Linggo, Oktubre 23, 2022

Kwento Ni Jun (Part 38) – Katapusan

 


                                    Kwento Ni Jun (Part 38) – Katapusan

Jun’s POV

Patuloy na lumipas ang panahon.  Lumalaking mabait at masunurin si AJ, AJ ang naging palayaw ng aming anak dahil Junior siya.  Dahil na rin sa kaunlaran ng bansa ay nagkaroon ng madaling paraan para magkaroon ng komunikasyon ang mga tao kahit na nasa malayo.  Nagkaroon na ng Cell phone, kaya nagkakapalitan ng text ang mag-ina.  Mayroon na ring internet at nauso ang yahoo messenger kung saan madalas magkausap si AJ at ang kanyang ina na nagkakaharap pa sa camera.  Nauso ang friendster at kung ano ano pa, pati games kung saan nahahaling itong si AJ.

Ang nakakatuwa pa ay alam na rin niya ang relasyon namin ng kanyang Papa.  Maswerte daw siya dahil may Papa na may Daddy pa.  Tuwang tuwa kami ni Alex sa pagiging maunawain ni AJ.  Napalaki namin siya ng tama.

Kamakailan lang ay nagkaroon kami ng konting salosalo sa aking ika 40th bithday. Present sa salo salo namin ang Mama ko at ilang myembro ng pamilya ni Alex.  Ang ibang officemate ko ay nakadalo rin.  Ngayon ay hayag na sa kanila ang tunay kong pagkatao at alam na rin nila ang relasyon namin ni Alex.  Ang tagal na pala naming nagsasama ni Alex, labing-pitong taon na pala itong taon na ito, 1998.  Pitong taon na rin si AJ.

Thirty six years old na rin si Alex, may idad na rin.  Sa haba ng aming pagsasama ay mainit pa rin kami pagdating sa kama.  Hindi nawawala ang init ng aming pagmamahalan.  Bagamat iniiwasan ko na talaga ang magkasala sa kanya, ay kung minsan ay natutukso pa rin ako.  Kapag nagkikita kami ni Lito ay marami kasi siyang kwento ng kanyang mga karanasan.  Forty four na daw siya pero may asim pa, pagyayabang niya.  Nakakakuha pa raw siya ng mga bagets.

Kung minsan ay nakakasama pa rin niya ako sa mga adventures niya, mas marami kasi siyang alam ehehehe.

Dito ko muna tatapusin ang aking kwento (First Part). Tandaan ninyo, 1998 pa lang ito at mahaba haba pa ang aking kwento. Akin munang i-organize ang mga pangyayari, yung mahalaga lang naman. Hindi ko na kasi masyadong matandaan ang date nang ibang pangyayari kahit malinaw pa sa akin ang nangyari.

Marami pang pagsubok ang pinagdaanan namin, may mga kalibugan pa ring kaakibat hehehe. Basta, abangan na lang ng mga nakabasa hehehe, yung mga hindi pa ay simulan na ninyo.

May nagtatanong na siguro kung kami pa ni Alex hanggang ngayong kasalukuyan. Malalaman ninyo sa ikalawang batch ng aking kwento.

Maraming salaamt po. Stay healty.

 

 

Jun......

 

Abangan ang kasunod na batch.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...