Bakasyon ni Kenneth –
One Year After - Proloque
Credits to the Real
Author
(From :Dying Stranger}
(Published: April 26,
2011)
Matapos ang apat na taong pag-aaral ay sa wakas natapos na ni
Kenneth ang kanyang high school. Naging actibo si Kenneth sa taong ito at
nagkaroon sya ng mga parangal sa kanyang paaralan. Natapos niya ang kanyang
high school bilang second honorable mention sa kanyang batch, not bad since
hindi naman sya ganoon katalino talagang sinipagan nya lang ang kanyang
pag-aaral sa kanyang huling taon.
Mag-iisang taon na rin ng nagbakasyon sya sa probisya nila ni
Bobet. Wala silang communication ni Bobet, ni text o mensahe man lang sa email
ay wala syang natanggap mula rito. Kahit sa tingin nya ay kinalimutan na sya ng
lalakeng kanyang minahal ay patuloy na naalala ni Kenneth ang mga nangyari sa
kanila. Panahon na naman ng bakasyon pero walang panahon si Kenneth para
maglibang dahil pinaghahandaan nito ang entrance exam sa kolehiyo at hindi na
muna nya inisip na bumalik sa probinsya ni
Bobet.
Summer na naman ngunit Isang maulan na umaga ang bumungad sa ating bida. Inayos ni Kenneth ang
kanyang higaan at tumuloy ito sa banyo para maligo. Siya lang ang nasa bahay
nila ngayon, ang kanyang tatay ay nasa isang wood craft convention sa may Visayas
habang ang kanyang nanay ay wala tuwing umaga dahil na rin kasama siya na
nagpapatakbo ng business nila at nagmamanage ng store nila sa mall kaya parang
napakatahimik sa malaki nilang bahay noon.
Nakahanda na ang pagkain sa mesa at sya na lang ang bahala sa
sarili nya. Ganito ang buhay ni Kenneth
habang nasa Maynila at nasanay na siya rito. Narinig nya ang doorbell na
tumunog pero hindi nya ito pinansin, sa isip nya ay baka ang kartero lamang
iyon at may inihatid na sulat. Ilang sandali pa ay tumunog uli ito. Tangay ang
hotdog sa tinidor ay tinungo ni Kenneth ang gate para tignan kung sino ito.
Medyo may kataasan ang kanilang gate kaya kapag nasa loob ka ay hindi mo makikita
ang nasa labas maliban na lamang kung ito ay iyong pagbubuksan.
RRRRIIIINNNNGGGG!!! Tumunog ang cellphone ni Kenneth, tumatawag
ang kanyang nanay. Sinagot nya ito habang binubuksan nya ang gate. Pagkabukas niya
ng gate ay nagulat sya sa kanyang nasaksihan. Dahil sa hindi niya inaasahan. Ang
nangyari ay nabitawan niya ang tinidor na hawak habang nasa bibig pa nya at
subo ang kinakaing hotdog.
"Anak, paparating dyan si Bobet ngayon, yung anak ng Tito
Mike mo, yung pinagbakasyonan mo last year. Makikitira muna siya sa atin since
bakasyon naman. Maigi na rin yan para may kasama ka d’yan sa bahay ngayong
bakasyon," paliwanag ng kanyang ina mula sa cellphone nya. "Hello?
Anak? Andyan ka pa ba? Kenneth naririnig
mo ba ako?"
Walang masabi si Kenneth dahil nasa harap na niya ngayon si
Bobet na nakangisi sa kanya, tangay ang kanyang mga bagahe. Ang taong matagal
na nyang gustong muling makita, ang lalakeng tangi niyang inibig at tanging
inasam ng buong isang taon. Ngayon ito naman ang nagbabakasyon sa kanilang
bahay.
"O ano?" sabi ni Bobet. "Alam kong namiss mo ako
pero bago ka matuluyang maging bato dyan ay tulungan mo na muna ako. Isubu mo
na ng tuluyan yang hotdog, Di mo ba ako patutuluyin?"
Ito ang simula ng panibagong pahina sa kwento ni Kenneth at
Bobet. Ngayong si Bobet naman ang nagbakasyon sa Maynila, ano-ano kaya ang mga
susunod na mangyayari sa kanilang dalawa ni Kenneth? Tutukan ang mga sumusunod
na pangyayari.
…..Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento