ko na nga eh. Ano
ginawa mo.”
“Wala,
pinaikot ko lang. Syempre may teknik ako
kung paano ibabalik ang naglinsad na buto sa dati. Huwag mo munang babasain ha. Kung maliligo ka ay balutan mo muna ng
plastic para hindi mabasa.
“Salamat
ha. Pasensya ka na kung medyo hindi ako
agad nagtiwala sa iyo. Talaga namang
napakabata mo pa eh, bukod sa napaka-gwapo mo rin.”
“Kaya
pala panay ang titig mo sa akin eh. Baka
naman nababakla ka na sa akin ha hehehe.
Joke lang. Dapat happy ka na kaya
nag-jojoke na ako. Sige at alis na
ako. Babalik ako bukas para tignan uli
iyan. Huwag kang aalis ng bahay dahil
hindi ko tiyak kung anong oras akong pupunta dito.”
“Yabang
mo naman. Sige na, salamat uli. ‘Nay, aalis na raw si…. Ano nga palang
pangalan mo. Nag-gamutan na tayo ay
hindi ko pa alam ang pangalan mo. Ako si
Cedric. Huwag mo na lang alamin ang
pangalan ng dalawang iyan. Wala namang
kwenta ang mga iyan.”
“Aray
ko ang sakit naman. Ako si Ome at siya
naman si Pons.” Pakilala ni Ome.
“Tawagin
mo na lang akong mahal hehehe, joke lang uli, baka mapikon ka eh. Mandy, Mandy
ang pangalan ko.”
“Nay,
naghihintay si Mandy, yung ano niya.”
“Hindi
nagpapabayad ang mga iyan anak. Donasyon
lang at kahit magkano. Pagdamutan mo na
lang ito ha. Maraming salamat.”
“Pwede
naman kahit wala ‘Nay. Pero tatanggapin
ko na rin po, pandagdag sa bayad sa kuryente hehehe. Sige po, paalam na po.
---------------oo00oo---------------
Mandy”s
POV
Dalawang
binatilyo ang humahangos patungo sa kubo namin.
Malayo pa ay tanaw ko na sila at alam kong emergency iyon at si Lolo ang
pakay nila. Hindi nga ako nagkamali
dahil si Lolo nga ang hinahanap nila.
“Wala
si Lolo at nasa Kapitolyo. May
aasikasuhin daw doon. Ano bang pakay
ninyo kay Lolo.”
Nalaman
ko na napilayan daw ang kaibigan nila at namamaga na raw ang paang napilayan.
“Sige,
sama ako sa inyo at titingnan ko.
Marunong din kasi ako ng hilot at baka kaya ko na.”
Naiwan
pa ako sa labas pagdating namin sa bahay ng napilayan. “Mga bastos, hindi agad ako pinapasok.” Wika
ko sa isipan ko. Dinig ko rin ang sinabi
ng isang babae na kung bakit hindi agad ako pinapasok, na sa hula ko ay ang
may-ari ng bahay.
Pinapasok
na ako at agad na dinala sa may pilay.
Tinignan ko at sinipat.
Pinag-aralan ko rin kung ano ang dapat gawin. Hindi naman masyado delikado, naglinsad lang
ang buto yung bang nawala sa align.
“Bro,
sa spa ka ba nagmamasahe? Hilot kasi ang
kelangan ko eh. May pilay ako, baka may
bali ang buto ko.” Wika ng may pilay. Bale bang sabihin sa akin ang ganon,
napaka walang asal. Gusto ko na sanang
talikuran agad agad at iwan na sa ganong kalagayan, pero magagalit naman sa
akin si Lolo kapag ginawa ko iyon. Bilin
na bilin na kung kayang tulungan ang isang tao ay tulungan ng walang
pag-aalinlangan. Kaya lang, iba ang
taong ito eh. Mapang husga. Sobrang judgmental. Gwapo pa naman at
boyfriend material.
“Sobra
ka namang makapang-husga. Kung sa spa
man ako nagmamasahe ay masahe pa rin iyon. Nakakasakit naman ikaw ng damdamin
Bro. Kung wala kang tiwala sa akin ay ikaw
naman ang masusunod eh. Sige, maghanap
na lang kayo ng ibang titingin niyan.
Nakita ko na naman ang paa mo at sa tingin ko ay naglinsad lang ang
buto. Walang bale, kelangan lang na
mabalik sa dati ang joint. Sa lalong
madaling panahon ay dapat na mabalik na iyan sa dati, kung hindi ay mamamaga
iyan lalo at baka sa orthopedic na iyan madala.” Masama ang loob kong turan.
Tumalikod na ako at tinungo na ang pintuan para umalis.
“Sandali. Sandali lang Bro. Huwag ka munang aalis. Sobra ka namang balat sibuyas. Hindi naman sa
wala akong tiwala sa iyo, ang akin lang ay parang sobrang bata ka pa para
matutunan ang ginagawa ng iyong lolo. Sorry.” Ang pigil ng may pilay. Natakot at biglang nag sorry.
“Simpleng
pilay lang iyan, kung bale ang buto niyan ay siguro may umusli na diyan sa
balat mo. Anong desisyon mo, marami pa
akong ginagawa sa bahay at baka makagalitan ako ni Lolo at sabihin na wala
akong ginawa maghapon.” Wika ko.
“Sige,
ikaw na ang bahala, basta pagalingin mo lang ako.”
Alam
kong kinakabahan ang mokong na ito.
Marahil ay dahil wala pa rin kompyansa sa kakayahan ko o talagang takot
lang dahil sinabi ko na masakit at dapat ay kayanin niya ang sakit. May dala naman akong amonia sakaling
himatayin ito. Habang pinag-aaralan ko
kung ano ang gagawin ko sa kanyang pilay ay napagmasdan ko siya. Ang gwapo talaga ng mokong na ito at may
ipagmamalaki ha! Bumabakat kasi ang harapan, matangkad at ang kissable nang
labi. Kaya lang ay maypagka suplado.
Sandali
lang naman at agad kong naibalik sa dati ang kanyang naglinsad na buto. Grabe ang atungal, siguro ay dinig iyon
hanggang kabilang ibayo sa lakas, at malamang ay nagulantang ang mga
kapitbahay.
Matapos
bendahan ay binilinan ko na huwag munang babasain at sakaling gustong maligo ay
balutan ng plastic para hindi mabasa.
“Salamat
ha. Pasensya ka na kung medyo hindi ako
agad nagtiwala sa iyo. Talaga namang
napakabata mo pa eh, bukod sa napaka-gwapo mo rin.” Kinilig naman ako sa tinuran niya. May cbance, ika nga ni Paolo ng Eat
Bulaga. Biniro ko rin siya.
“Kaya
pala panay ang titig mo sa akin eh. Baka
naman nababakla ka na sa akin ha hehehe.
Joke lang. Dapat happy ka na kaya
nag-jojoke na ako. Sige at alis na
ako. Babalik ako bukas para tignan uli
iyan. Huwag kang aalis ng bahay dahil
hindi ko tiyak kung anong oras akong pupunta dito.” Nayabangan yata sa akin at napasimangot. Biglang tinawag ang kanyang Nanay. Parang gusto na akong paalisin hehehe.
“Oo
na. Sige na, nasabi lang gwapo eh yumabang na.
Salamat na lang. Nay, aalis na
raw si…. Ano nga palang pangalan mo? Ako
nga pala si Cedric.
“Tawagin
mo na lang akong mahal hehehe. Ito
naman, nakasimangot agad. Joke lang
yun. Mandy, Mandy ang pangalan ko.”
Inabutan
ako ng Nanay ni Cedric ng pera. Ayaw
patawag ni Lolo na bayad dahil hindi naman talaga naniningil siya. Kahit magkano naman ang ibigay ay okay lang. Tinanggap ko ang pera dahil kulang pa ang
pambayad namin sa kuryente.
Nagpaalam
na ako at umalis na rin. Magaan ang
katawan ko habang naglalakad pauwi sa amin.
Ewan ko kung bakit attracted ako sa lalaking iyon eh ang angas. Hindi naman ako bakla, at least sa pagkaalam
ko sa ngayon. Pero siya ay parang may
chance talaga na bakla. Ang lagkit kasi
ng titig sa akin at nagwapohan pa.
Sabagay ay marami namang nagsabi sa akin niyon.
Ibinalita
ko kay Lolo ang tungkol kay Cedric.
Ipinaliwanag ko na hindi ko na siya hinintay dahil magang maga na ang paa
nito. Sasama raw sa akin bukas para
matignan din niya.
Kinabukasan
ay excited ako habang naglalakad kami ni Lolo patungo kina Cedric. Makikita ko
na naman ang gwapong lalaking iyon.
---------------oo00oo---------------
Cedric’s
POV
“Sino
ba ang hinihintay mo Cedric. Kanina ka
pa pabalik balik diyan sa bintana, baka mamaga lalo yang paa mo.?” Si Nanay, napansin pala ako na laging
nakatanaw sa bintana.
Hinihintay
ko kasi si Mandy. Ewan ko ba kung bakit
ganun na lang ang pagkasabik ko na magkita uli kami. Siguro ay crush ako ng lalaking iyon. Sabihin ba naman na tawagin ko siyang
mahal. Neknek niya. Baka akala niya ay bakla ako ah kaya ganun na
lang ang sinabi niya. Pero bakit ganun,
kinilig talaga ako ng sabihin niya iyon.
Nataranta
ako ng may kumatok sa pintuan namin.
Boses iyon ni Mandy. Para akong
kinabahan bigla, dumagundong ang aking dibdib.
Paika ika akong tumayo para buksan ang pinto. Nawala yata ako sa sarili dahil bumungad agad
sa akin ang gwapong mukha ni Mandy.
Nagkatitigan kami. Ayos na ayos
ang buhok at nakaporma pa. Sobrang bagay
sa kanya ang suot niyang muscle tshirt at short. Kita ang magandang katawan sa gilid ng tshirt. Sa kanya na focus ang aking tingin, hindi ko
tuloy napansin na may kasama pala siya, si Mang Enteng.
“Ehem
ehem, ano! Dito na lang ba tayo magtitigan.
Papasukin mo ba kami o dito na lang tayo.” Maangas na wika ni
Mandy. Napalitan tuloy nang inis ang
tuwa ko. “Yabang talaga nito, tuloy po
Mang Enteng.”
Pangitingiti
pa ang kumag na ito. Napahiya tuloy ako
sa kanyang lolo. Pinaupo ko na sila at
tinawag si Nanay. Pinapatong ni Mang
Enteng sa silya ang aking paang may pilay.
Inalis ang benda at pinisil pisil pa ang aking paa. May konting sakit pa kaya napapapitlag ang
aking paa sa tuwing pipisilin niya ng medyo madiin.
“Masakit
na masakit pa ba?” Tanong ni Mang Enteng.
“Konti na lang po, medyo masakit pa kapag inilalakad ko.” Sagot ko.
“Lamog
na lang iyan, huwag ka munang masyadong maglalalakad. Hayaan mo munang ganyan ng ilang araw. Ayos
naman ang ginawa ng apo ko.” -si Mang Enteng.
Ibinabalik ang balot sa aking paa.
Nailang naman ako sa titig nitong si Mandy, para kasing nakakaloko. Ang yabang yabang komo’t napuri ng kanyang
Lolo.
Lumabas
si Nanay na may dalang pitsel at baso. “Mag-miryenda po muna kayo Mang Enteng,
Mandy. Pasensya na at nilagang saging
lang iyan hehehe.” Alok ni Nanay. Kumain
naman sila.
“Kamiy
aalis na Sonia,” paalam ni Mang Enteng.
Sonia ang pangalan ni Nanay. Lumabas si Nanay ay may inaabot sa matanda
pero tinanggihan ito. Hindi na rin
nagpilit pa si Nanay. Loko loko talaga
itong si Mandy. Nang matalikod ang
matanda ay lumingon pa sa akin sabay flying kiss. Ako namang si loko loko din ay sinalo ang
ihinagis na kiss at idinaiti sa aking labi.
Kahit alam kong biro lang iyon ay sobra ang aking kilig. Sinundan ko pa sila ng tingin sa bintana
habang naglalakad papalayo ang mag-lolo.
Napalingon pa uli si Mandy kaya bigla akong napaatras, parang napahiya
ako doon.
---------------oo00oo---------------
Mandy’s
POV
Ilang
araw na ang lumipas mula ng huli kong makita si Cedric. Wala na akong balita kung ano ang naging
lagay niya, kung magaling na siya, kung nakapaglalakad na ng maayos. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung
bakit nasasabik akong muli kong masilayan ang maganda niyang mukha. Parang ako ang nahulog sa mga biro ko sa
kanya.
Ang
sarap kasi niyang biruin. Madaling
mapikon. Ang cute kaya niya kapag
napipikon, ang ganda ng galaw ng kanyang mga labi na may kaluwangan. Parang labi ni Bright na Thai actor sa BL
series na “2gether”. Pati ang mga mata
niya ay namimilog kapag galit.
Lumabas
ako sa kubo at naglakad lakad sa paligid.
