Linggo, Nobyembre 20, 2022

BAYAW (Part 9) By: Unknown (From: Kwentong M2M)

 


BAYAW (Part 9)

By: Unknown

From: Kwentong M2M

 

Napulot ko lang po ito sa isang Blog “Kwentong M2M”. Matagal ko na po itong nabasa at baka may iba pang hindi nakakabasa kaya naisipan kong i-post dito kahit na wala po akong nakuhang authorization. Wala po naman kasing nakalagas na Author kaya, kung sino man ang original na sumulat ng kwentong ito ay humihingi ako ng paumanhin dahil sa pag-publish ko sa Blog na ito na wala ang iyong pahintulot.

Nabasa ko rin ang Ninong Story at palagay ko ay Sequel ito ng kwentong ito.

Maring salamat

-----o0o-----

(Part 9)

Pagdating namin sa hospital ay ipinasok agad ang aking misis sa emergency room.  Buti naman at naroon ang Doctor na nangangasiwa ng check-up ng aking misis magmula ng siya ay mabuntis.  Agad niyang tiningnan ang lagay ng aking missis.  Laking gulat ko ng biglang dalhin ang aking misis sa operating room.  Kailangan na daw siyang maoperahan kaagad para mailigtas ang bata.  Para akong binuhusan ng napakalamig ng tubig ng marinig ko iyon mula sa bibig ng doctor ng aking misis.  Hindi ko na siya inusisa kung bakit dahil nagmamadali din siyang sumunod sa operating room.  Mahigit isang oras din ang lumipas bago ako nabalikan ng doctor na iyon.

“I’m sorry.  We tried our best na mailigtas silang dalawa. Pero hindi na nakayanan ng katawan ng misis mo ang hirap sa panganganak.  Wala na ang misis mo.  But she gave you a healthy baby boy.  I’m really sorry,” ang bungad sa akin ng doctor nang kausapin niya ako.

“What happened doc?  Hindi kita maintindihan,” ang pag-uusisa ko sa doctor.

“From the start ng pagbubuntis ng asawa mo ay alam na niya na nasa peligro ang kalagayan niya.  Noon ko pa siya sinabihan na delikado sa kanya ang mabuntis at lalo na sa panganganak.  Pero sumugal siya.  Nais niya na magkaroon ng isang buong pamilya.  Gusto niya na magkaroon kayo ng anak,” ang panimula ng doctor.

“Pero bakit hindi niya ito sinabi sa akin na delikado pala sa kanya ang manganak.  Hindi ko maintindihan Doc,” ang pagsabat ko naman.

Marahil ay nakinikinita niya na hindi mo papayagan ang kanyang pagbubuntis kung malalaman mo ang tunay niyang kalagayan. Nakiusap siya sa akin na ilihim ang lahat ng ito sa iyo.  Kaya nga sa gabi, matapos ang kanyang opisina siya nagpapa-check-up sa akin,” ang wika ng doctor.

“Pero sinasamahan ko rin siya sa regular monthly check-up niya dito,” ang nasabi ko naman.

“Yes, tama ka.  Sinadya namin talaga iyon.  Regular check-up lang naman ang ginagawa namin ng misis mo.  Para lumabas sa iyong akala na normal lang ang pagbubuntis ng iyong asawa.  Pero ang totoong check-up ko sa kanya ay sa gabi namin isinasagawa na hindi ka kasama,” ang paliwanag ng doctor.

“Bakit ganoon doc?  Asawa naman niya ako.  Bakit niya inilihim ang kalagayan niya sa akin?” ang mga tanong ko sa doctor.

“Well, hindi natin pwedeng husgahan ang naging desisyon ng asawa mo.  Alam ko na mahal na mahal ka niya kaya nais ka niyang bigyan ng anak.  Ginawa naman niyang lahat ang aking mga payo para makayanan niya ang panganganak.  Subalit talaga sigurong ganito ang tadhanang naghihintay sa kanya.  Anyway, she left you with a son.  Mahalin mo at palakihin mo ang naiwan niyang alaala sa iyo,” ang nasabi pa ng doctor.

Marami pang katanungan ang gumugulo sa aking isipan na nais kong itanong.  Pero alam ko naman na hindi lahat iyon masasagot ng doctor ni misis. Hinayaan ko na lamang siyang iwan ako.  Tanging si Raul ang nakasaksi ng aking pagluha, sa pighating aking nadarama ng mga sandaling iyon. Marahil ay naguguluhan din si Raul sa mga pangyayari. Pati siya ay hindi na rin malaman kung paano niya ako patatahanin.

Matapos naming mailibing ang aking misis ay agad na rin bumalik ang mga kamag-anak ni Misis sa Davao.  Hindi na nakarating si Kuya Randy dahil kasalukuyang nasa laot sila at matatagalan pa ang libing kung pahihintay pa siya.  Tanging si Raul ang naiwan sa bahay kasama ang yaya ng aking anak.  Masakit ang mawalan ng isang asawa at laging nananariwa sa aking isipan ang sakit na iyon sa tuwing makikita ko ang aking anak.  Walang kasalanan ang aking anak.  Subalit pilit akong umiiwas sa pangangalaga sa kanya upang hindi ko muling madama ang kalungkutan ng pagkawala ng aking asawa.  Si Raul ang nagmistulang ama ng aking anak.  Kinalaunan ay napuna niya ang aking pag-iwas sa pag-aalaga sa aking anak,

“Miss ka na nang anak mo.  Say hello to daddy.  Hello daddy!” ang bungad ni Raul ng ako ay dumating mula sa opisina.  Buhat buhat niya noon ang aking anak.

Para akong walang narinig.  Dali dali na lamang akong pumasok sa aking silid.  Sumunod pala sa akin si Raul matapos ihabilin sa yaya ang aking anak.

“Ano ka ba kuya? Pagtuunan mo naman ng panahon ang iyong anak.  Sige, kahit pansinin mo man lamang.  Baka magka-isip na ang iyong anak at maging malayo ang loob sa iyo,” ang sumbat ni Raul sa akin.

“Sorry.  Wala lang ako sa mood. Pagod lang ako,” ang palusot ko sa kanya.

“Hindi na tama ang inaasal mo.  Wala naman kasalanan ang anak mo sa pagkawala ni Ate. Huwag mo siyang idamay.  Kailangan nya ang isang tatay.  Kailangan ka niya,” wika pa niya.

“Hindi ko naman tinatalikuran ang responsibilidad ko sa kanya bilang isang tatay,” ang nasabi ko na lamang.

“Anong hindi? Magdadalawang buwan na ang iyong anak.  Hindi ko pa nakitang kinalong mo siya,” ang nasabi naman ni Raul.

“Hindi ako marunong magkalong at mag-alaga ng bata.  Baka masaktan ko pa siya sa pagbuhat ko sa kanya,” ang nasabi ko naman.

“Hindi marunong? O talagang ayaw mo,” ang sumbat muli ni Raul sa akin.

“Pwede ba bayaw.  Sa ibang araw na lang natin pag-usapan yan. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga,” ang pakiusap ko kay Raul.

“Diyan ka naman magaling.  Sa pag-iwas sa mga bagay-bagay na dapat hinaharap mo agad,” ang panunumbat na naman ni Raul.

Hindi na ako muli pang nagsalita.  Nagpatuloy na lamang ako sa aking pagbibihis.  Mukhang nainis sa aking inasal si Raul at agad din siyang lumabas ng aking silid.  Dahil sa nangyaring usapan naming ganoon ni Raul ay hindi na ako lumabas muna ng aking silid.  Nahiga na lamang ako sa aking kama at nagmuni-muni.  Tama si Raul.  Wala na ang aking misis.  Pero ang dahilan ng kanyang pagkawala ay ang pagbibigay niya sa akin ng isang anak. Isang anak na dapat kalingain at mahalin.

Walang kamuwang-muwang ang aking anak sa nangyari sa kanyang ina.  Hindi dapat ganito ang turing ko sa kanya.  Matapos akong makapag-isip-isip ay bumangon ako at tinungo ang silid ni Raul na kung saan natutulog ang aking anak.  Tulog na si Raul at gayon din ang aking anak sa kanyang crib.  Binuhat ko ang aking anak at dinala sa aking silid.  Ihiniga ko siya sa aking kama at kahit tulog na ay pinaghele ko pa rin siya habang pinagmamasdan ko ng mabuti.

Noon ko lamang napansin na kamukhang kamukha ko ang aking anak.  Ang lungkot na dati kong nadarama ay napalitan ng tuwa dahil parang nakikita ko ang aking sarili sa aking anak. Tiyak na paglaki niya ay kamukhang kamukha ko siya.

“Kuya!  Kuya nawawala si Baby,” ang paulit-ulit na sinasabi ni Raul habang kumakatok sa pinto ng aking silid.

Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto.

“Ssssssshhhhhh… baka magising si Baby,” ang bungad ko sa kanya.

“Nandito pala siya,” ang tanging nasabi ni Raul na tuwang tuwa sa mga sandaling iyon.

“Salamat bayaw sa pag-aaruga mo kay Baby,” ang pagpapasalamat ko kay Raul.

“Wala iyon kuya.  Eh pamangkin ko naman yan,” ang nasabi ni Raul.  “Sandali lang.  Kukunin ko ang crib niya at gatas ng dito na muna siya magpalipas ng gabi,” ang dugtong pa ni Raul.

Doon na nga natulog sa aking silid ang aking anak.  Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon.  Panay kasi ang tingin ko sa aking anak kahit hindi naman siya umiiyak.  Kinabukasan ay nagpasya na rin ako na huwag munang pumasok sa opisina.  Minabuti ko na lamang alagaan ang aking anak.  Si Raul naman ay maaga ding pumasok at hindi rin kami gaanong nakapag-usap.  Gabing gabi na ng makauwi si Raul na kasama si Ron.

“Kuya, si Ron.  ‘Di ba kilala mo na siya?” ang bungad sa akin ni Raul.

“Oo naman,” ang aking tugon.

“Pwede bang dito na muna siya magpalipas ng gabi?” ang paalam ni Raul sa akin.

“Walang problema sa akin.  Mukha yatang nakainom kayong dalawa,” ang pagpayag ko naman.

Pumasok sila sa silid ni Raul.  Ako naman ay binalikan ko sa aking silid ang natutulog kong anak.  Ilang minuto lang ang nakaraan ay nakarinig ako ng mga katok sa pintuan ng aking silid.  Pagbukas ko ng pinto ay pumasok si Raul at si Ron na parehong naka-boxer shorts lamang.

“Heto pala ang pamangkin ko Ron,” ipinakilala ni Raul ang kanyang pamangkin kay Ron at binuhat niya iyon mula sa kanyang crib.

“Baka magising si Baby,” ang tangi kong nasabi

“Don’t worry kuya.  Expert ako sa pag-aalaga ng baby,” ang nasabi naman ni Raul.

“Magandang lalaki rin ito ah, tulad ng tatay at tito,” ang nasabi naman ni Ron.

“Pahiram muna sa baby ah. Mag-usap muna kayo ni Ron,” ang biglang nasabi ni Raul sabay labas sa aking silid.  Tila nahuhulaan ko na ang nais mangyari ni Raul.

“Kumusta naman ang benta ninyo ni Raul?” ang tanong ko kay Ron.

“Okay naman,” ang maikling tugon ni Ron.

Biglang napansin ni Ron ang pinanonood kong dvd movie.

“Wala ka bang x-rated na movie?  Medyo matagal na ng huli akong makapanood.  Medyo taglibog ngayon eh,” ang nasabi ni Ron na akin namang ipinagtaka.

Tama nga ang kutob ko. May nais ngang mangyari ni Raul sa pagitan namin ni Ron.

“Tignan mo doon sa shelves kung ano ang gusto mong panoorin,” ang tugon ko naman.

Hindi ko na inalintana na nandoon na rin ang mga m2m collection ko na nailabas ko lamang muli ng pumanaw na ang aking asawa.

“Uy!  Mukhang kakaiba ito ah.  Maganda ba ito?” ang tanong niya sa akin habang tangan tangan ang isang m2m dvd.

“Bakit?  Hindi ka pa ba nakapanood ng ganyang movie?” ang tanong ko sa kanya.

“Syempre, hindi pa.  Parang magandang panoorin ito.  Nakakalibog din kaya ito?” ang sagot at tanong na rin niya sa akin.

“Mas nakakalibog yung live,” ang biro ko sa kanya.

Natawa lang siya sa aking nasabi. Ewan ko pero parang bigla akong sinumpong ng kalibugan ng mga sandaling iyon.

“Gusto mo subukan natin?” ang tanong ko sa kanya ng lapitan ko siya.

Agad kong kinapa ang kanyang harapan.  Hindi naman siya umiwas.  Kaya naman nagpatuloy lamang ako sa paghimas ng kanyang harapan.

“Huwag na nating panoorin yan.  Tayo na lamang ang gumawa ng aktwal,” ang aking wika.

Hindi pa rin makapagsalita si Ron.  Para bang naghihintay na lamang ng susunod ko pang gagawin.  Bigla kong kinabig ang kanyang batok upang mailapat ko ang aking mga labi sa kanyang mga labi.  Sinimulan kong halikan siya sa labi. Halos wala pa rin siyang reaksyon sa aking ginagawang paghalik sa kanya.  Tila ba ayaw niyang makipaghalikan sa skin sa simula.  Hindi naman ako natinag at sa wakas ay nagpaubaya din siya sa akin.  Malaya ko na tuloy nagalugad ng aking dila ang kanyang dila.  Kahit amoy beer pa rin ang kanyang hininga ay masarap pa rin siyang halikan.

Nang maramdaman kong titinigasan na si Ron ay sandali akong tumigil sa paghalik sa kanyang mga labi.  Sinenyasan ko siyang mahiga sa aking kama.  Tapos ay pumatong ako sa kanya at sinimulan ko muli siyang halikan sa kanyang mga labi na bumaba sa kanyang dibdib.  Pinagtuunan ko ng pansin ang dalawa niyang utong doon na nagbigay ng labis na kiliti kay Ron.

Halos dumede ako roon na para bang sanggol.  Katamtaman lang ang laki ng kanyang dibdib.  Sa tingin ko ay bunga lamang iyon ng pagiging aktibo sa sports at hindi ng pagpunta sa gym. Ako din ay bahagyang nakikiliti sa manipis na balahibo sa gitna ng kanyang dibdib na mas lalong kumakapal papunta sa kanyang pusod at marahil mas makapal sa parteng natatakpan pa ng kanyang suot na boxers.

Pababa ng pababa ang aking paghalik hanggang sa sumapit ako sa garter ng kanyang boxers.  Bahagya akong tumigil upang pagmasdan ang kanina pa bumubukol na harapan ni Ron.  Muli ay tinignan ko si Ron sa kanyang mga mata.  Bakas doon ang sarap at libog na kanyang nadarama.  Para bang nagsasabi na ‘sige na, ituloy mo lang at nabibitin ako’. 

Hinawakan ko ang garter ng kanyang boxers at sinimulang ibinaba.  Bahagya namang itinaas ni Ron ang kanyang pwet upang tuluyan ko ng maibaba ang kanyang boxers..  Nang mahubo ko na iyon ay wala na akong inaksaya pang panahon.  Isinubo ko na ang kabuuan ng kanyang naghuhumindig na alaga.  ‘Di ito kalakihan kahit tigas na tigas pa.  Tama lamang ang laki nito.  Normal size sa mga pinoy.  Kaya naman nakayanan kong isubo hanggang sa pinaka puno nito.  Noon ko unang narinig ang pag-ungol ni Ron tanda ng labis na sarap.

Hindi ko alam kung first time ni Ron na ma-blowjob.  Dama ko rin kasi na para bang kinukuryente siya sa tuwing maisusubo ko ang kabuuan ng kanyang alaga.  Naririyan pa ang mahina hanggang sa malakas niyang pag-ungol.  Mas lalo yatang nasarapan si Ron ng ang mga bola niya ang pinaglaruan ko ng aking bibig.  Halos hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga.  Kaya naman mas lalo ko pang ginalingan ang pagsubo ko sa kanyang alaga at bayag.  Hindi nagtagal ay bumulwak ang pagkarami-raming katas mula roon.  Habang nilalabasan si Ron ay ilan pang malalakas na ungol ang namutawi mula sa kanyang bibig.

“Aaaaaaahhhhhhhhhhh..” ang paulit-ulit niyang binibigkas habang siya ay nilalabasan.

Habang tinutulungan kong salsalin si Ron, ay sinasalsal ko rin ang aking alaga.  Makalipas lamang ang ilang minuto matapos labasan si Ron ay ako naman ang nagpakawala ng katas ko.  Nangamoy xonrox tuloy ang aking silid sa dami ng nailabas naming dalawa ni Ron.  Kapwa kami napagod ni Ron sa aming ginawa.  Kaya naman nahiga muna kami sa kama na magkatabi habang pinupunasan namin ang aming katawan.

“Pasensya na Ron kung hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa ko ito sa iyo,” ang paghingi ko ng paumanhin kay Ron.

“You have nothing to worry.  Actually, this is what Ron wanted to happen between us and I agreed to his plan,” ang nasabi ni Ron na hindi ko na ikinagulat dahil sa ikinilos ni Raul kanina ay iyon ang naisip kong balak nila.

“How come?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Napadaan kami sa isang bar dahil nga malaki ang na close naming sales today.  Ilan buwan na rin kaming magkasama ni Raul at talagang naging close na kami.  Sa bar na iyon ay napansin ko ang pagtitig niya sa isang gwaping na customer.  Kaya naman biniro ko siya na nababading siya sa customer na iyon.  He honestly admitted to me na nagkakagusto siya sa kapwa niya.  Dun nagsimula na ang mga kwento  niya tungkol sa unang experience niya,” ang kwento ni Ron.

“Hindi ka nag-alala na sa tagal mo nang kasama si Raul ay napagsamantalahan ka na niya ng hindi mo alam?” ang tanong ko sa kanya.

“Wala akong naalalang pagkakataon na nagsamantala sa akin si Raul.  Kahit nga minsang nagsabay kaming naligo sa isang hotel ng nagpunta kami sa isang client sa Pampanga.  Normal lang naman ang ikinilos niya.  Kaya nga mas lalo ko siyang nirespeto ng malaman ko na ganoon siya.  Hindi siya nag-take advantage sa pagiging magkaibigan namin.  Nang malaman ko nga kanina na ganyan siya ay I dared him to do it to me.  Kasi gusto kong maranasan din ang ma BJ ng isang lalaki,” ang patuloy na kwento ni Ron.

“So, anong reaction niya?” ang tanong ko naman.

“Hindi daw niya ako type kaya hindi siya nalilibugan sa akin,” ang sagot ni Ron sabay tawa.

“Pasensya ka na at hindi marunong mamili ng materyales fuertes ang aking bayaw.  Ikaw pa ang hindi niya type!”  ang biro ko naman kay Ron.

“Then, he told me about you,” ang nasabi ni Ron.

“Ano naman ang naikwento ni Raul tungkol sa akin?” ang tanong ko sa kanya.

“Madami siyang nabanggit sa akin na pawang magagandang bagay tungkol sa iyo. I’m very much sure na he’s madly in love with you.  He admitted to me that although naa-attract siya sa ibang lalaki katulad ko, ni minsan ay hindi pa siya nakipag-sex sa iba.  Sa isang tao pa lang niya nagawa iyon. Sa taong mahal niya.  At ikaw iyon,” ang pagtatapat sa akin ni Ron.

“Pero hindi na ba niya inisip na mali iyon?  Mag-bayaw kami.  Kapatid niya ang asawa ko. Mali eh,” ang nasabi ko na lamang.

“Maaring mali, maaring hindi magandang tignan dahil nga mag-bayaw kayo.  Pero sa tingin ko, walang mali sa isang pagmamahalan.  Sa akin, ang nakikita ko lang mali sa pagmamahalan ay kung may masasaktan na kayong ibang tao.  Meron ba?” ang patuloy pa ni Ron.  “Well, pag-isipan mo,” ang dugtong pa niya.

Hindi na ako muli pang nakapagsalita.  Napapag-isip tuloy ako sa mga nasabi ni Ron.  Napansin yata ni Ron na seryoso na ako at malalim ang aking iniisip kaya naman bigla siyang nagbiro.

“Ang sarap ng ginawa mo sa akin ah.  Pwede pa ba nating ulitin?” ang biro niya sabay tawa.

“Ikaw talaga.  Ang libog mo pala.  Mukhang hindi ka nakaka-score sa syota mo,” ang biro ko naman sa kanya.

“First time ko ito eh. Masisisi mo ba ako na magustuhan ko ang ginawa mo sa akin? Eh ang galing galing mo.  Kaya siguro na in-love si Raul sa iyo,” ang biro muli ni Ron.

“Magaling pala hah!” ang nasabi ko bago ko muling susuhin ang alaga ni Ron na malambot na ng mga sandaling iyon.

Hindi naman ako pinigilan ni Ron sa aking ginagawang muli sa kanyang alaga.  Iyon naman ang simula ng ikalawang pagpapaligaya ko kay Ron.  Matapos ang mainit na tagpong iyon ay nakatulog kaming parehong hubo’t hubad ni Ron sa aking silid.

 

May Karugtong pa……….

 

(Part 10) The Ending

 “Gising na. Gising na. Tanghali na,” ang mga katagang gumising sa amin mula kay Raul.

Nabigla kaming dalawa ni Ron dahil pareho kaming wala pa rin saplot. Tanging kumot ang bumabalot sa ibabang parte ng aming katawan ni Ron.

“Grabe yata ang ginawa nyo kagabi. Nakailang putok ba kayo?” ang pang-aasar ni Raul sa aming dalawa ni Ron.

Bakas sa mukha ni Ron ang pagkapahiya sa nadatnan ni Raul na ayos naming dalawa. Obvious na obvious na nagtalik kaming dalawa bago kami nakatulog.

“Salamat bayaw ah,” ang ibinulong ko kay Raul ng ako ay bumangon.

Tumango lamang si Raul.

“O ikaw. Hindi ka pa ba babangon? Nahihiya ka ba sa ayos mong yan? Na-devirginized ka na ni bayaw at ilang beses ko ng nakita yan. Wala ka ng maitatago sa akin,” ang biro ni Raul kay Ron.

Iniabot ko ang boxer shorts ni Ron. Bumangon siya at agad isinuot ito.

“Ang sweet nyo naman,” ang biro na naman ni Raul sa amin. “Bagay na bagay kayo,” ang dugtong pa niya.

Nakisakay naman ako sa biro ni Raul.

“Sweet ba kami? Bagay na bagay ba kami?” ang biro ko naman habang nakayapos ako kay Ron.

Habang nakayakap ako sa kanya ay muli ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi sa harap mismo ni Raul. Mukhang nakisakay din sa Ron dahil hindi siya tumanggi sa aking paghalik sa kanya.

“Tara na at baka langgamin kayong dalawa. Gutom lang yan. Tara na at ng makapag-almusal na kayo,” ang alok sa amin ni Raul.

Kahit nakukuhang magbiro ni Raul ng ganoon ay nararamdaman ko na medyo nagseselos siya sa kanyang kasamahang si Ron. Aminado naman si Raul sa nararamdaman niya sa akin. Subalit simula ng mamatay ang aking misis ay nakaramdam ako ng pagiging guilty at itinanim ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako makikipagtalik sa mga kapatid ng aking misis.

Lumipas pa ang mga araw at palaki na ng palaki ang aking anak. Si Raul ay ganoon pa rin ang pag-aaruga sa kanyang pamangkin at syempre damay na rin ako sa pag-aaruga niyang iyon. Si Ron naman ay napalapit na rin sa akin sa madalas niyang pagdalaw sa bahay na kung minsan ay nauuwi sa aming pagtatalik. Marahil ay iyon na rin ang mas gusto ni Raul para sa akin ang makagaanan ng loob si Ron na pumupuno sa sexual kong pangangailangan na hindi ko na naulit gawin kay Raul simula ng mawala ang aking misis.

Alam naman ni Raul na sa tuwing magpapalipas ng gabi sa aming bahay si Raul ay tiyak na may nangyayari sa amin. Pero kahit minsan ay hindi niya ipinakita sa akin ang labis niyang pagseselos kay Ron. Marahil ay nahalata iyon ni Ron dahil nga lagi silang magkasama. Isang araw ay lihim na gumawa ng paraan si Ron upang makapag-usap kami na hindi alam ni Raul. Nag-sick-leave si Ron at ako naman ay nagpaalam sa opisina upang mag-half day lang ng araw na iyon. Sa isang restaurant kami nagkita ni Ron.

“Pare, wala ka bang napupuna sa mga kinikilos ni Raul lately?” ang tanong ni Ron sa akin.

“Wala naman. Mukhang maayos naman ang benta ninyo,” ang tugon ko naman.

“Hindi doon. Ang tungkol sa inyong dalawa,” ang nasabi naman ni Ron.

“Eh anong tungkol sa aming dalawa?” ang tanong ko naman.

“Talagang mahal ka ng bayaw mo. Alam ko nasasaktan na siya sa ating ginagawa. Kahit na siya mismo ang nakiusap sa akin na ipagpatuloy ko lamang ang paminsan-minsang pakikipagtalik ko sa iyo,” ang nasabi pa ni Ron.

“Okey naman pala sa kanya ang ginagawa natin eh. Anong problema doon?” ang tanong ko na naman.

“Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman na nasaksaktan siya. Ewan ko pare. Pero yun ang pakiramdam ko ngayon,” ang dugtong pa ni Ron.

“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko na naman.

“Hindi ka mahirap mahalin. Mabait ka kasi. Shit. I’m also falling in love with you pare. Ayaw ko ng ganitong feelings. Natutuhan na kitang mahalin. Pero alam ko rin na mas mahal ka pa rin ni Raul. Unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit na nararamdaman din ni Raul. Yung bang hindi ka naman minamahal ng taong minamahal mo. Oo nga nagtatalik tayo. Pero hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo,” ang nasabi ni Ron na labis kong ikinagulat.

“Ayaw ko ng magmahal. Lahat ng minamahal ko ay nawawala sa akin. Masisisi nyo ba ako?” ang nasabi ko kay Ron.

“Ganun na lang ba iyon. Pilit mong susupilin ang ano mang nararamdaman mo sa isang tao?” ang sumbat sa akin ni Ron.

“Akala nyo ba kayo lang ang nahihirapan. Masakit din ito para sa akin. Pero kaya ko ang sakit na ito. Pero yung mawawala muli ang taong pinakamamahal ko ay hindi ko na makakayanan. Lumaki ako sa mga bawal na gawain. Kaya siguro ito ang parusa sa akin na dapat kong pasanin habang buhay,” ang naisabi ko naman.

“Marami pa kayong hindi alam sa aking mga pinagdaanan. Tama ka nga. Manhid na ako. Naging manhid ako dahil sa mga naranasan kong sakit. Baka kung may darating pang matinding sakit sa aking buhay ay hindi ko na makakayanan,” ang dugtong ko pa.

Hindi agad nakaimik si Ron dahil sa mga nasabi ko. Halos maluha ako ng sabihin ko ang mga iyon. Napigilan ko pa rin ang aking pagluha dahil alam kong nasa public place kami. Halos hindi rin namin nakain ang inorder naming food. Matagal din kaming nanahimik. Si Ron ang unang pumukaw ng katahimikan naming iyon.

“I’m sorry sa mga nasabi ko sa iyo. I am really sorry,” ang nasabi na lamang ni Ron.

“It’s ok. Tama ka rin naman at nasabi mo iyon sa akin,” ang tanging nasabi ko din.

“But I still believe that you deserve another chance to love again. We all need love. To love and to be loved. Am I making sense to you? Pasensya ka na. Magulo din ang iisipan ko tungkol sa love na iyan,” ang dugtong pa ni Ron.

“I know. I just don’t have the courage right now,” ang nasabi ko naman.

“It’s kinda silly. A straight guy falling in love with you. Don’t know nga kung straight pa ako. Maybe not anymore kasi nga nahulog na ang loob ko sa iyo. Pero I don’t think it’s too late to fight this feeling. But for Raul, it’s getting deeper and deeper. Ikaw ang mundo ni Raul. Lahat siguro ay gagawin nya para mapaligaya ka. Hindi mo ba nararamdaman yun?” ang patuloy pa ni Ron.

“I’m sorry. I never thought that it would go this far. Akala ko laro-laro lang ang ginagawa natin. Napapaligaya kita. Napapaligaya mo rin ako. Minsan nararamdaman ko na nasasaktan si Raul. Pero baka mali ako. Siya kasi ang nagtulak sa iyo upang pumatol sa akin,” ang nasabi ko naman.

“Tama ka. Siya nga ang pasimuno sa mga nangyari sa atin. Nagawa nya yun para mapaligaya ka. Dahil mahal na mahal ka niya. I don’t know what kind of love is that. Hindi ko kaya yun. That’s a big sacrifice. So I think it’s time for you to think about it. Kahit alam mo na ang feelings ko sa iyo, I believe you deserve Raul,” ang dugtong pa ni Ron.

Muli kaming nanahimik na dalawa. Di nagtagal ay tinawag na namin ang waiter upang bayaran ang aming inorder. Umuwi akong dala-dala pa rin ang mga nasabi sa akin ni Ron. Malaki na ang sakripisyo sa akin ni Raul pero hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Manhid nga ako. Nagbubulag-bulagan. Nagsisinungaling sa sarili ko. Noon pa man ay nagkaroon na ng puwang sa puso ko si Raul. Pero pilit kong sinusupil ang damdamin kong ito. Siguro nga panahon na upang harapin ang tunay kong damdamin na wala ng takot kung ano man ang mangyari sa hinaharap. Kaya naman isang gabi ng tulog na ang aking anak ay pinuntahan ko si Raul sa kanyang silid.

“Gising ka pa ba?” ang tanong ko kay Raul habang kumakatok sa pinto.

“Oo kuya. Nagbabasa lang ako ng pocketbook. Pasok ka,” ang tugon ni Raul habang binubuksan niya ang pintuan.

Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan.

“Kumusta ka na Raul?” ang tanong ko sa kanya.

“Akala ko naman kung ano ang itatanong mo kuya. Syempre okey lang ako. Maayos pa rin akong bumenta,” ang tugon naman ni Raul.

“Salamat pala sa pag-aaruga mo sa aking anak?” ang pagpapasalamat ko sa kanya.

“Kuya naman. Syempre pamangkin ko iyon. Responsibilidad ko rin na alagaan siya,” ang nasabi naman ni Raul.

“Salamat din sa pag-aaruga mo sa akin,” ang pagpapasalamat kong muli sa kanya.

“Ang corny mo naman kuya. Ano bang nakain mo? Alam ko na. Hindi kasi ako ang nagluto ng hapunan natin kaya siguro ganyan ka ngayon. Sobrang seryoso mo yata,” ang nasabi pa ni Raul.

“Patawarin mo ako kung nagbulag-bulagan ako. Naging manhid,” ang seryoso kong nasabi sa kanya.

“Ano bang sinasabi mo dyan kuya? Hindi kita maintindihan,” ang nasabi naman ni Raul.

“Sana noon ko pa inamin ito sa iyo ng hindi ka na nasaktan pa ng labis,” ang nasabi ko sa kanya.

“Kuya, lalo yatang hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” ang nasabi naman ni Raul.

“Isang tanong, isang sagot. Do you still love me?” ang tanong ko sa kanya.

“Kuya naman……” ang tanging nasabi sa akin ni Raul.

“Do you love me?” ang tanong ko muli.

Halos mamutla si Raul at hindi makasagot sa aking tanong. Natagalan pa bago siya sumagot.

“Gusto mong malaman ang totoo. Oo kuya, mahal na mahal kita. Noon pa mang una tayong nagkakilala minahal na kita. Alam mo naman yun kuya. Kaya lang naiintindihan kita kung bakit hindi mo tinatanggap ang pagmamahal ko sa iyo. Kung hindi mo ako kayang mahalin, okey na sa akin na ako na lamang ang magmamahal sa iyo. Huwag lang akong malayo sa piling mo. Nagtapat na sa akin si Ron. Pati sya nahulog na rin ang loob sa iyo. Bagay naman kayo at boto ako kay Ron. Mabait at syempre gwapo pa. Okey na okey sa akin kung magiging kayo ni Ron,” ang pag-amin sa akin ni Raul.

“Ssssssshhhhhhhhhhh…………. Huwag na natin guluhin ang buhay ni Ron. Nagkausap na rin kami. Ikaw ang mahal ko at pakamamahalin habang buhay,” ang nasabi ko kay Raul.

Hindi napigilan ni Raul ang pagluha dahil sa kanyang narinig. Pumatak din ang mga luha galing sa aking mga mata. Niyapos ko sa Raul at muli ko siyang sinabihan na ‘I love you, bayaw’.

 

- W A K A S -

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...