Ang Yummy Kong
Stepbrother (Yumming Yummy Pa Rin)
Chapter 13
- Brothers
Nagpanggap na isang private detective itong si Melvin para lang
makumbinsing makipag-usap sa kanya ang lalaking kahawig niya na nalaman niyang Lance
ang pangalan.
Naalala pa niya noong time na malaman niya na may anak sa labas
ang kanyang ama. Galit na galit siya hindi lang sa kanyang ama kundi pati sa
kanyang ina.
Aksidente kasi niyang narinig ang pag-uusap ng kanyang mga
magulang minsang bumaba ng barko ang ama. Grade six pa lang siya noon.
“Marta, baka sakaling lumitaw bigla ang aking anak kay Mona,
gusto ko sanang ikuha siya ng isang trust fund para sa kanyang kinabukasan,
kung hindi mo naman sana ipagkakait. Anak ko rin naman siya.”
“Ikaw ang bahala Melchor, pera mo naman iyan at tama lang na
makatanggap din siya ng biyaya galing sa iyo. Hindi ko naman inaalis sa iyo ang
pagiging ama sa batang iyon ang hindi ko lang talaga matanggap noon ay ang
ibahay mo pa ang babaeng iyon.”
“Matagal na iyon, sana ay napatawad mo na rin siya ng tuluyan.”
“Alam mo Melchor, kung nakita lang natin talaga noon pa ang
iyong mag-ina ay akin na sanang aakuin ang pagiging ina sa kanya, kung papayag
lang si Mona, pero hindi ko naman pwedeng ipamigay ka sa kanila, paano naman
ang magiging buhay ni Melvin.”
“Napakabuti mong asawa Marta, maraming salamat at ikaw ang aking
naging asawa.”
“Hah! mabuting asawa! Mabuting ama! Noon iyon, pero ngayon ay
hindi na. Inidolo kita papa pero sinira mo ang aking tiwala. Kinamumuhian kita,
pati na ang anak mo sa labas.” Ang pasigaw na sabi ni Melvin sa narinig sa
magulang.
Kahit na anong pakiusap, kahit na anong amo ay hindi na kinausap
pa ni Melvin ang kanyang ama, Malungkot sa muling pagsakay ng barko ang ama ni
Melvin.
Dalawang taon na hindi kinibo ni Melvin ang ama, para silang
hindi magkakilala hanggang sa isang araw ay nabalitaan nila na naaksidente ang kanyang
ama. Sinundo pa nila si Melchor para lang makauwi ng Pilipinas, baldado na,
hindi na makakilos, bed-ridden na.
Sising-sisi si Melvin sa kanyang nagawa. Nakahingi naman siya ng
tawad sa ama na kaagad naman nagpatawad. Nangako pa si Melvin na ipapahanap ang
kanyang kapatid, at ibibigay ang nakalaan para sa kanya sakaling matagpuan nila
ito. Noon na binawian ng buhay si Melchor.
Pinahanap naman nila ang mag-ina, pero nahirapan ang binayaran
nilang detective dahil sa kakulangan ng importanteng inpormasyon.
Ngayon nga ay nakatakda na silang magkitang magkapatid. Ang
hindi niya alam ay kung kayang tanggapin nito na hindi na niya makikita pa ang
ama kahit kailan.
-----o0o-----
3:30 pa lang ay nasa tagpuan na si Lance. Sinadya niyang
mag-paaga dahil sa gusto niya munang makasiguro na hindi scam ang nagpakilalang
detective.
Samantala ay hindi rin nakaalis ng maaga si Melvin dahil hindi
siya pinayagan na makapag-undertime ng hanggang 3PM lang. Pinayagan siya na
makaalis ng 4. Nagmamadali siya sa paglalakad, mabuti na lang at sa malapit na
resto lang ang sinabing lugar ni Lance.
Alam naman ni Lance na male-late bahagya si Marvin, iyon ang
intindi niyang pangalan na ibinigay ni Melvin sa kanya. Sinabi naman niya kung
saan ang mesang inokupa niya kaya pagdating ni Melvin ay nakita na niyang may
nakaupo na sa lugar na nasabi, nakatalikod si Lance.
Paglapit ni Melvin ay kaagad na inextend ang kamay para
makipag-kamay sabay tawag ng pangalan.
“Lance!”
Nag-angat ng mukha si Lance na noo’y nagbabasa ng menu. Parehong
pinanlakihan ng mata ang dalawa at hindi nakapagsalita. Nanatiling nakataas ang
kamay ni Melvin.
“Marvin? Ikaw ang detektib?” ang nasabi lang ni Lance. Tatayo na
sina siya para umalis, pero pinigilan siya ni Melvin.
“Please… narito na tayo, mag-usap tayo at hindi Marvin, Melvin.
Okay lang kung hindi ka makipag-kamay, ang mahalaga ay mag-usap tayo.”
“May pag-uusapan pa ba tayo? Unang una ay nagsinungaling ka na,
dapat ko pa bang paniwalaan ang iba mo pang sasabihin?” may pagkainis na wika
ni Lance.
“Marami tayong dapat pag-usapan, liwanagin. At humihingi ako ng
paumanhin sa pagsisinungaling ko. May kutob kasi akong hindi ka makikipag-usap
kung magpapakilala ako kaagad. At hindi Marvin ang sinabi ko sa iyong pangalan
ko kundi Melvin, at iyon ang totoo kong pangalan.” wika naman ni Melvin.
May naalala si Lance nang itama ni Melvin ang pangalan niya na
hindi Marvin. May nabanggit na pangalan sa kanya si Diego noon na kahawig niya
raw at ang pangalan ay Melvin. Kung gayon ay kilala niya si Diego. Maaring si
Diego ang nagbigay sa kanya ng kanyang telepono at hindi ang kahera sa grocery.
“Upang sumbatan ako, na mang-aagaw ng asawa ang aking ina. Na
mapanira siya ng pamilya? Nagkakamali ka.”
“Huwag masyadong malakas ang pagsasalita mo. Wala akong
intensyon na manumbat. May place ka ba malapit dito? Gusto kong walang
makarinig ng paguusapan natin dahil alam kong hindi mo mapipigilan ang sarili
mo na magalit.”
“May condo akong malapit dito. May dala ka bang sasakyan?”
“Wala, nag-commute lang ako.”
“Tayo na kung gayon,”
Tinawag muna niya ang waiter at binayaran ang isang beer na
ininom at humingi ng dispensa dahil sa hindi na sila roon kakain. Hindi na lang
niya kinuha pa ang sukli.
-----o0o-----
Sa Condo
“Ngayon, ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin,”
wika ni Lance.
“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero simula ng may
magsabi sa akin na mayroon daw akong kahawig na kahawig na lalaki ay hindi na
ako mapalagay. Naghinala akong baka siya na ang matagal na naming hinahanap. Matagal
na naming hinahanap ang ina at anak ni Papa sa ibang babae, pero wala kaming
ideya kung paano.”
“Pwede ko bang malaman kung sinong nagsabi sa iyong may kamukha
ka?” Tanong ni Lance.
“Isang malapit na kaibigan. Diego ang pangalan niya. At alam
kong kilala mo siya. Siya rin ang nagbigay sa akin ng iyong number, pati na rin
ng address sa condong ito. Siguro ay alam mo na ang dahilan kung bakit niya
sinabi sa akin? Dahil sa gusto kitang makilala at makausap at nagpapatulong din
si Diego para makipagbati sa iyo. Mahal ka niya hanggang ngayon, pero hindi
tungkol sa inyo ang aking pakay kundi ang tungkol sa atin. Si Mona de Dios ba ang
iyong ina? Kung OO ang sagot mo ay magkapatid tayo.”
“Tama ka, Mona de Dios nga ang pangalan ng aking ina at ako
naman ay si Lance de Dios. At ang pangalan daw ng aking ama ay Melchor Sanchez.
Melchor Sanchez ba ang pangalan ng iyong ama?”
“Torres, hindi Sanchez.”
“Kung gayon ay wala na tayong dapat pang pag-usapan, hindi tayo
magkapatid.”
“Magpapa DNA tayo para sigurado.”
“Ano ba talaga ang pakay mo,” pasigaw na sabi ni Lance.
“Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi kayo pinabayaan ng aking
ama, ng ating ama. Pinahanap niya kayo, isang taon daw siyang hindi sumakay ng
barko para lang kayo mahanap, ngunit bigo siya. Nanawagan pa siya sa radyo at
TV at nagpa dyaryo pa pero walang nangyari. Nahinto lang ang paghahanap sa inyo
dahil sa kailangan niyang magtrabaho, naubos na ang ipon niya kaya sumakay uli
siya ng barko.”
“Nagtanong pa siya sa department store na pinagtrabahuhan niya
pero wala ring nasabi kung nasaan siya. Nag-resign na raw matagal na. Hindi
nagsawa sa paghahanap sa iyo si Papa, sa tuwinang bababa siya ng barko ay
naghahanap pa rin siya, nagbabaka-sakaling makasalubong ng hindi sinasadya.
Kumuha pa siya ng trust fund para sa anak niya na hindi naman alam ang tunay na
pangalan. Nakamatayan na niya ang paghahanap sa inyo at gumawa na lang siya ng
sulat na hindi naman namin alam kung anong nakalagay. Pero nagbilin siya ng
ihingi raw siya ng tawad sa kanyang anak at sa ina nito. Minahal kayo ni Papa.”
“Oo, nagalit ako sa inyo kahit hindi ko pa kayo kilala at kay
papa na rin dahil sa ginawa niyang kalokohan noon. Hindi ko siya kinausap at
feeling ko ay may kasalanan din ako sa kanyang pagkamatay. Naaksidente siya sa
barko na naging sanhi ng pagka-balda ng kanyang katawan. Mamatay na lang siya ay
ikaw pa rin ang kanyang inaalala. Nangako ako na hahanapin ko kayo basta
mabuhay lang siya. Pero mamatay din siya. Lahat ng sama ng aking loob sa kanya
ay aking nang iwinaglit. Kaya patawarin mo na si Papa, nakikiusap ako sa iyo.”
“Ano pang saysay ang pagkikita at pagkikilala natin kung wala na
rin lang ang aking ama. Ang tagal kong pinangarap na kahit man lang isang
pagkakataon na makita ko siya at mayakap. Wala na pala akong aasahan. Ang laki
ng aking pag-asa na makikita ko siya, pero huli na pala,” maluha-luhang wika ni
Lance.
Yayakapin sana siya ni Melvin, pero tinabig niya ang kamay nito.
“Pwede ka nang umalis, tapos na ang usapang ito. Umalis ka na!!!” sigaw ni
Lance.
Hindi na nagpumilit pa si Melvin. Umalis na lang siya. Naunawaan
naman niya ang damdamin nito. Kakausapin na lang niya ito sa ibang pagkakataon.
-----o0o-----
Lumipas ang maraming araw, lingo, hanggang sa maging buwan na ay
hindi na nagkita at nagkausap pa ang magkapatid. Hindi sinasagot ni Lance ang
tawag ni Melvin. Sa office ay palaging wala ang sagot ng mga kawani roon. Nang
minsan sadyain niya si Lance sa office nito ay hindi siya pinapasok ng gwardya.
Maging sa condo ay banned na rin si Melvin.
Wala pang sinasabi si Melvin kay Andrew tungkol kay Lance.
Walang kaalam alam si Andrew sa pinoproblema ng kanyang partner. Gusto muna
niyang maayos bago niya ipagtapat ang lahat ng lihim ng kanyang pamilya.
Si Lance naman ay palaging umiinom, walang araw na hindi siya
nakainom. Hindi niya sinabi sa ina ang nangyari dahil sa alam niyang malulungkot
lang ang ina. Batid niyang minahal talaga ng kanyang ina ang kanyang ama.
Naisipan niyang tawagan si Andrew.
“Andrew, puntahan mo naman ako sa aking condo, gusto ko lang ng
kausap pleaseeee.”
“May problema ka ba Lance. Busy pa kasi ako dito sa opisina,”
sagot ni Andrew.
“Gusto ko nang mamatay,” tugon ni Lance sabay putol ng linya.
Kinabahan si Andrew. Alam niyang lasing si Lance base sa
pagsasalita. Pinuntahan niya si Diego sa mesa nito. “Diego, aalis muna ako,
kapag hinanap ako ni Boss ay pakisabi na lang na may sinaglit lang sa ibaba na
kaibigan.”
Mag-uusisa pa sana si Diego subalit nakaalis na kaagad si
Andrew.
-----o0o-----
Itinuring na rin namang kaibigan ni Andrew si Lance bukod pa sa
kung anong damdamin siya mayroon sa binata na pilit naman niyang iwinawaksi.
Kaya sa tawag na iyon ng binata na inakalang may malaking problema na maaring
makagawa ng hindi tama ay kaagad na siyang sumugod sa tinitirhan nitong condo.
“Lance! Lance.” magkahalong sigaw at katok sa pintuan ng unit
nito subalit walang sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang seradura, swerteng
naiwan sigurong hindi naka-lock. Kaagad na pumasok si Andrew at nakitang
nakahandusay sa sahig ang binata. Kinakabahan niyang nilapitan ito. Malaking
pasasalamat niya nang masigurong nakataulog lang ito sa kalasingan. Kanya itong
binuhat at ihiniga sa kama.
Kumuha siya ng isang bowl at isinahod sa shower na may heater at
siya niyang ginamit para puunasan ang binata. Mahimbing ang tulog nito kaya
naghintay pa siya na kusang magising si Lance para alamin kung ano ang
probleman nito.
Makaraan ang may isang oras ay nagmulat ng mata si Lance at ang
una niyang nakita ay si Andrew na nakaupo sa isang silya sa gilid ng kama.
“Andrew! Maraming salamat at pinuntahan mo ako dito. Hindi ko na
alam ang gagawin ko, tulungan mo ako,” ma dramang bungad na wika ni Lance kay
Andrew.
“Huminahon ka Lance. Pwede ko bang malaman kung ano ang iyong
problema?”
“May tumawag sa aking isa raw private detektib at ipinahahanap
daw ako ng aking ama………” Buong buong isinalaysay ni Lance ang napagusapan.
“Bakit pa nila ako hinanap kung sasabihin lang nilang wala na ang aking ama.
Ano pa ang saysay noon. Lalo lang akong namuhi sa kanilang pamilya,” tumutulo
ang luhang wika ni Lance.
“Hindi ba dapat ay unawain mo sila? Ayon sa kwento sa iyo ng
sinasabi mong nagpakilalang kapatid mo ay hinanap kang matagal ng iyong ama.
Ano naman ang kasalanan sa iyo ng kapatid mo na halos kasing edad mo lang?
“Para mas maunawaan ko ay gusto ko ring malaman ang kwento sa
side ng iyong ina. Baka naman alam mo, ikwento mo sa akin.”
“……… Inuwi raw ako sa aking Lolo at Lola sa Antipolo para siyang
mag-alaga sa akin habang nagtatrabaho siya sa Maynila. Sa aking lolo at lola
ako lumaki at nagkaisip. Sabi ni Nanay ay wala ni anino ng aking ama o kahit
sino pa raw ang naghanap sa kanya, sa aming mag-ina. Kasalanan ba ni Nanay na
magmahal gayong hindi naman niya alam na may asawa na pala ang manloloko kong
ama? Yan ang totoo.”
“Ano man ang nangyari, ano man ang nakaraan ay pareho lang naman
may kasalanan ang hindi mo nakilalang ama, ang asawa nito at maging ang iyong
ina. Hindi ba dapat ay kalimutan mo na ang nakaraan? Hinanap ka nila, walang
duda at natagpuan, hindi ba sapat iyon para malaman mong nagsisi na sila. Hindi
ka nila inabandona, malay mo na sadya kang itinago para ilayo ka na lang sa
eskandalo. Siguro iyon ang tunay na dahilan ng iyong ina.”
Hindi na nangatwiran pa si Lance. May punto rin naman kasi ang
sinabi ni Andrew.
“Sandali, kamukha mo nga ba ang nagpakilalang kapatid mo? Anong
pangalan niyang sinabi sa iyo?” curious na tanong ni Andrew. Nag-aalala siyang
baka si Melvin ang sinaabing lalaki dahil napakalaki ng hawing nila at tubong
bisaya ito.”
“Melvin, Melvin Torres.”
Itutuloy………..
Patay Kang bata ka Andrew. Pag nag ka bistuhan na. At ahasin ni lance Si Andrew tiyak babalik Ang pagkamuhi Melvin. At isusumpa na nito Sila. Patay ka. Buti nga sa Malibog na tao.
TumugonBurahin