Tinignan ko ang mga tanim namin kung may mga hayop o kulisap. Naglakad lakad pa ako, malayo layo na rin ang
nalalakad ko ng mapagtanto ko na malapit na ako sa bahay nina Cedric. Natanaw ko siya sa bintana at nakatingin sa
aking banda. Para akong kinabahan,
dumagundong na naman ang aking dibdib.
Hindi
ako nagpahalata na nakita ko siyang nakatanaw sa akin. Binagalan ko ang aking lakad na kunwa ay may
binabasa sa aking CP pero ang aking mga mata ay pasulyap sulyap sa lugar niya. Nang matapat na ako sa may bintana nila ay
binati na ako ni Cedric.
“Mandy,
saan ang lakad. Baka mabunggo ka, sa
daan ang tingin at hindi sa CP.” Bati niya na may halong pang-aalaska. Gumanti naman ako nang biro.
“Oy
Cedric. Hindi kita napansin, inaabangan
mo ba ako? Kumusta ang pilay mo, hindi
na kita napasyalan eh. Alam ko namang
gagaling kaagad iyan, ako kasi ang naghilot hehehe.”
“Abang
ka diyan. Ang yabang mo talaga. Daan ka muna at tignan mo itong paa ko. Masakit pa rin eh at maga pa.” Wika
niya. Hindi ko alam kung anong naging
ekspresyon sa aking mukha. Gulat ako at
hindi makapaniwala, natakot ako at nasabi na sana ay biro lang iyon.
Patakbo
akong tumungo na kanilang bahay. Tuloy
tuloy na akong pumasok at hindi na kumatok.
“Patingin nga ng paa mo.” Inangat ko ang isa niyang paa na napilayan
dati. Wala na itong benda. Nabatukan ko siya pagkakita sa kanyang paa na
hindi maga at magaling na.
“Sira
ka talaga.” Pagalit kong sabi sabay batok sa kanya. “Tinakot mo ako ah. Ang alam ko ay pagaling na dahil nakita pa ni
Lolo. Huwag kang magbibiro ng ganyan
ha.” Wika ko na pasigaw sabay padabog na tumalikod at tinungo ang pintuan. Alam kong na guilty siya sa kanyang biro.
Hinabol niya ako nahawakan sa aking braso.
“Sorry
na. Hindi ka na mabiro, sobra kang pikon
hehehe. Kiss na lang kita para mawala ang
galit mo.” Wika niya na pilit idinidikit ang kanyang nguso sa aking
pisngi. Alam ko naman na nagbibiro lang
siya kaya hinayaan ko na lang siya.
Dumikit ang kanyang labi, hindi sa aking pinsgi kundi sa akin ding labi
dahil umiiwas ako at napalingon sa harap niya.
Parang nag-slowmotion ang paligid.
Parang ang tagal tagal na naglapat ang aming mga labi, dilat pareho ang
aming mga mata. Natigilan kami pareho sa
nangyari at nang matauhan ay agad kong tinungo ang bintana.
“Pwe,
pwe.” Dura ko sabay punas ng aking kamay sa aking bibig. “Ano ka ba
Cedric. Para kang tanga. Ano ka!
Bakla?” Nagulat siya sa binitiwan
kong kataga, nakatakip ang dalawang palad sa kanyang mukha na parang hiyang
hiya. Nagsory naman siya at hindi raw
niya akalaing na lilingon ako. Tapos ay
tumalikod na at pumasok sa isang silid sabay balabag ng pintuan.
Ako
naman ang parang naging estatwa.
Napahiya siguro sa sinabi ko.
Naguilty naman ako. alam kong
hindi na siya lalabas ng silid kahit na magsorry ako sa aking nasabi. Umalis na lang ako at umuwi ng bahay. Hawak hawak ko ang aking mga labi.
Ang
totoo ay hindi ako galit, bagkos ay siyang siya ako sa nangyari. Ayaw ko lang magpaka obvious. Hindi ko na talaga maintindihan ang
nangyayari sa akin.
---------------oo00oo---------------
Cedric’s
POV
Galit
na galit ako at malakas na isinalya ang pinto ng aking silid. Pinagsusuntok ko ang unan ko at mangiyak
ngiyak talaga ako sa nangyaring pangiinsulto sa akin ni Mandy. Hindi ko naman kasalanan na magdikit ang
aming mga labi. Bigla siyang lumingon ng
hahalikan ko na siya. Kunwari lang naman
talaga na hahalikan ko siya sa pisngi, hindi ko naman talaga itutuloy.
Sinabihan
ba naman ako ng bakla dahil lang sa aksidengteng pagdikit nang aming mga
labi. Sobrang inis ko at nangako sa sarili
na hindi na niya kikibuin kahit kelan itong si Mandy.
Makaraan
ang ilang araw ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari sa amin ni
Mandy. Aaminin ko, nagustuhan ko naman
ang aksidenteng halik na iyon. Ewan ko
ba kung bakit pero iyon ang naramdaman ko.
Nainis lang talaga ako sa sinabi niya.
Biro man iyon ay hindi ko nagustuhan.
Madalas pa rin ako sa bintana at nagbabakasakaling makita ko uli siya,
pero wala kahit anino ng lokong iyon.
Balik
eskwela na uli ako matapos ang ilang araw na pagliban ko. Maraming tao sa labas ng building papasok sa
aming room, karamihan ay mga babae.
Nakiusyoso ako. Mga larawan pala
ito ng mga lalaki at babae na kandidato para sa Mister and Miss ng aming
paaralan. Taunan itong ginagawa tuwing
foundation ng aming paaralan para makalikom ng kahit konting pondo para sa
proyekto ng mga magtatapos na estudyante sa taong ito.
Tiningnan
ko ang mga kandidato. Nasorpresa ako
dahil naroon ang larawan ni Mandy.
Schoolmate ko pala siya ay hindi ko alam. Halos kakilala ko ang mga nag-aaral na senior
pero ngayon ko lang nalaman na dito rin pala siya nag-aaral.
Pumasok
na ako sa aming room. Binati agad ako ni
Jenny, isa sa mga babae kong kaibigan. “Naku Cedric, bakit kasi ngayon ka lang
pumasok, hindi ka tuloy nakasali sa Mr. And Ms. Contest. Ninominate kita noong pang last week kaya
lang ay kelangan na ng final na candidate at wala kapa. Ayun, hindi ka pinayagan kasi ay kelangan ang
consent mo.”
“Buti
na lang at hindi ako nakasali, ang hirap kaya nun. Unang una kelangan magbenta ka ng ticket,
tapos, dapat mangompanya para ma-like o ma-heart sa facebook. Ayoko ng ganun, Hindi naman kami
mayaman. Kung walang ganoon at purely
papogian lang at talent, papayag ako hehehe.” Pagyayabang ko.
“Ang
yabang mo talaga friend. Nakita mo ba
yung mga candidate na lalaki. Ang pogi
pogi nung Mandy ano, crush ko.” Wika ni Jeny na hangang hanga sa gandang lalaki
ni Mandy.
“Pogi
nga, arogante naman. Ang angas! Kung mayabang ako, doblehin mo o triple pa sa
kayabangan ang mokong na iyan.” Sagot ko naman.
“Bakit
friend? Kilala mo ba siya. Pakilala mo naman ako o, please.”
“Naku,
hindi na oy. Teka nga pala, bakit ngayon
ko lang siya nakita sa school natin?
Iilang section lang tayo tapos ay magkakakilala pa, tanging siya lang
ang hindi ko talaga kilala.”
“Transferee
siya friend, galing sa kalaban nating eskwelahan doon sa dulong bayan. Kaya
lang ay hindi ko alam kung bakit lumipat pa dito ay graduating na.”
Napatango
ako, nakahawak sa aking baba. Natigil
lang ang tsismisan namin ni Jenny ng dumating na ang guro namin sa unang
subject.
---------------oo00oo---------------
Uwian
na, sinadya kong abangan si Mandy para makahingi ng dispensa. Kakainin ko na ang sinabi ko na hindi ko siya
papansinin. Ang totoo ay namiss ko rin
siya. Gusto ko siyang tulungan. Hindi pa naglalabasan ang section nila kaya
nagtiyaga akong maghintay malapit sa kanilang room. Sa wakas, nagsilabasan na rin. Nanghaba ang aking leeg para tanawin siya at
baka makalingat ako ay hindi ko makita.
Nakita ko siya na may kasabay na isang babae. Tila naka holding hands pa, siguro ay syota
niya. Hindi ko kilala masyado ang babae
pero natatandaan ko ang mukha niya. Isa
rin sa kanditato sa contest.
Hinintay
ko na dumaan sa tapat ko. Nakita naman
niya ako. Akala ko ay hindi niya ako
papansinin, buti na lang at nauna siyang bumati sa akin.
“Cedric! May hinihintay ka ba, kung wala ay sabay na
tayong umuwi. Naglalakad ka lang ba o
nag-tatricycle pa.” Bating tanong sa akin.
“Hindi
ah, naglalakad lang ako, ano ako mayaman!” pasuplang sagot ko. Umarya na naman ang pagkamaldito ko.
“Nagtatanong
lang eh. Kaklase ko si Melba.” Pakilala
niya sa babaeng kasama.
Humingi
ng suporta sa akin si Melba para sa contest.
I like ko raw ang kanyang picture at maging ang kay Mandy para manalo
sila sa contest. Sabihan ko rin daw ang
mga friends ko sa FB. Umoo naman
ako. Nagpaalam na rin siya paglabas
namin ng gate. Iba kasi ang daraanan
niya. Nagkaroon ako nang pagkakataon na
makausap siya.
“Sorry
nga pala sa inasal ko noon nakaraang araw, napagdabugan pa kita ay ako naman
ang may kasalanan. Sorry ha.” – Ako.
“Naku
naman! Wala iyon sa akin. Nagkunwari lang akong galit, ang totoo ay
nagustuhan ko nga eh ihhyyyyyyyyyyy hehehe.
Pwede nating ulitin ihihihihi.” Wika niya, ang landi, pero natawa ako
talaga sa kanya. Ang pogi niyang lumandi
hihihi.
“Ang
loko mo talaga. Kaya naiinis ako sa iyo
eh.”
“Ang
cute mo kasi kapag naiinis hehehe.”
“Ayan
ka na naman. Syanga pala, hindi ko alam
na dito ka pala nag-aaral, ngayon ko lang nalaman ng makita kita sa picture na
kandidato.”
“Ah,
nagtransfer lang ako. Doon sa paaralan
sa Dulong bayan ako dati.”
“Bakit
ngayon ka lang nagtransfer kung kelan na gagradweyt na.”
“Malayo
kasi doon kapag sa mga Lolo ako manggagaling.”
“Saan
ka ba dati nakatira. Hindi rin kita
nakikita diyan sa may bukid eh palagi ako doon para magpahangin at magpaaraw.
“Mahabang
kwento. Saka ko na lang ikukwento sa
iyo. Pasyal ka sa amin, kwentuhan tayo.”
“Sige. Gusto mo ngayon na.”
“Sa
ibang araw na lang. Marami akong ginagawa
kapag hapon. Ayan na ang sa inyo.”
“Ingat
ka. Sabihin mo lang kung kelangan mo ng
tulong sa contest. Tulungan kitang
magbenta ng tiket.”
“Sige,
salamat.”
Haayyyy ang saya saya
ko ngayong araw na ito. Pakantakanta pa
ako ng pumasok ng aming bahay. Napansin
pa ako ni Nanay at natanong kung bakit ang saya saya ko. Syempre, secret hehehe.
---------------oo00oo---------------
Mandy’s POV
Malayo pa ay nakita
ko na kaagad si Cedric. Nanghahaba ang
leeg na nakatanaw sa room namin. Alam
kong ako ang inaabangan niya. Gusto lang
sigurong sumilay sa akin. Hindi kasi ako
nagpakita ng matagal sa kanya, nagpapamiss lang hehehe.
Hindi naman talaga
ako nagalit sa kanya ng aksidenteng magdikit ang aming mga labi. Kunwari lang iyon, galit galitan. Papansin lang. Sinadya ko naman talagang lumingon at sakto
naman na magtama ang aming mga labi.
Pagtapat ko sa
kinatatayuan niya ay binati ko siya kaagad.
Gusto ko uling alaskahin, sabihin kung namiss niya ako at inabangan sa
paglabas ko. Hindi ko lang itinuloy
dahil sa kasabay ko ang aking kaklase na si Melba. Halata ko sa kanyang mga mata na may gustong
itanong patungkol sa amin ni Melba.
Hinawakan ko kasi ang kamay nito nang makita ko siyang nakatanaw sa
aming room.
Nagsorry lang naman
siya sa inasal noong nakarang araw na nagkita kami. Nagkasundo naman kami at humingi rin ako ng
sorry sa kanya. Magkasabay na kaming
naglakad pauwil nagkwentuhan.
Durugtungan.
Tila may nabubuong
romance ang ating mga bida. Abangan lang
po ang susunod na kaganapan. Maraming
salamat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento