BAYAW (Part 10) The Ending
By: Unknown
From: Kwentong M2M
Napulot ko lang po ito sa isang Blog “Kwentong
M2M”. Matagal ko na po itong nabasa at baka may iba pang hindi nakakabasa kaya
naisipan kong i-post dito kahit na wala po akong nakuhang authorization. Wala
po naman kasing nakalagas na Author kaya, kung sino man ang original na sumulat
ng kwentong ito ay humihingi ako ng paumanhin dahil sa pag-publish ko sa Blog
na ito na wala ang iyong pahintulot.
Nabasa ko rin ang Ninong Story at palagay ko ay
Sequel ito ng kwentong ito.
Maring salamat
-----o0o-----
(Part 10) The Ending
“Gising na.
Gising na. Tanghali na,” ang mga katagang gumising sa amin mula kay Raul.
Nabigla kaming dalawa ni Ron dahil pareho kaming
wala pa rin saplot. Tanging kumot ang bumabalot sa ibabang parte ng aming
katawan ni Ron.
“Grabe yata ang ginawa nyo kagabi. Nakailang
putok ba kayo?” ang pang-aasar ni Raul sa aming dalawa ni Ron.
Bakas sa mukha ni Ron ang pagkapahiya sa nadatnan
ni Raul na ayos naming dalawa. Obvious na obvious na nagtalik kaming dalawa
bago kami nakatulog.
“Salamat bayaw ah,” ang ibinulong ko kay Raul ng
ako ay bumangon.
Tumango lamang si Raul.
“O ikaw. Hindi ka pa ba babangon? Nahihiya ka ba
sa ayos mong yan? Na-devirginized ka na ni bayaw at ilang beses ko ng nakita yan.
Wala ka ng maitatago sa akin,” ang biro ni Raul kay Ron.
Iniabot ko ang boxer shorts ni Ron. Bumangon siya
at agad isinuot ito.
“Ang sweet nyo naman,” ang biro na naman ni Raul
sa amin. “Bagay na bagay kayo,” ang dugtong pa niya.
Nakisakay naman ako sa biro ni Raul.
“Sweet ba kami? Bagay na bagay ba kami?” ang biro
ko naman habang nakayapos ako kay Ron.
Habang nakayakap ako sa kanya ay muli ko siyang
hinalikan sa kanyang mga labi sa harap mismo ni Raul. Mukhang nakisakay din sa
Ron dahil hindi siya tumanggi sa aking paghalik sa kanya.
“Tara na at baka langgamin kayong dalawa. Gutom
lang yan. Tara na at ng makapag-almusal na kayo,” ang alok sa amin ni Raul.
Kahit nakukuhang magbiro ni Raul ng ganoon ay
nararamdaman ko na medyo nagseselos siya sa kanyang kasamahang si Ron. Aminado
naman si Raul sa nararamdaman niya sa akin. Subalit simula ng mamatay ang aking
misis ay nakaramdam ako ng pagiging guilty at itinanim ko sa aking sarili na
hinding-hindi na ako makikipagtalik sa mga kapatid ng aking misis.
Lumipas pa ang mga araw at palaki na ng palaki
ang aking anak. Si Raul ay ganoon pa rin ang pag-aaruga sa kanyang pamangkin at
syempre damay na rin ako sa pag-aaruga niyang iyon. Si Ron naman ay napalapit
na rin sa akin sa madalas niyang pagdalaw sa bahay na kung minsan ay nauuwi sa
aming pagtatalik. Marahil ay iyon na rin ang mas gusto ni Raul para sa akin ang
makagaanan ng loob si Ron na pumupuno sa sexual kong pangangailangan na hindi
ko na naulit gawin kay Raul simula ng mawala ang aking misis.
Alam naman ni Raul na sa tuwing magpapalipas ng
gabi sa aming bahay si Ron ay tiyak na may nangyayari sa amin. Pero kahit
minsan ay hindi niya ipinakita sa akin ang labis niyang pagseselos kay Ron.
Marahil ay nahalata iyon ni Ron dahil nga lagi silang magkasama. Isang araw ay
lihim na gumawa ng paraan si Ron upang makapag-usap kami na hindi alam ni Raul.
Nag-sick-leave si Ron at ako naman ay nagpaalam sa opisina upang mag-half day
lang ng araw na iyon. Sa isang restaurant kami nagkita ni Ron.
“Pare, wala ka bang napupuna sa mga kinikilos ni
Raul lately?” ang tanong ni Ron sa akin.
“Wala naman. Mukhang maayos naman ang benta
ninyo,” ang tugon ko naman.
“Hindi doon. Ang tungkol sa inyong dalawa,” ang
nasabi naman ni Ron.
“Eh anong tungkol sa aming dalawa?” ang tanong ko
naman.
“Talagang mahal ka ng bayaw mo. Alam ko
nasasaktan na siya sa ating ginagawa. Kahit na siya mismo ang nakiusap sa akin
na ipagpatuloy ko lamang ang paminsan-minsang pakikipagtalik ko sa iyo,” ang
nasabi pa ni Ron.
“Okey naman pala sa kanya ang ginagawa natin eh.
Anong problema doon?” ang tanong ko na naman.
“Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman na
nasaksaktan siya. Ewan ko pare. Pero yun ang pakiramdam ko ngayon,” ang dugtong
pa ni Ron.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko na
naman.
“Hindi ka mahirap mahalin. Mabait ka kasi. Shit.
I’m also falling in love with you pare. Ayaw ko ng ganitong feelings. Natutuhan
na kitang mahalin. Pero alam ko rin na mas mahal ka pa rin ni Raul. Unti-unti
ko ng nararamdaman ang sakit na nararamdaman din ni Raul. Yung bang hindi ka
naman minamahal ng taong minamahal mo. Oo nga nagtatalik tayo. Pero hindi ko
maramdaman ang pagmamahal mo,” ang nasabi ni Ron na labis kong ikinagulat.
“Ayaw ko ng magmahal. Lahat ng minamahal ko ay
nawawala sa akin. Masisisi nyo ba ako?” ang nasabi ko kay Ron.
“Ganun na lang ba iyon. Pilit mong susupilin ang
ano mang nararamdaman mo sa isang tao?” ang sumbat sa akin ni Ron.
“Akala nyo ba kayo lang ang nahihirapan. Masakit
din ito para sa akin. Pero kaya ko ang sakit na ito. Pero yung mawawala muli
ang taong pinakamamahal ko ay hindi ko na makakayanan. Lumaki ako sa mga bawal
na gawain. Kaya siguro ito ang parusa sa akin na dapat kong pasanin habang
buhay,” ang naisabi ko naman.
“Marami pa kayong hindi alam sa aking mga
pinagdaanan. Tama ka nga. Manhid na ako. Naging manhid ako dahil sa mga
naranasan kong sakit. Baka kung may darating pang matinding sakit sa aking buhay
ay hindi ko na makakayanan,” ang dugtong ko pa.
Hindi agad nakaimik si Ron dahil sa mga nasabi
ko. Halos maluha ako ng sabihin ko ang mga iyon. Napigilan ko pa rin ang aking
pagluha dahil alam kong nasa public place kami. Halos hindi rin namin nakain
ang inorder naming food. Matagal din kaming nanahimik. Si Ron ang unang pumukaw
ng katahimikan naming iyon.
“I’m sorry sa mga nasabi ko sa iyo. I am really
sorry,” ang nasabi na lamang ni Ron.
“It’s ok. Tama ka rin naman at nasabi mo iyon sa
akin,” ang tanging nasabi ko din.
“But I still believe that you deserve another
chance to love again. We all need love. To love and to be loved. Am I making
sense to you? Pasensya ka na. Magulo din ang iisipan ko tungkol sa love na
iyan,” ang dugtong pa ni Ron.
“I know. I just don’t have the courage right now,”
ang nasabi ko naman.
“It’s kinda silly. A straight guy falling in love
with you. Don’t know nga kung straight pa ako. Maybe not anymore kasi nga
nahulog na ang loob ko sa iyo. Pero I don’t think it’s too late to fight this
feeling. But for Raul, it’s getting deeper and deeper. Ikaw ang mundo ni Raul.
Lahat siguro ay gagawin nya para mapaligaya ka. Hindi mo ba nararamdaman yun?”
ang patuloy pa ni Ron.
“I’m sorry. I never thought that it would go this
far. Akala ko laro-laro lang ang ginagawa natin. Napapaligaya kita.
Napapaligaya mo rin ako. Minsan nararamdaman ko na nasasaktan si Raul. Pero
baka mali ako. Siya kasi ang nagtulak sa iyo upang pumatol sa akin,” ang nasabi
ko naman.
“Tama ka. Siya nga ang pasimuno sa mga nangyari
sa atin. Nagawa nya yun para mapaligaya ka. Dahil mahal na mahal ka niya. I
don’t know what kind of love is that. Hindi ko kaya yun. That’s a big sacrifice.
So I think it’s time for you to think about it. Kahit alam mo na ang feelings
ko sa iyo, I believe you deserve Raul,” ang dugtong pa ni Ron.
Muli kaming nanahimik na dalawa. Di nagtagal ay
tinawag na namin ang waiter upang bayaran ang aming inorder. Umuwi akong
dala-dala pa rin ang mga nasabi sa akin ni Ron. Malaki na ang sakripisyo sa
akin ni Raul pero hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Manhid nga
ako. Nagbubulag-bulagan. Nagsisinungaling sa sarili ko. Noon pa man ay
nagkaroon na ng puwang sa puso ko si Raul. Pero pilit kong sinusupil ang
damdamin kong ito. Siguro nga panahon na upang harapin ang tunay kong damdamin
na wala ng takot kung ano man ang mangyari sa hinaharap. Kaya naman isang gabi
ng tulog na ang aking anak ay pinuntahan ko si Raul sa kanyang silid.
“Gising ka pa ba?” ang tanong ko kay Raul habang
kumakatok sa pinto.
“Oo kuya. Nagbabasa lang ako ng pocketbook. Pasok
ka,” ang tugon ni Raul habang binubuksan niya ang pintuan.
Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan.
“Kumusta ka na Raul?” ang tanong ko sa kanya.
“Akala ko naman kung ano ang itatanong mo kuya.
Syempre okey lang ako. Maayos pa rin akong bumenta,” ang tugon naman ni Raul.
“Salamat pala sa pag-aaruga mo sa aking anak?”
ang pagpapasalamat ko sa kanya.
“Kuya naman. Syempre pamangkin ko iyon. Responsibilidad
ko rin na alagaan siya,” ang nasabi naman ni Raul.
“Salamat din sa pag-aaruga mo sa akin,” ang
pagpapasalamat kong muli sa kanya.
“Ang corny mo naman kuya. Ano bang nakain mo?
Alam ko na. Hindi kasi ako ang nagluto ng hapunan natin kaya siguro ganyan ka
ngayon. Sobrang seryoso mo yata,” ang nasabi pa ni Raul.
“Patawarin mo ako kung nagbulag-bulagan ako.
Naging manhid,” ang seryoso kong nasabi sa kanya.
“Ano bang sinasabi mo dyan kuya? Hindi kita
maintindihan,” ang nasabi naman ni Raul.
“Sana noon ko pa inamin ito sa iyo ng hindi ka na
nasaktan pa ng labis,” ang nasabi ko sa kanya.
“Kuya, lalo yatang hindi ko maintindihan ang
sinasabi mo,” ang nasabi naman ni Raul.
“Isang tanong, isang sagot. Do you still love
me?” ang tanong ko sa kanya.
“Kuya naman……” ang tanging nasabi sa akin ni
Raul.
“Do you love me?” ang tanong ko muli.
Halos mamutla si Raul at hindi makasagot sa aking
tanong. Natagalan pa bago siya sumagot.
“Gusto mong malaman ang totoo. Oo kuya, mahal na
mahal kita. Noon pa mang una tayong nagkakilala minahal na kita. Alam mo naman
yun kuya. Kaya lang naiintindihan kita kung bakit hindi mo tinatanggap ang
pagmamahal ko sa iyo. Kung hindi mo ako kayang mahalin, okey na sa akin na ako
na lamang ang magmamahal sa iyo. Huwag lang akong malayo sa piling mo. Nagtapat
na sa akin si Ron. Pati sya nahulog na rin ang loob sa iyo. Bagay naman kayo at
boto ako kay Ron. Mabait at syempre gwapo pa. Okey na okey sa akin kung
magiging kayo ni Ron,” ang pag-amin sa akin ni Raul.
“Ssssssshhhhhhhhhhh…………. Huwag na natin guluhin
ang buhay ni Ron. Nagkausap na rin kami. Ikaw ang mahal ko at pakamamahalin
habang buhay,” ang nasabi ko kay Raul.
Hindi napigilan ni Raul ang pagluha dahil sa
kanyang narinig. Pumatak din ang mga luha galing sa aking mga mata. Niyapos ko
sa Raul at muli ko siyang sinabihan na ‘I love you, bayaw’.
- W
A K A S -
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento